Ang “Walang Rape sa Bontok” ay isang documentary film na tumatalakay sa pambihirang kultura ng Bontok people, “a society against women violence”. Kamangha-mangha sapagkat walang konsepto ng rape at walang malisya ang mga tao dito. Ang pag-aaral na ito ay muling pagsusuri ng dalawa sa napakaraming biktima ng sexual harassment sa naunang pananaliksik ni Ms. June Prill-Brett noong 1968. Sa kanilang pagsusuri, inalam nila ang iba’t ibang salik na tumitigil sa pagkakaroon at paglaganap ng rape sa Bontok.
Ang una sa anim na salik ay ang espritwal na paniniwala at relihiyon ng Bontok. Naniniwala sila na mas may nakakataas sa kanila na kanilang nirerespeto at kinatatakutan katulad ng mga bundok at iba pang kalikasan. Ipinagbabawal ang inayan (pagtatalik sa labas ng bahay) dahil naniniwala silang magagalit ang kalikasan. Isa itong dagdag na dahilan upang walang panggagahasang magaganap sa labas ng mga tahanan nila. Sa kanila, kapag ang isang taga-Bontok ay nagkasala ito ay nagiging permanente at di napapatawad. Pang habang buhay itong magiging outcaste at maipapasa sa susunod na henerasyon. Kung ikukumpara sa atin, higit na may isang salita at paninindigan ang mga taga-Bontok. Hindi sila gaanong depensibo sa mga parusa sapagkat walang magnanais magkamali at gumawa ng mali.Kahit na gaano pa kahirap ang parusa, kung walang susuway sa batas, di dapat mag-alala.
Ikalawa ang mga pisikal na istruktura. Sa pagliligawan, pumupunta ang mga kalalakihan sa olog kung saan kitang kita ng lahat ang panunuyo. Imposibleng may manggahasa sapagkat maraming nakakakita.Napakarasyonal ng mga taga-Bontok, kung nais nilang manuyo, sila’y nagdadala ng mga bagay na kapakipakinabang para sa kababaihan tulad ng panggatong at hindi rosas na simbolismo ng pag-ibig at iisang myth lamang. Kung ayaw sayo ng nililigawan mo, edi maghanap ng iba.Simple lamang ang lahat. Hindi na kailangang pahirapan ang ating mga sarili.
Ikatlo, ang giyera sa pagitan ng mga tribo. Ang giyera ay para sa kalalakihan sapagkat di maaaring masaktan ang kababaihan na tanging may kapasidad na manganak.Maliban dito, ang kababaihan ay may kakaiba pang kapangyarihan upang tigilan ang mga giyera. At dahil bawal makita ng kalalakihan ang uri ng babae sapagkat masamang pangitain ito. Kahit na may sariling organisasyon ang kalalakihan, kitang-kita pa rin ang tindi ng pagpapahalaga para sa mga kababaihan.
Ikaapat at ikaanim, Gender Ideology at buhay sa Payew. Sa kanila ang kababaihan lamang ang may kakayahang makapagpatubo ng mga pananim. Ang mga kalalakihan ang siyang naiiwan sa mga tahanan upang gumawa ng mga gawaing bahay. Likas din sa mga tatay ang palagiang pag-aalaga sa kanilang mga anak. At dahil mababait at disiplinado ang mga kababaihan, ang mga lola o nakakatandang babae ang nagsisilbing “Bontoc Women brigade” o parang pulis na naninita sa curfew at iba pa. Kung iintindihing mabuti, napakalaki ng kontribusyon ng kababaihan maliban pa sa kakayanan nitong manganak at mag-alaga ng anak. Ang pangkalahatang panananaw na ganito ay nagdudulot rin ng malaking respeto sa kababaihan upang di sila gahasain.
Panglima, pananaw sa relasyon, kahubdan at seks. Di na bago ang arranged marriages. Para sa kanila, natututunan ang pagmamahal. Ang pagmamahal ay pagpaparamdam na handa ka laging makiramay at pagbibigay ng makabuluhang mga bagay tulad ng prutas, panggatong atbp. Hindi ito maipapahayag sa pagiging “clingy” at sa “pleasure”. Sa sobrang pagod at pagsusumikap ng mga Bontok, lagi silang pagod. kung kaya’t madalang din ang pagtatalik na ang tanging silbi ay para magka-anak. Iba ang pag-ibig sa kanila na sobrang taliwas sa alam nating komplikado at magulong pag-ibig. Malabo nga namang manggahasa o mamilit ang mga taong tumitingin sa seks sa ganitong pananaw. Hindi na mabubura ang lahat ng tala o kasaysayan ng rape pero KAYANG BAGUHIN ANG KAMALAYAN TUNGO SA RAPELESS COMMUNITY!