Industriyalisasyon ng Bayan, Kasiraan ng Kalikasan
Sa modernong panahon ngayon ay kalakip rin ang pag-usbong ng industriyalisasyon ng ating bayan. Ngunit napansin ba natin na sa pag-usbong ng bansa ay siya ring unti-unting pagkasira ng ating kalikasan? Marahil ay karamihan sa atin ay hindi, dahil sa pagkasilaw natin sa naipagkaloob ng makabago at mabilis na paraan sa iba’t ibang gawain, dahil dito ay siya rin ang pag-abuso sa kalikasan natin.
Dahil tayo ay nasa makabagong panahon ngayon, mukhang di na alintana ng mga tao ang pagpapahalaga sa ating Inang kalikasan. Nang masimulan ang industriyalisasyon sa bansa, kaagapay rin nito ang ibat-ibang naging epekto sa kalikasan mapa-mabuti man o masama. Ang polusyon na naiibuga mula sa mga pabrika at ang mga maiitim at mababahong usok mula sa mga sasakyan ay nakakasira sa kalusugan ng mga tao, di lang tayo kundi pati na rin sa mga halaman. Naging epekto rin nito ang climate change o pagbabago ng klima dulot ng pagbubuga ng gaseous emissions na sa kalaunan ay unti-unti nitong sinisira ang ozone layer sa ating daigdig. Ang pagpututol ng mga malalaking puno sa kagubatan upang makagawa ng mga pangangailangan ng tao ay nagiging sanhi pa ng pagkawasak ng kalikasan na nagdudulot ng malalaking pagbaha at pagguho ng mga lupain at nawawalan rin ng tahanan ang mga hayop na nakatira dito. Ito ay ilan lang sa mga masasamang epekto ng di wastong pamamahala ng industriyalisasyon sa bansa.
Industriyalisasyon ang daan para sa pag-unlad ng bayan ngunit ito rin ang sanhi ng pagkaubos ng ating yaman. Nararanasan ng buong mundo ang kakapusan sa pinagkukunang yaman sa kadahilanang may mga gawain ang mga tao ng nagdudulot ng pagkasira ng kalikasan. Sa aking palagay, kung magtutulongan tayong mga Pilipino para sa kaunlaran at kaayusan ng ating kalikasan ay tiyak na mapapabuti an gating bansa. May mga bansa nga na salat sa likas na yaman ngunit sila ay maunlad dahil sa wastong paggamit at pangangalaga sa kanilang likas na yaman. Kung sila nga ay kayang gawin ito, bakit tayo ay hindi? Dapat na maging bukas na ang ating isipan sa mga posibilidad na maaaring mangyari kung tayo ay magpapatuloy sa pag-abuso ng ating likas na yaman. Hindi dapat tayo nasa isang panig lamang ngunit dapat nating isa-isip rin kung ano ang kalalabasan sa mga aksyon na ginagawa natin.
Nais ba nating tumira sa isang bansang industriyalisado nga, ngunit hindi naman balanse dahil sa mapinsalang kapaligiran? Syempre ay hindi, kailangan ito ay balanse kaya dapat nating mapagtanto ang magiging sanhi ng mga kilos natin. Sa isang industriyalisadong bansa ay dapat kalakip rin nito ang kagandahan at kalinisan ng kapaligiran. Para hindi lang bast-basta maunlad ang ating bansa kundi maganda at kaaya-aya pa ito sa mga mata ng mga dayuhan. Ayon nga kay Maya ng Please Be Careful With my Heart “KAPIT-BISIG”. Tama siya, kaya dapat tayong mga Pinoy ay magtulongan tungo sa kaunlaran at kalinisan.