Free Essay

Yeah Yeah

In:

Submitted By wahtot08
Words 3652
Pages 15
Ang batas militar ay isang sistema ng mga patakaran na nagkakaroon ng bisa kapag ang mga militar ang nag-kontrol sa karaniwang pamamahala ng katarungan.
Ika-21 ng Setyembre 1972 – idineklara ni Marcos ang Proclamation No. 1081 o ang Batas Militar (Martial Law sa Ingles). Ngunit isinapubliko ito at napanood ang pagdedeklara dalawang araw matapos ito pagtibayin. Matapos ipinalabas ang proklamasyon, agad na ipinaaresto ang mga katunggali ni Ferdie sa pulitika, at mga demonstrador. Ipinasara ang mga istasyon ng telebisyon, radyo at palimbagan ng mga dyaryo. Hinigpit ang seguridad at nagpatupad ng curfew sa buong kapuluan.
Idineklara ang Martial Law dahil sa assassination plot laban kay dating Defense Secretary/Minister at ngayo’y Senate President Juan Ponce Enrile, paglakas ng pwersa ng mga komunistang grupo at patuloy na kaguluhan sanhi ng mga demonstrasyon laban sa pamahalaan at ang pagpapasabog sa Plaza Miranda. Hangad ng Martial Law na
“Iligtas ang Republika”
Layong iligtas ang republika mula sa mga masasamang elemento katulad ng mga komunista sa pamamagitan ng pagdedeklara ng Batas Militar. Imbes na humina at mawala ang mga komunista, lalong lumakas at dumami ang kanilang mga miyembro, nag-alab sila laban sa rehimeng Marcos. Mas tumindi ang giyera sa pagitan ng gobyerno at mga komunista kaya maraming inosente ang namatay sa salpukan ng dalawa. Ang mga mamamahayag ay napagbintangan na sila’y kasapi ng mga grupong Communist Party of the Philippines at New People’s Army kaya marami ang kaso ng extrajudicial killings sa panahon ng panunungkulan ni Macoy. Maski mga ordinaryong tao ay pinagbintangan kaya ang iba sa kanila’y sinaktan, pinatay at ipinahiya sa harap ng mga mamamayang takot at mabilis maniwala sa mga sabi ng gobyerno.
Bagong Lipunan
Hangad ni Marcos na baguhin ang lipunan sa pamamagitan ng Batas Militar. Nabago nga niya ang lipunan dahil takot na ang mga Pilipino sa kanya. Malaki ang ipinagbago ng kalagayang pangkalusugan at pangkalinisan – nawala ang mga basura sa daan at ang paligid ng mga tahanan ay naging malinis at napanatiling malinis ng mga tao na rin. Nabawasan ang mga pasugalang ipinagbabawal lalo na sa pangunahing lungsod ng Maynila. Nagkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa mga pook ng paaralan na dati-rati’y may ligalig at karahasan.
Napapaloob ang mga programa ng reporma ng pamahalaan sa salitang “PLEDGES” na ang ibig sabihin ay: P-eace and Order (Kapayapaan at Kaayusan); Land Reform (Reporma sa Lupa); Economic Development (Kaunlaran sa Kabuhayan);D development of moral valuesGovernment Reforms (Mga Pagbabago sa Pamahalaan); Educational Reforms (Mga Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon); Social Services (Serbisyong Panlipunan).
Itinuturing na maganda ang programa ngunit ang mga repormang naipangako ay hanggang sa papel lamang. Kung mayroon mang pagbabago at nangyari lamang sa mga unang taon ng Bagong Lipunan.
Ang kanyang ‘Bagong Lipunan’ ay nabalot ng mga pangamba at takot dahil sa isang utos niya lang, dapat sumunod at maniwala ang lahat o ipapapatay sila. Hatid niya ang bagong Pilipinas na puno ng kaharasan at patayan. Marami ngang nagawa, mas marami pa ang ninakaw sa kaban ng bayan
Oo’t marami nga siyang nagawa sa kanyang 21 taon na panunungkulan. Nandyan ang San Juanico Bridge, Cultural Center of the Philippines, Lung Center at Heart Center, ang mga programang Green Revolution, reporma sa Lupa, North Luzon at South Luzon Expressway at iba pa. Sabi ng ilan, mas mura ang mga bilihin noon kesa bago pa at pagkatapos ni Marcos ngunit hindi nila alam na binabantaan ng pamahalaan ang mga nagtitinda na panatilihin sa mababang presyo ang mga bilihin upang mas maging epektibo ang “Bagong Lipunan”. Ngunit sa mga iba niyang proyekto ay sukdulan ang paglabas ng pera mula sa kaban ng bayan upang ibigay sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak. Naging kontrolado ng kanyang pamilya ang ekonomiya kaya noong pinatalsik siya, pinabagsak nila ng husto ang ekonomiya ng bansa.
Pagbabago sa Pamahalaan at Saligang Batas
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamahalaan mula nang ipahayag ang Martial Law. Ang Kongresyo na siyang gumagawa at bumabalangkas ng mga batas ay binuwag. Naalisan ng tungkulin ang mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ang Pangulo ng kapangyarihang lehislatibo. Gumawa siya ng mga Kautusang Pampanguluhan (presidential decree), Kautusang Pangkalahatan (General Order) at Liham Pagpapatupad (Letter of Instruction). Ang mga ito ang mangangasiwa sa Pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapangyarihan. Ang Kautusang Pampanguluhan ay may bisa at lakas tulad ng mga batas na ipinapalabas ng dating Kongreso.
Agad na ipinabuwag ang Saligang Batas ng 1935 at dagliang gumawa ng Kumbensyong Konstitusyonal na siyang gagawa ng bagong saligang batas. Ilan sa mga delegado sa kumbensyon ay sina dating Pangulong Carlos P. Garcia at Diosdado Macapagal, ang ilang mga kasapi ay mula sa pampublikong sektor at simbahang Katolika. Kaya nang naiharap at naipasa kay Marcos ang saligang batas, naging magulo ang pamahalaan. Matapos maipasailalim sa bagong konstitusyon ang bansa, naging dalawa ang tungkulin ni Marcos, ang maging Pangulo at Punong Ministro, ang Kongreso’y napalitan ng Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng Batas Militar, ang Pilipinas ay para bang nakasakay sa isang roller coaster, dahil sa magulong sistema ng pamahalaan at lipunan. Maraming inosente ang namatay dahil sa mga maling bintang at ang ating ipinagmamalaking sandatahan ay naging death machine ni Marcos laban sa mga katunggali niya. Ang kanyang mga sinabi sa kanyang inagurasyon noong 1965, mga proyekto niyang nakatulong sa nakararami ay nabahiran na ng dungis dahil sa kanyang pagdedeklara ng Proklamasyon Blg. 1081.
Inihatid niya ang Pilipinas sa daang bagsak ang ekonomiya, hati ang pananaw ng buong populasyon at mga giyera dahil sa iba’t-ibang paniniwala. Nawalan ng pag-asa ang mga Pilipinong biktima ng Martial Law upang makabangon.
Ngunit sa matuwid na daan, ang bawat isa ay dapat maniwalang may pag-asa pa, dahil tayo rin ang uukit ng maganda at bagong bukas. Tayo rin ang maghahatid sa ating mga sarili sa matiwasay na bansa, tungo sa kaunlaran. Huwag na natin sayangin ang panahon at ituwid natin ang kamalian, baguhin ang sistema at pag-isahin ang hangarin nating bagong Pilipinas.

