Free Essay

Youtube: a New Way to Stardom

In:

Submitted By marianlala
Words 4878
Pages 20
BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan
Kolehiyo ng Edukasyon

YOUTUBE: BAGONG PARAAN NG PAGSIKAT

Ipinasa nina:
Rowelson Catanghal
Joanna Marie Clemente
Marian Desiree Suba
Krizzha Francisco
Mary Grace Ignacio
Lyka Camua

Ipinasa kay:
G. Orlando D. Pineda

PANIMULA
Mayroon ka bang video na gusto mong ibahagi at mapanood ng ibang tao? Pamilyar ka ba kina Moymoy Palaboy, Alyssa Alano o Charice Pempengco? Ang dalawang tanong na ito ay umiikot lang sa iisang ideya, ang YouTtube.
Ang YouTube ay isa sa pinakasikat na website ngayon na inilunsad noong 2005. Ito ay nagbibigay-daan sa isang indibidwal na makapagbahagi ng mga video sa pamamagitan ng pag-upload nito sa internet. Ang mga video na mai-uupload ay maaaring husgahan o lagyan ng mga komento. Ang bilang ng mga nanood at mga komento ay mailalathala rin dito. (http://tl.wikipedia.org/wiki/YouTube)
Pigura 1. YouTube logo galing sa Wikipedia, the free encyclopedia http://en.wikipedia.org/wiki/File:YouTube_logo.sg

Panahon na ng modernisasyon. Unti-unti ng umuunlad ang Pilipinas lalo na pagdating sa teknolohiya. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay umunlad din ang paraan natin ng ating pamumuhay. Isa na dito ang pagkakaroon natin ng mga advanced na kagamitan gaya ng kompyuter. Ang kompyuter ay ginagamit natin upang mapadali ang ating pamamaraan sa buhay. Maraming tao rin ang gumagamit ng kompyuter para maging libangan. Sa pagkauso ng internet ay napadali ang komunikasyon at pagbabahagi ng anumang impormasyon. Kaya naman, maging ang pagsikat ay naging mas madali rin.
Sino ba ang hindi gustong makilala? Hindi ba’t bukod sa yaman ay ito ang gusto nating makamit? Bihira yata ang tatanggi sa pagkakataong gaya nito. Kaya naman, sa paglulunsad ng website na ito, napadali ang mithiing ito ng nakararami. Ito ang dahilan kung bakit patok na patok ngayon ang YouTube.
Kaya naman nabuo ang panananaliksik na ito na naglalayong tugunan ang mga kaakibat na tanong na may kinalaman sa YouTube bilang isang daan sa kasikatan. Nais ng mga mananaliksik na humanap ng katugunan sa mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang pinakamabuting epekto ng panonood ng YouTube? 2. Ano ang pinakamasamang epekto ng YouTube? 3. Para naman sa mga tumatangkilik at mga miyembro ng website na ito, anu-ano ang kanilang paraan para makahikayat ng pansin? 4. Bakit nagiging patok ang mga paraang ito ng pagpapasikat sa YouTube?
Pinagmulan ng YouTube
Pigura 1. Kasalukuyang headquarters ng YouTube sa California http://en.wikipedia.org/wiki/File:901cherryave.jpg Ang YouTube ay sinimulan ng dating mga empleyado ng Pay Pal na sina Steven Chen, ChadHurley at Jawed Karin. Noong 2006 ay binili ng Google ang nasabing website. Ang istorya ng pagkakabuo ng YouTube ay nagsimula nang mahirapan sa pagpasa ng mga video ang tatlong magkakaibigan sa isang dinner party sa bahay ni Chen. Pinasimulan ng tatlong magkakaibigan ang kauna-unahang video na lumabas sa YouTube na may pamagat na ME AT THE ZOO. Si Jawed Karin ang unang gumamit ng nasabing website. Taong 2009 nang naitala ang ikatlong anibersaryo ng Google kung saan inihayag ng Chad, na nakatatanggap ng mahigit sa isang bilyon na views ang YouTube araw-araw.
Youtube Star Wanna-be
Gusto mo bang maging isa sa tinaguriang YouTube Star? Ngayong mayroon ng tinatawag na Youtube, madali na lang para sa isang tao ang makapagpasikat o makapukaw ng pansin ngunit may ilan pa ring balakid. Sa ngayon, 13 oras ng video ang ina-upload sa YouTube sa bawat minuto. Sa dami ng bilang na ito, paano makakamit ng isa ang inaasam na kasikatan?
Ayon sa artikulo ni Kevin Nalto na inilathala sa internet, ang mga gustong mapabilang sa mga Youtube Star ay mayroong isa sa apat na mga sumusunod na kadahilanan: (http://knol.google.com/k/how-to-get-popular-on-youtube#) 1. Una, sila’y mga tagapagpalabas na naghahanap ng mapagtatanghalang entablado 2. Ikalawa, nais nilang makapagbenta ng produkto o magbigay kasiyahan sa mga manonood. 3. Ikatlo, nais nilang punuan ang kakulangan sa tiwala sa sarili sa pamamagitan ng mga positibong komento at dami ng bilang at boto na manood sa kanilang video. 4. Panghuli, nais nilang makakonekta o makipag-ugnayan sa ibang tao at maibahagi ang kanilang mga karanasan sa iba.

Wanna be an Instant Celebrity?
Moymoy Palaboy
Sino ba ang hindi nakakakilala kina “Moymoy” at “Roadfill” o mas kilala bilang “Moymoy Palaboy”? Kahit sino yata, bata man o matanda, may ngipin o wala ay hindi mapigilan ang humalakhak kapag napapanood silang mag-lipsync habang nagpe-perform. Sa isang artikulo sa Philippine Daily Inquirer, ganito ang nakasaad:
The latest YouTube sensation is not a singer in the usual sense, but two Pinoy lip-synching siblings, whose uproarious antics have earned them fans worldwide, including Peter Cetera of the famous 1970s group, Chicago.

Pigura 2. Moymoy Palaboy http://sonymusicphil.files.wordpress.com/2009/03/moymoy-palaboy-album-image.jpg Mayroon na silang mahigit sa 7,400 na regular na tagasubaybay saan mang panig ng mundo kabilang na sa Mexico, America at dito sa Pilipinas. Mula sa YouTube ay unti-unti silang sumikat at maging sa telebisyon ay nakikita na rin sila.
Una silang napanood noong June 27, 2008 sa “IYOTube” ng Bubble Gang sa GMA7 at ngayon ay regular na sila sa show na ito. Nagkaroon na rin sila ng sariling album sa ilalim ng Sony BMG at nagtamo sila ng karangalan bilang “Most Popular Novelty Singers” ng Guillermo Foundation Scholarship Award. Talagang malayo na ang narating ng magkapatid na ito.

