The Effects of Using Gadgets in the Academic Formation of Grade 9 Seminarians
In:
Submitted By antonviado Words 733 Pages 3
Anton Miguel H. Viado Filipino 10
Pagsusuri sa El Filibusterismo
Tauhan Ang mga tauhan sa pinanood naming pagtatanghal sa teatro ay kumpleto. Nagtugma ang mga nakita kong tauhan sa libro at ang mga tauhan sa pinanood namin. Ngunit may mga nadagdag na tauhan upang mapaganda pa ang itinanghal nila. Ang mga aktor at mga aktress ay angkop naman sa kanilang mga tauhan, umangat ang karakter ni Simoun dahil sa gumanap nito dahil magaling siyang umarte at magsalita. Ginampanan niya talaga ang karakter niya bilang isang bida. Isang tauhan na nagustuhan ko ay si Mr. Leeds. Nang makita ko siya ay natuwa ako sa kanya dahil sa kanyang paraan ng pagsalita dahil nakakatawa siya. Sa kabuuan, ang mga aktor at aktress ay angkop sa kanilang karakter at ginampanan nila ang kanilang trabaho upang maging maganda ang kalabasan ng palabas.
II. Tagpuan
Nagkatugma naman ang mga tagpuan na ipinakita sa palabas at ang mga tagpuan sa libro. Angkop ang mga kagamitan nila at naipakita naman nila ang mga tagpuan na kailangang ipakita. Kasama rin kami sa tagpuan dahil gumamit kami ng imahinasyon upang mapaniwala ang aming mga sarili na ang mga nakikita naming tagpuan ay totoo at kapanipaniwala. Sa kabuuan para sa akin masasabi kong maganda ang kinalabasan ng mga tagpuan ngunit nang gumamit na sila ng projector para sa kanilang background ay pumangit na ang kinalabasan. Pero maganda naman ang mga pisikal na kagamitan nila upang mapakita ang mga tagpuan.
III. Buod
Nang tignan ko ang istoryang isinulat ni Dr. Jose Rizal sa libro namin ay masyado akong nahabaan at hindi ko alam kung ito ay mapapaikli sa dalawang oras lamang. Nang makapunta na kami sa teatro at napanood na ang El Filibusterismo, namangha ako dahil nakita ko naman ang mga mahahalagang parte ng istroya ngunit nabitin ako sa huli dahil hindi ko ito naintindihan at parang ito’y minadali lamang. Pero pangkabuuan, natuwa naman ako at hindi ako nakatulog sa buong palabas dahil ang istorya ay punong puno ng misteryo at sorpresa.
IV. Kasuotan
Ang mga kasuotan ay angkop sa panahon na kanilang gustong ipakita. Hindi nila tinipid ang kanilang mga kasuotan at makikitang ginastusan nila ito para lalo pang mapaganda ang kalalabasan ng kanilang palabas. Mapapaniwala kang makalumang panahon ang gusto nilang ipakita sayo dahil sa kanilang kadamitan at ito’y nakatulong para makita natin ang panahon ni Rizal.
V. Kagamitan
Marami silang ginamit na kagamitan para maipamalas sa amin at para maikwento sa amin ang istorya ng El Filibusterismo. Ang mga kagamitan nila’y epektibo naman at nakatulong upang maging maganda ang kalabasan ng palabas.
VI. Pag-iilaw/Tunog
Maganda naman ang kanilang pag iilaw, pero minsan hindi ito sakto na nakatutok sa mga karakter at kung minsan ay masyadong matagal ang pagbukas ng ilaw, yun lamang ang masasabi ko sa pag iilaw. Sa tunog naman, maganda naman ang kanilang mga kagamitan sa tunog at magaganda naman ang mga tunog na ginamit nila at angkop ito sa mga pangyayari. Ang isang tunog pa, ang pagsasalita ng mga tauhan ay malinaw naman, pero minsan pumapalya ang kanilang mga mikroponong ginagamit at hindi agad agad nabubuksan kapag parte na ng isang karakter. Kaya nasayang ang mga kinabisa ng ibang mga tauhan dahil hindi ko narinig ang mga sinasabi nila. Pero sa kabuuan ay epektibo naman ito at maganda naman ang kinalabasan.
VII. Venue
Ang venue namin ay ang AFP Theater. Ang venue naman ay malaki at na accomodate naman ang lahat ng paaralan na nanood, masarap ang kanilang mga pagkain na ibinebenta at ito’y patok na patok sa mga estudyante. Ang problema lamang ay habang nag hihintay kami dahil sa sahig lamang kami nakaupo at walang masyadong magawa at mainit pa sa lugar na pinaghihintayan namin. Pero sa loob ng teatro ay maganda naman at medyo lumamig na.
VIII. Staff
Ang mga staff ay sinabayan ng mainit na panahon. Dahil ang ulo nila’y mainit din, siguro dahil ito sa dami ng tao at kailangan talaga nila madaliin ang pag akomoda sa amin. Ang mapapayo ko lamang sa mga manonood ay habaan ang pasensya at sumunod na lang sa mga staff.
IX. Rekomendasyon
Ang mga rekomendasyon ko sa produskyon ay praktisin ang pag on ng mga mikropono sa tamang oras at ituloy ang mga magaganda nilang ginagawa at linawin nila ang dulong parte nito dahil naging magulo at dahil doon ay nabitin ang mga manonood. Yun lamang ang aking rekomendasyon