Free Essay

Wattpad: Makabagong Literatura

In:

Submitted By skysummers
Words 1047
Pages 5
Proyekto sa Filipino II
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Wattpad: Makabagong Literatura

Isinumite nina:
Alcantara, Julie Anne
Balingbing, G Shawn Kelly
Baylon, Claudine Fay
Molato, Donna Molato
Montenegro, John Roland
Nipas, Rose
Orbase, Arrem Ceyzel Joyce
Orias, Grace
Paner, Reyna Nicole
Trinidad, Juriel
Vibar, Terese Dawn

AB English 1A

Isinumite kay:
Dr. Leticia M. Lopez

Unibersidad ng Bicol
Legazpi City

Marso 2015
KABANATA I
ANG SULIRANIN

Panimula
Malayo na ang ating narating sa pagpapabuti ng kondisyon ng ating buhay. Marami na ang nagbago sa henerasyon ngayon dala ng mabilis na pag-unlad ng modernong teknolohiya. Iba’t ibang aspeto na ng ating buhay ay unti-unting naiiba at napapadali dahil sa modernisasyon. Isang halimbawa ay ang aspeto ng pagbabasa. Kung dati-rati, makakapal na aklat ang ginagamit, ngayon pwede na tayong magbasa sa ating mga kompyuter, laptop, tablet at maging sa ating mga cellphone. Sa pagdownload ng mga ebooks at mga applications, maaari na rin tayong makapagbasa ng iba’t ibang klase ng mga libro online. At kung dati, mahirap para sa mga taong naghahangad na maging manunulat ang mailathala ang kanilang naisulat, ngayon ay mas napadali na gawa ng mga online writing communities.
Isa sa mga sikat na paraan ng online writing na tinatangkilik ng mga kabataan ngayon ay ang Wattpad. Ito ay isang uri ng social networking site na itinatag noong 2006 nina Allen Lau at Ivan Yuen ngunit naging tanyag lamang sa lahat noong 2011. Sa site na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang lahat para libreng maibahagi ang sarili nilang kwento at makapagbasa ng mga likha ng ibang manunulat. Ang aksesibilidad nito para sa mga manunulat at mambabasa ang isa sa mga naging daan upang tuluyan itong makilala at yakapin ng publiko partikular na ang mga kabataang Pilipino.
At ngayon, dala ng kasikatan ng mga kwento sa Wattpad, ang mga may pinakamaraming reads ay naisalin na sa mga libro at makikita na rin sa sarili nitong seksyon sa mga bookstores na tinatawag na pop fic o popular fiction. Hindi nagtagal at ang mga patok na Wattpad books ay naisapelikula na at mapapanuod na rin sa telebisyon. Ang mga libro gaya ng “Diary ng Panget” at “She’s Dating the Gangster” ay iilan lamang sa mga Wattpad books na ginawang pelikula. Ngunit, kahit marami ang tumatangkilik sa mga ito, mayroon din na bumabatikos at pumupuna sa mga kwento sa Wattpad. Ayon sa kanila, hindi napapaunlad ng pop fiction ang kritikal na pag-iisip ng mga mambabasa. Nagkaroon din ng ‪#‎SaveLiterature‬ campaign upang “maibalik ang makabuluhang panitikan ng mga dalubhasang manunulat sa Pilipinas at mawala ang mga baguhang manunulat na ang ginagawa lamang ay palalain ang delusyon ng mga kabataan.”
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang mailahad ang pananaw ng mga piling mag-aaral na nasa unang taon sa kursong AB English kung maituturing ba na gawang pampanitikan o literatura ang pop fiction maging ang kanilang opinyon ukol sa pagtangkilik ng mga ito. Binibigyan diin din ng paksang ito kung nahihikayat ba ng Wattpad ang mga mag-aaral sa pagbabasa at paglilikha ng sarili nilang kathang salaysay. Nais din na mapag-alaman ng mga tagapagsaliksik ang mga karaniwang tema at paksa ng mga kwento sa Wattpad, ang mga dahilan ng pagkahilig ng mga kabataan sa pagbabasa ng mga ito kaalinsunod ng mga mabuti at masamang epekto nito.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mabigyan ng kasagutan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang mga karaniwang tema ng mga kwento sa Wattpad na madalas basahin ng mga kabataan? Makabuluhan ba ang mga ito at may maibabahaging aral para sa mga mambabasa? 2. Bakit kinahuhumalingan ng mga kabataan ang pagbasa ng mga kwento sa Wattpad? 3. Matatawag ba na gawang pampanitikan ang mga kathang ito? Ano ang pananaw ng mga respondente tungkol sa paggamit ng ‘Taglish’ o bilingualism ng Wattpad books? 4. Anu-ano ang mga positibo at negatibong epekto ng Wattpad? May naidudulot ba ang Wattpad sa aspeto ng pagbasa at pagsulat ng mga kabataan? 5. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral ukol sa pagtangkilik nila sa mga literature sites na ito?

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa pagdetermin at paglahad ng mga epekto ng Wattpad sa mga respondente. Sa pag-aaral na ito, ginamit ng mananaliksik ang Slovin’s formula upang tukuyin ang bilang ng respondenteng tutugon sa talatanungan.