Dancing Inmates
Pamilyar ka ba sa Cebu Provincial Datention and Rehabilatation Center? Ang kulungan na ito ay naging popular dahil sa bersyon ng mga tinaguriang dancing inmates ng Thriller video ni Michael Jackson.
Pigura 3. Cebu Dancing Inmates http://blog.asiahotels.com/wpcontent/uploads/2009/09/cebuprisoners.jpg Noong una’y nagsimula lamang sila sa isang programa ng pag-eehersisyo kung saan sabay-sabay silang gagalaw ayon sa saliw ng musika. Nakita ng official security advisor nila na maganda ang kanilang ginagawa kaya naisipang isabay ito sa iba’t ibang popular na kanta at isa na nga dito ang Thriller ni Michael Jackson.
Nang i-upload ang video nito sa YouTube, umani agad ito ng malaking bilang ng viewer. Sa katunayan, noong ika 19 ng Disyembre, 2007, sa artikulo ng Time Magazine na may pamagat na “Most Popular Viral Videos”, lumabas na naging panlima sila sa bersyon nila ng Thriller sa Top 10 list. Maging si Michael Jackson ay napabilib nila mismo nang makita niya ang video ng mga ito kaya naman ngayon ay kasali na ang mga dancing inmates sa official music video na tribute para sa King of Pop.
Teen Singing Sensation
Sinong mag-aakala na ang YouTube ang magiging daan upang matupad ng isang aspiring singer ang kanyang pangarap na magkaroon ng international recording break? Si Charice Pempengco, finalist ng Little Big Star ay handa nang ipakita ang kanyang talent sa buong mundo.
Figure 4. Charice Pempengco http://salbehe.files.wordpress.com/2009/10/charice-pempengco.jpg Isang talent management na nakabase sa Sweden ang nakapanood ng video ni Charice sa YouTube habang kinakanta ang “I Will Always Love You” ni Whitney Houston. Simula noon, umabot na sa 287, 287 views si Charice at patuloy pa itong dumarami lalo na nang may nag-upload ng video niya kasama si Bianca Ryan, isang finalist sa America’s Got Talent. Dahil dito, ang Ten Songs Productions ay agad kinontak ang manager para sa isang recording contract.
Dahil sa angking galing sa pagkanta at sa pamamagitan ng Youtube ay malayo na ang narating ni Charice. Nakarating siya sa iba’t ibang panig ng mundo at nakapag-guest na na iba’tibang sikat na palabas sa ibang bansa.
Paano sumikat sa Youtube? Hindi na nga maikakakila na dumarami na ang bilang ng tumatangkilik sa YouTube. Bunga nito, lumalabas na isa sa isang milyong pagkakataon na ang video na iyong ia-upload ay mapansin ng sinumang maaaring makadiskubre sa iyo. Upang matugunan ang suliraning ito, dapat lang na maghanap ang isa ng paraan kung paano siya makaaangat sa iba pang nagnanais din magtamo ng kasikatan. Isa sa mga paraan ay ang paggamit ng props habang sumasayaw. Makatutulong ito upang mapukaw ang atensyon ng mga manonood. Maaari ring magpasiklab sa biritan. Oo nga’t marami na ang mga singer ngunit bihira ang may tunay na talent kaya naman isa itong magandang paraan para umangat sa YouTube. Isa namang kakaibang paraan ang pag-mamagic. Patok din ang komedya kaya maaaring gawing katawa-tawa ang sarili. Sino bang hindi gusto ng katatawanan? Kung kakaiba namang kasikatan ang iyong hanap, maaaring magpakita ng kakayahan sa pamamagitan ng pananakit sa sarili.
Iba’t ibang Kategorya sa YouTube
Halos hindi na mabilang ang mga video na ina-upload sa YouTube. Sa katunayan, sa sobrang dami ng mga video na ina-upload, ginawan ito ng mga kategorya upang mapadali ang paghahanap ng mga video na nais mong masilayan bilang viewer.
Narito ang ilang kategorya ng mga video mula sa “Video Categories Found on YouTube”(http://www.icmart2009.org/?p=68): 1. Isa sa mga pinakapopular na category ay ang comedy. Masasabing patok ang kategoryang ito at pinipili ng kahit anong edad. Sinabi pa nga sa artikulong “Video Catgories Found on YouTube”:
“A large number of the comedy videos found on YouTube are staged or rehearsed, but there are many videos that were just taken at the spur of the moment. Many times, you will find that these videos are the funniest. No matter what type of YouTube comedy video you watch, you will likely be left laughing.”

2. Isa pang sikat na kategorya ay ang entertainment. Maraming pagpipilian sa kategoryang ito. Dito makikita ang iba’t ibang music videos, mga pelikula at pati television shows. 3. Mayroon ding kategorya ukol sa mga hayop. Ito ay ang Pets and Animals. Maraming mga uploader ang madalas mag-upload ng mga video ng kanilang mga alagang hayop na may ginagawang katuwa-tuwa, kakaiba at cute. Tiyak na mag-eenjoy manood nito ang mga pet-lovers. 4. Nandiyan din ang kategoryang Travel and Places. Ang mga video naman sa kategoryang ito ay nagbibigay impormasyon sa mga manonood. Nakasaad pa nga sa artikulong “Video Catgories Found on YouTube”:
“Travel and places is another popular video category on YouTube. This YouTube category also acts, in a way, to educate viewers….. If you are interested in planning a vacation, but you don’t know yet where you should go, you will want to examine some of the travel and places videos that can be found on YouTube.”

