Free Essay

Wasak Na Tahanan Term Paper

In:

Submitted By aralayn
Words 2849
Pages 12
ANG SANHI AT BUNGA NG PAGKAKAROON NG WASAK NA PAMILYA

Isang Panahunang Papel na Iniharap Bilang
Bahagi ng Pangangailangan Para sa kursong Filipino 2
(Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

Ipinasa kay:
Jose Monipe P. Calisagan, MAFIL

Mga Mananaliksik
Aralyne F. Malinao
Mara Jane D. Palos
Estelle Marie Y. Tongao
Cecille Rae N. Apat
Genaiza Señorin

Marso, 2016

Talaan ng mga Nilalaman

Tsapter Pahina 1. Kaligiram, Suliranin at kaligiran nito 1-3
Introduksyon 1-2
Paglalahad ng Suliranin 2
Kahalagahan ng Pag-aaral 2-3
Saklaw ng Pag-aaral 3

2. Paglalad ng mga Datos 4-9 3. Buod, Kongklusyon at Rekomendasyon 10-13
Buod 10
Kongklusyon 12-13
Rekomendasyon 13
Bibliograpi 14

Tsapter 1
Suliranin at Kaligiran Nito

Introduksyon
Ang isa sa mga problema ng Lipunan natin ay ang sanhi at Bungan ng pagkakaroon ng wasak na Pamilya, Karamihan sa ating mga Pilipino ay isa sa ating Tanging yaman o pinapahalagahan ay ang ating Pamilya. Marami sa atin ay masuwerte sa Pamilya kahit nagkulang sa Pera, karamihan naman ay kagaya ng mga mayayamang Pamilya ay watak – watak dahil sa marahil walang oras ang kanilang Ama’t Ina. Alam niyo ba na maraming problemang hinaharap ng lahat o karamihang Pamilya ditto sa ating bansa? O maging sa ibang bansa? Halimbawa nga lamang ng pagkawatak – watak ng Pamilya, Dahil sa Pera, Di- magkaanak o pagkamatay ng anak, Lack of time o wala ng oras sa isa’t isa dahil sa Trabaho, Pagkawala ng oras sa pagtatalik o lack of sex, Fall out of love o paglaho ng pagmamahal, Arranged Marriage: Kagaya lamang ng mga kapatid nating muslim na ipinapakasal dahil sa utos ng kanilang mga magulang o kanilang tradisyon, Di- pagkakaintindihan ng Ama at Ina, Meron ding ibang ayaw na sa kanilang mga Asawa kasi inaabuso sila, may iba ding alam nilang mas makakahanap sila ng mas magmamahal sa kanila atbp dahilan o problema.
Ang dahilan ng pag – aaral natin tungkol sa Pamilya ay upang malaman natin ang Sanhi at Bungan ng pagkakaroon ng wasak na pamilya, karamihan kasi sa atin ay buo nga ang Pamilya pero hindi naman nagsasama – sama lalo na’t pagdating sa mesa o hapagkainan, marami din sa atin ay buo ang pamilya pero nagkulang naman sap era, may iba naming wasak ang Pamilya dahil sa marahil may ibang pamilya ang kani-kanilang Ama’t Ina (Halimbawa nalang sa mga nabanggit ko sa itaas o kanina)
Ang pangkalahatang kahalagahan ng pag – aaral naming tungkol ditto sa paksa naming ay upang malaman natin ang iba’t – ibang dahilan na maidudulot ng sanhi at bunga ng pagkakaroon ng wasak na pamilya. Maraming implikasyon ang pag – aaral ng paksang ito, Halimbawa lang ang epekto nito ay ang maaaring ang isang bata ay magiging suwail, dahil wala ng gagabay sa kanya o magtuturo kung ano ang tama at mali. Ikalawa, maaaring magpakamatay ang anak, magiging satandby o tambay lang siya, mawawalan siya ng ganang mag – aral, maaaring madgulot ng maagang pagbuntis, Depression, Bully atbp na mga posibleng epekto na makapagdudulot sa kanya ngn pagkakaroon ng wasak na pamilya.
Subalit, di naman lahat ay nagiging masamang anak dahilan lamang ng pagkakaroon ng sira o wasak na pamilya. Meron ding iba diyan na ginamit nila ito na inspirasyon upang magpursiging mag – aaral, upang maging matagumpay sa kanilang buhay, kumbaga di nila ito ginamit na hadlang para sumuko sa hamon ng buhay. Marami kasi sa atinng mga kabataang Pilipino na sumuko na sa buhay. Dapat Ipakita naman natin sa iba na kung kaya nila, mas kaya natin.

