Free Essay

The Hekasi

In:

Submitted By reynnegracielle
Words 2050
Pages 9
Modified In‐School Off‐School Approach Modules (MISOSA)

H E K A S I 4

Distance Education for Elementary Schools

SELF‐INSTRUCTIONAL MATERIALS

ANG PAKIKIPAG‐ UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA
Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION
2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), DepEd ‐ Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”
This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

GRADE IV ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN NG MGA DAYUHAN SA BANSA

ALAMIN MO

Suriin ang larawan sa itaas. Sinu-sino ang mga unang dayuhang ito na nakipag-ugnayan sa ating bansa? Nakilala mo na ba sila? Sa pag-aaral mo ng modyul na ito. Matututuhan mo ang tungkol sa mga sumusunod: • • • Ang mga unang dayuhang nakipag-ugnayan sa bansa Ang mga bansa sa Asya na unang nakipag-ugnayan sa Pilipino Ang mga dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga ninuno sa mga dayuhan 1

PAG-ARALAN MO

Sa tulong ng mapa ng mundo sa ibaba, hanapin mo ang mga bansang pinagmulan ng iba’t ibang pangkat ng dayuhang dumating sa bansa.

Batay sa ginawa mong paghanap sa mga bansa, sa isang bahagi lamang ba ng mundo nagmula ang mga ito? Bakit kaya sila nakaabot sa ating bansa? Ano kaya ang pangunhaing dahilan at nakarating sa Pilipinas ang mga dayuhang ito?

2

Basahin mo ang mga sumusunod na talata upang masagot mo ang mga katanungan. Ang Mga Orang Dampuan at Orang Banjar Unang dumating sa Pilipinas ang mga Orang Dampuan o ang mga taga-Champa. Ang Champa ay ang kilalang Vietnam sa ngayon. Pumunta sila sa Pilipinas upang makipagkalakalan. Nagtatag sila ng Kalakalan sa Sulu. Wala silang plano na sakupin ang mga taga-Sulu na tinatawag na Buramin. Hindi naging maganda ang ugnayan ng mga Orang Dampuan at ng mga Buramin at nauwi ito sa digmaan. Natalo ang mga Buramin dahil sa mahuhusay na armas ng kalaban. Ang mga Orang Banjar ay mga taong buhat sa Banjarmasin, isang teritoryong sakop ng Imperyong Shri-Visaya sa kanlurang Indonesia. Nabalitaan nila ang tungkol sa magagandang Perlas sa Sulu kaya pumunta sila rito upang makipagkalakalan noong ika-13 daantaon. Naging maganda ang samahan ng mga Orang Banjar at Buramin, hanggang sa nang magtagal, naging higit na makapangyarihan ang mga Orang Banjar kaysa sa mga Buramin. Ang mga Buramin pa ang nagbabayad ng buwis sa mga Orang Banjar. Marami pang Banjarmasin ang dumating sa Sulu. Nagawa nilang itaboy ang mga Buramin.

Sagutin ang mga tanong. 1. Sinu-sino ang mga Orang Dampuan at Orang Banjar? Saan sila nagmula? 2. Nakabuti ba sa atin ang pakikipag-ugnayan ng mga Orang Dampuan at Orang Banjar? Bakit? 3. Ano ang dahilan ng pagkikipag-ugnayan nila sa ating bansa?

Maaari mong isulat ang mga sagot sa mga katanungang ito sa iyong kuwadernong sagutan upang makita ng iyong guro.

3

Ang Mga Tsino Sa mga unang pangkat na nakipag-ugnayan sa ating bansa ang mga Tsino ang may pinakamatagal na pakikipagkalakalan. Nagsimula ang kalakalan noong ika-10 siglo, ang mga Tsinong nagsimulang manirahan noong ika-12 siglo. Nakaimpluwensiya sa ating kultura ang mahabang pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa mga Tsino. Ang mga kagamitang tulad ng tapayang proselana, kristal, aboloryo, karayom, plorera, patalim, telang seda at jade ay namana natin sa mga Tsino. Sa kanila din natin natutuhan ang paggawa ng pulbura at mga kagamitang yari sa metal. Natutuhan din ng mga Pilipino ang paggamit ng mga paputok at kwitis, paying, tsinelas at bakya mula sa mga Tsino. Ang paglalaro ng trumpo at sungka, pagpapalipad ng saranggola ay sa mga Tsino rin nagmula. Maraming pagkaing Tsino ang naging bahagi na ng pagkaing Pilipino. Ilan dito ang pansit, lumpia, siopao, mami, okoy, siomai at chopsuey. Ang mga gulay tulad ng petsay, kintsay at bataw ay dala rin ng mga Tsino. May mga salita ring naging bahagi ng ating wika. Ilan dito ay ang ate, ditse, sangco, gunting, susi, sipit at kuya. Ang mga kaugaliang tulad ng pagkakabuklod ng pamilya at paggalang sa mga magulang at matatanda ay namana rin natin sa mga Tsino. Sagutin mo ang mga tanong. 1. Ang mga Tsino ang may pinakamatagal na pakikipag-ugnayan sa mga Pilipino, ano kaya ang dahilan ng kanilang pakikipag-ugnayan? 2. Anu-ano ang palatandaan ng impluwensiya ng mga Tsino sa ating bansa? 3. Anu-anong mga kagamitan, pagkain, laro at salita ang namana natin sa mga Tsino? 4

