Free Essay

3 Idiots: Reaction Paper

In:

Submitted By astral0101
Words 5910
Pages 24
MGA UNANG BAYANI NG WIKANG PAMBANSA

(Talumpati para sa kumperensiyang Ambagan, 5 Marso 2009, Pulungang Recto, Faculty Center, UP Diliman)

ni Virgilio S. Almario

(TSIKA: Ang ating kumperensiya ngayon ay isang patunay na maraming mahalagang gawain táyong nakakalimutan para sa Wikang Pambansa. Sinasabi sa Seksiyong 6, Artikulo XIV ng Konstitusyong 1987 na: “Ang pambansang wika ng Filipinas ay Filipino. Hábang ito ay nabubuo, patuloy itong pauunlarin batay sa mga umiiral na wika sa Filipinas at iba pang wika.” Ano ang ginagawa natin para paunlarin ang ating wika? Kung pagbabatayan ang Sawikaan ng FIT nitóng nakaraang limáng taon, puro Ingles at imbentong wika ng bakla ang pumapasok ngayon sa ating kamalayan. Idiniin ng Konstitusyon ang pagpapayaman sa pamamagitan ng “mga umiiral na wika sa Filipinas”—na palagay ko’y nangangahulugang ang mga katutubong wika ng ating bansa—ngunit mukhang ipinababahala natin sa Diyos ang tungkuling ito. Na hindi mangyayari. Kayâ’t napakahalaga ng Ambagan upang magising táyo sa malaking hamon sa atin ng Konstitusyon at siya namang dapat gawin upang higit na maging totoong “pambansa” ang ating wika. “Pambansa” sapagkat kumukuha ng lakas sa mga katutubong wika ng bansa.)

ISANG MAHALAGANG GAWAIN para sa Wikang Pambansa ang pagbuo mismo ng kasaysayan nitó. Hanggang ngayon, wala táyong mapagkakatiwalaang kasaysayan hinggil sa naging saligan ng simula at mga mohon ng pag-unlad ng Filipino. Kayâ walang sanggunian ang mga guro’t estudyante kahit halimbawa sa pagkakaiba ng Pilipino at Filipino. Wala ring maibigay na wastong paliwanag hinggil sa pagpilì ng Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa. At lalo, walang magamit upang ipagtanggol ang Filipino sa mga kaaway ng Wikang Pambansa.

Kapag tinanong ngayon ang isang ordinaryong guro: Sino ang mga arkitekto ng Wikang Pambansa? Bakâ walang maisagot kung hindi si Lope K. Santos. O si Pangulong Manuel L. Quezon. Iyon lámang.

Ngayon, nais kong ipanukala na kailangang gumawa táyo ng bantayog ng mga bayani ng wika, isang bantayog upang parangalan ang mga tao na nag-alay ng panahon at talino para sa pagkilala at pagpapalaganap ng Wikang Pambansa. Bilang panimula, nais kong ipasok ang sumusunod na pangalan:

Felipe R. Jose Wenceslao Q. Vinzons Tomas Confesor Hermenegildo Villanueva Norberto Romualdez

Sino ang mga ito? May iisa siláng katangian, mga delegado silá sa 1934 Kumbensiyong Konstitusyonal. Ngunit bakit nagsisimula ako sa 1934 Kumbensiyong Konstitusyonal?
Sapagkat sa 1934 Kumbensiyong Konstitusyonal opisyal na ipinanganak ang hakang Wikang Pambansa batay sa isang wikang katutubo ng Filipinas at ang mga pangalang inilista ko ay lima lámang sa mga bayaning nagpanukala, nagtanggol, at nagtrabaho alang-alang sa mithiing ito. May iba pa, at mababanggit ko sa aking talakay, ngunit nais kong mag-umpisa sa lima. Sa pamamagitan nilá lilinaw kung bakit ganito ang Seksiyong 3, Artikulo XIII sa 1935 Konstitusyon:

The National Assembly shall take steps toward the development and adoption of a common national language based on one of the existing native languages. Until otherwise provided by law, English and Spanish shall con- tinue as official languages.

Bago pa ang Kumbensiyon ay isang mainit nang paksa ang wikang pambansa kaugnay ng wika ng edukasyon. Mahigit 30 taon na noon ang isang sistema ng edukasyong pinairal ng mga Amerikano at Ingles lámang ang ginagamit sa pagtuturo. Ang bagay na ito ay pinuna ng maraming edukador, lingguwista, manunulat, at politikong Filipino, Amerikano, at Europeo, gaya sa komprehensibong pag-aaral ni Najeeb Mitry Saleeby na The Language of Education of the Philippine Islands (1924) ngunit mainit na tinalakay sa unang pagkakataon sa bulwagan ng Kumbensiyon.

Tagalog sa Bulwagang Edukado

Nagsimula ang isyu noong umaga ng 16 Agosto 1934 nang magdiskurso si delegado Felipe R. Jose. Nagulat ang lahat nang ibungad ni Jose na: “Antes de comenzar, yo quisiera anunciar a la Mesa que el discurso preparado por mi no está en inglés, ni en castellano; está en tagalo.” Nagulat ang lahat sapagkat Espanyol at Ingles lámang ang mga opisyal na wika sa Kumbensiyon, gaya ng pangyayaring isa sa kalipikasyon ng mga kumandidatong delegado ang kaalaman sa Ingles at Espanyol. Kapag binása ang rekord ng Kumbensiyon ay mapapatunayang gumagamit ng Ingles at Espanyol si Jose sa mga sesyon. Ngunit sa kaniyang privilege speech noong 16 Agosto 1934 ay ginamit niya ang Tagalog at narinig ang Tagalog sa unang pagkakataon sa bulwagan. Hindi lámang iyon. Wika pa niya:

Kailangan natin ngayong ipakilala sa daigdig na táyo’y hindi na ang mga mamamayan sa silong ng Bandila ng Espanya, sa lilim ng Bandilang Amerika. Kailangan natin na ngayon pa’y mahalin ang kalayaan at kaluluwa ng bayan—ang wikang sarili. Kayâ lámang táyo maging marapat sa kalayaan ay kung maipagsasanggalang natin ang banal na kaluluwa ng bayan, ang wikang sarili. Sapagka’t ang wika, ang wika ng alin mang bansa sa sangsinukob ay siyang ginagamit na mabisàng kasangkapan sa pagpapahayag ng kanilang damdamin, sa pagtuklas ng karunungan at pagtatanggol ng mga karapatan.

At usig pa niya sa mga kapuwa delegado:

Ano’t mamatamisin natin ang wika ng iba kaysa wika natin? Maaari bagáng maging dakila pa ang wikang Ingles at Kastila sa wikang Pilipino? Masarap pa bagá sa atin ang salita ng panginoon kaysa ng bayang handa nang magsarili? Ang Kastila o Ingles ay maaari lámang tanggaping maging wika ng pamahalaan hábang táyo’y alipin at walang laya. Sinasabi ko, G. Pangulo, na ang kusang pagpapaalipin sa kaluluwa ng lahi ay isinusumpa ng kasaysayan at pinandidirihan tulad ng isang táong may sakit na nakahahawa.

Iyon ang hudyat ng dibdibang diskusyon para magkaroon ng wikang pambansa. At nakatutuwa na ang Unang Sigaw sa Kumbensiyon ay binalikat ng isang di-Tagalog. Si Felipe R. Jose ay isa sa 12 delegado ng Mountain Province at ayon sa rekord, may edad noong 46 taon, optometrist at manunulat ang propesyon, at isang lider manggagawa.