5. Isa rin sa mga kategorya ay People and Blogs. Ito naman ang kategorya kung saan ang mga member ay nag-aupload ng mga video tungkol sa kanilang mga sarili. Isang popular na klase ng video sa ilalim nito ay ang video blog. Ang mga video blog na ito ay para ring mga tradisyunal na blog. Ang kaibahan nga lang ay pa-video ito sa halip na pasulat.
Ang iba pang mga kategorya ay How-To and Do It Yourself, Gadgets and Games, Film and Animation, Autos and Vehicles, Sports, Music, and News and Politics.
Mabuti at Masamang Epekto ng YouTube Ang YouTube nga ba ang pinakamabisang paraan upang makilala? Laganap na talaga ang “YouTube Fever”. Buhat nang simulan ang website na ito noong 2005 ay nagkaroon na ng pagkakataon ang karamihan na makapag-upload ng kahit anong video na kanilang ninanais. Marami kang bagay na matutuklasan at matutunan sa panonood dito. Maaari ka ring makapagdownload ng mga video batay sa napili mong kategorya, mapa-music video man ito, interview o katatawanan.
Ang pinakatampok na mabuting dulot ng website na ito ay ang kasiyahang idinudulot nito sa mga taong tumatangkilik dito, mapa-member man o viewer. Kasiyahan para sa member dahil natutupad ang kanyang naisin na ma-ibroadcast ang kanyang sarili at kasiyahan din para sa viewer dahil nagsisilbing libangan ang panonood ng mga kakatwang videos dito. Nakasaad nga sa artikulong “Most Watched YouTube Video Categories” (http://techcrunchies.com/top-youtube-video-category/) na ang dalawang kategorya na pinakapinanonod sa YouTube ay ang Music at Entertainment na parehong nagbibigay kasiyahan at kaaliwan sa mga manonood. Dagdag pa rito, likas na ang pagiging masiyahin nating mga Pilipino kaya naman mahilig tayo sa mga nakakatawang panoorin. Ganito ang binanggit sa isang blog : (http://spongybobby.multiply.com/journal/item/16)
“Batay sa pinakabagong pagsusukat na isinagawa ng grupo ni Ronald Inglehart, ang Pilipinas ay ang pang tatlumpu't walo sa pinakamasasayang tao sa buong mundo. Kahit hindi man natin alam ito ay masasabi nating likas talagang masayahin ang mga Pinoy.”

Isa pa sa mabuting dulot ng website ay ang pagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng mga video blog. Nandiyan ang listahan ng mga video na nagtuturo kung paano ang tamang pagluluto ng iba’t ibang mga putahe. Mayroon din namang video ukol sa mga lugar na nagsisilbing gabay sa mga manonood na nais maglakbay. Idagdag pa rito ang mga video ng mga nakaraan at maging mga latest na balita.
Ang YouTube din ang nagsisilbing unang entablado ng mga taong nais makilala. Hindi ba’t dito natin unang nakita ang ilan sa mga sikat na personalidad gaya nila Moymoy Palaboy, Alyssa Alano at maging si Charice Pempengco? Sa pamamagitan ng Youtube, nakikilala natin ang mga taong nagsisimula pa lang sumikat.
Dahil nga isa na itong sikat na website, isa na rin itong epektib na paraan ng pakikipag-communicate. Malaki ang naitutulong nito sa mga taong nais magpahayag ng kanilang gustong sabihin. Madali lang kasi ang proseso ng pag-aupload ng mga video kaya pwede ito para sa lahat.
Ngunit, hindi lang puro positibo ang hatid sa atin ng YouTube, may iba pang naidudulot ang website na ito. Mayroon din itong masamang epekto. May ilang video ang nailalagay sa YouTube gaya ng pag-iinuman o iba pang bisyo, pag-aaway at kung minsan ay mayroon ding ilang malaswa. Lingid sa kaalaman ng nakararami, hindi lang matatanda ang gumagamit ng nasabing website, nandiyan din ang mga bata. Binanggit naman sa artikulong “Advantages and Disadvantages of YouTube” (http://webupon.com/video/advantages-and-disadvantages-of-youtube/) ang pahayag na:
“The thing that some users do not realize is that YouTube is not only used by adults, children use it too.”

Hindi naman lahat ng video ay masususing na-iiscreen ng YouTube kaya di maiwasan na magkaroon ng mga video na marahas at malaswa ang nilalaman. Sinabi nga sa artikulong isinulat nina Kirkup at Martin (http://www.telegraph.co.uk/technology/3358061/YouTube-attacked-by-MPs-over-sex-and-violence-footage.html:)
“The site does not vet videos before the go online, instead relying on users to report "inappropriate" content, with staff removing those that they judge to be unsuitable.”

Sa artikulo ni Siobhan Courtney na “Pornographic Videos Flood YouTube” (http://news.bbc.co.uk/2/hi/uk_news/8061979.stm), ganito ang nakasaad:
"Children will find inappropriate material around the internet anyway. This kind of raid showed how easy it is to upload porn to a website that millions of people browse on a daily basis".

