Free Essay

“Epekto Ng Labis Na Pagkahumaling Sa Kpop Ng Mga Piling Mag-Aaral Ng Marketing Management Ng Politeknikong Unibersidad Ng Pilipinas”

In:

Submitted By michellemenes
Words 4088
Pages 17
KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

PANIMULA

Marami ng iba’t ibang “genre” ng musika ang umusbong sa pagtagal ng panahon, gaya na lamang ng “pop,” “rock,” “emo,” ” jazz” at iba pa. Sa panahon ngayon, partikular sa bansang Pilipinas, maraming humahanga sa “KPOP,” ito ay pinaikling salita ng “Korean Pop.” Kadalasang tinedyer ang tumatangkilik ng musikang ito. Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na nasa lenggwaheng koreano ang mga liriko ng mga kanta na ito. Kaya naman kakaunti lamang ang may kakayahang makaintindi nito. Sa pamamagitan ng mga teknolohiya, mabilis na sumikat, nakilala, at naipakalat ang “KPOP” na musika sa buong mundo, gaya na lamang ng “youtube” na kinalalagyan ng iba’t ibang “video.” Ito ang nagiging daan upang makilala o malaman ng mga tao ang mga bagong musika sa panahon ngayon. Maaari rin ang iba’t ibang “website” sa “internet,” gaya ng “facebook,” “twitter,” at iba pa. Maging sa telebisyon ay naipapalabas ang mga grupo na mga koreano na gumagawa ng mga kantang “KPOP.” Bukod sa galling kumanta at sumayaw ng mga koreanong kabilang sa isang grupo na gumagawa ng kantang “KPOP,” dahil na rin sa ganda, gwapo, at galling nilang pumorma kaya naman madali nilang nakuha ang atensyon ng maraming tao, partikular mga tinedyer. “KPOP” o “Korean Pop” ay isang uri ng musika na nadebelop sa bansang Korea kaya naman puro koreano at koreana ang mga gumagawa ng mga kanta nito na nakasalin sa kanilang sariling wika. Ang mga kabilang sa isang grupo ng mga koreano ay hindi lamang magaling sumayaw at kumanta, lahat sila ay magaganda at gwapo na nakakaakit sa maraming tao. Ang ilang mga estudyante ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na kasalukuyang kumukuha ng kursong “Business Administration major in Marketing and Management”, ay mapapansing maraming tumatangkilik ng musikang “KPOP.” Mapapansin ito sa musikang kanilang kinakanta o pinakikinggan ng madalas, pananamit, pagsasalita,at kanilang mga kagamitan. Ito lamang ay patunay na kadalasang tinedyer talaga ang naaakit sa “KPOP.” Ang iba naman sa sobrang pagkahumaling ditto, sobrang panggagaya na rin ang kanilang ginagawa na humahantong sa pagbabago sa ilang aspeto ng kanilang personalidad. Nagkakaroon ito ng masama at mabuting epekto sa kanila. Ang pagkakaroon ng mga kaibigan ang isa sa mga magagandang dulot ng pagkahumaling sa “KPOP.” Dahil sa sikat na nga ang “KPOP” sa bansa, marami ng nakakakilala rito at kadalasang mga estudyante pa kaya mapapansing may mga magbabarkada ang may hilig sa “KPOP”. Ang isa naman sa masama o negatibong epekto ng pagkahumaling sa “KPOP” ay ang pagkaluma o pagkalaos ng mga musikang sariling atin. Alam naman natin na maraming tinedyer sa bansa, kaya kung marami sa kanila ang nahuhumaling sa “KPOP,” maaaring malaos ang ating sariling musika gaya ng mga kantang OPM. Mahalaga ang mga musikang gawang Pilipino. Maganda rin ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Sa tulong ng pag-aaral na ito, mas mauunawaan natin ang mga masama at mabuting epekto ng sobrang pagkahumaling ng mga estudyante sa “KPOP,” partikular mga nag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na kumukuha ng kursong “Business Administration major in Marketing and Management.” Ipapaliwanag din dito ang mga dahilan ng kanilang pagkahumaling sa “KPOP.” Ito ay makakatulong upang lalo nating maintindihan ang mga estudyanteng sobra ang pagkahumaling sa “KPOP.”

