Pananaw Ng Mga Piling Mag-Aaral Sa Ikaapat Na Baitang Ng Sekondarya Ng Colegio de San Juan de Letran Calamba Sa Pagpili Nang Nais Na Kurso Sa Kolehiyo
In:
Submitted By Jesdelmundo Words 1275 Pages 6
Pananaw ng mga piling mag-aaral sa ikaapat na baitang ng sekondarya ng
Colegio de San Juan de Letran Calamba sa pagpili nang nais na kurso sa kolehiyo
KABANATA 1
Sanligan ng Pag-aaral
Panimula Ang edukasyon ay importante sa bawat isa sapagkat dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao. Ito ang ating sandata upang magkaroon ng maganda at simple na pamumuhay. Ang edukasyon bilang isang propesyon ay sinasabing pagpasok din sa isang bokasyon ng pag-aalay ng iyong sarili upang hubugin ang kaalaman at asal ng mga mag-aaral na siyang pag-asa ng ating bansa. Malaki ang ginagampanang papel ng kolehiyo sa buhay at kinabuksan ng estudyante. Isa sa mga pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang estudyante na magtatapos sa sekondarya ay ang pagpili sa kung anong kurso ang nais niyang tahakin o kunin sa kolehiyo sapagkta ito ang magiging kaakibat ng indibidwal sa kanyang panghinaharap na pamumuhay. Sa artikulo nina Rodman Webb at Robert Sherman (1989), kanilang binahagi na ang salitang career ay maaaring tumukoy sa isang linya ng trabaho o kurso ng propesyunal na buhay ng isang indibidwal.
Ang dalawang kahulugan ng salitang ito ay nagpaintindi sa atin na ang karerang tatahakin o kukunin ay kailangang pinag-isipan ng mabuti.
Sa pahayag ni Abeliade (1995), kanyang inisaad na ang pinansyal na kasiguraduhan ay isang mahalagang salik sa pagpili ng kurso. Hindi rin alintana ang malaking ginagampanan sa pagdedesisyon ng mga taong nakapaligid sa mga magsisipagtapos ng hayskul. Sa panahon ng mga kabataan ngayon higit na naipapakita ng mga magulang ang kanilang pag-aalala sa pwedeng mangyare sa kanilang mga anak. Kung meron man na may kadismayang mangyari sa anak, mabigat na pasanin ito para sa kanila ayon naman it okay Santrock (2005). Dahil dito, malaking porsyento ng mga magulang ang nagnanais na pakuhain ang kanilang mga anak ng mga kursong in demand. Sa kabila nito, sinabi ni Duriez (2007) na kailangan pa rin ng mga magulang na maging maingat sa pagbibigay ng kanilang mga payo at mithiin sa kanilang mga anak. Higit na mas magandang paiigtingin nila ang pagbibigay ng suporta at positibong pananaw para sa kanilang mga anak. May mga ilan pa rin na mga estudyante na kumukuha ng mga kurso at aralin sa antas kolehiyo sa dahilan na gusto nila ito. Sa lahat ng ito, malaking puwang pa ring maituturing ang personal na pagdedesisyon ng isang magtatapos sa pagpunta ng kanilang kakaharaping bagong yugto sa buhay. Ayon sa aklat ni Santrock (2005), dito niya inilahad na ang mga kabataan ay talagang nasa panahon na ng paghahanap ng kanilang tunay na pagkatao. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Sapagkat, ito ang magsisilbing armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. Sa kasalukuyang panahon, ang mananaliksik ay minarapat na pagtuunan ng pansin at gumawa ng pag-aaral ukol sa pananaw ng mga piling estudyante na nasa ikaapat na baitang ng sekondarya ng Colegio de San Juan de Letran Calamba sa pagpili nang nais na kurso sa kolehiyo.
Paglalahad ng Suliranin Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na malaman ang pananaw ng mga piling mag-aaral sa ikaapat na baitang ng sekondarya ng Colegio de San Juan de Letran Calamba sa pagpili nang nais na kurso sa kolehiyo. Hangarin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na tiyak na katanungan: 1. Ano ang mga pananaw ng mga piling mag-aaral na nasa ikaapat na baitang ng sekondarya sa pagpili ng kurso sa kolehiyo? 2. Paano ba pumipili ang mga mag-aaral ng kurso na gusto nilang kunin sa kolehiyo? 3. Saang kolehiyo o unibersidad gusto nilang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral pagdating sa kolehiyo? 4. Ano ang nilalaman at ganno kahaba ang kurso na gusto nilang kunin? 5. Ano ang trabahong makukuha nila pagkatapos sa kolehiyo? 6. Paano ito makakatulong sa kanilang pamumuhay?