Ang una siyempreng tumindig para usisain si Jose ay isang abogadong politiko mulang Cebu, si Nicolas Rafols, na nagsalita sa Espanyol at nanghingi ng salin ng diskurso ni Jose “al castellano, al ingles, o al visaya.” Sinagot ito ni Jose at nagsabing kinabukasan din ay makakakuha ng salin sa Espanyol sa Sekretaryat. Sinundan pa ito ng ibang diskurso sa ibang mga sesyon. Naglaban ang mga panukalang gamitin ang Ingles, o Espanyol, o katutubong wika bilang Wikang Pambansa. Sa gayon, nagtayô ng Committee on Official Language upang duminig sa kaso.

Nahalal ang sumusunod sa Lupon sa Wikang Opisyal: Alejo Labrador, tagapangulo, isang abogado mulang Zambales, Paulino Gullas isang abogado mulang Cebu, Mario Guariña isang abogado mulang Sorsogon, Enrique C. Sobrepeña isang ministrong relihiyoso mulang La Union, Paulino A. Conol isang abogado mulang Misamis Occidental, Leon Cabarroquis isang akawntant mulang Nueva Vizcaya, Manuel C. Fernandez isang abogado mulang Misamis Oriental, Pedro C. Hernaez isang abogado mulang Negros Occidental, Jose E. Romero isang abogado mulang Negros Oriental, Florentino O. Chioco isang doktor mulang Nueva Ecija, Wenceslao Q. Vinzons isang abogado mulang Camarines Norte, Mateo Canonoy isang abogado mulang Leyte, Juanito T. Maramara isang edukador mulang Cebu, Numeriano Tanopo isang abogado mulang Pangasinan, at Atilano R. Cinco isang abogado mulang Leyte. Halos lahat ng mga miyembro ng komite ay abogado at di-Tagalog; si Chioco lámang na isang doktor ang posibleng isang delagadong Tagalog.

Pagkatapos ng isinagawang mga pagdinig publiko at pagbása ng mga nakasulat na pahayag hinggil sa wika ay nag-ulat sa Kumbensiyon ang lupon noong 28 Setyembre 1934. Ipinaliwanag nitó ang pagtanggap ng mga pahayag para sa Ingles, para sa Espanyol, at para sa isang pambansang wika mula sa mga katutubong wika, ngunit naging makíling ang lupon para sa hulí alinsunod sa sumusunod na katwiran:

a. All the vernaculars are outgrowths or branches of the Malay. b. The vernaculars have very many terms in common and are almost similar in inflection and variation. c. Ease and rapidity with which one tribe learns and uses another vernacular. d. Wide diffusion of Tagalog in provinces not speaking it, notwithstanding the absence of encouragement for its use.

Para sa kapakanan ng mga nagbibintang na niluto sa Kumbensiyon ang pagtatanghal sa Tagalog bilang karapat-dapat na batayan ng Wikang Pambansa, magandang ulitin ang komposisyon ng Lupon sa Wikang Opisyal. Halos lahat silá’y mga abogado at di-Tagalog. Wala pang payola noon para mabayaran silá ng kung sinong pro-Tagalog. Matataas ang kanilang pinag-aralan upang makumbinsi kaagad magtaksil sa kanilang sari-sariling katutubong wika ng mga humarap sa kanilang Tagalista. Nakatutuwa ring biglang nagkaroon ng pagtatangi sa bentaha ng Tagalog ang kanilang ulat pagdatíng sa kanilang ikaapat na katwiran (“Wide diffusion of Tagalog in provinces not speaking it, notwithstanding the absence of encouragement for its use”).

Bahagi ng ulat ng lupon ang mga dokumento ng mga panukalang pangwika. Isa dito ang artikulo ni Wenceslao Q. Vinzons na nagpapanukala ng Tagalog bilang Pambansang Wika ng Komonwelt at ng pansamantalang gamit ng Ingles bilang isang opisyal na wika. Si Vinzons ang pinakabatàng delegado sa Kumbensiyon, 24 taon, abogado, at isa sa dalawang kinatawan ng Camarines Norte. Magiging aktibo si Vinzons sa mga sumunod na sesyon upang ipagtanggol ang kaniyang panukala. Gayunman, nang sumulpot ang mga panukalang tutol sa Tagalog at para sa ibang mga wikang rehiyonal, si Vinzons din ang nagpanukala noong sesyon ng 25 Enero 1935 sa amendment na pinagtibay kinabukasan, 26 Enero 1935, at naging Seksiyon 3, Artikulo XIII ng 1935 Konstitusyon.

Dalawa pang aktibong tagapagtanggol ng Tagalog bilang Wikang Pambansa sina Hermenegildo Villanueva at Tomas Confesor. Si Hermenegildo Villanueva ay delegado ng Negros Oriental, nakalistang farmer ang propesyon, at naglingkod na bilang gobernador ng Negros Oriental at bilang miyembro ng House of Representatives at ng Philippine Senate. Si Tomas Confesor ay delegado ng Iloilo, negosyante at edukador, at dáting miyembro ng House of Representatives, direktor ng Bureau of Commerce and Industry, at dekano ng College of Business Administration ng University of Manila. Nása rekord din ni Confesor ang kauna-unahang talumpati sa Ingles na binigkas sa Philippine Assembly noong 1922.

May mga sesyon na silá ang kinukulit ng mga anti-Tagalog dahil sa kanilang paninindigan. Minsan, inuyam ni Juan Bocar ng Samar si Confesor at inusisa kung káya nitóng sabihan ang mga Ilonggo na kalimutan ang Ilonggo at magsalita ng Tagalog. Sagot ni Confesor:

No, that is wrong. For the last thirty years we have been teaching the English language to our young people in the public schools, yet they have not forgotten the Visayan, the Tagalog, the Ilocano and the Bicol dialects and other dialects. We should teach Tagalog, but we must not forget the Visayan and Ilocano dialects.

Inusig naman siya ni Gaudencio Cloribel ng Bohol na: “The Genteleman from Iloilo is supporting the Tagalog dialect, so will he please use that dialect in his supporting speech?” Malinaw ang sagot ni Confesor:

It is for that reason that I am supporting Tagalog to become one of the official languages, to be taught to our children as English is being taught now. If Tagalog were to be taught in all schools of the Philippines, within five years Tagalog would be spoken all over the country. I would prefer to have Tagalog taught in all our schools, if I have to make a choice between English and Tagalog. Again, if I were made to choose between Tagalog and Spanish, I would choose Tagalog. And if I were to choose Between Visayan, Ilocano, so on, I would top them all with Tagalog.

Sa isang diskurso noong 25 Enero 1935, idiniin naman ni Villanueva na kailangang talikdan ang kaisipang rehiyonalista para sa kapakanang pambansa. Wika niya:

Yo naci en las agrestes montañas de Negros, en el mismo corazon de la region bisaya, pero quiero supeditar mi amor propio de bisayo y quiero, por encima de ese amor, desde el principio, poner aquello que pertenece a nuestro pais. Se me dirá; cual va a ser el lenguaje official? Yo no tengo miedo de decir y de sostener, porque vengo aquí para sostener mi conviccion propia y un deber de patriotismo. Se me preguntará cual debe ser ese lenguaje, y yo digo sencilla y claramente que debe ser el tagalo.

At pinutol ng masigabong palakpakan ang kaniyang talumpati. Sakâ niya ipinaliwanag kung bakit nakahihigit ang Tagalog sa ibang wikang katutubo.

