Free Essay

Walang Sugat

In:

Submitted By lurvly21
Words 3489
Pages 14
Walang Sugat
Ano ang sarswela?
-
Ano ang importansya nito?
-
Paano mo ito maipanatili?
_maipapanatili ko ito kung patuloy kong ibabahagi sa iba at patuloy na ituturo sa iba kung ano ang importansya nito.
~~~~~~~~~~~~
Unang Bahagi
I TAGPO
(Tanaggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)

Koro : Ang karayom kung iduro
Ang daliri’y natitibo,
Kapag namali ng duro
Burda nama’y lumiliko

Julia : Anong dikit, anong inam
Ng panyong binuburdahan,
Tatlong letrang nag-agapay
Na kay Tenyong na pangalan.

Koro : Ang karayom kung itirik tumutimo hanggang dibdib.

Julia : Piyesta niya’y kung sumipot
Panyong ito’y iaabot,
Kalakip ang puso’t loob,
Ng kaniyang tunay na lingkod. Si Tenyong ay mabibighani
Sa dikit ng pagkagawa
Mga kulay na sutla,
Asul, puti at pula.

Panyo’t dito ka sa dibdib,
Sabihin sa aking ibig
Na ako’y nagpapahatid
Isang matunog na halik.

Koro : Ang karayom kung iduro
Ang daliri’y natitibo.
Hoy tingnan ninyo si Julia
Pati panyo’y sinisinta,
Kapag panyo ng ibig
Tinatapos ng pilit
Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan:
Ang panyo pa’y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.

At ang magandang pag-ibig
Kapag namugad sa dibdib
Nalilimutan ang sakit
Tuwa ang gumugiit.

Mga irog natin naman
Sila’y pawang paghandugan
Mga panyong mainam
Iburda ang kanilang pangalan.

Julia : Piyesta niya’y kung sumipot
Panyong ito’y iaabot
Kalakip ang puso’t loob
Ng kaniyang tunay na lingkod.

Koro : Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan
Ang panyo pa’y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.

Salitain

Julia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na.

(Papasok ang magkasisikanta). (Lalabas si Tenyong).

II TAGPO

(Tenyong at Julia…)

Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…

Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari, nakakahiya.

Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay…

Julia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.

Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na
Hubog kandila, na anaki’y nilalik na maputing garing,
Ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.

Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.

Tenyong: (Nagtatampo) Ay!…

Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod.

Tenyong: Masakit sa iyo!

Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong…(sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong tubig!

Tenyong: Ay!

Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntung hininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin.

Tenyong: Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit…

Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!

Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko.

Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…

Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso, at F. ay Flores.

Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.

Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?

Julia : Sa among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.

Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at F?

Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay Frayle.

Tenyong: Among Nating Frayle, laking kaalipustaan! Huwag mo akong aglahiin nang tungkol sa mga taong iyan at madaling magpanting ang tainga ko.

Julia : Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo at magkikiskis maraming butil at nag nag-aalab na magsasalita).

Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay … sinungaling ako… mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban).

Musika No. 2

Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.

Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at di mapigilan.

Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo.

Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko.

Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.

Tenyong: Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi-tuwi…

Tenyong: Julia ko’y tuparin adhikain natin.

Julia : Tayo’y dumulog sa paa ng altar.

Tenyong: Asahan mo.

Sabay: Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari di na mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay… (Lalabas si Juana).

III TAGPO

(Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas)
Salitain

Juana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong)
(Lalabas si Lukas)

Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!

Tenyong: Napaano ka, Lukas?

Lukas : Dinakip pa ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.

Tenyong: Diyata dinakip si Tatang?

Lukas : Opo.

Tenyong: Saan kaya dinala?

Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin.

Tenyong: Tiya, ako po paparoon muna’t susundan si Tatang.

Juana : Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis ka… (Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas).

Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay tinutunungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa bango sa bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang lumilipas.

(Telong Maikli)
Kalye

IV TAGPO
(Musika)
Koro at Lukas

Lukas : Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin.

Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.

Isang Babae: Naubos na ang lalaki.

Lahat ng Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae kami.

Lukas : Marami pang lalaki.

Lahat ng Lalaki: Huwag malumbay…kami nasasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng bagay…

Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babae’y pabayaan, di namin kayo kailangan.

Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.

Isang Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman.

Isang Babae: Asawa’y paroroonan.

Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan.

Lahat: Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y dalhin masarap na pagkain.

Mga Babae: Tayo na, tayo na.

Lahat: Sumakay na sa tren.

Mga Lalaki: Doon sa estasyon.

Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat)
(Itataas ang telong maikli)

V TAGPO

(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas). Salitain

Relihiyoso1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito…

Marcelo: Mason po yata, among?

Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t kung siya sumulat maraming K, cabayo K.

Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!

Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.

Relihiyoso 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon.

Marcelo: Hindi sila makakain eh!

Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan.

Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!

Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilan kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha!

Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po isang araw.

Relihiyoso 2.0: Samakatuwid ay limang bese 25, at makalimang 125, ay Huston 526 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).

Marcelo: Salamat po, among!

Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay?

Marcelo: Wala po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito lamang.

Relihiyoso1.0: Bakit ganoon? (gulat)

Marcelo: Dahil po, ay si Kapitan Inggo ay pingsaulan ng hininga.

Relihiyoso 1.0; Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo.

Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.

Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?

Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.

Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?

Marcelo: Opo, among (Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?

Relihiyoso 2,3,4: Si, si, hemos traido.

Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.

Marcelo: Hindi po makalakad, eh!

Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.
Relihiyoso 2.0: Tonto.

Tadeo : Bakit ka mumurahin?

Juana : Kumusta po naman kayo, among?

P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap, noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle; ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.

Juana : Totoo po ba ang sabi mo.

P.Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga lklerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin.

Juana : Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga?

P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.

Miguel: Ay! Aling Julia… ay… ma… ma… malapit na po…

Julia : Alin po ang malapit na?

Miguel: Ang… ang… ang…

Julia : (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Tadeo : Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina.

Miguel: Ay… salamat (tuwang-tuwa.)

Julia : (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?

Tadeo : Ano ba ang sinabi mo?

Miguel : Sinabi ko pong … ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko!

Tadeo : Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo?

Miguel : Sinabi ko pong malapit na…

Tadeo : Malapit na ang alin?

Miguel : Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan…

Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa mahalata…

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo.
(Magsisilabas ang mga dalaw).

VI TAGPO
(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki).

Salitain

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang btao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan…

Putin : Salamat po, among.

Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pawalan, lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa naman sila.

Putin : Opo, among, mano na nga po… Salamat po, among.
(Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki).

Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador.. a Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.

Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.

Los 3 : Si, si a fusilar, a fusilar.
(Papasok ang mga pare).

VIITAGPO
(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso) Salitain

Putin : Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among?

Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamangmangan!
(Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid).

Putin : Inggo ko!

Tenyong: Tatang!

Julia : Kaawa-awa naman!

Tenyong: Mahabaging Langit!

Musika

Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali… Ah, kapag ka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil.

Salitain

Tenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay…

Inggo : Huwag na … anak ko… hindi na maaari… luray luray na ang katawan… Tayo’y maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo!
Putin, ay Putin … Juana-Julia.. kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila… Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala.

Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito lamang ang pasok ng kantang “Ang dalawang braso’y…)

Musika No.2

Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo po’t igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle, isa sa kikitil.

Julia : Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin man yata lahat ng niyang laman, buto samapung taba, di makababayad sa utang na madla.

(Mga Babae at Lalaki)

Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap.

Tenyong: Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga taong hunghan… ang awa’y nilimot sa kalupitan…

Lalaki’t Babae: Wari mukha nang bangkay…

Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay ni Tatang, Inang, tingnan mo’t naghihingalo… Tatang, Tatang…

Putin : Inggo ko… Inggo…

Tenyong: Patay na!

(Mangagsisihagulgol ng iyak)
Telong Maikli

VIII TAGPO
(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos).
Salitain

Putin : Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi ako makahinga! Ang puso ko’y parang pinipitpit sa palihang bakal!
(Si Putin ay mapapahandusay).

Tenyong: Langit na mataas!
(Papasok lahat)

IX TAGPO
(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia).
Salitain

Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhi.

Isa : Ako’y mayroong iniingatan.

Isa pa : Ako ma’y mayroon din.

Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.

Isa : Nalalaman mo bang sila’y mangasisilulan?

Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagbabarilin na.

Isa : Mga tampalasan.

Isa pa : Walang patawad!
