Importance of computers in our daily life
In today’s world, it is almost impossible to think that one can survive withoutcomputers. They have become a gadget of almost daily use for people of every age.
Computers are important in almost all the business transactions that are made today. The most that any field has gained from the invention of the computers is the business field because of its nature.
Computers have gained importance as they have increased the productivity and efficiency of work done.
Large amounts of data in the personal lives as well as in businesses and industrial sectors are stored on computers.
Computers have also brought a revolution in the field of medicine. Not onlyclinics and hospitals can store data, the doctors can also make use of the computer to scan patients’ bodies and even perform surgeries that would have been quite complex and dangerous to do so without the finesse provided by the computers.
Computers have also been important in the research areas of science and technology from storage of data to performing complex calculations. The importance of computers is also undeniable in the world of communication where now the world has indeed become a global village because of thismiraculous invention.
Computers have also aided in the entertainment and media industries. Be it a two minutes commercial or a multi-million dollars movie, computers have changed the very concept of providing entertainment to the general public.
With the computer industry growing very fast, the computer technology has also brought about a revolution. Laptops and palmtops have replaced the desktops, which are still popular in many of the industries.
With the reduction in size, it has become almost easy to carry the computers and use them to the fullest.
The importance of computers can be judged by the amount of people using them each and every single day. Computers are being used by not only professionals but also as a daily use electronic gadget at an average home by the elders and little children.
Whether it is homework done by children or grocery shopping done by mom or a weekly chat with grandma, all is possible with the aid of computers in ourdaily lives.
The importance of computers is almost an undeniable fact in today’s world. If we make a list of gadgets that are the top gadgets of the century, computers will no doubt be on top of the list.
-------------------------------------------------
Introduction
A computer is an electronic device with many attachments. These attachments are either necessary or enhance a computer's performance. These are mainly external components of computers. These parts you can see and touch while sitting at a personal computer. They fall under the category called Hardware. In order to start learning about how to use computers, you will need to be able to identify the main parts that make up a computer. In this lesson, we’ll cover the basics of computer hardware.
-------------------------------------------------
What are these parts on my desk?
Some of the following components may be similar to what you have seen while seated at a personal computer.
Mouse
Used for making selections. There are two buttons on a mouse. Most actions are performed using the left mouse button. Some mice have cords and some do not.
Back to top
Keyboard
Used for entering data, generating commands. The keyboard layout is similar to a typewriter with additional keys for other functions. There is a number keypad to the right of the main alphabetical keypad.
Back to top
Monitor
The monitor is the visual component of the computer. It displays information to the user. This is a required part of the computer. This part requires electricity so it will have its own power cord to plug into an outlet.
Back to top
Speakers
The speakers are the audio component of the computer. Back to top
Computer System Unit
This is where everything comes together to work. The system box holds the central processing unit to act as the brains of the computer. The unit contains the motherboard which is the main circuitry for the system. The power supply for the main computer is located in the unit. All the other parts including the monitor, mouse, keyboard, speakers, and others join at the unit to become a functional system. Back to top
Printer
The printer is used to develop a hard copy or paper copy of a document or picture. The printer connects to the computer and requires the use of its own power cord. Back to top
Compact Disk (CD)
This device is used for storage. Some CDs hold information to be loaded into a computer. Some are used to hold information from the computer. It depends on what type of CD it is. Back to top
Thumb Drive
The thumb drive is a portable storage device. You use it store information from a computer and use it on another system. They are also known as flash drives. Back to top
-------------------------------------------------
Interesting Tidbit
Not all hardware components look the same. In fact, a laptop has most of the same hardware components but is more compact and not as easy to recognize. The laptop is a portable computing device. Your task is to realize these parts exist, how they work for you, and how you can use them.
Importance Of Computers In Everyday Life
These days every single person is known with the word-computer. We can find computers at everywhere around us. In fact modern world will be incomplete without computers and their applications. It’s almost impossible to even imagine the modern facilities without the use of computers. For many individuals computer means PC, on which they can see movies, play games, prepare office sheets and manage daily planners. But this is just a page of the book of computers.
