Isang Paghahambing Na Pag-Aaral Sa Epekto Ng Paninirahan Sa Dormitoryo at Sa Sariling Tahanan Ng Mga Mag-Aaral Sa Unang Taon Ng Unibersidad Ng Manila Sentral Sa Kursong Parmasya
In:
Submitted By bbrinces Words 836 Pages 4
Ang pagiging kolehiyo ay hindi madaling buhay, ito ay nangangailingan ng pagsusumikap, determinasyon, at pakikisama bago malampasan. Kalimitan, sa layo ng tirahan ay napipilitan o di kaya’y gustong manirahan sa boarding house o sa mga dormitoryo. Ayon sa isang pag-aarral sa Colorado College, USA nina de Araujo at Murray noong taong 2010, merong sapat at magandang dahilan ang pagtira sa isang dormitory, maliban sa hindi problema ang mga gawaing pambahay, ito daw ay pwedeng magkaroon ng magandang epektong pang-akademiko sa isang estudyante. Inilahad naman ni Thompson et al (1993) karamihan sa mga naninirahang mga mag-aaaral sa unang taon sa kolehyo na nakatira sa mga dormitoryo ang nakakapagtapos sa kolehiyo. Halos lahat ng mga pag-aaral kabilang ang mga nabanggit ay nagsasabing merong magandang epekto pang-akademiko ang pagtira sa ganitong pamayanan. Subalit, hindi nito mabubura ang katotohanang mahirap at maraming pagsubok ang kakaharapin ng isang estudyanteng naninirahan malayo sa kanilang pamilya lalo na kung unang beses niya itong gagawin. Ayon kay Joshua Huffman (2010), maaring magdulot ng mga masamang epekto ang pag-dodormitoryo. Inilahad niya na bagamat maraming pwedeng matutunan ang isang mag-aaral sa paninirahan sa ganitong pamayanan ay hindi maiiwasan ang laki ng gastos na kakaharapin nito at hindi rin sila nalalayo sa peligro lalong lalo na kung ito ay nasa labas ng unibersidad. Maaring matuto ng mga masasamang bisyo ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang mga dorm mates. Dagdag pa ni Huffman, sa haba ng araw na pamamalagi ng isang mag-aaral sa dormitoryo ay hindi nito maiiwasan ang pangungulila sa kanyang pamilya at kalaunan ay nagpapakita ng pagbabago sa kanyang ugali at pagkilos. Panghuli, ang pagsasaalang-alang sa kalusagan ng mag-aaral, hindi lahat ng mga dormitoryo ay may sari-sariling palikuran kaya’t minsan sa isang banyo anim hanngang walong tao ang gumagamit na pwedeng magkusa ng iba’t ibang sakit sa mga estudyante.
Sa kabilang dako, ang paninirahan sa sariling tahanan ay hindi isinasantabing opsyon ng marami, sa katunayan maraming mga benipisyo ang pagtira sa sariling tahanan, unang-una ay ang pinasyal na usapin. Mas makatitipid ang isang pamilya kung mismong sa sariling tahanan nila mananatili ang kanilang anak habang nag-aaral sa kolehiyo. Pangalawa, hindi lahat ng mag-aaral ay madaling umangkop sa pagbabago ng kanilang kalagayan sa dahilang hindi sila sanay na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay na pwedeng magbunga ng pagkastress, pagbabago ng ugali at emosyon. At sa pinaka-importanteng makamit ng estudayante ay paggabay ng mga magulang, dito karaniwang nalilinang at nagkakaroon ng motibasyon ang mga mag-aaral para tapusin ang kanilang pag-aaral. Ang pamilya rin ang nagpapalakas ng loob sa isang mag-aaral kung sakaling meron itong mabigat na problema (Plaige, 2007). Ngunit, ang mga pag-aaral na ito ay hindi unibersal. Hindi nangangahulugang lahat ng mga mag-aaral na nakatira malapit sa universidad ay may magandang epekto sa kanilang pang-akademiko kakayahan at hindi rin nangangahulugan na lahat ng mga mag-aaral na nakitira sa kanilang sariling tahanan ay nabibigyan ng sapat na gabay at pang-unawa galing sa kanilang pamilya. Ito ay nakadepende pa rin sa mag-aaral kung gustong niyang ayusin ang kanyang pag-aaral at ipagpagtuloy ito hanggang sa makatapos gaano man kabigat ang pagsubok na kanyang kakaharapin.
Maituturong natin na pagsubok ang mga problema, lahat ng tao may kinaharap, kinakaharap at kakaharaping pang mga problema sa mga susunod na panahon kung kaya’t gaano man kasipag o katalino ang isang mag-aaral, dahil isa pa rin siyang indibidwal ay hindi niya maipagkakait ang mga hadlang o sagabal sa kanyang pag-aaral. Ang buhay kolehiyo ay punong-puno ng mga problema, nakatira ka man sa dormitoryo o hindi ay kakaharapin mo pa rin ang mga ito. Naparaming salik ang kinakaharap ng mga mag-aaral kung bakit nahihirapan silang lutasin ng kanilang mga problema sa kolehiyo. Isa rito ang kanilang pag-uugali na kung tawagin ay “Ugaling Pinoy”. Isa ito sa mga ugaling maaring magkaroon ng mga masamang epekto kung magiging habit ng isang mag-aaral lalong-lalo na sa pang-akademikong kakayahan nito. Halimbawa nito ang Mañana at Bahala na habit at iba pa.
Sa pangkalahatan, ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman ang mga ugali ng mga mag-aaral kasama na ang mga stratehiya o pamamaraan nila upang malagpasan ang mga pagsubok na kanilang kinakaharap sa pag-aaral nakatira man sa sariling tahanan o sa dormitoryo. Ito rin ay napapatungkol sa mga karaniwang problemang kinakaharap ng mag-aaral sa kanilang pag-aaral lalong lalo sa mga mag-aaral na nakatira sa dormitoryo at malayo sa kanilang tahanan. Paano nila ginugol ang oras ng pag-aaral at gawain sa domitoryo? Mas disiplinado ba ang mga mag-aaral na nakatira sa dormitoryo kaysa mga mag-aaral na nakatira sa kanilang tahanan? Sino ang kalimitang mayroong Ugaling Pilipino ang mga nasa dormitoryo o mga nakatira sa kanilang tirahan? At sino ang mas madaling humawak ng mga mabibigat na problema ang mga mag-aaral na nasa dormitoryo ba o ang mga mag-aaral na nasa kanilang tahanan?