Tila mas marami pa nga ang bilang ng mga kabataan na tumatangkilik dito. Dahil dito, mas nagiging mulat sila sa mga mararahas na lengguahe, mga brutal na gawain at maging sa kahalayan na hindi naman nararapat para sa mura nilang isispan.
Ang ibang kabataan naman, dahil sa sobrang pagkahumaling sa pag-iinternet ay nakalilimutan na ang kani-kanilang responsibilidad. Nariyan na dahil sa masyadong paglilibang sa panonood ng mga video ay nakalilimutan nang gumawa ng takdang-aralin. Bihira na rin silang mautusan o kung minsan pa nga’y bihira na ring matagpuan sa bahay dahil nakababad sila sa kompyuteran. Sa madaling salita, napababayaan na nila ang kanilang pag-aaral at nawawalan sila ng oras sa bahay.
Pagsusuri sa Youtube Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng descriptive method sa pagtatala, paglalahad at pagpapakahulugan sa mga bahagi ng pag-aaral. Nagsagawa ang mga mananaliksik ng pagseserbey kung saan naghanda sila ng sulat na ipinawasto sa kanilang guro upang maging pormal at makatotohanan ang ginawang pananaliksik. Checklist questionnaire ang ginamit sa pagseserbey kung saan sasagutin ng limampung napiling respondents mula sa Bulacan State University ang mga nakatalang katanungan sa pamamagitan ng pagtsetsek ng isa mula sa pamimiliang sagot. Ito ay binubuo ng apat na katanungan na masusing binuo ng mga mananaliksik. Ang mga tanong sa checklist questionnaire ay ibinase sa layunin ng pag-aaral na alamin ang opinyon ng mga tao na tukuyin ang pinakamabuti at pinakamasamang epekto ng panonood ng YouTube. Layunin din ng talatanungang ito na alamin ang pinakamabisa at pinakamagandang paraan upang mapabilis ang pagsikat ng isang tao sa naturang website. Samantala, ang mga pamimiliang sagot naman sa bawat katanungan ay ibinase ng mga mananaliksik sa kanilang nakalap na kaugnay na literatura. Matapos buuin ang questionnaire ay isinangguni nila ito sa kanilang guro sa naturang pag-aaral upang maiwasto at mabalideyt. Isa-isang ipinamahagi ang mga talatanungan sa limampung respondents at saka ito pinasagutan pagkatapos ihayag sa kanila ang layunin ng ginagawang pananaliksik. Matapos nito ay itinally na ang mga sagot ng respondents. Sa pagpoproseso ng nakalap na sagot, gumamit ang mga mananaliksik ng frequency at percentage. Mula sa 50 respondents ay kinuha ang frequency sa pamamagitan ng pagtatala kung ilang beses lumabas ang mga sagot. Saka naman kinuha ang percentage nito sa pamamagitan ng pagdi-divide ng bilang ng mga sumagot sa bawat katanungan sa kabuuang bilang ng mga respondents na limampu. Halimbawa, sa unang katanungan, mula sa limampung respondents, dalawampu’t lima ang pumili sa unang kasagutan. Idinivide ito sa kabuuang bilang na 50 saka iminultiply sa 100 upang makuha ang 50%. Ang una hanggang ikatlong katanungan ay may mga pamimiliang kasagutan kaya naman ang nakuhang frequency at nakalkulang bahagdan mula sa sagot tatlong tanong na ito ay inilagay sa talahanayan upang maging maayos ang presentasyon ng mga datos. Sa ika-apat na tanong naman, dahil walang nakalistang pamimilian, pinagsama-sama ng mga mananaliksik ang mga magkakamukang sagot ng mga respondents at saka kinuha ang frequency at bahagdan ng mga ito. Gumamit naman ng pie graph ang mga mananaliksik dito sa huling katanungan upang maging mas malinaw at madali ang pag-intindi sa resulta.
RESULTA AT INTERPRETASYON
Persepsyon ng mga Kabataan sa YouTube
Makikita sa Talahanayan 1 ang buod ng frequency measures at descriptive measures ng persepsepyon ng mga kabataan sa YouTube bilang isang phenomenon.
Talahanayan 1
FREQUENCY DISTRIBUTION AT DESCRIPTIVE MEASURES NG PERSEPSYON NG MGA KABATAAN SA YOUTUBE BILANG ISANG PENOMENON
(N=50)
Tanong | Frequency | Percentage | 1. Alin sa mga ito ang pinakamabuting epekto ng panonood ng YouTube? a. nagbibigay ng malawak na impormasyon sa maraming bagay b. nagbibigay ng kasiyahan c. nakatutulong sa pakikipagkomunikasyon d. nakikilala natin ang mga taong nagsisimula palang sumikatKabuuan | 19253350 | 38%50%6%6%100% | 2. Alin sa mga ito ang pinakamasamang epekto ng panonood ng YouTube? a. nagiging bayolente b. nawawalan ng oras sa bahay c. namumulat ang mga kabataan sa pornograpiyang imahe at palabas d. nagiging pabaya sa pag-aaral Kabuuan | 49251250 | 8%18%50%24%100% | 3. Alin sa mga sumusunod na kaparaanan ang sa palgay mo’y pinakagamitn ng maraming upoeaders upang mapabilis na pasikatin ang kanilang sarili? a. gumamit ng mga props habang sumasayaw b. magpasiklab sa biritan c. mag-magic d. gawing katawa-tawa ang sarili e. magpakita ng kakayahan sa pamamagitan ng pananakit sa sariliKabuuan | 87526450 | 16%14%10%52%8%100% |
Sa kabuuang 50 respondents, 25 o limampung bahagdan ang sumagot na ang pinakamabuting epekto ng panonood ng YouTube ay nagdudulot ito ng kasiyahan sa mga gumagamit nito. Siguro, ito ay dahil karamihan sa mga madalas panoorin ng mga viewers sa YouTube ay ‘yung may temang katatawanan. Nakasaad sa artikulong “Most Watched YouTube Video Categories” (http://techcrunchies.com/top-youtube-video-category/) na ang dalawang kategorya na pinakapinanonod sa YouTube ay ang Music at Entertainment na parehong nagbibigay kasiyahan at kaaliwan sa mga manonood. Sinabi rin sa artikulong “Video Categories Found on YouTube”: “ A large number of the comedy videos found on YouTube are staged or rehearsed, but there are many videos that were just taken at the spur of the moment. Many times, you will find that these videos are the funniest. No matter what type of YouTube comedy video you watch, you will likely be left laughing.”

Gayunpaman, malaki rin ang bahagdan ng nagsabi na nagbibigay ito ng malawak na impormasyon sa maraming bagay. Umabot sa 19 o tatlumpung-walong porsyento ang pumili ng sagot na ito. Marahil ang mga sumagot nito ay pamilyar na sa pamamagitan ng YouTube ay maaari rin silang makakuha ng imporyasyon. Isang halimbawa nito ay ang impormasyon tungkol sa iba’t ibang lugar. Marami rin kasing video na ina-upload na tungkol sa pagbisita sa mga lugar. Sa pamamagitan ng pag-aupload nito sa YouTube, maaari itong maging guide para sa ibang taong nais pumunta rin sa parehong lugar. Ganito ang binanggit sa artikulong “Video Categories Found on YouTube”:
“Travel and places is another popular video category on YouTube. This YouTube category also acts, in a way, to educate viewers… If you are interested in planning a vacation, but you don’t know yet where you should go, you will want to examine some of the travel and places videos that can be found on YouTube.”

Para sa ikalawang katanungan, muli ay 25 o limampung porsyento ang nagsabi na ang pinakamasamang epekto ng panonood ng YouTube ay nagiging daan ito sa pagkamulat ng mga kabataan sa pornograpiyang imahe at palabas. Siguro, dahil ang YouTube ay isang website na malayang nagpapahintulot sa mga users nito na mag-upload ng kani-kanilang mga video, hindi maiwasan na sa sobrang dami ay nahihirapan na ang mga administrador ng website na i-screen mabuti ang bawat ina-upload na video. Sinabi nga sa artikulong isinulat nila Kirkup at Martin: (http://www.telegraph.co.uk/technology/3358061/YouTube-attacked-by-MPs-over-sex-and-violence-footage.html)
“The site does not vet videos before the go online, instead relying on users to report "inappropriate" content, with staff removing those that they judge to be unsuitable.”

