LUBAO,TRIXIA
BS PSYCHOLOGY
I. Batayang aklat sa wika
A. Kahulugan at katangian ng wika
Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki. Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang dan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba't ibang aspeto ng buhay.
MGA KATANGIAN NG WIKA
1. Dinamiko ang wika. Nagbabago ito kasabay ng pagbabago ng panahon at pandaigdig na pagbabago.
2. May sariling kakanyahan ang bawat wika. Hindi mahahanap sa ibang wika ang mga katangian ng isang wika.
3. Kaugnay ng wika ang kultura ng isang bansa. Ang sining, panitikan, karunungan, kaugalian, kinagawian, at paniniwala ng mga mamamayan ang bumubuo ng kultura. Ang pangkat ng mga taong may angking kultura ay lumilinang ng isang wikang naaangkop sa kanilang mga pangangailangan sa buhay.
B. Ang papel ng wika sa pag katuto
Isang mahalagang instrumento ang wika sa komunikasyon. Nagkakaroon ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman; mithiin at nararamdaman sa halos lahat ng aspect ng pag-aaral --- sa ating pang-araw araw na pamumuhay. Nakasalalay ang epktibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang Tao sa pamamagitan ng wika. Kinakailangang maging mahusay ang isang idibidwal sa pagsasanay ng wika upang magamit ito nang maayos. Inaasahang sa papel na ito na maipaliwanag ang tungkulin na ginagampanan ng wika sa pagkatuto sa ibat ibang disiplina.
Malaki ang papel ng wika sa pagkakatuto. Ang pang-araw araw na buhay ng Tao ay umiikot dahil sa wika. Sa pamamagitan ng pasulat at pasalita, ang wika ay nagiging daan upang ipaabot ng isang idibidwal ang kaniyang kaisipan at damdamin. Ang wika ay nalilinang ang kakayahang komunativo ng isang mag-aaral. Ang pagiging marunong sa wika ay nagtataglay ng kapangyarihan na makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kapwa at mapahalagan ng lubos ang kagandahan ng buhay na gingalawan ng isang indibidwal. Ang wika ang pinakamahalagang instrumento ng komunikasyon. Samakatuwid, ang wika sa pagkakatuto ay makabuo ng isang pamayanang progresibo at kapaki-pakinabang. Pangalawa, ang wika ay dapat may interaskyon. Ang pagunawa sa mensaheng ipinahayag ng mga kasangkot sa interaskyon ay may pantay na kahalagahan sa pagpapahayag sa sariling ideya. Pangatlo, ang wika ang kaluluwa ng bayan at salamin ng lipunan. Ang isang bayan ay Hindi makikilala kung Hindi dahil sa kanilang wikang pambansa. Ang wika ang nagbibigay ng katauhan sa isang lipunan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa maraming papel ng wika sa pagkakatuto. Kasama sa pag-aaral ng katangian ng wika, kinakailangan ang pageensayo sa pagsasalita at pagsusulat. Ang wika ay ginagamit sa pang-araw araw na pamumuhay. Ito ay isang mahalagang salik sa pagkakaunawaan ng bawat indibdwal. Maraming papel ang wika sa pagkakatuto tulad ng mga nabanggit kanina. Una, ang wika ay kasangkapan na ginagamit ng isang indibidwal upang makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Pangalawa, ang wika ay may interaskyon, at Pangatlo ang wika ang nagsasalamin sa bayan. Mahalaga na maging malinang sa panunulat at pagsasalita ang isang indibidwal upang maging mahusay at epektibong instrumento ng wika. Ang wastong paggamit ng wika sa pagkakatuto ng isang indibidwal ang siyang magdadala at magbubuo ng isang pamayanang kapaki-pakinabang at progresibo. Bagamat ang wika ang kaluluwa ng lipunan.
C. Mga batayang kaalaman sa pag basa -ang pagbasa ay humuhubog ng pag-iisip
-sa mataas na lebel ay layuning maitaas ang antas ng pag-iisip, pagiging kritikal at mapanuri.
-ayon kina Curry at Palmunen(2007) nababago ang paraan ng pagbasa sa kolehiyo. Hindi lamang nakatuon sa mga detalye kundi paano nagiging makatotohanan ang isang impormasyon.
D. Mga batayang kaalaman sa pag sulat
Pagsulat – pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.
E. Ugnayang pagbasa at pag sulat
Ang pagbabasa at pagsusulat ay may matibay na relasyon sa isa't isa, sapagkat hindi maaaring umiral ang isa kung wala ang isa pa. Habang umuunlad ang ating kakayahan sa pagbabasa ay ganun din ang kakayahan natin sa pagsusulat
II. Pagkakilala sa batayang istraktura at hulwaran ng organisasyon ng iba’t- ibang genre ng teksto.
A. Iba’t – ibang genre ng mga nakasulat na teksto
Deskriptiv- ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng informasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar, bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano.
Nareysyon-ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tumutugon sa mga tanong na paano at kailan.
Exposisyon- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tungkol sa pag-aanalays ng mga tiyak na konsepto. Tinutugon nito ang tanong na paano.
Argyumentasyon- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.
Informativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala at mga bagong informasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at kaisahan
Prosijural- ang isang teksto kung ito ay nagpapakita ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain.
Referensyal- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan ng mga inilalahad na kaalaman. Ang mga kaalamang hinango mula sa iba ay malinaw na tinitiyak at inilalahad.
B. Mga bahagi ng teksto
SIMULA-ito ay nagsisilbing panimula ng isang teksto na kung saan ito ay nanghihikayat sa mga mambabasa. Dito din makikita ang mga pasilip na impormasyon tungkul sa nilalaman ng isang teksto.
KATAWAN-ito ay nagsisilbing karne ng isang teksto na kung saan dito makikita ang mga impormasyon, sariling pananaw, karagdagang kaalaman at mga argumentong nabibilang sa isang isyu na napapaloob sa isang teksto.
WAKAS-ito ay ang panghuling bahagi ng teksto na kung saan dito makikita ang buod ng ispisipikong isyu na tinatalakay sa KATAWAN. Ito din ay nagbibigay ng mga babala, aral at aksyon na makakatulong sa buhay ng mambabasa
C. Mga paraan ng pag papahayag
•Paglalarawan ay may layunin na makabuo ng malinaw na larawan sa isipan/ imahinasyon ng mambabasa o tagapakinig
•Paglalahad ay may layunin gumawa ng isang malinaw na pag papaliwanag tungkol sa isang bagay, hagap, katotohanan, at iba pang saklaw ng karunugan ng tao.
•Pagsasalaysay layunin nito ang magkwento o mag-ugnay ugnay ng mga pangyayari.
•Pangangatwiran layunin nito o manghikayat o mangkumbinse