Free Essay

G12 Pre Encounter Lessons

In:

Submitted By annaoj
Words 11570
Pages 47
|Pre-Encounter |
|to an Encounter with GOD |
|Isang Hakbang Tungo Sa Paglaya Gabay Ng Mag-Aaral |
|I Am Redeemer and Master Evangelical Church |

CONTENTS

Apat na Kamangha-manghang Pagkakataon

Ang mga Benepisyo ng Krus

Ang Bagong Kapanganakan

Ang Pangangalaga sa Bagong Kapanganakan

Ang Benepisyo ng Bagong Kapanganakan at ang Buhay ng Espiritu

Pagkilala sa ating Kaaway

Ano ang kailangang malaman patungkol sa ‘Encounter’

Panimula

Ang pagkakatagpo (encounter) kay Hesus ay ang pinakamaluwalhating karanasan na maaaring mangyari sa isang tao. Binabago niya ang ating buhay, pinapauli ang ating puso at iniaangat ang ating espiritu. Sa ating pagkatagpo sa kanya, napaparam ang kalungkutan, natutunaw ang sakit at ang ating paghihirap (depression) ay nawawasak sapagkat ang kalakasan ng Kanyang Banal na Espiritu ay hinihipo ang ating buong pagkatao.

Nang aking makatagpo si Hesus, binago niya ang patutunguhan ng aking buhay, binaliktad niya ng isang daan at walumpung digri (180°) sapagkat siya ay sobrang kakaibang tao. Nagsimula akong makakita sa aking bagong paningin at may kaibang pananaw. Binigyan niya ng bagong kahulugan ang aking buhay na ako’y lubos na naniniwala na hindi ako nag-aaksaya ng panahon. Mula ng makatagpo ko siya, nais kong matubos (redeem) ang bawat sandal ng aking pananatili sa mundo.

Ang gabing nasumpungan ko si Hesus ang pinakamaluwalhating sandali ng aking buhay. Ang bawat araw simula ng karanasang ‘yon ay mahalaga sapagkat pambihirang pagbabago ang nangyari at aking nasumpungan ang kahulugan ng buhay. Dagdag pa rito, ang Diyos ay naglagay sa aking kalooban ng isang masidhing pagnanasa na gumawa ng bagay para sa kanya.

Ang pagbabago sa aking buhay ay bunga ng isang payak at taos na panalangin kung saan hiningi ko kay Hesus:”Kung ikaw ay totoong nariyan at kung ikaw ang Diyos ng Biblia, pakiusap kong iyong ihayag ang iyong sarili sa akin sa sandaling ito.” Dagliang Siyang tumugon at aking nakatagpo ng mukhaan ang may Akda ng buhay.

Nadaig ako ng damdamin: Umiyak ako, humalakhak ako, at aking pinuri ang Diyos ng buong puso. Aking nasumpungan si Hesus sa isang natatanging personal na kaparaanan at kanyang binago ang aking buhay.
Ang babasahing ito na nasa iyong kamay ay malaking tulong sa paghakbang patungo kay Hesus at sa pagkakaroon ng isang personal, nagbabagong buhay na pagkatagpo sa kanya. Matapos ang panalangin ng iyong sasabihin, Kanya ring ihahayag ang Kanyang sarili sa iyong buhay

Nagkaroon ka bang karanasan na iyong pinagsisihan dahil pinabayaan mong makalampas ang isang malaking pagkakataon (opportunities)? Alam nating ang buhay ay puno ng mga pagkakataon, kagaya ng isang pakikipanayam (interview), isang kasunduang pangnegosyo o pagkatagpo isang tao na magiging iyong kasama sa buhay. Marami pagkakataon ang nakakaharap ng lahat sa antas ng ating buhay, subalit ang pinaka mainam na pagkakataon ay ang masumpungan ang isang sagana at ganap na buhay (Juan 10:10b). Ang pagkatagpo at paglago sa kaugnayan sa Kanya ay kinapapalooban ng apat na kamangha-manghang pagkakataon na ating tutuklasin sa araling ito.

Ang Pagkakataon ng Pagkatagpo
(The Encounter Opportunity)
“Kapag hinahap ninyo ako, ako’y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hahanapin.” Jeremias 29:13
Kahit gaano pa kalayo ang iyong pagligaw sa Kanya. Gaya ng alibughang anak na gumawa ng pagpapasyang bumalik sa bahay ng kanyang ama upang humingi ng pangalawang pagkakataon (Lukas 15:11-20), maaari mo ring gawin ang gayon sa pamamagitan ng pagpapasyang makatagpo ang iyong Amang Diyos.

Ang Diyos ay laging malapit sa atin, kasing lapit ng hangin na ating hinihinga. Ang sinumang nagnanais na maranasan na makatagpo Siya ay maaari itong gawin. Sa mensahe sa mga taga-Atenas, inihayag ni Pablo, “Ginawa niya iyon upang hanapin nila ang Diyos; baka sakaling sa kanilang paghahanap, siya ay matagpuan nila. Ang totoo, hindi naman siya talagang malayo sa bawat isa sa atin; sapagkat,’Hawak niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao.’ Tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata, ‘Tayo nga’y mga anak niya.’”

Ang Pagkakataon ng pagkakasundo
(Reconciliation)
‘Babalik ako sa aking ama at sasabihin ko sa kanya, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi nap o ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila”’
Lukas 15:18-19

Ang binatang ito sa talinghaga ay nagpasya na di manatili sa kanyang kinabagsakang kalagayan, sa halip siya ay nagbakasakali upang makasumpong ng bagong pagkakataon. Kanyang kinilala ang kanyang pagkakamali at lumakad upang hanapin ang kanyang ama upang humingi ng kapatawaran. Tulad nito, maaari tayong magkaroon ng tunay na pakikipagkasundo sa Diyos kung ating aaminin ang ating pagkakasala, kung ating pagsisisihan at itatakwil ang lahat ng kasamaang ating nagawa at hingin ang kapatawaran ng Diyos. Sa ating paggawa nito, iaabot ng Diyos ang kanyang mahabaging kamay patungo sa atin, gaya ng sinasabi sa 1 Juan 1:9, “Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya’y tapat at matuwid.”

Ang Pagkakataon ng Pagpapanauli
(Restoration)
“Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.” Roma5:8

Ang lahat ng ating kasalanan ay may karampatang kaparusahan, subalit ipinahintulot ng Diyos na ang Kanyang Anak na si Hesu-Kristo ay akuin ang ating kalagayan at bayaran ang ating kasalanan. Ang ama ng alibughang anak ay nagpasyang ibalik ang nawalang dangal ng kanyang anak at nagdaos ng isang handaan para sa kanya. Kanyang iniutos na ang isang pinatabang guya ay ialay para sa karangalan ng pagbabalik ng kanyang anak, sapagkat iniisip niya na ang kanyang anak ay nawala at muling nasumpungan (Lukas 15:23-24). Ang pag-aalay sa Kalbaryo, ang dakilang pagsasakripisyo ay ang tanging paraan itinatag ng Diyos para tayo ay mapanauling muli sa Kanya. Ang pag-aalay ay ang tanging kaparaanan sa ating katubusan, sa Efeso 1:7 sinasabi na, “Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang ating mga kasalanan.”

Ang Pagkakataon ng Pagtutustos
(Provision)
“Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos.” (Juan 1:12)

Itinuring tayo ng Diyos na kanyang minamahal na mga anak at pinagkatiwalaang muli ng mga tanging karapatan na nawala sa atin dahil sa kasalanan. Tayo’y kanyang binihisan ng pinakamainam na kasuotan, binigyan ng pinakamainam na panyapak at nagkaloob ng singsing na kumakatawan sa ating kapangyarihan na ating ngayon tinatamasa bilang kanyang mga anak at tagapagmana. Dahil sa ating pananamapalataya kay Jesus, ipinapalagay ng Diyos tayo na mahal na anak, ginagawa tayong kabahagi ng kagayang kayamanan at kaluwalhatian na kay Jesus. Ipinaliwanag ito ni Apostol Pablo ng kanyang isulat na, “At yamang mga anak, tayo’y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo…” (Roma 8:17a)

Masidhi kitang hinahamon na gumawa ng pagsisikap upang magkaroon ka ng personal na pagkatagpo sa Panginoon. Sa mga nakaraang daang taon, Siya ay nagbabago ng mga buhay sa radikal na kaparaanan. Halimbawa, nang makatagpo ng mukhaan ni Jacob ang anghel ng Panginoon, sinabi niya, “Nakita ko ang mukha ng Diyos, gayunma’y buhay pa rin ako.” (Genesis 32:20)

Ang patriyarkang si Job, na nagmamatuwid sa kanyang sarili dahil hindi niya maunawaan ang ‘bakit’ ng kanyang kalagayan at nagsabing, “Noo’y nakilala ko kayo dahil sa sinabi ng iba, subalit ngayo’y nakita ko kayo ng sarili kong mga mata. Kaya ako ngayon ay nagsisisi, ikinahihiya lahat ng sinabi, sa alabok at abo, ako ay nakaupo.” Noong makatagpo niya ng mukhaan ang Diyos
(Job 42:5-6)

Ang propeta Isaias, ay nangilalas ng makita niya ang kaluwalhatian ng Panginoon at sumigaw na, “Kawawa ako sapagkat ako ay isang makasalanan at mula sa isang lahing makasalanan. Mapapahamak ako sapagkat nakita ko ang Hari, si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat!” (Isaiah 6:5). Matapos harapin ng propeta Nathan, si Haring David ay nagpakababa at umamin sa kanyang kasalanan at nagmakaawang siya ay dalisayin. Naranasan niya ang tunay na pagkawasak, nagsabing, “Ang handog ko, o Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat.” (Awit 51:17)

Naniniwala ako na ang mukhaang pagtatagpo (a face-to-face encounter) sa buhay na Diyos ay magbabago din ng iyong buhay.

Questions
1. Ano ang tunay na kahulugan ng pagkakaroon ng tunay na pagkatagpo (true encounter) sa Diyos? (tingnan ang Pahayag 3:20) _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Ano ang daang pinili ng sangkatauhan na naghiwalay sa kanya sa Diyos?
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Ano ang mga kaloob ang ating tinanggap sa Diyos ng tayo ay magkaroon ng personal na pagkatagpo sa Kanya?
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Suriin ang mga sumusunod na mga talata: Roma 5:8 at Lukas 15:23-24
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
5. Ilarawan ang bawat isa na apat na kamangha-manghang pagkakataon kasama ang mga katugon na mga talata.
a.____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
b.____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
c.____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
d.____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
e.____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Konklusyon

Ang pagkakaroon ng tunay na pagkatagpo sa Diyos ay malaman na:
• Inihanda ng Diyos ang katubusan ng tao, subalit pinili ng tao ang maling daan at nahiwalay ang kanyang sarili sa Diyos.
• Tanging sa Krus lamang maaari nating maranasan ang pakinabang ng sakripisyo ni Hesus at makapagsimulang lumakad sa kalayaan na kanyang binayaran para sa iyo.
• Ang tunay na pagsisisi ay daan patungo sa kaligtasan. Mararanasan mo ang pangloob na kagalingan sa lahat ng sugat ng iyong nakaraan.

