Free Essay

Yup Filipino

In:

Submitted By patriciaecat
Words 2322
Pages 10
Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas
Daang Ayala at San Marcelino
Ermita, Manila

Proyekto sa Filipino 2
Panunuri at Kritisismo

Inihanda ni:
Patricia Bianca L. Ecat
BSA-1B

Ipinasa kay:
Georgie R. Ramisan
Propesor sa Filipino
Balangkas ng Pagsusuri
I. PANIMULA
A. Pamagat ng Akda Ang Tunay na Mukha ng Facebook (Maka-Kristyanong Gabay at Kaalaman sa Paggamit ng Social Networking Site)
• Facebook: User Friendly o Friendly User
• Cyber Crimes at mga Kapalmuks sa Facebook
• Friend Ingat ka sa Facebook

B. Sanggunian
Fr. Teodorico L. Trinidad II. Buod ng Akda/Paksa
• Facebook: User Friendly o Friendly User Maraming mabuting bunga ang Facebook sa ating henerasyon ngayon. Ito ang pinakaginagamit na social networking site dahil sa mabilis, maganda at malawak na applications at features. Maging matanda,bata o mga hayop man ay mayroon nang Facebook kaya hindi nakakagulat na mayroon na itong mahigit isang bilyong miyembro. Mainam itong kasangkapan para sa public service at nakakatulong sa pagpapalaganap ng mga advocacies. Dahil dito, tinatawag ang Facebook na ‘users friendly’. Bilang users friendly, ang Facebook ay nakakapagbigay ng aliw at ginhawa lalo na sa aspeto ng pakikipag ugnayan sa kapwa. Ngunit ang Facebook ay maari ring tawaging ‘friendly users’ dahil sa mga masamang naidudulot nito kung hindi ginagamit ng tama. May limang negatibong bagay ang natuklasan kung bakit friendly user ang Facebook. Una ay ang ‘dehumanization’. Ito ay isang pangyayari sa buhay ng tao, na kung saan ang tao ay hindi na itinuturing bilang tao bagkus ito ay para na lamang isang bagay. Ang tao ay nagiging ‘commodity’ o kagamitan na lang, na inaayos, binibilang, pinapaganda, ginagamit, at kapag hindi na kailangan ay maaring itapon at balewalain. Dahil dito unti-unting nababago ng Facebook ang pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa maging sa online man at tunay na buhay. Pangalwa ay ang ‘materialism’. Ito ang bunga ng dehumanization. Ito ay ang pagbibigay halaga sa ‘having’ kaysa sa ‘being’ ng tao, na tumutukoy sa matertal na bagay na pag-aari ng isang tao. Nakikilala ang isang Facebook user hindi sa kanyang pagkatao bagkus sa mga bagay na mayroon sya. Ang kasunod nito ay ang commercialism. Kung ang halaga ng tao ay nasusukat sa kung anong material na bagay ang mayroon siya, ito ay nagtutulak sa kanya na bumili ng iba’t ibang bagay. Ang simpleng buhay ng tao ay nagiging komplikado at magastos. Pangatlo ay ang ‘social maladjustment’. Ito ang posibleng mangyari sa isang user na may 4,999 kaibigan sa Facebook ngunit walang kaibigan sa tunay na buhay. Nawawalan ng ‘social skills’ na importante sa pakikipag ugnayan sa ating kapwa. Pang-apat ay ang ‘untimely relationship’. Ito ang madalas makikita sa mga kabataang maagang pumapasok sa pakikipagrelasyon. Dahil sa text, post ng messages at pictures sa Facebook, ang ‘puppy love’ ay nagiging ‘bulldog love’ na mapusok, mapangahas, at kung minsan ay malaswa. At ang huli ay ‘health problems’. Ayon kay Dr. Aric Sigman, sa pagbaba ng oras na ibinibigay sa personal na interaksyon sa kapwa ay nababawasan diin ang sigla ng metabolism at whiteblood cell sa katawan ng tao. Ito ay nangangahulugan ng paghina ng immune system ng katawan laban sa sakit. Hindi rin maitatanggi na sa sobrang paggamit ng Facebook ay nawawala ang apat hanggang limang oras natin kada araw at nawawalan din ng ehersyiso ang katawan na nag dudulot ng iba’t ibang karamdaman.

