Free Essay

Thesis

In:

Submitted By RIELA
Words 4084
Pages 17
Kabanata I
Ang Suliranin at Kaligirang Kasaysayan

Nakapokus ang unang kabanata ng pananaliksik sa kaligirang kasaysayan ng paksang pinili ng mga mananaliksik. Tinalatalakay ng kabanatang ito ang mga dahilan kung bakit pinili ng mga mananaliksik ang ninais na paksa at kung anu-ano ang magsisilbing kanilang gabay sa pag-aaral.

Panimula Ang pagsali sa mga fraternity ay isa sa mga pinag-uusapang kalakaran noon hanggang ngayon na palasak sa mga mag-aaral ng kahit anong kolehiyo at unibersidad. Binigyang kahulugan ang fraternity bilang isang samahan ng mga kalalakihan na naglalayon ng iisang adhikain, halimbawa ay pagtulong sa iba at pagtatanggol sa isa’t-isa sa mga oras ng kagipitan at pangangailangan. Sari-saring opinyon ang sinasabi ng mga tao hinggil sa isyung ito, ang iba ay positibo habang ang iba ay negatibo. Iba’t iba man ang dahilan kung bakit dapat o hindi dapat sumali sa isang fraternity, higit na dapat pagtuunan ng pansin may kinalaman sa usapin ay kung paano ito maaaring makaimpluwensya sa abilidad ng mag-aaral na makisalamuha sa iba at sa kakayahan niyang mag-isip at magpasya sa lohikal at epektibong paraan, kasali na rito ang “academic standing” sa pangkalahatan ng mga mag-aaral na miyembro ng fraternity. Kaya napagkasunduan ng mga mananaliksik na gumawa ng isang mapanuring pagtalakay na may temang “Ang Ginagampanan ng Fraternity sa Pagpapaunlad ng Sosyal at Intelektwal na Kakayahan ng mga Mag-aral ng TIP-QC.”

Kaligirang Kasaysayan Hindi na kaila ang padami na padaming bilang ng mga mag-aaral na namatay dahil sa pagsali sa fraternity. Dahil dito, sinabi ni Andrea de Dios (2012) na ang imahe ng organisasyong iyon na dati’y isang brotherhood lamang ay napalitan ng gulo, sakitan at patayan. Maaaring masangkot sa gulo ang mga miyembro at mapabayaan ang kanilang pagaaral. Karagdagan pa, tinatabunan ng mga insidente ng hazing, paglalasing, sekswal na pang-aabuso at di-aktibong partisipasyon sa klase ang pakinabang ng pagsali sa fraternity (Anita Jo Cory, 2011) at talagang tuluyan nang lumayo ang mga ganitong organisasyon sa kanilang orihinal na tradisyon at layunin (Garret at Maisel, 1990). Sa pananaw naman ni Alexander Astin (1993), ang mga fraternity ay maaaring magtaguyod ng isang mapagmalasakit at maaasahang komunidad kung saan malilinang ng mga estudyante ang kanilang interpersonal na abilidad at kakayahan bilang isang lider. Simula pa noong mga nakaraang dekada, ang mga namumuno sa mga fraternity ay nagsisikap na magpokus sa kalakip na layunin at misyon ng samahan: pagsuporta sa kanilang mga iskolar, pagbigay ng serbisyo, pagpapasulong ng pangangasiwa at iba pang kaugnay na gawain. May kinalaman sa pagsali sa mga ganitong organisasyon, karamihan sa mga literaturang naglalayon ng pagsulong ng mag-aaral ay nagtatampok ng mabubuting impluwensya sa tagumpay at kaunlaran ng kanilang mga miyembro (Cory, 2011). Kaya naman, hindi kumbinsido sina Kharla Mae Brillo, et al. (2012) na nagdudulot ng mga negatibong resulta sa mga estudyante ang pakikibahagi sa mga fraternity.

Balangkas Teoretikal Sa Social Cognitive Theory ni Albert Bandura (1986), sinasabing iniimpluwensyahan ng kapaligirang ginagalawan ng isang tao ang pag-unlad ng kanyang intelektwal na kakayahan. Nakasentro ito sa ideyang nakukuha ng tao ang kanyang mga katangian at pag-uugali sa pamamagitan ng pagmamasid at paggaya sa anumang napagmamasdan, mabuti man ito o masama. Subalit maaari itong maituwid sa pamamagitan ng wastong edukasyon galing sa paaralan.

Mga Tiyak na Katanungan Inaasahan ng mga mananaliksik na masagot ang mga sumusunod na katanugan: 1. Paano nakakaapekto ang fraternity sa relasyon ng kanilang mga miyembro sa ibang tao? 2. Anu-ano ang ginagampanan ng pagsali sa fraternity sa pagpapasulong ng intelektwal na kakayahan ng mag-aaral? 3. Paano nakakaimpluwensya ang fraternity sa kaunlaran ng kanilang mga miyembro? 4. Anu-ano ang pagkakaiba ng “academic standing” ng isang mag-aaral na miyembro ng fraternity sa isa na hindi miyembro? 5. Paano nagiging positibo ang impluwensya ng fraternity sa pagkatao ng kanilang mga miyembro?

