Free Essay

Time Management

In:

Submitted By marthafabrizio
Words 4077
Pages 17
Isang Pag-aaral Ukol sa Sanhi at Epekto ng Time Management sa Ikaapat na Taon Panuruan 2013-2014

PAUNANG SALITA

Tambak na gawain, puyat, at pagod. Ito ang mga kinakaharap ng bawat mag-aaral na tila mga naghahabol ng oras. Ang pangunahing dahilan ng ganitong insidente ay ang hindi wastong paggugol ng oras o kawalan ng Time Management. Ang riserts na ito ay tumatalakay sa pangkaraniwang suliranin na nararanasan ng mga mag-aaral na nasa ikaapat na taon sa Lakan Dula High School. Naglalaman din ito ng mga sanhi at epekto ng kawalan ng Time Management, mga pamamaraan kung paano mapapamahalaan ng maayos ang oras, mga serbey sa mga mag-aaral, at kung paano maiiwasan ang pag-aapura sa mga gawain. Sa pag-aaral na ito, una sa lahat ay nais kong pasalamatan ang mga taong tumulong sa akin upang maisakatuparan ko ang aking pananaliksik. Isa na rito si Gng. Villegas, kung hindi dahil sa kanya, hindi ako magkakaroon ng pagakakataon na gumawa ng pamanahong papel na magsisilbing ensayo o gabay ko pagdating ng kolehiyo. Sa mga kaklase at kamag-aral ko, salamat sa pakikilahok sa aking serbey at pagsagot sa aking mga katanungan. Sa mga instrumentong tulad ng aking laptop at internet, na naging malaking kasangkapan upang mabuo at mapunan ko ang aking mga pangangailangan sa riserts na ito. At higit sa lahat, sa Panginoon sapagkat binigyan Niya ako ng talino at tiyaga upang matapos ko ang pamanahong papel na ito.

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I: Ang Suliranin at Saligang Pag-aaral nito
Introduksyon……………………………………………………………………………………………………………………………………………4
Paglalahad ng Layunin 4
Kahalagahan ngPagaaral……………………………………………………………………………………………………………………..5
Depenisyon ng Katawagan 5
Kabanata II: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral………………………………………………………………….....6-11
Kabanata III: Mga Pamamaraan at Paraan ng Pangangalap ng Datos 11
Kabanata IV:Pagsusuri, Paglalahad, at Interpretasyon ng mga Datos 11-17
Kabanata V: Buod, Konklusyon, at Rekomendasyon
Buod at Konklusyon 17
Rekomendasyon……………………………………………………………………………………………………………………………….17-18
Kabanata VI: Bibliyograpi……………………………………………………………………………………………………………………..18
Kabanata VII: Appendix……………………………………………………………………………………………………………….19-20

KATAWAN NG SULATING PANANALIKSIK

KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT SALIGANG PAG-AARAL NITO

Introduksyon Ang Time Management ay ang paggawa ng plano o iskedyul ng mga gawain na may kontrolado at limitadong oras. Nakatutulong ito upang mas maging mahusay, epektibo at produktibo hindi lamang ang ating mga gawain pati na rin ang bawat indibidwal. Ang iba’t ibang mga pamamaraan, sistema, at proseso ng Time Management ay maaaring makatulong upang maisakatuparan ang mga proyekto, iniatang na gawain at layunin. Tiyakin na ang mga gagawin ay naaayon sa prioridad upang magamit ng mahusay ang panahon na hindi lamang nauubos sa paglilibang.

Ang pamanahong papel na ito ay sumasalamin sa madadalas na gawi ng bawat estudyante hinggil sa paggamit ng oras. Nagsasalaysay din ito ng mga tuntunin at mga kauganay na literatura ng Time Management. Isa sa mga sitwasyon kaugnay dito ay tuwing may iaatang ang ating mga guro sa atin na mga gawain, mas makabubuti kung gagawin natin ito kaagad-agad upang maiwasan ang pagkapuyat at paggagahol na karaniwan na pinagdadaanan ng mga estudyante.

Paglalahad ng Layunin

Sa pag-aaral na ito, mailalahad ang iba’t ibang pagsasaliksik ukol sa Time Mangament at matutugunan ang sanhi at epekto ng kawalan ng organisasyon sa paggamit ng oras. Masasagot din ang mga payak na katanugan tulad ng:

1. Ano ang Time Management?
2. Paano ito maisasagawa?
3. Ano ang dahilan ng pagkapuyat at paggagahol ng mga mag-aaral?
Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat hindi man ito kabilang sa mga napapanahong isyu sa diyaryo o telebisyon, hindi naman nawawala ang suliraning ito sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Ang paksang ito ay umaayon sa realidad na tiyak na magagamit natin kahit saan, kahit kailan. Makakatulong ito upang mabuksan ang isip ng mga mag-aaral na kulang ang sapat na kaalaman sa maaring maging epekto ng hindi tamang pamamahala ng oras. Ang pag-aaral na ito ay hindi lamang magagamit sa eskwelahan, kung hindi pati na rin sa hinaharap.

Depenisyon ng Katawagan

Time Management- pinagsamang mga panuntunan, mga pagsasanay, mga abilidad, mga instrumento at mga pamamaraan na tumutulong sa tao upang epektibong magamit ang oras sa layuning mapaunlad ang kalidad ng pamumuhay nito.

Stress-isang normal na pisikal na tugon sa mga pangyayari na maaaring magbigay ng pakiramdam ng pagbabanta o pagkabahala

Cramming-paggagahol o pag-aapura ng mga gawain

Deadline-araw ng pagsusumite ng Gawain

Surf-paglalakbay o paggagalugad sa internet

Internet- ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. Dinadala nito ang mga iba't ibang impormasyon at serbisyo, katulad ng electronic mail, online chat, at magka-kaugnay na mga pahina ng web ng World Wide Web.

Mañana Habit- pagpapabukas ng Gawain

Computer- Ito ay isang teknolohiya na ginagamit sa paggawa ng iba't ibang gawain kaugnay ang kalkulasyon, pagbuo ng program, at midyum sa pagmamanipula ng mga makabagong teknolihiya.