Isulat mo ang mga kasagutan sa iyong kuwadernong sagutan at ipakita mo sa iyong guro na panahon ng inyong pagkikita.

Ang Mga Arabe Tulad ng mga ibang dayuhan, naparito ang mga Arabe upang makipagkalakalan at magpalaganap ng relihiyong Islam. Bagama’t ang mga Arabe ay nakarating na sa bansa dahil sa pakikipag-kalakalan sa Tsina, noon lamang ika-15 daantaon nagsimulang lumaganap ang impluwensiya ng Islam sa Pilipinas. Ang paglaganap ng Islam ang nagbigay daan sa pagtatag ng pamahalaang sultanato. Ito ang pamahalaang pinamumunuan ng sultan. Ang mga batas at kaugalian sa Mindanao at Sulu ay impluwensiya rin ng mga Arabe. Ang mga batas na ito ay batay sa Koran na siyang banal na aklat ng mga Muslim. Ang di-pagkain ng baboy at ang pagdalaw sa Mecca at iba pang lugar na banal sa kanila ay impluwensiya rin ng mga Arabeng nakipag-ugnayan sa mga Pilipinong Muslim. Ang Singkil na sayaw-pangkasal ng mga Tausug sa Mindanao at Sulu ay buhat din sa Arabia. Ang wika tulad ng sulat, pilat, alamat, apo, bukas, alak at maalam ay hango sa Arabe. Ang epikong Indarapatra at Sulayman na nahahawig sa mga kuwento ng Arabian Nights ay impluwensiya rin ng Arabe. Sagutin ang mga tanong. 1. 2. 3. 4. Paano nakipag-ugnayan ang mga Arabe sa ating mga ninuno? Ano ang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga Arabe sa bansa? Anu-ano ang mga impluwensiya ng Arabe sa kulturang Pilipino? Maituturo mo ba sa mapa ang kinalalagyan ng Arabia? 5

Ang Mga Hapones Ayon sa kasaysayan ng sinaunang Hapones, ang mga Hapon ay nagtungo rito upang makipag-kalakalan o manirahan. Nanirahan sila sa mga purok ng Ilog Cagayan, Golpo ng Lingayen at Maynila. Matagal ding nag-ugnayan ang mga Hapones at ang mga unang Pilipino. Nagkaroon din ng impluwensiya ang kulturang Hapones sa ating kultura. Natutuhan natin ang pag-aalaga ng itik at pagpaparami ng isda. Kasabay ng kaalamang ito ang pagkatutuo ng pagluluwas ng itlog at tuyong isda sa ibang bansa. Natuto ring magpanday ang mga Pilipino kaya nakayari sila ng iba’t ibang kagamitan sa paggawa. Ang paggawa ng alahas ay kanila ring natutuhan. Tinuruan din tayo ng mga Hapones ng negosyong tingian, ang pagtatabas ng balat ng hayop at ang paggawa ng sandata. Itinuro rin ng Hapones ang paggawa ng katad mula sa balat ng usa. Nakapangasawahan ang ilang Hapones at Pilipino. Sagutin ang mga tanong. 1. Saan-saang pook sa bansa nanirahan ang mga Hapones na nagtungo rito? 2. Anu-ano ang natutuhan natin sa mga Hapones? 3. Nakabuti kaya ang pakikipag-ugnayan ng mga Hapones sa ating mga ninuno? 4. Makikita mo ba sa mapa kung nasaan ang Hapon? 5. Ano kaya ang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng Hapones sa ating bansa? Isulat mo ang mga sagot sa mga tanong na ito sa iyong kuwadernong sagutan at ipakita mo sa iyong guro.

