"Kinabukasan ng mga kabataan"
Samo't saring balita nakakadalasan ay kabataan ang mga nasasangkot gaya ng panggagahasa,pagnanakaw, panghoholdap at ang mas nakakalungkot ang pagpatay sa kapwa dahil sa matinding emosyong nadarama at paniguradong may puso't dulo ang mga gawaing ito ng mga kabataang. isa na nito ang pagkukulang pansin ng mga magulang sa pangangailangan ng kanilang anak bigyan ng kapanatagan ang kalooban may pinagdaraanan, pangangailangan nila'y tustusan para maisakatuparan ang kinabukasang hinahangad
TITLE: ORAS
Sa klase, di ka na nakikinig sa guro tulad ng dati. Pag-uwi, ika'y natutulog buong maghapon at tila di mo alintana ang mga takdang-aralin na dapat ay tapusin. Sa katapusan naman ng linggo, mas inaatupag mo pa ang pagkokompyuter o 'di kaya ang paggala kasama ang iyong mga kaibigan. Naiisip mo ba ang oras na iyong sinasayang sa paggawa ng mga ito? Dapat nating mabatid na ang oras ay hindi dapat inaaksaya. Na sa bawat segundong lumilipas ay mayroong magandang bagay na nagaganap, hindi lamang ng kasawian. Sa loob lamang ng labinlimang minuto, ay maaari mo nang maayos ang iyong kama, itapon ang mga nakakalat sa iyong kwarto o palitan ang plastik ng iyong basurahan. Sa loob ng labinlimang minuto, makakapagbasa ng isang artikulo, magluto ng agahan o meryenda. Oras, oras, oras. Ito ay isang napakalaking bagay na dapat isaalang-alang sa araw-araw nagawain. Isang bagay na nagpapatakbo ng panahon nang sobrang bilis. Hindi natin ito kontrolado at lilipas ang mga sandaling hindi na natin pwedeng maibalik. Kaya naman ang oras ay dapat pahalagahan sapagkat hawak nito ang haba ng mga eksena sa ating buhay. Ito'y dapat iginugugol sa mga bagay na binibigyan ng malaking importansya gaya ng pamilya at pag-aaral.