Balangkas Konseptwal

Ang Ginagampanan ng Fraternity sa Pagpapaunlad ng Sosyal at Intelektwal na Kakayahan ng mga Mag-aral ng TIP-QC

Social Cognitive Theory

Mga Salik na Personal (Kognitib at bayolihikal na mga kaganapan)

Pag-uugali (Behaviour)

Mga Salik sa Kapaligiran (Kultura at kinabibilangang organisasyon)
Positibo
Negatibo

Resulta ng Pananaliksik

Pigura-Bilang 1

Magsisilbing gabay ng pananaliksik ang Social Cognitive Theory ni Albert Bandura. Nahahati sa dalawang salik ang pag-uugali ng isang tao – ang una ay personal habang ang pangalawa ay organisasyunal. Nakatuon ang pansin ng pag-aaral sa organisasyunal o kapaligirang salik bilang isa sa mga pangunahing dahilan sa proseso ng pagdebelop ng isang indibidwal. Ang organisasyong kinabibilangan ng isang isa ay maaaring magdulot sa kaniya ng positibo o negatibo impluwensya. Nakadepende sa resulta ng pananaliksik ang magiging patunay kung ano ang impluwensya ng fraternity bilang isang organisasyon sa pagsulong ng sosyal at intelektwal na kakayahan ng isang mag-aaral.
Haypotesis
Base sa mga reperensyang nakalap sa mga naunang talata, inaasahan ng mga mananaliksik na malilinang at mapapaunlad ng mga mag-aaral ang kanilang sosyal at interpersonal na kakayahang makisalamuha sa iba. Subalit may kinalaman sa usaping intelektuwal, maaaring hindi positibo ang pagganap ng fraternity sa kaunlaran ng mga mag-aaral. Dahil sa iba’t ibang aktibidad na isinusulong ng mga fraternity, maaaring mapabayaan ng mag-aaral ang kanyang responsibilidad sa paaralan anupat bumaba ang kanyang academic standing.

Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa impluwensiya ng fraternity sa sosyal at intelektuwal na kakayahan ng mga mag-aaral. Ang magiging mga respondente sa pag-aaral ay mula lamang sa mga mag-aaral na may kursong Engineering sa Technological Institute of the Philippines, Quezon City. Ang panahong saklaw ay magmula Enero 2015 hanggang Marso 2015. Umaasa ang mga mananaliksik na makapag-ambag ng impormasyon ang pag-aaral at makapaglaan ng kasagutan sa mga karaniwang tanong may kaugnayan sa paksa.

Kahalagahan ng Pag-aaral Makikinabang ang mga sumusunod na indibidwal sa pananaliksik:

Sa mga mag-aaral – Makatutulong ang pag-aaral para sa mga kabataan na napapaharap sa pagpili kung dapat ba o hindi dapat makibahagi sa isang fraternity. Sa pamamagitan ng pananaliksik, malalaman ng mga mag-aaral kung paano maaaring makaapekto sa kanilang pag-unlad ang pagsali sa fraternity at sa pagkaalam nito, hahantong sila sa matalinong pagdedesisyon.

Sa mga magulang at guro – Ang pagaaral ay magsisilbing gabay ng mga magulang at guro upang protektahan ang kanilang mga anak o mag-aaral sa mga posibleng panganib ng pagsali sa fraternity. Sa kabilang banda, maaari ring magsilbing pampatibay ang pananaliksik upang himukin ng mga magulang at guro ang kabataan na umanib sa fraternity sa pagkaalam ng mga programang tinatangkilik ng organisasyon.
Sa lipunan – Bagaman personal na desisyon ang pagsali sa fratrenity at walang inirerekomendang pagpapasya ang mga mananaliksik, mapagtitimbang-timbang ng isang responsableng mamamayan ang mga datos na mailalakip sa pag-aaral sa pagbuo ng isang kongkreto at balid na kongklusyon. Tutulong ang pananaliksik na ito upang mabuksan ang isip ng lipunan sa epekto ng fraternity sa kanilang mga miyembro, positibo man o negatibo.

Katuturan ng mga Salitang Ginamit Binigyang-kahulugan ang mga sumusunod na salita na madalas gamitin sa pag-aaral upang mas madaling maintindihan ng mambabasa kung paano iniangkop at iniugnay ang mga terminolohiya sa paksa ng pananaliksik:

Akademik – edukasyon at kaalaman na natututunan sa paaralan
Brotherhood – pagkakaibigan at pagdadamayan sa pagitan ng mga miyembro ng isang organisasyon
Engineering – programa sa kolehiyo na umuugnay sa pagdidisenyo at paggawa ng iba’t ibang bagay na ginagamitan ng siyentipikong paraan
Fraternity – isang grupo ng kalalakihan na organisadong kumikilos para sa iisang layunin at interes
Hazing – mga gawain kung saan pinipwersa ang isang indibidwal na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kalooban
Initiation - seremonyang idinadaos upang maging legal na miyembro ang nagnanais na sumali sa isang fraternity
Intelek – matalinong indibidwal na may abilidad na mag-isip sa lohikal na paraan
Inobasyon – mga bagong ideya at imbensyon para sa ikauunlad ng lipunan
Interpersonal – relasyon ng isang tao sa iba
Intrapersonal – pananaw at relasyon ng isang tao sa kanyang sarili
Kognitib – kakayahan ng tao na mag-isip
Lohikal na pag-iisip – kakayahang mag-isip ng makatwiran at tumpak na nagreresulta sa mga matagumpay na pagdedesisyon
Organisasyon – sistematikong grupo na may iisang pamantayan at batas
Pakikisalamuha – pakikisama at interaktib na pakikitungo sa iba
Sosyal na abilidad – kakayahan ng indibidwal na makisalamuha at makipaginterak upang makapagtaguyod ng relasyon sa kapwa-tao

Kabanata II
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Tinutukoy sa kabanatang ito ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Magbibigay-impormasyon ito sa mambabasa kung ano ang nakaraan hanggang kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay sa pag-aaral.