Paglalahad ng Suliranin Sa pag – aaral na ito na may pamagat na “ Ang Sanhi at Bunga ng pagkakaroon ng wasak na Pamilya” na may kinalaman sa kalagayan at problema sa ating lipunan: Kaibigan, Kamag – anak, Kapitbahay, atbp.
Sinikap ng pag – aaral na ito ang matugunan ang mga sumusunod na problema o katanungan: 1. Ano ang epekto sa pagkakaroon ng wasak na Pamilya? 2. Paano tayo nalulutasan ang pagkakaroon ng wasak na Pamilya? 3. Bakit nagkakaroon ng wasak na Pamilya?
Kahalagahan ng Pag – aaral Sa pag – aaral na ito, layon ng mga mananaliksik na malaman ang mga sanhi at Bunga ng pagkakaroon ng wasak na pamilya. Bakit nga ba tayo nagkakaroon ng ganitong problema? Ano nga ba ang mga Dahilan nito? Sinong naapektuhan sa ganitong sitwasyon? Dito natin malalaman ang mga kasagutan nito. Ang mga resulta at kalabasan ng pag – aaral ay ibabahagi sa mga sumusunod. Sa Mga Estudyante. nagiging mahirap sa kanila ang ganitong kalagayan, kasi marahil magdudulot ito ng maraming epekto sa kabataan. Kagaya nga ng nasabi ko sa pangkalahatang pag – aaral, magdudulot ng maagang pagbubuntis, pag – attempt ng suicide ng isang estudyante o anak, pagdrudruga, pagbully sa ibang Estudyante. Kaya kailangan nating gabayan ang ating mga anak mula pagkabata pa hanggang sa paglaki nila upang lumaki silang maayos, Sa Mga Magulang. maaaring magdulot ng Diborsyo dahil sa di pagkakaanak, pera, pangalawa ang Lack of time, pangatlo ang lack of sex o pagtatalik at dahil alam nilang makakahanap sila ng mas magmamahal sa kanila. Pang-apat dahil sa kabit, May iba ding inaabuso ng kanilang mga asawa kaya yung iba ay takot na at iniiwan ang kanilang pamilya upang matigil ang pag-aabuso, Kahirapan din ang isa sa mga dahilan dahil marahil hindi na nila kaya ang paghihirap kaya humanap ng iba. Sa mga magulang na nakipaghiwalay na sa kanilang mga kinakasama mas magagabayan pa nila ng buong husay ang kanilang mga anak lalo pa’t malalaman nila na maaaring maging malaki ang epekto nito sa estado ng pagaaral ng kanilang mga anak. Magkakaroon ang mga magulang ng kaunawaan sa mga bagay na dapat nilang gawin upang mapaunawa ng maayos at mapamulat sa kanilang mga anak ang naturang sitwasyon. Sa Mga Guro. naaapektuhan din sila dahil yung ibang estudyante nila ay hindi na papasok sa Paaralan dahil sa pagrerebelde, suwail atbp. Marami akong kakilalang mga guro na medyo may problema sa paaaralan dahil sa hindi pagkinig ng mga estudyante nila, may ibang estudyante na nagco–computer sa labas dahil sa kagustuhan nilang magpakasaya, nagdu-druga yung ibang kabataan dahil ayaw na nilang pumasok sa eskwela. Nasobraan sa pakikipag barkada kaya nagdulot ng pagiging “curiosity” kaya yung iba ay pumupunta sa bar at pinapakita nila ang mga pekeng ID Makita lamang yung mga babaeng nakahubad, Karamihan sa oras ng mga mag-aaral ay ginugugol sa loob ng paaralan at ang isa sa mga nakakasama nila ay ang kanilang mga guro o propesor. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito mas mauunawaan ng mga guro na isa ito sa mga salik na nakakaapekto sa akademikong pag-aaral ng mga magaaral. Malalaman din ng mga guro ang tamang paraan ng pagtrato sa mga estudyanteng kinahaharap ang suliraning ito.
Saklaw ng Pag – aaral Ang pananaliksik na ito na nakatuon lamang at nakapokus sa mga sanhi at bunga ng pagkakaroon ng wasak na Pamilya. Dito natin malulutas kung Ano – anu, bakit at kung paano nangyari ito.