(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia).

Julia : Tenyong, Tenyong!

Tenyong: Julia!

Julia : Diyata’t matitiis, na Ina’y lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? Di ba nalalaman mong sa kaniya’y walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may dandam niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?

Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba si Inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang sa paglingap mo sa akin? Sa bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala ko?

Julia : Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis!

Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang Ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: “May anak ako,” anya, “ngayo’y kapanahunang ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin ay magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin.

Julia : Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang garantilyang may medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang garantilya.) Ang larawang ito’y aking isasabit sa tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siya’y masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog ko’y masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan ng masaganang luhang sa mata’y nunukal.

Tenyong: Sa Diyos nananalig.

Julia : Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.

Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.

Julia : Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.

Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati.

Julia : Tenyong na poon ko’y kahimanawari. Magliwayway ulan at dilim ay mapawi.

Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’t tutupad lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako!

Julia : Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ko ikamatay.

Tenyong: Juliang aking sinta!

Julia : Oh, Tenyong ng buhay! Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis).

Julia : (Biglang lilingon) Te…! Yumao na! (papasok)

X TAGPO
(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)

Sa loob.

Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko – Perdon! Walang utang-na-di pinagbabayaran! (Hagara at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa tren).

Telon
Wakas ng Unang Bahagi

Ikalawang Bahagi
I TAGPO
(Bahay ni Julia)
Julia at Juana
Salitain

Juana : Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama, sila’y pagpapakitaan nang mainam.

Julia : Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!

Juana : Bakit ba ganyan ang sagot mo?

Julia : Wala po!

Juana : Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa ang hangarin mo?

Julia : Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko po ay…

Juana : Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.

Julia : Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.

Juana : (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga- anong pusu-pusoang sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag may lalaking mangingibig, ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t gayo’y iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayo’y kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya’y nagpapahingalay na…

Julia : Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!

Juana : Siyang tunay!

Julia : Ako po’y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso.

Juana : Julia, tila wari… may kinalulugdan ka nang iba.

Julia : Wala po!

Juana : Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukas-makalawa’y mag-aasawa ka rin lamang… ay kung mapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na!

Julia : Sarili) Moro yata si Tenyong!

II TAGPO
(Julia at Monica)
Salitain

Julia : Monicaaaaaaaaaa, Maonicaaaaaaaaaa.

Monica: (Sa loob) Pooo!

Julia : Halika (Lalabas si Monica)
Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka…

Monica: Opo (Papasok).

III TAGPO
(Julia, mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana)
Musika

Dalit ni Julia

Oh, Tenyong niyaring dibdib,
Diyata’ ako’y natiis
Na hindi mo na sinilip
Sa ganitong pagkahapis.

Ay! Magdumali ka’t daluhan,
Tubusin sa kapanganiban,
Huwag mo akong bayaang
Mapasa ibang kandungan.

Halika, tenyong, halika,
At baka di na abutin
Si Julia’y humihinga pa…
Papanaw, walang pagsala!

At kung patay na abutin
Itong iyong nalimutan
Ang bangkay ay dalhin na lamang
Sa malapit na libingan.

Huling samo, oh Tenyong,
Kung iyo nang maibaon
Sa malungkot na pantiyon,
Dalawain minsan man isang taon.

Salitain

P. Teban: (Pumalakpak)Mabuti ang dalit mo Julia…datapwa’t na pakalumbay lamang…

Julia : (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y nangagsirating… Kahiya-hiya po.

P. Teban: Hindi. hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo?

Julia : Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok).

P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa… Marunong kang pumili, Miguel.

Tadeo : Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam makiusap. (Lalabas si Juana).

Juana : Aba, narito pala ang among! Mano po, among!

P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?

Juana : Mabuti po, among.

Tadeo : (Kay Miguel) Lapitan mo.

Miguel : Baka po ako murahin ah!