Dahil nga sa hindi naman pala tiyak na naiiscreen ang mga video na ina-upload, maaari nga itong maging simula ng pagkamulat ng kabataan sa pornograpiya. Kung inaakala natin na dahil bata pa sila at wala pang alam sa mga ganoong mga bagay, naiisasantabi natin ang posibilidad na sanay na rin sila sa paggamit ng mga kompyuter. Kaya naman binanggit naman sa artikulong “Advantages and Disadvantages of YouTube”: (http://webupon.com/video/advantages-and-disadvantages-of-youtube/) “The thing that some users do not realize is that YouTube is not only used by adults, children use it too.”

Dagdag pa rito, likas na mausisa ang mga kabataan kaya naman sa paghahanap ng impormasyon sa internet ay hindi nila maiiwasan na mamulat sa mga ganitong bagay. Sa artikulo ni Siobhan Courtney na “Pornographic Videos Flood YouTube”, ganito ang nakasaad: (http://news.bbc.co.uk/2/hi/uk_news/8061979.stm)
"Children will find inappropriate material around the internet anyway.
This kind of raid showed how easy it is to upload porn to a website that millions of people browse on a daily basis".

Sa ikatlong katanungan, 26 o limampu’t dalawang bahagdan ang nagsabi na ang pinakamabisang upang sumikat ay gawing katawa-tawa ang sarili. Siguro, nais ng mga tagasubaybay ng YouTube na makapanood ng palabas na magbibigay aliw at huhuli sa kanilang kiliti. Marahil ito ay bunga ng pagiging masiyahin nating mga Pinoy. Ganito ang binanggit sa isang blog : (http://spongybobby.multiply.com/journal/item/16) “Batay sa pinakabagong pagsusukat na isinagawa ng grupo ni Ronald Inglehart, ang Pilipinas ay ang pang tatlumpu't walo sa pinakamasasayang tao sa buong mundo. Kahit hindi man natin alam ito ay masasabi nating likas talagang masayahin ang mga Pinoy.”

Mga Dahilan kung Bakit Pumapatok ang iba't ibang Paraan ng Pagpasikat sa YouTube
Inilalahad sa Pigura 6 ang pie grap ng bahagdan ng mga dahilan kung bakit pumapatok ang iba’t ibang paraan ng pagsikat sa YouTube.

Pigura 6

Makikita sa pie graph na 19 o tatlumpu’t walong porsyento ang nagsabi na ang dahilan kung bakit patok ang mga paraan ginagamit para sumikat sa YouTube ay ang pagiging kakaiba nito. Maaaring mas gusto ng mga manonood ng mga performance na bago sa kanilang paningin. Hindi naman nalalayo ang sagot kaya patok ang mga video sa YouTube ay dahil nakaaaliw ito. Labing-anim na respondents o tatlumpu’t dalawang porsyento ang sumagot nito. Siguro, bukod sa pagiging kakaiba ay naghahanap ang mga manonood ng kasiyahan at isa pang dahilan ay nais nilang malibang habang nanonood. Pasok dito ang kategorya ng komedya o pagpapatawa. Marami ang tumatangkilik dito dahil nagbibigay nga naman ito ng aliw. Ayon pa nga sa isang blog: (http://www.grab.com/boards/b/home/topic/50178)
“People like comedy because it makes them laugh. Everyone needs a good laugh every now and then. Comedy helps brings people's spirits up. It makes people happy.”

KONGKLUSYON Matapos ang pag- aaral na ginawa at sa mga natuklasan ng mga mananaliksik, nabuo ang mga sumusunod na kongklusyon: 1. Ang pinakamabuting epekto ng panonood ng YouTube ay nakapagbibigay ito ng kasiyahan hindi lang sa mga users nito kundi pati na rin sa mga viewers o manonood nito. 2. Ang pinakamasamang epekto ng panonood ng YouTube ay nagiging dahilan ito ng pagkamulat ng mga kabataan sa mga pornograpiyang imahe at palabas. 3. Ang pinakamabisa at pinakagamiting paraan para pasikatin ang sarili sa YouTube ay gawing katawa-tawa ang sarili. 4. Bukod sa nagbibigay aliw sa mga manonod ang iba’t ibang paraan ng pagpapaskilab sa YouTube, hinahanap-hanap din ng mga tao ang pagiging kakaiba ng performance ng uploaders.

REKOMENDASYON Mula sa mga lumabas na resulta at nabuong kongklusyon, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sa sumusunod na bagay: 1. Gamitin ang YouTube upang maghanap ng nakatutuwang video, malibang at upang magkaroon ng malawak na impormasyon o kaalaman sa maraming bagay. 2. Mas lalo pang higpitan ng mga administrador ng YouTube ang pag- iscreen ng mga video na ina-upload sa YouTube, partikular na ang malalaswang panoorin upang mabawasan ang bilang ng mga kabataan na namumulat sa mga pornograpiyang palabas. 3. Gawing katawa- tawa ang sarili kung nais mong sumikat sa Youtube, ngunit panatilihin ang respeto sa sarili at huwag itong paabutin sa punto na nakawawala na ito ng dignidad. Ang Pilipino ay likas na masayahin na kahit ano pa ang dumating na bagyo o problema ay nagagawa pa rin na tumawa, kaya’t siguradong papatok sa masa kung ikaw ay katawa- tawa. 4. Para sa mga uploader, sikaping maging malikhain sa pag-iisip ng mga paraan kung paano sisikat sa YouTube. Ipinapayo rin na gumamit ng kakaibang paraan dahil humahanap ang mga manonood ng bago sa kanilang paningin.

