Free Essay

Tubbataha's Biodiversiry

In:

Submitted By Kgrys
Words 925
Pages 4
Mga Likas na Yaman:
Biodiversity ng Tubbataha Reef sa Palawan
Maraming likhang likas na yaman ang Diyos na kanyang ipinagkaloob sa atin upang magbigay tugon sa mga ating primarong pangangailangan kapalit ang pagaalaga natin sa mga ito. Nakakatulong ang mga ito sa tao upang mabawasan ang “stress” na nararamdaman.
Mapalad ang Pilipinas sapagkat napakaraming magagandang tanawin ang ipinagkaloob dito. Ang mga tanawin nito ay isa sa mga dahilan kung kaya dinarayo ang bansa ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa katunayan ay maraming beses nang napabilang ang mga tanawin nito sa 7 wonders of the world. Nito ngang huli lamang ay napasama ang Tubbataha Reef sa panibanong 8 wonders of the world. Ngunit ano nga ba ang Biodiversity at Tubbataha? Ano ang naitutulong ng biodiversity sa atin? Ano nga ba ang meron dito at marami ang naaakit na puntahan ito? Ganoon ba ito kaganda upang maging isa sa pinakauusap usapan ngayon sa bansa?
Ang Bahurang Tubbataha
Ang bahurang Tubbataha ay. Matatagpuan ito sa timog-silangan ng siyudad ng Puerto Prinsesa, Palawan. isang pulong batuharang na binubuo ng mga kural o batong-bulaklak na matatagpuan sa Dagat Sulu ng Pilipinas. Isa itong santuwaryong-dagat na pinangangalagaan ng Pambansang Marinang Liwasan ng Bahurang Tubbataha (Tubbataha Reef National Marine Park).
Piniroklama itong World Heritage Site ng United Nations Educational, Scientific, and Culutral Organization (UNESCO) noong Disyembre 1993 at nasa ilalim ito ng proteksyon ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (KTP). Pinapamahalaan ito ng Palawan Council for Sustainable Development at ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman. Bahagi ang bahurang Tubbataha ng bayan ng Cagayancillo, Palawan.
Kasaysayan ng Tubbataha
Ang salitang tubbataha ay mula sa dalawang salitang Samal na tubba at taha na nangangahulugang ‘mahabang pangkat ng mga korales na nakikita tuwing kati ang dagat’. Bago pa nakilala ang Tubbataha, ang mga Samal – mga mangingisda ng timog Pilipinas – ay nagpupunta na dito. Ngunit ang mga Cagayanons, mga tagong nakatira mula sa katabing isla na Cagayancillo, tuwing tag-init kung kalian payapa ang dagat ay maglalayag sakanilang pangko upang bisitahin ang ilang bahagi ng “Gusong”, kanilang tawag sa Tubbataha. (Tubbataha Management Office, 2012)
Ang Biodiversity
Sinabi Dir. Inciong(2011) ang ‘biodiversity’ ay kinabibilangan ng iba’t-ibang bagay na may buhay at ang kanilang pinagmulan. Kabilang dito ang lahat ng mga katutubong halaman at mga hayop; mga proseso ng kanilang pananatili sa daigdig, na ang kanilang pagkasira at pagkawala ay nakakapagbago sa kalagayan ng kapaligiran. (Alan C. Ortillano, Kahalagahan ng ‘biodiversity’ tinalakay, 2011)
Biodiversity ng Tubbataha Reef
Sa kasalukuyan, ang Tubbataha ang nag-iisang marine natural park sa Pilipinas. Ito rin ay isang UNESCO World Heritage Site dahil sa kahalagahang maingatan ito para sa mga susunod na henerasyon. Bukod sa pagiging tahanan ng mga isda at korales, kilala rin ang Tubbataha bilang kanlungan ng mga naglalakbay na ibon. (Tubbataha Management Office, 2012)
Ang Tubbataha ay mayroong higit kumulang 10,000 hektarya ng mga korales na nasa Coral Triangle – ang sentro ng Marine Diversity.
Noon pa mang 1980s ay madalas na itong pinupuntahan ng mga dalub-agham. At ayon sakanilang mga research ang parke ay tinitirhan ng halos 600 uri ng mga isa, 360 iba’t ibang klaseng korales, 11 na iba’t ibang lahi ng mga pating, 13 na magkakaibang lahi ng mga dolphins at whales, 100 uri ng mga ibon pati na rin ang mga Hawksbill at Green sea turtles. (Tubbataha Management Office, 2012; www.aboutpuertoprinsesa.com. 2006-2013 )
Kahalagaan ng Biodiversity
Ang pagbabago, pagkawala o pagkasira ng iba’t-ibang buhay na ito ang nagiging sanhi ng pagbabago ng kapaligiran tulad ng mabilis na pagtaas ng temperatura ng kapaligiran, pagbabago sa panahon ng tag-ulan at tag-araw at maging sa pagtaas at pagbaba ng lebel ng tubig sa mga lawa at karagatan. (Alan C. Ortillano, Kahalagahan ng ‘biodiversity’ tinalakay, 2011)
Ang pangangalaga sa Tubbataha
Ang Tubbataha Protected Area Management Board (TPAMB) ang nagsasagawa ng mga batas na ipinatutupad sa Tubbataha Reef. Samantala, ang Tubbataha Management Office (TMO) naman ang nangangasiwa ng pang-araw-araw na gawain sa Tubbataha Reef.
Tuluy-tuloy ang programa ng TPAMB para mapangalagaan ang Tubbataha Reef. Gayundin, nagsisilbi ang Tubbataha bilang lugar para sa pananaliksik hinggil sa yamang-dagat.
Katuwang ng mga tanggapang ito ang Philippine Coast Guard sa pagbabantay ng halos 1,000 ektaryang parke. Ito ay upang mabawasan kung hindi man mapigilan ang mga hindi kanais-nais na gawaing makasisira sa Tubbataha.
Malaki ang ginagampanan ng turismo sa Tubbataha. Ito ang nagbibigay ng salaping kinakailanagan para sa pangangalaga ng parke at mapataas pa ang kaalaman at suporta sa pag-iingat nito. (Rowell Madula, Sa Pusod ng Tubbataha, 2010)

