Free Essay

Akeolohikong Labi Sa Pilipinas

In:

Submitted By kheouxquires
Words 858
Pages 4
10 Arkeolohikong Labi sa Filipinas

Mahaba ang kasaysayan ng Pilipinas kung babalikan ang mga arkeolohikong tuklas ng mga siyentipiko. Maraming labî ang nasa pribadong koleksiyon sa loob man o labas ng Pilipinas, ngunit higit na nakararami ang nasa pangangalaga ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Narito ang 10 halimbawa ng mga pambihirang artifak na nahukay sa iba't ibang panig ng bansa, at itinanghal sa Treasures of the Philippine Museum(1995) na sinulat ni Maria Elena Paterno, nilapatan ng mga kuhang-retrato ni Neal M. Oshima, at inilathala ng Bookmark, Inc. Pinili ang mga ito upang maging paalaala sa bagong henerasyon ng mambabasang Pilipino na may maipagmamalaking kultura ang Pilipinas.
1. Bungo mula sa Bolinao. Animo'y mula sa matipuno, matangkad, at mabangis na mandirigma ang bungong may mga ngiping pinalamutian ng ginto. Masinop na dinikitan ng ginto ang bawat ngipin, at maiisip na hindi karaniwang tao ang nagpagawa niyon, bagkus isang maharlikang mataas ang katungkulan sa lipunan. Tinatayang nasa ika-14 hanggang ika-15 siglo ang tanda ng naturang bungo na natagpuan sa Bolinao, Pangasinan.
2. Paleograpiya sa Butuan. Pahaba at sapad na pinilakang metal ito na ang rabaw ay inukitan ng kung anong misteryosong titik ng mga sinaunang tao. Walang nakababatid kung ano ang ibig sabihin ng mga titik; at mahihinuhang kaugnay iyon ng bangkay na nasa ataul na yari sa mula sa matigas na kahoy. Anuman ang ibig ipahiwatig niyon, at mananatiling palaisipan lalo pa't noong ika-13 hanggang ika-14 siglo pa ang tanda ng bagay na ito.
3. Tapayan sa Manunggul. Kakatwa ang tapayang ito dahil dito isinisilid ang mga buto kung hindi man abo ng yumao. Nahukay sa yungib ng Manunggul, Lipuun Point, Palawan ang nasabing mga tapayan. Simboliko ang takip ng tapayan, na nakasakay sa bangkang walang katig ang dalawang tao. Nasa unahan ang tao na nakahalukipkip, samantalang nasa likuran ang tao na sumasagwan. May ukit na mga mata at bibig ang prowa ng bangka na waring nakangiti. Pinaniniwalaang inihahatid ng kung sinong kaluluwa ang kaluluwa ng yumao, at ang paglalakbay ay tungo sa kawalang hanggan, gaya ng walang katiyakang karagatan. Tinatayang nasa 710–890 BK ang tanda ng naturang mga tapayan.
4. Kopitang luad ng Leta-leta. Natatangi ang kopitang ito na yari sa luad, na umiral noong Neolitikong Panahon
[pic]
[pic] kuha ni Neal M. Oshima
5. at matanda pa sa Piramide ng Ehipto. Animo'y doon ipinadron ang modernong kopitang para lamang sa alak na kakaiba ang sipa at linamnam, at maiisip na laan lamang iyon sa mga maharlika o tarikan.
6. Sinawit ng Kalinga. Palakol ito na hindi matatagpuan sa hilagang panig ng Pilipinas, at waring ginagamit na pamugot ng ulo. Yari sa matigas na uri ng kahoy ang puluhang masinop na inukitan mga diyamante at linya; samantalang mula sa pundidong bakal ang talim na hugis-kasko ang talim.
7. Abram sa Maitum. Malaking uri ng tapayan ang abram, at ilan nito ay natagpuan sa Kulaman, Cotabato. Ulo ng tao na hinubog sa luad ang pinakatakip ng abram, at may anyong tumatawa o nakangiti. Ang iba'y matangos ang ilong, may butas ang tainga para sa hikaw, at inukitan ng linya ang kilay. Sintanda ng abram na ito ang panahon ng kapanganakan ni Hesus sa Bethlehem.
8. Tela sa Banton. Natagpuan sa Isla Banton, Romblon ang sinaunang uri ng telang ginagamit na pambalot sa bangkay. Ikat ang paraan ng pagkakahabi ng tela, na ang bawat hibla ay masinop na sinusukat, tinitina, ibinibilad, at iniikid bago masining na idisenyo ng tagahabi. Palaisipan pa rin kung kailan ito unang ginawa sa Pilipinas. Samantala, ang Tela sa Banton ang masasabing kauna-unahang telang ikat sa Timog Silangang Asya at natagpuan noong siglo 14–15.
9. Maskarang ginto sa Oton. Nahukay sa Oton, Iloilo ang maskarang ginto na nasa loob ng ataul. Nakabukad ang mga habilog na mata, na waring ang paligid niyon ay may tatô. Matangos ang ilong na may taghikaw. Mula sa babae ang bangkay, at kung sino man siya ay mahihinuhang nagmula siya sa maharlikang uri na kayang magpagawa ng gayong masining na maskara mula sa dalubhasang artesano at panday.
10. Palayok sa Calatagan. May taas na 12 sentimetro at lapad na 20.2 sentimetro ang palayok na ito na kulay luad. Ang ipinagkaiba nito ay may nakaukit doong sinaunang titik o baybayin, at patunay na nagtataglay na ang mga katutubo noon ng sariling alpabeto bago pa man dumating sa kapuluan ang mga dayong mananakop. Naglaho na ang gayong uri ng pagsusulat, at maaaring nalibing ang lahat ng gunita sa lupain ng Talisay, Calatagan, Batangas noong siglo 14–15.
11. Sunduk ng Sama Laut. Mga hugis tao na inukit mula sa matigas na punongkahoy at ginagamit na pananda sa libingan ang “sunduk.” Kaugalian noon ng mga Sama Laut o Badyaw, ang lumikha ng mga imaheng kawangis ng babae o lalaking namatay bilang pagpupugay sa yumao. Sunduk din ang nagsisilbing lapida, at doon nakaukit ang pangalan at edad ng namatay. May paniniwala rin ang ibang Sama Laut na kapag namatay ang ama, ang bangkang pag-aari nito ay dapat baklasin ang mga kahoy upang gamitin sa paggawa ng sunduk.
Sanggunian

▪ Paterno, Maria Elena. Treasures of the Philippine National Museum. Lungsod Makati: Bookmark, 1995.

Similar Documents