Free Essay

Vinzons Pilot High School

In:

Submitted By jeibalibat
Words 2683
Pages 11
Layunin Layunin ng papel na ito ang ilahad sa lahat ng mga mambabasa at potensiyal na mambabasa ang kasaysayan, ilang impormasyon at mga bagay-bagay na may kaugnayan sa paaralang aking pinagmulan – ang Vinzons Pilot High School, sa lalawigan ng Camarines Norte. Isa pang layunin ng papel na ito ay para makabahagi ang nagsulat ng artikulong ito ng kanyang mga karanasan bilang isang dating mag-aaral ng nasabing paaralan. Layunin din ng tagapagsaliksik ng papel na ito na mailagay sa mapa ng isipan ng kanyang mambabasa ang ideya tungkol sa kanyang napagtapusang paaralan. Hayaan niyo sanang maging gabay ninyo ang aking nasaliksik at nalikom na impormasyon para magabayan kayo sa isang paglalakbay patungo sa aking paaralang minahal at sinubaybayan sa loob ng apat na taon kong pag-aaral. Marapat lamang na bigyang pugay ang institusyong aking kinalakihan at kinamulatan. Maraming bagay akong natutunan sa nasabing paaralan at tama lamang na sa ganitong paraan, makapag-bigay ako ng pugay sa aking paaralan. Nararapat lamang na makatanggap ng isang simpleng parangal mula sa mga estudyante ang isang paaralan na nag-hubog at luminang sa aming mga kakayahan. Ito ang aking paraan – ang ipakilala ang aking paaralan sa lahat ng taong maaaring makabasa nito. Maliban sa lahat ng nabanggit ko, layunin din ng pananaliksik na ito ang ipakilala ang munting bayan ng Vinzons sa mga mambabasang maaaring hindi nakaaalam na mayroong bayang nagngangalang Vinzons sa lalawigan ng Camarines Norte.

Pangkalahatang Layunin
Ang kabuuan ng papel na ito ay nagsisilbi bilang isa sa mga kinakailangan para makumpleto ang kurso ng Filipino ngayong semester. Isa pang layunin ng papel na ito ay ang magsilbi bilang isang reference material para sa lahat ng posibleng maaaring maging interesado sa mga inpormasyong nilalaman ng papel na ito tungol sa Vinzons Pilot High School.
Nararapat lamang na bigyan ng pugay ang isang paaralan dahil sa paglinang sa ating mga kakayahan at isipan.
Ang isang paaralan ay tinutulungan tayong matutong mag-isip, mag-duda sa lahat ng bagay na nagaganap sa mundo, mag-duda sa lahat ng mga bagay ng ginagawa at sinasabi ng tao.
Dahil sa ating mga paaralan, nalaman natin ang mga pangit at magagandang bagay sa mundo; ang kaibahan ng mga ito, at ang pag-iisip na mas maraming magandang bagay na pwedeng maging sanhi ng kasiyahan.
Tinuruan din tayo ng ating mga paaralan at ng mga walang-kapagurang mga guro na ang lahat ng bagay ay may dahilan – na pwede mong piliin ang mga bagay na gusto mong gawin ngunit ang mga magiging epekto nito ay hindi mo pwedeng piliin.
Ang papel nito, sa pangkalahatan, ay isang pagbibigay pugay sa pag-aaral, sa mag-aaral, at sa paaralan ng Vinzons Pilot High School.

