Kalinisan at Sanitasyon Ng Mga Karinderya Na Tinatangkilik Ng Mga Estudyante Sa University Belt
In:
Submitted By katsabularse Words 595 Pages 3
KONSEPTONG PAPEL
KALINISAN AT SANITASYON NG MGA KARINDERYA NA TINATANGKILIK NG MGA ESTUDYANTE SA UNIVERSITY BELT
MGA MANANALIKSIK:
CARACAS
CANIDO
QUIENG
SABULARSE
TIMBAL
I. Rasyonal
Ang pagkain ay isa sa mga pangunahing pangangailanga ng bawat isa sa atin, ito ay nagbibigay ng sapat na sustansya upang magkaroon ng wastong nutrisyon, pag iisip at lakas ng pangangatawan ngunit hindi lahat ng tao ay may kakayahang bumili ng pagkain sa pang araw-araw dahil sa problemang pinansyal. (Robinson Crusoe, 2002) Ang problemang pinansyal ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit pinipili ng mga estudyante na kumain sa mga establisyemento na nagbebenta ng murang pagkain kagaya na lamang ng karinderya.
Ang karinderya ay isang kainan na naghahain ng mga lutong bahay na pakain. Ito ang isa sa mga tinatangkilik ng mga estudyante sa ubelt. subalit marami ng ulat na nagpapatunay ng kawalan ng kalinisan at sanitasyon ng mga karinderya sa u-belt. Ang University Belt o mas kilala sa U-Belt ay ang bansag sa mga magkakatabing eskwelahan at pamantasan na matatagpuan sa Sampaloc, Quiapo, at San Miguel, at Lungsod ng Maynila. Kabilang ang Centro Escolar University (CEU), San Beda College (SBC), San Sebastian College (SSC), La Consolacion Collage (LaCo), College of the Holy Spirit (CHS), University of the East (UE), Far Eastern University (FEU), at University of Sto. Tomas (UST) sa mga unibersidad na sakop ng University Belt.
Napakahalaga ng kalinisan pagdating sa pagkain – binibili man natin ito sa pamilihan, kinakain sa isang restawran o kumakain man tayo sa bahay ng isang kainan. Ang paksang ito ay napili sapagkat nais ng mga mananaliksik na alamin, suriin, at bigyan ng konklusyon ang pamamaraan o pamantayan ng mga karinderya sa pagpapanatili ng kalinisan at sanitasyon ng kanilang paligid, pasilidad, at mismong pagkain ng inihahain. Nais din ng mga mananaliksik na tukuyin ang wastong pamamaraan sa paghahanda, pagluluto, at paghahain ng mga pagkain.
Ang paksang ito ay mahalaga di lamang sa mga mananaliksik pati narin sa mga taong walang sapat na kaalaman sa kalinisan at sanitasyon ng mga establisimyentong kanilang kinakainan kagaya na lamang ng karinderya.
Layunin
A. Pangkalahatang Layunin
Matuklasan ang mga pamamaraan ng mga karinderya sa pagpapanatili ng kalinisan at sanitasyon sa paghahanda ng mga pagkaing ibinebenta University-Belt.
B. Mga tiyak
1. Matukoy ang pamamaraan sa pagpapanatili ng kalinisan at sanitasyon
2. Masuri ang kawastohan ng mga pamamaraang ginagawa sa pagpapanatili ng kalinisan at sanitasyon ng pagkain.
3. Mailahad ang wastong pamamaraan sa pag papanatili ng kalinisan ng pagkain ayon sa pamantayan ng BFAD.
II. Metodolohiya
Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng sarbey sa pamamagitan ng pagbibigay ng kwestyoner sa tatlong (3) estudyante sa bawat karinderya. Pipili ang mga mananaliksik ng anim (6) na karinderya na matatagpuan sa University Belt. Sa loob ng tatlong (3) araw, dalawang (2) karinderya ang pupuntahanan ng mga mananaliksik sa bawat araw upang isagawa ang pananaliksik o sarbey. Magsasagawa din ng sariling obserbasyon ang bawat mananaliksik ukol sa pamamaraan ng bawat karinderya sa pagpapanatili ng kalinisan sa paligid, pasilidad at ng mga pagkain na ihahain. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng internet, ng library, mga interbyu at pahayagan para sa mga impormasyon at datos ukol sa kalinisan at sanitasyon ng mga pagkain sa karinderya sa university belt.
Ang mga nakalap na datos at impormasyon mula sa mga sarbey , internet, library, interbyu at pahayagan ay susuriin at bibigyan ng konklusyon
III. Inaasahang Bunga
Inaasahan ng mga mananaliksik na matuklasan, matukoy, masuri, at mailahad ang pamamaraan na gianagawa ng mga karinderya upang mapanatili at masigurado ang kalinisan at sanitasyon ng sa paghahanda ng mga pagkaing binebenta ng mga karinderya sa u-belt.