Lokal na Pag-aaral Pinag-aralan ni R.A.D Castellano (2003) ang mga uri ng komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro mula sa iba’t ibang fraternity na pinaniniwalaang pasimuno ng mga gulo at karahasan. Ang UP Diliman ay lugar kung saan namugad ang mga kilalang fraternity noon pa man. Sa nagdaang mga taon, hindi maikakailang marami ang nasasangkot sa mga away-fraternity sa loob o labas man ng campus. Natuklasan sa pag-aaral na nagsisimula ang ganitong mga gulo sa mga agresibong aksyon na maaaring humantong sa mararahas na away. Bukod dito, ang pagkakaiba-iba ng kultura ng bawat fraternity ay isa rin sa mga dahilan sa mga alitan ng ganitong mga organisasyon. Sa pananaliksik nina Gallevo, et. al. (1988), dapat na kilalaning mabuti ng isang indibidwal ang mga miyembro ng fraternity at huwag husgahan. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay upang alamin at ipaliwanag ang paraan ng pamumuhay ng mga kasapi sa ganitong mga grupo. May layunin din itong buksan ang mata ng lipunan kung ano ang katotohanan sa likod ng mga fraternity. Natuklasan sa pag-aaral na ang fraternity ay tungkol sa impluwensya, mga programa, at ang epekto nito sa personal na buhay ng kanilang mga miyembro, pag-aaral, pamilya at pagkakaibigan. May layunin din itong magbigay tulong kung paano haharapin ang mga problema. Sa pananaw nina Jefferson Bagadiong, et.al. (2014), ang pagsali sa mga fraternity ay maaaring maging mabuti o masama. Nakadepende sa tao kung paano niya haharapin ang mga sitwasyon sa kanyang pagsali. Kalimitan nang bumababa ang mga marka ng mga mag-aaral na sumasali sa fraternity. Pero upang protektahan ang kanilang sarili sa mga inaakalang kapahamakan dulot ng pagiging baguhan, maraming mag-aaral ang nahihikayat na sumali sa mga fraternity. Ang iba ay upang sumikat, sa paniniwalang mapapataas nila ang kanilang reputasyon kapag kabilang sila sa isang kilalang fraternity sa paaralan. Sa mga kaugnay na pag-aaral na isinagawa sa bansa, pinaniniwalaang may papel na ginagampanan ang fraternity sa mga bayolenteng gulo na kadalasang nangyayari sa loob man o labas ng paaralan. Taliwas ito sa sinasabing layunin nila na pasulungin ang interpersonal na abilidad ng kabataan at pagkakaibigan sa pamamagitan ng iba’t ibang programa na kanilang itinataguyod. Subalit marami pa ring mag-aaral ang naeengganyong sumali sa mga fraternity sa paniniwalang kaya silang protektahan ng mga ito.

Banyagang Pag-aaral Ayon kay Dante Jordan (2011), may bentaha at disbentaha ang pagsali sa mga fraternity. Ang ilan sa mga bentaha ng pagsali sa ganitong mga organisasyon ay ang pagkakaibigan at mga koneksyon mula sa kapatiran. Ang pagkakaibigang nasumpungan sa fraternity ay kadalasang tumatagal habambuhay at may pakinabang sa mundo ng negosyo. Para sa mga baguhan, ang mga fraternity ay nagtatakda ng halaga sa mga gustong maging miyembro. Bilang halimbawa, humigit-kumulang $265 (P11,730.36) ang natatanggap ng Pi Kappa Phi Fraternity mula sa national initiation due bukod pa sa annual fee na may halagang $130 (P5,754.52). Kasali sa buhay-fraternity ang paglalasing at “partying”. Sa isang pag-aaral ng Harvard School of Public Health, natuklasang apat sa limang miyembro ng fraternity ang may kakayahang umubos ng maraming alkohol sa loob ng maikling oras. Pinapakita ng istatistika na maaaring uminom nang uminom ang isa sa mga okasyong idinadaos ng ganitong mga organisasyon hanggang sa puntong mawalan siya ng malay at hindi na muling magising pa. Andiyan din ang isyu ng hazing. Bagaman may mga batas nang kontra rito, hindi pa rin nawawala ang mga kaso ng hazing sa maraming unibersidad sa Amerika. Sa kanyang pananaliksik na pinamagatang “Cognitive Effects of Greek Affiliation During the First Year of College”, pinag-aralan ni Ernest Pascarella
(1994) ang kognitib na epekto ng mga fraternity at sorority sa 2,293 mag-aaral ng unang antas sa kolehiyo sa 15 na estado ng Amerika. May layunin siyang alamin kung gaano kataas ang makukuha ng mga mag-aaral pagdating sa mga kategoryang “reading comprehension, critical thinking” at matematika. Sinikap niya ring alamin kung magkakaiba ang impluwensya ng fraternity sa mga mag-aaral na may iba’t-ibang katangian mula sa magkakaibang kolehiyo. Natuklasan sa pananaliksik na mas mababa ang nakuhang marka ng mga kalalakihan at kababaihang kabilang sa fraternity at sorority kung ihahambing sa mga hindi miyembro. Ipinahihiwatig ng pag-aaral na ang panggigipit mula sa kasamahan at pagsali sa mga fraternity o sorority ay hindi kadalasang umaayon sa edukasyunal at intelektwal na misyon ng mga kolehiyo at unibersidad. Sinabi pa ni Pascarella (1994) na layunin ng mataas na edukasyon sa bansang Amerika ang paunlarin ang pag-iisip ng indibiduwal upang kumilos sya kaayon ng moral na pamantayan. Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Gary Pike (2000), sinasabi na ang pakikibahagi sa mga fraternity ay hindi gaanong nakakatulong sa akademikong pag-aaral. Mas matindi ang epekto ng ganitong mga organisasyon sa mga mag-aaral sa mataas na antas kumpara sa mga mag-aaral sa mababang antas. Sa mga nakaraang taon, ang pagkilala sa mga fraternity sa mga kolehiyo at unibersidad ay dumadaan sa masuring inspeksyon. Ang mga resulta mula sa National Study of Student Learning (NSSL) ay nagpapakitang may negatibong epekto ang mga fraternity sa kognitib na pagsulong ng mga mag-aaral partikular na sa mababang antas ng kolehiyo. Gayunpaman, sa pananaliksik na isinagawa sa isang unibersidad sa Midwest, natuklasang mas mataas ang potensyal at abilidad ng mga mag-aaral na miyembro ng fraternity kung ihahambing sa mga hindi miyembro. Ang pakikibahagi sa mga sosyal na aktibidad na isinusulong ng organisasyon ang pinaniniwalaang dahilan ng kognitib na kaunlaran ng mag-aaral. Maaaring makabuti at makasama ang pagsali sa mga fraternity. Malawak ang koneksyon ng isang indibidwal sa kanyang pagsali sa fraternity, subalit maaari ring makompromiso ang kanyang buhay sa mga gawaing idinadaos ng kinabibilangang organisasyon. May kinalaman sa usaping akademiko, natuklasang kalimitan nang mas mababa ang “academic standing” ng isang mag-aaral na kabilang sa isang fraternity bagaman maaaring sa ibang lugar ay mas mataas naman ang kanilang nakukuhang grado sa paaralan.

