KUWAIT: Si SSS Representative Frank Uy sa kanyang tanggapan sa embahada habang abala sa kanyang trabaho noong Huwebes. --Kuha ni Ben Garcia
Maraming programa ang gobyerno bilang ayuda para sa mga manggagawa abroad man o maging sa Pilipinas. Tinalakay na po natin ang ilan sa mga ito, at nangako akong isusunod ang ukol sa usapin sa SSS o Social Security System. Maraming tanong akong natanggap mula sa ating mga kababayan especially yung mga nag-text sa akin last week, pero bibigyan daan lang natin ang ilan sapagkat, kailangan natin ng space para sa Q & A portion ko kay Francisco 'Frank' Uy, ang representative ng SSS sa Kuwait. Taliwas sa paniwala ng ilan, ang SSS ay ahensiyang pag-aari lamang ng gobyerno. Marami ang nag-aakala, maging hanggang ngayon, na ang SSS ay semi-government lamang. Ibig sabihin, bahagi ay pag-aari ng ilang private companies sa Pilipinas, subalit nilinaw ni Mr Frank Uy na hindi totoo and mga sapantaha, dahil purong gobyerno daw po talaga ang may-ari ng SSS. In fact, si Frank Uy na empleyado ng SSS ay nagbabayad sa GSIS automatic, dahil empleyado siya ng gobyerno. Kung contractual ang isang empleyado ng gobyerno, doon pa lang umano pumapasok sa SSS. Ganun pala iyon.
Ngayon, para lalo nating maunawaan ang mga programang laan para sa kanyang mga miyembro, ito po ang bahagi ng aking panayam kay Mr Uy.
USAPANG SSS
BEN GARCIA: Ano ang SSS?
FRANK UY: Ang SSS ay isang ahensiya na nagbibigay ng insurance o pasiguro para sa mga empleyado ng pribadong kumpanya (private sector employees). Iyan ay counterpart ng GSIS para naman sa mga trabahante ng gobyerno (government employees). Ang SSS ay itinatag upang makatulong sa mga empleyado kung wala na siyang trabaho o regular na kita o pinagkakakitaan, o kahit na temporary na nawalan ng income at maraming iba pang benepisyo.
BEN GARCIA: Pakipaliwanag nga po sa amin ang mga benepisyong hatid ng SSS?
FRANK UY: [1] Income Benefit: Each employee na gumamit na ng kanyang sick-leave halimbawa, tapos naubos na ito pero tuloy pa rin ang kanyang pagkakasakit, puede siyang humingi ng saklolo sa SSS. Ang SSS ay magbibigay ng at least 120 days sick leave benefit per-year. Ibig sabihin, ang SSS ang magbibigay sa kanya ng kanyang suweldo depending on his/her contribution dahil sa pagkawala ng kanyang regular income. At least mayroon kang hulog sa SSS ng one straight year bago mo ito ma-claim. Ano namang mga sicknesses ang covered nito? Lahat ng uri ng sakit ay puede, kahit hindi work-related tulad ng pabalik-balik na lagnat na dahilan upang hindi ka na makapasok sa trabaho sa mahabang panahon. Nasaksak, naputulan ng daliri, nasagasaan, iyan ay puedeng icover ng SSS under lost of income benefit. Kapag lumala na... ito naman ang susunod:
[2] Disability Benefit: Kung grumabe na halimbawa ang sakit, partial lost of sight, naputulan ng kamay, paa, maysakit sa puso, sakit sa atay, kami na ang magbibigay sa kanya ng suweldo, again, depende iyan sa kanyang hinuhulog. Magkakaroon siya ng pension for a certain period of time. Partial disability benefit ang tawag diyan. Kung malala na masyado at hindi na siya puedeng makapag-trabaho, yung miyembro na nakapag-hulog na ng at least three years, puede na siyang bigyan ng lifetime pension. Kahit 30 years old lang siya, ibibigay iyan sa kanya ng SSS.