Kasaysayan
Bago ko simulan ang pagtalakay ng kasaysayan ng aking paaralan, hayaan niyo munang bigyan ko kayo ng kaunting ideya tungkol sa kasaysayan at kultura ng munting bayan ng Vinzons, kung saan matatagpuan ang aking mahal na paaralan. Vinzons
Ang bayan ng Vinzons ay isang ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Camarines Norte, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 37,893 sa 7,407 na kabahayan. Tacboan ang unang naitalang pangalan ng bayan ng Vinzons at lumaon ay pinalitan na Indan. Pinalitan ito bilang "Vinzons" bilang parangal kay Wenceslao Q. Vinzons, isang dating gubernador ng lalawigan ng Camarines Norte.
Ang bayan ay itinatag noong 1581 ng mga Pransiskanong Pari na walang patron at walang simbahan. Noong 1611 lamang nakapagtayo ng simbahan at si San Pedro ang patron. Kilala ang Vinzons sa pagiging relihiyoso ng mga naninirahan dito, kung saan sila ang nakakapag-bigay ng pinakamalaking porsyento ng mga pari at madre sa buong lalawigan ng Camarines Norte. Mga Barangay Ang Bayan ng Vinzons ay nahahati sa 19 na mga barangay. * Aguit-It * Banocboc * Cagbalogo * Calangcawan Norte * Calangcawan Sur * Guinacutan * Mangcayo * Mangcawayan * Manlucugan * Matango | * Napilihan * Pinagtigasan * Barangay I (Pob.) * Barangay II (Pob.) * Barangay III (Pob.) * Sabang * Santo Domingo * Singi * Sula | Malaki ang utang na loob ng bayan ng Vinzons kay Wenceslao Vinzons, kaya bilang pagtanaw ng utang na loob at pagpugay, ipinangalan ang bayan sa kanya. Ngunit, sino nga ba talaga si Wenceslao Vinzons at anu-ano ang mga dahilan kung bakit siya ginugunita sa maliit na bayang ipinangalan mismo sa kanya? Wenceslao Vinzons: Bayani’t Tagapag-silbi Si Wenceslao Q. Vinzons (Setyembre 28, 1910 - Hulyo 15, 1942) ay isang pulitikong Pilipino at lider ng mga gerilya laban sa mga puwersang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa siya sa unang nag-organiza ng paglaban sa mga Hapon ang sumalakay sila noong 1941.[1] Ipinapatay siya ng mga Hapon noong 1942. Siya rin ay kilala bilang ang "Dakilang Bayani ng Bikolandia."
Si Vinzons ay ipinanganak sa bayan ng Indan, Camarines Norte. Nakatapos siya ng balediktoryan sa lokal na mataas na paaralan at pumunta ng Maynila upang mag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas.
Habang nasa unibersidad siya, si Vinzons ay naging sikat na lider ng estudyante. Isa siyang miyembro ng Upsilon Sigma Phi. Siya rin ay mahahalal bilang pangulo ng lupon ng mga estudyante at punong patnugot ng Philippine Collegian. Kilala rin siya sa pagbigay ng isang talumpati na may pamagat ng "Malaysia Irrendenta", kung saan pinamunkahi niya ang pagkakaisa ng mga bansa sa Timog Silangang Asya na may pinagmulang Malay[3]. Ginantimpala siya ng Gintong Medalya ni Manuel L. Quezon ng Kagalingan.
Nakuha ni Vinzons ang kanyang Katibayan sa Batas mula sa Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Batas noong 1932 at pangatlo siya sa pagsusulit sa bar sa susunod na taon.
Pagkatapos ng patatapos niya, kasama sina Narciso J. Alegre at Arturo Tolentino, itinaguyod nila ang isang bagong partido kung tawagin ay ang "Young Philippines Party". Pinapamunkahi ng partido na ito ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos. Pagkatapos mapasa ang Batas Tydings-McDuffie, nahalal bilang delegato si Vinzons sa pagkatawan sa Camarines Norte sa Kumbensyon ng Saligang Batas ng 1935. Bilang miyembro ng Kumbensyon, mahalaga siya sa pagmumuhkahi ng Tagalog bilang pambansang wika ng Pilipinas. Siya ay ang pinakabatang delegato at ang pinakabatang lumagda sa Saligang Batas ng 1935.
Kumampanya si Vinzons para sa pagkahalal ni Emilio Aguinaldo sa pagkapangulo. Pangunahing katunggali ni Aguinaldo si Manuel L. Quezon, Pangulo ng Senado noon. Napalalunan ni Aguinado ang Camarines sa tulong ni Vinzons, pero natalo pa sila kay Quezon. Pagkapos ng halalan, tumigil sa pulitika si Vinzons at naging pangulo ng isang korporasyong pagminina sa lalawigan niya.
