Free Essay

Wikang Filipino, Ugat Ng Pagka-Pilipino

In:

Submitted By daneRD19
Words 3371
Pages 14
Wikang Filipino: Ugat ng Pagka-Pilipino
Wika! Isang salitang nakapagbibigay ng maraming kahulugan. Ayon sa isang manunulat ang wika raw ay isang sistematik na balangkas na may binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrari upang magamit ng mga taong may iisang kultura. Ang iba naman ay nagsasabing ito raw ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan ang isang grupo ng mga tao. Sa kabila ng iba-ibang pagkahulugan sa wika. Sa ating mga Pilipino isa lamang ang ibig sabihin nito. Ang wikang Filipino ay sagisag ng ating pagiging isang Pilipino. Ang ugat ng ating pagka-Pilipino ay nasa ating wika. Itinatag ang wikang Filipino na may layuning palakasin ang ating pagka-Pilipino. Kung tutuusin nga’y napakayaman ng Pilipinas sa wika nariyan ang Cebuano, Ilocano, Bicolano, Chavacono, Ilonggo, Waray at marami pang iba. Sa tulad nating arkipelagong bansa at mayroon pang napakaraming diyalekto sadyang napakahirap talagang magkaintindihan. Kung hindi naitatag ang wikang Filipino marahil tayo mismong magkakalahi ay nagkakagulo. Sa paraang magkakaiba ang mga diyalektong ating ginagamit at wala tayong napagkasunduang wikang ating gagamitin na maaari pang magresulta sa ating hindi pagkakaunawaan. Ang pagkakaroon natin ng wikang pambansa ay dumaan sa maraming yugto ng panahon. Nariyang nakisalamuha natin ang wikang Kastila, Ingles at Tsino. Maraming taon ang ating hinintay upang ganap nating makamit ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Bigyan din nating halaga ang mga taong nagbigay pugay upang makamit natin ang wikang pambansa na siyang tinatamasa natin ngayon. Salamat na lamang sa isang taong nagbigay daan upang tayong mga Pilipino ay mapagbuklod. Salamat sa ating “Ama ng Wikang Pambansa” na si Manuel Quezon. Napagbuklod niya ang mga Pilipinong noo’y nagkakagulo at hindi nagkakaintindihan. Ang wikang Filipino, na siyang pambansang wika sa Pilipinas ay ang wikang ginagamit sa bawat ng sulok ng ating bansa. Ito ang nagsisilbing tali upang mapagdugtong ang mga mamamayan upang maging sila’y magkaroon ng iisang diwa. Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin.
Napakahalaga talaga ng wika sa ating buhay. Kahit saang angulo natin tingan, kailangan talaga ng tao ang wika. Paano na lamang tayo kung wala ang wika? Isang bansang magulo at walang kaayusan. Ganyan ang ating bansa kung walang wika. Kahit sa ating mga indibidwal ay napakalaki rin ng importansya nito. Kahit sa mga simpleng gawain ay kailangan natin ng wika. Simula sa pakikipagtsismisan sa ating mga kapitbahay hanggang sa pakikipagtalastasan natin sa ating paaralan at trabaho ay hindi nawawala ang wika. Naipaaalam natin ang ating pagmamahal, galit, hinanakit o pagpapahalaga sa isang tao sa pamamagitan ng wika. Ang wika rin ang siyang pinakamahalagang sandata upang malaman nating mga mamamayan ang mga pangyayari sa ating bansa at kahit pa ang tungkol sa ekonomiya nito. Ang wika ay nagagamit din bilang isang kasangkapan sa negosyo. Gayundin naman na ang wika ay siya ring gamit ng mga mamamayan upang maiparating sa pamahalaan ang kanilang mga hinaing. Naipadarama ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang sariling wika ang kasidhian ng kanyang damdamin, ang kanyang pagkatao, ang katangian ng kanyang ginagalawang kapaligiran at ang kanyang mga kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ang wika ay nagsisilbing kaparaanan upang ang isang tao ay maging isang ganap na tao.
Isinasagisag ng wikang Filipino ang ating pagka-Pilipino. Sa pagmamahal natin dito ay makikita ang pagiging tunay na Pilipino. Kahit pa ang ating mga kababayan na nasa ibang bansa na nasanay narin sa ibang wika ay patuloy paring ginagamit ang ating sariling wika sa loob man o sa labas ng bansa. Hindi sila nagpaimpluwensya sa mga bagong wikang kanilang nakasalimuha. Bagkus ay pinanatili nila ang diwa ng isang pagiging Pilipino sa pamamagitan ng paggamit wikang Filipino. Hindi ba’t kay sarap sa pakiramdam na malaman na hindi nila kinakalimutan ang sariling wika natin. Bagamat nga’y maraming salik ang kinakaharap ng ating wika. Ang higit na mahalaga ay kung paano natin isinasabuhay ang paiging isang Pilipino nating lahat.
Isa ang wika sa sumisimbolo sa ating bansa tulad nating mga Pilipino. Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang daan para sa pagpapahayag ng mga saloobin, kuru-kuro, opinyon at mga obserbasyon bagkus ay isang paraan ng pagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang ating wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa ibang lahi ng panlipunang pagkakakilanlan. Maari nating sabihin na kung wala ang ating wika wala rin ang Pilipinas at kung wala ang Pilipinas wala rin ang mga Pilipino. Bakit nga ba nasabing simbolo Pilipinas ang wikang Filipino? Para sagutin ang tanong na ito. Bigyan muna nating kahulugan ang salitang “simbolo” dito. Simbolo isang tanda o sagisag. Tulad ng ating watawat na sumasagisag sa ating bansa. Kahit saan ka pumuntang bansa basta narinig natin ang wikang Filipino alam nating Pilipino ang nagsasalita. Nagkakaroon ng pagkakakilanlan ng dahil sa wika. Madali nating malalaman kung ang isang tao ay isang Pilipino o hindi. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan.
Ang Wikang Filipino ay hindi lamang kasangkapan sa komunikasyon kundi repositoryo rin ng kultura. Sa pamamagitan ng wikang Filipino ay naipapakita natin kung ano at saan tayo nagmula. Magkalakip ang ugnayan ng wika at kultura. Ang wika ay ang nagbibigay anyo sa diwa at saloobin ng isang kultura. Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura at sa pamamagitan nito ang kultura ay maiintindihan maging ang mga taong hindi nakapaloob sa ating kultura. Tulad ng mga banyaga madali nilang naiintindihan ang ating kultura kung nauugnay natin ito sa ating wika. Sinasabing nasasalamin ang kultura ng isang lahi sa wikang sinasalita ng lahing iyon. Ang kultura ang nagdidikta ng mga leksikong magiging bahagi ng wika ng isang lahi. Ang wika ay magandang halimbawa ng kultura. Samakatuwid ang wika ay kultura; at nakapaloob ang kultura sa wika. Kakambal na nga ng wikang Filipino, ang kulturang Pilipino. Ang wika ay nakatali sa ating kultura at kung sino tayo. Samakatuwid, hindi pwedeng paghiwalayin ang wika at kultura dahil habang tinutuklas ng tao ang kanyang wika ay tinutuklas din niya kung saang kultura siya nabibilang

