Free Essay

Teenage Pregnancy

In:

Submitted By RenzelH
Words 3480
Pages 14
Departamento ng Wikang Filipino
Kolehiyo ng Arte at Literatura
Bulacan State University
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Ang Dalumat ng mga Batang Ina sa screenplay na “Katorse” ni Toto Belano

Ipinasa ni: Christien Renzel C. Haldos BAMP-4A Ipinasa kay: Bb.Maricristh Magaling

Ang Dalumat ng mga Batang Ina sa screenplay na “Katorse” ni Toto Belano
Isa sa pinakamalaking problema na kinakaharap ng ating bansa ay ang mabilis na paglobo ng populasyon. Isa sa mga nakikitang sanhi ay ang maagang pagbubuntis. Mga “batang Ina” kung tawagin ng lipunan. Marahil sa pagsusumikap na makaraos sa sariling problema kung kaya't tinatakbuhan ang pagkamausisa o curiosity, udyok ng kasamahan, pagrerebelde sa magulang, o talagang bugso lang ng damdamin na nagiging sanhi ng masidhing pampalit sa panandaliang kaligayahan.
Kabilang ako sa mga nabuntis ng maaga. Binuhay ng pangarap para sa kinabukasan ko at para sa mga magulang ko. Mayroon kaming tipikal na buhay. Mga kamag anak sa ibang bansa na kahit paano'y tumutulong sa mga magulang ko ukol sa buwanan naming gastusin. Ang mga magulang ko ay manggagawa sa ilalim ng gobyerno na kagaya ng pangkaraniwang tao ay mayroon ding minimum range ng sweldo. Kumbaga nakakaraos rin naman sa araw-araw na pamumuhay, minsan sobra, madalas ay sapat lang.
Nasa ikatlong taon ako ng kolehiyo. Dahan-dahan kong inaakyat ang bawat baitang ng hagdan para abutin ang mga pangarap ko. Hangga sa isang araw, delayed ang period ko. Tamang hinala ako at bumuhos ang mga luha ko noong nasilayan ko ang dalawang linyang nagrerepresintang positibo ang pagbubuntis ko. Pakiramdam ko ay sira na ang lahat, buong buhay ko. Sa totoo lang ay kaya ko namang harapin ang lahat, takot lang ako sa mga mata ng lipunan sa huhusga sa akin ukol sa hinaharap kong problema.
Hanggang sa tinanggap ko na ang nangyari, pati na rin ang mga magulang ko ay walang nagawa kung hindi tanggapin ako. Sa paglipas ng araw, may mga tanong sa isipan ko kung kailan kaya matatanggap ng lipunan ang problemang pagiging isang batang ina na nangyayari sa akin, sa amin.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit sa dirami-rami ng katulad ko, bawat bagong batang ina sa lugar ay tila nagiging tampulan ng panghuhusga at tsismis. Marahil ay hindi naman talaga katanggap tanggap ngunit bakit hindi natin baguhin ang nakasanayan na imbis na pasakita at husgahan ang mga batang ina ay saluduhan at suportahan sila, hindi upang kunsintihin o para ulit-ilitin ang pangyayari kung hindi para gawin itong inspirasyon at kalakasan.
Layunin ng pag-aaral na ito na sipatin ang pagdadalumat o kung paano binigyan kahulugan ang mga batang Ina sa akdang “Katorse” ni Toto Belano. Sinaliksik hindi lamang ang mismong kalagayan ng mga pangunahing karakter kundi maging ang paglalarawan ng manunulat sa mga ito. Sentro ng pag-aaral na ito ang walang katapusang diskriminasyong nararanasan ng mga batang Ina. Hindi naman lingid sa atin na kapag nakakita ng buntis na menor de edad ay hindi nawawala ang prejudices. Hahanapin ng pag-aaral na ito ang ugat o ang pinagmulan dahilan kung bakit minamata ng lipunan ang mga babaeng nabuntis nang maaga.
Ilang Tala Tungkol sa Awtor Si Toto Belano ay kilala bilang isang primyadong manunulat simula noong taong 1970’s. Humigit kumulang na nasa apat na pu’t lima na screenplay ang naisulat niya. Noong kasagsagnan ng kaniyang karera, kilala siya bilang isang magaling na manunulat ng mga erotikang pelikula. Isa sa kaniyang mga naisulat ay ang Temptation Island, Underage na isang serye rin sa telebisyon, No Other Love, at maging ang Anak na tampok noong 1982. Hanggang sa ngayon, marami rin siyang mga panulat na inirerebisa ng mga bagong manunulat sa industriya dahil sa hindi matatawang galing ng konsepto ng kanyang mga akda. Konteksto
Simula noong 1980 hanggang 1990 naitala na tuluyan ng lumalaki ang populasyon ng mga batang ina. Nais ng gobyerno na magbigay ng sex education sa mga mag-aaral ng buong bansa upang maiwasan o huminto na ang paglaki ng ganitong mga kaso. Hindi naman lingid sa kanila na ang mga ganitong bagay ay hindi na mapupuksa ngunit itinitulak na maiwasan (Concepcion, 2000).
Isa sa sampung dalagang Pilipino na may edad labingdalawa hanggang labingsiyam na taong gulang ay isang ganap ng ina. Dalawang porsyento sa sampu ay magiging ina pa lang.
Labingtatlong milyong babae sa iba’t ibang parte ng bansa ang nabubuntis sa edad 20 pababa taun-taon. Dahil dito, malawakang kampanya ang ginagawa ng mga gobyerno upang ibaba ang bilang ng kaso ng teenage pregnancy. Sa datos noong 2009, halos 3.6 milyon ang naitalang batang ina sa bansa. Sa katunayan, pito sa sampung buntis na babae ay hindi bababa sa 19 ang edad.
Ang ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng mga batang ina. Sa Pilipinas, malaking porsyento ng mga kabataang maagang nabubuntis ay nabibilang sa low-income generating group. Dahil wala pa sa hustong gulang, karamihan sa mga kabataang maagang nabubuntis ay hindi nagpapakasal. Napipilitan din silang tumigil sa pag-aaral hanggang makapanganak. Ngunit, marami sa kanila ang tuluyan nang humihinto sa pag-aaral upang magtrabaho.
Ang lumalaking bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis ay sinasabing sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Ang lumulobong populasyon at kawalan o limitadong kakayahan ng mga kabataan na suportahan ang kanilang mga anak ay isa sa mga nagiging dahilan ng lumalalang kahirapan sa bansa. Sa madaling sabi, mas maraming maagang nabubuntis, mas tumataas ang antas ng kahirapan (Recide, 2014).
May mga ilang dokyumentaryo ang nakatulong upang buuin ang pag-aaral na ito. Ilan na rin dito ang I Witness na mayroon iba’t ibang episode kagaya ng “Nanay na si Nene”, “Musmos pa si Mama”, at “Mga Dalagita ng Sapang Kawayan”.
Ang episode na “Nanay na si Nene” ay nagpopokus sa isang labingapat nataong gulang na nagdadalaga pa lang ngunit nabuntis na. Isang tambay umano ang nakabuntis sa dalagita. Isinalaysay sa dokyumentaryo na ito na ang edad ng dalagitang nabuntis rito ay hindi pa handa ang emosyonal na aspeto ng kanyang pag-iisip. Para bang isa pa rin siyang batang nakikipaglaro sa kanyang mga kapatid. Jackstone, barbie, at luto-lutuan. Ang kanyang pagkabuntis ng maaga ay tila ninakaw ang kamusmusan na dapat ay sinasalubong pa lang niya. Ang ikalawa naman ay ang “Musmos pa si Mama.” Ipinakita sa episode na ito kung gaano naging mahirap ang buhay ig isang musmos na pamilya. Ang knilang padre de pamilya ay labingsiyam na taong gulang lang at ang ilaw ng kanilang tahanan ay labingwalong taong gulang naman. Mayroon silang kambal na anak, naging mas mahirap ang kanilang buhay dahil dalawang supling ay kinakailangan nilang buhay at pagatasin araw-araw. Isang kahig, isang tuka ang nagiging buhay nila. Araw-araw ay problema nila kung saan nga ba sila mangungutang ng pampagatas sa kanilang kambal na anak. May halo mang pagsisisi habal sila ay iniinterbyu, wala naming magawa ang dalawa kundi tugunan ang kanilang pananagutan. Ikatlo, ay ang “Mga Dalagita sa Sapang Kawayan.” Isang baryo na tila namumutiktik ang mga kadalagahan na nabubuntis ng mas maaga pa sa inaasahan. Naglalaro ang kanilang mga edad sa labingtatlo hanggang labinganim na taong gulang. Tulad ng mga naunang episode, ipinakita rito kung paano ang paghahanda na ginagawa nila ukol sa pagiging magulang. Mga musmos man kung ituturing ngunit pare-parehong walang magawa dahil alam naman mismo nila sa kanilang mga sarili na sila ang dahilan kung bakit sila nasa ganoong sitwasyon.
Pisikal, emosyonal, pinansyal. Mga ilang aspeto sa buhay ng isang magiging batang ina na dapat niyang bigyan ng konsiderasyon. Pinapakita ng mga nasabing dokyumentaryo na tila ang pagiging isang batang ina ay laro lang kung ituring ng nakakarami ngunit sa paglipas ng araw at paglalim ng panahon ay mas nagiging mahirap ang gampanin ng mga ito – sa kanilang mga supling at magiging pamilya. Mga simpleng bagay kung titignan sa ating lipunan ngunit sa mga kagaya naming mga isang batang mga magulang, isang malaking hamon sa amin kung paano iraraos ang aming mga anak upang hindi sila matulog ng gutom at para na rin maibigay namin ang kanilang sapat na pangangailangan. Hindi lang pangmamata ng lipunan ang pinagdadaanan ng katulad kong batang ina, ang pinansyal na aspeto ng isang batang magulang ay hindi pa sapat upang bumuhay ng isang pamilya ngunit hindi na maaring talikuran bagkus ay dapat harapin.