6

Ang Mga Hindu Nakarating sa Pilipinas ang kulturang Indian sa tulong ng mga mangangalakal na buhat sa Indonesia. Malakas ang impluwensiya sa kanila ng Imperyong Shri-Visaya. Pumalit dito ang Imperyong Madyapahit. Nagpatuloy ang impluwensiya ng Indian sa Pilipinas. Ang pinakamalaking impluwensiya ng kulturang Indian ay makikita sa papantig na pagsulat natin. Humigit-kumulang sa 350 salita sa Filipino ang hango sa Sanskrit. Sinaunang wika ng mga Indian ang Sanskrit. Ilan sa mga salitang ito ay ang sumusunod: diwata, sampalataya, saksi, dusa, parusa, suka, mukha, sutla, hari, ama, asawa, maharlika, mutya, kudyapi at sandata. Ang kasuotang tulad ng putong at sarong ay buhat din sa Indian. Ang mga kasuotang Igorota ay hawig sa kasuotan ng mga Hindu. Ang barong tagalog ay nahahawig sa tabas at burda sa kurta ng India. May mga prutas na nagmula rin sa India tulad ng mangga, langka at aratilis. Kabilang naman ang ampalaya, patola at malunggay sa mga gulay. Ang sampaguita at champaca ay galing din sa India. Ang paglalagay ng belo at kurdon sa mga ikinakasal ay impluwensiya rin ng India. May mga paniniwala ang Pilipino na nanggaling sa India, tulad ng : ang babaing kumain ng kambal na saging ay magkakaanak ng kambal; ang dalagang umaawit habang nagluluto ay magkakaasawa ng biyudo; at ang paglitaw ng kometa ay babala ng taggutom, digmaan at iba pang masamang pangyayari.

7

PAGSANAYAN MO

A. Isulat ang pangkat ng mga taong pinagmulan ng mga sumusunod na impluwensiya sa buhay ng mga Pilipino. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

1. Pag-aalaga ng itik 2. Tapayang Porselana 3. Relihiyong Islam 4. Kasuotang putong at sarong 5. Pagpapaputok ng kwitis 6. Paglalagay ng belo at kurdon sa ikinakasal 7. Sayaw na Singkil 8. Pagtabas ng balat ng hayop 9. Pancit, siopao, siomai 10. Ang di-pagkain ng baboy B. Piliin ang titik ng salita sa hanay B na kaugnay ng nasa hanay A. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

Hanay A 1. mga taong taga-Champa 2. mga taong sumakop sa Buranon ng Sulu 3. ipinalit sa kalakal ng Tsino 4. nagsimula ng negosyong tingian 5. Sanskrit

Hanay B A. Indian B. Orang Dampuan C. Orang Bajar D. Hapones E. Perlas

8

C. Punan ang tsart ng mga dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga ninuno sa mga dayuhan. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. Dahilan ng Pakikipag-ugnayan Arabe Hapones

Tsino

Indian

TANDAAN MO



Ang mga unang dayuhan na nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga unang Pilipino ay ang mga Arabe, Intsik, Hapones, Indian, Orang Dampuan at Orang Banjar. Nakipagkalakalan ang mga unang dayuhan sa mga katutubong Pilipino. Ang pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan ng mga unang Pilipino ay nakapagpayaman at nagkaroon ng impluwensiya sa katutubo nilang kultura

• •

9

ISAPUSO MO

1. Nakabuti ba ang ating pakikipag-ugnayan sa mga tao buhat sa ibang bansa? Bakit? 2. Ano kaya ang maaaring mangyari sa ating kultura kung hindi tayo nakipag-ugnayan sa mga dayuhan? Isulat mo ang iyong paliwanag sa kuwadernong sagutan. Ipakita sa guro para ikaw ay mamarkahan.

ISAPUSO MO
• Gumupit ng mga larawang nagpapakita ng pakikipag-ugnayan ng mga dayuhan sa mga unang Pilipino at gawing diorama. Ipakita sa iyong guro para mamarkahan.

PAGTATAYA

A. Kilalanin ang mga unang dayuhan sa Pilipinas. Isulat k,ung anong pangkat ang nagkaroon ng mga sumusunod na impluwensiya sa kulturang Pilipino. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. 1. 2. 3. 4. mga taong mula sa Banjarmasin ________ mga taong hindi makasundo ng Buranon ________ mga taong pinagmulan ng putong at sarong ________ mga taong nagturo sa mga Pilipino ng paggamit ng tsinelas, bakya ________ 5. mga taong nagpakilala ng relihiyong Islam ________ 6. nagpaunlad ng kalakalan sa Sulu ________ 10