Similar Documents

Free Essay

Walang Sugat

...na makakaya niya upang mapigil ang kasal. Pagkatapos nito ay biglang sinalakay ng mga Espanyol ang kanilang kampo. Bago ang kasal, sinabi ni Lucas kay Julia na wala siyang narinig tungkol kay Tenyong. May sulat rin na dumating na sinasabing sugatan at nanganganib ang buhay ni Tenyong. Itinuloy na lamang ni Julia ang kasal sa paniniwalang patay na si Tenyong. Sa araw ng kasal ay biglang dinala si Tenyong na sugatan at malapit nang mamatay sa simbahan. Naging isteriko si Julia at inalagaan ito. Ang huling hiling daw ni Tenyong na malapit nang mamatay ay makasal kay Julia. Pumayag naman si Miguel dahil mamamatay naman na ito. Ikinasal si Julia at Tenyong. Pagkatapos nito ay tinanggal ni Tenyong ang mga bendahe niya at nakita na wala siyang sugat. Si Tenyong at Julia na ang nagsama. Tauhan: TENYONG – mapagmahal kay Julia, masipag, matapang, lumaban sa mga prayle JULIA – maganda, mabait, mahinhin, mapagmahal kay Tenyong LUCAS – malapit na kaibigan ni tenyong, nakakatawa, romantiko PRAYLE – sakim, iniisip lang ang sarili PUTIN - ina ni tenyong KAPITAN INGGO - ama ni tenyong JUANA - ina ni julia MIGUEL – Manliligaw ni Julia, makulit, sunod sunuran sa tatay Teknikal na Paglalapat Ilaw – Maganda ang pagka-ilaw niya. Kitang kita ang mga tauhan at kung ano ginagawa nila. Musika – Sakto ang mga napiling...

Words: 451 - Pages: 2

Free Essay

Kapampangan Riddles

...kakain).  Answer: Paku/Nail  5. Payung ng Kaka, eya mababasa (Payong ni Kaka, hindi nababasa). Answer: Bulung Gandus/Taro Leaf  6. Aduang bolang sinulad, anggang banwa miraras  (Dalawang bolang sinulid, hanggang langit nakakarating).  Answer: Mata/Eyes  7. Adwa lang mikaluguran, tagalan nong tagalan (Dalawa silang magkaibigan, habulan sila nang habulan).  Answer: Bitis/Feet  8. Oyan na, oyan na, karing bulag akakit ya (Ayan na, ayan na, sa mga bulag ito ay nagpapakikita ).  Answer: Angin/Wind  9. Apat a katau, metung la kupya (Apat na tao, iisa ang kupya).  Answer: Bale/House  10. Lalakad ya alang guguyud, mamulai yang alang bitis (Lumalakad siyang walang humihila, tumatakbo siyang walang paa).                        Answer: Bangka/Boat  11. Malaut ya pa ing sibat, makanganga ne ing sugat (Ang sibat ay malayu pa, ang sugat ay nakanganga na).  Answer: Asbuk/Mouth...

Words: 255 - Pages: 2

Free Essay

Hamaka Yunit 1 & 2

... 4 IV Panambitan 5 V Babang-Luksa 6 VI Walang Sugat 7 VII Tata Selo 8 Yunit II Aralin I Kay Estella Zeehandelaar 10 II Si Kesa at si Morito 11 III Aanhin Nino ‘Yan? 12 IV Plop! Click! 13 V Tahanan ng Isang Sugarol 14 VI Uhaw ang Tigang na Lupa 15 VII Tatalon 16 Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM:...

Words: 5395 - Pages: 22

Free Essay

Lolo Kong Qwerty

...halimbawang ito iilang halimbawa lamang sa kondisyon ng lipunan natin ngayon sa panig ng agrikultura. Naipapakita sa akdang “Tata Selo” ang pagsasamantala ng mga korporasyon (Kabesang Tano) sa mga mahihirap na magsasaka (Tata Selo). Itong sitwasyon ay nagmula sa pagnais ng mga mayaman na lalong yumaman at ang mga mahihirap ay nadadamay mula sa mga aksyon nila. Sa aking palagay, ito ay ginawang mamayaning tema ng may-akda dahil para sa kanya, ito ay isang mahalagang sitwasyon sa ating lipunan na kailangan malaman ng mga Pilipino nang mamulat tayo sa masaklap na katotohanan at para naman malunasan ang sakit sa lipunan na ito. Ang Paglilitis ni Mang Serapio “Walang makakatulong sa’yo, Ginoong Serpio, wala! Ni ang pulis, ang pahayagan, kahit sino man sa mundong ito. Ang mga hiyaw mo’y di maririnig; ang bawat kilos mo’y mabibigo, walang papansin sa’yo. Dumaing ka pa, at bukas makalawa, matatagpuan ang iyong magang katawan sa mga itim na bulaklak ng Pasig. Tandaan ninyo ‘yan mga pulubi! May kuwarenta pesos kayong dapat...