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging matatag. Tulad ng ating pambansang hayop na kalabaw. Kahit gaanong hirap ang pagdaan ng isang Pilipino ay kinakaya niya ito. Makikita natin ang pagiging matatag ng mga Pilipino sa tuwing may mga unos o sakuna tulad na lamang ng bagyo. Hindi natin masasabi kung kalian darating ang mga ganitong pangyayari kadalasan ay hindi natin ito napaghahandaan. Kaya maraming buhay ang nasisira sa mga ganitong panahon. Ngunit tayong mga Pinoy kahit na nawalan nang tirahan, hanapbuhay o mahal man sa buhay ay nananatili parin tayong nakatayo at mayroong pag-asa. Isa pang halimbawa ng katatagan ng mga Pilipino ay ang mga OFW sa ibang bansa. Tunay ngang malungkot ang mawalay sa pamilya at mamuhay mag-isa ngunit kinakaya ito ng ating mga OFW para sa kanilang mga pamilya. Sa kabila ng hirap ng mga gawain at kalungkutan ay nananatili parin silang matatag at hindi paaapi sa mga ibang lahi. Kaya naman saludo ako sa ating mga bagong bayani.
Kung gaano katatag ang mga Pilipino ay ganoon din ang ating wika. Hindi nga biro ang dinaanang proseso upang maging opisyal na wikang pambansa ang wikang Filipino. Dumaan ang ilang taon, ilang giyera at ilang mananakop bago nagkaroon ng isang tinatawag na wikang pambansa an gating bayan. Dito pa lamang ay makikita na natin kung gaano katatag ang ating wika, ang wikang Filipino. Kasabay ng pakikipaglaban ng ating mga bayani para sa kalayaan ay ang pakikipaglaban din para sa ating sariling wika. Dahil ang laban ng bawat Pilipino para sa Pilipinas ay laban din para sa ating wikang Filipino. Napakalaking papel ang ginampanan ng ating wika sa ating kasaysayan. Mahirap ipaliwanag ang nakaraan kung wala ang ating wika. Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan man ng pagsusulat o pagsasalita, ang wika ang pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa madaling hakbang ang kasaysayan at mga tala ng mga sinaunang Pilipino. Habang napag-iingatan ng isang bayan ang kaniyang wika, napag-iingatan din nito ang katibayan ng kanyang paglaya, katulad ng pagpapanatili ng isang tao sa kanyang kasarinlan, upang mapanatili niya ang kaniyang sariling paraan ng pag-iisip. Sa ganitong pagkakataon, malalaman ng mga kasalukuyang mamamayan ang mga hakbangin na ginawa noong una upang maituloy ito sa mabuting paraan at maiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari noon.
Hindi ba’t kay sarap kung mayroon tayong tinatawag na Wikang Sariling atin Lamang? Sapagkat kahit anung delubyo, bagyo, trahedya, sakuna at kalamida ay hindi nito kayang patayin ang wika. Ang tanging makapapatay lamang sa wika ay ang tao mismo. Sa hindi pagagamit nito mawawalan ng buhay ang wika. Ihalintulad na lamang natin sa isang bagay na kapag hindi nagagamit at tinatago ay naluluma, nabubulok, nasisira, unti-unting nalilimutan at itatapon nalang kung saan. Nakakalungkot isipin na maaring mangyari ang ganito kung hindi natin gagamitin, mamahalin at pangangalagaan ang wikang Filipino. Kaya marapat lamang na palagi nating gamitin ang wikang Filipino ng sa ganoon ay mapayaman at mapalakas pa natin an gating sariling wika at ganoon narin ang ating pagka-Pilipino.