KABANATA 2: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Karaniwang mga Problemang Kinakaharap ng Mga Mag-aaral sa Pamamahala ng Oras

Sa pagdami ng mga gawain, mga proyekto, mga pagsusulit at ng iba pang mga pangangailangang dapat isumite, tumataas din ang antas ng kapaguran o stress ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Karamihan sa kanila ay nakakaranas ng iba’t-ibang sakit, pisikal at sikolohikal, tulad ng stress, depresyon at insomnia. Ayon sa pag-aaral na ginawa ngNational Mental Health Association, 10 porsyento ng mga estudyanteng nasa kolehiyo at 13 porsyento ng mga babaeng estudyanteng nasa kolehiyo ay dumadanas ng depresyon. Isang sarbey na ginawa ng Unibersidad ng California sa Los Angeles ang nakatuklas na mahigit 30 porsyento ng mga kolehiyong mag-aaral na nasa unang taon ay nakakaramdam ng sobrang pagkapagod at 38 ng mga babaeng ay mas madalas na nakakaramdam ng sobrang pagkapagod. Ayon sa 2005-2006 Sate of Our Nation’s Youth, isang pag-uulat na inilabas ng Horatio Alger Association, 41 porsyento ng mga esyudyanteng haiskul ay nagsabing malaking bagay para sa kanila ang makauha ng mataas na marka. Tumaas pa ang bilang nito ng 15 porsyento mula 2001. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga negatibong epekto ng hindi maayos na pag-bubudyet ng oras ng mga estudyante sa kolehiyo at maging sa haiskul. Ang mga sumusunod ay iba pa sa mga problemang kinakaharap ng mga mag-aaral sa pamamahala ng oras.
Ang mabisang pamamahala ng oras ay patuloy na nagiging isang mahalagang sektor ng pagtatrabaho ng mga mag-aaral hindi lamang dahil mahalaga ito sa pagdaragdag ng kaalaman at mabuting pananaw ukol sa kanilang mga gawain kundi dahil na rin sa ito’y nagiging mahalagang sakop sa pagpapadali ng kanilang pang-araw-araw na proyekto. (Brian Tracy, 2003)
Ang mga pangunahing layunin ng project management level ni Rodger Constandse ay ang matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng malinaw na pag-uunawa sa lahat ng proyektong kanilang pinagkakaabalahan at upang maturuan silang magplano at mag-organisa ng mga proyekto hanggang sa ito’y tuluyang matapos.
Ang kahalagahan naman ng task management level ay matulungan ang mag-aaral na malaman kung ano ang pinakamagandang paraan kung saan nila gugugulin ang oras sa buong araw base sa mga dapat nilang gawin. Ngunit may ilang mga mentalidad na siyang nakakasagabal o nagiging problema ng isang mag-aaral kung kaya’t hindi ito nakakasunod sa sistematikong paghahati ng oras.
Nilista ni Rodger Constandse (Constandse, 2004) ang mga problemang maaring matamo o makita sa paggawa ng mga proyekto.
1. Stress, Palagiang pag-aalala at Overwhelm
Ang isa sa pinakasikat na nagiging problema ng mga mag-aaral ay ang pagramdam ng matinding stress at natataranta dahil sa pag-iisip na maraming dapat tapusin. Nahinuha ni Constandse na may tatlong pangunahing sanhi kung bakit nila ito nararanasan.
Una, nakakaramdam sila ng pagkataranta kapag marami pa silang dapat gawin kaya sila nalulungkot dahil alam nilang hindi nila kayang tapusin ang mga ito. May limitasyon ang kapasisad ng memorya ng tao. Kapag sumobra na ito ay maaaring makadulot ito ng matinding kaguluhan sa utak dahil sa pag-iisip na hindi na nila kaya pang sabayan ang mga gawain. Nagpapahiwatig ang pakiramdam na ito na hindi na kaya ng isang tao na magpatuloy pa.
Pangalawa, natataranta ang isang mag-aaral kapag patuloy na dumarami ang mga dumarating na gawain. Maari itong maging panibagong mga proyekto, impormasyon o mga biglaang mga kautusan at requirement na kailangang iproseso ng utak. Kapag hindi sanay ang tao na magproseso ng sobrang daming impormasyon kaagad, normal lamang na maguluhan ito at makaramdam ng stress.
Huli, nagugulat at naguguluhan ang mga mag-aaral kapag may isang napakalaking proyekto na dapat nilang tapusin ngunit hindi ganap na malinaw ang mga panuto kung paano nila ito gagawin, kung ano ang magiging takbo nito at maging kung paano at saan nila ito sisimulan. Malaki ang nagiging kontribusyon nito sa pagkabugnutin ng mag-aaral dahil maging ang unang hakbang ay hindi nila matapus-tapos.
Ang mga pakiramdam na ito ng kaguluhan at pagkataranta ay maaring maging sanhi ng matinding stress lalo pa kung nagsabay-sabay na naganap. Kapag nakita ng mag-aaral na walang patutunguhan ang kanilang mga ginagawa, may malaking posibilidad na maparalisa ito.