“Hanggang sa ang bata ay hindi na bata kundi ama, o ina. Ano ang ituuro niya ngayon sa kanyang mga anak? Lahat ng dapat niyang matutuhan ngayon pa lang, hindi pagkamasunurin at pagkakimi, kundi pagkibo pag may sasabihin at paglaban pag kailangan. Lahat ng panahon ay hindi panahon ng mga takot at pagtitmpi; lahat ng panahon ay panahon ng pagpapasiya” (Bautista, 1991, pahina 45). Ang akda ni Lualhati Bautista na pinamagatang Bata, Bata.. Paano ka ginawa? Bagamat ang bidang karakter sa nobelang ito na si Lea ay hindi naman isang bata, ipinakita naman rito kung ano ang mga bagay na maaring kaharapin ng isang batang ina na hindi pinanagutan ng ama ng kanyang anak. Isa itong malaking posibilidad sa makabagong henerasyon dahil hindi naman lahat ng batang ina ay pinanagutan ng mga nakakabuntis sa knila. Mga responsibilidad na dapat nilang solohin dahil wala naman silang pagpipiliian.
Sa sampung mga batang ina, pito lang sa kanila ang nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng isang buong pamilya (Recide, 2014). Realidad na ng buhay na sa panahon ngayon, kailangan ng magpakatotoo ng mga tao. Hindi lahat ng lalaki ay kayang lumunok ng responsibilidad kaya naman ilang batang ina rin ang nagtataguyod mag-isa sa kanilang mga supling. Bagamat may pamilya silang sumusuporta sa kanila ay hindi pa rin lingid na ang ama ng kanilang anak ang dapat na gumagawa noon.
Ang pagsalo ng responsibilidad at pananagutan ng lalaki ay isang malaking bagay para sa mga batang ina. Sa aking isinagawang panayam, isang malaking puntos at datos ang bagay na ito.