Bumalik sa pulitika si Vinzons noong 1940 at nahalal siya bilang punong-lalawigan ng Camarines Norte. Nagtagumpay siya sa halalan sa Batasang Pambansa. Kinakatawan niya ang Nag-iisang Distrito ng Camarines Norte. Naantala ang paglilingkod niya sa lehislatura nang sumalakay ang mga Hapon sa Pilipinas noong Disyembre 1941.
Ilang araw pagkatapos dumating ang mga Hapon sa Pilipinas, bumuo si Vinzons ng isang samahan laban sa mga Hapon sa buong Kabikulan. Sinamsam ni Vinzons lahat ng mga taguan ng bigas mula sa isang Intsik na negosyante sa Camarines Norte at sinamsam din lahat ng mga pampasabog sa lalawigan para gamitin ito laban sa mga Hapon. Noong Disyembre 12, 1941, pinamunuan niya ang isang pagsalakay sa mga sundalong Hapon sa Basud, Camarines Norte. Lumaki ang mga sundalong gerilya sa bilang 2,800, at sa Mayo 1, 1942, pinamunuan niya ang matagumpay na paglaya ng kabisera ng lalawigan na Daet. Mayroong mga bulong-bulongan na sa kalagitaan ng Disyembre 1941 at Mayo 1942, naka-armado ang mga sundalo ni Vinzons ng mga nakakalasong palaso at naka patay sila ng higit sa 3,000 na sundalong Hapon. Naging pangunahing tudlaan ng mga Hapon dahil dito.
Nadakip si Vinzons ng mga Hapon kasama ng kanyang ama noong Hulyo 8, 1942. Nahuli si Vinzons dahil sa kaalaman na binigay ng isang impormante na isang dating gerilya. Tumanggi si Vinzons na pangakuan ng katapatan sa nakahuli sa kanya at dinala sa kampamento ng Hapon sa Daet. Dito sa Daet, sinaksak si Vinzons ng isang galit na sundalong Hapon noong Hulyo 15, 1942 sa dahilang sa tuluyang pagtanggi ni Vinzons sa pagpapangako ng katapatan sa Hapon. Pagkatapos ng pagpatay kay Vinzons, sumunod ang ama, asawa, kapatid na babae at dalawa sa anak niya.
Ang bayan ng Indan, kung saan siya pinanganak, ay pinangalan sa kanyang alaala. Pati din isang mababang paaralan sa Maynila. Ang student activity center ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman ay pinangalan Vinzons Hall noong 1959. Sa Vinzons Hall nakalagay ang mga opisina ng Philippine Collegian.
Pumasok ang ilan sa mga kamag-anak ni Vinzons sa pulitika. Ang pamangkin niya na si Liwayway Vinzons-Chato ay nagsilibing Tapangasiwa ng Kawanihan ng Rentas Internas sa pamahalaang Aquino. Nahalal si Liwayway Vinzons-Chato sa parehong katungkulan na inupuan ng kanyang tito na bilang congresista ng Camarines Norte noong 2007. Vinzons Pilot High School
Noong dekada ’40, ang mataas na paaralan sa Vinzons ay matatagpuan pa sa Camarines Norte High School sa Daet, kung saan ang mga may kaya at pagkakataon ay kinukuha ang oportunidad para makapag-aral. Nang pumutok ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nahinto ang pag-aaral sa buong lalawigan na nagging hadlang sa mga mag-aaral ng Vinzons, ngunit nagpatuloy rin nang makabalik sa ayos ang sitwasyon.
Sa paglisan ng mga Hapones noong 1945, naging mainit na usapin ang ideya ng pagkakaroon ng isang mataas na paaralan sa bayan. Pinangungunahan nina yumaong Cong. Esmeraldo Eco at dating-gubernador Regino Guinto, na parehong nagnais na dalhin ang edukasyon sa mas mahihirap. At dahil wala pa noong lugar kung saan itatayo ang paaralan, at wala pang mga gusali para tumanggap ng mga posibleng mag-aaral, nagsimula ang pagtuturo sa bahay ni Atty. Guinto sa Macmaster Street (ngayon Anacleto Guinto) sa huling yugto ng 1946.
Noong umpisa, ang paaralan ay pinangalanang Camarines Norte High School, Vinzons branch, na pinamamahalaan and pinamumunuan ng mga patakaran mula sa sanga sa Daet.Ang unang mga naging guro na tumugon sa pangangailangan ay sina: Atty. Rosario Zaño Sunga, Visitacion M. Pajarillo, Armando V. Pajarillo, Antonio Peñalosa, Perdo Ubaña, Anita L. Pajarillo, at Corazon de Jesus. Itinalagang guro-tagapamahala si Basilio Marindo.
