Free Essay

Weeee

In:

Submitted By patskiiii
Words 1606
Pages 7
Suring Basa
I. A. Pamagat ng Katha Tayong mga Maria Magdalena B. Awtor Fanny A. Garcia
II. Buod ng Katha
Nagbukas ang kwento sa pakikipag-usap ni Hilda sa isang babae na baguhan pa lamang sa bar na pangalan ay Uncle Tom’s na pagmamay-ari ng isang Amerikano, si Thomas Dewey. Ibinahagi niya ang kanyang buhay, simula sa kanyang kabataan at kung paano din siya nagsimula magtrabaho sa Uncle Tom’s. Si Hilda na kilala din bilang Ne ay lumaki na ulila sa ama kaya ang kanyang Nanay na lamang ang nagpalaki sa kanya. Pinalaki siya ng kanyang ina na maging konserbatibo sa pagkilos at sa pananamit. Kilala siya sa kanilang lugar, ang Looban, dahil sa angkin niyang kagandahan. Nang nakatapos na ng hayskul, nagtrabaho siya bilang weytres sa isang restoran upang mapagipunan ang matrikula niya sa kolehiyo dahil pangarap niya maging nars. Sa restoran na iyon ay nakilala niya si Mother, isang Mama-san, inaaya siya na maging a-go-go dancer sa isang bar kung saan malaki ang makukuha niyang sweldo. Pumayag siya at simula noon ay nag-iba na ang itsura, pananamit at pagkatao niya. Natuto siya gumawa ng mga masasamang gawain tulad ng pag-iinom, paggamit ng droga, pakikipatalik at pagpapalaglag ng bata kagaya ng ibang regular bar girl dahil sa mga hindi inaasahang mga pangyayari. Nalaman ng mga taga- Looban at ng kanyang ina ang tungkol sa pag- a-go-go dancing niya noong siya ay nakita ng kanyang kababata. Sa kabila ng mga panghuhusga ng mga taga-Looban sa kanya, ang pagmamahal ng kanyang ina ay hindi nagbago at ito ang nagbibigay seguridad kay Hilda sa tuwing nawawala siya sa kanyang sarili.
III. Pagsusuri A. Istilo ng Awtor
Ang istilo ng awtor sa pagsulat ng Tayong mga Mariang Magdalena ay maayos at malinaw. Ang awtor ay gumamit ng mga angkop at diretsong salita sa teksto upang mas madaling maintindihan ng mga mambabasa. Ang salita ng awtor ay hindi pang-akademiko kungdi ay balbal dahil may ilang mura o panlasangan ang nagagamit ng awtor at may parteng kolokyal dahil may mga salitang pinaikli ang awtor. Dahil dito, mas naramdam ng mga mambabasa ang kwento dahil ito rin ay angkop sa sitwasyon na gusto ipakita ng awtor. Naging maayos rin ang transisyon ng kwento kaya't hindi na kami nahirapan sa pag-intindi. Inilahad ng awtor dito ang istorya sa likod ng mga kababaihang napipilitang kumapit sa patalim dahil sa kahirapan ng buhay at kung ano ang nagiging tingin ng lipunan sa mga ito. Ipinakilala at ipinakita sa kwento kung ano ano at kung sino sino ang nakakaapekto sa desisyon ng mga kababaihang napapasok rito. Karagdagan pa, naipakita at nailarawan ng awtor ng maayos ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak. Naibatid ng awtor na ang ating mga ina ay mamahalin tayo kahit ano pang desisyon ang gawin natin sa buhay. Binase ng awtor ang pagkakalahad niya ng kwento sa totoong sitwasyon ng mga kababaihan sa ating lipunan.