Lokal na Literatura Sinabi ni Argee Guevarra (1989) na nakakaintriga at nakakatakot ang kultura ng mga fraternity sa kolehiyo. Habang pilit na inuunawa ang layunin ng mga fraternity, lalo lamang nitong pinapaigting ang mga dahilan upang mapoot dito. Bilang halimbawa, dahil sa away sa pagitan ng dalawang fraternity, isa ang nalagay sa kritikal na kondisyon dahil sa malulubhang tama ng tubo at dos-por-dos. Ang mga pangyayaring tulad nito ay hindi nagtataguyod ng kahalagahan ng pagkuha ng akademikong pag-aaral, bagkus dumadagdag lamang ito sa kinakaharap na mga suliraning panlipunan ng bansa. Isa lamang yan sa mga dahilan kung bakit mahirap maunawaan ang paraan ng kanilang pamumuhay. Sinasabing ang mga ganitong gulo ay parte na ng buhay-frat. Subalit ang pakiramdam ng pagiging bahagi ng ganitong buhay ay nagdudulot lamang ng pag-aalinlangan at takot sa mga miyembro. Ayon naman kay Rafael Jude Tomeldan (1980), ang mga marahas na gulo ay hindi dapat laging isisi sa mga fraternity. Ang mga fraternity ay maaaring ihalintulad sa mga bansa. Ang mga miyembro ay mas makakaramdam ng kapanatagan sa kinabibilangang fraternity kung handa nilang ipagtanggol ang isa’t isa sa oras ng kagipitan. Sa pananaw ng iba, ang pagsali sa mga fraternity ay makabuluhang karanasan dahil natututo silang makisalamuha sa ibang tao. Ang mga miyembro na nahihirapan sa mga aralin sa paaralan ay maaaring magpatulong sa iba pang miyembro na mahusay sa klase. Ang pagsali sa mga fraternity ay maaaring kasiguraduhan din pagdating sa paghahanap ng trabaho sa kinabukasan dahil sa mga koneksyon ng kapwa fratmen. Sinabi pa ni Candy Palenzuela (2007) na kinikilala ng mga mag-aaral ang fraternity at sorority bilang mga pantulong na grupo dahil sa alok nitong “academic assistance” sa kanilang mga miyembro. Ang iba ay nagbibigay pa nga ng pinansyal na tulong. Ang pagsali sa mga fraternity o sorority ay nag-aalok ng maraming oportunidad pagkatapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Ang mga nangangasiwa sa malalaking kompanya ay kadalasang pumipili ng mga manggagawa mula sa kapareho nilang fraternity o sorority. Kung gayon, ang pagsali sa mga fraternity o sorority ay isang paraan upang makakuha ng trabaho pagkatapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Hindi maikakailang bahagi ng buhay-frat ang karahasan at mga away. Subalit ayon sa reperensya, lalo lamang nitong pinagbubuklod ang kanilang mga miyembro upang makadama ng kapanatagan at seguridad na handa nilang ipagtanggol ang isa’t isa sa anumang oras. Bukod dito, handa silang magtulungan sa mga usaping akademiko maging hanggang sa paghahanap ng trabaho ng kanilang mga kasapi.
Banyagang Literatura Sa akdang “Catholic Views and Teachings on College Fraternities” ni Destiny Keller (2011), binigyang-diin ng manunulat na ang pagsali sa fraternity ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral ng kolehiyo, katoliko man sila o hindi, kung pipiliin nilang mabuti ang sasalihang organisasyon. Malilinang ng isa ang kanyang abilidad na maging lider sa pamamagitan ng pagsali sa mga proyektong isinusulong ng mga fraternity. Marami sa mga fraternity ang nagbibigay ng “scholarship”. May positibong papel din ang ginagampanan ng ganitong mga grupo sa pagtataguyod ng pagkakaibigan at pagpili ng libangan. Kadalasan nang may hindi magandang imahe ang mga fraternity dahil sa mga balita ng sobrang pagsasaya, malupit na hazing at sekswal na imoralidad. Subalit hindi lahat ng organisasyon ay pare-pareho. Nakapokus ang ibang samahan sa paglilingkod sa bayan at umiiwas sa mga masamang gawaing kadalasang nauugnay sa karamihan ng mga fraternity. Ang importante ay ang pag-iwas sa mga panghihikayat na inaalok ng karamihan sa mga fraternity. Subalit hindi maikakaila na maaaring humantong sa hazing ang initiation rite na isinasagawa ng karamihan sa mga kilalang fraternity. Ayon kay Katie Lambert (2009), ang tusong pakana ng pagpapahirap upang maging miyembro ay nagdudulot lamang ng kahihiyan sa indibiduwal na makakaranas. Ang iba ay nakakaramdam ng pagnanais na mapag-isa dahil sa pakiramdam ng pagiging iba. Ang ganitong pang-aabuso ay hindi nagdudulot ng positibong epekto sa sosyal at intelektwal na abilidad ng mag-aaral bagkus ay magdudulot ito ng pisikal at emosyonal na pagkabahala. Bukod sa labis na pagpapahirap, maaaring pilitin din ang isa na gumawa ng mga sekswal na bagay na labag sa kanyang loob, maaaring hindi siya patulugin o lunurin pa nga sa tubig. Ang mga kinikilalang fraternity ay hindi na nagsasagawa ng ganitong mga ritwal subalit isinusulong pa rin ito ng iba na may layuning mapatunayan ang katapatan ng mga bagong miyembro. Ang mga nasabing gawain ay nakamamatay. May kinalaman sa pagbabawal sa pagsali sa mga fraternity sa Princeton School, ipinaliwanag ng punong-guro na si Shirley Tilghman (2011) na negatibo ang epekto ng mga fraternity sa kampus. Pinaniniwalaang iniimpluwensyahan nito ang kabataan na ihiwalay ang kanilang sarili sa ibang tao at pagkakabaha-bahagi sa sosyoekonomikal na estado. Sa ibang pagkakataon, ineempasis ng ganitong mga organisasyon ang labis na pag-inom ng alkohol, at na ang pangunahin nilang biktima na mga miyembro ay yaong mga mag-aaral sa unang antas ng kolehiyo dahil wala pa silang gaanong karanasan. Sa pagpili ng sasalihang organisasyon, mahalagang kilatasing mabuti ng isang indibidwal ang pipiliing fraternity. Hindi lahat ng fraternity ay pare-pareho. Maaaring ang iba ay nagtataguyod ng marahas na buhay habang ang iba ay nakapokus sa pagtulong sa lipunan. Subalit karamihan ng mga reperensya ay nagsasabing negatibo ang epekto ng fraternity lalung-lalo na sa mga mag-aaral sa unang antas ng kolehiyo anupat nagdudulot lamang ito ng pagkakabaha-bahagi, hindi ng pagkakaisa.