1965 - 1969 | Ferdinand E. Marcos | P 3.95 | 1969 - 1983 | Ferdinand E. Marcos | P 11.00 | 1983 - 1986 | Ferdinand E. Marcos | P 14.00 |

Kamatayan
Pagkalipas ng tatlong taon, namatay siya noong Setyembre 28, 1989 sa Honolulu, Hawaii sa edad na 72 sa cardiac arrest matapos ng matagal na pakikipaglaban sa mga karamdaman ng bato, baga at puso
Himagsikang People power
Dahil sa mga iregularidad sa halalan, ang Reform the Armed Forces Movement ay naglunsad ng isang pagtatangkang coup d'eta laban kay Marcos. Ang simulang plano ay salakayin ang Malacanang Palace at dakpin si Marcos. Ang ibang mga unit ng military ay kokontrol sa mga stratehikong pasilidad gaya ng NAIA, mga baseng militar, mga himpilan ng radyo at telebisyon, ang GHQAFP sa Camp Aguinaldo, at mga highway junctions upang limitahan ang mga kontra-opensibo ng mga loyalistang hukbo ni Marcos. Si Lt. Col. Gregorio Honasan ang mangunguna sa pangkat na sasalakay sa Malacanang Palace. Gayunpaman, nang malaman ni Marcos ang tungkol pagbabalak na ito, kanyang inutos ang pagdakip sa mga pinuno nito[66] at itinanghal sa lokal at internasyonal na press ang ilan sa mga nadakip na mga nagtatangkang magpatalsik kay Marcos na sina Maj. Saulito Aromin and Maj. Edgardo Doromal.[67][68]
Dahil sa banta ng kanilang nalalapit na pagkakabilanggo, nagpasya sina Enrile at mga kapwa nagbabalak laban kay Marcos na humingi ng tulong AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen Fidel Ramos na hepe rin ng Philippine Constabulary (ngayong Philippine National Police). Si Ramos ay pumayag na magbitiw sa kanyang posisyon at suportahan ang mga nagbabalak laban kay Marcos. Noong mga 6:30 pm noong Pebrero 22, 1986, sina Enrile at Ramos ay nagdaos ng isang pagpupulong ng press sa Camp Aguinaldo kung saan nila inihayag ang kanilang pagbibitiw sa kanilang mga posisyon sa Gabinete ni Marcos at pag-urong ng kanilang suporta sa pamahalaan ni Marcos. Mismong si Marcos ay kalaunang nagsagawa ng mga pagpupulong ng balita na tumatawag kina Enrile at Ramos na sumuko na humihikayat sa kanilang "itigil ang kaestupiduhang ito". [69] Sa isang mensaheng isinahimpapawid sa Radio Veritas noong mga alas 9 ng gabi, hinimok ni Kardinal Sin ang mga Pilipino na tulungan ang mga pinunong rebelde sa pamamagitan ng pagpunta sa seksiyon ng EDSA sa pagitan ng Camp Crame at Aguinaldo at pagbibigay ng suportang emosyonal, mga pagkain at iba pang mga suplay. Maraming mga tao, pari at madre ang tumungo sa EDSA.[69] [70]
Sa kasagsagan ng rebolusyong People Power, inihayag ni Juan Ponce Enrile na ang pananambang sa kanya ay pineke upang magkaroon ng dahilan si Marcos sa pagpapataw ng martial law.[71]
Sa kasagsagan ng People Power Revolution, ang tinatantiyang isa hanggang tatlong milyong mga tao ang pumuno sa EDSA mula Ortigas Avenue hanggang sa Cubao. Ang nasa larawan ang area sa interseksiyon ng EDSA at Boni Serrano Avenue sa pagitan ng Camp Crame at Camp Aguinaldo, Pebrero 1986
Sa bukang liwayway ng linggo, ang mga hukbo ng pamahalaan ni Marcos ay dumating upang patumbahin ang pangunahing transmitter ng Radio Veritas na pumutol sa pagsasahimpapawid sa mga taong nasa probinsiya. Ang himpilan ay nilipat sa isang standby transmitter na may isang limitadong saklaw ng pagsasahimpapawid.[70] Ang himpilan ay pinuntirya ni Marcos dahil ito ay naging mahalagang kasangkapan ng pakikipagtalastasan para sa pagsuporta ng mga mamamayan sa mga rebelde na nagbibigay alam sa kanila sa mga pagkilos ng hukbo ni Marcos at paghahatid ng mga mensahe para sa pagkain, gamot at mga suplay.[69]
Ang mga tao ay patuloy pa ring tumungo sa EDSA hanggang sa lumobo sa mga daan daang libong hindi armadong mga sibilyan. Ang mood sa mga lansangan ay aktuwal na masaya na marami ay nagdadala ng kanilang mga buong pamilya. Ang mga mang-aawit ay nag-aliw sa mga tao, ang mga pari at madre ay nanguna sa mga prayer vigil at mga tao ay nagtayo ng mga barikada at makeshift na mga bag ng buhangin, mga puno at mga sasakyan sa ilang mga lugar sa kahabaan ng EDSA. Saanman, ang mga tao ay nakikinig sa Radio Veritas sa kanilang mga radyo. Ang ilang mga pangkat ay umaawit ng Bayan Ko[72] na mula pa 1980 ay naging makabayang antema ng oposisyon. Kadalasang ipinapakita ng mga tao ang tandang LABAN[73] na may nabuong "L" sa kanilang hinlalaki at hintuturo. Pagkatapos ng tanghalian noong Pebrero 23, nagpasya sina Ramos at Enrile na palakasin ang kanilang mga posisyon. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Camp Aguinaldo hanggang Camp Crame sa gitna ng mga paghihiwayan ng mga tao.[69] Sa gitnang katanghalian, ang Radio Veritas ay naghatid ng mga ulat ng pagmamasa ng mga Marine malapit sa mga kampo sa silangan at mga tangkeng LVT-5 na papalapit mula hilaga at silangan. Ang isang kontinhente ng mga Marin na may mga tangke at mga armoradong van na pinangunahan ni Brigadier General Artemio Tadiar ay pinahinto sa kahabaan ng Ortigas Avenue mga 2 km mula sa mga kampo ng mga sampung mga libong mga tao.[74] Ang mga madreng humahawak ng mga rosaryo ay lumuhod sa harapan ng mga tangke at ang mga babae ay naghawak hawak upang harangin ang mga hukbo.