Konseptong Pagtatasa Ukol Sa Panglipunang Pag- Uugali: Mañana Habit O Pagliliban
In:
Submitted By arylle Words 1833 Pages 8
Konseptong pagtatasa ukol sa panglipunang pag- uugali: Mañana Habit o Pagliliban
Lyra Pilarte
Konsepto: ang Mañana Habit o pagpapaliban ay isang uri ng pag- uugali ng mga pilipno na kung saan pinagpapaliban ang mga nakatakdang gawain sa pamamagitan ng paggawa ng ibang bagay at gagawin lamang ang mga tungkuling pinagpaliban sa ibang panahon. Namana ng mga Pilipino ang ganitong pag- uugali sa mga kastilang sumakop sa ating bansa. Ang Mañana ay salitang espanyol na ibig sabihin ay “mamaya” sa ating wika. “Mamaya na “ sa Pilipino at “procrastination” naman sa wikang ingles.
Katulad na konsepto: Ningas kugon, katamaran ng mga Pilipino
Itinuturing ng maraming tao ang konseptong ningas kugon bilang isang katulad na konsepto sa paksang Mañana Habit dahil sa relatibong kahulugan na meron ito. Alam natin na ang salitang ningas kugon ay hango sa kugon na ang ibig sabihin ay matangkad, berde,at manipis na uri ng damo na tumutubo sa pagitan ng malalaking batawan. Ang ganitong uri ng damo ay madaling mang- akit ng apoy at dahil sa mabilis itong sumiklab, hindi mamalayan na ang kinakatayuang batawan nito ay sunog na at wala ng kahalahalaman. Ang dahilan kung bakit ningas kugon ang ginagamit na termino ay dahil sa umpisa, nagpapakita ng taim-tim na interes ang mga tao sa isang gawain(malakas ang nalilikhang apoy kapag sinindihan) ngunit, sa sandaling panahon lamang ay iniiwan na nila ito na hindi pa natatapos(ang mabilis na pagkawala ng apoy). May pagpapalibang nangyayari sa konseptong ningas kugon kaya itunuturing itong katulad na konsepto ng Mañana Habit.
Ang isa pang konseptong katulad sa Mañana Habit ay ang katamaran ng mga pilipno. Hindi na ito maiaalis sa ating mga Pilipino dahil sa ito ay nakatatak na sa atin kahit noong panahon pa na mga kastila. Ang katamaran ay ang kauntian ng pag- ibig sa paggawa at kakulangan sa sipag. Tulad sa Mañana Habit, pinagpapaliban ng mga pinoy ang mga gawaing iniuutos sa kanila at lagi nilang winiwika ang salitang “mamaya na”. Maaari ding ang pagiging tamad ng mga Pilipino ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi maalis- alis sa atin ang Mañana Habit.
Mga nandulabhasa sa pag- aaral nito:
Maraming mananaliksik ang nag- aral ukol sa konseptong Mañana Habit o Procrastination sa ingles. Ilan dito ay mga banyagang may sariling pananaw tungkol sa pangkalahatang kahulugan ng pagpapaliban o Procrastination at iilan din dito ay ating mga kababayang binigyan ng kaukulang pansin ang sarili nating konsepto ng pagapapaliban, ang Mañana Habit. Ang mga pag- aaral na ginawa ng mga banyaga ay tinumpok hanggang sa makabuo ng mga teorya na ngayon ay ginanagamit upang pag- aralan ang nasabing konsepto. Mayroon rin dalawang banyagang dalubhasa na sina Elizabeth Alexander ng Unibersidad ng Texas at Anthony Onwuegbuzie ng Unibersidad ng South Florida ang nag- aral ukol sa relasyong ng hope o pag-asa sa konseptong pagpapaliban na naging batayan upang magkaroon ng mga pagtanto na ang akademikong pagpapaliban (academic procrastination) ay maiiwasan. Hindi rin magpapahuli ang dalawang pinoy na pinag- aralan ang sariling nating konsepto ng pagpapaliban, ang Mañana Habit. Ang thesis na ginawa ni Mary Catherine Gayo Dela Cruz at pag- aaral ni Romel A. Morales ay dalawa lamang sa mga nagamit upang pag- aralan ang konseptong Mañana Habit.
Maikling paliwanawag sa konseptong Mañana Habit o pagpapaliban( procrastination):
Ang pagpapaliban o Mañana Habit ay hindi na karaniwan sa mga tao lalo na sa mga pinoy. Maaaring ito ay isa na sa mga malalaking problema na kinakaharap ng tao. Marami silang oras at oportunidad na masasayang; ang mahinang pagganap sa bawat gawain; ang pag-tutol sa sarili at pagiging stress ang mga resulta sa pagkakaroon ng Mañana Habit. Para sa karamihan, ang Mañana Habit ay talagang maituturing na negatibong pag- uugali subalit may mga dalubhasa na naghahanap na iba pang anggulo ng konseptong ito, ang mga uri,at malalim na dahilan kung bakit ang mga mga tao ay mahilig sa pagpapaliban.