• Cyber Crimes at mga Kapalmuks sa Facebook Ang Facebook ay nagiging sanhi rin sa paglaganap ng krimen at civil offences. Ang mga ‘kapalmuks’ o makapal ang mukha sa Facebook ay mga taong ginagamit ito upang lokohin at pagsamantalahan ang kapwa. Ito ang huling pangkat ng mga negatibong bunga ng Facebook. Sa mga makakaibigan sa Facebook, hindi maiiwasan ang inggitan, parinigan, tsismisan at siraan ng pagkatao. Ito ay nagdudulot ng ‘identity theft’ o pagnanakaw ng pagkatao ng isang user upang makapanloko ng kapwa. Mayroon ding ‘poison letter’ na hangaring hiyain ang isang tao at nagagamit sa black propaganda laban sa taong may katungkulan. Ang ‘Cybercrime Prevention Act’ ay para masugpo ang krimen ng swindling, estafa, extorsion, cyber-bullying, libel, sex scandal, cybersex, human trafficking at iba pang krimen sa cyberspace. At ang ‘Data Privacy Act’ naman at nakatuon laban sa hacking ng mga personal ng impormasyon ng isang user, pangunahin rito ang identity theft. Ang hacking ay ang pagnanakaw ng mga personal na impormasyon na maaring gamitin sa panloloko sa kapwa na ginagamit sa cybersex, extortion, swindling at libel. Ang mga ito ay ginawa noong June 10,2012 ng Kongreso ng Pilipinas upang sugpuin ang cybercrimes at bigyang proteksyon sa mga internet users. ‘Cybersex’ ay laganap sa Facebook at kaugnay dito ay ang ‘marital problems’. Ito ay tumutukoy sa pagkakasira ng relasyon ng mag-asawa dahil sa Facebook. Ang Facebook ay ginagamit sa hindi wastong pagpapalitan ng mensahe na may kaugnayan sa sex. Ito ay nagiging daan para sa ‘retro-sexting’ na tumutukoy sa pag-asang makita muli ang mga dating pag-ibig. Naggaganyak rin ito para bigyang kaluguran ang libido ng isang tao. Ito rin ang nagiging paraan upang magmatyag sa isa’t isa upang magamit sa pag-ispiya. Sa panahon ngayon, hindi na mawawala ang kompyuter sa bawat opisina. Dahil dito, malayang nakakagamit ng kompyuter ang mga kawani at ang Facebook ang madalas nilang gamitin kahit oras ng trabaho. Nawawala ang ‘kusang palo’ ng mga kawani, sa halip na ang pagtuunan ng pansin at ang iba pang gawain, nahihirati na lamang sila sa bagay na sakop ng kanilang trabaho. • Friend Ingat ka sa Facebook Hindi naman mawawala ang mabubuting bagay na gamit ng Facebook. Ito ang nag-uugnay sa atin saan mang sulok ng mundo. Ito’y nagiging tulong sa pagpapalaganap ng advocacies at public service para sa ikabubuti ng lipunan. Ngunit sa hindi maingat na paggamit nito, hindi rin lubusang mawala ang mga problemang dulot nito. Narito ang mga gabay ukol sa paggamit ng Facebook. Ingatan ang mg apersonal na impormasyon ukol sa iyong sarili. Tandaan na bawat detalye na inilalagay mo sa Facebook ay maaring magamit ng ibang tao upang ikaw ay gawan ng masama at pagsamantalahan. Tiyakin na ang iyong ‘screen name’ at ‘password’ ay mahirap matunton ng ibang tao. Lagging gamitin ang ‘privacy setting’. Mahalaga na suriin mo munang mabuti ang mga taong nais na maging bahagi ng itong list of friends. Ilagay lamang ang mga impormasyong nararapat na makita at malaman ng iba. Maging maingat sa pagpopost ng litrato. Taandaan na sa anumang impormasyong inilagay sa Facebook ay hindi na mabubura at mababawi pa kaya sabi nga ng telebisyon ‘think before you click’. Iwasan ang malaswang pakikipag-ugnayan sa Facebook. Mag-ingat kung ang iyong ka-Facebook at nais makipagkita sa’yo. Maging mapanuri sa mga impormasyong ibinibigay sa’yo ng Facebook at ang huli ay maging maingat sa pagsapi sa mga grupo at ‘fan page’ sa Facebook upang maiwasan ang pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa sarili.