2. Nagagahol sa Oras
Isa pang karaniwang problema ay ang pagkukulang ng oras na kailangan upang makatapos ng isang proyekto. Habang papalapit nang papalapit ang dedlayn o araw ng pasahan ay nagiging ugali na ng mga mag-aaral ang pagpupuyat gabi-gabi maging sa mga huling araw ng linggo ngunit hindi pa rin sila nakakaabot sa tamang oras na itinakda sa kanila. Kahit hindi malayong may posibilidad ngang maganap ito, kapag nakasanayan naman ng isang mag-aaral na gawin ito ay magiging sanhi ito ng isang malaking sagabal sa mabuting pag-iisip at magandang resulta ng proyekto.
3. Paglimot sa Paggawa ng mga Mahahalagang Bagay
Madalas ay dupedepende lamang ang mga mag-aaral sa kanilang pagmememorya. Bagamat nakikinig sila ng maigi sa mga paalala ng mga guro o iba pang mga taong nagbibigay ng mga mahahalagang punto ay nakakaligtaan pa rin nilang gawin ang mga ito dahil hindi nila ito sistematikong isinusulat at iniintindi. Ang resulta ay ang hindi tuluyang paggawa ng naatas na importanteng takda.
4. Madaling Nadidistrak
Ang isang kahalintulad na suliranin ay ang sakit ng mga mag-aaral na hindi pagtapos ng mga proyekto. Maaring ito ay dahil sa madaling pagkawala ng interes, pag-iwas sa pagtatrabaho at maging ang kakulangan sa kaalamn ng mga detalye ng proyekto. A related problem to having trouble getting started is having trouble finishing projects. Mas mahalagang nasisimulang ng maayos at natatapos ng kumpleto ang mga takda kaysa sa isang mag-aaral na kayang magsimula ng napakaganda ngunit hindi naman talaga nakakatapos.
5. Palagiang Pag-una sa mga Hindi Mahahalagang Bagay
May mga pagkakataong nakakadama ng masyadong pagtatrabaho ang mga mag-aaral sa loob ng isang araw ngunit maiisip na lamang nila sa huli na wala naman talagang pag-unlad na naganap sa kanilang mga gawain. Pumapasok sila ng paaralan ng hindi naman talaga natatapos ang mga bagay na itinakda nilang gawin para sa araw na iyon. Kapag madalas na nagaganap ito, malaking sanhi nito ang pag-una sa mga bagay na hindi naman talaga kailangan pa.
6. Masyadong pag-iisip sa krisis
Dahil sa maraming mga dapat gawin, masyadong napapaisip ang isang mag-aaral ukol sa krisis na kanilang kinakaharap. At ang sobrang pag-aalala nila dito ay nakakain na ang oras na dapat ay ginugugol nila sa paggawa na lamang. Totoong mahirap magsimula o magpatuloy ng mga proyekto kung nakapako pa rin sa nakaraan ang mentalidad ng mag-aaral. Nagiging magulo tuloy ang kaniyang pokus.
7. ‘Trashing’
Ang terminong trashing ay unang ginamit upang ilarawan ang nagaganap sa mga large time sharing mainframe computers kapag maraming tao ang sabay-sabay na gumagamit sa kanila. Hinahati ng mga kompyuter ang oras sa pamamagitan ng slicing upang maaccomodate ang mga gumagamit. Ngunit dahil sa maya’t mayang paglipat ng mga kompyuter ay nasasayang ang oras imbes na sila ay nagproproseso na lamang ng mga trabahong dapat gawin. Ang pagbagal ng mga kompyuter ay siyang tinawag natrashing.
Nagaganap ang sinasabing trashing kapag ang isang proyekto ay hindi patuloy na natatapos dahil sa mas napagtutuunan ng pansin ang iba pang bagay kaysa sa pagtatapos nito. Ang isang magandang halimbawa ay kapag ang isang mag-aaral ay masyadong naglilinis ng mga kagamitan sa tuwing ito ay nagagambala at naglilista ng mga dapat gawin kaysa sa paggawa na lamang ng proyekto. Dahil dito sila ay hindi nakakatapos.
8. Kawalan sa organisasyon
Ayon sa artikulong nalathala sa Wall Street Journal, ang isang karaniwang executive sa Estados Unidos ay nag-aaksaya ng halos anim na linggo sa loob ng isang taon dahil lamang sa paghahanap ng nawawalang mga papel at dokumento. Ito ay sumusukat sa hanggang limang sayang na oras sa bawat linggo.
Nakiulat din ng US News at World Report na ang karaniwang mamamayan ng Amerika ay gumugugol ng isang taon sa kabuuan ng kanilang buhay para lamang matagpuan ang kanilang mga kakailanganing impormasyon para sa opisina.

Time Management Matrix
Ang isa sa mga nagbigay ng mga mahahalagang kagamitan na ito ay ang Time Management Matrix ni Stephen R. Covey mula sa The Seven Habits Of Highly Effective People(Covey, 1989).

Ang pagiging urgent ng isang bagay ay may relasyon sa oras. Ang pagkakamali lamang ng maraming tao ay mas pinapahalagahan nila ang kasalukuyang sitwasyon kaysa sa kahalagahan ng mga bagay-bagay. Maaaring maging kailangan na sa madaling panahon ang isang bagay dahil ito ay mahalaga ngunit mahalagang alalahanin din na hindi sila nagkakapareho ng papel. Kaya ang nais na ituro sa atin ni Covey ay mas magandang unahin at tapusin na ang mga mahahalagang bagay bago pa man din ito kailanganin.
Ang mabisang paggamit ng Time Management Matrix ay ang matalinong pagsasaayos ng mga bagay-bagay ukol sa iba’t iba nitong mga salik. Importanteng magpokus sa mga mahahalagang bagay kaysa sa mga bagay na umaayon sa kasalukuyang mga proyekto.
Bagamat alam naman ng mga mag-aaral na mahalagang unahin din ang mga mahahalagang bagay na dapat nang ipasa bilang short term goal, mabuti namang isa-alang-alang sa ang pag-uuna sa quadrant 2 kung saan naroon ang mga gawain na mahalaga kahit hindi pa man kailangan bilang long term goal.
Ang pinakasikreto sa paggamit ng mahusay sa oras na mayroon ang isang mag-aaral ang masinsinang pagdedesisyon sa kung saan talaga nararapat na mailagay ang mga gawain ayon sa apat na parisukat at ang disiplina na gawin ito ayon sa pagkakasunud-sunod.
Karamihan sa mga tao ay maaaring palagiang gumawa ng mga gawaing matatagpuan sa quadrant 3 at 4 kaysa sa mga matatagpuan sa quadrant 2 bilang displacement activities. Ang isang magandang halimbawa nito ay ang paglilinis ng lugar kung saan nagtatrabaho, ang pagsasagot ng mga sulat o e-mail habang may iba pang mas mahahalagang bagay na dapat unahin. Dapat na isaisip palagi ang oras ay mahalaga at bago pa man magsimulang gumawa ay magnilay at tanungin ang sarili sa kung ano ang mga maaring paggamitan ng oras na mayroon ka lamang at anu-ano pa ba ang maaaring magawa upang mas magamit ng maayos ang oras na mayroon ka.