Computer means much more than a PC. A computer can simply be defined as a machine which takes instructions and perform computations and operations accordingly. These commanded instructions are known as programs and computers execute these programs to do an operation. At a time, a set of instructions can be given to a computer to perform several operations, simultaneously. This feature is a point of distinction for the computers.
The Importance Of Computers In Our Daily Lives
In the current world, it’s almost impossible to imagine that someone can live without computers. Computers have become an electronic device of almost every day use for individuals of every age. They are essential in almost all the business dealings that are made nowadays. The most that any industry has gained from the discovery of the computers is the business industry because of its nature. Computers have gained significance as they have improved the efficiency and productivity of work done. Large amounts of information in industrial and business sectors as well as in the personal lives are stored on computers.
Computers can help businesses by making their staff efficient and productive and also save their valuable time in any business or office. Computers in schools will help the learners to comprehend the basic concepts better with the help of video or audio examples. Computers in higher learning institutions will help the professors and researchers to do their work very fast and in an efficient and better way and also help them to share the same knowledge with their other members of staff. Computers become a vital gadget in several sectors; railways, banking, electricity, telephone departments, shopping carts etc are just but a few of them. Computers are also used in the medical industry to help doctors in diagnosing the diseases quickly and efficiently. All the administrative systems, whether private or public are now using computers and this practice can be evident in every part of the world.
Computers have also helped the media and the entertainment industries. Be it a multi-million dollars movie or a two minutes commercial, computers have changed the usual concept of providing entertainment to the public. With the computer business growing so fast, the computer industry has also brought about an invention. Tablets, palmtops, and laptops have replaced the desktops. With the decrease in size, it has become very easy to carry the computer and use them anywhere you are to the fullest.
The importance of computers in our daily lives can be judged by the number of people using them each single day. Computer is not only used by professionals, but also by the little children and grownups at our homes.
Ano ang mga kultura at tradisyon ng mga igorot?
Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan.Mahalaga sa kanila ang lupa, sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe na matatagpuan sa isang tribu sa Ifugao.
Mga kaugaliang Igorot
Sa tuwing binabangit ang salitang “Igorot”, hindi matulungang may diskriminasyon na naglalaro sa isip ng mga tao. Ano nga ba ang pinagkaiba natin sa mga taong taga- ibang lupain?
Sinasabing nag-ugat ang mga taga-baba at mga taga-kabundukan sa parehong mga ninuno. Ang mga Igorot ay yaong mga taong lumipat sa mga kabundukan upang makahanap ng ibang buhay, o upang lisanin ang mga bayang nanganganib sakupin ng ibang lahi. Sila ay tumira sa tinatawag nating ngayong Rehiyong Cordillera. Sa pagdaan ng mahabang panahon, ang mga Igorot, kasama na ng iba pang mga tribong hindi nagpasakop, ay nagkaroon ng kulturang natatangi sa kanila. Naipagpatuloy ng mga Igorot ang mga sinaunang gawain samantalang ang mga naiwan sa mga kapatagan ay nagkaroon ng maraming pasanin. Ito ay mga paghihirap, mga sakripisyo, at mga luha na siya naman nilang ipinagkatulad sa mga Pilipinong taga-timog.
Madaming mga gawain na makikita sa karamihan ng mga Igorot ngunit nagkakaiba ang istilo sa iba’t-ibang mga tribo. Ang ilang mga gawain at paniniwala ng mga Igorot ay nakasaad sa sulating ito. Ang pangunahing pinagkunan ay ang mga karanasan ng aking lola. Ibig sabihin, ang mga ito ay gawain sa Mountain Province ngunit may konting halo sa mga paniniwala ng mga Ilocano sa Cervantes.
Hindi nalalaman kung kailan pa nagsimula ang mga kaugaliang mga ito. Basta ayon sa mga matatanda, ito ay ginagawa na noon pang buhay si ganito na anak ni ganito at pinsan ni ganito na siya namang apo ni ganito. Ang mga kaugaliang ito ay pinaabot sa mga sunod na henerasyon sa pamamagitan ng pagkukuwento o aktibong partisipasyon sa mga ritwal.