7. pinanggalingan ng ilang paniniwala ________ 8. nagturo ng paggawa ng pulbura ________ 9. pinagbuhatan ng sayaw na singkil ________ 10. .nagturo ng paggawa ng katad mula sa balat ng usa ________ B. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. Sinu-sino ang mga unang dayuhang nakipag-ugnayan sa bansa? 5. Ano ang tanging dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga unang dayuhan sa ating bansa? 6. Bakit umalis ang Orang Dampuan sa Sulu? 7. Ano ang ibang tawag sa Banjarmasin? 8. Anong kasuotang banyaga ang kahawig ng barong Tagalog? 9-10. Sa aling bahagi ng pamumuhay ngayon makikita ang pambansang kultura ng mga Arabe? Hapones? 1-4.

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

11

Similar Documents

Premium Essay

National Achievement Test Result in Hekasi

...NATIONAL ACHIEVEMENT TEST RESULT AND ACADEMIC PERFORMANCE IN HEKASI, GRADE SIX PUPILS, BONKOKAN ELEMENTARY SCHOOL: PROPOSED IMPROVEMENT MEASURES GRADUATE SCHOOL AND PROFESSIONAL STUDIES October 2015 NATIONAL ACHIEVEMENT TEST RESULT AND ACADEMIC PERFORMANCE IN HEKASI, GRADE SIX PUPILS, BONKOKAN ELEMENTARY SCHOOL: PROPOSED IMPROVEMENT MEASURES CHAPTER I THE PROBLEM AND ITS SCOPE Introduction The national government through the Department of Education (DepEd) takes charge of the educational programs, projects, goals and objectives of the country's educational system particularly the elementary and secondary. Department of Education (DepEd) designs educational innovations to keep abreast with the needs of the changing times. We all know and aware that our government is doing their best to improve the plight of our educational system and that is why big allocations of budget is given to the DepEd yearly. National Achievement Test is an examination annually conducted by the Department of Education ( DepEd) to public and private elementary and secondary schools in the Philippines to measure the knowledge of the pupil in five areas, in which HEKASI is included.  The annual NAT examination results is one of their materials in assessing the effectiveness of education...

Words: 4883 - Pages: 20

Free Essay

Panimula

...34 Alipato Kasaysayang Bayan at Tradisyonal na Kasaysayan: Epekto sa Nasyonalismo at Pambansang Identidad ng mga Mag-aaral Charina B. Agcaoili Introduksyon Ang nasyonalismo ay pag-ibig sa bayan. Bahagi nito ang paggigiit sa soberanya ng bansa, kalayaan, at pag-asa sa sariling kakayahan (Lichauco, 1968). Isa rin itong malinaw na konsepto ng mga elementong bumubuo sa pagiging nasyon ng isang bansa, at bagay na nagtatangi at nagpapakita ng kaibahan nito sa iba pang nasyon (Alfonso, 1967; De La Costa, 1965; Osorio, 1963; Tañada, 1955). Sa pananaw ni Rizal, ang nasyonalismo ay pagsasakripisyo para sa bayan. Handang kalimutan ng isang taong makabayan ang kanyang sarili para maisulong ang kabutihan ng kanyang mga kababayan. Higit sa lahat, gagawin niya ito nang walang pag-aalinlangan o “sin dudas, sin pesar” (Quibuyen, 1999; Marquez-Marcelo, 1984). Kaugnay din ng nasyonalismo ang katapatan sa mga institusyon, tradisyon, at pagpapahalaga sa kasaysayan (Abueva, 1999). Mahalaga ang pagkakaroon ng mga mamamayang makabayan sa pagsulong ng isang bansa (Loong, 2007; de Quiros, 2002, Lumbera, 2000). Sa ika-19 na dantaon ng Meiji, ang nasyonalismo ang nagbigay-sigla sa mga Hapones na hangaring mapantayan ang kalagayan ng mga bansang nasa Kanluran. Ito rin ang dahilan ng pagsusumikap ng mga Tsinong paunlarin at gawing moderno ang kanilang ekonomiya (Loong, 2007). Umunlad naman ang mga bansang tulad ng Timog Korea, Rusya, Britanya at Pransya bunga ng mga mamamayang makabayan. Maliban dito...