SANGGGUNIAN
“Advantages and Disadvantages of YouTube”, Binuksan noong Marso 7, 2010 mula sa http://webupon.com/video/advantages-and-disadvantages-of-youtube/
“Bakit Masayahin ang mga Pinoy?”, Binuksan noong marso 18, 2010 mula sa http://spongybobby.multiply.com/journal/item/16
Courtney, Siobhan “Pornographic Videos Flood YouTube”, Binuksan noong Marso 18, 2010 mula sa http://news.bbc.co.uk/2/hi/uk_news/8061979.stm
Kirkup, James at Nicole Martin, “YouTube attacked by MPs over Sex and Violence Footage”, Binuksan noong Marso 18, 2010 mula sa http://www.telegraph.co.uk/technology/3358061/YouTube-attacked-by-MPs-over-sex-and-violence-footage.html
“Most Viewed YouTube Category”, Binuksan noong Marso 26, 2010 mula sa http://techcrunchies.com/top-youtube-video-category/
Nalty, Kevin, “How to Get popular on Youtube?”, Binuksan noong Marso 7, 2010 mula sa http://knol.google.com/k/ho-to-get-popular-on-youtube#
Oliva, Erwin, “How to become the Next Pinoy YouTube Idol” (Philippine Daily Inquirer), Binuksan noong Marso 18, 2010 mula sa http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/talkofthetown/view/20090614-210412/How-to-become-the-next-Pinoy-YouTube-idol
“Video Categories Found on YouTube”, Binuksan noong Marso 18, 2010 mula sa http://www.icmart2009.org/?p=68
“Why Do People Like Comedy?”, Binuksan noong Marso 18, 2010 mula sa http://www.grab.com/boards/b/home/topic/50178
“YouTube”, Bimuksan noong Marso 7, 2010 mula sa http://tl.wikipedia.org/wiki/YouTube

BULACAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Malolos, Bulacan
Kolehiyo ng Edukasyon

Pangalan:______________________________________ Edad:________________________
Nasa ibaba ang katanungan kaugnay ng inyong persepsyon sa YouTube bilang isang penomnon
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang inyong napiling sagot sa mga tanong isa hanggang tatlo at sagutan ang ikaapat na tanong depende sa hinihinging impormasyon. 4. Alin sa mga ito ang pinakamabuting epekto ng panonood ng YouTube?
____ nagbibigay ng malawak na impormasyon sa maraming bagay
____ nagbibigay ng kasiyahan
____ nakatutulong sa pakikipagkomunikasyon
____ nakikilala natin ang mga taong nagsisimula palang sumikat 5. Alin sa mga ito ang pinakamasamang epekto ng panonood ng YouTube?
____ nagiging bayolente
____ nawawalan ng oras sa bahay
____ namumulat ang mga kabataan sa pornograpiyang imahe at palabas
____ nagiging pabaya sa pag-aaral 6. Alin sa mga sumusunod na kaparaanan ang sa palagay mo’y pinakagamitin ng maraming uploaders upang mapabilis na pasikatin ang kanilang sarili?
____ gumamit ng mga props habang sumasayaw
____ magpasiklab sa biritan
____ mag-magic
____ gawing katawa-tawa ang sarili
____ magpakita ng kakayahan sa pamamagitan ng pananakit sa sarili 7. Kaugnay ng iyong sagot sa ikatlong tanong, sa palagay mo, anong mayroon sa pamamaraang iyon kung bakit ito pumapatok sa maraming viewers ng Youtube?
____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

_________________________________________________________

Similar Documents

Premium Essay

Spot Fake News

...Clare Klement How to Spot Fake News To help someone spot fake news, I would advise them most importantly to “read beyond the headline” as Eugene Kiely and Lori Robertson put it in their article, “How to Spot Fake News”. I personally fall into the trap of reading a headline and assuming that it’s true without even glancing at the substance of the article. Articles carry various clues throughout their passages that can easily help distinguish whether they are credible or not. As social media has grown, it has become less and less automatic for a person to take the time to read through substantial information. If I were to help a person spot fake news, I would help them question and go through the process of examining the article’s substance. Just reading through an...

Words: 966 - Pages: 4

Premium Essay

Shawn Mendes Research Paper

...Joseline Morua Mr. Jimenez College Teen Leadership 11 October, 2016 The Story of Shawn Mendes “I don’t know what you’re going through, but there’s so much life ahead of you. And it won’t slow down no matter what you do, you just gotta hold on. All we can do is hold on.”, these inspirational words are just some of many others that are all written and sung by none other than Shawn Mendes. In this paper you will learn about his history, life, and artistic ways. On August 8, 1998 a new life was brought into our world. Now 18 years later Shawn Peter Raul Mendes has earned his second number 1 album on Billboard's top 200. Mendes is Portuguese and English, but was born and raised in Toronto, Ontario, Canada in a city called Pickering. His start...

Words: 672 - Pages: 3

Free Essay

How Has Youtube Changed the Music Indursty?

...How Has YouTube Changed The Music Industry? The people in control of the music business have always been threatened by new media. When the phonograph record originally emerged it was feared that it would kill off live music.  In the early ‘80s the music industry campaigned against the cassette tapes, claiming that, “home taping is killing music.” Retrospectively, in both cases, quite the opposite proved true. The most recent example of this would take shape in the form of the internet, and more specifically one of it’s most visited mediums, YouTube. YouTube has become the third most visited website in the world behind Google and Facebook. Since its creation in February, 2005, YouTube saw rapid growth; sixteen months after its creation, 100 million clips were being viewed per day. YouTube users have developed a community in which technology has enabled new kinds of musical creativity. The internet and YouTube have now become technology that challenge the way we perceive music, musician and audience. Teens evidently don’t see computers as technology. It’s as if they have developed an innate ability for text-messaging, iPodding, gaming, and multitasking on multiple platforms. They can share their life story on Facebook, entertain each other on YouTube, muse philosophically in the blogosphere, contribute to knowledge on Wikipedia, and create cutting-edge art on Flickr. (Hartley, 2009) Lange (2008), an ethnographic researcher, discussed a number of misconceptions people have...

Words: 2301 - Pages: 10

Free Essay

New Narcissism

...1) What is New Narcissism? In the text Me, Me, Me by Sarfranz Manzoor, we hear about a young 19-year-old teenage boy called Chris Crocker, who’s defending Britney Spears. He is crying and yelling at people to leave her alone. As if that wasn’t enough he puts the video on YouTube so that everyone can see it. What makes him think people care about his opinion? The answer is his big alter ego, and that is my definition on what new narcissism is. Another example would be The X-factor series. More than 150.00 people were ready to humiliate themselves just to achieve instant stardom. They were all convinced that they deserved success regardless of their lack of talent. The internet is strengthening our ego to the edge. The dating website Beautifulpeople.net only has members determined completely by looks, with existing members of the opposite sex voting on new applications. That for me just screams new narcissism. So does a recent study by psychologists at San Diego State University, concluding that young people are more narcissistic than ever before. Professor Jean Twenge found that two-thirds of the students scored above average on narcissism. 2) According to the text Student narcissism on the rise by Janice McDuffee, Today’s college students put themselves first. Lead author professor Jean Twenge of San Diego University calls the students “Generation Me”. She has made some studies, based on that she determined that students have become drastically more narcissistic. One reason...