KABANATA 3: MGA PAMAMARAAN AT PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Ang pag-aaral na ito ay naisakatuparan sa tulong ng iba’t ibang pamamaraan. Naririto ang mga hakbang at batayan na aking ginamit para sa sulating pananaliksik na ito:
1. Paghahanda o pag-iisip ng paksa na napapanahon at angkop sa mga mag-aaral na nasa ikaapat na taong ng hayskul.
2. Pananaliksik sa pamamagitan ng:
a. Internet
b. Mga literature
c. Social Media
d. Pagtatanong sa mga taong may naaangkop na kaalaman ukol dito.
e. Pagseserbey

3. Sa pamamagitan ng aking pagseserbey sa mga mag-aaral na nasa ikaapat na taon, nakakalap ako ng datos at nasagot nila base sa kanilang karanasan ang mga katanungan na aking isinagawa.

KABANATA 4: PAGSUSURI, PAGLALAHAD, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang 20 na mag-aaral na aking nakalapan ng datos ay binubuo ng 10 lalaki at 10 babae na naglalaro sa 15-16 taong gulang ang edad.

Tsart 1
Pagka-uwi mula sa Paaralan

Makikita mula sa pie chart na sa 20 mag-aaral, naglalaro sa 50% ang may pinakamalaking bahagdan ng mga estudyante na kaagad na nagcocomputer pagkauwi mula sa paaralan, pumapangalawa naman ang nagpapahinga na nasa 40%, parehong 5% lamang ang natutulog at gumagawa ng akda.

Tsart 2
Oras na Ginugugol sa Pagcocomputer

Tinatayang sa 20 mag-aaral, parehong 25% ang porsyento ng mga estudyanteng isa at apat hanggang limang oras ang ginugugol na panahon sa pagcocomputer, samantalang 35% naman ay dalawa hanggang tatlong oras, at ang 15% naman ay nagcoocmputer hangga’t maaari.

Tsart 3
Paggawa ng Takda

Kalahating porsyento ng mga mag-aaral ay gumagawa ng takda sa bahay at 10% ay bago umuwi mula sa paaralan. Samantala, 35% ay kinabukasan na gumagawa at wala naming hindi gumagawa ng takda.
Tsart 4
Panahon ng Paggawa ng proyekto Mapapansin na nangunguna ang porsyento ng mga mag-aaral na nasa 75% na isang araw bago ang deadline kung gumawa ng proyekto habang 25% lamang ang kaagad-agad na gumagawa.
Tsart 5
Kakulangan sa Oras

Magkatulad na 25% ang porsyento ng mga mag-aaral na kinukulang at hindi kinukulang sa oras samantalang 50% naman ay hindi gaanong kinukulang ng oras.

Tsart 6
Mga Dahilan ng Kakulangan sa Oras Ayon sa talangguhit, 42% ng mga mag-aaral ay nauubos ang oras sa pagcocomputer, 19% ay dahil gumagawa ng gawaing bahay, 12% naman ay nanonood ng telebisyon, ang 4% ay lumalahok sa mga gawaing pampaaralan, samantalang ang 8% naman ay dahil sa pag-alis-alis sa bahay at ang 15% ay sanhi ng pagod.
Tsart 7
Dahilan ng Pagkapuyat

Ang pangunahing dahilan ng pagkapuyat ay dahil sa paggawa ng takda na umaabot sa 50%, sumunod ay ang panonood o pagcocomputer na nasa 35% at 15% naman ang nagsasabinh hindi sila napupuyat.
Tsart 8
Dahilan ng Pagkakapatong-patong ng Gawain Umabot sa 65% ang mga mag-aaral na nagsasabing kaya nagkakapatong-patong ang kanilang gawain ay dahil sa mga nauna pa na mga trabaho habang 35% naman ang nagsasabing sadyang marami lang talaga ang iniatang na gawain sa kanila.
Tsart 9
Maayos na Paggamit ng Oras

Ipinakita na 70% ng mga mag-aaral ay minsan lamang nagagamit ng maayos ang kanilang oras. Samantala, parehong 15% ang mga mag-aaral na ginagamit at hindi ginagamit ng maayos ang kanilang oras.
Tsart 10
Posibleng Hakbang sa Makabuluhang Paggamit ng Oras Batay sa tsart, 35% ng mga mag-aaral ang nagsasabing ang paggawa ng Time Management Plan ay posibleng hakbang upang magugol ang oras ng makabuluhan. Pumapatak naman sa 40% ang nagsasabing gawin kaagad-agad ang mga gawain, 15% ang nagsabing babawasan na ang oras sa pagcocomputer at 10% naman ay maglalagi na lamang sa bahay.

KABANATA V: BUOD, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Buod at Konklusyon Ang oras ay ginto. Ang pagdagdag ng araw-araw ay katumbas din ng unti-unting pagkaubos ng ating panahon. Ito ang dapat nating itatak sa ating isipan upang maiwasan ang mga problema at disorganisasyon na ating kinakaharap. Mahihinuha sa pag-aaral na ang kawalan ng Time Managament ay nagdudulot ng stress at cramming na maaating magtuloy-tuloy sa pagbaba ng grado dahil sa hindi pagsusumite ng proyekto o awtput sa tamang oras. Kung makapagpasa man, naapektuhan naman ang kalidad ng proyekto na magiging dahilan pa rin ng pagbaba ng marka. Ang kadalasang sanhi nito ay ang pag-una sa mga bagay na hindi gaano kapaki-pakinabang at maaari namang ipagpaliban. Isa sa mga nangungunang dahilan ay ang labis na pagcocomputer. Talamak ang mga kabataan na masyadong nahuhumaling sa pagcocomputer at isinasawalang bahala na lamang ang mga gawaing pampaaralan. Kung ibabase rin naman sa katotohanan, mas nakaka-engganyo nga naman na mag-surf sa internet kaysa gumawa ng awtput. Tulad din nito ang labis na paglilibang at pagsasaya. Maaaring wala naming masama sa pagiging masaya ngunit naging gawi na ng mga kabataan ang makalimot. Ang epektibong pamamahala ng oras at pamumuhay sa isang organisadong paraan ay makatutulong upang maiwasan ang pang araw-araw na stress, cramming, at iba pang problema na dinaranas ng mga estudyante. Ang pagbibigay ng tamang oras at atensyon sa mga gawaing mas mahalaga ay makatutulong sa pag-iwas sa mga salik na nakapagpapabagal ng pagtapos ng mga gawain. Mas mabilis matatapos ang mga nakatakdang gawain kung paglalaanan ito ng sapat na panahon at dedikasyon.