Napakalaking tanong parin sa ating mga isipan kung paano nga ba talaga nasusukat ang tatag ng isang wika? Kelangan bang ito marami ang gumagamit ng wikang ito? O kelangan bang sikat sa buong mundo? Kung iisipin natin mahirap talagang sukatin kung gaano katatag ang isang wika dahil walang ibang basehan ang pagiging matatag ng isang wika kung hindi nasa mga tao ring gumagamit nito. Kung paano nilang pinapakitang malakas ang kanilang pagiging Pilipino ay ganoon din ang tatag ng wikang Filipino. Hindi lamang sa pamamagitan ng pananalita ating mapatatag ang ating sariling wika. Maaari tayong magbasa ng mga kwento, tula, nobela o artikulo na nakasulat sa wikang Filipino. Sa ganitong paraan mas nakikilala pa natin ang ating sariling wika. Marami rin tayong matutunan sa mga artikulong Filipino na magagamit natin sa ating buhay. Natatangkilik pa natin ang mga gawa ng kapwa nating Pilipino.Tunay ngang maraming paraan upang maipakita natin ang ating pagmamalasakit sa wikang Filipino. Kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan.
Totoong ang tatag ng isang wika ay nasa tao rin. Kung paano ito pinapalakas at pinagyayaman. Simple lang naman kung paano natin mapagyayaman ang ating sariling wika. Gamitin natin ito at mahalin. Namumunga man ang ating kaalaman patungkol sa ibang wikang kanluranin, ang sariling atin parin ang mainam na gamitin. Huwag tayong maging dayuhan sa ating sariling bansa. Sa simpleng paggamit ng wikang Filipino ay naipapakita natin kung paano natin napahahalagahan ang ating wika. Hindi ba’t mas madaling gamitin ang wikang nakasanayan kaysa sa wikang tinuro lamang ng mga kanluranin? Sa ating pakikipag-usap sa ating mga kapamilya, kaibigan, kaklase, katrabaho o kung sino pa mang mga taong ating nakakasalimuha mas mainam kung ginagamit natin ang ating sariling wika. Wikang Filipino saang sulok man ng bansa ay dapat nating pairalin,mahalin at gamitin.
Ngunit ngayong panahon ng modernisasyon, bakit nga ba “TRENDING NATIONWIDE” ang paggamit ng mga wikang banyaga particular na ang wikang Ingles? Isa lamang ang nakikita kong sagot sa tanong na ito. Marahil maraming mga Pilipino ngayon ang gustong makisabay sa uso o gusto magmukhang sosyal o gustong maging mukhang isang intelektwal. Hindi naman natin magpakakaila na sa tuwing nakaririnig tayo ng nagsasalita ng wikang Ingles ang una agad natin naiisip ay “Ah. Mayaman ‘to.” Ano man ang sabihin mo, matino man o hindi, kapag sinabi mo sa Ingles ay nagkakaroon ng bigat, o halaga. Ang “marunong mag-Ingles” ay hindi lamang palatandaan ng kagalingan sa lengguwahe. Palatandaan ito ng kaalaman, ng pagkakaroon ng “class,” ng pagkakaiba sa karaniwang mamamayan. Kapag sinabi mo ang isang bagay sa Ingles ay tila pinag-isipan mo ito ng malalim. Nakakalungkot din isipin na sa kasalukuyang panahon, marami sa ating mga Pilipino ang higit na humahanga sa mga kababayan nating napakahusay magsalita ng Ingles. Dagdag pa, kapag hindi marunong mag-Ingles ang isang Pilipino, itinuturing na hindi siya kasinggaling o kasingtalino ng iba na mahusay mag-Ingles. Hindi nga masama ang paggamit ng wikang Ingles ngunit sana naman ay ilagay natin ito sa wasto at huwag parin natin kakalimutan ang wikang Filipino. Marami na ngang Pilipino ang tuluyan ng nakalimot sa ating sariling wika – ang wikang Filipino. Hindi ba nila alam na ang paglimot sa ating sariling wika ay para naring paglimot sa kanilang pagiging pagka-Pilipino? Lagi nating tatandaan ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga ng