Sa umpisa, mayroong 199 na estudyante (lahat sa unang baitang) na hinati sa apat na seksyon. Ang mga klase ay ginaganap anim na araw sa isang linggo, sa buong taon. Bilang paghahanda sa nakikinitang paglobo ng populasyon ng mga estudyante, dinagdagan ang bilang ng mga guro. Kabilang sa karagdagang mga guro ay sina Armando Ferrer, Amado Gonzales, at si Victor Bautista ang itinalagang guro-tagapamahala. Noong Hulyo 1947, inilipat ang mga klase sa bahay ni Dr. Carlos Ascotia (ang kilalang espesyalista sa baga) sa kaparehong kalye.
Pagbili ng Lupa para sa Eskwelahan.
Dahil sa naging mabilis na paglobo ng populasyon ng mga estudyante, sa pamumuno ng yumaong si Francisco Balon na noo'y pinuno ng PTA, dumating sila sa desisyon na bumili ng kapirasong lupa para sa eskwelahan. Ang mga magulang ay nangako ng P35 bawat isa para sumakto sa kakailanganing halaga - na dinagdag mula sa maling perang nalikom mula sa matrikula.
May mga lupa sa labas ng bayan na naging mga popular na pagpipilian. Unang nagbenta ng kanyang lupa ay si Mariano Balce, na ibinenta ang kanyang 2.4023-hektaryang lupain sa halagang P1900 noong March 9, 1948. Ang katabing lote ni Dr. Godofredo Pajarillo na may lawak na tatlong hektarya ang sunod na naibenta isang linggo ang makalipas. Noong ikatlo ng Hulyo, 1948, sumunod na nabili ang lote ni Rafael Mago sa halagang P861.00. At noong Hulyo, 1948, isang lupang may lawak na 2.5-hektarya na pinagmamay-ari ni Abdon Salvacion ang nabili, at ang pinakahuli, noong Marso 14, 1949, isang lote na may lawak na 1.5 hektarya na pagmamay-ari ni Manuel Buenavista ang nabili sa halagang P1200.
Ang Paglipat
Kalagitnaan ng taong 1948, naganap ang paglipat ng paaralan sa kasulukuyang lokasyon nito. Isang barong-barong ang unang nag-silbing lugar para silungan ang iba-ibang mga klase. Naging mahirap ang mga unang buwan. Tulung-tulong ang mga magulang, guro at mag-aaral sa pagtatanggal ng mga puno ng niyog at mga kawayan para mabigyang daan ang mga gusaling itatayo sa hinaharap. Makalipas ang ilang buwan, sa tulong ni ex-Congressman Eco, isang tatlong-silid na permanenteng gusali ang naitayo. Ilang mga pagbabago ang nagbigay ng magandang imahe sa mga estudyanteng nag-aaral sa Camarines Norte High School. Di naglaon, bumalik sila paunti-unti sa Vinzons at pumasok bilang mga estudyante sa ika-apat na baitang. Dumagsa ang mga estudyanteng nais mag-aral kaya napilitan ang paaralan na kumuha ng karagdagang mga guro.
Ang Unang Pagtatapos
Noong Abril 29, 1949, natunghayan ng taumbayan ang unang pagtatapos ng isang klase (ang mga taga-Vinzons na lumipat mula sa Camarines Norte High School ng Daet) kung saan si Faustino Icatlo ang nagkamit ng gantimpala bilang may pinakamataas na parangal (valedictorian) at si Artemio de Mesa ang nagkamit ng pangalawang may pinakamataas na parangal (salutatorian). At noong 1950, natanggap ng unang 80 estudyanteng magtatapos ang kanilang diploma at si Felicidad V. Rasco (dating prinsipal ng Sabang Elementary School) ang nakatanggap ng pinakamataas na parangal bilang valedictorian ng pangkat.
Eduardo Asis, ang dating prinsipal noon ay pinalitan ng sumunod na taon ni Ricardo Caballes (1950-1953). Ngunit bago nilisan ni Santiago ang posisyon bilang tagapamahala, nagawa niyang husayin at linangin si Emma B. Ferrer.
Nagtulong-tulong si Ferrer, mga guro at mag-aaral para pagandahin at isaayos ang hangganan ng nasasakupang lupa ng kanilang eskwelahan. And ideya ng pagtatayo ng mas maraming mga silid-aralan ay matagal nang nasa isip ni Ferrer. Para mapabilis ang pagsasa-ayos ng eskwelahan, humingi si Ferrer ng tulong sa kanyang asawa para humingi ng tulong mula sa mga namamahala ng lalawigan sa pagpapahiram ng kagamitan at mang-gagawa. Bago natapos ang dekada '50, naitayo ang isang bersyon ng monumento ni Wenceslao Q. Vinzons sa loob ng paaralan.