Kabanata III
Ang Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Tinatalakay sa kabanatang ito ang disenyo at mga paraan kung paano mangangalap ang mga mananaliksik ng mga datos sa pag-aaral. Itutunghay sa ikatlong kabanata ang mga baryabol na magmamanipula sa pag-aaral upang tumungo sa isang balid at maaasahang konklusyon.

Disenyo ng Pananaliksik Napagkasunduan ng mga mananaliksik na gamitin ang disenyong deskribtib-analitik bilang pamamaraan ng pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga salik may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik. Ang disenyong deskriptib-analitik ang pinakasimpleng pamamaraan ng pananaliksik (Rolando Bernales, et. al., 2008). Ang deskriptib na pamamaraan ay naglalayong mangalap ng impormasyon tungkol sa umiiral na mga kondisyon sa kasalukuyan (Sevilla et. al., 1992). May tungkulin itong ipaliwanag ang mga kaugnay na kalagayan sa pag-aaral sa pamamagitan ng mga kwaliteytib na paglalarawan. Ang analitik na pamamaraan ay ginagamitan ng istatistikal na mga tritment at kwantiteytib na mga pormula upang sa gayon ay maging balid ang gagawing pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng mga naratibong paglalarawan at mga istatistikal na komputasyon sa disenyong deskriptib-analitik.

Pamamaraang Gagamitin sa Pananaliksik Tinitiyak ng mga mananaliksik na ang pag-aaral ay nakaayon sa balangkas-konseptwal upang magkaroon ng balid at konkretong kasagutan ang mga tiyak na katanungang nakaulat sa Kabanata I ng mungkahing pananaliksik. Ang magiging konklusyon sa pag-aaral ay magmumula pangunahin na sa magiging tugon ng mga respondente. Marapat na tiyakin ng mga mananaliksik na hindi maninipulahin ang mga datos na makukuha mula sa mga baryabol ng pananaliksik. Ang mga tugon ng mga respondente ay manggagaling sa kanilang personal na karanasan. Bukod sa mga reperensyang maaaring pagmulan ng konklusyon, maghahanda ang mga mananaliksik ng mga tanong na huhusgahan ng mga kalahok sa pag-aaral gamit ang Likert Scale – 5 ang pinakamataas habang 1 ang pinakamababa. Pagkatapos makuha ang mga datos sa sarbey-kwestyoner, gagamitan ito ng istatistikal na tritment sa pagbuo ng balid na resulta.

Teknik sa Pagkuha ng Kalahok sa Pag-aaral Ang mga respondente sa pag-aaral ay pipiliin sa pamamagitan ng Stratified Random Sampling. Sa sistemang ito, malayang pumili ang mga mananaliksik ng isang tiyak na bilang ng mga sampol – babae man o lalaki – mula sa bawat grupo (stratum) ng mga kinikilalang fraternity sa TIP-QC. Kukuha ang mga mananaliksik ng tig-sasampung mag-aaral mula sa siyam na fraternity ng TIP-QC na siyang magiging independent na baryabol sa pag-aaral. Ito ay may kabuuang bilang na 90 respondente. Ang mga kalahok ay dapat na mag-aaral ng TIP-QC at kumukuha ng programang Engineering anuman ang kanilang edad, kasarian at lebel sa kolehiyo.

Instrumentong Gagamitin sa Pananaliksik Sa pagkuha ng mga datos mula sa mga respondente, gagamit ang mga mananaliksik ng sarbey-kwestyoner. Ayon kay Bernales, et. al., (2008), ang pagpapasagot ng sarbey-kwestyoner sa mga respondente ang pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang aplikable sa isang deskriptib-analitik na disenyo. Ang instrumentong ito ng pangangalap ng datos ang pinakapraktikal na gamitin sa pananaliksik na isasagawa sa limitadong panahon at abalang mga respondente.

Paraan ng Pangangalap ng Datos Sa tulong ng mga aklatan at ng Internet, nakapangalap ang mga mananaliksik ng sapat na mga datos at impormasyon sa pag-aaral. Nag-ambag din ang nakalimbag na mga artikulo mula sa mga pahayagan sa pagpapahayag ng opinyon at obserbasyon ng nakararami may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik. Minaksimays ng mga mananaliksik ang paggamit ng mga reperensya at ng kaligirang pag-aaral upang magkaroon ng gabay sa magiging posibleng resulta ng pag-aaral. Ginamit ng mga mananaliksik ang istilong APA bilang pagkilala sa mga awtor ng mga nakasayt na reperensya. Pinagtitibay nito ang kredibilidad ng mga datos at impormasyon na ginamit sa pananaliksik.