Words: 2048 - Pages: 9

Free Essay

Sampleletter

...I. Pamagat: WALANG SUGAT II. May-Akda: SEVERINO REYES III. Mga Tauhan: Julia -kahali-halinang dalagang Pilipina -kasintahan ni Tenyong Tenyong -isang makisig na binatang Pilipino -kasintahan ni Julia Miguel -isang mayamang binata -ibigipakasal kay Julia IV. BUOD: Ang “Walang Sugat” ay tungkol sa magkasintahang sina Julia at Tenyong. Si Julia’y kahali-halinang dalagang Pilipina at si Tenyong ay isang makisig na binatang Pilipino. Dumating sa kanilang dalawa ang balitang dinakip ng mga Kastila ang ama ni Tenyong. Labis-labis itong pinahirapan ng mga Kastila hanggang sa tuluyang malagot ang hininga ng matanda. Dahil dito’y sumumpa si Tenyong na ipaghihiganti niya ang ama. Siya’y namundok at umanib sa mga maghihimagsik kung kayat ang magkasintahan ay nagkahiwalay. Katulad ng kalakarang balangkas ng mga istorya ng panahon, may hadlang sa dakilang pag-iibigan ng dalawa. Sapagkat si Julia’y ibig pakasal ng kanyang ama sa isang mayamang binatang ang pangalan ay Miguel. Nalaman ni Tenyong ang pangyayari at isang paraan ang naisip niya. Ikakasal na si Julia kay Miguel nang may dumating na ilang kawal na dala ang isang sugatang malapit nang mamatay. Ipinakiusap sa ina ni Julia na pagbigyan ang huling kahilingan ng taong iyon na malapit nang mamatay. Ipakasal lang ito kay Julia, yamang mamamatay naman ito. Kayat pagkamatay nito ay maaari nang magpakasal si Julia sa mayamang binatang si Miguel. Noong una ay ganoon...

Words: 453 - Pages: 2

Free Essay

Filipino

...kung dumating ang bagyo at ulan, Hindi makakilos ang bahang punuan. Ang tao rin itong lubos na dahilan, Sa nasirang buti nitong kalikasan,  At darating bukas ang ganti ng buwan, Uunat ang kamay ng Poong Lumalang! “Na-Ondoy, Na-Pepeng” Bugtung-bugtong, anak ng pungapong Aral ni Tandang Pepeng at Ondoy Pakinggan, pakinggan, mga Ineng at Utoy Upang tumalino sa susunod na panahon: Unang aral na dapat matutunan Hindi dapat ginagahasa si Inang Kalikasan Sapagkat kapag nagbuntis ang sinapupunan Hindi biyaya ang supling kundi kamatayan! Ikalawang aral na dapat tumimo Sa kukute natin at ating pangkuro: Upang sa trahedya tayo’y malayo Kahandaan lamang ang sagot katoto. Ikatlong bertud ni Ondoy at Pepeng Isang anting-anting walang mintis ang galing: Matutong magsuri sa paligid natin Upang makita ang tanda ng lagim: Bitak sa lupa, mga guhit sa dingding Kalbong gubat, banging malalim Ilog na rumaragasa, dam na umaangil Sirenang panawag sa paglikas natin. Ikaapat na...

Words: 509 - Pages: 3

Free Essay

Tula

...nakahihibang at nakahahang̃a. Ang mg̃a pisng̃i mo'y malambot, maamo, Mayumi, manipis at hindi palalo, Ang sang̃ahang ugat kahit humahalo, Ay napapabadha't... di makapagtago. Kung ikaw'y hindi ko dating kakilala Ako'y mamamangha kung aking makita Ang mg̃a pisng̃i mong wari'y gumamela. Naiinggit ako sa paminsanminsan Sa dampi ng̃ hang̃ing walang-walang malay, Pano'y kanyang-kanya ang lahat ng̃ bagay..! PAG-IBIG Ni: Jose Corazon De Jesus Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha! Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata. Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata, tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa. Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso; pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro. Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . . naglalaho, layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo. Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan, parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiiman. Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan, at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang. Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos, walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos. Ang pag ibig na matapang ay puso ang inaanod pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog. Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral, tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw, ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang! Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t...