A. Uri ng pampanitikan Sanaysay ang uri ng pampanitikan ang ginamit sa akdang ito. Ang sanaysay ay isang tangka sa paglalarawan at pagbibigay kahulugan sa buhay at iba't ibang sangay nito. Naiiba sa makata ang manunulat ng sanaysay sa dahilang hindi siya nakatali sa mga pamantayan ng porma, sukat, tugma o talinghaga. Malaya siyang lumilikha ng kahit anong paksang nais niyang ipahayag na bunga ng kanyang pagmamasid, pag-iisip at pagkakasangkot sa halos lahat ng mga bagay sa kanyang kapaligiran. May layunin itong maglahad ng pansariling damdamin at kurokuro ng kumatha sa makatwirang paghahanay ng kaisipan. Nagpapaliwanag din ito ng mga pansariling pananaw ng manunulat tungkol sa isang paksa. At kung minsan, may layunin itong makapagpaabot ng pagbabago, makalibang at makahikayat ng mambabasa. Meron itong dalawang uri, ang Pormal at Pamilyar.

I. Pormal o Maanyo Ang salaysay na pormal o maanyo - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maayon rin ito kung turingan sapagkat ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro.
II. Pamilyar o Palagayan Ang sanaysay na pamilyar o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksaing karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.

B. Istilo ng paglalahad Pagkukwento ang istilo ng paglalahad ng mga kaisipan o pangyayari sa akda. Ang awtor ay nagkwekwento ng mga pangyayaring kanyang napapansin sa henerasyon ngayon. Binibigyan niya ng pansin ang mga partikular na paksa at ito’y binigyan niya ng paliwanag o opinion batay sa kanyang nasisilayan at nakikita. Pinapalawak din ng awtor ang paksa sa pamamagitan ng pag-iisa isa ng mga subtopic kasabay ang pagbibigay ng mga halimbawang nangyari na sa tunay na buhay at ang mga paraan upang maiwasan ang mga masasamang epekto nito. Dahil dito, madali niyang nahihikayat ang mga mambabasa na sumang-ayon sa kanya at paniwalaan ang kayang mga pahayag.

C. . Mga tayutay
1. Mga halimbawa ng bawat tayutay na natagpuan sa akda o paksa at maikling paliwanag tungkol dito

I. Pagtutulad o Simili Di-tahasang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, pangyayari, tao, atbp, na ginagamitan ng mga salita at pariralang animo, tila, anaki, kapara, katulad ng, para ng, wangis ng, atbp. “Ikaw talaga, parang kang Nokia”
II. Tanong Retorikal Ito’y tanong na ginagawa dahil sa inaasahang magiging bias sa mga nakikinig at di sapagkat hindi nalalaman ng nagsasalita ang kasagutan. “Isipin na lang kung tatlo hanggang apat na oras kang gumagamit ng Facebook, magkanong kuryente ang babayaran mo”
III. Pagtanggi Karaniwang ginagamitan ng panangging ‘hindi’ upang bigyan diin ang makahulugang di pagsang-ayon sa sinasabi. “…hind maitatanggi na ang sobrang paggamit o pagkaadik sa Facebook ay masama.”
IV. Pagbibigay Katauhan o Personipikasyon Ginagamit upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao-talino, gawi, kilos at mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos.
` “ …kung patok sa panlasa ng kanyang libido ang gusto niyang babae o lalaki.”
V. Pasusukdol o Klaymaks Dito’y pataas na pinagsusunod-sunod ang kahalagahan ng mga salita o kaisipan mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na antas. “Siya ay nagiging commodity na lang na binibilang, inaayos, pinapaganda, ginagamit at kapag di na mapakinabangan ay maari nang itapon at balewalain”

D. Sariling reaksyon
1. Mga napansin at napuna
a. Mga salitang ginamit
i. Dahil ang paksa ay napapanahon, ang mga salitang ginamit ay mabababaw lamang kaya madaling intindihin. Akmang basahin maging bata o matanda man. Gumamit din ang awtor ng mga hiram na salita upang mas madali niyang maipaliwanag ang paksa kesa tagalugin na maaring hindi maintindihan ng karamihan.

b. Istilo ng awtor
i. Maganda ang istilo ng awtor sa pagsulat ng akda dahil pinaliwanag niya ng mabuti ang bawat paksa na tinatalakay. Madaling nakakaugnay ang mga mambabasa dahil napapanahon ang paksa. Nakakapagbigay din ang awtor ng opinion batay sa kanyang namamasid sa paligid at ang mga ito’y may kaakibat na halimbawa hango sa tunay na realidad ng buhay. Inilalahad ang mga maganda at masamang epekto ng paksa upang maging balanse ang impormasyong nakukuha ng mambabasa.