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN Ang K-pop ay isang kategorya ng musika na binubuo ng electropop, hiphop, pop, rock at R&B na nagsimula sa Timog Korea. Ang K-pop ay naging popular sa kultura ng mga kabataan sa buong mundo, na nagbunga ng laganap na interes sa pananamit at estilo ng mga iniidolong grupo ng mga Koreyano at mga mang-aawit. Sa pamamagitan ng mga Facebook fan pages, iTunes, Twitter, at music videos sa Youtube, ang abilidad ng K-pop na maiparating sa mga dati’y hindi ma-abot-abot na mga tagapakinig sa pamamagitan ng Internet ay naging mas madali. Ang mga ito ay naging daan upang ang K-pop maging isang tampok at popular na kategorya ng musika.
Sa ngayon, ang Timog Korea ay isa sa mga pinakamalaking tagalikha ng contemporary music o pangkasalukuyang musika sa Pasipiko. Ang kanilang popular na kultura ay nagdulot ng malaking impluwensiya sa contemporary music sa Pasipiko, lalong lalo na sa China, Hong Kong, Japan, Taiwan, at Vietnam. And K-pop ay unti-unting nagkakaroon ng posisyon sa rehiyon, katulad ng posisyon ng musika ng mga Amerikano sa Europa at ng ibang parte ng Kanluran, hanggang sa mga taon ng 1990’s. http://tl.wikipedia.org/wiki/K-pop BALANGKAS TEORETIKAL
Sa parteng ito ay tinatalakay ang tatlong uri ng teorya na pwedeng iugnay sa problema na aming binuo at sinaliksik. TEORYANG CULTURAL PROXIMITY
Binuo ni Joseph Straubhaar ang teoryang ito upang maunawaan ang paglawak ng Braziliang telebisyon sa mga Latinong Amerikanong manonood nito. Ang kanyang teorya ay nagpapaliwanag na naghahanap ang mga manonood ng isang kultural at tradisyonal na nilalaman ng isang lokal na media ngunit kapag hindi nakita ng mga manonood ito ay naghahanap sila ng mga palabas na nagpapaliwanag at nagpapahalaga ng isang kultura o lenggwahe ng isang partikular na bansa.
Sinabi din ni Starubhaar na minsan:
“…sila ay lumalampas sa lenggwahe at isinasama na rin nila ang kasaysayan, relihiyon, lahi at kultura sa iba’t ibang antas nito tulad ng: pananamit, pamumuhay, impluwensya ng klima at iba pang maaaring iugnay sa kapaligiran.”
Itong kasong ito ay nauugnay sa Korean Wave sa Asya. Sa pag-aaral ng Hallyu na ginamitan ng kanyang teorya ay nagpapaliwanag na ang kasikatan ng Korean dramas lalong-lalo na sa silangang Asya.
Kahit si Straubhaar at ang ibang mananaliksik ay gumagamit ng Teoryang Cultural Proximity sa pag-aaral ng transnasyonal na daloy ng nilalaman ng telebisyon, ang mga kasalukuyang mananaliksik ay pinananatili ang kaunawaan ng kpop, hindi lang sa telebisyon pati na rin sa iba pang media gaya ng internet at social sites. TEORYANG MEDIA DEPENDENCY
Binuo naman nila Sandra Ball-Rokeach at Melvin DeFleur noong 1976. Sa madaling pagpapaliwanag, ang teoryang ito ay nagpapaunawa na kung gaano karami ang tao na nakadepende sa media para mapunan ang kanyang pangangailangan, mas malaki ang kahalagahan ng media sa buhay ng tao kaya, mas lalawak pa ang impluwensya ng media sa taong iyon.
Ang mananaliksik ay pinanatili ang teorya sa pagpapaliwanag kung paano ang isang Filipino fan ay naglalaan ng kanyang oras sa kpop at iba pang nakaugnay dito at kung paano siya nakadepende sa media na nagiging daan para maapektuhan ang kanyang pag-uugali.