[75] Hiniling ni Tadiar sa mga tao na padaanin sila ngunit hindi gumalaw ang mga tao. Sa huli, ang mga hukbo ni Marcos ay umurong nang walang pagpapaputok ng baril na nangyari.[69] Sa gabi, ang standby transmitter ng Radio Veritas ay nabigo. Sa sandaling pagkatapos ng hating gabi, nagawa ng mga staff na pumunta sa isa pang himplian upang simulan ang pagsasahimpapawid mula sa isang lihim na lokasyon sa ilalim ng pangalang "Radyo Bandido". Sa bukang liwayway ng Lunes, Pebrero 24, 1986, ang unang mga malalang pagsagupa sa mga hukbo ng pamahalaan ay nangyari. Ang mga marine na nagmamartsa mula sa Libis sa silangan ay naghagis ng mga tear gas sa mga demonstrador na mabilis na kumalat. Ang ilang mga marine ay pumasok naman at humawak sa silangang panig ng Camp Aguinaldo.[69] Kalauna, ang mga helicopter ng ika-15 Strike Wing ng Philippine Air Force na pinangunahan ni Col. Antonio Sotelo ay inutusan mula sa Sangley Point, Cavite na tumungo sa Camp Crame.[76] Sa lihim, ang squadron ay dumipekto at sa halip na pagsalakay sa Camp Crame ay lumapag rito na may mga naghahiyawang mga tao at yumayakap sa mga piloto at mga crew nito. Ang isang helicopter na Bell 214 na piniloto ni Mahjor Major Deo Cruz ng ika-25 Helicopter Wing at mga Sikorsky S-76 gunship na piniloto ni Colonel Charles Hotchkiss ng ika-20 Air Commando Squadron ay mas maagang sumali sa mga rebelde sa himpapawid. Ang presensiya ng mga helicopter ay nagpalakas sa morale nina Ramos at Enrile na patuloy na humihikayat sa kanilang mga kapwa sundalo na sumali sa kilusan.[69] Sa katanghalian, si Corazon Aquino ay dumating sa base kung saan sina Enrile, Ramos, at mga RAM officer at mga tao ay naghihintay.[76]
Sa mga parehong oras, nakatanggap si June Keithley ng mga ulat na nilisan ni Marcos ang Malacanang Palace at isinahimpapawid ito sa mga tao sa EDSA. Ang mga tao ay nagdiwang at kahit sina Ramos at Enrile ay lumabas mula sa Crame upang harapin ang mga tao. Gayunpaman, ang pagdiriwang ay panandalian dahil kalaunang lumabas si Marcos sa telebisyong kinokontrol ng pamahalaan na Channel 4,[77] na nagdedeklarang hindi siya magbibitiw sa pagkapangulo. Pinagpalagay na ang maling ulat ay isang kalkuladong pagkilos laban kay Marcos upang humikayat ng masa maraming mga depeksiyon. [69] Sa pagsasahimpapawid na ito, ang Channel 4 ay biglaang naglaho sa himpapawid. Binihag isang kontinhente ng mga rebelde sa ilalim ni Col. Mariano Santiago ang himpilian. Ang Channel 4 ay naibalik sa ere sa katanghalian na naghahayg si Orly Punzalan na ang "Channel 4 ay muling nasa himpapawid upang paglingkuran ang mga tao". Sa mga panahong ito, ang mga tao sa EDSA ay lumobo na sa higit sa isang milyon.[69] Ang pagsasahimpapawid na ito ang itinuturing na pagbabalik ng ABS-CBN sa ere dahil ito ang unang beses na ang mga dating empleyado ay nasa loob ng complex nito pagkatapos ng 14 taong pagsasara nito ni Marcos noong martial law. Sa huling katanghalian, ang mga helicopter ng rebelde ay sumalakay sa Villamor Airbase na nagwawasak sa mga ari-ariang panghimpapawid ng pangulo. Ang isa pang helicopter ay tumungo sa Malacanang Palace na nagpatama ng isang rocket at nagsanhi ng maliit na pinsala. Kalaunan, ang karamihan ng mga opiser na nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) ay dumipekto sa pamahalaan ni Marcos. Ang karamihan ng mga Sandatahang Hukbo ay lumipat na sa kabilang panig
Ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Marcos(1965-1986)
Bago ng pamumuno ni Marcos noong mga 1951 hanggang 1965, ang Penn World Tables ay nag-ulat ng real na paglago sa GDP kada kapita na may aberaheng 3.5%. Sa ilalim ng rehimeng Marcos(1965-1986), ang taunang aberaheng paglago sa GDP ay 1.4% lamang. Ayon sa ilang sanggunian, ang taunang GDP ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1986 ay 1.8% lamang.[30] Iniulat ng World Bank na ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang ekonomiya sa Asya noong mga 1950 pagkatapos ng Hapon ngunit naging isa sa pinakamahirap na bansa sa Asya ngayon.[31][32] Ang mga taon ng maling pangangasiwa sa ekonomiya at pababago-bagong kondisyon sa politika noong rehimeng Marcos ang nag-ambag sa bumagal na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.[32] Ang opisyal na palitan ng piso-dolyar noong 1965 ay 3.90 piso kada dolyar ngunit bumagsak sa 19.030 piso kada dolyar noong 1985.[33] Sa mga dalawang dekada ng pamumuno ni Marcos, ang mga stratehiya sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas ay binubuo ng rebolusyong berde, ang pagluluwas na agrikultura at kagubatan at pangungutang sa dayuhan. Sa tulong ng mga pundasyong Rockefeller at Ford Foundations ay dinala ni Marcos ang rebolusyong berde sa Pilipinas. Ang mga repormang ito ay nagresulta sa matataas na mga tubo para sa mga transnasyonal na korporasyon ngunit pangkalahatang mapanganib sa mga maliit na magsasaka na kadalasang natutulak sa kahirapan[34] Pagkatapos ideklara ni Marcos ang Martial law noong 1972, siya ay nangakong magpapatupad mga repormang agrarian. Gayunpaman, ang mga reporma ng lupain na ito ay malaking nagsilbi upang pahinain ang mga kalaban sa lupain ni Marcos at hindi paliitin ang kawalang pantay sa mga lugar rural. [35][36] Mula 1972 hanggang 1980, ang produksiyon sa agrikultura ay bumagsak ng mga 30%.