Words: 6875 - Pages: 28

Premium Essay

Field Study 2

...what the component subjects requires. Prof Ed 5, its descriptive title is Social Dimensions of Education. In this component subject it connotes the interaction between students to teachers, teacher to students and students to IM’s. Next component subject is Prof Ed 6, “Methods of Research”, it focuses on the difficulty of students in the class, and it also achieves what strategies and methods of teaching to be used by a teacher in a class. Last component subject is Prof Ed 7, “Developmental Reading”, Field Study students are going to observe a reading class. And yet I observed Mrs. Simblante’s advisory in Filipino III at Sta. Ma. Morritti section, Mrs. Dimalanta’s advisory in English I section St. Fedilis and Mrs. Madula’s advisory in Hekasi IV section St. Briget. Every observation is meaningful. REFLECTION A teacher must have good strategies and methods of teaching in handling his/her class. My learned theories from the components subject of FS2 really jive in the real classroom setting. Interaction between pupil-pupil, pupil-teacher, teacher-pupil and pupil-IM’s differ upon how the teacher make a mood in the class. And how the teacher delivers his/her IO through the discussion and how he/she sets rules in the classroom. Different grade level has different weaknesses depending upon the cognitive level of the students and...

Words: 274 - Pages: 2

Premium Essay

Pupils' Achievement in English and Teacher Competencies

...CHAPTER I The Problem and Its Background Introduction For many years, educators and researchers have debated which school variables influence student achievement. As policy-makers became more involved in school reform, this suggestion takes on new importance since their many initiatives rely on presumed relationships between various education-related factors and learning outcomes. Some researches have suggested that “schools bring little influence to bear upon a child’s achievement test is independent of his background and general social context.” (Coleman et. al. 1966; Jenks et. al. 1972). Other evidence suggests that factors like class size (Glass, et. al. 1982; Mosteller, 1995), teacher qualification (Ferguson, 1991), school size (Holler, 1993), and other school variables may play an important role in influencing learning. As new standard for new learning continues to be introduced in the country, hence, greater attention is given to the role teacher plays in student achievement. While some evidence suggests that better qualified teachers may make a difference in student learning at the school and district levels. There is also increasing inquiry into the exact predictors that affect teacher efficiency vis-à-vis student level of achievement. Teaching competence and teacher impact on students may largely determine whether or not the student will fail or succeed in his studies. Through students’ individual differences need to be considered in the teaching-learning...

Words: 1232 - Pages: 5

Free Essay

Instructional Practices of Science Teachers in Teaching Science in the Public Elementary Schools: Basis for Enhancement

...Trinity University of Asia Graduate School The Dynamic Learning Program and its Effect on the Academic Performance of Grade V and VI Pupils in the Five major subjects A Thesis Proposal Presented to the Faculty of the Graduate School TRINITY UNIVERSITY OF ASIA In Partial Fulfilment Of the Requirements for the Degree of MASTER OF ARTS IN EDUCATION ROWENA N. CERDON Trinity University of Asia Graduate School TABLE OF CONTENTS CHAPTER 1 1 THE PROBEM AND ITS BACKGROUND Introduction Background of the Study Conceptual Framework Research Paradigm Statement of the Problem Hypothesis Significance of the Study Scope and Delimitation Definition of Terms 2 REVIEW OF RELATED LITERATURE AND STUDIES Local Literature Local Studies Foreign Literature Foreign Literature 3 RESEARCH METHODOLOGY Research Design Research Instrument Validation of Instrument Data Gathering Procedure Statistical Treatment of Data Chapter 1 THE PROBLEM AND ITS BACKGROUND Introduction Globalization has come upon us, stunning in its swiftness and breadth of scope. The full impact of the phenomenon cannot...

Words: 3183 - Pages: 13

Premium Essay

Daily Lesson Log

...Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region III Division of Bulacan District of Angat Osias M. Esteban Elementary School Pulong Yantok , Angat, Bulacan DAILY LESSON LOG Subject: SCIENCE Grade Level : V | MondayDate: __________________ | TuesdayDate: __________________ | WednesdayDate: ________________ | ThursdayDate: _________________ | FridayDate: _________________ | LessonObjective/s | ________________________________________________________________________________________________ | ________________________________________________________________________________________________ | ________________________________________________________________________________________________ | ________________________________________________________________________________________________ | ________________________________________________________________________________________________ | Subject Matter | ________________________________________________________________________ | ________________________________________________________________________ | ________________________________________________________________________ | ________________________________________________________________________ | ________________________________________________________________________ | References | Teacher’s Guide:_______Learners Material: _______ | Teacher’s Guide:_______Learners Material: _______ | Teacher’s Guide:_______Learners Material:...

