Free Essay

Ayeahhh

In:

Submitted By EllaBashii04
Words 650
Pages 3
KABANATA I
Introduksyon
Ang kapatiran o fraternity ay nanggaling sa salitang Latin na frater na ang ibig sabihin ay brother. Ang kapatiran o fraternity ay isang kapatiran, bagama’t ang terminolohiya ay karaniwang nagpapahiwatig ng isang pormal na organisasyon at minsan ay isang sekretong samahan. Ito ay isang organisadong samahan ng mga kalalakihan, isang kapatirang dedikado sa intelektuwal, pisikal o sosyal na debelopment ng mga miyembro nito. Ang katumbas nito sa mga kababaihan ay sorority, at ang samahang kinaaaniban ng kapwa babae at lalake ay tinatawag namang confraternity.
Sa mga kolehiyo at pamantasan, ang mga fraternity ay mauuri bilang panlipunan, panlingkuran, propesyonal at honorary. Ang mga ito ay inoorganisa para sa maraming layunin. Ilan sa mga layuning ito ay may kaugnayan sa edukasyon o pag-aaral, trabaho, etika, etnisidad, relihiyon, politika, at minsan, krimen. Ano’t ano man ang layunin, makikilala ang isang fraternity sa pamamagitan ng mutual support ng mga miyembro nito.

Bakgrawnd ng Pag-aaral
Mauugat ang kasaysayan ng fraternity sa sinaunang Gresya at sinaunang Roma. May mga kahawig ding institusyong nabuo bago matapos ang panahong midyibal na tinawag na confraternities na samahang kaugnay ng simbahang Katoliko. May mga nabuo ring samahan ng mga mangangalakal na tinawag na guilds. Ang mga samahang ito ay kalaunang nag-ebolb bilang mga purong sekular na samahan.
Dito sa Pilipinas, ang mga Espanyol at iba pang mananakop ay nagtatag ng ilang pilosopikal at praternal na samahan noong 1850, ngunit ang mga ito ay eksklusibo lamang sa mga Kastila o kanilang kalahi. Noon lamang 1872 lumaganap ang Fraternity of Odd Fellows sa Pilipinas. Sinundan ito ng Freemason noong 1877 na dinala rito ng mga Amerikano. Itinatag din ang mga lodges ng mga militar na nadestino sa Maynila noon. Ang kauna-unahang kapatirang itinatag ng mga Pilipino ay ang Katipunan. Naging pangunahing layunin ng samahan ang magkamit ng kalayaan mula sa mga Espanyol sa pamamagitan ng rebolusyon.

Sa kasalukuyan, may iba’t ibang dahilan ng pagsali sa mga fraternity na karamihan ay nakabase sa mga pamantasan o kolehiyo. Sa mb.com.ph, sinagot ng ilang kabataang mag-aaral ang tanong na Why do young people join fraternities despite the known risks? Ayon kay Tristan Zantua ng UST, kapangyarihan at proteksyon ang pangunahing dahilan ng pagsali ng maraming kabataan sa mga samahang ito. Ayon kay Rachel Geronimo ng UST, seguridad at suporta ang kadalasang dahilan lalo na ng mga estudyante ng Law. Isa ring dahilan ang pagpapalawig ng propesyonal na network, ayon kay Jose Miguel Perez ng UE. May mga sumasali rin daw para lamang magmukhang astig, ayon kay Myka Cruz ng CEU. Halos pare-pareho naman ng opinyon sina Abigail Reyes ng AdMU, Jermain Sy ng DLSU, Monica Dugenia ng UP, Paula Arnedo ng DLSU at Jonathan Mendoza ng MIT. Ayon sa kanila, sense of belonging o need to fit in ang pangunahing dahilan. Brotherhood at legacy naman ang nakikitang mabubuting dahilan ng pagsali sa mga ito nina Maricon Lorenzo ng DLSU, Mary Grace Petil ng UA&P, Gezela Tandez ng UP at Kristine Ponciano ng PLP.

Theoritikal Framework

Konseptwal Framework

Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito ay makakatulong na sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang magandang epekto ng kapatiran o fraternity sa kabataan? 2. Ano ang masamang epekto ng kapatiran o fraternity sa kabataan? 3. Ano ang maaaring solusyon upang mapigilan ang masamang epekto ng kapatiran o fraternity sa mga kabataan? Iskop at Delimitasyon ng Pag-aaral Ang pa-aaral na ito ay tungkol lamang sa maganda at masamang epekto ng kapatiran o fraternity sa mga kabataan lalo na sa mga menor de edad, at ang maaaring solusyon para mapigilan an masamang epekto nito.

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga tao na malaman ang mga maganda at masamang epekto ng kapatiran o fraternity. Makakatulong din ito upang maintindihan ng mga mambabasa ang maaaring maging resulta ng pagsali sa ganitong klase ng organisasyon.

Similar Documents

Free Essay

Script

...Script of Lovers' Path : A Tale of Cupid and Psyche Note: credits to Edith Hamilton, author of Greek Mythology Book, other writers on net which is my source of conceptualizing the details, composers and artist of all the music and sound effects for the soundtracks. Prelude : Story Teller: (Forever In Love: Sax Instrumental) Cupid and Psyche is a story about love. It is also about beauty, truth, and goodness, for these are three aspects of love: and it is about death, the hereafter, and rebirth. Its simplicity touches our hearts, and at the same time tantalizes our minds with hints of teachings that youth experienced during the higher degrees of initiation. It deals about human consciousness, with its fall from on high, its captivity in realms of material illusion, its ages-long wanderings, and its metamorphosis as it awakens and recollects with increasing clarity its divine origin and nature. Hence love endeavours to rise, as a butterfly freed from its chrysalis, into higher dimensions where it lives among the immortals.  Cupid and Psyche is indeed a story of love, a love with transcendent power to raise the soul to divine awareness. As such, this is a love story to be cherished during those dark and silent moments that sanctify our lives. : My friends……the beautiful story of Cupid and Psyche…. Music : harp and lyre instrumental ( 30 seconds) SCENE I. (open curtain – stage 1) Narration : (background music : prayer to the goddess)Olympus was the residence of the divine...

Words: 12812 - Pages: 52