May iba pang tagapagtanggol ng Wikang Pambansa sa Kumbensiyon. Nangungunang tinig sina Eugenio Baltao ng Nueva Ecija at Rafael Palma ng Maynila. Binigyang-diin ko lámang ngayon ang tinig nina Jose, Vinzons, Confesor, at Villanueva upang itanghal ang katotohanan na hindi nagmula sa mga Tagalog ang kampanya upang gamiting batayan ng Wikang Pambansa ang Tagalog. Sa halip noon pa’y ipinamalas nina Jose, Vinzons, Confesor, at Villanueva ang pagtataglay ng tunay na kaisipang Filipino upang madamá ang halaga ng gayong panukala. Sa kabilang dako, sa Kumbensiyon din lumitaw ang mga pusakal na kontra-Wikang Pambansa na gaya nina Rafols, Manuel Briones at Vicente Sotto ng Cebu, Demetrio Quirino ng Nueva Vizcaya, at Camilo Osias at Enrique Sobrepeña ng La Union. Mapapansin na nagsimula ang mga ito sa pagtangkilik ng Ingles bilang wikang opisyal at pambansa. Ngunit nang mahalatang hindi maaaring ilaban ang Ingles sa umiiral na sentimiyentong makabansa ng mga delegado ay nagbago silá ng taktika. Iniwan ang Ingles at nanindigan naman silá para sa mga wikang katutubo. Magandang halimbawa si Osias na bago pa ang Kumbensiyon ay bantog nang propeta ng edukasyong Amerikano. Bukod sa halal na senador at naging resident commissioner sa Estados Unidos noong 1926 ay kilalá siya bilang editor ng unang serye ng Philippine Readers (1918) na ginagamit sa elementarya. Si Osias ang isa sa masugid na umusig kina Confesor at Villanueva dahil sa kaniyang tindig para sa Ingles upang pagkaraan ay igiit naman ang Ilokano laban sa Tagalog. Nagtagumpay sina Osias at Sotto sa paggigiit ng Ilokano o Bisaya. Nagulo ang isip kahit ng mga delegadong para sa Tagalog bilang Wikang Pambansa kayâ sa dulo ng halalan para sa Wikang Pambansa ay nagwagi ang kompromisong panukala ni Vinzons na ibatay ito sa amga pangunahing wikang katutubo.

Ibig kong idagdag pa sa aking bantayog ng mga unang bayani ng wika si Norberto L. Romualdez ng Leyte. Si Romualdez ay isang dating mahistrado sa Korte Suprema, miyembro ng National Assembly, iginagálang na pilolohista. Bagaman itinuturing ngayong isa sa “Seven Wise Men of the 1934-35 Constitutional Convention,” hindi siya gaanong aktibo sa mga sesyon ng Kumbensiyon hinggil sa wika. Ngunit nakatakda siyang maglingkod para sa isang napakahalagang gawaing pangwika. Pagkaraan ng Kumbensiyon, siya ang bumuo sa batas upang isagawa ang tadhana ng 1935 Konstitusyon. Natapos niya at pinagtibay ng National Assembly noong 28 Oktubre 1936 ang panukalang pinirmahan bilang Commonwelt Act No. 184 noong 13 Nobyembre 1936. Ito ang tinatawag ngayong National Language Law na nagtatag sa National Language Institute (NLI) at nagtakda ng mga hakbang tungo sa pagbuo ng Wikang Pambansa. Siya rin ang nakipag-usap sa kaniyang kaibigan at kapuwa Waray na si Jaime C. Veyra upang maging unang tagapangulo ng NLI nang buksan ito noong 12 Enero 1937. Pagkatapos ng 10 buwan, noong 9 Nobyembre 1937, inirekomenda ng NLI ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa. Noong 30 Disyembre 1937, pinirmahan ni Quezon ang Executive Order No. 134 na nagpoproklama sa “isang wikang pambansa batay sa diyalektong Tagalog bilang wikang pambansa ng Filipinas.”

Napakabilis ng naturang mga pangyayari. May mga nagulat kung bakit ganoon kabilis ang lahat at lalo na’y nagtaka kung bakit walang naganap na maiingay na protesta gaya ng kanilang inaasahang gagawin ng mga maka-Ingles o ng mga lider ng ibang wikang rehiyonal. Maraming nagmamasid sa isyung pangwika hanggang ngayon ang naghahakang bunga ito ng malakas na liderato ni Quezon. Ngunit ngayon ay maaaring sabihin na higit na bunga ito ng pagkilala sa magiting na espiritu ni Norberto Romualdez na buong sipag na isinulong ang naging Commonwealth Act No.184 sa kongreso. Hindi rin mapag-aalinlanganan ang kaalaman ni Romualdez sa larangang pangwika gaya ng ipinakita niya sa mga pag-aaral niya sa wika at kulturang Filipino at lalo na’y sa masinop na pagbalangkas sa Commonwealth Act No. 184. Tiyak na nísa isip ni Joseph Ralston Hayden ang talino at pagsisikap na ibinuhos ni Romualdez sa paghubog ng Commonwealth Act No. 184 nang ipahayag niyang “regional or factional opposition was prevented by the use of a carefully thought out procedure which was understood by the people and recognized as being non-political and well-devised to further the public welfare.” Batid din ng lahat na lider siya ng isang pangkat na tumatangkilik sa pagsulong ng wika at kulturang Waray ngunit inigpawan niya ito at higit na minahalaga ang pakikiisa para sa isang Wikang Pambansa. Dapat ding idagdag na si Jaime C. Veyra ay kasáma ni Romualdez sa samahang Waray at nakaupô ito noong tagapangulo ng kagawaran sa Espanyol sa Unibersidad ng Pilipinas. Gayunman, tulad ni Romualdez, pinilì ni Veyra na maglingkod para sa Wikang Pambansa at hindi naging sagwil ang interes sa Waray upang kilalanin ang Tagalog bilang higit na karapat-dapat na batayan ng Wikang Pambansa.

Wika at Edukasyon

Unang-unang dapat itanong: Bakit ba nanaig sa Kumbensiyon ang pagkilala sa katutubong wika bilang Wikang Pambansa?

Kapag siniyasat ang komposisyon ng mga delegado ay imposible sanang manaig ang diwaing ito. Pawang edukado sa banyagang wika ang mga ito. Ang nakatatanda, lalo na ang nakasaksi sa Republikang Malolos, ay mga dalubhasa sa Espanyol. Ang nakababatà ay mga produkto na ng edukasyon sa Ingles na inilatag ng mga Amerikano. Kung nasunod ang mga beterano ng nagdaang edukasyong kolonyal ay dapat na sinunod ng Kumbensiyon ang Konstitusyong Malolos sa paggamit ng Espanyol bilang opisyal na wika. Ngunit kung iisipin na nakapailalim ang Filipinas sa panahong iyon sa Estados Unidos, higit na wasto at nararapat ang pagdedeklara sa Ingles bilang Wikang Pambansa.

Hindi iyon ang nangyari. At hindi iyon ang nangyari dahil na rin sa lumaganap noong haka at opinyon laban sa pagpapatuloy ng edukasyong Ingles lámang ang wikang panturo. Mga opisyal na Amerikano mismo ang nagsimulang magduda sa kanilang patakarang pang-edukasyon, gaya ng mahihiwatigan sa report ng 1925 Monroe Survey Commiision.Dahil diumano sa katotohanan na maraming batà ang humihinto ng pag-aaral sa loob ng limáng taon, ipinahayag ng komisyon na “the present huge expenditure for primary education is largely wasted, unless children can either be kept in school longer or be taught by methods efficient enough to compensate for the shorter stay.” (Dapat pansinin na ito pa rin ang problema ng edukasyong pambansa hanggang ngayon, at sapagkat hanggang ngayon ay hindi nililimi ng mga opisyal ng DepEd na wikang panturo ang ibig tukuyin ng Monroe Survey Commission sa kanilang ikalawang opsiyon.) Suportado ni Joseph Ralston Hayden bilang bise-gobernador ng Filipinas sa mga taóng 1933-35 ang pagpapalakas sa sistemang Amerikano ng edukasyon, ngunit tinanggap niya na:

If the actual use of English is the test the answer is more emphatically, no. Even among those Filipino who use English most constantly and who have been educated in American colleges and universities, it is not a home language. There are few Filipino families in which it is habitually spoken. In the classrooms and hallways, about the playgrounds of almost every Filipino school are posted “Speak English” placards. Yet the boys and girls play baseball on the school grounds with the skill and enthusiasm of young Americans are almost invariably playing it in their own dialects, which have been enriched by a surprising assortment of words transplanted from the idiom of the great American game…In the great or the intimate moments of his life even the most completely Americanized Filipino would never use English if he were speaking to a person who understood his native language. As for the masses of the people, they speak in English infrequently: for the most part when they have to.