wika. “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Kahit maraming wikang banyaga ang alam na sabihin ni Rizal, hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan ang kanyang sariling wika. Ngayong panahon ng globalisasyon at makabagong teknolohiya, hindi papahuli ang ating wika. Kagaya sa website na Facebook na kung saan ay pwedeng gamitin ang wikang Filipino bilang medium o lengwahe sa pakikipag-komunikasyon at lubos na maintindihan ng mga Pilipinong gumagamit nito kung paano paganahin ito. Hindi rin papahuli ang Twitter na kailan lang ay pwede na sa wikang Filipino. Kamakailan lamang ay naging sikat sa website na YouTube ang isang music video kung saan tampok ang isang banyaga na kumakanta sa wikang Filipino. Hindi ba’t nakakataba sa puso ang ganitong mga pangyayari? Hindi lamang pala ang mga Pilipino ang gumagamit ng wikang Filipino pati narin ang mga dayuhan ay nahihikayat na gumamit niyo. Sana ay magsilbi itong isang pamulat sa kaisipan nating mga Pilipino. Nagagawa ngang gamitin ng ibang lahi ang wikang Filipino, paano pa kaya tayong mga mamamayan ng Pilipinas na kinalakihan na ang wikang Filipino. Tungkulin at responsibilidad ito ng sinumang mamamayan ng Pilipinas na gamitin at pahalagahan ang ating sariling wika.
Kasabay ng pagbabago ng panahon ay ang pagbabago rin sa paggamit ng ating wika. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman natin ang mga nagsusulputang bagong pamamaran ng pananalita. Nariyan ang Jejemon, Bekimon, at kung anu-ano pang mon. Hindi naman ito nagdudulot ng masama sa ating wika sa tingin ko pa nga ay isa lamang itong palatandaan kung gaano talaga kayaman ang ating wika at kung gaano kamalikhain ang mga Pilipino pagdating sa paggamit ng wika.
Malayo na nga ang ating narating pagdating sa larangan ng sining, industriya at agrikultura. Ngunit mas malayo pa ang ating maaaring marating kung sariling wika ang ating gagamitin. Halimbawa, kung ang mga produktong buhat o angkat mula sa atin ay wikang Filipino ang ating ilalagay sa lebelo nito maipapakita natin kung gaano kahalaga para sa atin ang wikang Filipino. Higit rin mas madaling matatandaan ang ating produkto pagkat alam na agad na iyon ay galing sa Pilipinas. Maaari rin nating gamitin ang ating wika sa pagpropromote ng mga produktong gawang Pilipino. Hindi lamang ang produkto ang naipakikilala natin sa ibang bansa kundi pati narin ang wikang Filipino. Isang magandang paraan ito upang higit nating mapalakas ang ating wika. Maaari rin nating gamitin ang media upang mapagtibay pa ang wikang Filipino. Alam naman natin kung gaano kapangyarihan ang media. Napakalaking impluwensiya ang naibibigay nito sa mga mamamayan. Tulad nalang ng mag palabas sa telebisyon. Mainam kung ang gagamiting wika ay Filipino upang mas maraming manonood ang makaunawa. Hindi lang iyon magiging pamilyar pa sa wikang Filipino ang mga banyagang nakapanonood ng mga palabas na salin sa wikang Filipino. Malayo-malayo pa nga ang ating lalakbayin upang maging isang ganap na bansang maunlad. Ang wastong paggamit ng sarili nating wika ay maaaring maging isang daan tungo sa pag-unlad na ating inaasam.