E. Bisang pampanitakan
A. Bisa sa isip
a. Nagbago ba ang sariling pananaw o paniniwala? Ang mga dating pananaw ko sa paggamit ng Facebook ay nabago. Iniisip ko na wala naming ibang dulot ang Facebook kung hindi magbigay aliw at pampalipas oras ngunit ang mga simpleng bagay na ito’y may kaakibat palang masama epekto sa pamumuhay ng tao.
b. Ano ang iyong natutuhan? Tatlong paksa lamang ang aking tinalakay nguit marami na akong napulot na aral. Una, ang Facebook ay kinakaterkorya bilang ‘user friendly’ at ‘friendly user’. Ang pagiging friendly user ng Facebook ay nagdudulot ng limang negatibong bagay; dehumanization, materialism, social maladjustment, untimely relationship at health problems. Pangalawa, kailangang maging maingat ang lahat upang maiwasan ang pagkakasangkot sa maling paggamit ng Facebook katulad ng identity theft, swindling, cybersex, marital problems at pagiging unproductive employee. At ang huli ay natutunan ko ang mga gabay upang mabawasan ang problemang dulot nito sa responsible at maingat na paggamit nito.

B. Bisa sa damdamin
a. Naantig ba ang iyong damdamin? Oo naantig ang akin damdamin. Nakakatakot na sa isang maling galaw mo lamang sa Facebook ay malaki na kaakibat na pinsala. Nalaman ang mga limitasyong maaring gawin sa Facebook at ang mga mabuti at masamang epekto nito sa isang tao. Tinalakay ng awtor ang bawat paksa ng may aral na maaring gamitin sa tunay na buhay.
b. Naimpluwensyahan ka ba? Hindi ko maitatanggi na naimpluwensyahan ako. Ito ay dahil ang paksa’y napapanahon at sakop ang henerasyon ko sa tinatalakay. Nakatatak na sa isipan ang mga dapat gawin sa tuwing gagamit ng Facebook. Magiging responsableng miyembro upang hindi malagay sa panganib ang buhay dahil lamang sa isang ‘social networking site’.

C. Bisa sa kaasalan
a. Ano ang aral o kaisipan ang iyong natutuhan? ‘Think before you click’. Katagang dapat isinasaisip sa palagiang paggamit ng Facebook. Sabi ng iba’y maituturing na ‘milestone’ ang Facebook sa kasaysayan ng mundo at nagbibigay ng maraming mabuting serbisyo para sa mga miyembro nito. Ngunit sa kabilang banda, hindi maitatanggi na marami ring masamang epekto ang naidudulot nito. Kaya kailangang maging maingat, responsible at pag-isipang mabuti ang bawat galaw,bagay at impormasyong ilalagay sa Facebook dahil hindi natin alam, may mga masasamang loob na palang nagmamatyag sa bawat kilos natin. Nakasalalay na atin kung pipiliin ba nating sirain nito ang ating buhay o pipiliing paunlarin ang sariling pagkatao natin.

Similar Documents

Free Essay

Noli Investment Option

...four dimensions of distance, Noli’s strategic objectives and organization politics. Many times firms enter foreign markets not understanding the context of them. The four dimension of distance; geographic, cultural, political/administrative and economic, all help to create context when deciding to enter a foreign market. However, they must be evaluated keeping long term business strategy in mind. Evaluating this decision culturally; the US, especially California, has one of the most diverse cultures as far as food and population. This is partially evident by the menu appealing to Americans in Guam. Moreover, Jollibee’s analysis of California indicates a high Filipino expatriate concentration and low level of competitors; two things relatively easy to quantify. The Hong Kong location is expected to have far less Filipinos than the Central location which struggled to attract locals, but did an excellent job with expatriates. This company understands expatriates. Moreover, the ongoing issues in China, for example, mangers quitting, reflects some cultural differences that Jollibee is still struggling with in this region of the world. The lack of solid and positive information of New Guinea is indicative that this market, as this point, is not yet ready to have “flag-planted.” Moving to geographic distance; certainly the California is the furthest from the parent country in comparison to the other two options. Success in Guam demonstrates that geographic obstacles (distance and size)...