SANGGUNIAN
Paulino. (2010). Buhurang Tubbataha from http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Bahurang_Tubbataha History ng Tubbataha. http://tubbatahareef.org/wp/history
Biodiversity. http://www.ugnayan.com/ph/Laguna/SanPablo/article/RBJ
Silvert, William. The Meaning of Biodiversity. Instituto Nacional de Investigação Agrária e das
Pescas. IPIMAR, Avenida de Brasília, s/n 1449-006 Lisboa, Portugal. silvert@ipimar.pt
Biodiversity. http://plato.stanford.edu/entries/biodiversity/
Biodiversity. http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_biodiversity
Sa Pusod ng Tubbataha. http://www.batobalani.com/semonline/featured_article_2_tubbataha.asp
Tubbataha Reef – Palawan’s Diving Paradise. http://www.aboutpuertoprincesa.com/palawan/tubbataha-reef.html Biodiversity Spotlight. http://tubbatahareef.org/wp/biodiversity
Tubbataha Reef’s Natural Park. http://whc.unesco.org/en/list/653
Tubbataha Reef. http://sevennaturalwonders.org/asia/tubbataha-reef/
Kahalagaan ng Biodiversity. http://www.ugnayan.com/ph/Laguna/SanPablo/article/RBJ
Biodiversity Laws. file://localhost/Users/Gorange/Library/Caches/TemporaryItems/Zipeg/12DE03D0800BA078.260/12DE03D08014A8F8.260/download Travel Philippines. www.travelphilippinesnow.com
Tubbataha Reef National Marine Park. http://pcsd.ph/protected_areas/tubbataha.htm

Similar Documents