Words: 940 - Pages: 4

Free Essay

Rtf.Doc

...noo at sa hapo ng kanyang katawan sa siya'y nabubuhay sa sipag at kapagaLang tunay. Ay! Sa ating pang-uga-ugaLi ay Lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwiL sa Liwanag. Ito na nga ang dahiLang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at daLita. Ito na nga ang dahiLan na kung kaya ang mga Loob na inaakay ng kapaLaLuan at ng kasakiman ay nagpupumiLit na Lumitaw na maningning, LaLung-LaLo na nga ang mga hari at mga Pinuno na pinagkatiwaLaan ng sa ikagiginhawa ng kaniLang mga kampon, at waLang ibang nasa kundi ang mamaLagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kaniLa ng kapangyarihang ito. Tayo'y mapagsampaLataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbaLatkayo ng maningning. Ay! Kung ang ating dinuduLugan at hinahainan ng puspos na gaLang ay ang maLiwanag at magandang-asaL at matapat na Loob, ang kahit sino ay waLang mapagningning pagkat...

Words: 937 - Pages: 4

Free Essay

Problems of Working Students

...Ang Pag-Ibig ni Rizal Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz Silahis, Abril 22, 1 -- Ang lalong matatamis na alaalang pinitas sa sanga ng walang-kamatayang pakikipagsapalaran ng ating bayani sa larangan ng pag-ibig, ang atin ngayong matutunghayan. -- Si Rizal, katulad din ng lahat ay may puso at sa pitak ng pusong iya’y minsan ding namugad ang pag-ibig. I. Kung may kamaliang maituturing sa panig ng mga nagsisulat ng talambuhay ni Dr. Jose Rizal ay walang iba kundi ang pagtutulad sa kanyang katauhan sa isang Bathala at hindi sa isang karaniwang taong may mga paang putik. Dahilan diya'y lumabo na tuloy ang mga dapat lumiwanag na kabanata sa kanyang buhay lalo na ang nauukol sa kanyang pag-ibig sa pangunang matuwid na ang pag-ibig na ito kailan ma'y hindi kinilala ng mga pangunahing manunulat ng kanyang talambuhay na isang damdamin ng kabataan o isang damdaming katugon ng karaniwang tibok ng puso. At, tanggapin man sakaling ang pag-ibig na iyan ng Bayani ng Kalamba'y nabuo sa isang dakilang damdaming makabayan, dili iba kundi ang pag-ibig sa kanyang Tinubuan, sukat na kanyang dahilan iyan upang huwag na mabatid ng mga huling salin ng lahi ang tunay na damdamin ng kanyang puso? "Fiat Lux." Pabayaan nating magkaroon ng liwanag. At ang liwanag na hinihintay ng abang maykatha nito'y walang iba kundi ang ilaw ng katotohanan. Sapagka't naniniwala't nananalig pa ang maykatha nito na sa pagkakabunyag ng malalabong kabanatang ito sa buhay ni Dr. Rizal...

Words: 4387 - Pages: 18

Free Essay

Diversity of Culture

...parusang kamatayan o capita l punishment.  Nauna na itong na-legislate sa Kamara at ‘di naglaon ay binuwag din agad. Maging ang pangulo ay umaming sang-ayon siya sa death penalty, noon bilang mambabatas ngunit nagbago rin ito sapagkat nakita niya ang kahinaan ng ating judicial system. Hindi naman napatunayang epektibo ang parusang ito sa pagbuwag ng mga masasamang elementong gumagala sa ating paligid. Ang argumento ng iba ay matatakot gumawa ng masamang hakbang ang mga masasamang loob kapag may parusang kamatayang naghihintay sa kanila sa nagawang krimen. Ngunit, kung ating pagmamasdan, walang panahong naging ligtas tayo sa kapahamakan dahil sa pagbabagong loob na ito ng mga kriminal. Mula noon, hanggang ngayon, pabalik-balik ang mga kaso ng pagpatay, panggagahasa, at iba pang uri ng mabibigat na krimen na ang makagagawa lamang ay iyong mga lulong sa droga o nawala sa kanilang katinuan. Walang normal na tao, na nasa matinong pag-iisip ang papatay sa kanyang kapwa tao. Nagiging “quick-fix” solution na rin itong pagpapataw ng parusang kamatayan sa panahong tila dumarami ang bilang ng insidente ng mga pagpatay. Ngunit gaya ng posisyon ng Simbahang Katoliko, hindi ito sapat na rason upang pumatay o kumitil ng buhay. Sang-ayon ako rito. Sa totoo lang, sapat na ang ating batas kriminal upang masolusyunan ang krimen sa ating bansa. Bawat pagkakasala sa batas ay may karampatang parusa. Ngunit, ang nangyayari ay hindi nabibigyan ng sapat na kaparusahan ang mga dapat parusahan sa ilalim...