[37] Sa ilalim ni Marcos ang mga pagluluwas ng produktong kahoy ang isa sa mga pangunahing iniluluwas na produkto ng bansa. Ang kaunting pansin ay binigay sa mga epektong pangkapaligiran ng pagkakalbo ng mga kagubatan. Noong mga maagang 1980, ang industriya ay gumuho dahil ang karamihan sa mga malalapitang mga kagubatan ay naubos na.[38] Upang pondohan ang ilang mga proyekto ng pag-unlad sa ekonomiya gaya ng imprastruktura, ang administrasyong Marcos ay nangutang ng salapi sa dayuhan. Ang mga kapital na dayuhan ay inanyayahan na mamuhunan sa ilang mga proyektong industriyal. Ang mga dayuhan ay inalukhan ng mga pabuyang eksempsiyon sa buwis at pribilehiyo ng paglalabas ng kanilang mga kinita sa kanilang salaping dayuhan. Ang isa sa mga pinakamahalagang programa pang ekonomiya ni Marcos ang Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran na naglalayong itaguyod ang pag-unlad sa ekonomiya ng mga barangay sa pamamagitan ng paghikayat sa mga ito na magsagawa ng kanilang mga proyektong pangkabuhayan. Ang paglago sa ekonomiya ng Pilipinas ay malaking pinondohan ng tulong sa salapi ng Estados Unidos at ilang mga pangungutang sa dayuhan ng administrasyong Marcos. Sa panahong martial law, ang Pilipinas ang isa sa pinakamabigat na umuutang na bansa. Ang utang sa dayuhan ay kaunti sa 2 bilyong dolyar nang maging pangulo si Marcos noong 1965 ngunit umabot ng 28 bilyong dolyar nang mapatalsik siya sa pagkapangulo noong 1986. Ang malaking halaga ng mga utang pandayuhang utang na ito ay napunta sa bulsa ni Marcos at kanyang mga crony.[39] Ang mga utang na ito ay kasalukuyang binabayaran ng mga nagbabayad ng buwis hanggang 2025.[39] Sa kabila ng agresibong mga patakarang pangungutang at paggasta ng pamahalaan ni Marcos, ang Pilipinas ay nahuhuli sa mga iba pang bansa sa Timog Silangang Asya sa rate ng paglago ng GDP kada capita. Ang karamihan ng utang na ito ay ginugol as pagpapabuti ng imprastruktura at pagtataguyod ng turismo. Ang turismo ay tumaas na nag-ambag sa paglago ng ekonomiya. Ang karamihan ng mga turistang ito ay mga balikbayang Pilipino na bumalik sa ilalim ng Balikbayan Program na inilunsad noong 1973. Ang isa pang pangunahing pinagkunan ng paglago ng ekonomiya ang mga remittance ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa(OFW) na dahil hindi makahanap ng mga trabaho sa sariling bansa ay naghanap at nakatagpo ng trabaho sa Gitnang Silangan, Singapore at Hong Kong.[40] Ang pagluluwas ng mga manggagawa sa ibang bansa ay isang patakaran ni Marcos noong 1974.[41] Ang mga OFW na ito ay hindi lamang nakatulong sa pagpapaginhawa ng kawalang trabaho sa bansa sa mga panahong ito ngunit sumahod rin ng higit na kinakailangang foreign exchange para sa Pilipinas. Sa pagtatangka ni Marcos na maglunsad ng isang programa ng muling pag-ahon ng ekonomiya, si Marcos ay nakipag-ayos sa mga tagapagpautang na dayuhan kabilang ang International Bank for Reconstruction and Development, World Bank, at International Monetary Fund (IMF) para sa muling pag-iistruktura ng mga utang pandayuhan ng bansa upang magkaroon ng mas maraming panahon na mabayaran ang mga utang nito. Inutos ni Marcos ang isang pagbawas sa mga paggasta ng pamahalaan at gumamit ng isang bahagi ng mga naipon upang pondohan ang Sariling Sikap na isang programang pangkabuhayang kanyang itinatag noong 1984. Gayunpaman, ang ekonomiya ng Pilipinas ay nakaranas ng isang negatibong paglago mula 1984 at patuloy na bumagsak sa kabila ng mga pagsisikap ng administrasyon. Ang kabiguang ito ay sanhi ng kaguluhang sibil, ang talamak na korupsiyon sa loob ng pamahalaan ni Marcos at kawalan ng kredibilidad ni Marcos. Mismong nilihis ni Marcos ang malalaking bahagi ng salapi ng pamahalaan para sa mga pondong pangangampanya ng kanyang partido. Ang kawalang trabaho sa bansa ay lumobo mula 6.30% noong 1972 hanggang 12.55% noong 1985. Ang kawalang pantay sa sahod noong Martial law ay lumago dahil ang pinakamahirap na 60 porsiyento ng bansa ay kumukuha lamang ng 22.5 porsiyento ng sahod ng bansa noong 1980 na mababa mula sa 25 porsiyento noong 1970 samantalang ang pinakamayamang 10 porsiyento ng populasyon ay kumukuha ng mas malaking bahagi ng sahod ng bansa na 41.7 porsiyento noong 1980 na tumaas mula 37.1 porsiyento noong 1970. Ang mga trend na ito ay kasabay ng mga akusasyon ng cronyism sa administrasyong Marcos dahil ang administrasyon ay nahaharap sa mga tanong ng pagpapabor sa ilang mga kompanya na malapit kay Marcos.[42] Ayon sa Family Income and Expenditure Survey na isinagawa 1965 hanggang 1985, ang insidensiya ng kahirapan sa Pilipinas ay tumaas mula 41 porsiyento noong 1965 hanggang 58.9 porsiyento noong 1985. Ito ay maituturo sa mas mas mababang real na mga sahod pang-agrikultura at mas mababang mga sahod para sa wala at may kasanayang mga manggagawa. Ang real na mga sahod pang-agrikultura ay bumagsak ng mga 25 porsiyento mula sa kanilang 1961 lebel samantalang ang mga real na sahod para sa mga wala at may kasanayang trabahador ay nabawasan ng mga 1/3 ng kanilang 1962 lebel.