Komputasyon Istatistikal Sa isang pamanahong-papel, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment (Bernales, et. al., 2008). Dahil dito, gagamit ang mga mananaliksik ng paraang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoner ng mga respondente. Tinatawag ang pormulang ito na Mean Deviation. May pormula itong:

x = ( fN ) (100) f = dalas ng pagkakasagot sa bawat katanungan N = populasyon ng mge respondente 100 = magtutumbas sa desimal upang maging porsyento

Talaan ng Sanggunian

Aklat at mga Tisis

Brillo, et. al., (2012). Leadership Identity Development: The Influence of Fraternity or Sorority Membership on College Studens Leaders. Course Req. Thesis, University of the Philippines Visayas. Philippines
Cory, A.J. (2011). The Influence of Fraternity and Sorority Membership on the Leadership Identity Developmet of College Student Leader. PhD Thesis, Washington State University. Washington, USA.
Garrett, D. (1990). The Value of the Greek system: Should fraternities and sorority have a place on campus?. PhD Thesis, University of Newcastle, UK.

Artikulo at Dyornal

Astin, A.W. (1999). Student Involvement: A developmental theory for higher education. Journal of College Student Development, 40(5), 587-599
De Dios, A. (2012). Mabubuti at masamang epekto ng pagsali sa Fraternity, Youth Force, p.1

Similar Documents

Premium Essay

Thesis for College

...fi/bitstream/handle/.../Thesis%20Timo%20Aho.pdf?... by T Aho - ‎2012 - ‎Related articles The purpose of this thesis project was to find and create a better solution for handling ... for example, of names, preferred shoe sizes and address information. During this project, it was decided that a customer information system will to be cre-. Thesis Proposal For Management Information Systems Free ... www.termpaperwarehouse.com/.../thesis...management-information-syste... Free Essays on Thesis Proposal For Management Information Systems for students. Use our papers to help you with yours 1 - 20. [PDF]Web-based Information System for Land Management www.ucalgary.ca/engo_webdocs/MR/05.20223.LimanMao.pdf by L Mao - ‎2005 - ‎Cited by 1 - ‎Related articles Web-based Information System for Land Management .... 1.5 THESIS STRUCTURE. ..... Figure 4.7: Sample of Attribute Tables of Web-GIS Prototype System . [PDF]Developing effective hospital management information ... ro.ecu.edu.au/cgi/viewcontent.cgi?article=2411&context=theses by C Bain - ‎2014 - ‎Related articles Oct 5, 2014 - The central contention of this thesis is that the current ecosystem models in the information ... This research seeks to highlight an example of ... hospital management information system environment, using the technology. [PDF]Thesis Management System for Industrial Partner ... - IS MU is.muni.cz/th/374278/fi_b/thesis-text.pdf by V Dedík - ‎Related articles Keywords. Thesis, Thesis Management, Information...

Words: 525 - Pages: 3

Premium Essay

Thesis Writing

...------------------------------------------------- Thesis Writing: A Guide for Students By Jennifer Swenson The Sparrow’s introduction to thesis writing is a clear-cut and comprehensive tool for those who are about to embark on one of the more difficult projects in all of academia. Thesis writing is not an art; rather, it is the product of many months of research and painstaking hard work. Whether you are writing a master’s thesis, a PhD thesis, or any other form of this venerable genre, I hope this guide will serve you well. Thesis Writing Background What is a thesis? A thesis is essentially a research report. It addresses a very specific issue and describes what is known about that issue, what work the student has done to investigate or resolve it, and how that issue may play out in the future. It is the thesis writer’s responsibility to familiarize her with the history of the issue and the different points of view that exist. The thesis writer works with a mentor who is an expert in the field that the thesis concerns, but not necessarily an expert on that exact topic. Usually thesis topics are so specific that very few people in the world except the thesis writer herself could be considered an expert on them. Your thesis writing will make a contribution to the field about which you are writing, and in a larger sense, to all of human knowledge. A thesis is distinctively different from an undergraduate research report because it is so original. How Specific Should My Thesis Get? When writing a thesis, you should...

Words: 2925 - Pages: 12

Premium Essay

Thesis Writing

...------------------------------------------------- Thesis Writing: A Guide for Students By Jennifer Swenson The Sparrow’s introduction to thesis writing is a clear-cut and comprehensive tool for those who are about to embark on one of the more difficult projects in all of academia. Thesis writing is not an art; rather, it is the product of many months of research and painstaking hard work. Whether you are writing a master’s thesis, a PhD thesis, or any other form of this venerable genre, I hope this guide will serve you well. Thesis Writing Background What is a thesis? A thesis is essentially a research report. It addresses a very specific issue and describes what is known about that issue, what work the student has done to investigate or resolve it, and how that issue may play out in the future. It is the thesis writer’s responsibility to familiarize her with the history of the issue and the different points of view that exist. The thesis writer works with a mentor who is an expert in the field that the thesis concerns, but not necessarily an expert on that exact topic. Usually thesis topics are so specific that very few people in the world except the thesis writer herself could be considered an expert on them. Your thesis writing will make a contribution to the field about which you are writing, and in a larger sense, to all of human knowledge. A thesis is distinctively different from an undergraduate research report because it is so original. How Specific Should My Thesis Get? When writing a thesis, you should...

Words: 2925 - Pages: 12

Free Essay

Thesis Guide

...pr pr acti od ca uc l a ing sp a ects th es of is at un sw po th stg es rad is gu uate ide PRACTICAL ASPECTS OF PRODUSING A THESIS AT THE UNIVERSITY OF NEW SOUTH WALES P.GRADUATE A thesis submitted in fulfilment of the requirements for the degree of Doctor of Philosophy Postgraduate Board January 2002 University of New South Wales Please note: the web version does not contain two sections of the printed version. The differences are due to differing formats which makes it impossible to convert some pages into a PDF format. Missing are a mock up of a UNSW Thesis/Project Report Sheet and the information in Appendix IV. A copy of the printed guide can be sent to you if you email your address to campaigns@unsw.edu.au. This missing information was taken from the Thesis Submission Pack which is available from New South Q on the Kensington campus (download from or phone: (02) 9385 3093). ABSTRACT This booklet is designed to assist research students with the practical aspects of producing a postgraduate research thesis at the University of New South Wales. As well as providing advice in regard to the University’s requirements, formatting, layout, referencing and the use of information technology, this guide also describes what some students might regard as the more arcane and ritualistic aspects of producing a PhD thesis, in particular, those associated with accepted academic conventions. A section on posture and ergonomics has also been included to help you...