Words: 828 - Pages: 4

Free Essay

2oth Century Genius Award

...controversy among those who choose to indulge in the conversation. Most American citizens today identify with the so-called “Genius” by the artistic works of that individual. Based on the findings, we analyze and determine whether or not the information pertaining to the subject has impacted society or lack thereof. If it has changed the overall path of human thought, it is considered genius, and the creator should be graced with such a title. If not, we move forward inspecting the next piece of vital information. During the course of this essay we will uncover one of the most underrated African American poets of the 20th century. This individual deserves recognition for his influential speech patterns that have altered the standard and set new creative boundaries for all inspiring poets to follow; which makes him a perfect candidate for this award. The life of Saul Stacey Williams is an interesting study of independence, truth, respect, enlightenment, innovation, courage, and spiritual awareness. His journey through the ranks of poetic artistry has been nothing less than astonishing; captivating crowds,...

Words: 1443 - Pages: 6

Premium Essay

The Music Environment

...BUSINESS SCHOOL - Undergraduate Assignment Feedback Frontsheet SECTION A: (to be completed by the student) |Please complete Section A in Block Capitals making sure that you include your Student Number, Module Code and Group Number. FAILURE to do so| |may result in your assignment being delayed. If you are unsure of any of the above please check at the Business School Student Centre | |Reception. | |Student Number (s): | | | |1028400 | |Programme:(e.g. Business Management) |MUSIC INDUSTRY MANAGEMENT | |Module Title: (e.g. Studying for Business) |MUSIC INDUSTRY ENVIROMENT |Seminar Group |1 | |Module Code: |HR1009 |Word Count |2,457 | I confirm that no part of this assignment. except where clearly quoted and referenced. has been copied from material belonging to any other person e.g. from a book. handout, another student. I am aware that it is a breach of UEL...

Words: 2576 - Pages: 11

Premium Essay

Lady Gaga

...name for herself in this hectic, vicious shark tank Americans call the music industry, had a very tough decision to make for her upcoming tour. Her singles, visuals and social responsibility were major drivers to her building success and she was becoming very marketable as far as image goes. The public accepted her amazing voice, talented dancing, and loved how active she was in communities around the world. It attracted the idea to co-headline a tour with one of the most influential and pioneering sound and figure in urban music. The best of both worlds would tour the world and sell out venues. It was a perfect match because both were monster names, well-known in fashion, complete opposites, but complemented one another in such an artistic way. Kanye West has been known for his public outbursts and arrogance towards the media/paparazzi when his life spiraled with the sudden death of his mother, Donda West. Even though it was a half-decade ago, Kanye was also still repairing his image for his outburst on MTV in 2005. West, stood along-side with Mike Myers in a relief campaign on national television and uttered “George W. Bush doesn’t care about Black people.” This was in response that the then President and federal relief team reacted to Hurricane Katrina in a form that didn’t seem efficient. Fast forward to the 2009 VMAs and Lady Gaga is set to win three of them. A highly intoxicated and distorted Kanye West interrupts Taylor Swift, an 18 year-old country star who just won her...

Words: 2031 - Pages: 9

Premium Essay

The Uninvited Brand

...media was made for people, not for brands. In this article, we explore the emergent cultural landscape of open source branding, and identify marketing strategies directed at the hunt for consumer engagement on the People’s Web. These strategies present a paradox, for to gain coveted resonance, the brand must relinquish control. We discuss how Webbased power struggles between marketers and consumer brand authors challenge accepted branding truths and paradigms: where short-term brands can trump longterm icons; where marketing looks more like public relations; where brand building gives way to brand protection; and brand value is driven by risk, not returns. # 2011 Kelley School of Business, Indiana University. All rights reserved. 1. The party crashers: Marketers and the Social Web Brands today claim hundreds of thousands of Facebook friends, Twitter followers, online community members, and YouTube fans; yet, it is a lonely, scary time to be a brand manager. Despite marketers’ desires to leverage Web 2.0 technologies to their advantage, a stark truth presents itself: the Web was created not to sell branded products, but to link people together in collective conversational webs. As more branding activity moves online, marketers are confronted with the realization that brands are * Corresponding author. E-mail addresses: fournism@bu.edu (S. Fournier), jill.avery@simmons.edu (J. Avery). not always welcome in social media. Amid the cultural conversation, most brands seem inauthentic;...

Words: 12470 - Pages: 50

Premium Essay

The Uninvited Brand

...media was made for people, not for brands. In this article, we explore the emergent cultural landscape of open source branding, and identify marketing strategies directed at the hunt for consumer engagement on the People’s Web. These strategies present a paradox, for to gain coveted resonance, the brand must relinquish control. We discuss how Webbased power struggles between marketers and consumer brand authors challenge accepted branding truths and paradigms: where short-term brands can trump longterm icons; where marketing looks more like public relations; where brand building gives way to brand protection; and brand value is driven by risk, not returns. # 2011 Kelley School of Business, Indiana University. All rights reserved. 1. The party crashers: Marketers and the Social Web Brands today claim hundreds of thousands of Facebook friends, Twitter followers, online community members, and YouTube fans; yet, it is a lonely, scary time to be a brand manager. Despite marketers’ desires to leverage Web 2.0 technologies to their advantage, a stark truth presents itself: the Web was created not to sell branded products, but to link people together in collective conversational webs....

Words: 12407 - Pages: 50

Premium Essay

Impact of the Internet on the Music Industry

...me would have stacks of compact discs or binders full of the music they owned ready to go wherever they went. Before them there were cassette tapes, and before that vinyl records. If you were lucky enough to be a signed musician, you were a star destined for fame and fortune with thousands if not millions of loyal supporters buying your album and following you on tour. Most importantly for the purpose of this paper, the record labels were some of the wealthiest companies in the entertainment industry. The music industry is a multibillion dollar industry and was thought by many to be too big to fail. Record labels had their pick of the crème de la crème with regards to up and coming artists and when they weren’t cutting shady deals with new acts they were reaping in the profits with album sales and royalties for radio play of their music catalog. The music industry is...