Ang wikang Filipino rin ay nagbibigay buhay sa atin. Nagiging pundasyon sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Pinapalawak at pinapalakas ang ugnayan ng bawat isang Pilipino. Kahit saang lupalop man ng Pilipinas o kahit ibang bansa ay kaya tayong pagbigkisin ng wikang Filipino. Mayaman man o mahirap ay napag-iisa ng wikang Filipino. Tunay ngang makapangyarihan ang wika. Walang imposible sa wikang Filipino kung ito’y gagamitin at pagyayamanin. Oo nga’t nagbibigay buhay sa atin ang wikang Filipino ngunit tayong mga Pilipino rin ang bumubuhay rito.
Maraming paraan upang iyong masabi na ikaw ay isang tunay na Pilipino. Kung ang kulay mo ay kayumanggi, pango ang iyong ilong, itim ang kulay ng iyong buhok, katamtaman ang iyong taas at marami pang iba. Marahil iyan ang mga karaniwang aspetong ating pinagbabatayan upang masabi natin na tayo ay isang tunay na Pilipino. Ang mga tulad nito ay tinatawag na pisikal na aspeto. Isang malaking tanong nga sa atin kung sapat na nga ba ang basehang ito upang matawag natin ang mga sarili nating tunay na Pilipino. Para sa akin hindi natatapos ang pagiging tunay na Pilipino sa itsura lamang dahil nakikita ang katangian ng isang tunay na Pilipino sa kanyang pag-iisip, pananalita at ginagawa. Pag-usapan natin dito ang pananalita na maaari nating maiugnay sa paggamit ng wikang Filipino. Sumasang-ayon ako na isa nga sa mga aspeto ng pagiging tunay na Pilipino ay ang pananalita ng wikang Filipino. Paano mo masasabi sa iyong sarili na ikaw ay isang tunay na Pilipino kung panay naman ang iyong paggamit ng ibang wika. Kahit sa mga simpleng pakikipagkwentuhan lamang sa iyong mga kaibigan ay ginagamitan mo pa ng Ingles. Maaari mo namang sabihin ang iyong nais sa pamamagitan ng wikang Filipino at higit na magkakaintidihan pa kayo ng iyong mga kausap dahil karamihan sa mga masang Pilipino ay komportable sa wikang Filipino. Hindi natin maitatanggi na marami tayong nakahahalibulong mga ganitong tao. Napakasimpleng aspeto ng pagka-Pilipino ngunit napakahirap panindigan.
Sa wika na lamang siguro natin maaaring makita ang pagkakaiba natin sa ibang mga tao sa mundo, lalo na ngayon na maaaring ibahin o baguhin ang kulay ng ating balat, ang anyo ng ating mukha at kahit na ang hugis ng ating katawan. Ang wikang Filipino ay ang nalalabing diwa ng ating damdaming makabayan at pambansang pagkakaisa at kailangan natin itong bigyan ng kaukulang pagpapahalaga. Hindi maituturing na makabayan ang isang tao kung ikinahihiya niya ang sariling wika. Ngayong darating na buwan ng Agosto ay marami na namang programa upang paigtingin ang paggamit at pagpapayaman sa wikang Filipino. Ngunit bakit nga ba tuwing buwan lamang ng Agosto? Kung pwede namang araw-araw ay maipakita natin ang pagmamahal natin sa ating wika. Mas mabuti kung araw-araw natin itong mapagyayaman. Sana maisip din natin na hindi lamang tuwing buwan ng Agosto ang pagpapakita ng malasakit sa ating wika. Wala ring mangyayari kung minsan sa isang taon lang natin tinatangkilik ang wikang Filipino. Huwag nating balewalain ang mga ginagawa natin tuwing buwan ng Agosto. Ipagpatuloy natin sa buong taon upang lalong mapagyaman ang wikang Filipino. Huwag tayong magsasawang gamitin at mahalin ang wikang Filipino. Huwag natin itong hayaang mawala at tuluyang makalimutan. Lalo pa nating patatagin ang wikang Pilipino. Ipagmalaki natin ang wikang Filipino tulad ng pagmamalaki natin sa ating pagka-Pilipino.
Bilang pangwakas ay nais kong iwan ang isang tula na isinulat ni Miguel R. Santos. Upang maging batingaw na gigising sa ating pagka-Pilipino at pagmamahal sa wika.