Ang winika ni Hayden ay isa rin sa pangunahing argumento ni Najeeb Mitry Saleeby sa kaniyang mahalagang saliksik na The Language of Education of the Philippine Islands (1924). Dumating sa Maynila si Saleeby noong 1900 at naglingkod sa US Army at sa kawanihan ng mga tribung di-Kristiyano hanggang 906. Ang kaniyang karanasan sa mga paaralan ng Moro Province at ang kaniyang pagbisita sa Tsina, Ehipto, at Syria ang naghilig sa kaniya upang pag-aralan ang problema ng wikang panturo sa Filipinas.

Sinimulan niya ang The Language of Education of the Philippine Islands sa pamamagitan ng pagpuri sa mabilisang pag-oorganisa ng edukasyong Amerikano sa Filipinas.Dahil sa mabilisang pangangailangan, ang paggamit ng Ingles bilang wikang panturo ay praktikal aniya bukod sa kailangan ding matuto ng naturang wika ang mga mag-aaral na Filipino dahil isa itong wika ng pandaigdigang komersiyo at susi sa higit na mataas na karunungan. Ngunit hindi siya sang-ayon sa patuloy na paggamit ng Ingles bilang nag-iisang wikang panturo.

It aims at something unknown before in human affairs. It is attempting to do what ancient Persia, Rome, Alexander the Great and Napoleon failed to accomplish. It aims at nothing less than the obliteration of the tribal dif- ferences of the Filipinos, the substitution of English for the vernacular dialects as a home tongue, and making English the national, common language of the Archipelago.

Ipinasok ngayon ni Saleeby ang pinakahulíng mga report at estadistika hinggil sa mga gastos sa paaralan, kalidad ng mga guro, bilang ng enrolment, at bilang ng mga gradweyt. Lumitaw sa kaniyang pagsusuri na unti-unting lumiliit ang taguyod ng gobyernong Amerikano sa tumataas na bilang ng mag-aaral mulang 1902 hanggang 1924 at malaki ang posibilidad na bababà ang kalidad ng pagtuturo sa Ingles dahil sa isang bandáng malaking pagbabà ng bilang ng mga gurong Amerikano—mula sa napakataas na 928 noong 1902 at mababàng 316 nitóng 1920, at sa kabilang bandáng bumibigat na pagsandig sa mga gurong Filipino na karamihan ay hindi man lámang nagtapos sa eskuwelahang normal. Napansin din niyang unti-unting napapása sa mga lokal at pambansang pamahalaan ang badyet pang-edukasyon at walang malinaw na intensiyon ang gobyernong Amerikano na dagdagan ang badyet nitó para sa edukasyon sa Filipinas. Dahil sa kaniyang duda hinggil sa kakayahan ng mga gurong Filipino na magturo sa Ingles at dahil sa lumalaking bilang ng mga batàng humihinto ng pag-aaral bago magtapos ng elementarya, tiniyak ni Saleeby na hindi kapaki-pakinabang para sa batàng Filipino na sapilitang turuan sa Ingles.

Bearing in mind that these children do not speak English at home, that they do not use English except in the class room, that their native dialects bear no relation to English as to origin or construction, that many English sounds are strange to their ears, that the elementary course they get in school is too insuf- ficient for all the requirements of society, it must be admitted that the know- ledge of English that they acquire is too inadequate to constitute a fit medium for their common culture and national development.

Panig pa rin si Saleeby sa sapilitang pagtuturo ng Ingles sa lahat ng grado. Subalit iginiit niya ang pangmatagalan at pundamental na kabuluhan ng pagbuo ng isang wikang pambansang mula sa isang katutubong wika ng Filipinas at paglinang nitó upang makapagdulot ng isang higit na demokratiko’t epektibong edukasyon sa buong bansa.. Dito ipinaliwanag ni Saleeby ang napansin ni Fray Chirino noon hinggil sa nagkakaisang ugat na Maláyo ng mga wika sa Filipinas. Sa gayon, diin niya, totoo na kulang pa ang literatura sa alinmang wikang katutubo para sa mga pangangailangan ng makabagong edukasyon, ngunit totoo ring napakamúra at higit na matipid bukod sa “infinitely easier to make text books in the vernacular, than to make thousands of natives teach English.” Sa dulo ng kaniyang pag-aaral at pagkaraang ikompara ang kasaysayan at saklaw ng mga pangunahing wika sa Kapuluan, inirekomenda niya ang proklamasyon ng Tagalog bilang wikang pambansa ng Filipinas.

On theoretic and scientific grounds, no one hesitates to give preference to Tagalog as the best developed and fittest dialect to be selected as a common national language for the whole Philippine Archi- pelago. Its linguistic pre-eminence and its relation to the national capital, and to the Filipino heroes, supports this claim. Had the American government, or the former Philippine Commission declared Tagalog as an official language of the Islands before 1907, the whole nation would have acquiesced in the selection long before now, and the question of a common national dialect would have been solved at the same time.

Sa pamamagitan lámang ng ganitong pagtingin sa halagang pang-edukasyon ng pagkakaroon ng isang katutubong wika bilang wikang pambansa ay hindi mahirap isipin ang pananaig ng ganitong panig sa Kumbensiyon. Malaki ang posibilidad na kay Saleeby nakasalig ang mga rekomendasyon, lalo na ang ikaapat, ng Lupon sa Wikang Opisyal. Sa kabilang dako, ang realistang pagtanaw ni Saleeby sa problema ng wikang panturo sa Filipinas ang pinipilit pagpikitan ng matá ng mga Filipinong opisyal sa gobyerno at edukador na hanggang ngayo’y iginigiit ang pagbabalik sa isang monolingguwal na edukasyong gumagamit ng Ingles.

Wika at Nasyonalismo

Hindi rin maitatanggi na may pumipintig na mithiing makabansa sa pagpapasiyang gamitin ang isang wikang katutubo bilang wikang pambansa. Imposibleng walang gayong mithiing makabansa. Imposible halimbawang hindi ito nasusulsulan ng malimit ding sipiing haplit ni Rizal sa pamamagitan ni Simoun laban sa kilusan ng mga estudyante na magpetisyon para sa pagtuturo ng Espanyol:

Hindi magiging wika ng lahat sa bayang ito ang Kastila, hindi ito masa- salita ng bayan kailanman sapagkat wala sa wikang ito ang mga parira- lang katumbas ng mga dalumat sa isip ng bayan at ng mga damdamin sa puso nitó. May sarili ang bawat bayan, kung paanong may sarili itong paraan ng pagdamá. Kayóng iilang nakapagsasalita nitó, ano ang mapapalâ ninyo sa Kastila? Ang kamatayan ng inyong orihinalidad, ang pagsuko sa iba ng inyong mga kaisipan, kayâ’t sa halip na maging malaya ay lalo lámang kayóng magiging tunay na alipin! Mga taksil sa Inang Bayan ang siyam sa bawat sampu sa inyong nagpapalagay na ilustrado. Malimit sa inyong nagsasalita ng Kastila ang nagwawalang-bahala sa sariling wika kayâ ni hindi ito maisulat o maunawaan at marami na akong nakitang nagkukunwang walang alam ni isa mang salita nitó! … … …Nalilimot ng bawat isa sa inyo na hábang napag-iingatan ng isang bayan ang kaniyang wika, napag-iingatan din nitó ang katibayan ng kaniyang paglaya, katulad ng pagpapanatili ng isang tao sa kaniyang kasarinlan, upang mapanatili niya ang kaniyang sariling paraan ng pag-iisip. Ang wika ang pag-iisip ng bayan.

