Free Essay

Tweet Ni Florante

In:

Submitted By seljr257
Words 685
Pages 3
Ang Tweet ni Florante kay Laura
Kritik Paper

Ang Tweet ni Florante kay Laura ay isang indie film ng Sinehan Advocacy Media Projects Inc. at ito ay nabuo sa direksyon ni Crisaldo Vicente Pablo. Ang mga pangunahing tauhan dito ay si Florante na ginagampanan ni Ervic Vijandre at si Laura na ginagampanan ni Venus Raj. Ang pelikula na ito ay tungkol sa isang lalaki na nagngangalang Flo (na ginagampanan ni Ralph dela Paz) na isang ampon galing sa probinsya na pumunta sa lungsod upang mag-aral sa kolehiyo. Si Flo ay kakaibang bata dahil nakakausap nya ang mga hindi totoong karakter sa mga libro at babasahin na parang ito ay totoo.

Ang pangunahing paksa sa pelikula ay ang paghahambing ng awit na Florante at Laura sa buhay pag-ibig ng mga kabataan. Sa pelikula, si Flo ay inihambing kay Florante. Dati ay hindi pa kilala at takot na takot pa itong si Flo sa mga tao. Nagbago iyon ng nakilala niya si Dolfo (na ginampanan ni Teejay Marquez) na inihambing ng pelikula bilang si Adolfo. Si Dolfo ay isang sikat na mag-aaral sa kolehiyo. Mayaman, matalino at makisig, madali niyang nakukumbinsi ang mga tao sa kanyang mga ginagawa. Nakilala din ni Flo si Laurie (na ginampanan ni Cheska Carillo) na isang mahirap na estudyante na mahilig rumaket para lang magkapera. Isa sa mga raket niya ay ang pagiging artista sa mga bidyo ni Cath. Si Cath ay tumatakbo bilang Editor-in-Chief. Para siya ay makakuha ng boto, siya ay nagpapabango ng pangalan sa harap ng kamera. Kumukuha siya ng mga aktor para gumawa ng isang scenario kung saan siya ang bida. Ginagawa niya ito kahit na may tinatapakan na siyang iba.

Gusto mang tulungan ni Flo si Laurie dahil sa gusto niya ito, hindi niya magawa dahil di niya alam ang kanyang gagawin. Humingi siya ng tulong kina Florante at Laura. Imbis na makatulong, tila lalo pang naguguluhan si Flo sa mga payo ni Florante at Laura. Lagi kasi magkasalungat ang sinasabi ng magkasintahan. Lalo lamang lumala at lalong walang magawa si Flo sa problemang pinansiyal ni Laurie. Napilitian si Laurie na umarte bilang kasintahan ni Dolfo dahil triple ang bayad dito kompara kay Cath. Parang sa awit ni Balagtas, walang nagawa si Flo sa pagsagip kay Laurie sa kamay ni Dolfo. Pa-unti-unti nang lumalayo ang piling ni Laurie kay Flo at ito ay nagsanhi ng pagseselos. Sa huli, natuto niyang ipaglaban ang pagmamahal niya kay Laurie. Pinalaya niya si Laurie sa pagkakakulong kay Dolfo. Pinaglaban niya ang kanilang relasyon dahil ito ay ang tingin niyang tama. Itong pelikula ay nagpapakita na ang Florante at Laura ay nakakatulong pa rin sa kabataan ngayong henerasyon. Malaki man ang pinagbago ng suyuan, ligawan at pagmamahal sa nagdaan na panahon, magtutugma pa rin ang storya noon at ang buhay ngayon. Kahit na wala nang prinsesang nakukulong sa kamay ng kontrabida, mayroon paring lalaki na tunay na magmamahal sa isang babae na kayang tumulong sa tuwing may kailangan.

Gusto din sabihin ng pelikula na maging totoo ka. Hindi dapat nagkukunwari sa harap ng kamera o sa harap ng maraming tao na matulungin at mabait ka. Sa huli, lalabas din ang tunay na kulay. Pinatunayan yan ng mga tauhan sa pelikula. Si Cath at si Dolfo na panay gawa ng mga pekeng bidyo at pagkuha ng artista para maloko ang tao na mabait sila at handang tumulong. Si Flo din ay lumabas ang tunay na kulay. Imbis na makinig sa magkasalungat na sinasabi nina Florante at Laura, pinakinggan niya ang sarili. Alam niyang siya ang tama dahil siya lamang ang nakakakita ng bawat segundo ng buhay nya. Ito ay patama sa mga matataas na mahilig magkunwari na tinutupad ang hiling ng mamamayan.

Para sakin, nagampanan ng bawat aktor ang kanilang mga karakter na mabuti. Angkop ang setting ng pelikula at maganda ang pagkakaugnay ng awit sa storya ng isang magkasintahan. Maganda ang bawat scene ng pelikula at hindi nakakaantok panoorin. Ito ay isang magandang indie film dahil sinasalamin nito ang buhay ng tao sa iba’t ibang estado. Napakagandang pelikula at ito ay aking iminumunkahing panoorin.

Similar Documents

Free Essay

Filipino

...PY 10 Filipino EP E D C O Modyul para sa Mag-aaral D Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran ng Edukasyon sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Republika ng Pilipinas kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. EP E D C O PY Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing...

Words: 47092 - Pages: 189