Maikling Tula Para sa Wika ni Miguel R. Santos

May sariling wika ang ibon at isda,
Iba ang sa aso, iba ang sa pusa.
Iba't ibang bansa, kanya-kanyang wika
Itaguyod natin ang wikang pambansa.

Bakit mahalaga ang sariling wika?
Ito'y kaluluwa ng mahal 'ting bansa.
Wika rin ang buklod ng puso at diwa
Nang tao sa Luson, Mindanaw, Bisaya.

Wikang Pilipino pag ating ginamit
Mangagkakaisa ang puso at isip.
Hangaring umunlad ating makakamit,
Sa mga dayuha'y hindi palulupig.

Tingnan 'nyo ang Intsik, Aleman at Korya,
Maging taga Rusya, Hapon, Amerika,
Sila'y mauunlad; at ang wika nila?
Ang sariling wika, di wika ng iba.

Ako ay Tagalog, sila'y Ilokano,
Siya'y Bisaya, kayo'y Bikolano,
Kapampangan sila, iba'y Sibuwano,
Binubuo natin, wikang Pilipino.

Mga taga Luson, Mindanaw, Bisaya,
Iba't ibang lipi, iba't ibang diwa.
Sila'y binubuklod ng iisang wika,
Mamamayang lahat nitong ating bansa.

Sa bansa kong ito'y isa lang ang wika,
Wikang Pilipinong bigay ni Bathala.
Masining ang kanyang awitin at tula,
Lubha ring malalim, kanyang talinhaga.

Wikang Pilipino'y maraming wikain,
Mahigit pitumpo kapag bibilangin.
Magpatuloy tayo na ito'y gamitin
Sino mang dayuha'y di kayang lupigin.