Kapag binalikan ang mga sipi mula sa talumpati ni Jose, ang unang talumpati sa isang bulwagan ng mga edukado na gumamit ng isang katutubong wika ng Filipinas, ay madaramá na naiiralan ito ng kaisipan ni Simoun. Palitan naman ng Ingles ang Kastila sa pahayag ni Simoun at maraming kasalukuyang ilustrado ang tatamaan ng kaniyang paratang hinggil sa paglimot sa sariling wika. Gayunman, igigiit ng mga bagong ilustrado ngayon na hindi katumbas ng “pagtataksil sa Inang Bayan” ang kanilang pagsisikap magpakadalubhasa sa Ingles. At marahil nga. Maraming balidong sitwasyon kung bakit higit na nagkakainteres mag-aral ng Ingles ang isang Filipino. May balido din at kabuluhan ang Ingles sa búhay ng bansa. Ngunit iba ang magkahilig magsalita ng Ingles kaysa paggigiit na isang “kabayanihan” ang krusada na pangingibawin ang Ingles sa halip na Filipino sa edukasyon at iba pang usaping pambansa.

Noong 1962, sinikap likumin ni Isidoro Panlasigue, dekano ng Kolehiyo ng Edukasyon, Unibersidad ng Pilipinas, ang lahat ng mga argumento laban sa Filipino, lalo na ang mga argumento ng kasalukuyan noong paghahabla ni Kongresista Inocencio V. Ferrer sa Pilipino bilang wikang pambansa, upang isulong ang paniwala na isang makabansang mithiin ang paggamit ng Ingles bilang wikang pambansa. Sa dulo ng kaniyang The Language Problem in the Philippines, ipinagdiinan ni Panlasigue na

The highest and most inclusive Filipino nationalism was developed during the American regime when the Filipino people learned much of the elements, principles, and practices of the demo- cratic practices of the democratic form of life and government. During this period all the different linguistic groups of the Filipinos worked hand in hand to develop true Filipino nationalism. Because of this nationalism as manifest by the complete unity of the Filipino people into one people and nation with one “national spirit and aspi- ration” and a united “devotion to the interest” of their own people and nation, the Filipino people obtained their independence from the United States, first in 1935 in the form of a Commonwealth, and later in 1946, the complete and absolute independence from America.

Dahil sa nasyonalismong inalagaan ng mga Amerikano, sa tingin ni Panlasigue, “the country was developed and became a progressive nation.” Patunay diumano ang pagiging miyembro ng Filipinas sa United Nations, ang pagkahalal ng isang Filipino bilang presidente ng UN General Assembly, at ang kaunlarang pang-ekonomiyang tinatamasa ng lahat.

Kabaligtaran ng bisyon ni Jose ang pananaw ni Panlasigue. Ang totoo, kabaligtaran ng analisis ni Renato Constantino hinggil sa “miseducation of the Filipinos” isang dekada pagkaraan ang itinuturing ni Panlasigue na biyaya ng Amerikanisasyon.

Noon pang 1962 ay bihag na ang tulad ni Panlasigue ng globalisasyon.At hindi siya nag-iisa. Isang natutuwang tagapagpakilala ng aklat ni Panlasigue ang beteranong kritiko ng Wikang Pambansa, si Vicente Albano Pacis na naniniwala ring isang hakbang paurong ang buong kampanya para sa Tagalog/Pilipino/Filipino bilang wikang pambansa. Paglilinaw pa ni Pacis,

It (ang katutubong wikang pambansa) will imprison us in an apparently self-imposed and complete isolation from the intellectual, technological, scientific and all the other fronts of human progress. When we read we shall have only Pilipino literature to read; when we write, we shall write only for ourselves. Our only way of sharing human progress in general will be by translating foreign works. Progress by translation will be snail-slow; it will permanently reserve for us a position centuries behind the most progressive nations. If today we are not too far from the forefront of human progress, it is because we have English.

Mahal din ni Pacis ang bayan at ang kaunlaran ng Filipinas ngunit nakabilanggo ang kaniyang pagmamahal sa loob ng pagmamahal sa Ingles bilang susi sa kaunlaran. Na wari bang Ingles lámang ang balon ng karunungan. Na wari bang umunlad din ang France, Germany, at Switzerland noon dahil gumamit ng Ingles at umunlad ang Japan, Korea, at China ngayon dahil gumagamit ng Ingles. Na wari bang walang sariling kakayahan ang mga Filipino upang tumuklas ng karunungan kung hindi gagamit ng Ingles.

Alin bang nasyonalismong pangwika ang higit na makabuluhan? Ang nasyonalismong pangwikang katutubo ng tulad ni Jose o ang nasyonalismong pangwikang pandaigdig ng tulad ni Panlasigue?

Kapag sinuri pa ang kaso ng wikang pambansa sa unang Kumbensiyong Konstitusyonal, tiyak na ipinagbunyi na nina Osias noon ang nasyonalismong pangwikang pandaigdig nina Panlasigue. Ngunit nagwagi sa kapulungan ang nasyonalismong pangwikang katutubo nina Jose. Gayunman, malinaw din sa pamamagitan ng libro ni Panlasigue na hindi tumigil ang pangkatin nina Osias sa paghadlang sa nasyonalismong pangwikang katutubo hanggang makatapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bunga naman ng kampanya ng nasyonalismong pangwikang pandaigdig, na sa katotohanan ay tinatangkilik ng mayorya sa pangkating edukado’t mariwasa, lalo na ng mga opisyal ng pamahalaan, hanggang sa kasalukuyan ay hindi ganap na naitaguyod ang tadhana ng Konstitusyong 1936. Nakagagawa rin ng pagbaluktot sa kasaysayan ang mga tulad ni Panlasigue hanggang ngayon, tulad ng pinalaganap na hinalang niluto ng mga Tagalog ang tadhanang pangwika sa naturang Saligang-Batas.

Mahalagang isingit ang pinalaganap na hinala ng mga kontra-Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa ang diumano’y pakikialam ng Lupon sa Estilo ng Kumbensiyon sa orihinal na mungkahi ni Vinzons. Unang-unang katwiran ito ni Pacis sa kaniyang paggigiit ng Ingles, at kuwento niya:

Delegate Mariano Jesus Cuenco of Cebu presented a resolution making Tagalog outright as the country’s national language. The Cons- titutional Convention voted it down overwhelmingly. Delegate Wences- lao Vinsons (sic) of Camarines Norte next presented a resolution providing for the development of a national language based on the principal native languages (plural). This was approved and in time referred to the style committee together with the rest of the constitutional draft. When the resolution came out of this committee, its sense had been completely changed; it provided, as it now appears in the Constitution, for the development of a national language based on one (singular) of the principal native languages.