Words: 4618 - Pages: 19

Free Essay

Kpop

...translation of the term which originated in China ( ; Hánliú). The first character refers to “Korea” and the second usually evokes “flow” or “current,” signifying “style.” The same Chinese characters KOREA OBSERVER, Vol. 43, No. 3, Autumn 2012, pp. 339-363. © 2012 by THE INSTITUTE OF KOREAN STUDIES. 340 John Lie congratulation is especially manifest for the popularity of South Korean popular music (K-pop), which has spread from neighboring Asian countries, such as Japan and Taiwan, to farther ashore in Europe, the Americas, and the Middle East.2 The K-pop World Festival in December 2011 attracted wannabe K-pop singers from sixteen different countries and confirmed its global appeal to South Koreans (Choe and Russell, 2012). K-pop news generate media headlines. The South Korean government, intent on enhancing its soft power along with its export prowess, has...

Words: 8875 - Pages: 36

Free Essay

Postmodernism

...The Innocent Man: Murder and Injustice in a Small Town From Wikipedia, the free encyclopedia Jump to: navigation, search "The Innocent Man" redirects here. For a South Korean television series, see The Innocent Man (TV series). The Innocent Man | | Author(s) | John Grisham | Country | United States | Publisher | Doubleday | Publication date | October 10, 2006 | Pages | 368 | ISBN | 978-0-385-51723-2 | OCLC Number | 70251230 | The Innocent Man: Murder and Injustice in a Small Town (2006) is a nonfiction book written by John Grisham, and his first outside the legal fiction genre. The book tells the story of Ronald 'Ron' Keith Williamson of Ada, Oklahoma, a former minor league baseball player who was wrongly convicted in 1988 for the rape and murder of Debra Sue Carter in Ada and was sentenced to death. After serving 11 years on death row, he was exonerated by DNA evidence and other material introduced by the Innocence Project and was released in 1999. Contents * 1 Synopsis * 2 Book edition * 3 References * 4 External links | Synopsis Ron Williamson has returned to his hometown of Ada, Oklahoma after multiple failed attempts to play for various minor league baseball teams, including the Fort Lauderdale Yankees and two farm teams owned by the Oakland A's. An elbow injury inhibited his chances to progress. His big dreams were not enough to overcome the odds (less than 10 percent) of making it to a big league game. His failures lead to, or aggravate...

Words: 18140 - Pages: 73

Premium Essay

Bharam

...Sedated” and Deep Purple’s “Smoke on the Water.” Players score points based on their accuracy. In November 2007, Harmonix released Rock Band, adding drums, vocals, and bass guitar options to the game. Rock Band has sold over 3.5 million units with a $169 price tag (most video games retail at $50 to $60). In 2006, Harmonix’s founders sold the company to Viacom for $175 million, maintaining their operational autonomy while providing them greater budgets for product development and licensing music for their games. Harmonix’s success, however, did not come overnight. The company was originally founded by Alex Rigopulos and Eran Egozy in 1995, focused around some demo software they had created in grad school and a company vision of providing a way for people without much musical training or talent to experience the joy of playing and creating music. The founders believed that if people had the opportunity to create their own music, they would jump at the chance. Their software, which they eventually dubbed The Axe, provided basic music composition tutorials and allowed participants to use a joystick to improvise solos along to popular music tracks. They attempted to market their creation through an interface with Japanese karaoke machines, a demo package deal with Intel, and even in an exhibition at Disney’s Epcot. And while the...

Words: 25518 - Pages: 103

Free Essay

Buyology

...file:///D:/000004/Buy__ology.html CONTENTS TITLE PAGE FOREWORD BY PACO UNDERHILL INTRODUCTION 1: A RUSH OF BLOOD TO THE HEAD The Largest Neuromarketing Study Ever Conducted 2: THIS MUST BE THE PLACE Product Placement, American Idol , and Ford’s Multimillion-Dollar Mistake 3: I’LL HAVE WHAT SHE’S HAVING Mirror Neurons at Work 4: I CAN’T SEE CLEARLY NOW Subliminal Messaging, Alive and Well 5: DO YOU BELIEVE IN MAGIC? Ritual, Superstition, and Why We Buy 6: I SAY A LITTLE PRAYER Faith, Religion, and Brands 7: WHY DID I CHOOSE YOU? The Power of Somatic Markers 8: A SENSE OF WONDER Selling to Our Senses 9: AND THE ANSWER IS… Neuromarketing and Predicting the Future 10: LET’S SPEND THE NIGHT TOGETHER Sex in Advertising 11: CONCLUSION Brand New Day APPENDIX ACKNOWLEDGMENTS NOTES BIBLIOGRAPHY ABOUT THE AUTHOR COPYRIGHT FOREWORD PACO UNDERHILL It was a brisk September night. I was unprepared for the weather that day, wearing only a tan cashmere sweater underneath my sports jacket. I was still cold from the walk from my hotel to the pier as I boarded the crowded cruise ship on which I was going to meet Martin Lindstrom for the first time. He had spoken that day at a food service conference held by the Gottlieb Duttweiler Institute, the venerable Swiss think tank, and David Bosshart, the conference organizer, was eager for us to meet. I had never heard of Martin before. We moved in different circles. However, I had seen BRANDchild, Martin’s latest book, in the JFK ...

Words: 66056 - Pages: 265

Premium Essay

Business

...Sedated” and Deep Purple’s “Smoke on the Water.” Players score points based on their accuracy. In November 2007, Harmonix released Rock Band, adding drums, vocals, and bass guitar options to the game. Rock Band has sold over 3.5 million units with a $169 price tag (most video games retail at $50 to $60). In 2006, Harmonix’s founders sold the company to Viacom for $175 million, maintaining their operational autonomy while providing them greater budgets for product development and licensing music for their games. Harmonix’s success, however, did not come overnight. The company was originally founded by Alex Rigopulos and Eran Egozy in 1995, focused around some demo software they had created in grad school and a company vision of providing a way for people without much musical training or talent to experience the joy of playing and creating music. The founders believed that if people had the opportunity to create their own music, they would jump at the chance. Their software, which they eventually dubbed The Axe, provided basic music composition tutorials and allowed participants to use a joystick to improvise solos along to popular music tracks. They attempted to market their creation through an interface with Japanese karaoke machines, a demo package deal with Intel, and even in an exhibition at Disney’s Epcot. And while the...

Words: 25169 - Pages: 101