Mga Pangunahing Prinsipyo na Dapat Tandaan
• Ang Pagkatagpo (Encounter) ay pagkakataong ibinibigay sa iyo ng Diyos.
• Ang Pakikipagkasundo ay isang pagkakataon na makabalik sa tahanan ng Ama.
• Ang Pagpapanauli ay piging ng kagalakan sa lahat ng nanunumbalik sa Diyos. Hawakan mo ito.
• Ang Pagtutustos ay tumitiyak na nais ng Diyos na pagpalain ka at pangalagaan ang sa ‘yong probisyon maging ng iyong sambahayan.

Pagsasabuhay ng mga Prinsipyo
Mula sa araw na ito, ako ay magpapasya na:
• Magkaroon ng pagtagpo (encounter) kay Hesu-Kristo sa pamamagitan ng pagtanggap sa Kanya at maranasan ang pinakamagandang kaloob ng Diyos sa aking buhay,
• Pagsisihan ang lahat na kasalanan at makipagkasundo sa Diyos.
• Tanggapin ang kaloob na pagtubis ng Diyos.
• Tanggapin ang buong probisyon ng Diyos sa aking buhay.

Ang Walang Kahambing na Kristo
Sa lahat ng panahon at kasaysayan ng sangkatauhan, si Hesu-Kristo ay ang tanging tao na nagpabago sa mundo higit kaninuman. Bagamat may iba na tinatawag na dakila, dahil sa kanilang pagsakop, maningning na gawain, talentong political, mataos na relihiyosong pamumuhay o maging ang kakayahang maidikta ang kanyang mga pilosopiya sa mga tao – hindi sila maihahambing kay Hesus sapagkat si Hesu-Kristo ay Diyos mismo na piniling bumaba sa lupa at mamuhay sa katawang tao,

Isinulat ni Apostol Pablo: “Hindi kaila sa inyo ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Hesu-Kristo, kahit na mayaman, naging mahirap siya upang mapayaman kayo sa pamamagitan ng kanyang pagiging mahirap
(II Corinto 8:9). Ang may akda din ng Hebreo ay nagsabing: “Dahil sa ang mga anak ng tinutukoy niya ay tao, naging tao rin si Hesus at tulad nila’y may laman at may dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay mawasak niya ang kapangyarihan ng diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. At pinalaya niya ang lahat ng tao na habang panaho’y inalipin ng takot sa kamayatan.” (Hebreo 2:14-15)

Si Hesus ay Diyos
Si Hesus ay laging nariyan; ang Kanyang araw ay walang pasimula at ito ay walang wakas. Siya ay buhay sa walang hanggan patungo sa walang hanggan. Yan ang dahlia, sa payak nap ag-unawa, na Siya ay dapat na maging isa sa atin upang maipakita sa atin ang daan ng kaligtasan. Kinakailangan na ang Diyos ay maging tao upang tayo ay iligtas. Dahil dito, si Hesus at nagbigay sa atin ng isang dakilang halimbawa dahil Siya, “kahit Siya’y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa Niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak Siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Kristo’y maging tao”
(Filipos 2:6-7)

Si Hesus ay Mapagpakumbaba
Ang saloobin ni Hesus ay lubos na kabaligtaran ng saloobin ng prinsipe ng sanlibutang ito, na nagsabi sa kanyang puso, “Hindi ba’t sinabi mo sa iyong sarili? ‘Aakyat ako sa langit; at sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos, ilalagay ko ang aking trono. Uupo ako sa ibabaw ng bundok na tagpuan ng mga diyos sa malayong hilaga. Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap, papantayan ko ang Kataas-taasan” (Isaias 14:13-14). Nang pinili ni Hesus na pumanaog mula sa langit patungo sa lupa, inaasahan ni Satanas na siya ay umakyat naman mula sa lupa patungo sa langit. Subalit ang Panginoon ay nagsabi, “Sapagkat ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.” (Lukas 14:11)

Nagpakababa si Hesus hanggang sa punto ng pagkamatay sa krus kasama ang mga magnanakaw. Kaya naman itinaas Siya ng Diyos sa pinakamataas na dako at binigyan Siya ng pangalang higit sa lahat ng pangalan (tingnan ang Filipos 2:8-9). Sinaway ng Diyos si Satanas sa pagsasabing, “Ngunit anong nangyari at nahulog ka sa daigdig ng mga patay? Sa kalalimang walang hanggan?” (Isaias 14:15), at “Katapusan mo na. Mawawala ka na nang lubusan” Ezekiel 28:19a.

Si Hesus ang Salita na Nagkatawang Tao
Sinabi ni Pablo, “Hindi maikakaila na napakadakila ng hiwaga ng ating relihiyon: Siya’y nahayag nang maging tao” (1 Timoteo 3:16a). Hindi sinisikap ni Pablo na magharap ng isang paksang pagtatalunan, subalit ang di-maikakailang katotohan;”Ang Diyos ay nagkatawang tao.” Ang Panginoon mismo ang nagsabi, “Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin.” (Juan 1:14). Kung si Hesus ay ang Diyos mismo, makabuluhan na makilala Siya at maipakilala Siya sapagkat, gaya ng sinasabi ng Kasulatan, “Pagkat ang makasumpong sa akin ay nakasumpong ng buhay at ang kalooban ni Yahweh ay kanyang nakakamtan. Ngunit ang di makasumpong sa akin, sarili ang sinasaktan, ang napopoot sa akin, iniibig ay kamatayan.” (Kawikaan 8:35-36)

“Na pinawi ang usapang nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin, na hindi naayon sa atin: at ito’y kaniyang inalis, na ipinako sa krus” (Colosas 2:14)

Ang mga Pako: Ating Kalayaan
Matapos hubarin ang lahat ng damit ni Hesus, ang mga nagpako sa Kanya ay ibinitin siya sa isang puno (ang Krus). Idinipa nila ang kanyang mga kamay at pinakuan ang bawat isang palad sa Krus sa pamamagitan ng matulis na naglalagos ng mga pako. Kanilang pinagpatong ang dalawa niyang paa at pinakuan ng pangatlong pako. Ang bawat isang ibinaon na pako ay may napakahalagang kahulugan:
Pako 1: Kalayaan sa kasalanan (guilt)
Ang lahat ng kasalanan na nasa iyong buhay, na magdadala sa iyo sa walang hanggang kahatulan ay binura sa Krus ng Kalbaryo. Hindi na kinakailangan para patuloy mong madama na ika’y makasalanan (feel guilty); sa pamamagitan ng unang krus, inalis ni Hesus ang sumpa at kasalanan.

Pako 2: Inalis ng mga paratang at argument
Ito ay nangangahulugan na ang lahat ng argument ni Satanas laban sa iyong buhay ay pinawalang kabuluhan. Ngayon, ano ba ang argumento? Ito ay isang legal na karapatan na ibinibigay mo sa iyong kaaway. Paano nagkaroon ng argumentong ito? Ito ay nabuo sa pamamagitan ng mga salitang binitiwan ng mga magulang – mga salitang nag-iwan ng marka sa buhay ng kanilang mga anak. Ang mabuting balita ay inako ni Hesus ang lahat ng sumpa sa Krus; ang dugo ni Hesus ay pinawalang bisa ang anumang masamang katagang binitiwan laban sa atin. Buhat sa araw na ito maaari kang gawing malaya sa mga kasalanan, na pinawi ang usapang nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin, na hindi naayon sa atin; at ito’y kaniyang inalis, na ipinako sa krus; Si Kristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita. Siya ang panganay na anak at pangunahin sa lahat ng mga nilikha. Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya. Siya ang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan niya (Colosas 1:15-17)

Ang Krus: ang kinanselang sumpa
Sa Krus inalis ng Diyos ang ating sumpa upang ibigay niya sa atin ang Kanyang pagpapala. Ang lahat ng ating kasalanan – ang lahat ng kasamaan sa atin – ay ipinataw kay Hesus sa Krus. Lahat ng kabutihan ni Hesus, ay ipinasa sa atin sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanya.

Sinasabi ng Galatia 2:20, “Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako’y nabubuhay pa sa katawang-lupa, namumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umiibig sa akin at naghandog ng Kanyang buhay para sa akin.”

Ang Koronang Tinik: Kalayaan sa pagkawasak at pininiil
Nang si Adan at Eba ay nagkasala at pinalayas sa paraiso, sinabi ng Diyos sa kanila, “…Dahil dito’y sinusumpa ko ang lupa, sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo’y magmumula. Mga damo at tinik ang iyong aanihin, halaman sa gubat ang iyong kakainin,” (Genesis 3:17-18) Ang tinik at dawag ay kumakatawan sa pagkasira. Inako ni Hesus sa Kanyang ulo ang kakilakilabot na pagpapahirap na humahagupit at pumapalo sa sangkatauhan sa matagal na panahon.

Ang Hagupit sa Kanyang Likod: Ating Kagalingan
Ang lahat ng karamdaman, lahat ng sakit, gaano man kabigat o kalala ito, ay kinansela sa pamamagitan ng likod ni Hesus ng Siya ay hagupit at bugbugin. Ang propeta Isaias, sa kanyang pagtukoy sa pagpapako kay Hesus ay nagsabi, “Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap” (Isaias 53:5)

Pako 3: Tagumpay sa pagpapahirap
Ang pakong ito ay ipinako sa bahagi ng sakong sa ilalim ng bukong-bukong. Natuklasan ng mga sayantista ang bahagi kung saan ibabaon ang isang mahabang pako sa isang taong pinapako at ito ay maglalagos sa parehong paa. Para huminga kailangan ni Jesus na ilagay ni Hesus ang kanyang bigat sa mga pakong ito at idiin ang kanyang mga daliri sa paa upang siya ay makahinga, sapagkat ang kanyang dibdib ay matindi ang pagkakaipit (compressed). Ang bawat pagsisikap na ito ay ngdudulot ng matinding sakit sa mga litid ng kanyang binti, ang simpleng paghinga ay nagbibigay ng matinding hirap sa Kanya. Subalit ang kanyang pagdurusa ang nagdulot sa ganap ng tagumpay para sa atin at tayo ay ‘di na kailangang mabuhay sa ilalim ng pagpapahirap (oppression)

Ang Sibat: Panloob na Kagalingan
Matapos malagot ang hininga ni Hesus, isang sundalo ang pinaglagos sa kanyang tagiliran ang isang sibat at dumaloy ang tubig at dugo mula rito. Ang mga dalubhasa ay nagsasabi na ito ay nangyayari kapag ang puso ng isang tao ay namamaga at pinipinsala ang sarili. Si Hesus ay dumanas ng matinding paghihirap sa Krus na naging sanhi upang sumabog ang kanyang sensitibong puso. Maaaring sa ilang pagkakataon ay nasabi mo na, “Nawasak ang puso mo” o “Nagkapira-piraso ang aking kaluluwa.” Ngunit ngayon sinasabi ni Hesus, “Aking anak, ang aking puso at nawasak upang ang sa iyo ay gumaling at mapanauli ang iyong damdamin.”