Words: 556 - Pages: 3

Premium Essay

Computer

...Department of Education REGION 02 Division of Nueva Vizcaya BAYOMBONG II DISTRICT RESULT OF SCHOOL POST-TEST S.Y.-2011-2012 School: BONFAL PILOT CENTRAL SCHGOOL Grade &Section: IV-B FEBRUARY 16,2012 NAMES | ENGLISH | MATH | SCIENCE | FILIPINO | EPP | MSEP | HEKASI | 1. ANNUAY, JUNNNIBERT | 39 | 34 | 37 | 26 | 32 | 24 | 29 | 2.ACEDO, CALVIN | 41 | 32 | 36 | 29 | 25 | 30 | 42 | 3. ASUNCION, RYAN JAY | 31 | 26 | 35 | 27 | 20 | 23 | 40 | 4. BAUTISTA, DENVER | 35 | 25 | 32 | 29 | 34 | 19 | 41 | 5. BUTAC, MARLON B. | 34 | 21 | 33 | 23 | 21 | 22 | 38 | 6. CABANBAN, RICARDO | 39 | 29 | 35 | 30 | 31 | 26 | 25 | 7. CABRITO, KYLE DREXTER | 25 | 20 | 35 | 26 | 21 | 30 | 44 | 8.CATAO-AN, JEFF P. | 36 | 21 | 35 | 18 | 28 | 20 | 43 | 9. CLEMENTE, JASPER | 42 | 25 | 36 | 23 | 23 | 18 | 36 | 10CORPUZ,LExTER | 30 | 24 | 37 | 26 | 24 | 26 | 39 | 11. CORTEZ, MARK RONNEL | 19 | 21 | 33 | 35 | 24 | 23 | 34 | 12. DAMASO, JOSHUA | 38 | 35 | 38 | 35 | 30 | 24 | 43 | 13. FERNANDO, CEDRIC | 30 | 23 | 31 | 27 | 29 | 26 | 37 | 14. GANIT JOHN EREC | 39 | 31 | 36 | 46 | 26 | 27 | 38 | 15GARCIA , ORLAN 32 | 32 | 33 | 35 | 33 | 31 | 31 | 29 | 16.GUTIEREZ,RALPH | 35 | 20 | 40 | 29 | 21 | 21 | 36 | 17.MAMUGAY,ROBERT | 38 | 31 | 37 | 30 | 27 | 23 | 39 | 18. MEMITA. SHERMAR JAY | 36 | 30 | 35 | 26 | 26 | 20 | 41 | 19. PASCUA JEROME | 34 | 29 | 35 | 31 | 27 | 30...

Words: 454 - Pages: 2

Premium Essay

Answer Sheet

...Name:______________ ENGLISH 6 1. ①②③④ 2. ①②③④ 3. ①②③④ 4. ①②③④ 5. ①②③④ 6. ①②③④ 7. ①②③④ 8. ①②③④ 9. ①②③④ 10. ①②③④ 11. ①②③④ 12. ①②③④ 13. ①②③④ 14. ①②③④ 15. ①②③④ 16. ①②③④ 17. ①②③④ 18. ①②③④ 19. ①②③④ 20. ①②③④ 21. ①②③④ 22. ①②③④ 23. ①②③④ 24. ①②③④ 25. ①②③④ 26. ①②③④ 27. ①②③④ 28. ①②③④ 29. ①②③④ 30. ①②③④ 31. ①②③④ 32. ①②③④ 33. ①②③④ 34. ①②③④ 35. ①②③④ 36. ①②③④ 37. ①②③④ 38. ①②③④ 39. ①②③④ 40. ①②③④ 41. ①②③④ 42. ①②③④ 43. ①②③④ 44. ①②③④ 45. ①②③④ 46. ①②③④ 47. ①②③④ 48. ①②③④ 49. ①②③④ 50. ①②③④ Score: __________ MATHEMATICS 6 1. ①②③④ 2. ①②③④ 3. ①②③④ 4. ①②③④ 5. ①②③④ 6. ①②③④ 7. ①②③④ 8. ①②③④ 9. ①②③④ 10. ①②③④ 11. ①②③④ 12. ①②③④ 13. ①②③④ 14. ①②③④ 15. ①②③④ 16. ①②③④ 17. ①②③④ 18. ①②③④ 19. ①②③④ 20. ①②③④ 21. ①②③④ 22. ①②③④ 23. ①②③④ 24. ①②③④ 25. ①②③④ 26. ①②③④ 27. ①②③④ 28. ①②③④ 29. ①②③④ 30. ①②③④ 31. ①②③④ 32. ①②③④ 33. ①②③④ 34. ①②③④ 35. ①②③④ 36. ①②③④ 37. ①②③④ 38. ①②③④ 39. ①②③④ 40. ①②③④ 41. ①②③④ 42. ①②③④ 43. ①②③④ 44. ①②③④ 45. ①②③④ 46. ①②③④ 47. ①②③④ 48. ①②③④ 49. ①②③④ 50. ①②③④ Score:__________ School:______________ SCIENCE & HEALTH 6 1. ①②③④ 2. ①②③④ 3. ①②③④ 4. ①②③④ 5. ①②③④ 6. ①②③④ 7. ①②③④ 8. ①②③④ 9. ①②③④ 10. ①②③④ 11. ①②③④ 12. ①②③④ 13. ①②③④ 14. ①②③④ 15. ①②③④ 16...