Ang Saligang Batas ng 1973
Kabilang ang pagbabago ng Saligang Batas sa mga pagbabagong naganap sa panahon ng panunungkulan ng Pangulong Marcos. Iminungkahi ang pagpapalit ng Saligang Batas (ng 1935) sa dalawang kadahilahanan:
1. Nayari ang Saligang Batas ng Pilipinas ng taong 1935 habang ang bansa ay kolonya pa ng Estados Unidos at nangangailangan ng pagpapatibay ng Pangulo ng Estados Unidos. Sa gayon, ito'y yari ng impluwensyang Amerikano.
2. Hindi na napapanahon ang mga tadhana ng lumang Saligang Batas sa paglutas ng mga suliranin at pagtugod sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Alinsunod sa kahilingan ng madla, pinagtibay ng Kongreso noong Agosto 24, 1970 ang Batas Republika (Republic Act) Bilang 6132 na nanawagan para sa isang Kombensyong Konstitusyonal sa taong 1971.

Similar Documents

Free Essay

Yeah

...yeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah y eah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah yeahyeah yeah yeah...

Words: 805 - Pages: 4

Free Essay

Yeah Yeah

...It is through ESPN.com 10 team league: HEAD TO HEAD POINTS (VERY QUALITY SCORING SETTINGS) 1st year league draft date= Saturday October 24th at 7:15PM ET, 4:15PM PT NEED OWNERS. The best NBA fantasy players average about the same points per game as the best NFL fantasy players. We will keep 10 players from year to year. Our roster looks like this Pg- Sg- Sf- Pf- C- G- F- Util- Util- Util- 8 bench spots, 2-3 IR slots Now it is very similar to FF. You don't have to worry about which categories to fill, all we have to worry about is having a team of the best NBA players, not category fantasy players. Here is the scoring: 1 point scored= .5 points (2 points scored= 1 point, 3 points= 1.5 points) Rebounds= .6 points (originally 1.2 but scaled down for realistic scores) Assist= .7 points (originally 1.4 but scaled down for realistic scores) Turnovers= -.7 (originally -1.4 but scaled down for realistic scores) Steal= 1 point (originally 2 but scaled down for realistic scores) Block= 1 point (originally 2 but scaled down for realistic scores) Nothing tricky about it. I've researched and poured over these scoring settings and no one position benefits from them over another position. They are SUPER EVEN.The best NBA players are the best fantasy players, no need to worry about anything else. One last thing, Leave your email, and your team name MUST be either a CITY or SCHOOL followed by a mascot of your choosing. You can mix them up though. Like you don't have to...

