Free Essay

Thesis Questionnaire in Brigada Eskwela

In:

Submitted By bobbybob
Words 1930
Pages 8
Rehiyon 1 – Rehiyon ng Ilocos Ang Rehiyon ng Ilocos ng Ilocos – ay matatagpuan sa hilagang-kanluran bahagi ng Luzon.
Mga Lalawigan at Kabisera:
1. Ilocos Norte – Laoag
2. Ilocos Sur – Vigan
3. La Union – San Fernando (sentro ng rehiyon)
4. Pangasinan – Lingayen
Topograpiya ng Rehiyon – bulubundukin at mabundok, may malawak na kapatagan din
Mga halimbawa ng ilog na matatagpuan sa rehiyon: ü Abra River ü Agno River ü Aringay River ü Bacara River ü Buboc River ü Bauang River ü Bued River ü Cabugao River ü Laoag River Panahon na nararanasan ng rehiyon: 1. Tuyo (dry) – mula Nobyembre hanggang Abril
2. Basa (wet) – mula Mayo hanggang Oktubre
Ang mga mamamayan dito ay halos Ilocano. Sila ay kilala bilang masisipag at matitipid.
Mga Kilalang Mamamayan Mula sa Rehiyon ng Ilocos
1. Diego Silang - Siya ay nakilala dahil siya ang unang namuno ng himagsikan sa pamahalaang kolonya ng Espanya.
2. Gabriela Silang - Siya ang kabiyak ni Diego Silang.
3. Elpidio Quirino - isang pulitiko at ang ika-anim na pangulo ng Pilipinas
4. Ferdinand Marcos - ika-sampung pangulo ng Pilipinas
5. Fidel V. Ramos - ika-labing tatlong pangulo ng Pilipinas
Mga Katutubo sa Rehiyon: Tingguian o Isneg
Ang Tingguian ay nakuha mula sa kataga ng Tingue, na nangangahulugan na mountaineers Likas na Yaman Mineral ng Rehiyon ü asbestos ü ginto ü apog ü tanso ü silica ü bakal ü manganese ü chromite ü luwad ü limestone ü semento Palay – ang pangunahing ani ng rehiyon Pangasinan – pangunahing prodyuser ng bigas sa bansa
Virginia Tabacco – ang pinakatanyag na produktong komersyal ng rehiyon. Mga Produkto ng Rehiyon: ü Mangga ü Bawang ü Munggo ü Mani ü Sibuyas ü Talong ü Kamatis ü Mais ü Bulak ü Niyog ü Ubas ü Saging ü Halamang-ugat Mga Magagandang Lugar na Dinarayo ng mga Turista sa Ilocos Region ü Paoay Church at Batac Church sa Ilocos Norte ü Manaoag Church sa Pangasinan ü Paoay Lake ü Fort Ilocandia ü Malacanang of the North ü Mga kalye at bahay na bato sa Vigan ü Poro Point sa San Fernando

Rehiyon 1
Sa pagdating ng nga espanyol nung ika-16 na siglong naipatayo ang ilan sa mga misyon ng kristiyano upang mapamahalaan ang katutubong mamamayan at masalin sa romanong katoliko. Ang Vigan city sa kasalukuyan ay tinawag na "Bishopric seat of Nueva Segovia”.

Ang mga ilokano sa norte ay nagtanim ng sama ng loob sa mga espanyol dahil narin sa kanilang pananakop. Naging dahilan ito upang bumulubok sa kasaysayan . Kasama sa pag-aalsa sina Diego Silang at ang kanyabg asawang si Gabriela Silang noong 1764. Bagamat ang mga Pangasinense ang nanatiling matibay na lumaban laban sa mga espanyol.

Ang rehiyon ng ilocos ay tinirhan pa ng mga sinaunang negritos bago pa sila mapunta sa ibang dako ng mundo. Ang nga naninirahan dito ay tingguiangs, ilocanos sa kanlurang bahagi at pangsinense sa silangan.
Sa kabuuan mas nangingibabaw dito ang mamayang ilokano. Ang paggamit sa katawagang rehiyon ng ilokano sa pagtukoy sa rehiyon 1 ay nagiging dahilan sa maling paniniwala ng karamihan na ang mga nakatira lamang dito at ilokano. Sa pamumuni ni Ferdinand Marcos, ang Pangasinan ay hindi kabilang sa rehiyong ito.