B. Sariling Reaksyon 1. Mga Pansin at Puna sa:
a. Mga Tauhan * Hilda/Ne- si Hilda ang pangunahing tauhan sa akdang "Tayong mga Mariang Magdalena". Siya ay naglalarawan ng isang babaeng maganda, lumaking konserbaribo at relihoyosa ngunit handang gawin ang lahat, kahit na matapakan ang kanyang dignidad para sa kanyang nanay na may sakit. * Nanay- si Nanay ay naglalarawan sa mga mapagamahal nating ina na handang gawin ang lahat para sa kanilang anak kahit na sila'y magkasakit, kakainin na lang nila, ibibigay pa sating mga anak. Siya rin ay nagpakita na handa niyang tanggapin ang kanyang anak sa anumang desisyong gawin nito. * Mother- isang mama-san o tinder ng babae na nagpapakita kung papaano lamangan at gamitin ang kapwa. Siya ang naghikayat kay Hilda o sa ibang kababaihan na pumasok sa Uncle Tom's. Sa ating lipunan, siya ang kabilang sa mga tao na pinagsasamantalahan ang kahinaan ng isang tao makuha lamang ang gusto o magawa ang layunin nya. * Father- siya ang floor manager ng Uncle Tom’s, na nagpapakita ng pang aabuso sa mga kababaihan dahil sa kahirapan at siya rin ay naninilaw gamit ang pera para makuha ang kanyang ninanais sa mga kababaihan. Napipilitan silang gawin ang mga bagay na ayaw nilang gawin dahil sa pera. * Mga a-go-go dancer/mga kasama ni Hilda sa Uncle Tom's- Kabilang dito sila Amy, Carol at Linda. Sila ang mga tauhan na naglalarawan sa mga kababaihang kumapit sa patalim dahil sa hirap ng buhay at dahil rin sa pagmamahal nila sa kanilang pamilya.
b. Galaw ng mga Pangyayari
Ang pagkalahad ng kwento para mapakita ang mga pangyayari ay para bang nakikipag-usap lamang sa malapit na kaibigan o sa kaswal na paraan. Ang kwento ay nagsimula sa pakikipag-usap ni Hilda sa bagong recruit ni Mother kung saan sa pakikipag-usap niya ay malalaman mo na para kay Hilda ay nakikita niya ang kanyang dating sarili sa unang pagpasok niya sa bar. Ibinahagi ang kanyang mula sa pagkabata kung saan makikita mo na siya ay lumaki sa isang konserbatibong pamilya na maiisip mong malabong mangyari na mapunta siya sa isang madumi at hindi marangal na trabaho tulad nga ng isang pagiging prostitute na pinasok ni Hilda. Ang mga pangyayari sa kanyang buhay ay mauugnay sa buhay ng mga kababaihan na kumakapit sa patalim na nag-uugat sa kahirapan na nararanasan ng bawat mamamayan. Makikita na si Hilda ay isang dalaga din na mayroong pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at maging nars upang maiahon ang kanilang pamilya sa hirap. Natural ang mga pangyayari na inilahad sa kwento at totoong nangyayari sa ating lipunan dahil mula noon hanggang sa kasalukuyan na panahon ay maraming dalagang babae ang nagiging biktima ng mga taong tulad ni Mother na isang Mama-san o tindera ng mga babae. Sa kwento ay ibinahagi din ni Hilda ang mga kwento ng buhay ng kanyang mga nakakasama sa kwarto na sina Amy, Carol at Linda kung saan halos pare-parehas lamang ang mga kanilang rason kaya sila napasok sa prostitusyon na wala ng ibang mapupuntahan o mapapasukan gawa ng mga hindi inaasahan na mga pangyayari. Dito papasok ang gampanin ni Mother kung saan siya ang isa sa mga taong pinagsasamantalahan ang kahinaan at problema ng mga kababaihan para lamang kumita ng pera. Ang mga taong tulad niya ay hindi mawawala sa ating lipunan na patuloy na nagpapabuhay sa ganitong klase ng industriya. 2. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