Ang Pagdagdag ng "Pilot" sa Pangalan
Noong 1971, isang pangyayari ang nagpaganda ng imahen ng paaralan. Isang grupo ng mag-aaral na sina Pureza Librando, Eulenia Rasco Nolasco, Heide Lita Rigodon
Balce, Joel Visitacion, Maria Balce, Noel Ferrer, at Nora Aguila ang nakapasa sa State Scholarship examination. At dahil sa kamangha-manghang gilas ng mga nasabing mag-aaral, idinagdag ang salitang "Pilot" sa pangalan ng paaralan. Samakatwid, noong sumunod na taon, mula sa pangalang Vinzons High School, naging Vinzons Pilot High
School na ang pangalan ng paaralan.
Pinalitan si Ferrer ng mas batang si Jose C. Galleta na tinaggap ang katungkulan bilang tagapamahala ng paaralan noong Oktubre 2 ,1989. Si Galleta na may degree na Master of Arts in Math and Education ay naging kasapi ng paaralan bilang isang guro mula noong 1968 at umangat ang posisyon mula sa pagiging guro, guro-tagapamahala, at hanggang sa siya'y naging isang ganap na prinsipal.
Noong Agosto 6, 1993, ang multi-purpose Student Pavilion ay naitayo malapit sa tarangkahan ng paaralan (ipinangilak ng GARBO ng Vinzons) mula sa CDF ni Cong. Emmanuel Pimentel. Noong Hulyo 6, 1994, pinasinayaan ang pagbubukas ng isang maliit na parke sa likod ng JICA building. Naroon sa kaganapan sina Cong. Pimentel, kanyang asawa at si Atty. Manuel Manlapaz ng PENRO na siyang nanguna sa pagtatanim ng mga binhi ng mga kahoy.