TSAPTER II
Paglalahad ng mga Datos

Nahahati sa dalwang bahagi ang tsapter na ito, binubuo ito ng mga datos at kaugnay Literature na siyang makakatulong ng malaki dahil sa mga ideyang idinudulot sa mga mananaliksik para sapagbubuti ng pag-aaral. Pinapalawak sa tsapter na ito ng mga konseptwal na maghahawan ng landas upang mabuo ang mga kaisipang makatulong sa paglutas sa mga suliranin at pagsagot sa mga tiyak na katanungan.
Ang Pilipinas ang isa mga bansang may wasak na Pamilya pero hindi tayo sumasang-ayon sa dibosyo dahil karamihan sa ating mga Pilipino ay Roman – Catholic, nangingibabaw parin sa atin ang importansya ng Kasal, pagkakaroon ng kompletong Pamilya, Takot sa Diyos, pagmamahal sa mga anak, prinsipyo at dignidad. Ang Pamilya ang pinakamaliit na yunit ng ating pamayanan. Ngunit sa aking palagay ito ang pinakamahalaga dahil sa loob ng pamilya hinuhubog at hinuhulma ang pagiging ganap na tao ng isang musmos na pag-iisip; kung ano ang kanyang kinagisnan o kinalakhan at kung papaano siya pinalaki ng kanyang magulang ay iyon ang kanyang dadalhing ugali sa kanyang paglaki at pagtanda.
Ang Pamilya ang repleksyon ng ating pagkatao datapwat hindi natin dapat husgahan ang pamilyang nasa likod ng isang tao base sa kanyang pag-aasal. Ngunit paano kung ang pamilyang dapat na maggagabay sana sa isang bata para maging mabuti at kapaki-pakinabang na mamamayan ay hindi buo? Hindi ba’t malaki ang epekto ng wasak na pamilya sa mga bata habang patuloy silang lumalaki o pareho lang ang resulta nito kungsingle parent lang ang nagpalaki sa kanila? Ewan ko, hindi ko rin alam dahil maraming orphan ang may matinong buhay at kamalayan at marami-rami ring hindi mga ulila ang siya namang naligaw at napariwara.
Kung ikukumpara noon ang panahon natin ngayon, higit na mas marami ngayon ang sira ang pamilya o hiwalay ang mag-asawa, mas marami ang kwento ng pangangaliwa, mas marami ang nabubuntis ng walang ama (dahil sa pagiging iresponsable ng nakabuntis), mas malawak at mas accessible ang pornograpiya (sa dami ng pwedeng maging source), mas maraming kabataan ang bukas ang pag-iisip sa usaping sekswalidad at nakawiwindang na hindi sila natatakot sa negatibong resulta at epekto nito.
Marami ang sasang-ayon na isa sa mga dahilan ng wasak na pamilya ay ang hindi pagiging faithful ng isa sa mag-asawa pero tanggalin sana natin sa ating mga isip na tanging lalaki lang ang may kapasidad na kumaliwa dahil lahat tayo ay may posibilidad na maging biktima ng pangangalunya. Bagamat may kabigatan ang dahilang UNFAITHFULNESS marami pa rin namang kadahalinan kung bakit hindi nagtatagumpay o nagtatagal ang isang relasyon, kung bakit hindi natutupad ang wagas na mga pangako, kung bakit naging ‘for a while’ na lang ang pangakong ‘forever’, kung bakit naghiwalay ‘kailan lang’ ang dapat ay ‘magpakailanman’ sanang pagmamahalan at kung bakit nauwi sa wala ang masasaya at mahabang taon ng pagsasama, kung bakit naging mapait ang matamis na pag-iibigan.
Humani muna tayo sa Maling akala ng Diborsyo Pinalilitaw sa ilang palabas sa TV na simpleng solusyon ang diborsiyo. Halimbawa, may mga eksenang nagdiborsiyo ang mag-asawa. Napunta sa poder ng ina ang mga anak. Pagkatapos, nag-asawa siya ng isang biyudong mayroon ding mga anak. Patung-patong ang kanilang problema. Pero nalulutas agad ang mga ito.