Words: 12383 - Pages: 50

Free Essay

Thesis Statement

...Thesis Statement and Outline Online Shopping vs. Brick and Mortar Shopping Both forms of shopping have one goal in mind. That goal is to get the item that you desire. Many of the stores that you visit on a daily basis can come to you online. I. You can shop in the comfort of your own home. A. You do not have to worry about getting ready to go shopping. 1. You can shop in your pajamas if you prefer. 2. You can shop when it is convenient for you. B. You do not have to fight crowds in the mall or store. 1. There is no traffic to worry about getting to the stores. 2. During the holiday season, you do not have to worry about many people crowding you. II. You can see what you are buying. A. Depending on what you buy, you can feel the item and actually see the item. 1. You can feel the texture or weight of an item. 2. You can see if the item is big or overweight. B. There is no wondering if you are getting the item that you ordered. 1. You can be positive that you are getting the correct item. 2. You can see the exact shade or style of what you are buying in person. III. Instant gratification A. There is no waiting to receive your item. 1. You are able to take your purchase home that same day. 2. Site to store is an option with many stores and it is possible to pick it up that day. B. Being able to choose...

Words: 339 - Pages: 2

Free Essay

General Thesis

...INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY THESIS TITLE A PROJECT Presented to the Department of Information and Communication Technology, Garden City University College in partial fulfilment of the requirements for the degree of Bachelor of Science In Computer Science By NAME1 NAME2 Month, Year DECLARATION I hereby declare that the entire thesis work entitled, “……………..” submitted to the department of Information and Communication Technology, Garden City University College, in fulfilment of the requirement for the award of the degree of BSc Computer Science, is a bonafide record of my own work carried out under the supervision of Mr/Mrs/Ms . ……….. I further declare that the thesis either in part or full, has not been submitted earlier by me or others for the award of any degree in any University. ACKNOWLEDGEMENTS This section contains expressions of gratitude to advisor(s) and anyone who helped you:  1. technically (including materials, supplies) 2. intellectually (assistance, advice) 3. financially (for example, departmental support, travel grants)  ABSTRACT The abstract is an important component of your thesis. Presented at the beginning of the thesis, it is likely the first substantive description of your work read by an external examiner. The abstract is the last section to write. An abstract is not merely an introduction in the sense of a preface, preamble, or advance organizer that prepares the reader for the thesis. In addition to that function, it must...

Words: 2039 - Pages: 9

Free Essay

Thesis Statement

...The thesis statement that I have come up with for my “big idea” topic is: I believe we can better our economy by changing the way the government assists the citizens financially with programs such as food stamps, otherwise known as EBT. The government shapes society and the government needs to help society help themselves by making a few changes to the way it disburses our tax money. I think this thesis is going to be effective because it shows my main focus of the essay I will be writing, which is to change the way government assists families of low income. I want to stress the option of giving more money as school grants rather than giving it for food. Another option would also be limiting the options of foods that are okay to purchase with EBT. Right now, there are no limitation other than alcohol or pre-prepared foods. You can even purchase energy drinks at the moment. If people weren’t given everything for doing nothing, they may be more likely to further their education and get a better job to provide such luxuries as fatty foods or sweets and energy drinks. I see a major problem supporting this thesis with fallacy, mainly because I have such strong personal opinions. I am going to have to force myself to rely on straight facts and pure research to get my point across. For my research, I am going to stray away from any sort of blogs or websites put up as a riot against the government. I will do my best to find websites that are “.org” or .gov”. I think a good...

Words: 727 - Pages: 3

Free Essay

Hot to Write Thesis

...How to write chapter 1 of a Thesis: Basic Guide How to writer chapter 1 of the thesis? This is the mainly question on every researcher. In every thesis writing, some of the people say that the first part will be the most difficult part. Because here you must think of a topic that you can proposed and in this chapter you must conceptualize your whole thesis or your whole research. The whole research will be reflected by the first chapter. Some of the school have different format than other school so please use this guide for your references. Be sure to check out the Attributes of a Good Thesis before you start and check out the basic parts of the thesis also. This can also serve as your guide for your case study, research paper, and term paper. This will help you to understand the chapter 1 of your school paper works. Chapter 1: Introduction also includes the following: * Introduction This must include introduction of your study. You must tackle the field of your study.  Your introduction must be consisting of 1-2 pages only. * Background of the Study This must include some of the past study that is currently connected to your topic or study. You can include some of the history but it must be 2-3 lines only. * Rationale This section must describe the problem situation considering different forces such as global, national and local forces.  Stating some the existence of the problem included in your topic. * Objectives of the study The objective of your study...

Words: 533 - Pages: 3

Free Essay

Human Trafficking Facts, Statistics, Truth, Research Papers, Reports, Essays, Articles, Thesis, Dissertation

... Research papers, reports, essays, articles, thesis, dissertationHuman Trafficking Facts, Statistics, Truth, Research papers, reports, essays, articles, thesis, dissertationHuman Trafficking Facts, Statistics, Truth, Research papers, reports, essays, articles, thesis, dissertationHuman Trafficking Facts, Statistics, Truth, Research papers, reports, essays, articles, thesis, dissertationHuman Trafficking Facts, Statistics, Truth, Research papers, reports, essays, articles, thesis, dissertationHuman Trafficking Facts, Statistics, Truth, Research papers, reports, essays, articles, thesis, dissertationHuman Trafficking Facts, Statistics, Truth, Research papers, reports, essays, articles, thesis, dissertationHuman Trafficking Facts, Statistics, Truth, Research papers, reports, essays, articles, thesis, dissertationHuman Trafficking Facts, Statistics, Truth, Research papers, reports, essays, articles, thesis, dissertationHuman Trafficking Facts, Statistics, Truth, Research papers, reports, essays, articles, thesis, dissertationHuman Trafficking Facts, Statistics, Truth, Research papers, reports, essays, articles, thesis, dissertationHuman Trafficking Facts, Statistics, Truth, Research papers, reports, essays, articles, thesis, dissertationHuman Trafficking Facts, Statistics, Truth, Research papers, reports, essays, articles, thesis, dissertationHuman Trafficking Facts, Statistics, Truth, Research papers, reports, essays, articles, thesis, dissertationHuman Trafficking Facts, Statistics...