Words: 782 - Pages: 4

Free Essay

Nursing Management

...Pamagat: Si Matsing At Pagong Tauhan: Matsing at Pagong Lugar: Ilog Sina Pagong at si Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw, binigyan sila ni Aling Muning ng isang supot ng pansit at Hindi nagtagal ay nagyaya na si Pagong na kainin na ang pansit ngunit sinabi ni Matsing na nangangamoy panis na ang pansit kung kaya siya na muna ang unang titikim nito hanggang sa naubos na ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong humingi ng tawad si Matsing dahil naubos at Hindi nakakain si Pagong ng pansit. Dahil sa likas na mabait at pasensosyo si Pagong, Hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan. Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging at pinaghatian nila ang puno ng saging upang itanim at patubuin. Umuwing malungkot si Pagong dala ang kanyang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahong bahagi ng puno. Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing. Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik. Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong. Di naglaon nagyaya na si Matsing na kainin na ang saging na tumubo...

Words: 691 - Pages: 3

Free Essay

Bilanggo Ng Pag-Big Critical Analysis

...Carla Jane G. Lim 2014-62401 Fil 40 WFV4 11:30am-1:00pm Reaction Paper Bilanggo ng Pag-ibig: Pagsasadula ng Sugat ng Bayan Ang mga pangyayari sa buhay ng tao ay bunga ng mga desisyon na ginawa niya sa nakaraan. Karamihan sa mga ito ay bunga ng pansariling interes lamang. Kakaiba ang dulang Bilanggo ng Pag-ibig na ipinalabas ng organisyasyong Dulaang Unibersidad ng Pilipinas noong Pebrero. Ito ay dahil ang dulang ito ay hindi basta-basta nagpapakita at tumatalakay sa normal o nakagawiang buhay ng tao, bagkus isinasalaysay nito ang isang hindi pangkaraniwang realidad tungkol sa mundong kinabibilangan natin. Ang buhay ng tao ay hindi basta-basta lang. Bawat buhay ay may kwentong karapatdapat marinig ng iba. Ito ang itinuro ng dulang Bilanggo ng Pag-ibig sa akin. Ang dula ay may sariling talinhagang nakapaloob sa kwento nito. Ito ang nagbigay ng buhay sa kwento at ang nakapukaw ng atnesyon ko. Nais kong bigyang diin ang mga paniniwala at teorya ni Jean Genet sa mga digmaan lalo na sa Digmaang Palestino. Maraming digmaan ang nagsimula sa pagsakop ng isang estado sa iba pang estado upang palakihin ang kanilang nasasakupan. Ano nga ba ang dahilan ng pananakop na ito? Upang mapalawak ang lupain ng isang bansa? Upang magkaroon ng mas maraming pagkukuhanan ng yaman ang bansa? Upang magkaroon ng ‘bragging rights’ ang isang estado? Karamihan sa pananakop na nagaganap ay para lamang sa pansariling kagustuhan ng mga lider ng isang bansa. Marahil ay tunay na mas uunlad ang...

Words: 1283 - Pages: 6

Free Essay

Kaibigan

...pagod na ako. Oo. Tama kayo pagod na ako. Ikaw ba naman suntukin at sipain ka ng mga kaibigan mo kahit wala ka namang ginagawa. Babatuhin ka ng kung anu-ano at tatawagin ka ng mga pagalang di naman totoo. Noong una, nasaktan ako. Pero ngayon, wala na akong maramdaman. ayos lang. kaibigan ko naman sila eh. Alam ko namang biro lang ito. *Long pause* Pero kalian ba masasabi na hindi na biro ang ginagawa nila? Pag may pasa ka na? pag may sugat ka na? pag pinahiya ka na nila sa ibang tao? Hindi ko rin alam. Pero minsan din namang naubos ang pasensya ko. Ginawa ko yung sa tingin ko ay tama. Sinumbong ko sila. Natuwa nga ako dahil pinagsabihan sila na wag na nila itong ulitin. Pero pagkatapos noon, mas lalong lumala ang ginagawa nila sa akin. Sumbungero daw ako kaya Binugbog nila ako. Andami ko nga pasa at namamaga ang mukha ko noon. Buti na nga lang, wala na naman ang magulang ko. Busy na naman sila sa trabaho, kaya safe ako. Hindi nila malalaman na nabugbog ako. Nagpatuloy ang pambubugbog nila sa akin. Halos hindi nga makukumpleto ang araw ko ng walang pasa ang katawan ko. Kung wala namang pasa, lagi akong makakarinig ng mga pangit na salita. Alam ko namang hindi ako perpekto, pero bakit kailangan pa nilang ipamukha sa akin ang mga masasalimuot na salita na yun. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto nilang palabasin. Bakit kaya sila galit na galit, ngayong wala naman akong nagawa sa kanila. Noong hindi na ako nakapagtimpi sa ginagawa nila, naisip ko na gumanti. Nagsuntukan kami. Alam...