Rekomendasyon May mga pamamaraan naman upang maiwasan natin ang pagsasayang ng oras. Isa na rito ay ang pag-iwas sa paggawa kung kailang kulang na sa oras. Maraming mag-aaral ang umamin na gagawa pa lamang sila ng iniatang na gawain sa paaralan kapag malapit na ang araw ng pasahan at madalas pa nga ay kung kailang isang araw na lamang bago ang deadline. Magdudulot ito ng negatibong epekto sa marka at pagganap sa gawain. Ang paglilista ng mga gawain at responsibilidad ay nakaktulong maiwasan ang paglimot sa gawain. Inaalis din nito ang labis na mga detalye sa isipan na tumutulong na makaiwas sa stress. Tulad din ito ng paggawa ng Time Chart. Tumutulonh ito upang mabalanse ng mga estudyante ang kanilang skedyul at upang makahanap ng tamang oras sa gawain. Karamihan sa mga mag-aaral ay nalilito kung ano ang uunahin sa tambak na mga gawain. Ang pagpaprioritze ay dapat na isagawa sapagkat mahalaga ang pagiging mapamili at pagtitimbang sa kahalagan ng gawain upang maisaayos kung paano gagamitin ang oras. Nagiging produktibo rin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtapos muna sa mga mahahalang gawain sa tamang oras. Isa sa mga mahirap na gawin ay ang pag-aralan ang pagtanggi. Wala naming masama sa pagtanggi kung sasabihin ito ng maayos. Tandaan natin na hindi naman makaktapos ng gawain kung uunahin natin ang pag-alis kasama ang barkada. Ang mga ganitong bagay ay nakapaghihintay. Kaugalian na nating mga Pilipono ang Manana Habit. Ngunit isa rin ito sa mga kaugalianng kailangan nating iwasan. Bakit pa natin ipagpapabukas o ipagmamaya ang isang gawain kung kaya naman nating itong gawin ngayon? Tulad na lamang ng paggawa ng pamanahong papel, alam naman nating lahat na matagal ang paggawa nito subalit iniisip kasi natin na “mamaya na o bukas na” sapagkat naniniwala tayo na kaya naman natin itong gawin ng madalian. Sa halip, nagreresulta ito ng taliwas sa ating inaasahan.

Bibliyograpi
Constande R. (2007). Master Your Time: Strategies for Making the Most of Your Time. Effexis Software. Kinuha noong Pebrero 25 2007 mula sa Http:/www.masteryourtimenow.com
Constandse, R. (2004). Common Time Management Problems at the Project/Task Management Level. Nakuha noong Marso 1, 2008 mula sahttp://www.timethoughts.com/timemanagement/ProjectTaskTimeManagementLevelCommonProblems.htm
Covey, S. R. (1989). The Seven Habits Of Highly Effective People. USA: Free Press. http://www.freewebs.com/uno_ocho/timemanagement.htm Appendix

TALATANUNGAN SA PANANALIKSIK SA FILIPINO IV

Isang Pag-aaral Ukol sa Sanhi at Epekto ng Time Management sa Ikaapat na Taon Panuruan 2013-2014
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa bawat bilang ayon sa sariling karanasan o pananaw.
1. Pagkauwi mo mula sa paaralan, ano ang kaagad mong ginagawa?
a. Gumagawa ng takda b. Nagcocomputer c. Natutulog d. Nagpapahinga

2. Ilang oras ang ginugugol mo sa pagcocomputer?
a. 1 oras b. 2 hanggang 3 oras c. 4 hanggang 5 oras d. Hangga’t maaari

3. Saan mo ginagawa ang iyong takda?
a. Sa bahay b. Bago umuwi mula sa paaralan c. Kinabaukasan sa paaralan d. Hindi gumagawa

4. Kapag may pinapagawang proyekto ang inyong guro, kalian mo ito ginagawa?
a. Kaagad-agad b. Isang araw bago ang deadline c. Hindi gumagawa

5. Madalas ka bang kulangin sa oras?
a. Oo b. Hindi c. Minsan

6. Sa iyong palagay, bakit sa tingin mo’y hindi mo nagagawa sa tamang oras ang mga naiatang sa iyo na gawain?
a. Dahil sa pagcocomputer b. Gumagawa ng gawaing bahay c. Panonood ng telebisyon d. Lumalahok sa mga gawaing pampaaralan e. Pag-alis-alis sa bahay (hal. Pagdalo sa paanyaya ng kaibigan o kaklase) f. Pagod

7. Madalas ka bang mapuyat?
a. Oo, sapagkat kailangan kong tapusin ang aking proyekto/takda/awtput.
b. Hindi, sapagkat tapos ko na ang lahat ng mga gawain na iniatang sa akin.
c. Oo, sapagkat nanonood pa ko/nagcocomputer.
d. Hindi, sapagkat wala naman akong gagawin.

8. Dumadating sa punto na nagkakapatong-patong ang ating mga gawain. Bakit?
a. Dahil hindi ako nagawa ang mga naunang gawain.
b. Dahil talagang marami lang ang ipinatong sa akin na gawain.

