Free Essay

Wwwowoooo

In:

Submitted By jcbondoc
Words 1007
Pages 5
KABANATA V LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Sa kabanatang ito makikita ang pagbubuod na mula sa mga napatunayan ng pag-aaral. Kabilang din dito ang mga lagom na mula sa layunin at resulta ng pag-aaral na isang basehan ng konklusyon at rekomendasyon ng mga mananaliksik ukol sa suliranin.
BUOD
Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa mg epekto ng Social Networking sites sa mga pakikipagkapwa at pag-aaral ng mga estudyante sa kolehiyo. Ang respondent ng pag-aaral ay ang mga piling estudyante ng Kolehiyo ng Edukasyon sa Partido State University Main Campus, San Juan Bautista St. Goa, Camarines Sur. Ito ay isinagawa mula Enero hanggang Marso ng ikalawang semester ng akademikong taon 2012-2013. Ang mga datos na nakuha gamit ang talatanungang ginawa ng mga mananaliksik. Gumamit ng pagpoporsyento o pagbabahagdan na paraan ng istatistiko ang mga mananaliksik upang maanalisa ang mga datos. Ang mga sumusunod na katanungan ay nasagutan; Suliranin 1. Anu-ano ang mga Social Networking Sites ang patok sa mga mag-aaral? Facebook Linked in Twitter Yahoo Instagram
LAGOM:
Karamihan sa mga mag-aaral ay ang may account sa Facebook at yahoo. Dahil sa pagkakaroon ng account sa mga networking sites, ang mga mag-aaral ay madaming nakikilala, nakukuhang bagong kaibigan at naihahayag ng malaya ang kanilang saloobin. Nakakatulong ang mga social networking sites sa pa g-aaral n mga estudyante; dahil ito ay nagpapadali n komunikasyon sa kapwa mag-aaral, napagkukunan ito n mahahalagang impormasyon at napapadali ang pagpasa ng mga dokumento.

KONKLUSYON: Karaniwan nang may account sa Facebook at Yahoo ang mag-aaral ng Partido State University dahil sa mga features nito gaya ng e-mail at file uploading. Ito rin ang ginagamit na midyum ng ibang guro sa pagpapasa ng proyekto at sa kanilang mga estudyante. Positibo ang epekto sa pakikipagkapwa ng mga mag-aaral ang pagkakaroon ng account sa iba’t-ibang social networking sites.