Words: 639 - Pages: 3

Free Essay

Living the Filipino Music Today

...Living the Filipino Music Today A Reflection of the Filipino-ness in Lucio San Pedo’s Music Lucio San Pedro has been known to be one of the historical figures of Philippine music. Being dubbed as the creative nationalist, his philosophy in music paved the way for his memorable career as an artist. Conferred with the National Artist Award for Music in 1991, his contributions have indeed made a mark in defining the “Filipino-ness” in music. With the onset of the Original Pilipino Music in the 70’s, Lucio San Pedro’s works have imparted a great amount of influence to the artists that soon followed suit. With his undeniably most famous work which is Sa Ugoy ng Duyan, every student of an Art Appreciation class in the Philippines would remember the great artist because of this wonderful musical piece. The maestro’s main concern during his time was what will make Filipino music distinct and different. Given his educational attainment and experiences abroad, he was able to harness his talent and skill in music which allowed him to discover the great potential of the Filipino artist. Integrating the cultural dynamism and inherent nationalism of Filipinos, he was able to infuse the rich influence of the different folk songs of the Filipino culture into the music he has crafted so beautifully and innovatively. With his creative nationalism philosophy, he was able to encourage artists to express nationalism through the creative use of folk songs. As Lucio San Pedro would put...

Words: 444 - Pages: 2

Premium Essay

Rftghyju

...Ilagan * Escolastico Salandaan in Manila College: * San Juan de Letran (1885) - Bachelor of Arts * University of Sto. Tomas – Medicine * Central University of Madrid (1887-1889) – finished Medicine Works Some of his works are: * Efemerides Filipinas, a column on historical events in the Philippines which appeared in La Oceania Española (1892–1893) *  El Ideal  (1911–1912) *  Ang Wika at Lahi (1917), a discussion on the importance of a national language. * Mga Alamat ng Bulacan (Legend of Bulacan) -Contains legends, and folklores of his native town.  * Pagpugot kay Longinos (The Beheading of Longinos) - A play shown at the plaza of Malolos, Bulacan. * Sobre Filipinos (About the Filipinos) * Ang mga Pilipino sa Indo-Tsina (The Filipinos in Indo-China) * In 1909 he was made director of El Renacimiento Pen Names * Naning * Kalipulako - named after Lapu-Lapu; and * Tikbalang – a supernatural being in Pilipino folklore. His Journey * Co-founder of La Solidaridad along with Lopez Jaena * Become the head of the Literary Section of the Asociacion Hispano-Filipina, created to aid the Propaganda Movement where he served as secretary. * He was imprisoned for 48 hours on suspicion of having associations with the mutiny. (Europe) *  Later sailed to...

Words: 346 - Pages: 2

Free Essay

Anime' Effects on Students

...largest hirer of Overseas Filipino Workers (OFWs), and has the largest Filipino population in the Middle East. "All undocumented Filipinos are advised to take advantage of this extension and immediately proceed to concerned Saudi government agencies or seek the assistance of our Embassy and Consulate in Saudi Arabia for their repatriation or the regularization of their status," the DFA said in a statement.The Philippine government also expressed its deep appreciation to Saudi Arabia for extending the grace period. "This humanitarian gesture has brought relief to our overseas Filipino workers (OFWs) who would like to go home or legalize their stay in the Kingdom," said the DFA, while urging the illegal OFWs there to cooperate with the Philippine Embassy and Consulate in order to make the repatriation and regularization procedures more efficient. The official also reported that 314 individuals are still staying at the camp near the consulate in Jeddah while 244 women and children are seeking shelter in the consulate as of June 30. Saudi Arabia started its crackdown on illegal aliens after implementing its “Saudization” policy, which encourages the hiring of Saudi nationals. This is one of the political issue that our country is facing right now, the paradigm of this is simply. firstly, there must be a lacked of security regarding of sending Filipinos with incomplete papers that they have. secondly, because of the eagerness in working, filipinos are being unconscious with...