Napag- alaman na may tatlong hypothesis ang nabuo sa pag- aaral nilang ito. Una, ang mga taong nagpapaliban ay maaaring mahati sa dalawa. Ito ay ang a.) Relaxed- pleasure seeking type at ang b.) Tensed-afraid type; Pangalawa, may malalalim na dahilan kung bakit nagpapaliban sa mga gawain ang mga tao. Ito ay ang problema sa paggamit ng oras, takot, pag- aalala, takot sa tagumpay at pagkadapa, ang hindi maayos na paghawak sa mga gawain, perfectionism sa bawat gawa at kilos, galit, mataas na ekspektasyon galing sa pamilya, pangamba sa sarili at takot na mabalewala ng ibang tao; Panagatlo, nagkakaroon ng Mañana Habit ang mga lalaki dahil sa galit at malaking ekspektasyon ng mga miyembro ng pamilya sa kanya; Nagkakaroon naman ng Mañana Habit ang babae dahil sa takot sa pagkadapa at tagumpay, ang hindi maayos na paghawak sa mga gawain at perfectionism; Sa matatanda naman (relaxed- pleasure type), ang hindi pagkakaroon ng time management ang dahilan ng pagiging mapagpaliban nila. Taliwas naman sa mga mas bata sa kanila(tensed- afraid type). Ang pangangamba sa kanilang kakayahan at takot na mabalewala ang dahilan kung bakit sila rin ay nagpapaliban ng anumang gawain.
Batay sa tatlong hypothesis na ito, masasabing ang mga babaeng Pilipino ay mga relaxed- pleasure type o mga tipong pinagpapaliban ang mga gawain dahil para sa kanila, madali lang ang mga gawaing ito- dahil na rin sa kanilang likas na tunkuling kanilang ginagawa. Inaasahan lamang silang maging kabiyak sa anumang gawain ng asawa o tagaguyod lamang sa pag budget ng mga bilihinn. Maaaring ang mga gawain nilang ito ang nagiging batayan na pagiging relaxed-plaesure type nila dahil imbes sundin nila ang mga ito, madalas nilang itong isinasantabi at ipinapagpaliban. Ang mga lalaking pinoy naman ay kilala bilang mga task- oriented at mas nakakataas sa lahat. At dahil sa katangian nilang ito, masasabing sila ay tensed- afraid type na nagliliban o mga tipong nagpapaliban ng mga gawain dahil sa hindi sila sigurado na kaya ba nilang gampanan ang mga gawain lalung-lalo na kung sila ay nasa isang nakababahalang mga sitwasyon. Para sa mga Pilipino, ang pinaka dahilan kung bakit umiiral sa kanila ang Mañana Habit ay sa dahil perfectionism at ang pinaka mababang dahilan ay pagka balisa(anxiety). At maaaring ang sama- samang kultura ng mga Pilipino ang batayan sa pagigung perfectionism nila.
Akademikong Pagpapaliban
Napipigilan na maabot ng mga estudyante ang kanilang layunin na makatapos sa pag- aaral dahil sa Mañana Habit. Nagbibigay ang Mañana Habit ng mga aksyon sa mga estudyante na hindi mag- aral at hindi gawin ang mga akademikong atas. Ayon din sa isang pag- aaral nila Alexander at Onwuegbuzie na ang kawalan ng pag- asa o hope sa mga estudyante ang mas higit na nagkakaroon ng Mañana Habit lalung-lalo na kapag nahaharap na sila sa mga pang-akdemikong gawain. Talagang may kaibahan kung ang mga estudyante ay may mataas na antas ng pag- asa dahil sa sila ay determinado at sila ang mga taong imposibleng makaranas ng Mañana Habit.