9. Maayos mo bang nagagamit ang iyong oras?
a. Oo b. Hindi c. Minsan

10. Ano ang mga sa tingin mong hakbang upang gugulin sa makabuluhang bagay ang iyong oras?
Isulat ang iyong sagot sa baba. (Maaaring 1 hanggang 2 pangungusap lamang)

Similar Documents

Premium Essay

Time Management

...TIME MANAGEMENT AND PROCRASTINATION University of Phoenix Jennifer Toste GEN 200 Dr. Judy Hyatt 8/15/11 There are many times in an individual’s lifetime that he or she may come up against a hindrance of some sort. Each individual has his or her own obstacle in which he or she must learn to rise above whether it is procrastination, time management, or the inability to focus. These three obstacles procrastination, time management, and the ability to focus are obstacles in which I must learn to prevail. Out of the three of these obstacles the one that would be most beneficial to surmount would be time management. If an individual is able to conquer time management then, the other two obstacles procrastination and the ability to focus should become easier to overcome as well. The ability to manage appropriately one’s time seems like an easy task; however, this task does require one to know the definition of time management as well as learn self discipline. The best way to overcome any obstacle would be to identify the problem, become informed about the problem, and develop a solution that fits appropriately. I cannot efficiently and correctly manage my time as well as I have a habit of procrastinating. If I were able to overcome both of these obstacles I may improve my productivity greatly. “Time management refers to a range of skills, tools, and techniques used to manage time when accomplishing specific tasks, projects and goals. This set encompasses a wide scope of...

Words: 1211 - Pages: 5

Free Essay

Time Management

...THE TIME MANAGEMENT POCKETBOOK By Ian Fleming Drawings by Phil Hailstone Based on a concept devised by Martin Terry of Lucas Industries Group Training Department. “This splendid little book respects our intelligence and time. It also puts to shame all the gimmicks to which we have been subjected of late.” Abdulla Ali Uqba, Chief Executive, Al Atheer, Development & Management Consultancy, Dubai. “More than just a guide to better managing your time - it’s a collection of simple, yet effective, tips and reminders to help keep you on track.” Linda Harlow, Director, Brook Street plc “Contains a wealth of practical tips to help busy managers manage their time better.” Viv Clements, Training Officer, Aylesbury Vale District Council. Published by: Management Pocketbooks Ltd 14 East Street, Alresford, Hants SO24 9EE, U.K. Tel: +44 (0)1962 735573 Fax: +44 (0)1962 733637 E-mail: pocketbks@aol.com Web: www.pocketbook.co.uk MANAGEMENT POCKETBOOKS All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system or transmitted in any form, or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording or otherwise, without the prior permission of the publishers. 1st edition 2nd edition 3rd edition 4th edition 1990 1991 1995 1997 Reprinted 1998, 1999, 2000. © Ian Fleming 1990, 1997 ISBN 1 870471 53 9 British Library Cataloguing-in-Publication Data – A catalogue record for this book is available from the British Library. Printed in U.K. by Ashford...

Words: 11371 - Pages: 46

Free Essay

Time Management

...The Role of Time Management in Graduate Student Success Andra Opone Florida Atlantic University 
 Abstract “Time is valuable - perhaps a fairly obvious thing to say, but if we all know it, why does anyone ever procrastinate? (Brian, 2000, p.14).  Majority of graduate students procrastinate and if we do a survey to inquire why graduate students procrastinate, we would discover that the major reasons would be fear of failure, overwhelming school tasks or unclear task. The habit of procrastination, which is common and gradually being cultivated over time has become a big factor hindering academic success of graduate students. Many times students procrastinate because they lack motivation and fail to prioritize their daily activities, but the biggest culprit of procrastination is and will always be poor “Time Management”. The Role of Time Management in Graduate Student Success What then is Time Management? According to Foley “Time management may be defined as the discovery and application of the most efficient method of completing assignments of any length in the optimum time and with the highest quality” (Foley, 2007, p.733). With the work load associated with graduate studies, a lot of confusion usually arise on...

Words: 963 - Pages: 4

Premium Essay

Time Management

...Time Management When it comes to managing time, it can get a little messy, especially when it seems like everything just seems to take place all at once or when you run out of time and the 24 hours we do have in a day just isn’t enough. In order for us to handle all the aspects of things going on in life we must learn to stop procrastinating, set priorities, and use planners for everything that we do. “Over commitment is then frequently followed by procrastination” (Managing Time: Experts Advise How Best to Keep from Wasting It, 1989). People tend to commit their selves to too many things and not worry about the time. They just keep saying they are going to do it and just keep pushing it back and procrastinating. How many times have we said we are just going to do it later, and them find ourselves rushing to do it because we are at the deadline…? too many. Prioritizing your daily task is a good way to help manage your time and not procrastinate. Put your priorities in order of importance, and do not let anything distract you from your task. Yes, things happen that you can’t control that might hinder your accomplishments but it is your responsibility to get back on track once the incident is over. Karen Flaherty of Compass Group, Limited of Birmingham said “Don’t schedule every moment of the day; leave time for catch up.” Using a planner to help you with your task is another way to help you manage your time. “the significance of planning gives people a way to...

Words: 452 - Pages: 2

Free Essay

Time Management

...Adeojo, Adeyinka EFFECTIVE TIME MANAGEMENT FOR HIGH PERFORMANCE IN AN ORGANIZATION CASE: LASACO ASSURANCE PLC Thesis Autumn 2012 Business School Degree programme in Business Administration International Business 1 SEINÄJOKI UNIVERSITY OF APPLIED SCIENCES THESIS ABSTRACT Faculty: Business School Degree Program: International Business Specialization: International Business and Marketing Author/s: Adeojo Adeyinka Lawrence Title of thesis: Effective time management for high performance in an organization Case: Lasaco Assurance PLC Supervisor: Miia Koski Year: 2012 Pages: 84 Number of appendices: 8 The main objective of this thesis is to determine the effect of time management on high organizational performance using LASACO ASSURANCE Plc. as a case company. In this thesis, the employees working with the company were sent questionnaires. Their responses were critically analyzed and thus related to the theories. A quantitative approach was used as the methodology. According to the theory, time management is a method for managers to increase work performance effectiveness. Time management is probably not as easy as what it is imagined and expected to be; the term time management means different things to different people. The study brought out the differences between effective time management and time management. It was discovered that the organization has already implemented time management, but it was not effective enough. The test of a hypothesis was conducted...