Words: 309 - Pages: 2

Free Essay

Brain Drain Phenomenon for Nurses Working Abroad

...Because all these things comes from Him and made possible because of Him. As for nurses who really go out of the country to find a good living abroad is in fact a loss from our country because Filipinos are really hard working people and well motivated to achieve their objectives and goals in life. These are the kind of people who are mostly a believer and pursuer of dreams and some of them are highly appreciated and honored abroad by their working ethics and the way they value and do their works. Well it’s not just the nurses but all Filipinos working abroad is such loss from our country. What are the reasons why nurses go abroad? What is in the overseas that we cannot find here in the Philippines? As observed the main reason and truth about it is, to have a better future regarding with financial matter to be capable of having a good life and stability in terms of financial needs which is the key to having a better way of living. Each year the Philippine government produces thousands of nurses and it’s difficult to their part to produce enough nursing jobs to all nurses that’s also one big reason why nurses desires to work abroad. Although, Filipino nurses are willing to serve our country, there’s no other choice but to work overseas due to lack of domestic opportunities for Filipino nurses in the country and mostly working here in the Philippines have a touch of politics. In other words, working overseas is for the best interest of all for their families and for fellow nurses...

Words: 587 - Pages: 3

Free Essay

Philippine Youth Purchasing Habits

...ADVOCACY ADVERTISING I. EXECUTIVE SUMMARY 4 II. SITUATION ANALYSIS 4 A. Industry Study: 4 1. Composition/Size/Market Segments 4 Small and Medium Scale Enterprises 4 Microenterprises 5 2. Current Situation 6 a) Microenterprises 7 b) Small Scale Businesses 7 c) Medium-Sized Businesses 7 3. Similar Campaigns 8 a) “Made In” vs. “Product Of” vs. “Owned by” (Australia & South Africa) 8 b) Buy Philippine Made Movement, Inc. 9 c) Seal of Excellence 9 d) Action Plan 10 4. Market Study 10 a) Colonial Mentality 10 b) Products Consumed 11 B. Definition of Issues 13 1. Philippine Made 13 2. Patronization of Philippine Made Products 15 3. Perceptions on Campaigns for Philippine Made 16 C. Position of Advocate 18 1. Mission and Vision: 18 2. Resources: 18 3. Competition: 19 4. SWOT Matrix: 19 5. TOWS 20 III. DEFINITION 22 A. Identification of Target Market 22 1. Primary: Youth 22 2. Secondary: Yuppie 24 B. Target Publics 24 C. Recipients 24 D. Product 25 IV. GOALS AND OBJECTIVES 25 A. Short term 25 B. Medium term 25 C. Long term 25 V. MARKETING MIX 25 A. Market Targeting 25 1. Size of the New Market 25 2. Demographic Characteristics 26 3. Psychographic Characteristics 26 4. Behavioral Characteristics 27 Primary Research Data 28 B. Product 30 C. Sales and Distribution Program (Please...

Words: 12045 - Pages: 49

Free Essay

Land Bank of the Philippines

...LANDBANK OF THE PHILIPPINES HISTORY * August 8, 1963 LANDBANK was established as part of the Agricultural Land Reform Code, or Republic Act No. 3844 to help with land reform, especially the purchase of agricultural estates for division and resale to small landholders and the purchase of land by the agricultural lessee. * In 1965, LANDBANK's by-laws were approved and its first board of trustees was formed, with the Secretary of Finance as chairman. * In 1988, LANDBANK became the financial intermediary for the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) * February 23, 1995, LANDBANK's charter was once again amended. Its authorized capital was increased to nine billion pesos and it became an official government depository. LANDBANK OF THE PHIL; * The Land Bank of the Philippines is a government financial institution that strikes a balance in fulfilling its social mandate of promoting countryside development while remaining financially viable. * The profits derived from its commercial banking operations are used to finance the Bank's developmental programs and initiatives. * LANDBANK also ranks among the top five commercial banks in the country in terms of deposits, assets, loans and capital. * Its special focus is to serve the needs of the farmers and fishermen. * It is an official depository bank of the Republic of the Philippines. * It is one of the biggest government-owned and/or controlled corporations in the Philippines. * Its...