SAPO (KULAM)
Ang sapo, o kulam sa tagalog, ay isa sa mga sinaunang gawain na nakakapagtaka ma’y nakarating sa kasalukuyang henerasyon. Ginagamit ito upang makapagdulot ng kung hindi maganda ay kasawiang-palad sa taong tinuturingan nito. Ito ay ginagawa ng mga mambonong (mambonon sa iba), o mga pari. Ngunit maari din daw manahin ang talentong ito. May ritwal na gagawin ang mambonong upang magtawag ng diwata. Gumagamit ng representasyon para sa taong nais i-sapo, madalas na isang manok. Kinakantahan ng dasal at sinasayawan upang ang diwata, o espiritu ng mga ninuno ang magpapatotoo sa mga hinihiling.
Hindi lahat ng tao ay tinatablan ng sapo, lalo na kung siya ay may matatag na pananampalataya. (Hindi lamang nasabi kung ito’y pananalig sa Diyos ng mga Kristiyano o sa Bathala ng mga ninuno.) Sa ganitong mga pagkakataon, ito ay napupunta sa isa pang taong mahalaga sa kanya, kung di kaya’y bumabalik ito sa nais magpalagay ng sapo. Babala ng mga matatanda sa mga kadalagahan, huwag daw itaboy ang isang manliligaw. Bagkus ay kausapin na lamang daw ito nang matiwasay upang maiwasan ang anumang disgrasya. Sinasabing malawak pa rin ang paggawa nito sa ilang parte ng Mt. Province, Kibungan, Bokod, at lalo pa sa Abra.
PAGLIBING
Ang paglilibing naman sa isang tao ay depende sa kanyang estado sa buhay. Nagtatawag sila ng mambonong upang magsabi ng huling dasal. Isinasama na dito ang paghingi ng tawad para sa mga kasalanan ng namatay at pagbebendisyon sa pamilyang naiwan. Para sa mga mayayaman, nagkakaroon ng kanyao na nagtatagal ng di kukulanging isang lingo, minsan ay umaabot pa ng dalawang buwan.
Ang namatay ay binabalutan ng espesyal na tapis o tela at dinadagdagan ng mga bagay na naging mahalaga sa kanya. Ito ay sinasabing makakapagpadali sa kanyang pagtawid sa kabilang buhay. Inaasahan din nila ang pagpaparamdam ng kanyang kaluluwa sa ikatlong araw, lalo na sa mga kapamilya at kaibigan. Sinasabing ito ang panahon ng pag-ahon ng kaluluwa sa pook ng mga kagalang-galangang ninuno.
Sa mga Ibaloi naman, pumapaslang sila dati ng isang kabayo upang maging sakayan ng kaluluwa sa kanyang paglalakbay. Dati pa, marunong ang mga katutubong magmummify. Ito ay natatangi sa istilo ng mga Egyptian at Aztecs sa pagkat kasamang napre-preserba ang balat habang ang bangkay ay naka-posisyong paupo na para bang giniginaw. Kaya lamang, nakalimutan na din kung paano ito ginagawa. Mayroon pang natuklasan na isang mummy dito na sinasabing mahigit apat dantaong gulang na.
LIFE AFTER DEATH
Pinaniniwalaang pagkamatay, ang kaluluwa ay pumupunta sa mundo ng mga ninuno. Sa mga nahaluan ng Katolikong paniniwala, sinasabi nilang ang mga kaluluwa ay pumupunta sa purgatoryo habang hinihintay ang araw ng pagsasakdal. Ngunit itong mundo rin nating ito ang purgatoryo. Sila ang mga naninirahan sa mga sapa, mga gubat, mga puno, mga tutubi, at lahat na yata ng mga likas na bagay. Anito ang tawag sa mga ito. Ang mga anito ay kinatatakutan at nirerespeto ngunit hindi sila diyos. Ang mga diyos (bathala) naman ay higit na may kapangyarihan sa kanila. Pinaniniwalaan ding may kataas-taasang diyos na siyang lumikha sa sanlibutan. Nakakalito sa pagkat siya ang tinuturingang ‘Bathala’ ng ibang tribo.
ILANG PANINIWALA
Pagtawag ng pangalan.