Ang lahat ng kaparusahan na nararapat para sa atin bilang makasalanan ay idinagan sa taong nagngangalang Hesus, na hindi nakagawa ng anumang kasalanan. At ang lahat ng mabuti na dapat tanggapin ni Hesus ay napapasaatin, sa pamamagitan lamang ng simpleng pananalig sa Kanya. Kapag tinitingnan tayo ng Diyos, tinitingnan niya tayo sa pamamagitan ni Jesus, at kung tayo ay nagnanais na makipag-usap sa Ama, dapat nating gawin ito sa pamamagitan ni Hesus.

Mahalagang Prinsipyo na Dapat Tandaan
• Ang buhay na walang hanggan ay natatamo kapag si Hesus ay tinanggap bilang Tagapagligtas
• “Sa pamamagitan ng Kanyang mga sugat tayo ay nagsigaling” (Isaias 53:5b)
• Sa sumasampalataya na tinubos siya ni Hesus ay pinalaya sa lahat ng pagpapahirap (oppression) (Colosas 2:14-15)
• Ang sumpang pinansyal ay napapawalang bisa ng isuot ni Hesus ang koronang tinik (2 Corinto 8:9)
• Ang pananampalataya kay Hesus ay nagpapanauli sa mga pamilya (Galacia 3:13)
• Dahil sa pagmamahal ng Ama at pamamagitan ng dugo ni Hesus, ginawa tayong Malaya (1 Pedro 1:2)
• Si Hesus ay nagkatawang tao at dahil sa pagsunod, tinanggap Niya ang kamatayan sa Krus, na isang malaking kahihiyan.

Pagsasabuhay ng mga Prinsipyong ito
Mula sa araw na ito, gumawa ka ng pagpapasyang:
• Ibinigay kay Hesus ang lahat ng iyong kahinaan, upang akuin Niya ito sa Kanyang sarili. Tanggapin ang Kanyang kalakasan sa iyong buhay.
• Ibigay ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pagsisisi, na siyang daan sa pagpapala. Tanggapin ang Kanyang kaligtasan.
• Ibigay sa Kanya ang lahat ng karamdaman. Tanggapin ang Kanyang kalusugan.
• Ibigay sa Kanya ang lahat ng pagkukulang. Tanggapin ang Kanyang pagtutustos (provision).
• Ibigay sa Kanya ang mga hapis. Tanggapin ang ganap Niyang kapayapaan.
• Isuko ang iyong buong kalooban. Tanggapin ang gabay ng Kanyang Banal na Espiritu.
• Ibigay ang iyong makataong kaalaman. Tanggapin ang makadiyos na karunungan.

Sa pagsasagawa mo ng mga bagay na nakasulat sa itaas, ikaw ay nagtitiwala ng lubos sa biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo. Matapos nito masasabi mong kasama ni Apostol Pablo, “Ang lahat ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo”
(Filipos 4:13)

Ang Malayang Kalooban ng Tao
Nakalulugod sa Diyos, ang lumikha ng sansinukob, sa kanyang walang hangganang karunungan, na ang lahat ng bagay ay pamahalaan ng mga batas, sa espirituwal na kaharian at maging sa natural na kaharian. Nang bigyan Niya ng buhay at wangis ang tao, ginawa Niyang ang ating kalayaan ay nakabatay sa pagsunod sa Kanyang Salita. Bagamat ang Diyos at napakamapagbigay sa unang lalaki at babae, ibinigay Niya ang lahat ng bagay na may kasaganaan, naglagay Siya ng isang limitasyon. Sinabi Niya sa kanila, “Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka” (Genesis 2:16-17)

Ang Bagong Kapanganakan ay Para sa Lahat
Si Nicodemo ay isang iginagalang na tao noong kanyang kapanahunan. Inilaan niya ang kanyang sarili sa pagtuturo ng kautusan sa mga relihiyosong tagapanguna at maging ng mga pagkaraniwang tao. Dagdag pa rito, siya ay isang tao na may mataas na moral na pagpapahalaga. Siya ay nag-aayuno dalawang beses sa isang linggo, nanalangin dalawang oras sa isang araw, at may matinding kasigasigan sa aral. Gayun pa man, isang gabi pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Guro, nalalaman po naming kayo’y isang tagapagturong mula sa Diyos, sapagkat walang makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos” (Juan 2:3). Ang sagot ni Hesus sa kanya, “Pakatandaan mo: malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos,” (Juan 3:3). Kung sinabi ni Hesus it okay Zaqueo, na isang maniningil ng buwis, o kay Maria Magdalena, na nagkasala sa pangangalunya, o marahil sa lalaking magnanakaw sa krus na katabi Niya, ang ating makataong kakayanan ay mauunawaan ito. Subalit pansinin na ibinigay ni Hesus ang pananaw at utos na ito sa isang may espiritwal na awtoridad sa mga Hudio.

Maaari Mong Makita ang Kaharian ng Diyos
Kung paano natin naranasan ang pisikal na kapanganakan ng tayo ay iluwal sa mundong ito, kinakailangan din nating maranasan ang espirituwal na kapanganakan upang tayo ay magkaroon ng espirituwal na buhay. Ang bagong kapanganakan ay nangyayari sa atin pagtanggap kay Kristo sa ating puso bilang Panginoon at Tagapagligtas. Ang bagong kapanganakan ay direktang bunga ng Banal na Espiritu, na Siya, sa pamamagitan ng pananampalataya, ay lumikha (conceives) ng espirituwal na buhay sa ating bagong pagkatao. Tayo ay espirituwal na katauhan na nabubuhay sa isang pisikal na pangangatawan at tayo ay namumulat sa katotohanan ng mundong ito sa pamamagitan ng ating pisikal na pandama. Subalit, ang pisikal na kapanganakan ay simpleng hakbang na dapat mag-akay sa ating sa susunod na hakbang – ang kapanganakan ng ating espirituwal na kalikasan. Tanging sa pagkaranas ng espirituwal na kapanganakan ating matatanggap ang karapatang maging anak ng Diyos. Sa pamamagitan nito, ang ating mga espirituwal na mga mata ay nabubuksan at ating maliwanag na nauunawaan ang kaharian ng langit.
Ninanais Ng Diyos Ang Ating Bagong Kapanganakan
Isinulat ni Apostol Santiago, “Niloob niyang tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo’y maging pangunahin higit kaysa lahat ng kanyang mga nilalang” (Santiago 1:18). Binayaan ng Diyos na buksan ang pinto upang ang sinumang magnais ay ipanganak sa espirituwal na buhay. Sinabi ni Hesus, “Pakatandaan ninyo: hangga’t hindi nahuhulog sa lupa ang butil ng trigo at namatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung ito’y mamatay, mamumunga ito ng sagana.” (Juan 12:24). Ang bagong kapanganakan ay nangangahulugan ng paghiwalay sa ating makasalanang kalikasan, upang ang ating Espiritu ay maging mabunga sa espirituwal na kaharian.

Maaari kang Magkaroon ng Isang Bagong Puso
Sa pamamagitan ni propeta Ezekiel, sinabi ng Panginoon, “Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin. Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos.” (Ezekiel 36:26-27). Walang isang tao sa mundong ito na maaaring magkaroon ng dalawang puso sa isang pagkakataon. Walang sinuman ang makapagbibigay ng bahagi sa kanyang sarili sa Diyos at ang ibang bahagi ay sa kasalanan. sinumang nasa Diyos ay patay na at namumuhi sa kasalanan; at ang sinumang nagnanais sa kasalanan ay hindi sumusunod sa Diyos.

Ang pangako ng Diyos ay isang “bagong puso, bagong espiritu,” kapag ito ay nangyari, kinukuha ng Diyos ang ating matigas puso at ang ating rebeldeng espiritu, at tinatanggap natin ang Espiritu mismo ng Diyos. Naunawaan ito ni Pablo ng kanyang sinabi, “Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo?”
(1 Corinto 6:19). Ang Espiritu ng Diyos ay ang tanging makakatulong sa ating upang maunawaan ang Kasulatan, ang tanging makapagbibigay ng kalakasan para masunod ito, at ang tanging makapaghahanda ng kapaligiran na kung saan ang Kanyang mga pangako ay maaaring matupad.

Isang Buhay ng Kabanalan

Ang ibang tao ay nagpupunyagi na maunawaang lubusang kung paano nangyayari ang bagong kapanganakan. Kahit ang Birheng Maria ay may katanungan ng ang anghel ay magpahayag na siya ay maglilihi sa Tagapagligtas ng sanlibutan.

Ang tanong niya, “Paano pong mangyayari ito gayong ako’y isang birhen? Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo’y banal at tatawaging Anak ng Diyos” (Lukas 1:35). Ang Banal na Espiritu ay naging bahagi natin ng ating tanggapin si Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas, sa gayon naging bahagi tayo ng Diyos. Siya ay maginoo at hindi Niya ipipilit ang mga bagay sa atin. Hindi Siya papasok sa kangino mang buhay ng hindi inaanyayahan. Siya ay makakakilos lamang sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Salita ng Diyos. Iyan ang dahilang kung bakit sa simpleng pananampalataya sa Kasulatan at pagnanais ng kaganapan nito sa atin, ang Banal na Espiritu ay nilulukuban tayo ng Kanyang lilim at nalilikha (conceive) ang isang banal na buhay na isisilang sa atin.

Ang Bagong Pagkatao

Itinatanim sa loob natin ng Banal na Espiritu ang buhay ni Hesus ng tayo ay ipanganak na muli. Ang butong ito ay tumutubo at yumayabong, ipinahahayag na patuloy sa ating sarili. Ang bagong kapanganakan ay nagdadala ng katiyakan ng Banal na Espiritu, kaya ito ay hindi mapapawalang bisa o mababawi (2 Corinto 1:22). Ang Diyos mismo ang nagtatatak sa bawat mananampalataya ng Kanyang Espiritu, gumagarantiya ng kanyang buhay na walang hanggan at panlangit na mana, na magkakaron ng katuparan kapag tayo ay pumaroon na sa Ama. Kaya nga, tayo ay dapat laging magsumikap na sundin ang Efeso 4:30, na nagsasabing, “At huwag na ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo ng Diyos, sapagkat siya ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo’y tutubusin pagdating ng takdang araw.”