REKOMENDASYON:
Maaari din gayahin ng ibang guro ang ganitong uri ng pagpapasa ng proyekto o takdang aralin dahil maaaring makatipid sap ape ang mga mag-aaral at sa gastos na gugugulin sa pagpaprint ng kanilang nagawang mga awtput. Suliranin 2. Ano ang epekto ng mga social networking sites sa pakikipagkapwa ng mga mag-aaral? Maraming nakikilala Nakakakuha ng bagong kaibigan Naihahayag ng malaya ang saloobin Pagsisinungaling sa tunay na katauhan Napagkukunan ng di kaaya-ayang saloobin Ang Unibersidad ay maaaring magbukas ng sarili nitong Page sa Facebook o sa Yahoo na kung saan maaari makapag-post ang mga mag-aaral ng kanilang saloobin ukol sa ika-uunlad pa nito. Ang inter-aktibong proseso ng pagpaplitan ng mga kuro-kuro sa site na ito ay maaari ding maging daan sa pagkakaisa ng pananaw ng mga mag-aaral at makilala rin nila ang iba pang estudyante ng unibersidad na mahirap magawa sa personal na paraan sa dami ng bilang ng mga mag-aaral. Suliranin 3 Ano ang epekto ng mg Social networking site sa pag-aaral ng mga estudyante? Pagkakaroon ng madaling komunikasyon sa kapwa mag-aaral. Napagkukunan ng mahalagang impormasyon. Napapadali ang palitan ng mga dokumento (e-mails) Natatanggal ang pokus sa pagrerevyu. Nagiging daan sa pangongopya ng impormasyon.
KONKLUSYON: Dahil sa pagkakaroon nag pagkakataong makausap ang iba pang kamag-aralukol sa mga gawain gaya ng proyekto o takdang-aralin kahit malayo sa ist-isa, ang tsansa ng pag brebrainstorm ng mge ediya ay malaki. Nakakatulong ang ganitong uri ng pakikpag-usap upang makabuo ng mas kapaki-pakinabang ng ideya ang mga mag-aaral upang mapabuti pa o mas mapadali ang kanilang mga gawain. REKOMENDASYON: Mas magiging magandang mapagkunan ng impormasyon ang laybrari kong may mga kompyuter ito na nakakonekta sa internet na maaaring gamitin ng mga mag-aaral. Kailangang din pagtuunan ng pansin ng paaralan ang asignaturang may kinalaman sa kompyuter at komunikasyon kagaya ng ITC (Information on Communicatin for Technology) upang mammulat ang mga mag-aaral sa mga kabutihang dulot ng teknolohiya sa pagpapadali ng Gawain at upang makasabay rin ang mga estudyante sa mabilisang pagbabago ng daigdig. Ito ay ralisasyon ng misyon ng Unibersidad na gumagawa ng ng mga kompetitib at world class na uri ng gradweyt na may alam sa makabagong teknolohiya. BIBLOGRAFI Abelos, Alex V., et. Al. “Compairing Expe riences & Reducing Uncertainty”, General Psychology. 1st Edition ; Baguio City, Philippines Valencia Education Supply 2005, 350-351 Ibid Dixon, Priscila: Rex Book Store 2003, 252 Abelos, Alex V. et. al. “choosing friends” General Psychology 1st Edition ; Baguio City, Philippines; Valencia Educational Supply 2005, 350 Ibid Mckenzie, Michael D. et. al. “Social Development” The new Book of Knowledge: Grolier Incorporated, LISA: 1985, 230 Weiner Rebecca, “Globalization” The new book of knowledge: scholastic Library Publishing Inc. Connecticut 2006, 238 http://www.bicolshop.com/villa-pena-resort-goa/vicinity_map_450.jpg Croucher, Shiela L. Globalization and Belonging: The Politics of Identity and Changing World. Rowman and Littlefield (2004). pg.10 http://tl.m.wikipedia.org/wiki/internet http://www.webespedia.com/TERMS/SOCIAL-NETWORKING-SITE.html Dizon, Priscila B. General Psychology . Rex Books Store (2005) p.367 Castillo, Roberto. Human Relations, Manila Taft Avenue September-october,1996 Philippine Journal of Child-youth Development, Vol. 1, No. 1 January-June 1967(NCCSDFCY), Quezon City http://www.infed.org/thinkers/gardner.html http://tl.m.wikipedia.org/wiki/komunikasyon Crow, L. & A. Crow, Adolescent Development And Adjustment, New York: McGraw-Hill Book co., 1958 http://www.studymode.com/essay/social networking-499239.html http://www.studymode.com/essay/social networking-497420.html http://www.learning-theories.com/social-learning-theory-BANDURA.html Dizon, Priscila B. General Psychology . Rex Books Store (2005) p.367 APENDIKS TALATANUNGANG GINAMIT: REPUBLIKA NG PILIPINAS PARTIDO STATE UNIVERSITY KOLEHIYO NG EDUKASYON GOA, CAMARINES SUR Mga minamahal na kamag-aral; Kami, sina Michael P. Vale at Sharmagne I. Valencia ng BSED 1-B ay nagsasagawa ng isang pananaliksik upang malaman ang epekto ng social networking site sa pag-aaral at pakikipagkapwa ng mga estudyante ng Kolehiyo ng Edukasyon. Dahil dito, nais naming hingin ang tulong ninyo para sagutan ang talatanungang ito upang makumpleto ang mga datos na kailangan sa pananaliksik na ito.

Similar Documents