Free Essay

Ydf V, Utk7

In:

Submitted By jhel07
Words 885
Pages 4
KABANATA I
I. Panimula
Sa kasalukuyan, marami ng kabataan ang sumasali sa mga fraternity sa ating bansa dahil ang ilan sa mga miyembro nito ay malayang nakalalabas- pasok na rin sa ating mga paaralan. Marami ang naiiganyong sumali sa isang fraternity kahit marami na ang kaso ng pagkamatay ang nauugnay sa mga ito. Isa na rito, ang pagkamatay ng isang estudyante sa unibersida ng San Beda, na hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng hustisya. Buwis-buhayang pag-anib sa isang fraternity. Ngunit hindi ito alintana ng mga kabataang nagnanais na sumali dito, maging ang mga sakuna na maaari nilang kaharapin ay hindi nila kinatatakutan. Matinding lakas ng loob at pisikal na pangangatawanang kailangan bago makasali sa isang fraternity.
Ang fraternity, sorority at confraternity ay mga salitang iniuugnay sa mga kilalang samahan sa ating bansa. Ang “Fraternity” ay tawag sa mga samahan ng mga kalalakihan. Ang “Sorrority” naman ay tawag sa mga samahan ng mga kababaihan at ang “Confraternity” ay tawag sa samahan na kinabibilangan ng parehong kasarian – kalalakihan at kababaihan. Ngunit sa ngayon, ang samahan ng mga kalalakihan at kababaihan ay tinatawag na rin na “Fraternity”.
Ang Fraternity at alin mang samahan ay may layuning damayan at tulungan ang bawat kasapi sa anumang oras na kailangan. Kaya’t maraming kabataan ang naiingganyong sumali sa isang fraternity ngunit sa paglipas ng panahon ay nag-iba na ang layunin ng mga ito, maging ang paraan ng pagpapakita ng sinasabing “Damayan at Tulungan”. Madalas nilang naipapakita ang kanilang pagdadamayan at pagtutulungan sa isang “Fraternity War”, isang pisikalang laban ng magkaibang samahan. Ngipin sa ngipin, kamao sa kamao ang labanang ito, minsan pa nga ay armas sa armas ang laban, matira matibay kumbaga. Maraming nasusugatan, minsang namamatay ngunit hindi sila natatakot dahil ito ay kanilang obligasyon bilang kasapi ng fraternity.
Habang lumilipas ang panahon, pabata na ng pabata ang sumasali sa fraternity. Bagay na ikinababahala ng ating pamahalaan sapagkat ang pagsali sa mga ganitong samahan ay hindi madali. Sakit at hirap ang pagdadaanan ng bawat isang nais sumapi sa isang fraternity. Maraming kaso na ang nailahad ukol sa pagpapahirap ng mga nais sumali sa fraternity, ilan pa sa mga ito pumanaw dahil sa mga paghihirap ng nasabing samahan. Ngunit hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi nareresolba dahil sa kapangyarihan o koneksyon ng bawat fraternity upang manipulahin ang mga kaso.
Nakakaalarma ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kabataang sumasali sa mga fraternity, particular na sa isang barangay sa Batangas- ang Barangay Sampaga. Ngunit sa kasamaang palad, hindi ito nabibigyan ng pansin ng pamahalaan nang nasabing Barangay. Kaya’t ito ang nagtulak para sa mga mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na ito. Sa pagtatapos ng pananaiksik na ito, hinahangad ng mga mananaliksik na makapag-bigayng mga impormasyon na maaaring makatulong sa pamahalaan upang masugpo ang lumalaking bilang ng mga kabataang sumasali sa fraternity at magbigay-daan sa mas marami pang pag-aaral hinggil sa paghanap ng solusyon sa suliraning ito.
II. Layunin sa Pag-aaral
1. Propayl ng mga taga-tugon o respondente
1.1. Edad
1.2. Kasarian
1.3. Antas ng pinag-aralan
1.4. Laki ng pamilya
2. Dahilan ng mga respondente sa pagsali o pag-anib sa fraternity.
3. Ang epekto nito sa:
3.1. Sarili
3.2. Pakikisalamuha sa tao
3.3. Pakikisama sa pamilya
III. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang maipabatid sa pamahalaan at sa iba pang mga mamamayan ang nakaaalarmang Gawain ng mga kabataan sa Brgy. Sampaga, Batangas City.
Binibigyang diin dito ang mga dahilan ng mga kabataan sa pagsali sa fraternity. Maging ang epekto nito sa sarili at sa kanilang pamilya.
Para sa mga mananaliksik at sa mga sususnod pang mananaliksik ay mabibigyan sila ng mga dagdag na kaalaman ukol sa nasabing suliranin.

IV. Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga kabataang sumasali sa fraternity sae dad na 13 hanggang 18 taong gulang. Sakop din ng pag-aaral na ito ang maaaring mga dahilan ng mga kabataan, at kung ano ang maaaring maging dulot nito sa bawat kabataang sumasapi sa fraternity sa murang edad.
Nakatuon din ito sa pag-aaral ng edad, kasarian, antas ng pinag-aralan at laki ng pamilya ng mga kabataang kasapi ng isang fraternity o kapatiran.
Hindi nagawa ang isang matagalang pag-aaral ukol dito dahil sa kakulangan sa panahon, pinansyal at kooperasyon ng mga kamiyembro.

V. Depenisyon ng mga Terminilohiya
1. Baptizing – paraan ng pagtanggap sa mga bagong miyembro ng Fraternity
2. Fraternity - ay isang kapatiran, bagama’t ang terminolohiya ay karaniwang nagpapahiwatig ng isang pormal na organisasyon at minsan ay isang sekretong samahan. Ito ay isang organisadong samahan ng mga kalalakihan, isang kapatirang dedikado sa intelektuwal, pisikal o sosyal na debelopment ng mga miyembro nito. Ang katumbas nito sa mga kababaihan ay sorority, at ang samahang kinaaaniban ng kapwa babae at lalake ay tinatawag namang confraternity.
3. Hazing – isang pagsubok na ibinibigay sa sino mang nais sumali sa isang fraternity. Ginagawa ito upang sukatin ang hangganan ng kakayahan ng isang sasali sa isang kapatiran.
4. Initiation – tawag sa paraan ng pagtanggap ng bagong miyembro ng fraternity
5. Orientation -
6. Paddling – isang uri ng initiation na ginagamitan ng paddle at inihahampas ito sa mga hita ng nais maging miyembro ng fraternity. Ito ay ginagawa upang masukat ang katatagan ng pisikal na pangangatawan.

Similar Documents