Buod Sa taong 1980 nailabas ang screenplay na pinamagatang Katorse sa panulat ni Toto Belano. Ang bidang karakter sa nasabing akda ay si Nene. Isang katorse anyos na dalagita at ginagalugad ang mundo ng pagkadalaga. Namulat sa isang buhay na hindi karangyaan ngunit pinuno naman ng kanyang ina na si Nena ng pagmamahal. Nagsimula ang unang tagpo habang naglalaro si Nene ng chinese garter kasama ang kanyang mga kaibigan. Napansin niya na ang isang kaibigan ay nasa isang sulok lamang at hindi nakikisali sa kanila. Bagamat ay mga inosente, napunta sila sa usapan tungkol sa pagiging dalaga. Ang kaibigan niya ay pinagbawalan na raw ng nanay niya nag sumali sa mga ganoong klaseng paglalaro pati na rin ang pag-babike dahil maaring mapunit raw ang hymen niya. Isang tanong na kumiliti sa isipan ni Nene. Ano nga ba ang hymen? Kung sisipatin, ang itsura ni Nene ay para bang hindi katorse anyos dahil sa kanyang tangkad at porma ng katawan ay mukha siyang disi otso anyos. Tampulan si Nene ng mga pagiging ligawin ng mga kaedad niyang lalaki sa kanilang lugar. Maging ang mga lalaking nakakatanda sa kanya ay nagkakakaroon rin ng interes sa kanya kahit paano. Ang sumunod na tagpo naman ay ang pangungumbinsi ng amo nila Nena sa kanya upang kunin si Nene bilang Reyna Elena sa darating na Santa Cruzan. Ang mga Arcanghel ang may-ari ng palayan na pinagsasakahan ng nanay ni Nene na si Nena kung kaya’t hirap itong tumanggi.
Sa kabilang dako, si Gabby ang tagapagmana naman ng mga Arcanghel ay tutol sa plano ng kanyang mga magulang na umuwi sa kanilang probinsya sa darating na summer. Sa Maynila na kasi lumaki ang magkapatid na Gabby at Albert kung kaya’t hindi ganoon kagaan sa kanila na manatili sa probinsya ng ilang buwan.
Dumating ang oras ng pag-uwi ng mga Arcanghel sa kanilang probinsya. Tuwang-tuwa si Nene dahil hindi niya makalimutan kung paano nangako si Gabby sa kanya noong mga bata pa sila. Ang pangako nitong papakasalan siya sa tamang panahon. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Nene na maaring magbago ‘yon at nakalimutan na siya ng binata. Sa kabilang banda, umaasa pa rin si Nene na tutuparin ni Gabby ang pangako.
Simula noong Santa Cruzan ay para bang nabighani si Gabby kay Nene. Nakalimutan ang buhay sa Maynila at nagpalipas ng panahon kay Nene. Matapos ang Santa Cruzan. Niyaya ni Gabby si Nene na mamasyal kahit na dis oras na ng gabi. Napadpad sila sa isang bakanteng kubo sa palayan. May pangamba man ngunit tumuloy pa rin si Nene sa agos ng damdamin para kay Gabby. Sa parehong gabi ay may nangyari sa dalawa. Ibinigay ni Nene ang sarili sa kaibigan. Umaasang mapapalitan nito ang pagmamahal na handa niyang ialay para sa binata.
Matapos ang gabing ‘yon, patuloy ang panunuyo ni Gabby kay Nene dagilan upang mas lalong umasa ang dalaga. Araw-araw magkasama ang dalawa hanggang umabot sa puntong naghihinala na ang kani-kaniyang mga magulang kung may relasyon ba ang dalawa.
Sa isang tagpo, napagalaman ng nanay ni Nene na hindi ito nireregla muli. Nagkaroon ng pagsusuka, pagkahilo ang dalaga. Hindi rin siya pamilyar sa mga ganitong sintomas ngunit ang kanyang nanay ay naghihinala na. Dinala ni Nena ang anak sa center upang mapatignan.
Inamin ng pamilya ni Nene sa mga Arcanghel ang nangyari. Nagulantang naman ang buong mansyon sa balita. Si Gabby ay itinanggi ang nangyari at pinipilit na wala siyang interes sa dalaga. Upang hindi masira ang pangalan ng mga Arcanghel, pinanagutan na nila ang nangyari kay Nene. Kinuha ang dalaga at itinira sa puder nila.
Naging tampulan ng tsismis at panghuhusga si Nene. Bawat araw ay pinagtitinginan siya ng mga kapwa magsasaka ng nanay. Maging ang mga kaklase niya ay palagi siyang pinag-uusapan. Huminto muna siya sa pag-aaral hanggang sa manganak. Nagsasama man sila ni Gabby ay nahahalata naman ni Nene na wala itong pagmamahal sa kanya.
Hirap na nakikisama si Nene sa pamilyang Arcanghel ngunit wala siyang magawa dahil ng oras na ‘yon ay umaasa pa rin siyang mamahalin siya ng ama ng kanyang anak. Kahit nahihiya ay nilulunok nito ang lahat ng masasakit at mapanghusgang paratang ng mga tao sa paligid maging ng iba niyang in-laws.
Nanganak si Nene at patuloy pa rin silang nagsasama ni Gabby. Nakilala ni Nene si Jojo na tila tanggap nito ang kalagayan ng dalaga. Kahit na isang batang ina si Nene ay nagpakita pa rin ito ng interes sa dalaga. Nag-aaral si Nene sa Maynila at nadiskubre ni Gabby na nanliligaw si Jojo sa kanya, dahilan upang magalit ito. Nakipagkompitensya siya kay Jojo at nanibago si Nene. Gayunpaman, pagod na rin si Nene na ipagpilitan ang sarili kay Gabby dahil na rin sa pananakit nito sa kanya habang sila’y nagsasama.
Inako ni Jojo ang responsibilidad ni Gabby sa anak nila ni Nene na si baby Tommy. Hinamon sila ni Gabby ngunit hindi ito alam ng kanilang mga magulang sa probinsya. Galit at paghihimutok naman ang nararamdaman ng nanay ni Jojo dahil ang akala niya ay pineperahan lamang ni Nene ang anak.
Pinaglaban nila Jojo at Nene ang kanilang pagmamahalan. Pinanidigan ni Jojo ang anak ni Nene kahit na ipinagtabuyan na siya ng kanyang nanay. Laking galit naman ng mga magulang ni Nene at Gabby sa nangyari dahil pinabayaan ni Gabby ang mag-ina niya.
Sa huli, nagpakasal sina Jojo at Nene. Tuluyan ng inako ni Jojo ang responsibilidad kay baby Tommy. Galit naman at may poot sa pusong tinanggap ni Gabby ang nangyari dahil hindi niya nakuha ang gusto niya. Nagmukhang talunan sa mata ng nakararami dahil sa ginawang kawalang-hiyaan sa kanyang mag-ina.
Pagsusuri
Pinapakita sa screenplay na “Katorse” ang pagtalon ng isang musmos na dalagita sa pagiging isang ganap na dalaga. Hindi basehan ang pagkakaroon ng regla para masabing isang dalaga ang babae. Nasa kilos, pagkakaroon ng kamalayan sa kapaligiran, at sapat na kaalaman tungkol sa pagiging babae. Ipinakita dito kung paano nagmadali ang bidang karakter na si Nene upang maging isang dalaga. Pinagsaluhan nila ni Gabby ang pagtaboy ng kamus-musan sa kanilang mga katawan. Sa paglipas ng oras, natuklasan nilang nagdadalang tao si Nene. Bagamat tinanggap ng mga magulang nila ay hindi naman maiiwasan na maging isang malaking usapin ang pangyayari. Bukod sa may pangalan ang pamilya ng binata na si Gabby ay hindi naman lingid na hindi pantay ang estado ng buhay ng dalawa. Ang pag-aasawa ng maaga ay hindi nagbibigay ng kasiguraduhan na magkakaroon ka na ng kabiyak hanggang sa huli. Pinatunayan ng “Katorse” na hindi sapat na dahilan ang pagkakaroon ng anak. Sa kaso nila Nene at Gabby, hindi nagtagumpay ang kanilang samahan at mas lalo pang hindi nagkasundo sa mga pangyayari. Hindi lahat ng batang ina ay pinapangutan ng mga nakakabuntis sa kanila, ay iba’y masayang nabubuhay kasama ang nabuo nilang munting pamilya. Ang ilan nama’y sawi at hinaharap mag-isa ang responsibilidad at mga gampanin sa kanyang anak, nanatiling isang batang ina na walang katuwang. Mayroon namang nagsasama ngunit hindi magkasundo at patuloy lang nasisira ang kani-kaniyang mga buhay katulad na lang ng kaso nila Nene at Gabby. Pinapakita ng “Katorse” na ang nilalarawan ang mga batang ina noong mga taong 1980 na hindi magandang halimbawa para sa mga kabataan lalo na sa mga kababaihan. Mga magulang na itinatatak sa isipan ng kanilang mga anak na ang pagiging isang batang ina ay isang moral na kasalanan. Hindi lamang ang mga batang ina pati na rin ang mga magulang ng mga ito. Nagkakaroon ng repleksyon ang bawat kilos at gampanin ng isang dalaga o binata sa kanilang magulang. Sa ganitong edad, nagiging isang malaking pagsubok sa mga magulang kung paano ba nila ihahatid ang mga sa tamang daan. Sa huli, walang ibang makakapili ng desisyon kung hindi ang kanilang mga sarili lamang.
Isang makabagong serye naman ang maihahalintulad ko sa susuriin kong akda na “Katorse” ay ang “Bagito.”
"Akala nila noong naging ama na ako, nasira na ang buhay ko. Hindi nila alam ito ang naging daan para maging mas upang maging mas matapang pa ako upang harapin pa ang mga hamon sa buhay. Sa totoo lang ang pagiging batang ama ang bumuo ng buong pagkatao ko" (Aralar, 2015).
Sa taong 1980 naging usapin ang screenplay na “Katorse” kung saan ang bidang karakter ay maagang hinarap ang pagiging isang batang ina. Panibagong pahina ng kanyang buhay kung saan kailangan niyang harapin ang lahat ng panghuhusga at pangmamata ng mga tao sa kanya. Katulad ng bidang karakter na si Drew sa seryeng “Bagito.” Magkaiba man ng kasarian ay magkatulad naman ng pinagdadaanan. Si Drew ay isang hayskul student na nakabuntis ng isang kolehiyala. Malayo man ang edad ay parehong wala pa rin sa hustong gulang. Siya ay nag-aaral sa isang pribadong eskuwelahan kung saan ang pagbubuntis ng maaga ay isang sensitibong isyu. Bagamat naging isang malaking usapin ang kanyang sitwasyon sa knilang buong eskuwelhan ay ipinaglaban pa rin niya ang kanyang karapatan bilang isang mag-aaral. Sa kasalukuyang panahon, usong-uso na ang facebook, twitter, at cellphone, mas napapabilis na ang pagkalat ng mga ganitong usapin kung kaya’t pati sa ibang lugar ay kumalat na rin ang sitwasyon ng binatilyo. Ang seryeng ito ay inilibas ngayong taon, 2015 hanggang sa kasalukuyan. Pinapatunayan lamang nito na ang sitwasyon ng pagiging isang batang ina o ama noong taong 1980 hanggang sa kasalukuyang taon ay walang pagbabago.
Konklusyon
Napatunayan ng pag-aaral na ito na simula noong taong 1980 hanggang sa kasalukuyang taon ay mayroong parehong pagtingin sa mga batang ina maging sa mga batang ama. Iisang representansyon na ang mga maagang nabubuntis at nakakabuntis ay isang masamang halimbawa sa lipunan, mga kababaihan, lalong lalo na sa mga kabataan. Napapanahon ang paksa na ito dahil sa ngayon ay mas kailangang imulat ang mga kabataan sa mga posibilidad at maaring kaharapin nila kapag pumasok sila sa buhay ng isang pagiging batang magulang. Nais ng pag-aaral na ito na maging banta at alarma ang kinakaharap ng ating lipunan na paglobo ng populasyon tungkol sa mga nagdadalang tao ng maaga.