Words: 666 - Pages: 3

Free Essay

Personal Lifelong Learning Plan

...PERSONAL LIFELONG LEARNING PLAN 21ST CenturyLiteracy | Level ofCompetency (Strong, Good, Weak) | Activities to Improve/Enhance Literacy | Time frame | Support/ResourcesNeeded | Barriers/Challenges | Solution/ActionPoint | The Arts andCreativity | Good | *Attend Seminar/Workshop on Enhancing Arts and Creativity Skills in Problem Solving | * 3 years every semestral break | * Seminar Workshop/Training Fund | *Arts Skills not developed*Conflict time with teaching period* Insufficient funding | *Ask permission/authority to the Department you are in the service*Give set/time for trainings/seminars*Grab the opportunity when there are free or not free seminars/trainings/workshop offered by the Department. | Ecoliteracy | *Good | *Attend seminars and participate in every in every activities promoting ecological literacy to develop awareness of the environment. | *3 every semestral break | * Seminars/Activities/Programs conducted by Environmental agencies/funds. | *Conflict time | * Ask permission/authority to the Department you are in the service*Give/Set time for training seminars. | Cyberliteracy(Computer and ICT) | *Good | *Attend computer related seminar-workshops to acquire develop skills in the use of computers, internet & other information technologies. * Enroll a computed related course (e.g. online course) * Integrate/use ICT in every subjects most often as a tool of learning process. | * 3 every semestral break | *Seminars/Programs/Activities required by the...

Words: 942 - Pages: 4

Free Essay

Least Mastered Skills

...Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region IV A CALABARZON Division of Rizal DISTRICT OF RODRIGUEZ I LEAST MASTERED SKILLS IN ARALING PANLIPUNAN / HEKASI THIRD PERIODIC TEST Least Mastered Skills in Grade 1 1. Natutukoy ang mga alituntunin ng paaralan. 2. Natatalakay ang kahalagahan ng pag-aaral ( Nasasabi ang maaring maging epekto ng nakapag-aral sa hindi nakapag – aral. 3. Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sariling paaralan. 4. Naipapakita ang pagbabago ng sariling paaralan sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan at iba pang likhang sining. Least Mastered Skills in Grade Two 1. Naipaliliwanag ang pananagutan ng bawat isa sa pangangalaga sa likas na yaman at pagpapanatili ng kalinisan ng sariling komunidad. 2. Nasasabi ang mga sanhi at bunga at pagkasira ng likas na yaman ng kinabibilangang komunidad. 3. Nailalarawan kung paano natutugunan ang pangangailangan ng mga tao mula sa likas na yaman ng komunidad. 4. Naiuugnay ang epekto ng pagkakaroon ng hanapbuhay sa pagtugon ng pangangailangan ng komunidad at ng sariling pamilya. 5. Nasasabi ang katangian ng mabuti at di mabuting pinuno. 6. Nasasabi ang kahalagahan ng mabuting pamumuno sa pagtugon ng pangangailangan ng mga tao sa komunidad 7. Nakapagbibigay ng mga mungkahi at dahilan upang palakasin ang tama, maayos at makatwirang pamumuno. Least Mastered skills in Grade Three 1. Naipaliliwanag na ang mga salik heograpikal katulad ng lokasyon...

Words: 553 - Pages: 3

Free Essay

Operations Managemet

...James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 James Joel T. Maucesa Grade 5 Sweetsheil T. Maucesa Saint Joseph College Grade 9 Sweetsheil T. Maucesa Saint Joseph College Grade 9 Sweetsheil T. Maucesa Saint Joseph College Grade 9 Sweetsheil T. Maucesa Saint Joseph College Grade 9 Sweetsheil T. Maucesa ...