Similar Documents

Free Essay

Npne

...AKO'Y PILIPINO Pilipino ako sa anyo, sa kulay, sa wika, sa gawa at sa kalinangan. Ang mutyang bayan ko'y Perlas ng Silangan, kilala sa ganda at sa iwing taglay na yaman. Sa mga ugat ko ay nananalaytay, magiting na dugo ng raha at lakan; ang kasaysayan ko'y di malilimutan ng aking kalahi't liping pinagmulan Maraming bayaning nagbuwis ng buhay, di nagatubili sa tawag ng bayan, nabuwal sa dilim at nagdusang tunay upang kalayaan ay aking makamtan. Ikararangal ko itong aking lahi, di ikahihiya sa alinmang lipi; busilak ang puso, malinis ang budhi mamatay ay langit kung bayan ang sanhi. Taas noong aking ipagmamalaki Pilipino akong may dangal na lahi, Sintang Pilipinas ang bayan kong saksi, dinilig ng dugo ng mga bayani. ANG AKING GURO Masdan mo ang guro, ang taong dakila, Mapagtiis siya't laging matiyaga; Sa tungkulin niya'y lagi siyang handa, walang tigil siya sa maghapong gawa. Guro ko ang siyang nagturo sa akin, Na ang ating lupa ay aking mahalin, Ako raw'y gumawa at aking sikaping Mapaunlad itong mutyang bayan natin. Siya ang nagturo ng kabayanihan Ng ating Mabini, Burgos at del Pilar; Siya ang nagulat ng buhay ni Rizal, Siya ang nagturong ako'y maging tapat Sa mga tungkuling aking ginaganap Nagtatagumpay raw yaong masisipag, Di raw giginhawa yapng taong tamad. Siya ang maysabing ating tangkilikin Yaong mga bagay na yari sa atin; Sino pa raw yaong tutulungan natin Kundi kababayan at kalahi na rin. Guro ko ang aking tunay na huwaran Siya ay maayos sa kanyang katawan, Sa pagsasalita...

Words: 3770 - Pages: 16

Free Essay

Anytime

...EDUKASYON NG PILIPINO Renato Constantino (Malayang salin ni Luis Maria Martinez) Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagpupunyaging magtamo ng kalayaang pangkabuhayan at pampulitika at nagnanais na muling madalisay ang sariling kultura. Tayong mga Pilipino ay isang gayong bansa. Dahil dito, ang ating edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong may pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat itong lumikha ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na lakas ng loob na kumilos at magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan. Makabayang Pagkilos sa Edukasyon Ilang taon na ang nakalipas sapul nang umalingawngaw ang mga makabayang kahilingan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang mga makabayang kahilingang ito ay binigyang-linaw at ipinalaganap ng yumaong Claro M. Recto. Marubdob na isinulong ang mga kahilingang kilalanin ang kapangyarihan ng Pilipinas sa mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Iginiit ang pagtutuwid ng mga tiwaling ugnayang pangkabuhayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Minsa’y nahamig ang suporta ng mga mangangalakal na Pilipino sa patakarang Pilipino Muna, at maraming iskolar at ekonomista ang nagmungkahing gawing kagyat na kahilingan ng bansa ang paglaya ng ating ekonomya. Nakita sa larangan ng sining ang mga palatandaan ng bagong pagpapahalaga sa ating kultura. Anubaga’t niririndi ng sanlaksang makabayang pagkilos ang iba’t ibang larangan ng gawain. Ngunit...

Words: 17033 - Pages: 69

Free Essay

Abcd

...Ang Filipino at Tagalog, Hindi Ganoong Kasimple ni Ricardo Ma. Nolasco, Ph.D. Sa maraming Pilipino, ang wikang pambansa lamang ang maituturing na wika, at lahat ng iba pang salita ay mga diyalekto. Hindi tama ito. May mga paraan ang mga pantas-wika o linguists para malaman kung ano ang wika at kung ano ang wikain o diyalekto. Ang batayan ay kung nagkakaunawaan ang dalawang nagsasalita. Kapag hindi sila nagkakaunawaan, nagsasalita sila ng magkaibang wika. Kapag nagkaunawaan, nagsasalita sila ng parehong wika o diyalekto ng isang wika. Walang bale kung ang pananalita ay may lima o isang milyong tagapagsalita; kung mayroon itong panitikan o wala; o kung sinasalita ito sa isang baranggay o sa buong probinsya. Hindi mapagpasya ang alinman sa mga ito sa pagkilala sa kung ano ang wika at ano ang diyalekto. Sa batayang ito, ang Ilokano, Sebwano, Kapampangan, Pangasinan, Hiligaynon, Bikol, Butuanon at Meranao, kung magbabanggit ng ilan, ay hindi mga diyalekto kundi ganap na mga wika. Diyalekto o wikain ang tawag sa baryasyon ng isang wika, gaya ng Dumaguete-Cebuano, Davao-Cebuano at Iligan-Cebuano. Ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ay nakapagtala ng may 170ng wika sa bansa. Maaaring umabot sa 500 ang mga diyalekto. Pangsampu tayo sa may pinakamaraming wika sa daigdig. Nangunguna ang Papua New Guinea. Ang “Tagalog.” “Pilipino,” at “Filipino” ba ay magkakaibang wika? Hindi. Ang mga ito ay mga baryasyon na “mutually intelligible” at samakatwid, ay...