SANGGUNIAN Rivera, F. (1998). Dito Tayo (Scriptwriting Manual). Pasig City. Anvil Publishing Inc.
Bautista, L. (1991). Bata, Bata... Pa’no Ka Ginawa?. Mandaluyong City: Cacho Publishing House
Aralar, M. & Suarez E. (Prodyuser), & Diaz, O. & Saguin, J. (Direktor). (2015-present). Bagito [TV Series] Quezon City: Dreamescape Entertainment TV
Aguinaldo, S. (Prodyuser). (2008) iWitness: Nanay na si Nene [Dokyumentaryo]. Quezon City: GMA Network Probe Productions Inc.
David, K. (Prodyuser). (2011) iWitness: Musmos pa si Mama [Dokyumentaryo]. Quezon City: GMA Network Probe Productions Inc.
David, K. (Prodyuser). (2011) iWitness: Mga Dalagita ng Sapang Kawayan [Dokyumentaryo]. Quezon City: GMA Network Probe Productions Inc. Concepcion, A. (2000, August 10) Batang Ina: Malala na ba? Philippine Star, pahina 4
Recide, R. (2014). One in Ten Young Filipino Women Age 15 to 19 Is Already A Mother or Pregnant With First Child (Final Results from the 2013 National Demographic and Health Survey). Nakuha noong Agosto 28, 2014 mula sa Philippine Statistics Authority Website: http://census.gov.ph/content/one-ten-young-filipino-women-age-15-19-already- mother-or-pregnant-first-child-final-results