Words: 1646 - Pages: 7

Free Essay

Philheath Increase Should Not Be Pursued

...said that from the annual premium P1200, Philhealth will increase it to P2400. This circular aims to add more benefits to its clients and members. The agency’s mission is to provide financial assistance to Filipinos in terms of health services through the National Health Insurance Program (B. Garcia, January 16, 2012). In addition, in line with this circular, this will be helpful in the attainment of one of the Millennium Development Goal health targets (Banzon, 2011). However, if this will be implemented, the increase in the annual premium will be an additional burden to those overseas workers, and we can claim that some workers who do not earn much cannot afford this 100 per cent increase. In addition, the Philhealth did not consult those affected members in regards to their circular. And according to Senator Pimentel, there are various groups that oppose this increase in their contributions since the agency had a lack of consultation and discussion to the PhilHealth members, especially the overseas workers (Tamayo, February 25, 2012). Furthermore, not all overseas workers can actually get these health benefits since they already have health insurances abroad that are given by the agency they are working for. This implementation is not actually helpful to Overseas Filipino Workers, and once they are no longer work overseas, they no longer have the coverage of the benefits, and those contributions that they gave will not be returned to them (G. Garcia, personal communication...

Words: 329 - Pages: 2

Premium Essay

Mobile and Social Networking Communications

...language from the American colonizers, the Philippines today is the fifth largest English-speaking country in the world and second in the continent of Asia (Wikipedia). Filipinos should be proud of this because English is the “world language,” the lingua franca of the modern era. But the question is, how will the Philippine government maintain and improve the standard and the competitiveness of its people in the use of English, which is highly needed in the emerging, fast-growing local and international industries? A study made by Amamio (2000) on the attitudes of students, teachers and parents toward English and Filipino as media of instruction provided an interesting comparison. According to the result of the study, students and teachers prefer the use of English as the medium of instruction, with the teachers finding English a more comfortable language for explaining ideas and concepts. Teachers further noted that English is an “intellectualized language” and a valuable tool to source information technology. However, parents preferred Filipino because “it is the language in which they can think and express themselves” and it is the language that they understand and through which they themselves are better understood. According to Bernardo Villegas, the youth have all the chances to speak and listen to the Filipino language in their day-to-day lives such as in conversation with members of the family, friends, going to...

Words: 923 - Pages: 4

Free Essay

Cap Bankruptcy

...of people trying to graduate college crashing down. Several years ago, and seemingly out of nowhere, accusations came flying from all directions about pre-need companies. According to the accusations, they were either bankrupt or nothing but a scam, depending on which company you are looking at. And since a large portion of Filipino families relied on these pre-need companies in order to send their children to college, widespread panic ensued the moment these accusations hit the press. The biggest company to suffer was the pioneer in the industry, a company called College Assurance Plan or CAP. The CAP Family of Companies began in 1980 with the birth of its mother company - College Assurance Plan. CAP has since expanded its business to the areas of Pre-need Pension, Distance Learning, Health Maintenance, Life Insurance, Information Technology, Financing, Communications and General Insurance. It is a group of companies that the Filipino family can trust for an assured and better future – to hold on to as a true and reliable partner through the next millennium. It is also a growing and dynamic corporate family capable of serving each and every Filipino family's pre-need and insurance requirements. They had the largest number of plan holders subscribed to their pre-need education plan compared to any other pre-need company. This company was brought to its knees when certain government officials of the Philippines, came out of nowhere and publicly declared that CAP was bankrupt...

Words: 328 - Pages: 2

Premium Essay

Chapter 3 Spanish Period (1565-1872)

...started in 1565 during the time of Miguel Lopez de Legazpi, the first Spanish governor-general in the Philippines. Literature started to flourish during his time. The Spaniards colonized the Philippines for more than three centuries. During these times, many changes occurred in the lives of Filipinos. They embraced the Catholic religion, changed their names, and were baptized. Their lifestyles changed too. They built houses mad of stones and bricks, used beautiful furniture like the piano and used kitchen utensils. Carriages, trains and boats were used as means of travel. They held fiestas to honor the saints, the pope and the governors. They had cockfights, horse races and the theater as means of recreation. A. SPANISH INFLUENCES ON PHILIPPINE LITERATURE 1. The first Filipino alphabet called ALIBATA was replaced by the Roman alphabet. 2. The teaching of the Christian Doctrine. 3. The Spanish language lent many of its words to our language. 4. European legends and traditions became assimilated in our songs, corridos, and moro-moros. 5. Ancient literature was collected and translated to Tagalog and other dialects. 6. Many grammar books were printed in Filipino. 7. Our periodicals during these times gained a religious tone. B. THE FIRST BOOKS 1. ANG DOCTRINA CRISTIANA (THECHRISTIAN DOCTRINE)  first book printed in the Philippines in 1593 in xylography.  written by Fr. Juan de Placencia and Fr. Domingo Nieva. 2. ANG DOCTRINA CRISTIANA...