Words: 343 - Pages: 2

Free Essay

Be on U

...Flo Rida - Be On You (Ft. Ne-Yo) Lyrics [pic]  Send "Be On You (Ft. Ne-Yo)" Ringtone to your Cell  [pic] Be On You (Ft. Ne-Yo) Lyrics Ne Yo Ohhhhhhh ohhhhhhh ohhhhhh yeah yeah yeah Chorus I said excuse me little mama if I may,  Take this thought and send it your way,  And if you don’t like that, then send it right back, But I just gotta say I wanna be on you (on you), I wanna be on you (on you) And if you don’t like that, then send it right back But I just gotta say, I just gotta say Flo Rida (verse 1) Hey, sh sh shawty with no limits, that’s what I need all the time, I’m wit with with it, she with it, she not sure she put it down Come get get get it, the business, I hi hit it, whose is it The Benz with the windows tinted, oh I get dirty south Showning, like them grown men, goose patrongen  Let let me go in, sexy moanin, ca catch me jonesin Let no not ever with this little mama off schedule Got me achy, call me papi, hottest I be fly as feathers But but bout that, sh shawty housed that, you you got that prowl cat I wanna pop it like ecstasy, pretty face and all that But what I look for, this gal is hood core, but that is outdoors Deserve an encore, the definition of a shone Chorus Flo Rida (verse 2) Hey, I’m feeling you girl, wanna get close to you, no doubt My sister swagger should tell it more than anything can vouch Little mama you are what’s inside ghetto, fine I’ll make you proud So stuntalicious, I love it, lets at least work...

Words: 505 - Pages: 3

Premium Essay

Lyrics.Docx

...Charlie Puth "Marvin Gaye" lyrics [Chorus] Let’s Marvin Gaye and get it on You got the healing that I want Just like they say it in the song Until the dawn, let’s Marvin Gaye and get it on [Charlie] We got this king size to ourselves Don't have to share with no one else Don't keep your secrets to yourself It's karma sutra show and tell Woah There's loving in your eyes That pulls me closer It's so subtle, I'm in trouble But I'd love to be in trouble with you [Chorus] Let’s Marvin Gaye and get it on You got the healing that I want Just like they say it in the song Until the dawn, let’s Marvin Gaye and get it on You got to give it up to me I'm screaming mercy, mercy please Just like they say it in the song Until the dawn, let’s Marvin Gaye and get it on [Meghan Trainor] And when you leave me all alone I'm like a stray without a home I'm like a dog without a bone I just want you for my own I got to have you babe Woah There's loving in your eyes That pulls me closer It's so subtle, I'm in trouble But I'd love to be in trouble with you [Bridge] Let’s Marvin Gaye and get it on You got the healing that I want Just like they say it in the song Until the dawn, let’s Marvin Gaye and get it on [Chorus] Let’s Marvin Gaye and get it on You got the healing that I want Just like they say it in the song Until the dawn, let’s Marvin Gaye and get it on You got to give it up to me I'm screaming mercy, mercy please Just like they say it in...

Words: 1529 - Pages: 7

Premium Essay

I Love You

...Wae i-ron ne ma-mul a-jik mo-la Nan no-ye ma-u-mul a-jik jal mo-la ([Dara]Hey! ) [Dara] No-ye seng-ga-ge ba-men jam-do mot i-ru-da Dal-bi-che gu-de-rul to-o-lim-yo ne mam go-bek-heb-wa [CL] Wae i-ron ne ma-mul a-jik mo-la Nan no-ye ma-u-mul a-jik jal mo-la (Look at me now) [Bom] Ne ma-mul ba-rab-wa-yo I-ro-ke ([Dara] Like this) e-ta-nun-de ([Dara] A-ha) eh eh Ji-gum nal ja-ba-jo-yo Nut-gi jo-ne, eh, eh eh, eh eh, eh [Dara] I love you ([CL]I love you, Uuh, Uuh, Uuh, Uuh) [Dara]I love you ([Minzy]I love you, Uuh, Uuh, Uuh, Uuh) [CL] Mom-chu-ji ma-yo sa-rang no-re Mot-jin nol wi-he bulo-jul-ge Everyday I say yeah yeah yeah yeah yeah yeah I say yeah yeah yeah yeah yeah yeah [Minzy] Mom-chu-ji ma-yo sa-rang-i dance I ba-mul gu-de-wa bo-ne-go si-pun-de I say yeah yeah yeah yeah yeah yeah I say yeah yeah yeah yeah yeah yeah [Bom] Hmm, ne ma-mul ba-rab-wa-yo I-ro-ke ([Dara] Like this) e-ta-nun-de ([Dara] A-ha) eh eh [CL] Ji-gum nal ja-ba-jo-yo Nut-gi jo-ne, eh, eh, eh, eh~~ We can't go wrong (Bring it back) [Bom] Mil-go dang-gi-ji-nun ma-ra-jo-yo U-ri jo-gum-man sol-jik-he-jo-yo [Minzy] I said ooh, jil-tu-ha-ge ha-ji ma-yo Ooh, jip-chak-ha-ge ha-ji ma-yo [Dara] O-di-so mu-wol hal-ka gung-gum-he-yo Hok-si...

Words: 605 - Pages: 3

Premium Essay

Fire Starter

...lawyer, and her son, a student. She believes that God has helped her come this far. Anastasia believes that the Affirmative action is wrong because everyone should be treated equally no matter what your race, religion, or gender is. I agree with Anastasia because everyone should be given the same amount of help. Anastasia believes that flat tax is wrong/right because There’s an s under my clothes On my chest where no one else can see I light up when the doors are closed Yeah I’m free yeah And I wish I could make my move I can tell that you’re really into me And I don’t got a thing to lose, in my dreams, in my dreams Im a bad ass, jumping off the moving train Im a Jane Bond, putting all the guys to shame Im a wild card and Im going to steal your game You better watch out Im a fire starter Make your blood run faster I melt hearts like water Yeah Yeah oh Yeah Yeah I might look all innocent But the embers are burning inside of me And Im ready to take that step, can’t you see, cant you see? Im a bad ass, jumping off the moving train Im a Jane Bond, putting all the guys to shame Im a wild card and im going to steal your game You better watch out Im a fire...

