Free Essay

Reflection Paper on the Exxon Valdes and Johnson and Johnson Case Study

In:

Submitted By
Words 255
Pages 2
Buod ng isang Sanaysay na “The Feeling of Power” ni Isaac Asimov Sa paglipas ng panahon, nasakop ng modernisasyon ang lahat ng gawain ng tao. Sila ay tuluyang nakadepende sa makinarya at kompyuter. Ang mundo ay nahaharap sa isang digmaan gamit ang kompyuter. Si Jehan Shuman ay isang programmer na nakatuklas kay Myron Aub. Si Myron Aub ay isang teknisyan na nakatuklas ng “graphitics”. Nagkaroon ng isang pagpupulong ang presidente, mga heneral at maging mga opisyal ng gobyerno kung paano magagamit ang “bagong tuklas” na kaalaman at tinawag nila itong “project number”. Bilang pagpapakita kung paano nagagamit ang “graphitics”, ipinamalas ni Myron Aub kung paano magmultiply gamit ang isang papel at lapis at hindi sa kompyuter. Matapos maipakita sa marami ang bagong tuklas, nagkaroon ng maraming mungkahi ang mga nakapanood. Nagmungkahi si General Weider, heneral na namumuno sa laban ng mundo sa ibang planeta. Ayon sa kanya, magagamit ang kaalaman ng “graphitics” upang magkaroon ng “man-missiled” kung saan ang tao ang magkokontrol ng missile upang matalo ang kalaban. Sa mungkahi ni Congressman Brant, nais niyang turuan ang mga tao ng “graphitics” upang makagawa ng mga makinarya para sa ikauunlad. Sa di kalayuan ay nakikinig si Myron Aub at habang nagpupulong ang mga opisyal, nagpakamatay si Myron gamit ang isang “protein-depolarizer”. Nagpapakita lamang ito ng masamang dulot ng pagsibol ng makabagong teknolohiya. Pinapakita sa katangian ni General Weilder ang kawalan ng pagpapahalaga sa buhay. Isa ito sa mga sumisibol na suliranin kung magpapatuloy ang pagdami ng mga taong lantad sa mga bayolenteng kaisipan.