Mahalagang Prinsipyo na Dapat Tandaan

• Nilikha ng Diyos ang tao na may pagkakataong pumili (Genesis 2:16-17)
• Ang bagong kapanganakann ay para sa lahat
(Juan 3:2-3)
• Ang bagong kapanganakan ay nagpapahintulot na makita natin ang kaharian ng Diyos (Juan 3:5)
• Ninanais ng Diyos na maranasan natin ang bagong kapanganakan (Santiago 1:18)

Pagsasabuhay ng mga Prinsipyong ito

• Isuko ang iyong sarili sa Panginoon upang mabigyan ka Niya ng bagong puso (Ezekiel 36:26-27)
• Bayaang ang bagong kapanganakan ay malikha (conceived) ang isang bagay na banal sa iyong buhay (Lukas 1:35)
• Bayaang ang bagong kapanganakan ay akayin ka sa katiyakan at katiwasayan ng ibinibigay ng Banal na Espiritu (2 Corinto 1:22)
“Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Diyos.” (Juan 1:12)

Binigyan tayo ng Diyos ng pribilehiyo na isilang sa isang bagong buhay, isang buhay sa Espiritu, ng ating matuklasan ang mga bagay na noon ay hindi natin napapansin (kagaya ng panalangin, pagbabasa ng Biblia, pagdalo sa mga pangkristyanong pagtitipon, atbp.) ay naging bahagi ng ating pang araw-araw na buhay. Ang buhay ay naging higit na kaakit-akit sapagkat nakita natin ang mundo na nakahanda na upang sakupin. Ating napagtanto na ang buhay ay may kahulugan at naitatanong natin sa ating sarili kung bakit hindi natin ito nauunawaan noon at paano tayo naging mga bulag. Ating nadarama sa ating sarili na napapanumbalik ang ating pananalig sa Diyos, sa Kanyang Salita, sa iba at sa ating sarili. Subalit anumang maganda, lalo na ang bagay na ito, ay nangangailangan ng natatanging pangangalaga. Ating siyasatin ang maraming kaparaanan na maaaring mapangalagaan ang ating espirituwal na buhay at matiyak ang espirituwal na paglago.

Pakainin Ang Iyong Sarili Ng Espirituwal Na Pagkain

Kung paanong ang isang bagong silang na bata ay nangangailangan ng gatas na ibinibigay ng ina, ang espirituwal na bagong silang at nangangailangan na mapakain ang kanyang sarili ng Salita ng Diyos sapagkat ito lamang ang makakatulong sa kanya na lumago. Sinabi ni Apostol Pedro, “Gaya ng sanggol, kayo’y manabik sa dalisay na gatas ng espirituwal upang lumago kayo sa pananampalataya hanggang makamtan ninyo ang ganap na kaligtasan” (1 Pedro 2:2). Nang ako ay magsimulang lumakad ng aking unang hakbang sa buhay Kristyano, mayroong pagnanais sa kalooban ko upang aking malaman ang Biblia, kayo ako ay napilitang mag-aral ng Biblia ng hindi bababa sa dalawang oras kada araw. Hindi ko binabasa ito dahil may nagsabi sa akin; ginawa ko ito dahil nauunawaan ko na ito ang pagkain ng akin espiritu at alam ko na dapat kong pakainin palagi ang aking sarili.

Ang dakilang taong si Moses ay sumulat na, “…ang tao’y hindi lamang sa tinapay nabubuhay kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ni Yahweh”
(Deuteronomio 8:3)

Mamuhay sa Pamamagitan ng Salita

Dapat nating mahalin ang Salita at mga katuruan, sundin ang direksiyon nito kagaya ng pagsunod ng kapitan ng isang barko sa kompas. Ang Biblia ang pinakadakila sa mga kayamanan, may tugon sa lahat ng ating pangangailangan. Ito ang pinakadakila sa mga pampanitikang akda na nasulat sapagkat ito ay pahayag ng Diyos sa sangkatauhan. Sa loob nito ay animnapu’t anim na mga aklat, na kinapapalooban ng akda ng apatnapung manunulat na namumuhay sa iba’t-ibang panahon, na sila, sa pamamagitan ng makadiyos na inspirasyon, ay gumawa ng mensahe na angkop maging sa panahong ito.
• Ito ay kinapapalooban ng Tinig ng Diyos at pahayag ni Kristo (Juan 1:1-2, 14)
• Ito ay kinapapalooban ng mga makadiyos na kautusan (Awit 119:17-19)
• Ang Biblia ay kapahayagan ng Diyos sa tao
(Juan 14:6-10)
• Inihahayag nito ang plano ng kaligtasan para sa tao (Juan 3:16, Roma 10:9)]
• Ipinahahayag niyo ang katotohanan (Juan 17:17)
• Si Jesus ang pangunahing karakter (Lukas 24:27)

Paano tayo mapapalapit sa Salita

• Makinig ng malapitan sa tinig ng Diyos araw-araw (tingnan ang Deuteronomio 11:18-20)
• Basahin ito na may tamang saloobin at sundin (Deuteronomio 13:4)
• Bulay-bulayin at saliksikin ito (Josue 1:8)
• Isabuhay ang mga kautusan nito (Awit 119:105)
• Ibahagi ang mensahe nito sa ibe, ipahayag ito (Marcos 16:15; Awit 71:15)
• Pumili ng isang angkop na lugar
• Magtatag ng nag-aaral na pag-uugali (study habbit)
• Magsimulang gumawa ng debosyonal notebook (mas mabuting magsimula sa aklat ni Juan)
Isama at itala: o Ang mensahe ng Diyos sa araw na ito o Ang pangako para sa aking buhay o Mga utos na susundin o Mga personal na aplikasyon o Talatang sasauluhin

Benepisyo ng Pagiging Malapit sa Salita ng Diyos

• Ito ay nagtuturo (doktrina)
• Ito ay nagtatama (sumasalungat sa maling katuruan)
• Ito ay nagtutuwid (nagbabalik sa dapat kalagyan)
• Ito ay nagsasanay (gumagabay)
Pakikipag-usap sa Diyos sa Pamamagitan ng Panalangin

Itinatag ng Panginoon bilang tanging paraan upang tayo ay makipag-ugnayan sa Kanya. Ang panalangin ay napakahalaga kaya tinuruan ni Jesus ang Kanyang mga alagad kung paano manalangin (Mateo 6:9-13). Ang mga sulat ng Kawikaan ay nagsabi, “…ngunit sa panalangin ng matuwid siya ay natutuwa” (Kawikaan 15:8b). Hindi mahalaga kung hindi ka magaling magsalita kung inihaharap ang iyong sarili sa Kanya. Ang Diyos ay tumitingin sa iyong saloobin ng iyong puso at nagagalak sa bawat salita na iyong binibigkas sa Kanya.

Paano Mananalangin

Humanap ng isang lugar na ikaw ay lubos na makapag-iisa
Magsimula sa mga kataga ng pasasalamat. Dapat tayong magpasalamat sa Diyos sa lahat ng bagay – sa mga mabuting nangyayari sa atin at maging sa mga pagsubok, na kadalasan mahirap nating nakakaharap
Ipamuhay ang kapahayagan ng Krus araw-araw. Ang sabi ni Pablo, “Ako’y namamatay araw-araw”. Maaari nating dalin ang ating buhay, ang ating pamilya at ang ating mga kabigatan sa Krus, na isinasaisip (visualizing) ang pagtatagumpay.
Makipag-ugnay sa Diyos bilang isang mapagmahal na Ama, na nagnanais ng pinakamainam sa Kanyang mga anak.
Manalangin para sa pagpapala ng Diyos sa iyong buhay at para sa iyong pamilya.
Ipangako sa Panginoon na mangunguna ka sa isang buhay ng integridad at kabanalan.
Sabihin sa Diyos na maibibilang ka Niya sa pagtatag ng pangitain (vision)
Tumalaga sa pagsunod ng Salita ng Diyos higit sa anumang bagay.
Ipanalangin na ang mga pangako ng Biblia ng pagtutustos finansyal (financial provision) ay matupad sa iyo.
Ayawan ang anumang pakiramdam ng sama ng loob na mayroon ka sa iba.
Panalangin para sa baluting espirituwal ng Diyos upang mapagtagumpayan mo ang kaaway.
Hilingin sa Panginoon na maglagay ng bakod ng proteksyon sa paligid mo at ng iyong pamilya.

Ibahagi sa Iba

Sinabi ni Hesus, “Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harap ng aking Amang nasa langit” (Mateo 10:32). Mahirap sa isang tao na hindi alam kung paano sasabihin ang patungkol sa pag-ibig. Subalit kapag ang isang tao ay umibig, nagkakaroon ng pagbabago sa kanyang buhay. Patuluyan nilang binabanggit sa iba ang kanilang bagong iniibig. Nang ating makatagpo si Hesus, ang katulad na bagay ay nangyayari; hindi tayo mapigilang magsalita kung gaano Siya kabuti sa atin. Hindi tayo nahihiyang magsalita patungkol sa kanya sapagkat Siya ang pinakamahalagang bagay sa aking buhay.

Hindi kinakailangang maging teologo ka upang ibahagi mo ang iyong pananampalataya, kung ikaw ay nagkaroon ng tunay na pagkatagpo (encounter) kay Hesus at ang iyong buhay ay binago. Kapag nagbabahagi ka sa iba, itinataas mo ang Pangalan ni Hesus. Gawin mo ang ginawa ng mang-aawit ng kanyang isulat, “Ang aking bibig ay magpapahayag ng Iyong katuwiran, ng iyong kaligtasan sa buong araw.” Si Hesus ay nag-utos sa atin na, “Kayo’y humahayo sa buong mundo at ipangaral ninyo sa lahat ng tao ang Magandang Balita” (Marcos 16:15). At sinabi ni Pablo, “Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay pinapawalang-sala ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayon at naliligtas” (Roma 10:10)

Alam natin na mainam na makisama sa usapan at palitan ng mga opinyon kasama ng ibang tao. Nilikha tayo ng Diyos na mga nakikipagkapwa taong nilalang, upang tayo ay makibahagi sa iba.

Kung minsan lagi mong napapansin sa ating mga pagpupulong kung paanong ang tunat na pakikipagkaibigan ay nalilikha. Iyo ding mapapansin na ang bawat mga katuruan ay pumupuno at nagbibigay kasiyahan sa ating espirituwalidad; nakakasumpong ka ng sagot sa iyong pag-aalala at tinatanggap mo ang mga pangako ng Diyos na iyong ninanais. Iyong matutuklasan na may mga ibang tao na may magandang mga puso na handang magpalakas ng loob hanggang makakaya nila.