Kasaysayan
Ang rehiyon 1 o rehiyon ng ilocos ay matatagpuan sa hilagang kanlurang bahagi ng luzon.

Ito ay binubuo ng sumusounod:
-Ilocos Norte (Laoag City)
-Ilocos Sur (Vigan City
-La Union (San Fernando City)
-Pangasinan (Lingayen)

Lawak: 13,012.6 km
Lalawigan: 4
Lunsod: 9
Munisipalidad: 116
Barangay: 3,265

Panimula
I. Panimula
II.Kaligirang Kasaysayan ng Paksang Sinasaliksik
A. Lokasyon at Klima
B. Uri ng Tao
C. Kultura
D.Tradisyon
E.Paniniwala/Pamahiin
F.Relihiyon
G.Wikang Sinasalita
H.Industriya
I.Produkto
J.Mga akdang Pampanitikan
IV.Pagsusuri ng kabuuang pagsasaliksik
V.Konklusyon
VI.Talaaklatan
VII.Pagkilala ng mga sumuri

Talaan ng nilalaman
Ang proyektong ito ay hindi maisasakatuparin kung hindi dahil sa pagtutulungan ng bawat isa. Nais naming pasalamatan ang mga tumulong sa amin upang magawa ang proyektong ito. Una sa lahat ang panginoon na nagbigay ng aming kakayahan upang gumawa ng gantong gawain. Sa aming guro sa si Ma’am Carmen na naglinang ng aming kaalam. At sa aming pamilya walang sawang sumusuporta sa amin.

Pagkilala
Rehiyon 1
Noong 1901 ang rehiyon ay pinamunuan ng mga Amerikano. 1941 naman ng sakupin ito ng mga hapon.

1945, ang pinagsamang pamahalaan ng mga Amerikano at Pilipino ang nagpalaya sa ikalawang pandaigdigang digmaan.

Ang ilan sa mga pangulo ng republika ng Pilipinas ay nagmula sa rehiyon: Elpidio Quirino, Ferndinand MArcos and Fidel V. Ramos.

Bago pa man nabuo ang CAR kabilang ang Abra, Mt. Province at Benguet sa rehiyon 1.
Lokasyon sa Mapa:
-Kanluran ng Pilipinas. Kanluran-Silangan bahagi naman ng Luzon.

Lokasyong Pangheograpiya:
-Ang Ilocos ay makikita sa 120.5 digri Silangang Longitud at 17 digri Hilagang Latitud.

Lokasyong Maritima:
-Katabi ng Timog Dagat- China sa kanluran.

Klima
Ang klima rito ay magkapantay ang distribusyon ng ulan at araw.
Atraksyon sa Turista
Paoay Church at Batac Church sa Ilocos Norte
Manaog Church sa Pangasinan
Paoay Lake
Fort Ilocandia
Malacanang of the North
Mga kalye at bahay na bato sa Vigan
Poro Point sa San Fernando
Hundred Islands sa Pangasinan
Mamamayan
Tingguian/ Itneg

Mga Katutubo
Itneg ay kung ano ang Tingguians ay kilala sa Samtoy (Ilokano) salita. ANg Tingguian ay nakuha mula sa katagang "Tingue", na ang ibig sabihin ay "Mountaineers."

Pangasinense at Ilokano ang malaking bahagdan ng mamamayan nito sa kasalukuyan. Sila ay kilala sa pagiging malikhain, masipag at kuripot.
Kultura
Ang mga Ilokano ay bihasa sa paggawa ng sisidlan ng tubig o imbakan ng bagoong o tinatawag sakanilang burnay na yari sa semento, buhangin at mga lalagyan ng bulaklak na yari sa luwad. Kilala rin ang kumot na yari sa ilocos. Ito ay tinatawag na "Kumot-ilokano" (Inabel). Mahusay silang magtanim ng tabako (Virginia na siya nilang pangunahing produkto. Masining din ang mga ilocano. Mula sa kanilang epikong "Biag ni Lam-ang," gayundin ang "dallot" na napakikinggan sa panahon ng pagdadalamhati.
Sa kabilang dako naman ang mga pangasinense na mamayan din sa rehiyon 1 ay naniniwala sa animismo.