Similar Documents

Premium Essay

Teenage Pregnancy

...Adolescent pregnancy is considered as a pregnancy in a female who is less than 20 years of age at the end of the pregnancy. It can occur in a fertile female either at puberty before the occurrence of her first menstrual period, or after the first period. The first menstrual period in nourished girls occurs at around 12 or 13 years of age. Pregnant teenagers experience many issues similar to other women. However, there would be other medical issues for mothers under 15 years. Teenage mothers of ages 15 to19 face socioeconomic issues rather than biological issues. Underage pregnancies are associated with high biological risks such as anemia, premature labor, and low birth weight among others (Creatsas & Elsheikh, 2002). In countries that are developed, underage pregnancies are associated with social issues such as poverty, low education levels, and poor upbringing of children. Teenage pregnancies in these countries are normally outside marriage, and it bears a social stigma in the society. Some of the same reasons may apply in developing countries. However, in these countries there may also be other reasons such as early marriages. In poor areas of developing countries, early pregnancies may be followed by high risks due to factors such as malnutrition and poor health services. Teenage pregnancies exist in all societies. However, the levels of these pregnancies differ with countries. For example, the rate of teenage pregnancies in Netherlands is 12 pregnancies out of 1000...

Words: 2330 - Pages: 10

Premium Essay

The Effects of Teenage Pregnancy

...The Effects of Teenage Pregnancy Daniel E. Asante English Composition Strayer University North Charlotte Campus The Effect of Teenage Pregnancy Teenage pregnancy is a social problem that has existed for over a century and has always been a great concern to every nation due to the numerous adverse consequences it brings on both the economy and society at large. In the middle of the 70s, teenage pregnancy had reached an astronomical height that it was described as “epidemic” by the Alan Guttmacher Institute in a booklet entitled “11 Million Teenagers” which was widely circulated at the time (Gallagher, M., 1999). This, in fact, put pressure on Congress at the time to pass a bill that would increase family planning fund by hundred percent as a strategy to curtail teenage pregnancy “epidemic” (Gallagher, M., 1999). The rate of Teenage Pregnancy rose from 23.9 births per 1000 single female teenagers in 1975 to 31.4 in 1985, and to 46.4 in 1994. In the last part of the 90s, the rate had dropped by16 percent. For teenagers between 15 and 19 years, the rate of teen pregnancy had dropped by 36 per cent by 2002 and 33 per cent by 2004 (Gallagher, M., 1999). Until recent times, Teenage pregnancy was considered an abomination and a mockery to a family. It carried a stigma and a disgrace to the young mothers and their immediate families. The young mothers were often considered sinners and the children born out of wedlock were referred to as bastards or illegitimate. The horror...