Isa sa katangian ng unang iglesia ay: “Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpipira-piraso ng tinapay, at sa pananalangin,” (Gawa 2:42). Ang pagsasama-sama (fellowship) ay kailangan, kagaya ng tagubilin ng may akda sa Hebreo, “Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa’t-isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon” (Hebreo 10:25)

Pangalagaan ang Ating mga Kabataan

Ang kalakasan upang sumakop, ang enerhiya at ang pagnanais upang sumulong ay nakasalalay sa mga kabataan. Napakahalaga na ang bawat kabataan ay makagawa ng tamang pagpapasiya sa kanilang batang gulang. Bagamat mahalaga ang pag-aaral, ang magkaroon ng ‘career’ at makapaghanapbuhay, mayroong mas makahulugan dito – ang magkaroon ng matatag na buhay espirituwal. Ang tanging paraan para magawa mo ito ay paggawa ng kapasyahan para kay Hesus. Sabi ni Haring Solomon, “Alalahanin mo ang iyong Manlilikha sa panahon ng iyong kabataan bago dumating ang mga araw at taon na puno ng kaguluhan, panahong hindi mo na madama ang tamis ng mabuhay.” (Mangangaral 12:1)

Lubhang napakahalaga na tahakin ang daan ng katuwiran bilang isang kabataan. Ang lahat ng lingkod ng Panginoon na natutong umasa ng lubusan ay naiingatan sa mga sakuna na higit sa karaniwang kaparaanan. Halimbawa, sa takip-silim ng kanyang buhay, si Haring David ay nagsabi, “Mula pagkabata’t ngayong tumanda na, sa tanang buhay ko’y walang nabalita na sa taong tapat, ang Diyos ay nagpabaya, ang anak niya’y naging hampas-lupa”
(Awit 37:25)

Si propeta Daniel, na dinala sa palasyo ni Haring Nabucodonasor sa kanyang batang edad, ay binigyan ng karapatang sumalo sa hapag ng hari. Kanyang pinasyahan sa kanyang puso, na huwag dungisan ang kanyang sarili sapagkat ang mga pagkaing ito ay inialay sa mga diyos-diyusan. Mas minabuti niyang kumain ng di-gaanong kasarapang pagkain sa halip na bigyan ng sama ng loob ang Diyos. Bukod pa rito, natutuhan ni Daniel kung paano pumili ng kaibigan. Pangunahin dito, ang kanyang mga kaibigan ay mga taong espirituwal na handang tulungan siya sa anumang kanyang kinakailangan. Dinamayan siya nito sa mga pinakamahirap na sandali ng kanyang buhay. Ang mga kabataang ito ay nagpasyang tulungan siya sa kanyang pananalangin, at kinabukasan, tinanggap nila ang katugunan ng Diyos!

Matutong Pakiharapan ang mga Alalahanin sa Buhay

Sa ngayon, ang mga tao ay dapat maging produktibo. Dahil sa pangangailangan na maging produktibo at kaabalahan sa buhay, naiisantabi nila ang pinakamahalagang aspeto sa kanilang buhay – ang buhay espirituwal. Ang iba ay ginagawa ito sa pag-iisip nila ang kanilang kaabalahan, ito ay panandalian lamang, at mga gawaing aabot lamang ng ilang araw o linggo. Subalit sa paglipas ng panahon, ang mga taong hindi inuna ang kanilang buhay espirituwal ay lalong nasasalabid sa kanilang mga pinasyahang pagkaabalahan na naglalayo sa kanila ng lubusan sa Diyos.

Ang propeta Daniel ay napakaproduktibong tao at ang kanyang kaugnayan sa Diyos ay tumulong sa kanya upang matapat niyang magampanan ang bawat isang gawain na nakaatang sa kanya sa palasyo. Ito ang naging dahilan upang mainggit sa kanya ang kanyang mga katrabaho at sila ay nagsimulang bumalangkas na paratangan siya ng bagay na mali. Gayumpaman, si Daniel ay nagpatuloy na maging tapat sa lahat ng bagay at walang masamang hilig o ano mang kamalian na nasumpungan sa kanya (Daniel 6:4). Bagamat ang ibang tao na lalong tumitindi ang pagkagalit kay Daniel hanggang sa punto na siya ay ipatapon sa yungib ng leon, nagpatuloy pa rin siyang makipagniig sa Diyos.

Ginantimpalaan siya ng Diyos sa pamamagitan sa pagsasara ng bibig ng leon at kagila-gilalas na iniligtas siya ng mga ito.

Mapagtanto na ang Pagsunod ay Nagpapanauli ng kalakasan
Tinawag ng Diyos si Abraham ng siya ay pitumpu’t limang gulang, na ibinigay sa kanya ang mga tagubiling: “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo, pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami” (Genesis 12:1-2)

Sa pagbabalik tanaw matapos ang maraming tao, isinulat ni Apostol Santiago, “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos at dahil dito, siya’y itinuring ng Diyos bilang isang taong matuwid,” (Santiago 2:23b)

Si Abraham ay naging ama ng mananampalataya sapagkat siya ay nanampalataya sa pag-asa laban sa pag-asa. Sa lahat ng kanyang mga gawa, ang patriarkang ito ay ipinakita ang kanyang di-masisirang pananampalataya sa di-nakikitang Diyos. Siya ay naging ama ng mga bansa sapagkat siya ay may tapang na iwanan ang kanyang bansa. Bilang gantimpala sa pag-iwan niya sa tahanan ng kanyang ama, siya ay naging ama ng lahat ng pamilya sa buong mundo. Ginawa siyang sagana sa lahat ng bagay bilang gantimpala ng pag-iwan niya sa kanyang ari-arian. Ang kanyang mga inapo ay nagtamo ng kapangyarihan laban sa kanilang mga kaaway bilang gantimpala ng Diyos sa pagpapasyang iaalay ang kanyang nag-iisang anak, si Isaac, kahit hindi naman talaga lubos na kinakailangan niyang gawin ito.

Mahahalagang Prinsipyo na Dapat Tandaan

• Tamasahin (enjoy) sa mga benepisyo ng bagong kapanganakan (Juan 1:12, Roma 8:15-17) • Pakainin ang iyong sarili ng pagkaing espirituwal (Deuteronomio 8:3; 1 Pedro 2:2) • Magkaroon ng pang araw-araw na pakikipagniig sa Kasulatan (Deuteronomio 11:18-20, Josue 1:8) • Ibahagi ang ginawa ng Diyos sa iyong buhay (Awit 71:15, Marcos 16:15) • Matutunang hawakan ang mga pangamba ng buhay (Daniel 6:4)

Pagsasabuhay ng mga Prinsipyong ito

Simula sa araw na ito, gumawa ng pagpapasya na: • Lumapit sa Salita ng Diyos • Pag-aralan ito araw-araw • Makipag-usap ng patuluyan sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin • Sundin ang Diyos upang ang iyong kalakasan ay patuluyang mapanauli.

Nang tayo ay ipanganak sa laman, ang lahat sa atin ay nailagay na an gating kasarian, ang kulay ng balat, ang ating taas, ang ating timbang, an gating “temperament”, ang ating gawi, at ating pagnanais. Subalit ng tayo ay ipanganak na muli, may implikasyo ang pagkakaroon ng isang espirituwal na katawan at kaisipanang katawan at kaisipan ni Kristo.

Bagamat ang maraming pag-aaral ay nagtatangka na ipaliwanag at kilalanin ang pinangmumulan ng mga problema ng tao, at ang lahat ay isinisisi sa krisis sosyal, subalit ang puso ng lahat ay mauugat sa digmaang espirituwal.

Mahalaga na maunawaan na ang pagbabago ay dapat magsisimula sa ating kalooban, bago ito Makita saa ating panlabas. Kaya nga kung ating uunahan ang mga espirituwal na solusyon, susunod ang espirituwal na pagtatagumpay na eepekto sa lahat ng bahagi ng lipunan.

Sinabi ni Propeta Ezekiel, “Bibigyan ko kayo ng baging puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong ouso ay gagwin kong pusong masunurin.” (Ezekiel 36:26)

Ang bagong kapanganakan ay malikhaing kaganapan na kung saan kinukuha ng Diyos ang pananampalataya ng mananampalataya at himala ng isang bagong puso at espiritu.”..at ang ipinanganak ayon sa Espiritu ay espiritu. (Juan 3:6b)

Ang Probisyon ng Kaligtasan

Ang plano ng kaligtasan, gaya ng pagkadisenyo ng Diyos, ay nagbibigay ng sumusunod: pagpapawalang sala (justification), pagbabagong buhay (regeneration), pagpapababanal (sanctification) at Pagtubos (redemption).

Pagpapawalang Sala (Justification)

Ang pagpapawalang sala ay nangangahulugan na ipahayag na matuwid. Ito ay ang pagkilos na kung saan idinedeklara ng Diyos na ang makasalanan, na nanalig kay Hesus at nagpapahayag ng kanyang pananampalataya na tinatanggap ang Kanyang pagpapasakit para sa kasalanan sa Krus, ay nagpapatuloy upang gawing matuwid at katanggap-tanggap sa Kanyang harapan. “Ngunit dahil sa kanyang kagandahang-loob, sila ay pinawalang sala na Niya sa pamamagitan ni Cristo Hesus na siyang nagpapalaya sa kanila. (Roma 3:24)

Pagpapabanal (Sanctification)

Ang pagpapabanal o pagkokonsagra ay nangangahulugan na inihiwalay para sa Diyos. Ang isang tao ay pinapagingbanal sa pamamagitan ng biyaya. Ang pagpapabanal ay nangangahulugan ng pagtatalaga ng lubusan ng iyong sarili sa Diyos, sa iyong pag-uugali (morally) at espirituwalidad. Ang kabanalang ito ay anyo ng makadiyos na kakanyahan (aspect of divine essence) at ito ay nilikha sa kalooban ng mananampalataya sa pamamagitan ng gawaing Banal na Espiritu.

Pagbabagong Buhay (Regeneration)

Ang pagbabagong buhay ay nangangahulugan ng pagbabago ng laman ng iyong pag-iisip tungkol sa kasalanan upang ang iyong isipan ay mabuksan sa mga bagay patungkol sa Diyos, lalong-lalo na sa pagkakatawang tao ng Kanyang Anak at ang Kanyang Gawain ng pagtubos (redemptive work). Ang Banal na Espiritu ang nagpapahalintulot na ang pagbabagong buhay na ito ay mangyari sa kalooban ng isang tao, maging sap ag-uugali at espiritwal. “Sapagkat ang taong ‘di pinapanahanan ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal (1 Corinto 2:14)

Pagtubos (Redemption)

Ang pagtubos ay nangangahulugan ng pagbabayad ng “ramson” para sa isang alipin. Ang kaligtasan, kagaya ng kapahayagan nito, ay kakabit sa katuwiran ng katubusan ng tao. Walang sinuman na nasa mundo na maaaring magbayad ng pagliligtas (redeeming) ng tao mula sa mga kasalanan na nasa kanilang buhay. Isinugo ng Diyos ang kanyang bugtong na anak upang gawin ito, sa gayon pinalaya ang sangkatauhan mula sa pangwalang hanggang paghatol. “Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay isinumpa para sa atin, sapagkat nasusulat, “Isinumpa ang bawat ibinitin sa punongkahoy.” Galacia 3:13

Ang Pribilehiyo ng Pamumuhay sa Espiritu

Ang pribilehiyo na pagkakita

Tanging ang mga taong espirituwal ang may kakayahang Makita ang kaharian ng Diyos; ang kanilang espirituwal na mga mata ay nabuksan at kanilang nakikita ang mga bagay na nakatago sa natural o likas na tao.

Kagaya ng sinabi ni Apostol Pablo, “Hindi pa nakikita ng mata, o naririnig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.” (1 Corinto 2:9)

Ang espirituwal na buhay ay isang mundo na kung saan lahat ng uri ng mga kayamanan at pabor ay nakalaan (available) para lamang sa atin. Ito ay hindi nakikita subalit ito ay nariyan. Sa medaling sabi, hindi sila makikita ng pisikal na paningin; makikita lamang ito noong mga ipinanganak na muli ng Diyos at nakalinang ng kanilang espirituwal na paningin. Sa pamamagitan ng pananampalataya, ating makikita at matatamasa ang mga pagpapala ng Diyos.