Mayroong mga mananaliksik na naniniwala na may mabuti at positibong anggulo ang akademikong pagpapaliban. Sa mga nagawang pag- aaral ukol sa akademikong pagpapaliban(academic procrastination), may dalwang klase ng mga nagliliban, ang passive procrastinator o pinagpapaliban ang kanilang mga gawain dahil sa kanilang kawalan ng kakayahan upang bumuo ng mga desisyon na gawin ang mga gawain sa isang napapanahong paraan at ang active procrastinator o intensyonal na magliban ng mga gawain, mas pinipili magtrabaho na may presyur at minsan, nagagawa ang mga tungkulin na may magandang resulta. Ayon sa mga nandalubhasa nito, ang positibong anggulo ay ang mga estudyanteng active procrastinators dahil mas nakakakuha sila ng magandang resulta sa mga ginagawa nila kaysa sa mga passive procrastinators. Ito ay dahil sa mas napapa- isip ng madalian at maganda ang mga nag kakraming na estudadyante o active procrastinators. At upang mas maintindhan pa ang pagiging positibo ng akademikong pagpapaliban, may tinatawag na structured procrastination na kung saan, ginagawang nitong organisado at produktibo ang isang tao dahil sa mahusay nilang paggamit ng kanilang panahon sa pamamagitan nang paggawa ng mga kapaki- pakinabang na mga gawaing naging pamalit sa tunkuling pinagpaliban nila tulad na lang ng paghahardin, pagtatasa ng lapis at iba pang maliliit na mga gawain.
Metodo:
-Upang malaman ang tatlong teorya ng Mañana Habit, kumuha si Mary Catherine Gayo Dela Cruz sa iba’t- ibang paaralan at opisina sa Baguio City ng 252 mga kolehiyo at mga empleyado bilang mga tagapagsagot. Maraming kompyutasyon ang isinagawa sa pamamagitan ng Chi square method o metodo kung saan pinag-aaralan ang kaibahan ng expected frequencies at observed frequencies ng isa o maraming teorya at analysis of variance (ANOVA) o pagsusuri ng pagkakaiba-iba ng mga variables na ginamit sa ekperimento upang masubukan ang ang iba’t- ibang teoryang hinihain bago inumpisahan ang pag- aaral na ito.
-Bumuo naman ng 65-item Academic Procrastination scale (APS) si Romel A. Morales upang malaman kung talagang mayroong pag- uugaling pagpapaliban na may positibong kinalabasan na naging taliwas sa nakasanayang pagtingin sa pag- uugaling pagpapaliban na negatibo. 1153 na mga estudyante na nagmula sa iba’t- ibang unibersidad sa rehiyon 8 ng Pilipinas ang sumagot ng mga palatanungang binigay. Ang mga negatibong resulta ay pinuntusan ng kabaliktarang resulta nito.
-Ang naging tagapagsagot nila Elizabeth Alexander at Anthony Owuegbuzie sa kanilang mga katanungan sa pag- aaral nila ay mga graduating students. 116 graduating students ang sumubok na makumpleto ang mga variables ng pag- aaral. Ito ay ang measure of hope at measure of procrastination. Dahil ang dalawang sukat ay binubuo ng maramihang bahagi, gumamit sila ng mga statiscal na pamamaraan na gumagalugad sa mga bahagi ng scale.
Ang paggamit ng kaalaman:
Sa pamamagitan ng mga kaalaman tungkol sa konseptong Mañana Habit, maaari nang mairekomenda ang mga puntos na dapat nating gawin upang maiwasan ito sa pang- araw- araw na buhay nating mga Pilipino. Ang pag- aaral na isinigawa ng mga dalubhasa ay nagrerekomenda na dapat himukin ng mga magulang ang kanilang mga anak na magpursige sa pag- aaral upang maiwasan ang Mañana Habit. Makakatulong din ang kaalaman ito para sa mga guidance counselors dahil mabibigyan sila ng kamalayan tungkol sa malawakang problema ng Mañana Habit at matutulungan nila ang mga mag- aaral sa pamamagitan ng mga techniques na gumagabay sa kanila upang maiwasan ang Mañana Habit. Sa tulong rin ng kaalamang ito, napapaalala sa mga mag- aaral na laging may pag- asa sa anumang bagay lalo na sa pagharap ng mga pang akademikong bagay. Isa ito sa mga paraan upang maiwasan ang Mañana Habit.
Bibliogrpiya/ mga kinukunsultang akda: <http://www.psychologytoday.com/blog/dont-delay/200805/coping-and-procrastination-the-role- hope> <http://kukim0nster.blog.friendster.com/2009/11/tungkol-sa-katamaran-ng-mga-pilipino-repleksyon/>
<http://pi100anakpawis.multiply.com/journal/item/2/Tungkol_sa_Katamaran_ng_mga_Pilipino>
<http://webhome.idirect.com/~readon/procrast.html>
<http://www.dailyrandomsites.com/what-is-ningas-cogon/>
Dela Cruz, M .C (2010) Procrastination: the Filipino habit of “mamaya na”, Saint Louis University.
Morales, R. (2010) Confirmatory Factor Analysis of the Academic Procrastination Scale, Vol. 6, issue 2, April 2011. <http://www.stopprocrastinating.net/the-five-main-types-of-procrastination>