[3] Maternity Benefit: Yung member na babae na nakahulog sa SSS ng one straight year, qualified na siyang mag-apply ng maternity benefit. Now, ibibigay iyan ng SSS kahit anong kaso; cesarean, normal, o kahit na yung nakunan, ibibigay ang benepisyo sa miyembro. Ang kanyang benefit naman na makukuha ay depede sa kanyang contribution. Ibibigay ng SSS up to four deliveries, ibig sabihin kung manganak ka ng dalawang beses sa isang taon, ibibigay iyan ng SSS. Puedeng ifile ang claim dito [sa Kuwait], darating dito ang cheke, pero babalik ang cheke sa Pilipinas dahil kailangan siyang ideposit sa PNB. Wala na ring illegitimate classification ngayon, basta anak, anak sa pagkadala, pagkabinata, sa labas, ibibigay ang maternity benit ng SSS.
[4] Retirement Benefit: When you reach the age of 60, hindi ka na talaga puedeng magtrabaho, kaya kung miyembro ka, puede kang mag-claim ng lifetime pension sa SSS. Ito yung mga members na dumating na sa retirement age na 60. Kung nakahulog ka na ng ten years, makukuha ang pension mo monthly. Ang requirements diyan dapat nakahulog ka ng 120 months kahit putol-putol basta at ten years ang total. Halimbawa 60 years old ka na at may-minor ka pa [na anak], additional ten percent iyan sa pensioner each child.
[5] Death Claim: Pag-single ang namatay, parent ang claimant niyan. Kapag namatay naman ang asawa, ang death claim ay mapupunta sa asawa. Halimbawa namatay ang asawa ng bata pa, pero, miyembro siya ng SSS, mayroon ding kaukulang pension na mapupunta sa asawa. Kung wala na ang dalawa, puedeng makuha ng kanyang beneficiaries basta dapat anak niya. Kung walang three years ang contribution ng miyembro, puedeng makakuha ng at least 45,000 lump sum.
[6] Funeral: Lahat ng miyembro na namatay kahit isang beses lang siyang nag-hulog sa SSS, puede siyang mag-claim ng 20,000 pesos funeral. Automatic iyan na nakukuha ng member. (Syempre yung kamag-anak o beneficiary niya ang magki-claim ng funeral, mahirap nang bumangon ang patay-hehehe.) Kailangan lang ibigay ang resibo ng funeral parlor at mabilis iyang ipina-process ng SSS.
Liban sa mga nabanggit mong benefits, wala na bang ibang benefits na ibinibigay tulad halimbawa ng salary loan at housing loan?
FRANK UY: Mayroon kaming additional benefits na puedeng iclaim ng members, tulad ng salary at housing loan. Pero ito ay hindi kasama sa mga benefits at tinawag lang namin itong special privileges. Sa salary loan puede kang makakuha depende sa contribution mo, iyon lang ang puedeng ipautang sayo. Sa housing loan naman, puede lang talaga kaming magbigay ng at least one million pesos na pautang. The reason was that nauunawaan namin ang bigat ng responsibilidad sa pagbabayad. Puede kasing umabot sa 3 million kahit one milyon lang ang utang sa housing, dahil sa tubo at depende sa tagal ng taon ng pagbayad mo. Ganun kalala iyan na hindi naipapaliwanag masyado sa nangungutang. At iyan din ang konsidyon ng mga housing loans kahit na nga gobyerno din ang nagpapautang, pasintabi sa mga counterparts namin. Bukod diyan mayroon pa kaming Flexi-fund.
BEN GARCIA: Ano naman po itong flexi-fund?