Words: 1063 - Pages: 5

Premium Essay

Teenage Pregnancy

...TEENAGE PREGNANCY Introduction One should start by saying that teenage pregnancy is a complex and controversial social issue in the USA of teenage females getting pregnant. In the underdeveloped countries the practice of having teenage pregnancies is not unique but rather is usual since most women are expected to be married and have children before they turn 20. The problem for the society with teenage pregnancies is that teenagers are believed not to be ready emotionally and financially to raise their children even though they are indeed physiologically capable of producing offspring. Teenage girls when getting pregnant typically are involved in some form of school education and do depend on their parents and relatives at least to a certain degree. In most cases the father of the baby in teenage pregnancy is of similar age and thus is also financially and emotionally unprepared to raise a baby. Dependence on his parents is also the fact. Body Teenage pregnancy rates have gone up over the years. This is due to our exposure to sexual content on television and our lack of sexual orientation we give our kids or our parents give us. Teenage pregnancy has been labeled as a major social and health problem and has become a key policy area in several industrialized countries. In England, current policy aims to have teenage pregnancy rates for under-18s by 2010, and to reduce teenage parents’ risk of...

Words: 1896 - Pages: 8

Premium Essay

Teenage Pregnancy

...Teenage Pregnancy A Significant New Zealand Health Issue In the following assignment I will discuss the significance of teenage pregnancy, as a health issue, in New Zealand. This discussion will include the significance of the issue itself, and its impact on both infants and teenage mothers. I will consider this topic looking at populations in New Zealand and include international comparisons. In the last century there has been significant changes in family size, reproductive patterns and population dynamics. As shown by the New Zealand Health Information Statistics, when looking at births, it is apparent that New Zealand women now have fewer children, later in their lives, and many forgo parenting altogether (Statistics NZ , 2003). New Zealand is said to rate high in International comparisons for teenage pregnancy. However, most recently reports have indicated a drop in our teenage birth rates. Statistics New Zealand (2002) reported the birth rate for teenagers (aged under 20 years) dropped by 6.5 percent, from 27.7 per 1,000 in 2001 to a new low of 25.9 per 1,000 in 2002. The following table summarises these significant changes in birth patterns by age of mother over the past ten years. Distribution of Live Births by Age of Mother 1992 and 2002 Table 1. Statistics New Zealand Another recent report from the National Youth Health Survey...

Words: 2589 - Pages: 11

Premium Essay

Teenage Pregnancy

...reproductive health research, policy analysis, and public education, teenage pregnancy has adverse consequences for the parents, the child, and society. Pregnant teens are less likely to complete high school and attend college than teenagers who avoid pregnancy. Many teenage parents live below the poverty level and rely on welfare. The children of teenage parents receive inadequate medical care, have more problems in school, and spend more time in prison than children of adult parents. The National Campaign to Prevent Teen Pregnancy (NCPTP) claims that teenage childbearing costs society about $6.9 billion annually; this estimate includes welfare and food stamp benefits, medical care expenses, lost tax revenue (teenage childbearing affects the parents’ work patterns), incarceration expenses, and foster care. In an effort to reduce teenage pregnancy and the problems associated with it, policymakers have recently focused on what causes the widespread poverty and welfare dependence that teen moms experience and have attempted to devise solutions to these problems. Some social critics argue that because pregnancy limits a teenager’s opportunities for education and well-paying jobs, many are forced to accept welfare to support themselves and their children. Only 64 percent of teen moms graduate from high school or earn a general education diploma within two years after they would have graduated compared with 94 percent of teenage girls who do not give birth. This lack of education increases...

Words: 2551 - Pages: 11

Premium Essay

Teenage Pregnancy

...Teenage Pregnancy Unit Teenage pregnancy: an overview of the research evidence Introduction In 1999 the government’s ten-year national Teenage Pregnancy Strategy was launched. The main aims of the strategy are to: • Reduce the rate of teenage conceptions with the specific aim of halving the rate of conceptions among under-18s, and to set a firmly established downward trend in the rate of conceptions among under-16s, by 2010 • Increase the participation of teenage parents in education, training and employment to 60% by 2010, to reduce their risk of long-term social exclusion. This briefing presents headline findings from key research relating to teenage pregnancy and parenthood which has emerged (mainly) since the launch of the strategy. The topics covered include research on young people’s sexual behaviour; sources of sex and relationships information; what works in preventing teenage pregnancy; who is at risk of becoming a teenage parent; how to support teenage parents, and many more. It draws on a range of sources including systematic reviews of the effectiveness of prevention and support interventions, national surveys and primary research studies. The emphasis is on the UK and specifically English research. It was compiled by Catherine Dennison, Research Manager supporting the Teenage Pregnancy Unit. Although not representing a systematic or exhaustive search of the published literature, the briefing is intended to be of use to those engaged in implementing the Teenage...