Pormula: n = N / (1 + Ne²) Aplikasyon: n = Kabuuang Bilang ng Sampol n = N / (1 + Ne²)
N = Kabuuang Populasyon = 150 / (1 + 150 * .13²) e = Inaasahang Kamalian = 150 / 3.535 = 42.4328147 o 43

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga piling mag-aaral na mula sa unang taon ng kolehiyo sa kursong AB English sa Unibersidad ng Bicol. Pinili ng mananaliksik ang mga respondente ayon sa trend o magkakaibang sampol ng iisang populasyon sa magkakaibang panahon. Isinaalang-alang din sa pag-aaral na ito ang pagbibigay diin ng kursong bihasa sa Ingles sa larangan ng pagbabasa at pagsusulat dahilan upang alamin at ilahad din ng mga mananaliksik ang mga mabuti at masamang epekto ng pagbabasa ng Wattpad maging ang kanilang pananaw ukol sa pagtangkilik nito.

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang mga mananaliksik ay naniniwala na magiging kapakipakinabang at hindi napapasubalian ang kahalagahan ng pag-aaral na ito sa mga sumusunod:
Mag-aaral. Ito ay makatutulong sa kanilang pagaaral tungkol sa panitikan at magsisilbing batayan sa pagpapaunlad ng literatura sa Pilipinas. Sa mga mag-aaral, ito ay magsisislbing pagsasanay sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa panitikan at sa larangan ng pagsusulat at pagbabasa.
Baguhang Manunulat. Lalong mapapayabong ang kanilang kaalaman, hilig at talento sa pagsusulat at pagbabasa.
Guro. Ito ay magagamit na sanggunian at bilang isang kagamitang pangturo, na magsisilbing patnubay sa pagpapaunlad ng literatura.
Mananaliksik. Ito ay magsisilbing patnubay sa mga susunod na mag-aaral. Sa mga mananaliksik, ito’y magsisilbing sanggunian at mapagkukunan ng mga impormasyon hinggil sa mga araling pangpanitikan at magiging batayan sa mga susunod pang pag-aaral.
Tala
Local fictionists weigh in on Wattpad, Marcelo Santos III, future of PHL literature, Retrieved Pebrero 7, 2015 from http://www.gmanetwork.com/news/story/391336/lifestyle/literature/local-fictionists-weigh-in-on-wattpad-marcelo-santos-iii-future-of-phl-literature
In defense of Wattpad, Retrieved Pebrero 7, 2015 from http://www.philstar.com/supreme/2014/12/13/1401916/defense-wattpad

Similar Documents

Free Essay

Filipino Ii

... A. PANIMULA Ang Pananaliksik na ito ay tungkol sa pagkawili ng mga kabataan sa wattpad at kung anu- ano ang mga epekto nito sa kabataan pati na rin ang pag-unlad ng panitikan sa pamamagitan ng wattpad. Ang wattpad ay isang aplikasyon sa internet kung saan ang mga tao ay may kalayaang makapagbasa o makalikha ng mga akda tulad ng mga nobela, mga tula, mga artikulo, mga kwento, mga pang-akademyang akda at iba pa. Ang wattpad ay nakakapagbigay sa mga tao ng pagkakataong makabuo ng akda na maaaring makita o mabasa ninoman. Ang mga manunulat ditto maaring propesyonal o baguhan. .  Nagsimula ang wattpad noong oktubre 2006, ito ay ideya nina Ivan Yuen at Allen Lau. Simula ng ito ay mabuo ay dagsa na ang mga nagbabasa at nagsusulat ng kanya kanya nilang mga akda dito. Sa wattpad ay malayang makakabasa ng akda na di tulad ng libro o mga aklat ay libre at maaaring idownload lang sa mga telepono o kung ano pa mang gadget. Ayon sa isang tanyag na manunulat na si Stephen King, “Kung wala kang oras para magbasa, wala kang oras (o mga gamit) para magsulat. Ganun lang iyon kasimple.” Sa paglipas ng panahon ay nagkakaiba-iba na ng mga pananaw at paraan ng paggawa ng akda ang mga manunulat dahil na rin sa modernong panahon at teknolohiya. Sa Pamamagitan ng pagsususulat sa wattpad ay umuunlad na ang panitikan, dahil sa mga bagong manunulat pati na rin ang kanilang mga kanya kanyang...

Words: 5298 - Pages: 22

Free Essay

Pananaliksil Tungkol Sa Wattpad

...Ang kahalagahan ng Wattpad Isang Gawain sa Talaan ng Nilalaman Kabanata I ------------------------------------------------------------------------------ i. Panimula ii. Paglalahad ng Suliranin iii. Metodolohiya Kabanata II ----------------------------------------------------------------------------- iv Resulta ng Pag-aaral v. Kaligiran vi. Paraan Kabanata III --------------------------------------------------------------------------- vii. Lagom viii. Konklusipn ix. Rekomendasyon x. Bibliograpiya ------------------------------------------------- Kabanata I i. Panimula ii. Paglalahad ng Suliranin iii. Metodolohiya Panimula Ang pagbasa ay importanteng kasanayan na dapat taglayin ng isang tao. Ito ay isa sa mahalagang pundasyon ng pagkatuto na dapat nating paunlarin. Ngunit dahil sa patuloy na pag-unlad ng modernong panahon marami ng nagsisilabasang bagay at pangyayari na naging dahilan kaya nawala ang interes ng tao sa pagbabasa. Ilan sa modernong teknolohiyang ito ay ang T.V kung saan panonoorin mo na lamang ang mga ipinalalabas at makukuha mo na ang ideya ng pinapanood mo, mga laro sa kompyuter atbp. na mas kinagiliwan ng tao sa kadahilanang hindi na nila kailangan ng komprehensibong pag--iisip Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa kung paano ginamit ang modernong teknolohiya upang maibalik ang interes ng tao sa pagbabasa. Ito ay ang “Wattpad”. Ang Wattpad ay isang website na nagbalik ng interes...

Words: 1793 - Pages: 8