FRANK UY: Ito naman ay voluntary provident fund para a mga OFWs. Karagdagang serbisyo ito ng SSS bukod sa regular OFW membership. Ang flexi-fund ay pension plan at savings account rolled into one. Isipin mo ang time deposit, parang ganun ang flexi-fund. Ang sa amin lang mas-mataas ang tubo, seven percent, as compared sa at least 2 or even less percent ng tubo na ibinibigay ng bangko. Malaking tulong ang flexi-fund program sa pangangalaga ng kinikita sa abroad. Sa pamamagitan ng programa, makakaipon ang OFW at maaari niyang ma-maximize ang kanyang kita. Ang pinagsasama-samang contribution sa flexi-fund ay isang investment, lalo na kapag natapos na ang kontrata abroad. Bukod sa mga benepisyong matatanhggap sa ilalim ng regular SSS membership, ang flexi-fund ay mayroong mga karadgadang benepisyo mula sa kita ng kanyang inipon sa kanyang flexi-fund account. Maaring makuha ang flexi-fund benefit bilang lump sum, pension o pareho. Ang inipong pera gamit ang flexi-fund ay ini-invest naman ng SSS sa government securities. Base sa average 91-day Treasury bill rate and kita ng flexi-fund contributions at ito ay tax-free. Kaya bukod sa transparent at risk free na, malaki pa ang interes. Flexible ang terms at amount of payment pero ang kontribusyon dito sa flexi-fund ay tumutubo ng seven percent. Hindi tulad ng sa bangko na minsan less than two percent lang o kadalasan one percent lang tubo. ng GSIS ay may mga gawain na mga sumusunod:[3] * Kinikilala at nagbibigay sa tamang panahon ang lahat ng mga ari-arian ng pamahalaan at proyekto na may angkop ng matinding pagsusuri at karampatang seguro sa pamamagitan ng mga mabisang istratehiya at mga taktikang hinggil sa operasyon * Kumakandili sa lahat ng panahon ang mga tamang halaga, mga patakaran at kundisyon, mga hugnay at warantiya sa lahat ng mga negosyong pantaripa at di-pantaripa; * Isinasaayos ang lahat ng mga makatwirang angkin na may katinuan at na nasa loob ng natukuyang hangganan ng panahon at mga pamantayang may-uri. * Nagseseguro nang muli ang tamang halaga na may matatag at kapani-paniwalang tagapagseguro sa nararapat na panahon; at * Naglalagom ng lahat ng mga salapi na nararapat sa Pondong Seguro ng Pamahalaan na ang mga ito ay nagiging bagay na dapat nang bayaran at kinakailangan.
Ang GSIS ay nabigyan ng kapangyarihan at mangasiwa sa mga sumusunod:[4] gamitin sa mga negosyo at operasyon sa lahat ng uri ng seguro at muling-pagseguro at lahat ng mga ibang anyo ng mga pinagkakaabalahan upang magbayad-pinsala sa mga tao o ari-arian laban sa pagkawala, pinsala, o pananagutan, kasama ang ikatlong panig ng pananagutan, na nagmula sa mga pangyayaring di-nalalaman o maaaring mangyari; * muling magseguro na may o tanggapin ang muling-pagseguro mula sa mga kompanyang seguro at muling-pagseguro sa Pilipinas at sa ibang bansa; * magpalabas ng mga patakaran na napapangalanan sa anumang pananalaping panlabas; * magpalabas ng mga garantiya at/o tanikalang paggawa sa Piso ng Pilipinas at/o sa anumang pananalaping panlabas; * magseguro ng lahat ng mga malasegurong pag-aari na naghahain bilang mga kolateral para sa mga pautang na pinalawak ng institusyong pananalapi ng pamahalaan; at * magbahagi sa mga pamahalaan ng anumang subi na maaaring itong ihayag mula sa mga operasyon ng Pondo. Ang namamahala at gumagawa ng mga patakaran ng GSIS ay ang Lupon ng mga Katiwala, kung saan ang mga kasapi ay itinalaga ng Pangulo ng Pilipinas.[2] Ang GSIS ay binubuo ng mga 3,104 na manggagawa, 52 bahagdan ng kabuuan ng bilang ay nasa Punung Tanggapan habang ang 48 bahagdan ay nasa sa mga Sangay. * Sa kasalukuyan, may 40 sangay at 78 buntabay na tanggapan sa buong bansa. Ito ay isinasapananaw na ang kabalagang paglilingkod ng Sistema na itutuloy ang paglaki bilang institusyon na maisagawa upang ipagkaloob ang mga tanggapan ng sangay sa bawat lalawigan kung saan naririyan ang mga nasa pinakamababa ng 15,000 aktibong kasapi.