Sa maikling kwentong "Tayong mga Mariang Magdalena", marami kaming natutunan. Unang una, huwag na huwag tayong manghuhusga ng ating kapwa. Maari mang hindi maganda sa ating paningin ang kanilang ginagawa ngunit sa likod nito ay ang mga dahilan na hindi natin alam. Pangalawa, natutunan ko rito ang pagiging masunurin sa magulang, dahil ang tanging nais nila ay ang mapabuti ang kanilang mga anak. Pangatlo, hindi lahat ay nabibili ng pera at karangyaan. Oo nga't nagkaroon sila ng mga bagong gamit at bagong bahay ngunit hindi nito napasaya ang kaniyang nanay sa halip lalo itong nalungkot at nanghina. Minsan presensya lang natin ang kailangan nila. Sa huli, wag mang-aabuso ng kapwa lalo na't alam mong hirap sila sa buhay sa halip ay tulungan silang bumangon.
b. Bisa sa Damdamin
Noong bata ako ay hindi maganda ang tingin ko sa mga kababaihan na nagtatrabaho bilang isang prostitute. Madumi ang tingin ko sa kanila noon pero simula nung nabasa ko ang kwento ni Hilda ay nahabag ako sa kalagayan nila at lubos ko na naiintindihan ang rason nila kung bakit nila ginagawa ang trabaho na ito. Nahahabag ako sa kanila dahil isinasawalang bahala nila ang sarili nilang dignidad para lamang mabuhay ang kanilang mga mahal sa buhay o makamit ang kanilang mga pangarap. Dito napapatunayan na kung wala ng mapuntahan ang isang tao ay kakapit na lamang sya sa patalim. Dito ko rin talaga napagtanto na ang bawat tao ay may kwento kung bakit ganon ang pagkatao at kung bakit ganon na lamang ang nangyayari sa kanilang buhay kaya dapat hindi natin hinuhusgahan ang mga taong nakapaligid sa atin. Hindi lamang ang mga babaeng prostitute kungdi pati na din ang iba. Maaaring hirap tayong maintindihan sila dahil alam natin na mali yung bagay na kanilang ginawa pero wala naman tayo sa kanilang lugar upang husgahan sila dahil hindi natin nararanasan ang ganong sitwasyon. Ako din ay humahanga sa katatagan ng pagkatao nila na kahit maraming tao ang humuhusga, bumabastos at tinatapaktapakan sila, patuloy padin sila lumalaban sa bawat araw. Nakakalungkot din isipin na may mga tao talaga na gagamitin ang kahinaan ng mga taong tulad ni Hilda upang makakita ng pera. Patunay nga na may mga tao na mabubulag sa pera kahit makasakit o makatapak na sila ng pagkatao ng isang tao. Napapaisip ako na maaaring para din sa pamilya nila ito pero sana'y hindi na lamang ganito ang itinatag nila na industriya tapos lolokohin pa nila ang mga kababaihan na bago lamang sa lugar nila. Samantalang, sa kalagayan naman ng ina ni Hilda, malulungkot ako sa nangyari sa kanyang anak dahil mapapaisip ako kung saan ba ako nagkulang sa pagpapalaki. Iisipin ko kung kasalanan ko ba kung bakit ganon na lamang ang nangyari sa kanya, kung dahil ba sa hindi ako nagsikap pa para lamang mapagaral siya sa kolehiyo dahil siguro kung nagpursige pa ako mapapaaral ko sya at makakapagtrabaho siya ng marangal. Maiiyak na lamang dn ako tulad ng kanyang ina dahil bilang ina ay nararamdaman ko din ang sakit na nararamdaman ng aking anak kahit na ba hindi nya sa akin sinasabi ang mga hinaing nya. Sa kabuuan, ang kwento ay talagang nakakapag-antig ng puso't damdamin sapagkat ang mga pangyayari ay hindi mapagaakila na nangyayari sa ating lipunan sa kasalukuyan.