Totoo na iba ang mungkahi ni Vinzons sa lumitaw na tadhanang pangwika ng Konstitusyong 1935. Ngunit mahirap isisi sa “pagluluto” ni Quezon o ng mga Tagalog ang buong pangyayari. Ang totoo, napakahirap “magluto” kapag sinilip ang kasapian ng Lupon sa Estilo na binuo noong 30 Enero 1935. Narito ang unang hinirang na 24 na kasapi ng komite at ang kanilang kinakatawang pook: Claro M. Recto (Batangas, abogado at manunulat), Manuel Roxas (Capiz, abogado at lider ng minorya), Francisco Arellano (Sorsogon, abogado), Jose M. Aruego (Pangasinan, abogado), Conrado Benitez (Laguna, abogado), Manuel Briones (Cebu, abogado), Jose D. Conejero (Albay, abogado), Jesus Cuenco (Cebu, abogado), Miguel Cuaderno (Bataan, abogado), Jose M. Delgado (Laguna, abogado), Vicente J. Francisco (Cavite, abogado), Jose M. Hontiveros (Capiz, abogado), Jose P. Laurel (Batangas, abogado), Manuel Lim (Maynila, abogado), Ricardo Nepomuceno (Cagayan, abogado), Rafael Palma (Maynila, abogado), Gregorio Perfecto (Maynila, abogado), Eusebio Orense (Batangas, abogado), Camilo Osias (La Union, edukador), Jose M. Reyes (Sorsogon, edukador), Jose E. Romero (Negros Oriental, abogado), Norberto Romualdez (Leyte, abogado), Vicente Singson Encarnacion (Ilocos Sur, abogado), at Filemon Sotto (Cebu, abogado). Pagkuwan, idinagdag pa ang apat na sina Fermin G. Caram (Iloilo, doktor), Jose C. Locsin (Negros Occidental, doctor), Ruperto Montinola (Iloilo, abogado), at Teodoro Sandiko (Bulacan, magsasaka).

May nagpaliwanag na ba sa sinumang 28 kasapi ng Lupon sa Estilo sa isinagawa niláng kutsabahan upang baguhin ang mungkahi ni Vinzons? Isa sa kanila, si Jose M. Aruego, ang awtoridad sa Kumbensiyon at sumulat ng The Framing of the Philippine Constitution (1937 at 1949). Naroon ang usapin sa Wikang Pambansa ngunit walang banggit sa sinasabi ni Pacis na pakikialam ng Lupon sa Estilo. Makikita rin sa paglilista ko ngayon na may kinatawan ang mga pangunahing panig pangwika sa komite, at lalo na’y naroon ang pangunahing kontra-Tagalog na sina Camilo Osias at Filemon Sotto. Ano kayâ ang nangyari at pumayag silá sa naging tadhanang pangwika ng Konstitusyong 1935? Hindi kayâ dahil noong silá-silá na lámang ay umiral ang katwiran ni Saleeby at napagwari nina Osias at Sotto na isang napakalabò at romantisistang haka ang pagbuo ng isang wikang pambansa mula sa sinangkutsang mahigit sandaang katutubong wika ng Filipinas? Kung ang init ng naging pagtatálo naman sa bulwagan ng Kumbensiyon ang pagbabatayan ay nakapagtataka ang pananahimik ng mga kumontra kay Cuenco nang iharap ang pangwakas na borador ng Konstitusyon. Kung tunay siláng naninindigang dapat ibatay sa mga pangunahing wika ng Filipinas ang Wikang Pambansa ay imposibleng ni walang pumansin sa naging pagbabago mula sa mayoryang bumoto laban sa resolusyon ni Cuenco. Siyempre, hindi na natin dapat surutin ang nakikiisang pananahimik ni Vinzons dahil mula’t mula naman ay ang rebisyon ng Lupon sa Estilo at naging tadhana ng Konstitusyon ang kaniyang nais.

May dalawang malaking tungkulin, samakatwid, ang ganitong pagbabalik sa kasaysayan ng Wikang Pambansa. Una, lumilinaw na baluktot at binaluktot ang linyang ikinakalat ng mga pusakal na kaaway ng wika. Bukod sa walang pruweba, mahirap niláng patunayan ang haka-haka na nilakad o pinuwersa lámang ni Quezon ang pagdedeklara sa Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa. Ikalawa, at kaugnay nitó, ang espiritu ng pagbuo sa isang Wikang Pambansa batay sa isang wikang katutubo ay isang makabansang espiritu na isinulong ng mga bayani ng wika mula sa iba’t ibang rehiyon at nagtuturo sa atin ngayon na ang pagbuo sa Wikang Pambansa ay isang sáma-sáma at tulong-tulong na gawain ng mga tao na kailangang umigpaw sa kanilang pansariling interes at kailangang magkaroon ng pananaw na lalagpas sa kanilang rehiyonalistang tungkulin alang-alang sa pagsibol ng totoong diwang Filipino. Kailangan natin ang marami pang Jose, Vinzons, Confesor, Villanueva, Romualdez, at de Veyra upang maging huwaran at bayani ng mamamayang Filipino.

Ferndale Homes
26 Pebrero 2009

Similar Documents

Premium Essay

3 Idiots: Reaction Paper

...3 Idiots: Reaction Paper 3 Idiots is a story of true friendship, leadership and fulfilment of dreams. This is one of the best movies I have seen. I gained a lot of lessons in this masterpiece. This is a quite long movie yet worthwhile. Rancho, one of the main characters in the movie, is undeniably a great person, a great friend, a great leader and a great student. Though he did nasty things, he still done it for a good purpose. He never thought of his own sake. He was never selfish. He possesses a lot of qualities of an effective leader. Because of his principles in life, he was able to set the lives of the people around him. The part of the movie that really amazed me is the moment wherein they have to perform a vacuum delivery. Rancho really did well in making the students coordinate and make the delivery successful. That was really stunning This just crossed my mind, if all people will be like Rancho, I guess the whole world will be better but I know it will be hard because ‘Chatur’ and ‘Virus’ exist in real world. They represent the challenges all people are facing every day. They also represent those people who will do everything just to let you down. Competition is very usual in every field of life but everyone can be Rancho. We should just have a concrete vision enclosed with competency and a strong desire of reaching every goal you have set. “Make your passion your profession” is one the quote from the movie that really marked on my mind. You can’t accomplish...

Words: 321 - Pages: 2

Free Essay

The People You Meet in College

...The People You Meet In College THE 1 HIT WONDER You will never hear this guy/girl ever say anything, whether it be to other students or the professor. Then one day, after looking extremely intense or constipated for an hour straight, they will say something so gloriously insightful that it will bring tears to the eyes of everyone who bears witness to it. Then they will never speak again. THE KID THAT NO-ONE LIKES This kid is a jerk! And for arguments sake let’s call him “DANNY.” You desperately want to punch him in his ear, but he’s disabled. And because he disabled he makes sure to make EVERYONE mad. This kid will sometime attempt to befriend you then manage to say or do something so unspeakably rude or offer some sort of backwards compliment. Parties disassemble whenever this guy manages to find his way to one. Everyone avoids him but secretly watches him to see if he will lose a crutch while walking or roll down the stairs just to get in a good chuckle. THE SUBURBAN RAPPER The Suburban Rapper can be found in any common area, listening to his own music on his IPOD at an unreasonable volume. Generally (but not always) white, he awkwardly uses the words Dog, Crib, Homie, Phat, G, or Ill. If he spots you, he’ll ask you to “peep this new track yo,” or attempt to sell you tickets to his concert. His music is generally unbearable, and if you’re lucky, you can get away with only hearing a few verses. He always seems surprised that his poser antics never land him a girl...