Words: 18403 - Pages: 74

Free Essay

Time Management

...Time Management Plan Template Student Name: Date: Directions: 1. Carefully read the Time Management Plan Guidelines found in Doc Sharing. This provides specific details on how to complete this assignment. 2. Rename this document by clicking “Save As.” Change the file name so it reads Your Last Name Time Management Plan.docx. For example, if your last name is Smith, type “Smith Time Management Plan.docx”. 3. Save the document as a .docx compatible with Microsoft Word 2010 or later. 4. Type your name and date at the top of this template. 5. Type your answers directly on the template. Follow all instructions. Save frequently to prevent loss of your work. 6. Prior to the due date, post questions about this assignment to the Q & A Forum so your classmates can read the advice, too. You may also e-mail questions to your instructor. 7. Submit to the Dropbox by the end of Week 1, Sunday at 11:59 p.m. MT. Times | Monday | Tuesday | Wednesday | Thursday | Friday | Saturday | Sunday | 12 a.m.–1 a.m. | Sleep | Work | Sleep | Sleep | Sleep | Sleep | Work | 1 a.m.–2 a.m. | Sleep | Work | Sleep | Sleep | Sleep | Sleep | Work | 2 a.m.–3 a.m. | Sleep | Work | Sleep | Sleep | Sleep | Sleep | Work | 3 a.m.–4 a.m. | Sleep | Work | Sleep | Sleep | Sleep | Sleep | Work | 4 a.m.–5 a.m. | Sleep | Work | Sleep | Sleep | Sleep | Sleep | Work | 5 a.m.–6 a.m. | Sleep | Work | Prepare for work | Prepare for work | Sleep | Sleep | Work | 6 a.m.–7...

Words: 1125 - Pages: 5

Premium Essay

Time Management

...which has helped me significantly in the classroom. The most important strategy I would have to say that I have learned from this course is time management. Because we all know that procrastination is a person’s worst enemy and as a college student it can really be your worst nightmare. To prevent this from being a thorn in my side, I started using methods such as the ABC method which has turned out to be a great way for me to prioritize things that are the most important and time frame that they need to be executed by. Also I’ve learned to do assignments ahead of time so that it gives me a cushion for other things as well as time to make any last minute adjustments. Time management has helped me understand that whenever I prioritize my time for work and school that the process is much easier and my grades have been the results to show, versus when I was a student in the primary grades. Where I was always waiting for the last second because procrastination was my best friend and I suffered for that. Also it gives me time to have a better thought process and really be able to explain and discuss in depth for any assignment or discussion post, because I have examined, processed and planned how to make sure the assignment is understood and done in a timely manner. I plan to continue to find even more tips and tricks to help me keep time management a top priority in my process to obtain my degree so that I never get behind to throw me off track for my destined graduation date. Must I...

Words: 783 - Pages: 4

Premium Essay

Time Management

...In this assignment I am going to explain and evaluate the benefits and skills needed for good time management. Time management is the act or process of planning and exercising conscious control over the amount of time spent on specific actives, especially to increase efficiency or productivity. Effective time management must sit in the context of knowing what we want. Perhaps’ as we become aware of where our time goes we can start to identify the time management problems we need to solve. It is important to develop effective strategies for managing our time in order to balance the conflicting demands of our days. In order to improve productivity we need to think about how we are using our time and the best ways time management can work for us. In order to manage our time well we need to develop time management skills, although time management is much a product of how effectively we plan and balance are daily lives, there are plenty of tools and resources that can help us when planning our time better. Firstly Identifying Procrastination. The first step to conquering this behaviour is to understand why it happens. Fear of failure, self-doubt and goals without deadlines.( unit 1 Personal Development Workbook). Avoidance may seem like an easy option but what is the long term impact. We create more stress by pushing everything to the deadline. Understanding that the longer we leave the task the bigger the epic becomes. We need to make sure that we are not just completing...

Words: 1368 - Pages: 6

Free Essay

Time Management

...Time Management Effective time management means less stress in your day to day routine. Managing your time effectively will get more done each day and when your minimize stress your improving the quality of work. “Effective executives, in my observation, do not start with their tasks, they start with their time. And they do not start out with planning. They start by finding out where their time actually goes,” (Peter Drucker, The Effective Executive” referenced by Negesh Belludi, 2008). We can easily lose sight on how we spend our time and before you know it the day is over. Ask yourself how your spend your time; keep a log of everything you do for a few days. Evaluate this and determine where you spend the most time, how to utilize certain times of the day and what you can shave off the list. If you commute to work, utilize this time to catch up on emails, read reports or write you’re to do list for the day. This time may seem short, but in the end useful. It’s also important to keep healthy to relive stress, not only can you be bombarded with heavy workloads but your personal life can affect your productivity as well. Get plenty of rest and make sure you have something for breakfast and lunch during work, this will keep you energized. Feeling run down exhausted or fatigue will only set you back and create distractions and limitations of productivity. A healthy lifestyle can improve focus; concentration and efficiency this will help finish the tasks out hand. Stock your...

Words: 2527 - Pages: 11

Free Essay

Time Management

...Time Management Term Calendar with Reflection Instructions Once you have completed the Time Management: Lists activity in your textbook’s time management chapter, you are ready to begin this assignment. (Do not begin this assignment until you have completed that activity, as you will need it to do this work.) Complete the 2-month calendar provided in this document. Begin by filling in the days/dates that apply to the term of this course. Then put in routine activities in your life. This must include work, family, and church activities. Schedule in everything that you know is happening in your life during this course. Is there a wedding, family reunion, weekend trip, church supper, team sporting event, concert, movie, charity work, etc. that you will be engaged in? If so, add it to the calendar. The calendar cells will expand to accommodate your entries. Once you have added all those activities, write in the course assignments, based on the deadline for each. Use red font (ink) to show your course assignments. Now that you have completed your calendar, review it carefully, and consider the following questions in an honest assessment of your time. 1. Are your days/weekends full? 2. Are you surprised at how little time is left once all your commitments are included? 3. How can you plan time for school activities, given what you know of the commitments you have in the months of this course? 4. Is school just “one more thing” in your schedule, or have you given...