Words: 44725 - Pages: 179

Free Essay

The Essayist

...Proyekto sa Asignaturang Filipino Ipinasa ni: Pangngalan- ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o konsepto. Sa linggwistika, kasapi ang pangngalan sa isang malawak, bukas na leksikong kategorya na kung saan ang mga kasapi nito ay nagiging pangunahing salita sa isang simuno ng isang sugnay, bagay sa isangpandiwa, o bagay sa isang pang-ukol. Pagkahati-hati ng pangngalan Maaaring mahimay ang pangngalan nang ayon sa kaurian, katuturan, kasarian, kailanan, kaanyuan, kalikasan, at katungkulan. Ayon sa katangian Nauukol ang pangngalan ayon sa kaurian sa pagpapangalan sa tao, bagay o pangyayari. Maaari itong pambalana o pantangi. ● Pantangi - mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kaisipang diwa, o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito. Tinitiyak ng pangngalang pantangi na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba. Halimbawa: Rusty Lopez, Manuel, Selekta, Safeguard, Palmolive,Alaska ● Pambalana - mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa. Kasama rin ang kabuuan ng mga basal na salita. Halimbawa: bayani, aso, katamisan ,pagdiriwang, pusa Uri ng Pambalana: ● Tahas - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang padamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang amoy)at may...

Words: 2677 - Pages: 11

Free Essay

Buhay Ni Rizal

...1882 (Mga Taon ng Pagsibol) 1882 – 1887 (Pagyabong sa Ibayong Lupain) 1887 – 1888 (Pagsapit ng Unos) 1888 – 1892 (Pakikibaka at Radikalisasyon) 1892 – 1896 (Takipsilim ng Isang Buhay at Bukangliwayway ng Isang Bayani) 1861 – 1882 Mga Taon ng Pagsibol ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna mula sa pamilyang inquilino umuupa sa mga Dominico Francisco Mercado Rizal (1818 – 1898) Teodora Alonso Realonda (1826 – 1911) bininyagan noong Hunyo 22, 1861 ng kura parokong si Padre Rufino Collantes Padre Pedro Casañas – nagsilbing ninong Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ika-7 sa 11 magkakapatid Saturnina (1850-1913) Paciano (1851-1930) Narcisa (1852-1939) Olimpia (1855-1887) Lucia (1857-1919) Maria (1859-1945) Jose (1861-1896) Concepcion (1862-1865) Josefa (1865-1945) Trinidad (1868-1951) Soledad (1870-1929) Calamba pusod ng kasaganaang agrikultural tubo, palay, mais, prutas maliit na tindahan, maliit na gilingan ng arina bahay na bato sa tapat ng simbahan, may karwahe at pribadong aklatan maagang edukasyon ina – unang guro (alpabeto, dasal, tula) pribadong guro Maestro Celestino Maestro Lucas Padua Leon Monroy mga tiyo Gregorio - pagbabasa Manuel – palakasan Jose Alberto – sining Sa Aking mga Kabata Biñan – Maestro Justiniano Aquino Cruz mga kasawian sa batang gulang pagkamatay ng kapatid na si Concepcion sa edad na 3 dahil sa sakit pagkakakulong ng 2 ½ taon ng ina na pinagbintangan ng tangkang paglason...

Words: 4465 - Pages: 18