Words: 605 - Pages: 3

Premium Essay

Eyewitness Memory in Accuracy on Recall of 2nd Year Students of Daughters of Mary Immaculate School (Dmi)

...Eyewitness Memory in Accuracy on Recall of 2nd Year Students of Daughters of Mary Immaculate School (DMI) Beginning from the conception until our present condition, we possess a certain characteristics which can only be found in ourselves. It is a unique way to see that everyone can speak in different way and act in different manner. We perceive different things in accordance with what our sensation sense. We can see, hear, smell, taste, and feel a stimulus and tend to bring that information in the brain for our own interpretation. After reaching it to the brain, the person produces reactions whether it is acceptable or not on particular setting. If it is unanimously acceptable to all, it doesn’t mean that we all have the same way of thinking or in a state of group mind. Every individual can still showcase another different facial expression after they come up to a decision. This is why individual differences are obviously seen to all individual. One of the basic parts of the body that can be the medium for accepting information towards our environment are eyes. It plays a vital role in encoding all perceived stimuli to our brain. From the part of the retina which is rods and cones, the information is relay to the ganglion cells and transmitted to the optic nerve until it reached to the occipital lobe. This is one part of the brain that responsible for the process of visual information. Stimulus that reached to the brain can either be remembered or not. Memory has the ability...

Words: 7064 - Pages: 29

Premium Essay

The Flower

...Each practice teacher can recount numerous highs and lows in their practice teaching career. Personally, I experienced many great moments while teaching. These were days when I ended so happy and enthusiastic that I knew I had selected the right profession. On the other hand, I had days where I definitely questioned teaching as a career. These were days where the students seemed uninterested, too talkative, or even worse a blow up occurred and nothing got accomplished. Thankfully the average combined with the positive days outshine my negative days. Through my 3 months of practice teaching, one event stands above the rest as my absolute best teaching experience. Through it I learned so much about teaching and dealing with students. My hope is that the student involved was at least partially changed for the better from the experience as I was. I also hope that there is something in this story that can help inform and inspire you. Being a student teacher is not an easy task. Lots of demands from your mentors must be attained. High expectations are given to you. There are lots of tears that were shed due to remake of lesson plans, grades, and mentors' comments. you must be strong in meeting the hardship of being a student teacher but I do believe that through the hardship I've experienced inside ILS will mold me to be a best teacher someday. All my sufferings will be all worth when I'll be in the real battle field as being a teacher.           One thing I could say about my learners...

Words: 4174 - Pages: 17

Premium Essay

National Achievement Test

...Chapter I: The Problem and Its Background Introduction Student achievement is not simply a matter of what happens in school. Academic achievement can be defined as excellence in all academic disciplines, in class as well as extracurricular activities. It includes excellence in sporting, behavior, confidence, communication skills, punctuality, assertiveness, arts, culture, and the like. It is a good way to enhance the drive of student to achieve a lot. It is about academic excellence, exemplary deportment, special awards, essential life skills, and responsibility to the community. In terms of academics, all students will obtain, understand, analyze, communicate and apply knowledge and skills to achieve success in school and life. In terms of essential life skills, all students will demonstrate aptitude, attitudes, and skills to lead responsible, fulfilling, and respectful lives. In terms of responsibility to the community, all students will understand and model the important attributes people must have to contribute to an effective and productive community and common good of all. In brief, it involves both product and process, and achievement is assessed both individually and collaboratively. A key component of both the product and the process in this "new literacy" classroom is that the students need to be conversant in multiple forms of representation—they must collect and process a certain amount of information, including non-print material such as photographs, video footage...

Words: 10046 - Pages: 41

Premium Essay

Thesis

...[pic] 2010 – 2011 to 2012 – 2013 School Year SONNY N. DE GUZMAN Head Teacher I maria m. magday, pH.d. Schools District Supervisor ENDORSEMENT We, THE SCHOOL PLANNING TEAM OF MONICAYO PRIMARY SCHOOL, Mabalacat North District, respectfully submit for approval the School Improvement Plan. MAYLON D. MANALOTO MA. THERESA T. SALUNGA English/Science/Filipino Leader Mathematics /MAKABAYAN Leader MAYLON D. MANALOTO JOREN VERGARA MARJOIE SUMILANG GINA ANCIADO Teachers’ Club President President Pupil Government Pupil Representative Parent Representative SONNY N. DE GUZMAN School Head Recommending Approval: MARIA M. MAGDAY, Ph.D. Schools District Supervisor Approved: ROSALINDA G. LUNA, CESO VI Schools Division Superintendent INTRODUCTION Guided by the principle of “shared governance”, as mandated by the Governance of Basic Education Act of 2001 or Republic Act 9155, Monicayo Primary School recognizes that every unit in the education has a particular role, task and responsibility to achieve its goals and objectives thus developing a School Improvement Plan (SIP) as a mechanism to complement School-Based Management practices is considered...

Words: 4793 - Pages: 20