Ipinakikita ng ganiyang eksena na simpleng bagay lang ang diborsiyo. Pero ang totoo, hindi biru-biro ang pagdidiborsiyo. Ganito ang isinulat ni M. Gary Neuman sa kaniyang aklat na Emotional Infidelity: “Sa proseso ng diborsiyo, may naghahabla, may inihahabla. Kapag nakipagdiborsiyo ka, ipinauubaya mo na ang anak mo, ang pera mo, at marahil pati ang bahay mo. Maaaring madaan sa usapan ang mga bagay-bagay, pero hindi ka pa rin tiyak. Ang masakit nito, ang hukom na hindi naman nakakakilala sa pamilya mo ang siyang magdidikta kung gaano mo kadalas makikita ang iyong anak at kung gaano kalaking pera ang matitira sa iyo. Ang masaklap pa nito, magkaiba ang takbo ng isip ninyo.”
Kadalasan nang hindi nawawala ang problema kapag nagdiborsiyo ang mag-asawa. Sa katunayan, baka nga maging problema pa nila ang mga bagay na gaya ng tirahan at kabuhayan. Bukod diyan, apektado rin ng diborsiyo ang mga bata. Ang Pamilyang hindi wasak lalo’t sa mga anak ay napakahalaga. Walang anak ang naghangad na hindi buo ang kanyang pamilya. Kaya’t kahit na gahibla na lang ang rason para magsama ang mag-asawa gamitin pa rin sana ang dahilang ito, hanggat kaya nating isalba ang relasyong nasa bingit na nang hiwalayan pilitin at hanapin pa rin natin ang dahilan para ito’y masagip ngunit sa kabilang banda isang malaking kalokohan naman kung ikaw lang ang may pagsusumikap at may interes na buuin ang pamilyang unti-unting nawawasak ng iba’t ibang kadahilanan.
Ang mga sumusunod ay mga gabay upang maging matatag o makatulong kung hindi man mapagbuklod muli ang isang relasyon. Ilang mga bagay na dapat gawin at isabuhay upang magkaroon ng matibay at magandang pundasyon ang bawat pamilya. Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng ating pamayanan. Ngunit sa aking palagay ito ang pinakamahalaga dahil sa loob ng pamilya hinuhubog at hinuhulma ang pagiging ganap na tao ng isang musmos na pag-iisip; kung ano ang kanyang kinagisnan o kinalakhan at kung papaano siya pinalaki ng kanyang magulang ay iyon ang kanyang dadalhing ugali sa kanyang paglaki at pagtanda.
Ang mga sumusunod ay mga gabay upang maging matatag o makatulong kung hindi man mapagbuklod muli ang isang relasyon. Ilang mga bagay na dapat gawin at isabuhay upang magkaroon ng matibay at magandang pundasyon ang bawat pamilya.
Fellowship & Forgiveness – Ang simpleng pagsasalo-salo ng pamilya sa hapag-kainan ay titimo at magmamarka sa isip ng bawat miyembro nito at magdudulot din ito ng isang magandang samahan sa isa’t isa, gawan nang paraang maipasyal/madala ang pamilya sa mga lugar na magpapaalala sa kanila na mayroon silang masaya at kumpletong pamilya; hindi kinakailangan ng maraming pera para gawin ito. Ang pagwawalang-bahala sa mga payak na mga bagay na magbubuklod sa pamilya sa isang malusog na komunikasyon at samahan ay malaki ang epekto sa paglipas ng mga taon.
Acceptance – Huwag mong hanapin sa iyong asawa/kabiyak ang katangiang hindi niya taglay bagkus tanggapin at yakapin mo kung ano ang meron siya at magmula rito ay magiging maluwag ang pagtanggap nang lahat ng kanyang kakulangan. Ang perpektong tao ay hindi totoo at ang totoong tao ay hindi perpekto. Ngunit kahit na pareho kayong hindi perpekto hindi ito dahilan para hindi kayo maging masaya at magkasundo kung mauunawaan ninyo ang kakulangan ng bawat isa mas malaki ang porsyento na kayo’y magsama ng mas matagal; na sa halip na maghanapan kayo ng kakulangan ng isa’t isa punan ninyo ang pagkukulang na ito para sa masayang pagsasama.