Words: 353 - Pages: 2

Free Essay

Mis Thesis Thesis Thesis

...thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis thesis...

Words: 595 - Pages: 3

Free Essay

Us History

...Worksheet Overall Thesis Statement (this will be the last sentence of your introduction and should contain the three main organizing points in your essay – for this essay it will likely be political, economic, social): I. Thesis of the first paragraph of the body (Political): 1. First piece of specific historical evidence that supports your thesis: a. Explanation of how this evidence supports your thesis: 2. Second piece of specific historical evidence that supports your thesis: a. Explanation of how this evidence supports your thesis: 3. Third piece of specific historical evidence that supports your thesis: a. Explanation of how this evidence supports your thesis: II. Thesis of the second paragraph of the body (Economic): 1. First piece of specific historical evidence that supports your thesis: a. Explanation of how this evidence supports your thesis: 2. Second piece of specific historical evidence that supports your thesis: a. Explanation of how this evidence supports your thesis: 3. Third piece of specific historical evidence that supports your thesis: a. Explanation of how this evidence supports your thesis: III. Thesis of the third paragraph of the body (Social): 1. First piece of specific historical evidence that supports your thesis: a. Explanation of how this evidence supports your thesis: 2. Second piece of specific historical evidence that supports your thesis: a. Explanation of how this evidence supports your thesis: 3. Third piece of...

Words: 270 - Pages: 2

Free Essay

Apple Paper

...highlighting tool in your word processing software. In addition, please have them identify and copy and paste your thesis statement and the topic sentences for each paragraph. |  |Exemplary |Proficient |Emerging |Not Yet Demonstrated | | |100% |86% |73% |60% | |INTRODUCTION / THESIS |Well-developed introduction |Introduction creates interest |Introduction adequately |Background details are a | | |engages the reader and creates |and contains background |explains the background of the|random collection of | |Background/History |interest. Contains detailed |information. Thesis clearly |problem, but may lack |information, are unclear, and | |Defining the Problem |background information and a |states a problem and the |clarity.  Thesis states a |may be loosely related to the | |Thesis Statement |clear explanation of the problem.|writer’s position is evident. |problem, but writer’s position|topic. Thesis/position is | | |Thesis clearly states a | |may not be evident. |vague or not stated. ...

Words: 1013 - Pages: 5

Free Essay

Just Like a River

...English speaking audiences. However, with this translation, the book can show any reader despite their beliefs can relate to the complexities of all relationships when people are unable to be open and share their feelings a learned behavior from society, family, or religious beliefs. See if it this meets the requirement thus far. Instructions Below: Your introduction must be no more than one paragraph in length. It should indicate the theme(s) and thesis/theses of the book, and you should include your thesis statement at the end of the introductory paragraph. The thesis statement is ABSOLUTELY essential to your paper. It tells me what your analyses will prove or argue. Your thesis statement should be an argument about the author’s purpose in writing the book or the author’s thesis in the book - and how successful (or not) was the author in achieving this purpose or proving this thesis. This may seem a bit confusing, but think of your thesis statement creation as a three step process. * First, identify what you think is the thesis or purpose of the book. *...

Words: 626 - Pages: 3

Free Essay

Robot

...Thesis and Capstone Project Comparison                               In some ways the thesis and capstone project are similar. Both should follow the same basic outline and should represent a scholarly effort of high quality. As noted in the Graduate School requirements, "Graduate programs leading to the Master of Arts, Master of Science, or Doctor of Philosophy degrees emphasize the development of the student's ability for independent scholarly work and the creation of new knowledge through research. Practice-oriented programs, which ordinarily lead to the degree of master or doctor in a particular professional field, emphasize preparation of the student for professional practice at the frontiers of existing knowledge." Both capstone projects and theses should have a clear statement of the problem or issue to be addressed; a literature review which covers the important work related to the problem, with content clearly relating to the statement of problem; analysis of results; and statement of conclusions. When there is a question as to whether the proposal is a thesis or a capstone project, the proposal shall be submitted to the EDP Program Director for a decision. This must be done prior to registering for thesis or capstone project credits. The thesis should answer a question which contributes to new knowledge and is generalizable beyond a single setting. The thesis should be analytic, should systematically analyze data, and should develop and make appropriate...

Words: 707 - Pages: 3

Premium Essay

I Dont Know

...FALE 1033 WRITING FOR SCIENCE Topics Covered Introduction to effective writing skills Writing thesis statement and topic sentences Definition , exemplification and classification Description Cause and effect Interpreting diagrammatic information Comparing and contrast Proofreading and editing Text Used 1. 2. Main Text: Oshima, A & Hogue. ( 1997). Introduction to Academic Writing. New York: AddisonWesley, Longman Zimmerman. (2003).English for Science. Singapore: Prentice Hall Additional Text Brannan, B. (2003). A Writer’s Workshop: Crafting Paragraphs, Building Essays. McGraw Hill Trible,C. (2003). Writing Oxford: Oxford University Press Method of Assessment 2 Assignments + 1 Test Assignment 1 -15% (Outlines) Assignment 2 – 15% (interpreting data) Test – 10% (Grammar/proofreading) Final Examination- 60% Section A- Essay Section B- Grammar Section C- Interpreting Graphic Data LECTURE 1 INTRODUCTION TO EFFECTIVE WRITING SKILLS What is Science Writing? Science writers are responsible for covering fields that are experiencing some of the most rapid advances in history, from the stunning advances in biotechnology to the exotic discoveries in astrophysics. A science writer may include coverage of new discoveries about viruses, the brain, evolution, artificial intelligence, planets around other suns, and the global environment, to name a few topics Aims and objectives for writing for science To provide students with the necessary knowledge of the...

Words: 1686 - Pages: 7