Ang Pribilehiyo Ng Pananampalataya

“Kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.” (Roma 10:17)

Binigyan tayo ng Diyos ng kakayahang manampalataya, upang ating baguhin ang mga pangyayari sa isang positibong kaparaanan. Kung nais nating Makita ang ganitong uri ng pagbabago, dapat tayong making upang ating Makita kung ano ang sinasabi ng Diyos patungkol dito, sapagkat ang anumang bagay na nais nating pagtagumpayan ay kailangang nakasandal sa Kanyang Salita. Ang binhi ng buhay ay masusumpungan sa Kanyang Salita at kung ang binhi ay malaglag sa isang malusog na pusong puno ng pananampalataya, ang binhi ay tumutubo at nagbubunga ng bunga ng mga kababalagahang ating hinahanap. Ang lahat ng kapangyarihan ng Diyos ay nakapaloob sa Kanyang Salita, at an gating pananampalataya ang tanging bagay na magpapakilos dito at magpapasimula nito sa paggalaw.

Dapat nating maunawaan na ang ating mga tainga ay kayang makadinig maraming tunog sa parehong pagkakataon, subalit ang kakayahang makadinig at makaunawa ang tinig ng Diyos ay nakasalalay sa ating pagtatalaga na unawain at isakatuparan ang Kanyang banal na layunin. Dapat nating punuin ang ating mga isipan ng Salita ng Buhay, na hindi nagbabago at nagpapanatili ng gayon di kapangyarihan sa lahat ng kapanahunan. Kaya nga, tayo ay mamamangha sa mga bagay na kaya nating gawin kung tayo ay mananalig sa Diyos at magsasanay ng ating pananampalataya.

Ang pribilehiyo na magsalita ng kataga ng kapangyarihan (speaking the word of authority)

Sinabi ng Panginoon, “Ang payo ko ay pakinggan n’yo at dinggin ang aking pangaral; sasainyo ang diwa ko at ang aking kaalaman.” (Kawikaan 1:23). Ninanais ng Diyos na ibahagi sa atin ang Kanyang kaisipan, subalit mauunawaan lamang natin ang Salita ng Diyos kung ito ay ipapahayag sa atin ng Espiritu Santo. Ito ang dahilan kung bakit ang Biblia ay dapat basahin sa saloobin ng pananalangin, Sinabi ni David, “Tulungan mong ihayag ang mga katotohanan, pagkat ako’y may tiwala sa tapat mong kahatulan.” (Awit 119:43)

Ang Salita ng Diyos ay may kasing kapangyarihan ngayon kung paanong ito ay laging gayon noon; at dahil ito ay makapangyarihan sa ating mga bibig ng mga propeta noon, ito rin ay makapangyarihan sa ating mga bibig ngayon. Dapat nating maunawaan na ang Salita ng Diyos ay hindi nasasakop ng panahon at lugar (space) at Siya ay hindi maaaring pamahalaan ng mga batas ng tao. Ang panahon ay nilikha ng Diyos, subalit ang Diyos ay hindi nasasaklaw ng panahon.

Kapag ang Salita ng Diyos ay lumabas sa ating mga bibig, hindi ito babalik hanggang hindi nito nagaganap ang layunin kung bakit ito ay binitiwan. Ito ay nangangahulugan na ang bawat kataga na ating sinasabi ay magiging kautusan sa espirituwal na larangan (realm). Ang bawat salita na ating ipinapahayag ay babalik lamang kung naganap na ang bawat layunin kung bakit ito ay binitiwan.

Mahahalagang Prinsipyo na Dapat Tandaan
Ang plano ng kaligtasan ay nagbibigay ng mga sumusunod:

Pagpapawalang sala: Ipahayag na matuwid o walang kasalanan (Tingnan ang Roma 3:24)
Pagpapabanal: Inihiwalay para sa Diyos
(Tingnan ang 1 Tesalonica 5:23)
Pagbabagong buhay: pagbago ng kaparaan ng ating patingin sa kasalanan (Tingnan ang 1 Corinto 2:14)
Pagtubos: kabayaran sa pagliligtas sa sinumang alipin (Tingnan ang Galacia 3:13)

Pagsasabuhay ng mga Prinsipyong ito

Simula sa araw na ito:
• Tanggapin ang pribilehiyo ng pagkakita(1 Corinto 2:9)
• Tanggapin ang Pribilehiyo ng pananampalataya (Roma 10:17)
• Tanggapin ang pribilehiyo na magsalita ng kataga ng kapangyarihan (Kawikaan 1:23)

Ang pangunahing layunin ni Satanas ay pagmatigasin ang puso isang tao sa Diyos at hadlangan ang kanyang isipan upang ang mensahe ng kaligtasan ay hindi madinig o tanggapin. Sinabi ni Pablo, “Kung may tabing pa ang Magandang Balitang ipinapahayag naming, ito’y natatabingan lamang para sa mga napapahamak. Hindi sila sumasampalataya sapagkat ang kanilang isip ay binulag ng diyos ng kasamaan sa daigdig na ito, upang hindi nila makita ang liwanag ng Magandang Balita tungkol sa kaluwalhatian ni Cristo na siyang larawan ng Diyos.”
(2 Corinto 4:3-4)

Ang Organisayon at Katangian ni Satanas
Si Satanas ay may pamamahalang kakayahan ng isang estratihikong military, at siya nagpapataw (imposed) ng paghaharing takot sa puso ng mga tao. Sa ilalim ng kanyang awtoridad ay mga pinuno, mga maykapangyarihan, at mga tagapamahala ng kadilimangumiiral sa sanlibutang ito- ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid
(tingnan ang Efeso 6:12)

Siya ay may katangian ng pagiging: tuso at mapanlinlang (Genesis 3:1); sinungaling (Genesis 3:1-3); mapaghiganti (Awit 8:2); mangwawasak/manlilipol (Isaias 54:16); manunukso (Mateo 4:7); mang-uusig (accuser, Pahayag 12:10); pinuno o prinsipe ng mga demonyo (Mateo 12:24); isang mamamatay (Juan 8:44); ama ng lahat ng kasinungalingan (Juan 8:44); pinuno ng kaharian sa himpapawid (Efeso 2:2); ang dragon (Pahayag 12:7-9); leong umaatungal (1 Pedro 5:8); nagkukunwaring angel ng kaliwanagan (2 Corinto 11:14)

Si Satanas ay Hinatulan Na

Kapag naunawaan ng isang mananampalataya ang pagtubos na gawain ni Hesus sa Krus ng Kalbaryo, ang tabing ay nahahawi sa kanilang mga isipan. Sinabi ng ating Panginoon, “Naparito ako sa mundong ito upang humatol…” (Juan 9:39). Nang si Hesus ay nasa lupa ang Kanyang prisensiya ay pinahihirapan ang mga demonyo. Halimbawa, ang isang lalaking inaanihan ng demonyo ay sumisigaw at nagwika sa Kanya, “ Ano ang pakay mo sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang kami’y puksain? Kilala kita, ikaw ang Banal na mula sa Diyos. Ngunit iniutos ni Jesis sa masamang espiritu, “Tumahimik ka! Lumabas ka sa kanya!” (Marcos 1:24-25).

Sa Mateo 12:28, sinabi ng Panginoon, “Kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa kapangyarihan ni Beelzebul, kaninong kapangyarihan naman nagpapalayas ng demonyo ang inyong mga tagasunod? Ang mga tagasunod ninyo ang magpapatunay na maling-mali kayo.”

Ang kaharian ng Diyos ay hindi hati. Upang ang kaharian ng Diyos ay maitatag sa isang siyudad o bansa, lubhang napakahalaga na ang iglesia ay bumabangon sa kapangyarihan laban sa mga demonyo at palayasin sila.

Paano mo magagamit ang kahatulan ng Diyos laban sa kaaway?

Gamitin ang iyong kapangyarihan (authority) at talian ang taong malakas

Ipinapahayag ng salita ng Diyos na walang sinumang makakapasok maliban talian muna ang taong malakas (Mateo 12:29). Sa pag-aaral sa talatang ito, aking naunawaan na si Satanas ang taong malakas na nagtali ssa buhay ng mga kalalakihan, kababaihan, mga kabataan at mga bata, ginagawa silang alin ng kasalanan. nang aming tanggapin ang pahayag na ito, sinimulan naming talian si Satanas at ang puwersa ng kasamaan. Ang Awit 149:5-6 ay nagsasabi, “Sa tagumpay na natami, magalak ang mga hirang, sa kanilang pagdiriwang ay magsaya’t mag-awitan. Papuri sa ating Diyos, iphayag nang malakas, hawak-hawak ang espadang dobleng-talim at matalas.” Ang espadang doble ang talim ay ang Salita at ito ay ginagamit upang magpatupad ng kahatulan sa mga bansa at pagparusa sa mga ito upang magpatupad ng kahatulan sa mga bansa at pagparusa sa mga tao upang talian ang mga pinuo/hari na may dalang mga tanikala. Ang “mga hari” ay ang mga maykapangyarihan, at mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutanng ito- ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid. Binigyan ka ng Diyos ng kapangyarihan (anoiting) at ng kakayahang talian ang mga haring may dalang mga tanikala. Panampalatayanan mo ito at lakaran mo ito.

Isapamuhay ang Isang buhay na may integridad
Sa mateo 12:33 sinabi ng Panginoon, “Sinasabi ninyong mabuti ang punongkahoy kung mabuti ang kanyang bunga at masama ang punongkahoy kung masama ang kanyang bunga, sapagkat sa bunga nakikilala ang puno.” Ang talatang ito ay tumutukoy sa ating mga buhay bilang isang puno. Kapag si satanas ay umalis sa sinuman, ang masamang buhay na nasa loobng tao ay umaalis. At ito ay isang mirakulo, sapagkat kapag umalis ang kasamaan, pinapalitan ito ng Diyos ng isang mabuting buhay- at ang mabuting buhay na ito ay si Hesus-Kristo. Kung ikaw ay isa sa puno ni Hesus- ang tao na mayroon ng Kanyang buhay ka yang bunga na iyong ibubunga ay kinapapalooban ng integridad, katarungan at katotohanan. Hindi mangyayari ang mga bagay katulad nito, “Ako ay Kristiyano pero ako ay nakikitalik ng di-kasal.” Ikaw ba ay “puno” ni Jesus o hindi? Kung nais mong makita kung anong uri ng puno ang isang tao, tingnan mo ang bunga ng kanyang buhay at tiyakin mo na ang puno ng iyong buhay ay namumunga ng bunga ng Panginoon.