Words: 800 - Pages: 4

Free Essay

Sa Kabila Ng Bagyo

...kinakailangan. Batid sa kaalaman ng lahat ang pagpasok at pagpinsala ng isang bagyo noong Nobyembre 2013. Ito ay pinangalanang “Yolanda” sa ating bansa at may pandaigdigang pangalan na “Haiyan”. Ang bagyong Yolanda ay naitala na pinakamalakas na bagyo na tumama sa lupa na nakapinsala ng iba’t ibang lugar lalo na sa Cebu, Leyte, Tacloban, at marami pang iba. Ganito ang kalagayan ng mga lugar na nasalanta ng Bagyong Yolanda nang puntahan ng mga tagapamalita - kalat-kalat na mga kahoy, wasak na mga bahay at establisimyento, naipong mga kalat sa tabi ng kalsada, naburang komunidad, nagkalat na mga katawan ng tao at mga alagang hayop, mga nakaligtas sa hagupit ng bagyo na iniligtas muli ang mga sarili laban sa gutom, mga sugat na hindi pa nagagamot, at walang mapagpapahingahang tirahan. Libo-libo ang nasugatan, nawala, at namatay. Dahil na rin sa malakas na hangin at alon sa dagat ay nagsanhi ito ng pagbaha sa mga lugar na nasabi. Nagtumbahan din ang mga poste ng kuryente at mga linya ng komunikasyon. Nang dahil dito, nahirapan tumawag o magpahatid ng mensahe ang mga nasalanta sa mga pamilya nila sa ibang lugar. Na-ipahatid na lamang nila ang kanilang mensahe sa tulong ng mga reporter sa kanilang pagbabalita. Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affairs), mayroong 23 na bansa ang nagpadala ng kanilang tulong para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo. Ang mga bansa ay ang mga sumusunod: Australia, Belgium, Canada, China, Denmark, Finland,...

Words: 642 - Pages: 3

Premium Essay

Salawikain

...Salawikain 1. Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa. 2. Ang buhay ay parang Gulong,minsan nasa ibabaw,minsan naman ay nasa ilalim. 3. Ang isip ay parang Itak,Sa hasa tumatalas Bugtong 1. Kabaong na walang takip, BANGKA Sasakyang nasa tubig. 2. Tumakbo si Tarzan, ZIPPER Bumuka ang daan. 3. Nagsaing si Betong, BIBINGKA Nasa ibabaw ang Tutong. ALAMAT Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at nagkakaintindihan. Sila ay magkakaibigan. Ang daigdig ay napakapayapa at animo'y isang paraiso. Ang mga aso, pusa at daga ay mabubuting magkakaibigan. Sama-sama silang kumakain. Lagi silang nagbibigayan at nagtutulungan sa kani·kanilang mga suliranin. Subali't ang lahat ng ito ay nasira dahil lamang sa isang pangyayari. Isang araw, umuwi ang aso na may dala-dalang buto para pagsaluhan nila ng kaniyang mga kaibigang pusa at daga. Wala doon sina pusa at daga dahil naghahanap pa rin ang mga ito ng pagkain. Nakarinig ng ingay ang aso sa pintuan ng bahay. Inilapag ng aso ang buto at tumakbo sa labas upang tingnan kung ligtas ang kaniyang amo. Sa oras naman na iyon ay dumating ang daga. Malungkot siya dahil wala siyang nakuhang pagkain. Nakita niya ang buto. Kinuha niya ito at dinala sa bubungan ng bahay. "Mamayang gabi ay may pagsasaluhan kami ng aking mga kaibigang aso at pusa." bulong ng daga sa sarili. Pagbalik ng aso sa bahay ay nagulat ito ng makitang walana ang iniwang buto. Naghanap nang naghanap ang aso subalit hindi rin niya makita ang...

Words: 1313 - Pages: 6