By PLGM and DREN 2015

Similar Documents

Premium Essay

Weeee

...Making A Global Pitch Introduction Advertising is a message designed to promote a product, a service, or an idea. It is designed to inform, influence, or persuade people. To be effective, an advertisement must first attract attention and gain a person’s interest. It may then provide reasons for buying a product and for believing the advertiser’s claims. Advertisers use a variety of techniques to create effective advertisements. They start with a basic appeal, which is the main selling point, or theme, of an advertisement. They then use certain specific techniques. The most commonly used techniques include (1) attention-getting headlines, (2) slogans, (3) testimonials, (4) product characteristics, (5) comparison of products, and (6) repetition. Task Your group, employees of the Acme Advertising Agency, has just been assigned to design a new campaign promoting one of the products of the Columbian Exchange as being the most influential to world history, affecting the largest number of people. The products are cassava, the potato, the trade in silver, the Atlantic slave trade, and sugar. To add to the mix of products, an old time favorite commodity is offered as well, silk. Your group must present its advertising campaign, its pitch for the product that your group is assigned, to company executives trying to decide which product to represent in an international advertising promotion. Your “global pitch” must include a poster-size ad and...

Words: 1204 - Pages: 5

Free Essay

Essay on Emptyness

...rt ergegfgfgreger grgerg rge rgrg weeee ggggg eee ee gdgds Sfasdf a sd asdfaf sdf asfs fsdfagqrag rt ergegfgfgreger grgerg rge rgrg weeee ggggg eee ee gdgds Sfasdf a sd asdfaf sdf asfs fsdfagqrag rt ergegfgfgreger grgerg rge rgrg weeee ggggg eee ee gdgds Sfasdf a sd asdfaf sdf asfs fsdfagqrag rt ergegfgfgreger grgerg rge rgrg weeee ggggg eee ee gdgds Sfasdf a sd asdfaf sdf asfs fsdfagqrag rt ergegfgfgreger grgerg rge rgrg weeee ggggg eee ee gdgds Sfasdf a sd asdfaf sdf asfs fsdfagqrag rt ergegfgfgreger grgerg rge rgrg weeee ggggg eee ee gdgds Sfasdf a sd asdfaf sdf asfs fsdfagqrag rt ergegfgfgreger grgerg rge rgrg weeee ggggg eee ee gdgds Sfasdf a sd asdfaf sdf asfs fsdfagqrag rt ergegfgfgreger grgerg rge rgrg weeee ggggg eee ee gdgds Sfasdf a sd asdfaf sdf asfs fsdfagqrag rt ergegfgfgreger grgerg rge rgrg weeee ggggg eee ee gdgds Sfasdf a sd asdfaf sdf asfs fsdfagqrag rt ergegfgfgreger grgerg rge rgrg weeee ggggg eee ee gdgds Sfasdf a sd asdfaf sdf asfs fsdfagqrag rt ergegfgfgreger grgerg rge rgrg weeee ggggg eee ee gdgds Sfasdf a sd asdfaf sdf asfs fsdfagqrag rt ergegfgfgreger grgerg rge rgrg weeee ggggg eee ee gdgds Sfasdf a sd asdfaf sdf asfs fsdfagqrag rt ergegfgfgreger grgerg rge rgrg weeee ggggg eee ee gdgds Sfasdf a sd asdfaf sdf asfs fsdfagqrag rt ergegfgfgreger grgerg rge rgrg weeee ggggg eee ee gdgds Sfasdf a sd asdfaf sdf asfs fsdfagqrag rt ergegfgfgreger grgerg rge rgrg weeee ggggg eee ee gdgds Sfasdf a sd...

Words: 4850 - Pages: 20

Premium Essay

Climate Change

...A Meta-Analysis of the Economic Impacts of Climate Change Policy in the United States Adam Rose* and Noah Dormady** This paper provides a meta-analysis of a broad set of recent studies of the economic impacts of climate change mitigation policies. It evaluates the infiuences of the impacts of causal factors, key economic assumptions and macroeconomic linkages on the outcome of these studies. A quantité regression analysis is also performed on the meta sample, to evaluate the robustness of those key factors throughout the full range of macro findings. Results of these analyses suggest that study results are strongly driven by data inputs, economic assumptions and modeling approaches. However, they are sometimes affected in counterintuitive ways. 1. INTRODUCTION The macroeconomic impacts of climate change mitigation policies are controversial among both scholars and the policy-making community. Results range from predictions of severe economic harm to significant overall economic gains. Given the unresolved nature of this debate, this paper seeks to shed light on it by evaluating a wide range of macroeconomic studies through a metaanalytic approach. Meta-analysis is a method for evaluating a cross-section of studies on a given topic, and evaluating the impacts of assumptions, input variables and modeling approaches on the overall findings of the studies. In essence, meta-analysis is a study of studies (Borenstein et al., 2009; Lipsey and Wilson 2001). The Energy...

Words: 6531 - Pages: 27