Words: 6127 - Pages: 25

Premium Essay

Experiencing Bollywood

...such ease. It has been a medium where social frameworks and modernity has been successfully transmitted to its audience thus far, standing testament to Bollywood’s popularity. Sprinkling magic dust and constructing fantasy through spectacle, Bollywood has managed to merge the reality with fiction for the audiences’ gaze. Moreover, this sensory experience of ‘watching’ Bollywood movies has managed to dissolve and reconstruct the boundaries of the cinema as a public place of consumption. In so doing, the cinema-going element has defined Bollywood and how audiences experience it – association of cinematic practices and cinematic image. This paper aims to textualize this experience, as observed and understood by myself, in the cosmopolitan setting of Singapore. Apart from the unique ethnography, I was intrigued to observe first-hand, the reaction of an audience familiarised with Bollywood as a spectacle genre of movies, when they encounter an avant-garde film – Finding Fanny, “a Wes-Anderson-esque Hindi Film”. Was it ‘paisa vasool’? Ethnography & Location The ethnography of Singapore is...

Words: 2812 - Pages: 12

Premium Essay

The Effects of Jejemon Phenomenon in Language Proficiency

...CHAPTER I BACKGROUND OF THE STUDY The chapter I of this research paper tackles about the introduction of the jejemon language that covers the definition of the different basic terms related to jejemon and historical background of the jejemon language, the significance of the study that states why and to whom this study is beneficial, the statement of purpose that identifies the objectives of this research study, the statement of the problem that consists of the problems that this study is covering to answer and the scope and limitation that enumerates the extent of this research study. A. Introduction Language is very important in our life. It is used to express our thoughts and ideas to communicate with others. In this modern era, language changes constantly. The language that we use today is getting wider and wider. Nowadays, we use technology like cellphones and computers to convey our messages and through these, people are learning on how to cope up and change the way they convey their thoughts and ideas in different forms. Indeed, English proficiency is one of the important things that we need to practice. The proper usage of both Filipino and English language is one of the important aspects of Philippine education. Correct grammar, syntax and pronunciation are the main concerns of improving our language proficiency to maintain an effective communication locally and internationally, but due to the continuous development of language, the emergence of Jejemon...

Words: 11283 - Pages: 46

Free Essay

Introduction

...Neeraj’s USMLE Step-2 CS Notes The Perfect “Encounter”: A Strategic Approach to Communication & Interpersonal skills The encounter in a USMLE CS examination is between a non-physician medical educator (SP: Standardized Patient) and an examinee, who may be a medical student or a physician. SPs are defined as "a simulated or real patient who has been taught to present a problem so accurately that the simulation cannot be detected by a skilled clinician.” (1) These SPs will seem like real patients to you and should be treated as such during the USMLE examination. With this in mind, it is important to remember that good communication and interpersonal skills are a top concern for every patient. If you have a pleasing personality, patiently hear all of their dilemmas and concerns, and have good communication skills, it will surely create and maintain long lasting and conducive relationships with your patients. Before we talk about strategies to delineate an ideal and perfect encounter with a SP, we should know a few facts about the examination. First, what is the purpose of the examination? It is very interesting that this examination is structured to test your clinical skill proficiency and not the diagnosis that you arrive at. Three components of the report score: One must pass all three components in a single test administration. These three components are as follows:    ICE (Integrated Clinical Encounter): assess data gathering and data sharing ability...

Words: 8486 - Pages: 34

Premium Essay

A Change Recipient Perspective on Training and Competence Development During Organizational Change

...HUMAN RESOURCES Conference Paper Abstracts A CHANGE RECIPIENT PERSPECTIVE ON TRAINING AND COMPETENCE DEVELOPMENT DURING ORGANIZATIONAL CHANGE Olsen, Trude Hogvold; Harstad U. College; trude.olsen@hih.no Stensaker, Inger G.; NHH Norw.Schl of Economics and Business Adm.; inger.stensaker@nhh.no As organizations change and adapt to pressures in the external and internal environment, managers and employees are required to learn new competencies and skills. Ideally, new skill requirements should be identified and developed early in the change process in order to ensure that managers and employees are ready to face their new tasks and roles when the changes are implemented. However, despite good intentions at the top management level, employees and middle managers often report uncertainty and a lack of the necessary skills required to implement change. In this paper, we report from a qualitative study of two planned organizational change initiatives in the public sector. The changes involved new work tasks and managerial roles for a group of middle managers. Although the skill requirements appeared to be clear and formal training was initiated, a number of uncertain and ambiguous issues emerged among the change recipients. We examine the types of uncertainty and ambiguity that emerged and how change recipients attempted to handle these challenges. Our findings suggest that although necessary and important, formal training procedures are not adequate for resolving competence-related...

Words: 27190 - Pages: 109

Free Essay

Communication at Work

...then “turn it off.” Forgiveness will turn off the burner. WORKSHOP OBJECTIVES By the completion of this workshop, the student will be able to: * Evaluate scenarios in which listening has been compromised. * Examine conflict management in the workplace. * Describe barriers of effective listening. * Compare ambiguous and specific language. * Investigate the use of praise and criticism in the workplace. * Create slides using a professional design selected in PowerPoint. ------------------------------------------------- Workshop Two Assignments The following assignments will be submitted prior to Workshop Two. Individual Assignments Activity 2.1: Reading 1. Read chapters 3, 4, 5, and 11 in Communicating at Work, and chapters 3 and 4 in Point, Click & Wow! 2. Read the Computer Solutions strategic case on page 66 of Communicating at Work. Activity 2.2: Computer Solutions 1. After reading the Computer Solutions strategic case in Communicating at Work and address the following:...

Words: 4542 - Pages: 19

Free Essay

Incurable

... Prologue  The sun is about to set. That fuzzy and pitch-black place with a nostalgic hymn of the approaching dying twilight is already filled with his desire to wake up from his endless nightmare. Holding a golden ring on his right hand, he is calmly watching over the horizon as he tries to feel better, but he cannot for he is still caged within the memories of the wicked past and within the present catastrophe. He gradually leaned his back to that mango tree where their chained names are carved inside a heart. For the past 99 days, it has been his desperate habit to wait there for the coming of that person whom he knows will never arrive. Then liquids of emotions flowed out of his vision as his heart drowns with it. Nothing can comfort him since when that peak of joy bounced him out and turned him to be a man he is now. He was never insane yet he doesn’t already know of whom he is and even the people around him; he is just hopeless and unable to keep step of what happened for the past year. Grief and fear never left him and continued to slaved him and took control over his moral and physical character which paved him to be a ‘hard to decipher person’. However, he still lives for he has still an inch of dignity despite of great loneliness. Moreover, his heart is still shouting aloud saying, “I will never leave you..”  Chapter I  It’s Saturday. Lesther is very excited for he will be seeing his long-time girlfriend again to celebrate their 4th year anniversary. Of...

Words: 11857 - Pages: 48

Premium Essay

English

...JEJEMON research paper by John Andrew Samonte * by diyubaku, Oct 10, 2010, 10:42:48 PM * Journals / Personal iii Table of Contents Title Page............................................................................................i Acknowledgement......................................................................ii Table of Contens......................................................................................iii Chapter I....................................................................................1 Introduction and Background of the story.........................1 Significance of the Study..................................................3 Scope and Limitations......................................................5 Chapter II................................................................................... Research Problem.................................................................................8 Effects..................................................................................................10                                                                                                                                                                          ii Acknowledgement  “You learn to speak by speaking, to study by studying, to run by running, to work by working; in just the same way, you learn to love by loving.” I  would  like  to  express my sincerest thanks to those special persons  who  made  my  life  so meaningful...