Mga Karagdagang Pagsasaayos
Ang pag-unlad ng VPHS sa mga nagdaang taon ay hindi pa hihinto. Nakikita pa rin nito ang paglaki at pag-unlad ng isang maayos na mataas na edukasyon sa komunidad.Sa tulong ng gobyerno nasyonal, ng gobyerno local, ng mga NGOs, ng PTA, at ng mga taong laging handang tumulong, ang Vinzons Pilot High School ay kailanman hindi nag-iisa para sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa kabataan. Kasalukuyan
Ang Vinzons Pilot High School ay pagmamay-ari ng gobyerno, sa ilalim ng Departamento ng Agham at Teknolohiya (DOST). Ito ay isang specialized public high school kung saan ang mga mag-aaral ay tinuturuan ng mga paksang hindi itinuturo sa karaniwang mga matataas na paaralan. Ang curriculum ay mas nakatuon ang pansin sa agham at teknolohiya. Dati, ang paaralan ay isang pribadong eskwelahan dahil sa kakulangan ng kakayahan para maging libre ang pag-aaral. Isa na ring dahilan marahil, ay para makalikom ng sapat na halaga para makapagpa-tayo ng maayos na mga gusali sa isang malawak na lupain kung saan ito matatagpuan ngayon.

Similar Documents

Free Essay

Js Script

...Junior and Senior Promenade Vinzons Pilot High School February 21, 2014, 6:00 PM Marc John: Good evening ladies and gentlemen. Welcome to the magical land of the Kings and Queens, Prince and Princesses. Where dreams do come true and your thoughts come to life – The Junior and Senior Promenade. Good evening Kaye. You look very stunning tonight! Kaye: Good evening Marc John. Thank you for the compliment. You also are undeniably dashing this evening. Friends, this must be another once-upon-a-time in the storybook of our Alma Mater wherein we bring reality to our every dream. This occasion promises to be a night of beauty and elegance. This will not be just an ordinary night of glamour for this evening, we will be witnessing our juniors and seniors transform into confident and socially elegant individuals. Marc John: Also tonight, our seniors will bequeath their responsibilities to the juniors in whose hands lie the future of Vinzons Pilot High School. Kaye: Friends, there is no better way to start any occasion but through asking the Divine Guidance of the Almighty. Ladies and gentlemen, everyone is requested to stand for a doxology to be led by selected SPA Students. Marc John: Please remain standing as we honor the national flag. Ladies and gentlemen, here is Chorus Seraphicum. Kaye: Thank you. At this juncture, may I call on Exequiel Romana, a third year Aluminum student and a junior Supreme Student Government Governor to give us the opening remarks. CANDLE...

Words: 1759 - Pages: 8

Free Essay

Awareness to the New Academic Calendar

...CHAPTER 1 THE PROBLEM AND IT’S BACKGROUND Introduction The government might have realized that necessary steps must be taken in order to improve the education system in the country, leading them to make and consider some changes to keep up with the other countries. First, there was that bold move of implementing the K to 12 program where basic education will last for 12 years instead of the traditional 10 years. And maybe also because of climate change, just recently, there were reports about Malacañang being open to studying proposals to change the school calendar. However, the Congress still has the final say on the matter. This means that the academic calendar would run from August to May or September to June instead of June to March. This was intended to avoid the suspension of class because of typhoons just like last year, about 25 typhoons, including the Nov. 9 super typhoon Yolanda hit the Philippines and also to copy the academic calendar of most countries in order to attract foreign students to study in the Philippines and assist the enrollment abroad of Filipino students and teachers. This will also allow Philippines a greater synchronization with the ASEAN, Northeast Asian and American and European universities since a lot of training programs and activities of summer institutes happen in June and July in which, in the proposed academic calendar, these months don’t have classes. At present, five universities named University of the Philippines, Ateneo de Manila...

Words: 3034 - Pages: 13

Premium Essay

Factors Affecting Students Decision to Drop Out of School

...FACTORS AFFECTING STUDENTS’ DECISION TO DROP OUT OF SCHOOL A Research Paper Presented to Center for Social Development Research Cor Jesu College Digos City In Partial Fulfillment of the Requirements For Academic Research by HERMOGENES C. ORION, JR, Ed.D ERIKKA JUNE D. FOROSUELO, DM-HRM JEAN M. CAVALIDA, MA, RGC March 2013 COR JESU COLLEGE Sacred Heart Ave., Digos City 8002 Davao del Sur Philippines APPROVAL SHEET ------------------------------------------------- As a requirement for Academic Research, this research paper entitled: FACTORS AFFECTING STUDENTS’ DECISION TO DROP OUT OF SCHOOL has been prepared and submitted by HERMOGENES C. ORION, JR., ERIKKA JUNE D. FOROSUELO, JEAM M. CAVALIDA ------------------------------------------------- APPROVED by the Oral Examination Committee DR.MARIA ELENA MORALES DR. LETICIA CANSANCIO Panel Member Panel Member DR. ALEX D. NIEZ Chairperson ------------------------------------------------- Accepted in partial fulfillment of the requirement for Academic Research. DR. ALEX D. NIEZ College Dean MAY 2013 ii ACKNOWLEDGMENT ...

Words: 22080 - Pages: 89