TSAPTER III
Buod, Konklusyon at Rekomendasyon

Buod Ang pananaliksik na ito na pinamagatang Ang Sanhi at Bunga ng pagkakaroon ng wasak na Pamilya ay naglalayong maipakita ang mga Dahilan, epekto, bunga at pinagmumulan nito.
Ginamit sa Pag-aaral na ito ang pamamaraang palarawan o deskriptibo upang makuha ang mga datos na naglalarawan tungkol sa wasak na Pamilya.
Sinikap ng pag – aaral na ito ang matugunan ang mga sumusunod na problema o katanungan: 4. Ano ang epekto sa pagkakaroon ng wasak na Pamilya? 5. Paano tayo nalulutasan ang pagkakaroon ng wasak na Pamilya? 6. Bakit nagkakaroon ng wasak na Pamilya?

Konklusyon Batay sa pag-aaral, sinagot ang mga sumusunod na problema. 1) Ano ba ang dapat gawin kung nababawasan na ang tamis ng inyong samahan?
Hanggat kaya nating isalba ang relasyong nasa bingit na nang hiwalayan pilitin at hanapin pa rin natin ang dahilan para ito’y masagip ngunit sa kabilang banda isang malaking kalokohan naman kung ikaw lang ang may pagsusumikap at may interes na buuin ang pamilyang unti-unting nawawasak ng iba’t ibang kadahilanan.

2) Hindi ba talaga maiiwasan ang hiwalayan?
Kung ikukumpara noon ang panahon natin ngayon, higit na mas marami ngayon ang sira ang pamilya o hiwalay ang mag-asawa, hindi talaga maiiwasan ang hiwalayan lalong lalo na’t walang tigil na pag-aawayan ang meron sa mag-asawa, hindi nagkakasundo, nangangaliwa, maagang pagkakasal, sapilitang pagkakasal (fixed marriage), pag-aabuso ng lalaki sa kanyang asawa, atbp. 3) Bakit sa isang iglap ay nagpapadala tayo sa bulong ng temptasyon at tawag ng laman?
Hindi ko masasabing/ magegeneralize lahat dahil ang iba naman ay kumpleto ang Pamilya kahit may mga patong patong na problema, pero ayon sa aking nakita may mga tao talagang hindi marunong makontento kaya naghahanap ng iba at gustong may panandaliang aliw. 4) Ano ba ang dapat na pundasyon ng pamilyang nagmamahalan?
Fellowship & Forgiveness - Kung sakaling magkaroon ng pagkakamali at at kasalanan ang kapartner sa buhay maging bukas sana tayo sa pagpapatawad. Bagama’t hindi ito ganoon kadali isa ito sa paraan upang maipakitang may pagmamahal pang nananahan sa iyong puso. Sana lang ay hindi maabuso ang forgiveness sa pag-ulit ng kasalanan.
Acceptance - Ang perpektong tao ay hindi totoo at ang totoong tao ay hindi perpekto. Ngunit kahit na pareho kayong hindi perpekto hindi ito dahilan para hindi kayo maging masaya at magkasundo kung mauunawaan ninyo ang kakulangan ng bawat isa mas malaki ang porsyento na kayo’y magsama ng mas matagal; na sa halip na maghanapan kayo ng kakulangan ng isa’t isa punan ninyo ang pagkukulang na ito para sa masayang pagsasama. 5) Pagtataksil lang ba ang dahilan kung bakit may problema ang isang Pamilya?
Maraming dahilan kung bakit may problema ang isang Pamilya hindi lamang ang pagtataksil bagkus ito’y dahil sa druga o bisyo, naglahong pagmamahal, sapilitang pagpapakasal, maagang pagpapakasal atbp.

Rekomendasyon

Bilang pagtatapos ang mga mananaliksik ay nagumungkahi sa mga sumusunod: 1. Pagkaroon ng iba pang masusing pag-aaral tungkol sa pananaliksik na ito upang mapagtibay pa ang mga impormasyon na makukuha sa pag-aaral na ito. 2. Ipalawak ang impormasyon tungkol sa pagkakaroon ng wasak na Pamilya. 3. Hikayatin ang bawat isa na makiisa sa pangmalawakang gawain tungkol sa pagbabalik ng dating sigla at lagay ng ating Pamilya upang maiwasan ang masamang epekto nito.

Bibliograpi

1. http://mgainiisipnituro.blogspot.com/2011/01/wasak-na-pamilya.html 2. http://m.wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102009370 3. https://prezi.com/xmppvafh0ujy/epekto-ng-watak-watak-na-pamilya-sa-akademikong-pagaaral-ng/ 4. http://www.kerygma.faithweb.com/gabaynob28.html 5. http://ofwsadisyerto.blogspot.com/2013/10/wasak-na-tahanan.html

Similar Documents