Ang ibang tao ay naguguluhan sa paksang ito. Sila ay nagpupunta sa simbahan, subalit sila ay hindi tunay na mga Kristiyano. Ang pagpunta sa mga simbahan ay hindi tumitiyak ng kaligtasan. Tayo ay pumupunta sa simbahan dahil tayo ay mga bunga, dahil tayo ay mga bagong puno, kakaibang tao; at doon natin ipinahahayag ang ating pagsamba at pagpapasalamat sa Diyos. Ang buhay ng Ama ay naipapakita sa tao sa pamamagitan ng bunga na kanilang ibinubunga.

Pag-ingatan ang iyong mga salita

Sinabi ni Hesus, “Kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig. Mabuti ang sinasabi ng mabuting tao,sapagkat puno ng kabutihan ang kanyang puso. Masama ang sinasabi ng masamang tao, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso.” Ipinapahayag iyong mga sinasabi kung ano ang nilalaman ng iyong puso. Kapag ang isang tao ay nagrereklamo, ang kanilang bunga ay masama. Kapag sila ay bubulong –bulong, ang kanilang bunga ay masama. Kapag sila ay nanunumpa, ang kanilang bunga ay masama. Kapag ang mga tao ay puspos ng Diyos, ang kanilang mga salita ay laging umaakay sa pagtatagumpay. Pinapalakas loob ang mga bumabagsak. Hindi binabayaan ng mga taong ito na ang mga pangyayari ay makaimpluwensya sa kanila, subalit laging nagsasalita ayon sa Salita ng Diyos.

Kanselin o alisin ang mga paratang laban sa iyo

Huwag mong bayaang atakihin ka ng kaaway sa pamamagitan nila. Mataos kang manalangin na, “Panginoon, palayain mo ako sa mga makadiyablo na pagkaalipin. Bigyan mo ako ng lubos na kapangyarihan upang sawatain ang mga demonyo sa Pangalan ni Hesus. Dapat mong kanselahin ang lahat ng mga paratang laban sa iyo. Magpasya nag awing banak ang iyong buhay simula ngayon. Nang sabihin ni Josue na “Ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kay Yahweh kami maglilingkod.” (Josue 24:15b), siya ay gumawa ng pagpapasya na ang kanyang buong sambahayay ay itatalaga ang kanilang buhay sa Panginoon. Umaasa ako na gagawin mo rin ang gayon.

Sinabi ni Pablo, “Kaya’t isuot ninyo ang kasuotang pandirigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makalaban kayo kapag dumating ang masamang araw na sumalakay ang kaaway, upang pagkatapos ng labanana ay matatg pa rin kayong nakatayo.” (Efeso 6:13). Ano ang masamang araw? Ito ang araw ng kagipitan, ang araw ng pagsubok.
Paghahanda sa paglaya
• Magkaroon ng tunay na pagnanais na mamuhay sa kalayaan, nais ng Diyos na bigyan tayo ng kalayaan at, sa pamamagitan ni Hesus, binigyan tayo ng kaparaan makamit ito. Subalit dahil sa kanyan sariling malayang kalooban (freewill) ang tao ay nangangailanagan na naisin, ito ng buong puso. “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayoy’y bibigyan ko ng kapahingahan.” (Mateo 11:28)
• Alamin kung ano ang nagiging sanhi ng pagkaalipin (tingnan ang Awit 139:23-24)
• Magsisi at ipahayag ang kasalanan. Ang paglaya (deliverance) ay hindi pinapalitan ang pagsisisi. Dahil sa kasalanan, nakakuha ng ilang karapatan si Satanas sa ating buhay. Ang karapatang ito ay maari lamang kanselahin sa pamamagitan ng tunay na pagsisisi at lubusang pagtatakwil ng kasalanan
(tingnan ang Lukas 13:3)
• Manampalataya (tingnan ang Hebreo 11:6)
• Panghawakan ang Katotohanan (Juan 8:31-32,36)
• Manalangin at mag-ayuno (Mateo 17:21)

Mahahalagang Prinsipyo na Dapat Tandaan
• Dapat nating maunawaan kung sino ang ating kadigma - si Satanas.
• Ang pangunahing layunin ng kaaway ay patigasin ang puso ng mga tao laban sa Diyos at hadlangan ang kanilang isipan upang hindi nila tanggapin ang mensahe ng kaligtasan.
• Ang pinakamahusay niyang paglilinlang ay gawin ang tao na ipagwalang bahala ang kasalanan, na tingnan ito na para lang isang laro.

Pagsasabuhay ng mga Prinsipiyong ito
• Gamitin ang iyong awtoridad na talian ang taong malakas.
• Mamuhay na may integridad.
• Bantayan ang iyong pananalita, sapagkat ang iyong mga bunga ay nakabatay dito.
• Kanselahin o alisin ang lahat ng mga paratang na nagpapatuloy na nasa iyo sa larangang espirituwal.

Ang kahalagahan ng Isang ‘Encounter’

Ang ‘Encounter’ ay isang tatlong araw na retreat, sa loob ng panahonh ito ang Diyos ay magkakaloob (impart) ng buhay sa bawat isang tao na makikilahok. Ang mga dumadalo ay makatanggap ng direksyon at mauunawaan ang tunay na layunin ng Diyos sa kanilang buhay.

Ang lahat ng kalahok ay dapat dumalo sa ‘Encounter’ na may isang lubos na bukas na puso at may kadalisayan at kamusmusanng isang bata; upang matanggap ang lahat ng ninanais ng Diyos na maipaglingkod sa kanila.

Sa panahon ng ‘Encounter’, napakahalaga na iwan nila ang lahat ng uri ng argument, maling kaisipan, maling palagay patungkol sa Diyos sapagkat ito ay makahahadlang sa kanila na matanggap ang lahat ng ninanais na ialok sa kanila.

Nakita ko ang mga buhay na buong-bu na binago sa panahon ng tatlong araw higit sa maaaring mangyari sa loob ng isang buong taon.

Ang mga Anak ni Israel ay nagkaroon ng ‘Encounter’

Kung iyong matatandaan na ang bayan ng Israel ay inaalipin sa Ehipto, ang Diyos ay nagtayo ng isang tagapagpalay. Ang kanyang pangalan ay Moises at siya ay pumunta sa Hari ng Ehipto na may kahilingan buhay sa Diyos. “Sinabi nila, “Nagpakita po sa amin ang Diyos naming mga Hebreo kaya isinasamo naming payagan na ninyo kaming maglakbay nang tatlong araw papunta sa ilang upang maghandog kay Yahweh na aming Diyos. Kung hindi, lilipulin niya kami sa pamamagitan ng sakit o digmaan.” (Exodo 5:3)

Gaya ng ating nakita, ang kahilingan ni Moises ay naglalarawan ng pagnanais ng Diyos na katagpuin ang kanyang bayan sa loob ng tatlong araw. Hindi tinanggap ng Paraon ang kanilang panukala, sa halip pinagmatigas ang kanyang puso at tinatawag silang tamad. Pinahirapan pa niya sila sa pagbibigay sa kanila mas maraming gawain upang sa pamamagitan nito mawawalan sila ng panahon na mag-isip patungkol sa kanilang Diyos. Mula noon, ang Diyos ay nagsimulang pahirapan ang mga mamamayan ng Ehipto sa pamamagitan ng iba’t-ibang salot na dahil dito ninais nila na magsalita na ang mga anak ni Israel,.

Ang Kautusan ng Paraon

Ipinatawag ng Paraon si Moises at nagsabi, “Papayagan ko kayong umalis, ngunit huwag kayong masyadong lalayo. At ipanalangin din ninyo ako,” (Exodo 8:28). Subalit kinamayaan, tinanong sila ng Paraon, “Kung papayagan ko kayong umals upang sumamba kay Yahwh, sinu-snio ang inyong isasama?” Sumagot si Moises, “Lahat po kami, mula sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda.” Dadalhin din naming lahat an gaming mga tupa, kambing at mga baka. Kailangan pong kasamang lahat sapagkat ipagpipista naming si Yahweh.” (Exodo 10:8b-9). Subalit tinugon sila ng tuwiran ng Paraon: “Tawagin na ninyo si Yahweh, hindi ko papayagang isama ninyo ang inyong mga asawa’t mga anak. Maliwanag na may binabalak kayong masama. Hindi ako papaya na isama ninyo ang lahat, kayo na lang mga lalaki ang umalis upang sumamba sa inyog Yahweh kung iyan ang gusto ninyo.” Pagkasabi nito’y ipinagtabuyan sila ng Paraon. (Exodo 10:10-11)

Alalahanin kung ano ang sinabi ni Hesus

Sinabi ni Hesus, "Gibain ninyo ang templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay muli ko itong itatayo.” Juan 2:19

Ang ‘Encounter’ ay dapat magtagal ng tatlong araw, upang mapahintulutan ang diyos na magawa ang mas malalim na gawa ng pagbabago sa bawat buhay. Doon, mararanasan mo ang kamatayan ng lumang kalikasan at ang pagkabuhay ng kabaguhan ng buhay kay Kristo. Ang nais ng Diyos ay magkaroon ng matahimik na panahon at iwasan ang mga kaablahan upang marinig natin maliwanag ang tinig ng Diyos. Bakit ninais ng Diyos ang tatlong araw? Sapagkat iyon ang panahong kinakailanagn para ang Banal na Espiritu ay magawa ang kumpletong gawa ng pagbabago sa puso. Ang mang-aawit ay nagsabi, “Ang iyong sarili’y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika’y nagtuwala.” (Awit 37:5)

Ang ‘Encounter’ ni Pablo

Ang Apostol Pablo ay isa sa pinakadakilang tao ng Kristiyanismo. Dati siya ay kilala sa katawagang Saulo ng Tarso. Bago siya naakay sa Panginoon, siya ay matinding taga-usig ng mga Kristiyano. Subalit siya ay nagkaroon ng karanasan na nagpabago ng lubusan sa kanyang buhay, nagbago ng kanyang pangalan, at naging sanhi ng ipagtanggol niya ang doktrina na minsan ay kanyang isinusumpa.