Bago lumisan sa isang panibagong lugar, tinatawag ng mga katutubo ang kanilang anino. Maari daw kasing maiwang naglalakbay ang anino, o kaluluwa hiwalay sa katawan nito. Kapag nagkaganoon, ang katawan ay maiiwang sakitin at tulala. Sa ibang tao, palagi niyang mapapanaginipan ang lugar na pinuntahan niya. Makikita niya ang sariling libang na libang sa mga tanawin at mga bagay doon.
Ayon sa aking Lola, ito daw ang nangyari sa aking pinsan na dalawang taong gulang noon. Lumipat sila mula sa Apugan, Itogon. Sa mga sumunod na araw ay naging matamlay at pala-tae. Sinubukan nilang ipagamot sa pamamagitan ng medisina, sa abot ng kanilang makakaya. Nang walang nangyari, minungkahi ng isang matanda na ipatingin siya sa isang mambonong. Sinabi na naiwan daw ang kanyang kaluluwa sa pagkat aliw na aliw sa kanya ang isang batang anito. Sunod nito, nagkaroon ng ritwal ng panggagamot. Tinawag ng mambonong ang anito at mga magulang nito. Hiniling nila ang paglaya ng bata sapagkat ano nga daw ba ang gagawin nila sa isang tao. Ang mga tao ay hindi karapat-dapat sa mga anito, na sila ay madudumi at hindi maipaghahambing sa kanila. May paghahandog ng manok, sa kagustuhan na rin ng mga anito. Matapos nito, agad din naming gumaling ang bata at bumalik na sa dati.
RITUALS
Ang kanyao (Canao) ay isang ritwal na ginagawa sa isang pagtitipon. Madaming pagkakaiba-iba sa bawat lupain, sa bawat angkan. Ito ay ginagawa para sa mga masasayang selebrasyon gaya ng masidhing pag-aani, pasasalamat sa pagkakagamot, at iba pa. Ngunit hindi dito nagtatapos ang gamit nito. Maari din itong gawin sa mga nakakalungkot na pangyayari gaya ng paglalamay. Madalas naman, ito ay ginagawa bilang pagkonsulta sa mga ninuno tungkol sa mga dapat na gawin ng isang bayan. Marami din talagang iba’t-ibang mga kaugaliang napapaloob sa kanyao.
Ang pamilyang nais magtanong ay unang lumalapit sa kadangyan. Doon sasabihin ng kadangyan (isang uri ng pari) kung ano ang mga kakailanganin. Madalas na nagpapakatay ng sampung baka o baboy, depende sa kahilingan umano ng mga diwata. May mga biro na depende lang talaga yun sa katakawan ng kadangyan o sa dami ng mga pakakaining manonood. Ang mga pinaslang na hayop ay nagsisilbing paghahandog sa mga diwata (anito, ninuno) at mga bathala.
Sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng mga pagsasalo, pagsasayaw, kantahan, at iba pa. Kung ano man ang sadya ng kanyao, doon din nanggagaling ang uri ng sayaw, o tayaw. Madalas na ginagamit ang mga gongs na gawa sa makapal na bakal. Sinasaliwan naman ito ng iba pang mga tambol gaya ng solibao habang ang mga tao ay nagkakantahan, nagtatawanan, at pinagsasaluhan ang watwat (pinakuluang karne ng baboy). Para sa kanyao ng pasasalamat, ang laman ng kanta ay ukol sa mga masasaganang ani at iba pang mga dapat ipagyamang bagay. Sinasaloob din ang mga matatalinhagang sabi ng mga ninuno.
Ngayon, ang kanyao ay hindi na masyadong isinasagawa o kung oo man ay hindi na gaya nang dati na magarbo at detalyado. Noong panahong nakalipas, ito din ang nakakapagsabi sa kayamanan ng tao, o yung sinasabi nating status quo.