Words: 7408 - Pages: 30

Premium Essay

Teenage Pregnancy

...essay looked at how the environment influences teenage pregnancy in the United States. The purpose of this essay is to identify how preeminent teenage pregnancy has become in teens ages fourteen and up, how famous it has become in the United States and how the majority of teens do not finish their education after becoming pregnant. The sources used in this essay provide the necessary information needed for readers to understand why and how a teenagers environment has become influential for them becoming pregnant. Teenage pregnancy is affecting teens by causing them to drop out of school and not finish their education which later results in a limited amount of choices when choosing a career. Outline Thesis: The social life of teenagers influences teenage pregnancy through pressure from peers, too much access to the media and lack of sex education from parents and teachers in the United States. I. Peer pressure in the United States is the major factor influencing teenage pregnancy in the U.S. A. During adolescence, teenagers often feel pressure to make friends and fit in with their peers. B. Many times these teens let their friends influence their decision to have sex. C. The Kaiser Family Foundation states that more than 29 percent of pregnant teens reported that they felt pressured to have sex. II. Excessive access to the media plays an important role in teenage pregnancy A. In the U.S today, the majority of teens...

Words: 2589 - Pages: 11

Premium Essay

Teenage Pregnancy

...being called – teenage mother/father? One might ponder that this exposition will exclude men. No. they bring ladies in this scene. The exposition attempts to conduct the teenagers to be reminded of what it is like to live in a more aware, conscious, and fulfilling way. It also serves as one of the guide to more harmonious relationships between young couples and families. Gilapay (2007) states, teens want to act like adults, but the child in them remains. Teen years are a prime time for identity crisis and identity formation. It is also, when pregnancies come into play. According to the World Health Organization, around 21 percent of Filipino Women become pregnant before they turn 19. Cerecero (2009) says, teen pregnancy is an issue that has affected not only our school, but schools across the nation. Although the teen birth rate is slowly falling there still remains an estimated one million teen pregnancies nationwide. Babies born to teenage mothers are more likely to have health problems, suffer from social problems, and do poorly in school. The Problem The main purpose of this study is to explicate teenage pregnancy among women (and men impregnating women) and its effects to the life of teenagers, as a means toward a better understanding of their situation thus giving aid to their acceptance to the society. Specifically, this exposition seeks to answer these questions: 1. What is teenage pregnancy? 2. What are the reasons of teenage pregnancy? 3. What are...

Words: 770 - Pages: 4

Premium Essay

Teenage Pregnancy

...How many of you have known a teenage mother at some point in your lives? Well you do even if you don’t realize it as I myself was a teenage mother. According to smith.edu over 1 million teenagers become pregnant each year in the United States with more than 530,000 of those giving birth. That means that 13% of the babies born each year are born to teenagers, most of whom are unmarried and do not have the financial ability to support a child.  Today you all will learn about teenage pregnancy, including how many teenagers get pregnant and why, what challenges the mother and baby will face along the way, and what can be done to lower the incidence of teenage pregnancy.  More woman than you realize will experience a pregnancy while in their teens. 40% of white woman and 64% of black woman to be exact.  80% of these teenagers are not married and even if they are married the chance of divorce is about 8 in 10. Every 56 seconds another teenager gives birth in the United States making this the country  ranking number one for incidences of teenage births. 70% of these girls do not receive proper prenatal care putting herself and her unborn child at risk and 2/3 of teen moms drop out of high school. With no education she is forced to endure minimum wage jobs to support her child most likely ending up on welfare. With these startling statistics why do so many teenage girls get pregnant? Are they doing it intentionally? While 85% of teenage pregnancies are not intended that leaves the other...

Words: 1547 - Pages: 7

Premium Essay

Teenage Pregnancy

...Teenage Pregnancy Teen pregnancy is something that affects over one million young teens in the United States. For some, these pregnancies are planned but 85% of these teens the pregnancy is unplanned. This can cause a lot of endless problems in the life of the teen and the newborn child. There are a lot of things that can cause an unplanned teen pregnancy, such as teens experimenting with sexual encounters at a young age. Another major cause is the lack of guidance due to guardians that are blind or do not want to believe in such activities. These causes can have devastating effects on the teen and the newborn in the household. Some effects of early pregnancy will include an unexpected rise of responsibility for the teen and can cause many health concerns for both teen and newborn child. Teens experimenting are the leading cause in the unplanned pregnancies. As a teenager in high school ages there are a lot of peer pressures. Such as experimenting with alcohol and unprotected sexual intercourse. Drinking and the use of narcotics also largely have an impact on the judgment of the teen before the pre-pregnancy comes about. Experimenting can cause many effects on the teen and the relationships at hand, including the relationships with the baby’s mom or dad and also the parents of the teens. Another way of experimenting is the pregnancy caused in the sequel of either a long-time dating of the boyfriend or the other case of those random one night stands or hook-ups. Experimenting...

Words: 926 - Pages: 4

Premium Essay

Teenage Pregnancy

...never thought about how a pregnancy would affect their lives even though having a baby could be one of the most life-changing experiences a person can have. Choosing this topic interested me because I enjoy watching the show Teen Mom and it was always interesting to me what their lives are like with having a baby at age 18 or younger. What I really wanted to find through research were the statistics on pregnancy rates. Researching this topic will give me a further understanding of exactly how many mothers get pregnant and the outcomes of different decisions. The decisions in which a pregnant mother makes should benefit her son or daughter instead of herself. Teen pregnancy causes unwanted stress, financial problems, and most of all it interferes with completing school. Now that this topic has been introduced, now we can get a deeper look on what exactly a teen mom goes through and how it will affect her in the decisions she makes. Teen mothers should be making good decisions in what’s best for her child as far as completing high school and enrolling in college. Education is still an important responsibility of a teen mother. Finishing high school and pursuing a college education will allow her to be able to financially support her child and become more independent. Statistics show that “only one third of teenage mothers complete high school and receive their diplomas.” Also stats show that “by age thirty, only 1.5 percent of women who had pregnancies as a teenager have a college...