Ito ang kanilang paniniwala o pagsasamba sa espiritu na hindi nakikita tulad ng mga diwata. Iginagalng nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagsabi ng tabi-tabi sa bakuran tuwing gabi, Nag-aalay rin sila ng mga pagkain at dasal sa mga espiritung di nakikikita upang makaiwas sa kahit ano mang sakit, Isa pa sa kaugalian ng mga taga- Pangasinan di paglabas ng mga nawalisang dumi sa gabi dahil sa paniniwalang lalabas ang swerte.
Paniniwala at Pamahiin
Kapag nakakita ka ng maitim na sa, ibig sabihin ay malas. kapag daw nahulog ang tinidor habang kumakain, may darating na bisiting lalaki; kung kutsara naman ay bisitang babae.
Malas raw kapag tumingin ka sa basag na salamin.
Hindi raw puwedeng ikasal ang magkapatid sa iisang taon, sukob daw iyon.
Pagsabi ng "Tabi-tabi po" sa mga bakuran o kabundukan.
Paniniwala sa Animismo.
Tradisyon
Ang ilan lamang sa tradisyon ng mga ilokano ay ang pagsasayaw ng tadek o mas kilala sa tawag na folk dance ng mga ilokano, ipinapakita dito ng mga ilokano ang pagiging malikhain sa kasuotan sa mga lalaki na nakasuot ng habag sa kanilang pang ibaba at sa taas naman nila ay sarong. Sa kababaihan naman ay saya sa pang ibaba at malaking tilang nakapalupot sa katawan nila ang kanila namang pang ibaba.
Ang ilan sa tradisyon ng mga Pangasinense ay ang mga sumusunod:

Bagoong Festival, Lingayen
Pandan Festival, Mapandan
Bangus Festival, Dagupan
Pistay Dayat (Feast of the Sea) Sa buong Pangasinan
Puto Festival, Calasio
Talong Festival, Villasis
Longganisa Festival, Alaminos City
Pananamit
Ang mga sinaunang Ilocano na tinawag na itneg ay bahag ang nakasanayang kasuotan.

Subalit ang mga Ilocano na naninirahan sa baba ng kabundukan ay makabago na rin kung manamit.
Relihiyon
Ang Kristiyanismo ay lumaganap sa buong lalawigan. Halos 85 porsiyento ng populasyon ay binubuo ng mga Catolico. Ang natitirang porsiyento ay para sa mananampalataya ng Iglesia ni Kristo, Protestante,Aglipayan,I Witnesses at Seventh Day Adventists.
Wikang sinasalita
Ang wika ng mga Ilokano ay tinaguriang Samtoy na nagmula sa salitang "Saomi Datoy" na nag ibig sabihin ay " Wika namin ito." Ang wikang ito ay sinasalita ng humigit kumulang sampung milyong tao.

Ibanag at Gaddang, Ilokano at Pangalatok ang ilan pa sa wikang sinasalita rito.
Industriya
Paggawa ng tabako
Paghahabi
Paggawa ng kasangkapan sa bahay, seramiko at kasangkapang gawa sa bakal.
Pangingisda
Paggawa ng asin, patis at bagoong.
Pagmimina
Pag-aalaga ng hayop.
Produkto
Rehiyon 1 at kanilang pangunahing produkto:

Ilocos Norte- tabacco at bigas.
Ilococs Sur- tabacco, bigas at pangingisda.
La Union- tabacco, bigas, prutas, tubo, rootcrops at cottons.
Pangasinan- tabacco, bigas, prutas,tubo,rootcrops at coconut.
Akdang Pampanitikan
Doctrina Cristian ni Robert Bellarmine ang kauna-unahang aklat ng mga iloko nanailimbag noong 1601.

Ang ilan sa kanilang akdang pampanitikan ay ang mga sumusunod:

Pasion de Nuestra Senora jesucristo- Inang pasyong naisulat ni Antonio Mejia
Vida de San Barlaan Y Josaphat- Isinulat ni Agustin Mejia.
Sermones Morales at Escudos Del Christiana- Nina Jacinto Guerrero at Guillermo Sebastian.
Novena de Nuestra Senora de la Caridad que se Venera en la Iglesia del Pueblo de Bantay-Kauna-unahang novenang nailimbag.
Pamulinawen- isang uri ng kantahing bayan na Badeng.
Da Mangngalap ken Agsansana- sa tagalog ay "Ang mga Mangingisda at Mag-aasin" na isinalin ni Deogracia del Castillo Santos. -Dallot
Naraniag A bulan- o Maliwanag na Buwan isinalin ni Deogracia del Castillo-Santos. -Badeng
As-Asug Daguiti Kararua- o Hinaing ng mga kaluluwa isinalin ni Deogracia del Castillo-Santos.- Dung-Aw
Arte de la Lengua Iloca- Kauna-unahang akdang pangwika tungkol sa wikang ilokano ni P. Francisco Lopez noong 1672.
Vocabulario de la Lengua Iloco- Diksyonaryo at gramatika sa wikang iloko na isinulat ni P. Lopez.
Apay a Pinatayda ni Naw Simon (Bakit nila Pinatay si Don Simon)- ni Leon Pichay noong 1935, kauna-unahang nobelang paniniktik.
Puso ti Ina (Puso ni Ina)- Nailimbag noong 1936 na sinulat ni Leon Pichay.
Mining wenno Ayat ti Kararua (Mining o Pag-ibig ng kaluluwa)- isinulat noong 1914 ni Marcelino P. Crisologo.
Uray Narigat no Paguimbagan (Kahit Mahirap basta't Ikabubuti)- isinulat ni Facundo MAdriaga.
Sabsabon ken Lulua (Mga bulaklak at Luha)- ni Respicio noong 1930.
Nobela:
Pagsusuri sa kabuuang Pagsasaliksik
Konklusyon
Pagkilala sa mga Sumuri
Jessa Kathrina Lanuzga

Jan Hanzelle Lim
Lokasyon
Ang Rehiyon ng Ilocos ay matatagpuan sa hilagang-kanluran bahagi ng Luzon. Ang mga lalawigan ay Ilococs Norte, Ilocos Sur, La Union na itinuturing na sentro ng rehiyon at Pangasinan. Ang topographiya ng Rehiyon ay bulubundukin at mabundok at may lawak na kapatagan din. Ang mga halimbawang ng Ilog na matatagpuan sa rehiyon ay Abra River,Agno River,Aringay River,Bacara River,Buboc River,Buaang River,Bued River,Cabugao River at Laoag River.
Ang panahon na nararanasan ng rehiyin ay tuyo mula Nobyembre hanggang Abril at basa mula Mayo hanggang Oktubre. Ang mga mamamayan dito ay halos Ilocano. Sila'y kilala bilang masisispag at matipid. Ang pangkalahatang lalawigan ng Rehiyon 1 o kilala sa bilang rehiyon ng Ilocos na kadalasang pinagkakamalang rehiyon lamang ng ilocos dahil sa katawagan dito subalit ito'y rehiyon hindi lamang ng ilocos kundi maging ng Pangasinan at La Union. Napakalawak ng sakop ng panitikan ng Ilocos kung ikukumpara sa ibang panitikan. Samakatuwid, mayaman ang panitikan ng Ilocos.
Ang Pilipinas ay kinabibilangan ng iba’t ibang rehiyon na kung saan mayroong kanya-kanyang kagandahan. Isa na dito ang Rehiyon 1 o tinatawag ding Rehiyon ng Ilocos. Kung magsasaliksaik tayo tungkol dito, malalaman natin na sadyang napakaganda ng mga lugar at atraksyon dito na nagiging dahilan kung bakit dinadayo ng mga turista. Ang mga kultura’t tradisyon ay napapanatili pa at buhay. Masasabi na ang ating bansa ay may katangi-tanging ganda.

Similar Documents

Premium Essay

Consolidated Brewery Corporation Case Study

...CHAPTER 1 PROBLEM AND ITS BACKGROUND INTRODUCTION Cooperative is an association of persons who have voluntarily joined together to achieve a common end through the formation of democratically controlled organization, making equitable contributions to the capital require and accepting a fair share of the risks and benefits of the undertaking in which the members actively participate. Cooperative enterprises have been known in the Philippines in the form of multi-purpose cooperative, insurance cooperative, loan cooperative, etc. As a part of the community these cooperative enterprises have social responsibility to the community they are in. These cooperative enterprises have different ways to ensure that their social responsibilities are delivered to the community. One of them is community outreach activities, in the forms of programs that could help the people inside the community. Community outreach activities are ways of improving the corporate social responsibility of a cooperative enterprise. 1 1 Corporate Social Responsibility is a form of corporate self-regulation integrated into a business model. CSR policy functions as a self-regulatory mechanism whereby a business monitors and ensures its active compliance with the spirits of the law, ethical standards and national or international norms. Wikipedia. One of the well-known cooperative here in Taguig City is the Simbayanan...

Words: 10635 - Pages: 43