Words: 4253 - Pages: 18

Free Essay

Yes Yes to Yes

...1 Dividing a number by zero doesn't produce an infinitely large number as an answer. The reason is that division is defined as the inverse of multiplication; if you divide by zero, and then multiply by zero, you should regain the number you started with. However, multiplying infinity by zero produces only zero, not any other number. There is nothing which can be multiplied by zero to produce a nonzero result; therefore, the result of a division by zero is literally “undefined.” 1a Renee was looking out the window when Mrs. Rivas approached. “Leaving after only a week? Hardly a real stay at all. Lord knows I won't be leaving for a long time.” Renee forced a polite smile. “I'm sure it won't be long for you.” Mrs. Rivas was the manipulator in the ward; everyone knew that her attempts were merely gestures, but the aides wearily paid attention to her lest she succeed accidentally. “Ha. They wish I'd leave. You know what kind of liability they face if you die while you're on status?” “Yes, I know.” “That's all they're worried about, you can tell. Always their liability-” Renee tuned out and returned her attention to the window, watching a contrail extrude itself across the sky. “Mrs. Norwood?” a nurse called. “Your husband's here.” Renee gave Mrs. Rivas another polite smile and left. 1b Carl signed his name yet another time, and finally the nurses took away the forms for processing. He remembered when he had brought Renee in to be admitted, and thought of all the stock...

Words: 5735 - Pages: 23

Premium Essay

African Literature

...erian novelJournal of Education and Practice ISSN 2222-1735 (Paper) ISSN 2222-288X (Online) Vol 2, No 4, 2011 www.iiste.org A Study on Gender Consciousness in Nigerian Autobiographical Narratives and Power of the Interview Ogunyemi, Christopher Babatunde Department of English, College of Humanities, Joseph Ayo Babalola University PMB 5006 Ilesa 233001 Osun State, Nigeria. bbcoguns2@yahoo.se Akindutire, Isaac Olusola Department of Physical and Health Education, Faculty of Education University of Ado Ekiti Ado Ekiti. Ekiti State, Nigeria ioakindutire@yahoo.com Adelakun, Ojo Johnson Department of Economics, Joseph Ayo Babalola University, PMB 5006 Ilesa 233001, Osun State, Nigeria joadelakun@yahoo.co.uk Abstract The study explores some self-created metaphors in male autobiographical writings in Nigeria. It visualizes the negation of female gender in art. The paper investigates the dichotomy of language, the use of irony and situational metaphors to displace conventional ones; it blends theories with critical evaluation of discourse. The research uses empirical methods in solving hypothetical questions with the use of extensive and relatively unstructured interviews. It examines the interviews of twenty five people independently, these people include: University lecturers, students, administrative and technical staff. The work analyzes concurrently their interview testimonies to search for congruence. Data analysis begins with a detailed microanalysis in which emergent concepts...

Words: 8721 - Pages: 35

Premium Essay

Haruhi Vol 1

...Suzumiya Haruhi: Volume One: The Melancholy of Suzumiya Haruhi Colour Illustrations These are color illustrations that were included in volume 1. Cover Page Inside Flap Chapter 1 "Normal humans don't interest me." Chapter 2 Haruhi gets Mikuru into a bunny outfit. Chapter 7 "Hey Kyon, what's that giant?" Prologue Flap The Melancholy of Suzumiya Haruhi Prologue Prologue When did I stop believing in Santa Claus? In truth, this sort of silly question holds no real significance for me. However, if you were to ask me when I stopped believing that the old man wearing the red costume was Santa, then I can confidently say: I have never believed in Santa, ever. I knew that the Santa who appeared at my preschool Christmas party was a fraud, and now that I think about it, every one of my classmates shared the same look of disbelief watching our teacher pretend to be Santa. Although I had never seen mommy kissing Santa Claus, I was already wise enough to be suspicious about the existence of an old man who worked only on Christmas Eve. However, it took me quite a bit longer to realize that the aliens, time-travelers, ghosts, monsters and espers in those effects-filled 'good guys versus evil organization' cartoons didn't actually exist either. No, wait, I probably did realize, I just didn't want to admit it. Deep inside my heart I still wanted those aliens, time-travelers, ghosts, monsters, espers and evil organizations to suddenly appear. Compared to this boring, normal...

Words: 54207 - Pages: 217

Premium Essay

Factor Affecting

...PROBLEM STATEMENTS This Research is mainly dealt with knowing purchase and post purchase behaviour. This Research is focuses on product output which customer get from the product. This Research is also focus on changing preference of customers because in today’s time there are so many best option for customer for every electronic product. This Research also studies that product are reaching up to the expectation of customer or not. A electronic product company differentiate its product on different grounds. So we study that, for which qualities company is advertising, those features that product have or not. SCOPE OF THE STUDY ? This Report will help to understand the consumer behaviour towards purchasing a new Washing Machine or Refrigerator. ? It also opens the various factor which can effect the purchase decision. ? This Report provides a frame of mind of people, what are the exceptions of consumer and up to how much level these expectation met. ? This Report will be helpful for Retailers and Companies so that they can understand the consumer behaviour and can satisfy the consumer on more better manner. ? To know whether they recommend to other or not. www.allprojectreports.com OBJECTIVES OF THE STUDY ? To know race of celebrity in buying decisions. ? To know consumer behaviour while purchasing. ? To know what factor affect consumer behaviour. ? To know the consumer view regarding service/after sales service. ? To know various strategies...

Words: 6303 - Pages: 26

Premium Essay

2002final

...Final Exam Mgt 3030 1. The final exam will require written/essay answers based on THREE of the following scenarios. You will be provided with clean copies of the scenarios for the exam. 2. Questions will be graded on the thoroughness of the answer. The grading rubric is attached to this document. Each scenario has equal weight. 3. I will be available, during office hours or by appointment, to support your study process. This support will be limited to helping you understand the course concepts and theory. I cannot answer questions directly related to the scenarios or how the theories could be directly applied to these scenarios. 4. You are encouraged to prepare for this exam with your colleagues, e.g. your assigned work group. Feel free to discuss the scenarios and your approaches with your classmates. The actual exam, however, is to be an individual effort. Any incidence of cheating will receive in an automatic F in the course. 5. This will be a closed book exam. No course materials, including your working copies of these scenarios, will be permitted into the exam room. (Binders, book bags, etc. will be left at the front of the exam room for collection after the exam is completed.) No electronics (headphones, Palmpilots etc.) are permitted. 6. As this is a closed book exam and access to your references/sources (text, lecture notes) are not available, you will not be expected to cite your sources on the final exam. Hints: Evidence of critical thinking...

Words: 6106 - Pages: 25

Free Essay

A Cursed Love

...Resources for Teaching Prepared by Lynette Ledoux Copyright © 2007 by Bedford/St. Martin’s All rights reserved. Manufactured in the United States of America. 2 1 f e 0 9 d c 8 7 b a For information, write: Bedford/St. Martin’s, 75 Arlington Street, Boston, MA 02116 (617-399-4000) ISBN-10: 0–312–44705–1 ISBN-13: 978–0–312–44705–2 Instructors who have adopted Rereading America, Seventh Edition, as a textbook for a course are authorized to duplicate portions of this manual for their students. Preface This isn’t really a teacher’s manual, not, at least, in the sense of a catechism of questions and correct answers and interpretations. Because the questions provided after each selection in Rereading America are meant to stimulate dialogue and debate — to generate rather than terminate discourse — they rarely lend themselves to a single appropriate response. So, while we’ll try to clarify what we had in mind when framing a few of the knottier questions, we won’t be offering you a list of “right” answers. Instead, regard this manual as your personal support group. Since the publication of the first edition, we’ve had the chance to learn from the experiences of hundreds of instructors nationwide, and we’d like to use this manual as a forum where we can share some of their concerns, suggestions, experiments, and hints. We’ll begin with a roundtable on issues you’ll probably want to address before you meet your class. In the first section of this manual, we’ll discuss approaches to...

Words: 57178 - Pages: 229