Ano ang nagdala ng pagbabago sa kanyang puso? Ang tugon ay simple: nagkaroon siya ng kapahayagan ng Krus. Bawat isa na may personal na ‘encounter’ sa Diyos ay magkakaroon na ng Krus ni Krisyo ay ipahayag sa kanila, at kaphayagang ito ay ang tanging bagay na makapagbabago ng mga puso. Sinabi ni Pablo, “Datapuwa’t malayo nawa sa akinang pagmamapuri, maliba na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao’y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako’y sa sanglibutan.”(Galacia 6:14)

Sinabi din ni Pablo, “Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan.” (Filipos 3:10)

Ang naisin ni Pablo ay maramdaamn kung ano ang nadama ni Hesus habang Siya ay nakapako sa Krus. Nais niya na maranasan ang parehong matinding paghihirap na naranasan ni Hesus sa Kanyang pagkakapako. Kanyang nauunawaan na kung magkakaroon siya ng ganoong karanasan, kanya ring mararanasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay. Tinugon ng Diyos ang naisin ng puso ng apostol at biniyaan siyang maranasan ang kapahayagan ng Krus. Ito ang dahilan kung bakit niya nasabi, “Namatay na akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako’y nabubuhay pa sa katawang-lupa, mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng kanyang buhay para sa akin.” (Galacia 2:19b-20)

Katotohanan iyong mararanasan sa isang ‘Encounter’

Sa kanyang depensa habang siya ay nakatayo sa harapan ni Haring Agripa, sinabi ni Pablo, “Nang katanghaliang-tapat, habang kami’y naglalakbay, nakita ko, Haring Agripa, ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa langit, ito’y maliwanag pa kaysa sa araw. Totoong nakakasilaw ang liwanag sa paligid naming magkakasama. Kaming lahat ay natumba sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsabi sa akin sa wikang Hebreo, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako pinag-uusig? Ikaw na rin ang masasaktan sa ginagawa mong iyan. Para kang sumisipa sa talim.’ At itinanong ko, ‘Sino po kayo, Panginoon?’ at kanyang sinabi, “Ako’y si Jesus na iyong pinag-uusig. Tumayo ka! Nagpakita ako sa iyo upang ikaw ay isugo, upang magpatotoo tungkol sa nakita mo ngayon at sa mga Hentil ba pupuntahan mo sa pangalan ko. Isusugo kita sa mga taong iyon upang imulat ang kanilang mga mata, ibalik sila sa kaliwanagan mula sa kadiliman, iligtas sila sa kapangyarihan ni Satanas at ibalik sa Diyos. At sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa akin, sila’y patatawarin sa kanilang mga kasalanan at sila’y mapapabilang sa mga taong pinaging-banal ng Diyos.” (Gawa 26:13-18)

Sa araw na ‘yon, tinawag ng Diyos si Pablo upang maglingkod sa Kanya, at tinagubilinan patungkol sa kanyang gagawin at paano pagyayamanin ang kanyang paglilingkod (ministry).

Sa pagdalo ng ‘Encounter’, ikaw ay;
Makakatanggap ng pangitain.
“…Imulat ang kanilang mga mata…”

Alam natin na kung walang pangitain ang bayan ay sumasama (people perish). Ang mga taong naakay sa Kristiyanismo ay dapat munang makatanggap ng pangitain ng napakong Kristo. Sinumang na nagkaroon ng kakayahang maunawaan ang kanyang pagkatawag.

Makakaranas ng tunay na konbersiyon.
“..ibalik sila sa kaliwanagan mula sa kadiliman..”

Ang konbersiyong ito ay dapat na ganap at kumpleto. Tinanggihan ng Diyos ang bayang Israel sapagkat ang kanilang konbersiyon ay sa labi lamang, at hindi nalikha sa kanilang mga puso. Sinasabi ni Juan Bautista sa mga lumalapit sa kanya upang magpabawtismo na “..Patunayan muna ninyo sa inyong mga buhay na kayo’y talagang nagsisisi na..” (Mateo 3:8). Ang ating konbersiyon ay mag-aakay at nangangailangan ng pagbabgo ng ating pamumuhay (lifestyle), kaya ang mananampalatay ay dapt na magsikap na gawin lamang ang mga bagay na makalulugod sa Diyos.

Mauunawaan na ikaw ay naalis na mula sa control ni Satanas patungo sa pagkapanginoon ni Hesus “..iligtas sila sa kapangyarihan ni Satans at ibalik sa Diyos..”

Noon, sinamantala ni Satanas ang kahinaan ng tao upang siya ay alipinin. Subalit kay Hesus ang bawat mananalig ay iniligtas buhat sa control ng kaaway sa kanyang buhay. Ang pagwawagi ng matagumpay na buhay Kristiyano ay nakasalalay sa kanyang personal na kaugnayan kay Kristo. Ang maakay (convert) kay Hesus ay ang lubos na pamumuhay sa pag-ibig sa Kanya.

Mauunawaan na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus, ikaw ay may kapatawaran ng mga kasalanan
“..sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa akin, sila’y patatawarin sa kanilang mga kasalanan..”

Isa sa kaparaanan ng Diablo ay alipin ang tao ng ‘guilt’, pinapaniwala sila na ang kanilang kasalanan ay di pa pinatatawad. Sa ganitong kaparaanan, napapanatili niya ang control sa kanilang mga buhay. Ang mga kasalanan na ating nagawa ay may karampatang kaparusahan, subalit pinasan lahat ito ni Hesus sa Kanyang katawan at inako Niya para sa atin, tinanggap ang kaparusahang nararapat sa atin.

Maunawaan ang iyong pribilehiyo sa Diyos. “..sila’y mapapabilang sa mga taong pinaging-banal ng Diyos.”

Sinabi ni Pablo, “kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay sa atin ang lahat ng bagay?” (Roma 8:32). Kung naibigay ng Diyos ang kanyang pinakamamahal, ang Kanyang Anak, upang tayo ay maligtas sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya, hindi ba Niya ibibigay sa atin ang lahat ng ating kailangan? Masasabi ko na ang Diyos ay mas higit na maibibigay sa atin kaysa sa ating mahihingi sa Kanya.

Maaari natin matamasa ang Kanyang paman dito sa lupa at sa walang hanggang buhay na darating.

Mahahalagang Prinsipyo na Dapat Tandaan

• Ninais ng Diyos na ang kanyang bayan ay pumunta sa isang ‘Encounter’
(tingnan ang Exodo 5:3)
• Ang katusuan ng Paraon (Exodo 2:28; 10:8b-9; 10:11-12)
• Alalahanin ang sinabi ni Hesus (Juan 2:19)
• Si Pablo ay nakaranas ng Encounter (Galacia 6:14; Filipos 3:10)
• Binabago ng Diyos ng lubusan ang mga buhay sa ‘Encounter’.

Pagsasabuhay ng mga Prinsipiyong ito

Kung iyong pagpasiyahan nga maranasan ang kaligayahan at pagpapala ng pagdalo ng isang Encounter, mararanasan mo ang mga sumusunod na katotohanan:

• Makakatanggap ng pangitain • Makakaranas ng tunay na konbersiyon. • Mauunawaan na ikaw ay naalis na mukha sa kontrol ni Satanas patungi sa pagkapanginoon ni Hesus • Maunawaan na sa pamamagitan ng pananampalatay kay Hesus, ikaw ay may kapatawaran ng mga kasalanan. • Maunawaan ang iyong pribilehiyo sa Diyos.

-----------------------
Lesson
1

APAT NA KAMANGHA-MANGHANG PAGKAKATAON

Lesson
2

Ang mga Benepisyo ng Krus

Ang Bagong Kapanganakan

Lesson
3

Lesson
4

Pangangalaga sa Bagong Kapanganakan

BENEPISYO NG BAGONG KAPANGANAKAN

Lesson
5

Pagkilala sa Ating Kaaway

Lesson
6

Ano ang dapat mong malaman patugkol sa “Encounter”?

Lesson
7

Similar Documents

Premium Essay

Lecture 7

...COMPREHENSIVE EXAM QUESTIONS IN RESEARCH METHODS(1) 1. PHILOSOPHY, LOGIC AND ETHICS OF SCIENCE A) General A1. A2. A3. Starbuck has suggested that "the properties shared by all organizations ought to be uninteresting TH and unimportant." He also notes that "although statements about averages bother very few, they ought to bother many" (Journal of Management Studies, vol. 30(6), 1993). Do you agree with these statements? If so, why, and what are the implications of your beliefs for research methods in strategic management and organization science? If not, why not, and what are the implications of your beliefs for research methods in those areas? Lay out the components of the Runkel and McGrath (1972) Research Cycle and the Martin (1982) Garbage Can Model of the research process. What are the aims of either approach? What assumptions does each approach make? What basic themes does each approach emphasize? What kinds of constraints on the process of doing research does each approach highlight? How are the two approaches alike and different in other ways? What are the likely pitfalls of viewing the research process from only one of these two viewpoints? Define (and discuss important features or issues concerning) the following constructs of Philosophy and Logic of Science. (Define any four terms). 1. Null hypothesis 3. Paradigm 4. Independent variable 5. Operational definition 6. Nomological network 8. The fallacy of affirming the consequent 9. Theory 2....

Words: 21963 - Pages: 88

Premium Essay

Dfsfd

...S O N SOUTH-W ES TE THO M RN MBA series in ’s Eco n o mi cs Managerial Economics A Problem Solving Approach Luke M. Froeb Vanderbilt University Brian T. McCann Purdue University Australia Brazil Canada Mexico Singapore Spain United Kingdom United States Managerial Economics: A Problem-Solving Approach Luke M. Froeb VP/Editorial Director: Jack W. Calhoun Editor-in-Chief: Alex von Rosenberg Sr. Acquisitions Editor: Mike Worls Sr. Content Project Manager: Cliff Kallemeyn Brian T. McCann Art Director: Michelle Kunkler Sr. First Print Buyer: Sandee Milewski Printer: West Group Eagan, MN Marketing Manager: Jennifer Garamy Marketing Coordinator: Courtney Wolstoncroft Technology Project Manager: Dana Cowden COPYRIGHT ª 2008 Thomson South-Western, a part of The Thomson Corporation. Thomson, the Star logo, and SouthWestern are trademarks used herein under license. Printed in the United States of America 1 2 3 4 5 09 08 07 06 ISBN-13: 978-0-324-35981-7 ISBN-10: 0-324-35981-0 ALL RIGHTS RESERVED. No part of this work covered by the copyright hereon may be reproduced or used in any form or by any means—graphic, electronic, or mechanical, including photocopying, recording, taping, Web distribution or information storage and retrieval systems, or in any other manner—without the written permission of the publisher. For permission to use material from this text or product, submit a request online at http://www.thomsonrights...

Words: 112158 - Pages: 449

Free Essay

The Logistic Map

...Chaotic Growth with the Logistic Model of P.-F. Verhulst Hugo Pastijn Department of Mathematics, Royal Military Academy B-1000 Brussels, Belgium Hugo.Pastijn@rma.ac.be Summary. Pierre-Fran¸ois Verhulst was born 200 years ago. After a short biograc phy of P.-F. Verhulst in which the link with the Royal Military Academy in Brussels is emphasized, the early history of the so-called “Logistic Model” is described. The relationship with older growth models is discussed, and the motivation of Verhulst to introduce different kinds of limited growth models is presented. The (re-)discovery of the chaotic behaviour of the discrete version of this logistic model in the late previous century is reminded. We conclude by referring to some generalizations of the logistic model, which were used to describe growth and diffusion processes in the context of technological innovation, and for which the author studied the chaotic behaviour by means of a series of computer experiments, performed in the eighties of last century by means of the then emerging “micro-computer” technology. 1 P.-F. Verhulst and the Royal Military Academy in Brussels In the year 1844, at the age of 40, when Pierre-Fran¸ois Verhulst on November c 30 presented his contribution to the “M´moires de l’Acad´mie” of the young e e Belgian nation, a paper which was published the next year in “tome XVIII” with the title: “Recherches math´matiques sur la loi d’accroissement de la e population” (mathematical investigations of the law of...

Words: 138629 - Pages: 555