Words: 401 - Pages: 2

Premium Essay

The Effects of Jejemon Phenomenon in Language Proficiency

...modern era, language changes constantly. The language that we use today is getting wider and wider. Nowadays, we use technology like cellphones and computers to convey our messages and through these, people are learning on how to cope up and change the way they convey their thoughts and ideas in different forms. Indeed, English proficiency is one of the important things that we need to practice. The proper usage of both Filipino and English language is one of the important aspects of Philippine education. Correct grammar, syntax and pronunciation are the main concerns of improving our language proficiency to maintain an effective communication locally and internationally, but due to the continuous development of language, the emergence of Jejemon words became a phenomenon in the Philippines especially on its online breakthrough on April 14, 2010 at Pinoy Tumblr. Jejemons are persons who use jumbled letters, alternating capitalization, rearranging letters in a word, over-usage of the letters H, X or Z and mixture of numeric characters and our normal Filipino and English alphabet as their developed written linguistic style that can...

Words: 11283 - Pages: 46

Premium Essay

Jejemon

...one of the defining characteristics of a modern pedagogical grammar is that it provides descriptive information which is helpful for learners of the language. With this definition, this paper will try to compare the helpfulness of two pedagogical grammars by describing the features of transitivity of verbs and passive voice.  However, with the emergence of the jejemon languages, educational authorities are trying to convey its effect on the students. According to UrbanDictionary.Com, it is anyone with a low tolerance for correct punctuation, syntax and grammar. This definition is limited to the linguistic style of Jejemons. But in reality, Jejemon is a new breed of hipsters who have developed not only their own language and written text but also their own sub-culture and fashion. For brevity, I will limit this article to Jejemon language, which for lack of grammatical “canon” on how to call it, I will call it the “Jejenese” and their alphabet, “Jejebet.  The Jejenese is not just confined to Pinoy Jejemons. Just before I wrote this, I played “Warcraft” and found a European opponent who enjoys typing “jejejeje” in a very wide context, much to my disdain as he sabotages my online quests. Another group of foreign Jejemons, although their Jejemonism seems so trivial to actually classify them as Jejemons, are the Thais who type “hahaha” this way: “5555.” You will see a lot of these in your Thai friend’s Facebook status messages. Since, the number 5 translates to “ha” in Thai, as...

Words: 1266 - Pages: 6

Free Essay

Essay

... | |First Posted 11:08:00 12/29/2010 | | | |Filed Under: Children, Culture (general) | | | |GOOD SAMARITANS have started reaching out to children who are caught in a violent conflict or a debilitating cataclysm, using a | |psychological tool designed by a Filipino 35 years ago. | |Dr. Rogelia Pe-Pua, head of University of New South Wales? School for Social Sciences and International Studies in Australia, says | |donors used to ship toys to these children to help them cope with trauma. | |But the toys were often too strange to them. Pe-Pua says many ended up tucked in shelves or wrapped in closets ?because they are too | |expensive to be smashed at play time.?...

Words: 733 - Pages: 3

Premium Essay

Case Study

...UNIVERSITY OF LUZON Perez blvd.Dagupan City Business Policy and Staregy Henry Sy and John Gokongwei ( case study 3) Leader : Sheila Cerezo Assistant: Cyrel Jing Abaga Members: Monica Cabatin Stephen John Ramirez Belita Garcia Diana Rose Manangan Ma. Geneva Mapanao Karen Lamsen MarylleUngos We are aware that Robinsons and SM are popular shopping centers in the Philippines. These two companies are always compared, the founder of these are also compared. That is why we want to study about Henry Sy and John Go (kongwei was added to the suffix of his name which means “bright”). It’s because many business minded people and business related course of students like accountancy want to know what are the differences and similarities between the two business tycoons. We are interested of what kind of management they had and came up with this far. Many people question: what are the characteristics they had that made their success right now. One of the reasons why we want to study this article is to be able for us to determine among the two who is more successful. We also want to come up with their negative sides, to know their strength and weaknesses. And most of all, having this study will help us to get inspiration from Henry Sy and John Gokongwei to be applied in our future career as an Accountancy students today and CPA tomorrow. (1.) What makes some companies market leaders where others fail? 1. Henry Sy and John Gokongwei...

Words: 2504 - Pages: 11