Layunin ng Pag-aaral Sa kabuuan ng pananaliksik na ito, layunin ng mananaliksik na makatulong at makapagbigay ng linaw sa mga mag-aaral na nasa ikaapat na baitang ng sekondarya sa pagdedesisyon sa kanyang papasuking kurso sa kolehiyo. Layunin din nito na makatulong sa pagdedesisyon ng mga mag-aaral kung saan talaga sila pinakainteresado at kung ano ang hilig nila. Mga bagay na sa tingin nila na kayang-kaya nilang lagpasan kahit gaano pa ito kahirap na kahit anong ipagawa sa kanila ay paniguradong gagawin at hindi sila tatamarin. Mahalaga ito dahil ang kurso ang tumutukoy sa direksyon sa buhay. Bukod sa kurso, makakatulong din pag-isipan kung saang eskwelahan mag-aaral. Mas maganda kung espesyalisasyon ng unibersidad o kolehiyo ang kursong nais mong pag-aralan. Ikumpara ang kalidad ng pasilidad, guro at kurso sa ibang paaralan para makasigurong makukuha ang inaasahang edukasyon. Layunin din nito na makatulong na rebyuhin ng mabuti ang nilalaman ng kurso para maging handa sa pagtuntong nila sa kolehiyo. Ang pagsasaalang-alang kung gaano katagal ang kurso ay mahalagang alamin para makita kung kaya mong matapos ito. Makatutulong din ang pananalisik na ito na alamin kung anong trabaho ang iyong makukuha pagkatapos mo sa iyong kurso. Kailangan malaman na sa simula pa lamang may trabaho kang makukuha mula sa kursong iyong kukunin. Layunin din ng pag-aaral na ito na kung paano makakatulong sa kanilang pamumuhay sa kinabukasan ang kurso na tinapos nila sa kolehiyo.
Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito na ukol sa pagpili ng kurso sa kolehiyo ay inaasahang magbibigay ng kapakinabangan sa mga sumusunod: Sa mga mag-aaral. Karaniwang nagiging suliranin ng mga mag-aaral sa sekondarya ang pagpili ng kursong kukunin pagdating sa kolehiyo. Sa pananaliksik na ito maaaring magkaroon ng paunang kaalaman ang magsisipagtapos sa kung ano ang dapat nilang kunin na kurso para sa kanila. Sa mga magulang. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang mas maunawaan nila ang saloobin ng kanilang mga anak ukol sa kursong nais kunin. Sa mga researcher. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay magkakaroon ng impormasyon kung saan maaari nila itong ipamahagi sa kapwa upang makatulong sa suliranin sa pagpili ng kursong gustong kunin sa kolehiyo.
Mga katawagan Ang mga katawagan na ito ay maglalahad ng kahulugan sa mga salita na hindi gaanong alam ng mambabasa. Sa higit na ikauunawa sa paksang tinalakay ay binigyang kahulugan ang ilang mga terminolohiya ayon sa pagkakagamit nito sa naturang pag-aaral. Ang mga salitang nakapaloob dito ay ang mga sumusunod:
In demand Ito ay ginagamit na salita kapag ang isang kurso ay sikat at madaming kumukuha at gustong kumuha dito.
Kurso
Kinukuha ng mga mag-aaral na nakapagtapos ng sekondarya para sa panibagong yugto ng kanilang pag-aaral.
Propesyon
Ito ay isang bokasyon na naitatag sa isang espesyalisadong pagsasanay na pang-edukasyon, na ang layunin ay ang makapagbigay ng paglilingkod sa ibang mga tao.
Saligan
Ito ay isang basis ng isang salita.
Suliranin
Ito ay isang problema o pagsubok sa isang kakayanan at katibayan ng isang pagkata na kailangang harapin.
Interview Questions: 1. Ano ang nais mong kunin na kurso pagdating mo sa kolehiyo? Bakit ito ang iyong napili? 2. Saang kolehiyo o unibersidad mo gustong mag-aral pagtuntong mo sa kolehiyo? Bakit dito mo gustong mag-aral? 3. Ang kursong napili mo ba ay gusto din ng magulang mo para sa iyo o may iba silang gusto na pakuhanin sa iyo? 4. Paano mo paghahandaan ang pagtuntong mo sa kolehiyo? 5. Ano ang nais mong maging, gawin, o puntahan pagkatapos mo makapagtapos ng kolehiyo?