Words: 432 - Pages: 2

Free Essay

Time Management

...Time Management “One always has time enough, if one will apply it well” (Johann Wolfgang von Goethe, 1749, P.1). Effective time management is the most important factor in succeeding on personal and in professional goals and objectives. The average a person spends is fewer than seven hours of his or her day effectively. The remaining time is being wasted leaving the person overwhelmed and worried. Although time management is a big day to day life problem; it can be solved by building a schedule, using time saving techniques, and fighting procrastination (project management source, 2007). Building a schedule cannot only help fulfill the required goal, but it also remind a person of tasks, due dates, and events. An effective schedule should start with a planner that helps to keeps track of events and commitments. When planning the schedule for the day, a person should leave 20% of the day free for emergencies and interruptions. The next step is prioritizing the item to help identify important tasks and use all the energy on it. Sorting task according to priority and importance can identify tasks that are worthless or unnecessary. Most people spend 80% of their time trying to complete 20% of their tasks (project management source, 2007). When completing an important task on time, a person should reward himself/herself. When building a schedule, time saving helps a person to be organized and efficient, this leads to more personal time. Time saving has several effective techniques...

Words: 735 - Pages: 3

Premium Essay

Time Management

...TIME MANAGEMENT PRINCIPLES OF TIME MANAGEMENT To get control of your time, you need to be familiar with some basic principles of time management: Time “goes” where you direct it. You are in control of your time. Time management is about what we are able to accomplish with time. Time management means breaking old habits and realizing that your habits are usually the problem. Time management can enhance your work experience if you are able to accomplish your plan. Benefits of Time Management There are several benefits of time management: 1. Control stress. Time management is stress prevention. Time management reduces stress because you can meet deadlines, and you can work fewer hours with greater results. 2. Balance your life. Working long hours and taking work home with you can harm the natural balance you should have in your life. By learning to manage your time, you can do things you want to do instead of spending all your time on work responsibilities. 3. Increase productivity. Part of time management is determining how you spend your time. Once you determine how you spend your time, you can modify your schedule to increase productivity. For example, you might find that you waste time in meetings when a group e-mail could address the issue just as well. 4. Identify priorities. People who have the most trouble managing their time are those who do not know what their priorities are or should be. Knowing your priorities helps you spend valuable time where you need...

Words: 17455 - Pages: 70

Premium Essay

Time Management

...Time management It seems that there is never enough time in the day. However, since we all get the same 24 hours, why is it that some people achieve so much more with their time than others do? The answer lies in good time management. Time management refers to the way you organize and plan your activity and the duration of time, you intend to spend on it. Time management is an art that gives you complete control over your activities, timetable and schedule. Time management is the way through which you increase the effectiveness of your dedication towards some task. Such art teaches you how to be effective and efficient even when work pressure is high. Good time management requires an important shift in focus from activities to results: being busy is not the same as being effective. (Ironically, the opposite is often closer to the truth.) Spending your day in a frenzy of activity often achieves less, because you are dividing your attention between so many different tasks. Good time management lets you work smarter – not harder so that you get it more done in less time. Benefits of Time Management It may seem counter-intuitive to dedicate precious time to learning about time management, instead of using it to get on with your work, but the benefits are enormous: * It increases productivity and efficiency * You get greater professional reputation * It lessens the stress * It increases opportunities for advancement both personally and professionally ...

Words: 878 - Pages: 4

Premium Essay

Time Management

...order to manage time restraints, one must focus on two primary goals. How to regulate time, and how to set some objectives goals for yourself. When regulating time one must concentrate on short term and long term objectives. Start off by managing the day to day week by week and then month by month activities. It is a splendid idea to write down and keep records on a calendar weekly schedule ad a day to day work list. Term calendars are sure to jot down overall school assignments, projects, and readings that are due. Some assignments that will be required may be lengthy and need to be subdivided the days of the week when due. Example if you have group assignments that require several steps, break the steps down. Write down when is brainstorming ideas due by, title due date, research conducted due date, group outline due by, rough draft due by, and then final assignment due date. Make sure to post the calendar in a place where it will be looking at it several times each day, to enhance compliance. Being a full-time student it is beneficial for to plan ahead for study times, and school assignments on a weekly schedule. To do list is another way of managing time before going to bed each night. Jot down what is needed for the next day. Upon completion of each task be sure to cross out the accomplishments. Crossing out the achievements helps keep one focused and on the correct path to success. Write down on the to-do list the best time for studies. The most popular time to do the assignment...

Words: 567 - Pages: 3

Premium Essay

Time Management

...Time Management Time Management To begin, it is possible to state that time management is a technology which helps to organize time in the most effective way. Moreover, time management system allows people not only to be more productive in organizing their time, but also not miss something very important. According to different sources, the first attempt to develop a system of time management was made by a Roman philosopher, statesman and poet Lucius Annaeus Seneca in the first decade of the new era. Of course, Seneca’s attempts were different from modern approach to time management, but they were also important for people in ancient times. So, it becomes obvious that people from the early beginning of our civilization tried to organize their time and to spend it in the more efficient way. Today the organization of time is considered in close connection with the lifestyle of the person as a tool for maximal realization of the personal potential according with the values​​, world view and outlook of the person. We consider the mission of the human being as a prerequisite for the formation of the purposes, goals - as a subject for equipment with criteria, values ​​- as a basis for prioritization, and thirst for self-development - as the primary motivator. Of course, according to Van Eerde (2003), it can be stated that the one who does nothing needs no discipline. Therefore, the more we have plans, desires, goals and intentions, the more we feel the need for time management...

Words: 1065 - Pages: 5