Words: 283 - Pages: 2

Free Essay

Ahahah

...Elmer Ito ay bayan ni juan Hindi bayan ni run Dumating pa sa puntong Ang braso ay may bayanihan Bago magkalimutan Wag magsapilitan Walang papalitan Hindi 'to katatawanan ( chorus ) Wag kang maniniwala sa paligid mo (Hindi lahat ay totoo) Mga naririnig at nakikita mo (Isa-isang isipin 'to) Piliin mo ang iniidolo (Mga ginagawa't binibigkas) Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas Kung ika'y makata sa pinas Kamusta ka na idol Ako nga pala si Elmer Ikaw ang aking idol Ang idol ko na rapper Mula nang marinig ko Ang kanta mong simpleng tao Ako ay nabaliw nung Nilabas mo pa yung lando May bago ka bang album Penge naman ng kopya Meron ako nung luma Ang kaso nga lang pirata Sumusulat din ako Marunong din akong mag rap Gusto mo ipadinig ko sa'yo Wag kang kukurap Di lang ikaw ang idol ko Pati rin yung stickfiggas ...

Words: 4558 - Pages: 19

Free Essay

Top Songs

...------------------------------------------------- Top of Form MS MR – cosmic love flight facilities ft Elizabeth rose – I didn’t believe cold war kids – lost that easy yeah yeah yeahs – despair mumford and sons – whispers in the dark jinja safari – hiccups jinja safari – mermaids empire of the sun – dna andy bull – baby I am nobody now architecture in Helsinki – in the future massive attack – teardrops spiderbait – buy me a pony blur – song 2 silverchair – tomorrow the wombats – lets dance to joy division muse – knights of cydonia queens of the stone age – no one knows grinspoon – chemical heart modest mouse – float on augie march – one crowded hour radiohead – paranoid android pixies – where is my mind pixies – here comes your man pixies – debaser the smiths – this charming man the smiths – there is a light that never goes out the smiths – asleep glasvegas – the world is yours glasvegas – euphoria, take my hand the big pink – hit the ground the big pink – crystal visions Bombay bicycle club – shuffle Bombay bicycle club – always like this Bombay bicycle club – lights out, words gone The wombats – Tokyo The wombats – jump into the fog The wombats – techno fan The wombats – 1996 Karise eden – threads of silence The kinks – waterloo sunset The kinks – you really got me The kinks – all day and all of the night The kooks – naïve The kooks – seaside Ray lamontagne – let it be me Ray lamontagne – trouble Kings of leon – supersoaker ...

Words: 610 - Pages: 3

Free Essay

Oned

...It’s 8 o’clock in the morning!” Angeli asked grumpily as she sat herself by the kitchen counter. “I was wondering if you knew where Niall wandered off to last night.” Harry said. “Niall? I don’t know. Wasn’t he with you guys last night?” Angeli asked, deciding to make herself some breakfast since she doubted she’d be getting anymore sleep. “Um, yeah, he was. Thing is… I think I dozed off pretty early last night and then when I woke up, he wasn’t in his room so I thought he maybe went somewhere?” “Harry?” A small shaky voice joined in the conversation. “Mariah!” Harry smiled and Mariah’s eyes suddenly widened. “Um, Mariah? Are you okay?” Angeli laughed as she nibbled on her breakfast sandwich. “Yeah yeah, I’m okay. I look terrible and Harry’s here. It’s not that I care that Harry’s here, it’s that I don’t like being seen when I’ve recently just woke up.” Mariah stuttered. “Oh don’t worry about it. I’ve seen worse.” Harry nodded to Angeli’s direction. “Ha ha, very funny.” Angeli said, unimpressed with all the jokes Harry’s been saying about her since he stepped onto their flat. “Just wait a second, yeah?” Mariah still look...

Words: 1389 - Pages: 6

Premium Essay

Perfect Dedication for Ur Love

...(Ohh wooaahhh) x3 You know you love me I know you care Just shout whenever, And I’ll be there You want my love You want my heart And we would never, ever, ever be apart Are we an item? Girl quit playin’ We’re just friends, What are you sayin’? Said there’s another as you look right in my eyes My first love, broke my heart for the first time And I was like Baby, baby, baby ooh Like Baby, baby, baby noo Like Baby, baby, baby ohh I thought you’d always be mine (mine) Baby, baby, baby ohh Like Baby, baby, baby noo Like Baby, baby, baby ohh I thought you’d always be mine (mine) Oh oh For you, I would have done whatever And I just can’t believe we ain’t together And I wanna play it cool But I’m losin’ you I’ll buy you anything I’ll buy you any ring Cause I’m in pieces Baby fix me And just shake me till you wake me from this bad dream I’m goin down, down, down, down And I just can’t believe my first love won’t be around And I’m like Baby, baby, baby ohh Like Baby, baby, baby noo Like Baby, baby, baby ohh I thought you’d always be mine (mine) Baby, baby, baby ohh Like Baby, baby, baby noo Like Baby, baby, baby ohh I thought you’d always be mine (mine) (Luda) When I was 13, I had my first love There was nobody compared to my baby And nobody came between us, no one could ever come above She had me going crazy, oh I was star-struck, She woke me up daily, don’t need no Starbucks(Woo! ) She made my heart pound, I skip a beat when I see...