Reaksyon, Suhestiyon, at iba pang kuro-kuro
Nakakatakot din pala ang pamumuhay ng ating mga ninuno. Bukod sa mga delubyong dulot ng mga piskal na bagay, naroon din ang tuwi-tuwinang banta ng kalikasan kasama na ng mga nilalang na di nakikita. Malaki marahil ang naging epekto nito sa pamumuhay natin ngayon. Dahil sa paggalang na ito, mayaman pa rin ang kapaligiran sa likas na yaman. Sa kabilang banda, marahil ay ito din ang isang kadahilanan kung bakit may hangganan ang teknolohiyang nabuo ng mga ninuno kung ikukumpara sa ibang dakilang nasyon na naging tanyag sa kanilang mga nagawa sa kabuuan ng kasaysayan. Pinagtataka ko lamang kung bakit hindi sila naging tamad. Dinahilan ni Rizal na isang ugat ng katamaran ng mga Pilipino ay ang mayamang mapagkukunan ng kanilang mga pangangailangan. Isa pa, may mga parte din sa Kordilyerang talaga namang mainit. (clarification: Jose Rizal reasoned that hot climates can lead to sloth)
Para sa ating mga pinanganak sa mundo ng mga Kristiyano, nakakalito din na maniwala sa mga ani-anito. Sa aking palagay, totoong nangyayari ang mga ito, may mga mirakulo, may mga kakaibang pangyayari. Ngunit ayon sa Bibliya, ang mga ito ay kagagawan ng demonyo. Matalino din daw sila. Kaya nilang mag-astang mabuti, kaya din nilang gumawa ng mga mirakulo upang maniwala ang mga tao sa kanilang kapangyarihan. Yun daw ang pinagmulan ng lahat ng kaguluhan, ang pagnais ni Lucifer sa kapangyarihan na higit sa ginawad sa kaniya. Kung kaya’t dapat tayong magkaroon ng solidong paninidigan sa Diyos. Sa kabilang banda, iyon na lamang ba muli ang tanong? Lagi na lamang bang mabuti-masama; Diyos-demonyo; puti-itim; araw-gabi? Nakakalito talaga. Ano nga rin ba kaya ang korelasyon ng pananampalataya ng mga ninuno (Animismo) sa ibang dakilang relihiyon kagaya ng Kristiyanismo, Buddhismo, o Islam?
Nakakalungkot din naman na nawawala na ang mga kaugaliang ito. Ang maituturo kong isang dulot ay ang pananampalatayang Kristiyanismo. Ngunit talaga sigurong nakatatak na sa atin ang mga nakagawian sapagkat matagal na panahon din bago tuluyang nagpabinyag ang ilang katutubo.
Sa punto naman ng Katolisismo (at iba na ring sektor ng relihiyon), mapapansing ginamit (ginagamit pa rin) ang akulturasyon upang makapagbinyag ng mas higit pa. Sa isang banda, nababago nito ang istilo, gamit, at paraan ng ilang kaugalian. Halimbawa na marahil ay ang pagkanyao bilang misa para sa Diyos. Ngunit iba na sigurong usapin yan at mas makakabuting bumalik tayo sa pinag-uusapan.
Sa kasalukuyan ay unti-unti nang nalilimutan sa kasaysayan ang mga sinaunang gawain. Sino o ano ang dapat sisihin? Ang teknolohiya? Ang globalisasyon? Nararapat din bang panatilihin, o limutin ang mga kulturang ito? Ngunit hindi ba, ganoon ang kultura? Ito ay patuloy na nagbabago upang makisalamuha sa patuloy ding nagbabagong pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.
Pinagtataasan man ng kilay, ang mga Igorot ay di maitatangging pride ng ating bayan. Ngayon, kilala tayo dahil sa Hagdan-hagdanang Palayan, sa mga kweba ng Sagada, at kay Apo Ano na isang mummy. Ngunit sana maintindihan din ng iba na hindi lamang tayo hanggang doon, mga artifact ng nakalipas, mga subject ng eksibisyon. Madami tayong mga katangian na talaga namang nakakamangha. Sabi nga nila, ang isang bayani ay hindi makikilala sa kaniyang sariling bayan. Sa pagsasantabi sa atin ng iba pang mga Pilipino, hindi nila napapansing naisasantabi din nila ang kanilang mga sarili, ang kanilang kasaysayan, at ang kanilang mga ninuno.
Ano ang Igorot?
Ang mga Igorot ay isang grupong etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa hiliga ng bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR): angAbra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey.
Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan.
Mahalaga sa kanila ang lupa, sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe na matatagpuan sa isang tribu sa Ifugao.