Words: 1419 - Pages: 6

Premium Essay

Teenage Pregnancy

... Mrs. Boyce English 12 Teen pregnancy is a widely debated topic in todays society. Approximately 900,000 teenagers become pregnant in the united states each year before the age of twenty years old (Frick 21). The pregnancy rate for the united states alone for girls aged fifteen through nineteen stands at a eighty four pregnancies per 1000 girls (19). Countries like the United states, Romania, Belarus, and Bulgaria have the highest rates of pregnancy above seventy pregnancies per 1000 young women (19). Teen prenancy is one of the most controversial social topics of our time. Teen pregnancy has continuosly became a problem through the years. In 1950, the right thing to do if pregnancy occurred, was to get married. In 1955, only six percent of caucasian teenage girls were pregnant outside of marriage; today it stands at forty two percent ("The Elkhart Project").The teen birth rate was fifty percent higher in 1957 than it is now ("The Elkhart Project"). In 1992, the federal goverment spent more than thirty four billion dollars on welfare for families begun by teens ("The Elkhart Project"). Overly accepting attitudes from parents pose a problem in today's outlooks on pregnancy from teenagers. According to several studies, younger siblings of teen parents are two to six times more likely to become pregnant ( Frick 77 ). People say teen pregnancy is happening because eighty three percent of the television programs include sexual...

Words: 1269 - Pages: 6

Premium Essay

Teenage Pregnancy

...Teenage Pregnancy Name: Institution: Teenage Pregnancy Introduction One of the questions that arise at the mention of the teenage pregnancy is why different countries record different rates of teenage pregnancy, with others having high States of America is one of the countries that have recorded high rates of teenage pregnancy with its prevalence in the country rating higher than any of the Western industrialized nations. For instance, A National Campaign to Prevent Teen Pregnancy conducted in 2006 revealed that in the United States of America, 4 out of every pregnancy occur in women of younger age. They go ahead to explain that annually, the United States among other countries with high rates of teen pregnancy record approximately one million teenage pregnancy. The purpose of this essay is to provide a claim of evaluation that critically examines the statistics of teenage pregnancy and the relationship between depression and poverty on teenage pregnancy. Given the establishment of how bad the prognosis for teenage pregnancy is, this claim of policy intends to establish the link between this public health issue and depression and poverty. Relationship between Teenage Pregnancy and Poverty One of the steps towards with any issue that appears to be a predicament is to establish the root cause of that particular problem. In this case, therefore, the main purpose of this claim of evaluation is to find out the relationship or link between...

Words: 3274 - Pages: 14

Premium Essay

Teenage Pregnancy

...How Teen Pregnancy Can Effect Teens I. Introductory Paragraph A. Thesis Statement- The socioeconomic impact of teen pregnancy causes a never ending cycle of ignorance and poverty, as well as continuing the lack of family and societal support structures that are necessary to build a productive life. 1. Transition Sentence II. Causes of Teen Pregnancy A. Lack of a Good Education 1. Reasons for Lack of Educationa. Discomfort b. Fear That It Will Encourage Sexual Activity c. Uncertainty About When to Educate 2. Results a. Unprotected Sex b. Misuse of Protection c. People Believe Myths d. People Aren't Aware of Consqences B. Increased Sexual Activity In Teens 1. Reasons for Increased Sexual Activity a. Peer Pressure b. Teens Not Understanding the Significance of Sex C. Transition Sentence III. Why Teen Pregnancy is a Cause for Concern A. Negative Mental/Psychological Effects 1. Effects on Child a. Child Is At Higher Risk of Having Behavioral Problem 2. Effects on Mother a. Initial Excitement b. Fear c. Confusion d. Resentment e. Frustration f. Depression B. Negative Physical Effects 1. Effects on Mother a. Higher Risk for Anemia b. Higher Risk forPregnancy Induced Hypertension c. Higher Risk for Higher Blood Pressure d. Higher Risk for Cervical Cancer e. Higher Risk for Miscarriage 2. Effects on Child a. Higher Risk for Fetal Distress b. Higher Risk for SIDS (Sudden Infant Deaths Syndrome) c. Higher Risk of Being Born Prematurely d. Higher Risk of Delayed Development e. Higher Risk...

Words: 439 - Pages: 2

Premium Essay

Teenage Pregnancy

...Introduction When a teenage girl gets pregnant, this phenomenon is called teenage pregnancy. Teenage pregnancy is treated differently in many cultures. A great number of countries, mostly in Asia treat it like a regular thing due to their traditions and peculiarities of the culture. But the Western civilization treats teenage pregnancy like a negative phenomenon, because young people are supposed to study and have normal years of life, without burden and big problems. Unfortunately, teenage pregnancy is quite a frequent thing. Every day we can hear about the cases when a 15-year-old girl has got pregnant and parents do not know what to do. Teenagers are too young to be allowed to get married, and a child commonly lives in single parent family (very often it is difficult to identify the father of the baby). The most common decision of the teenagers and their parents is to get rid of pregnancy. Abortion in such a young age is quite a regular thing nowadays, because a baby is a great responsibility and one can not study and work having it. On the other hand abortion influences the girl’s body badly and it is the next problem. So, the topic is extremely urgent in modern society and nearly every student is asked to prepare a research paper on teenage pregnancy and analyze the problem deeply. Students have to spend much time to discover some cultural aspects and points of view towards teenage pregnancy of different people of the world. They have to brainstorm good methods and...

Words: 3038 - Pages: 13