Words: 436 - Pages: 2

Free Essay

The Scarlet

...Fly lyrics I came to win, to fight, to conquer, to thrive I came to win, to survive, to prosper, to rise To fly, to fly I wish today it will rain all day Maybe that will kinda make the pain go away Trying to forgive you for abandoning me Praying but I think I'm still an angel away Angel away, yeah strange in a way Maybe that is why I chase strangers away They got their guns out aiming at me But I become near when they aiming at me Me, me, me against them Me against enemies, me against friends Somehow they both seem to become one A sea full of sharks and they all smell blood They start coming and I start rising Must be surprising, I'm just surmising I win, thrive, soar, higher, higher, higher More fire I came to win, to fight, to conquer, to thrive I came to win, to survive, to prosper, to rise To fly, to fly Everybody wanna try to box me in Suffocating every time it locks me in Paint they own pictures, then they crop me in [ From: http://www.elyrics.net/read/n/nicki-minaj-lyrics/fly-lyrics.html ] But I will remain where the top begins 'Cause I am not a word, I am not a line I am not a girl that can ever be defined I am not fly, I am levitation I represent an entire generation I hear the criticism loud and clear That is how I know that the time is near See we become alive in a time of fear And I ain't got no motherfucking time to spare Cry my eyes out for days upon days Such a heavy burden placed upon me But when you go...

Words: 390 - Pages: 2

Free Essay

Yeah

...| Hedonic consumers | Utilitarian Consumers | Product/service innovation—your purple cow | Gum that has the ability to react something in your brain to recall a favorite memory. | Gum that has ADHD medicine in it. | Target Market and persona | Adults aged 35+ | High school and college students. | Goal | Our goal is to have this new brand out and selling to adults with a 10% increase in sales within a year of being put on the shelves. | Our goal is to sell 20% more gum in the first 6 months of releasing, while seeing students test scores go up as well. | Theory-based strategy 1 (name theory, define and use) | Hedonic Motivation: drive to experience something emotionally gratifying. This new gum will help adults retrieve some of their favorite memories so this will bring in customers that are looking to remember some things very vividly. Because many people will love this emotional aspect of the gum it will drive up sales. | Utilitarian Motivation: drive to acquire products that can be used to accomplish something. This gum will release some ADHD medicine so that students will be able to concentrate better while studying. Gum already increases concentration while studying so not too much of the medicine will be needed but there will be enough for students to see a difference. | Theory-based strategy 1 (name theory, define and use) | Social Networking: We would get some iElites to tweet or talk on Facebook...

Words: 313 - Pages: 2

Premium Essay

Yeah

...Reflective Essay One: My Leadership Manifesto What type of leader am I? I’m not a very good leader right now. I usually try to avoid the spotlight when possible. There are times when I am the lead tech on shift though. I try to lead by example. I don’t like to just sit around when there are jets to be fixed. I like to take initiative to figure out a plan for us to complete our work on time. What type of leadership style do I use? The transactional leadership style is probably the one that I use the most. I don’t like micromanaging at all though. I hate when leadership comes and checks on you every 5 minutes. Just let me get my work done without distractions. I would love to be a transformational leader but I just don’t have the dedication and work ethic to become one at this moment in my life. I just like to focus on the task at hand. I come into work and find out what needs to get done. Then I prioritize it all and get everything accomplished as efficiently and timeliness as I can. What type of NCO am I (want to be)? I want to be in expert in my AFSC and be someone my fellow airman can look up to. Someone that they can come to with any problem without fear of reprisal. I want my subordinates to follow what I say because they want to and not because they have to. I also want to be able to stick up for my fellow airman when they need it. I don’t like NCO’s that just care about their own careers and throw others under the bus. What are my strengths? It’s hard...

Words: 414 - Pages: 2

Free Essay

Yeah

...H61M-VGS R2.0 / H61M-VS R2.0 User Manual Version 1.0 Published September 2011 Copyright©2011 ASRock INC. All rights reserved. 1 Copyright Notice: No part of this manual may be reproduced, transcribed, transmitted, or translated in any language, in any form or by any means, except duplication of documentation by the purchaser for backup purpose, without written consent of ASRock Inc. Products and corporate names appearing in this manual may or may not be registered trademarks or copyrights of their respective companies, and are used only for identification or explanation and to the owners’ benefit, without intent to infringe. Disclaimer: Specifications and information contained in this manual are furnished for informational use only and subject to change without notice, and should not be constructed as a commitment by ASRock. ASRock assumes no responsibility for any errors or omissions that may appear in this manual. With respect to the contents of this manual, ASRock does not provide warranty of any kind, either expressed or implied, including but not limited to the implied warranties or conditions of merchantability or fitness for a particular purpose. In no event shall ASRock, its directors, officers, employees, or agents be liable for any indirect, special, incidental, or consequential damages (including damages for loss of profits, loss of business, loss of data, interruption of business and the like), even if ASRock has been advised of the possibility of such damages...

Words: 10792 - Pages: 44

Premium Essay

Yeah

...Lance Voorhees January 16, 2012 Problem/Solution Essay Underage Drinking Underage drinking has been a growing problem in today’s youth. Nowadays teens and young adults are influenced by alcohol everyday. Whether it is by friends, advertisements, celebrities, or even family. Alcohol abuse amongst minors, needs to be abolished. To help end this growing problem, classes taught on drugs and alcohol, in all schools, should be required. Along with simply teaching minors, in school, the health issues and dangers of alcohol abuse, parents need to do a better job of knowing what their teens are doing. Communication, not only between parents and their children, but also between siblings and friends, has a great impact on the decisions they will make. When it comes to peer pressure, minors must realize what is best for their safety and choose wisely who their friends are. Required classes, strictly on the use of drugs and alcohol, taught in schools, would have an enormous impact on teens. With it being a required course, students would have no choice but to attend. Not only would they be learning the health issues of these substances, they would be being tested and graded on their knowledge of the subjects. This would force teens to listen to and take into consideration, the risk of substance abuse. Being in the classroom and learning with other people of the same age group could help students create positive, drug and alcohol free, friendships. Having friends who have the same understanding...

Words: 662 - Pages: 3