TEORYANG USES AND GRATIFICATIONS
Binuo nila Elihu Katz at Jay Blumler. Isa ito sa mga naunang teorya na nagpanatili at nagbigay pangangailangan sa mga tao. Ang mga tao ay naniniwala na “goal-directed in its media use” para masiyahan sila sa iba’t ibang pangangailangan nila sa buhay.
Sa mga nakaraang taon, ang teoryang Uses and Gratifications ay nagpapaliwanag na ang mga gumagamit sa Internet ay laging nakadepende dito.
Sa pagbubuod ng teoryang ito ay pinaliwanag nila Lundberg at Huten ang kanilang mga palagay: Ang mga madla ay aktibo sa paglalawarawan sa isip. Ang media ay nakikipaglaban sa iba pang pwedeng panggalingan ng kasiyahan. Ang mass communication process ang nangunguna sa pagbibigay kasiyahan at nakasalalay sa madla ang pagpili ng media. http://en.wikipedia.org/wiki/Media_systems_dependency_theory http://communicationtheory.org/media-dependency-theory/ http://en.wikipedia.org/wiki/Uses_and_gratifications_theory http://www.mhhe.com/mayfieldpub/westturner/student_resources/theories.htm http://communicationtheory.org/uses-and-gratification-theory/ http://www.researchgate.net/publication/215640114_Cultural_proximity_in_TV_entertainment_An_eightcountry_study_on_the_relationship_of_nationality_and_the_evaluation_of_U.S._prime-time_fiction http://journals.culture-communication.unimelb.edu.au/platform/v2i1_movius.html BALANGKAS KONSEPTWAL

Ang modelong nakalarawan ay tumutukoy sa mga fans na patuloy na nahuhumaling sa kpop at ang mga magiging epekto nito sa kanila. Inilalarawan din at nauugnay ang iba’t-ibang teorya sa kanilang pagiging fans.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito na may paksang may “EPEKTO NG LABIS NA PAGKAHUMALING SA KPOP NG MGA PILING MAG-AARAL NG MARKETING MANAGEMENT NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS”ay naglalayong malaman ang mga masamang epekto ng pagkakahumaling sa KPOP ng mga piling mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa Manila.
Hinahangad din ng pag-aaral na ito na matugunan ang mga sumusunod na suliranin:
1. Ano ang KPOP?
2. Bakit patuloy na tinatangkilik ng mga piling mag-aaral ng BSBA-MM ang KPOP?
3. Anu-ano ang mga kadahilanan kung bakit kinagigiliwan ng mga piling mag-aaral ng BSBA-MM ang KPOP?
4. Anu-ano ang positibo at negatibong epekto nito sa mga mag-aaral ng kursong BSBA-MM batay sa; pisikal, sosyal, emosyonal at kultura?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang buksan ang isip ng mga mambabasa sa mga epekto ng labis na pagkakahumaling sa KPOP. Hindi lamang sa mga kabataan o mag-aaral ito makatutulong pati na rin sa mga taong labis na nahuhumaling sa KPOP.Sa mga nahuhumaling na dito para magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa pagkakahumaling nila sa KPOP. Sa mga taong wala pang ideya tungkol sa KPOP upang habang na maaga pa ay maipahayag na sa kanila mga maaring idulot na epekto nito. At sa mga hindi pa nahuhumaling dito upang malaman nila ang epekto nito sa kanila. Ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ay ang makapgalahad ng mga impormasyon sa mga mambabasa tungkol sa mga epektong dulot ng pagkakahumaling sa KPOP at para makapagbigay-alam sa publiko sa kanilang magagawa upang maiwasan ang mga masamang epektong dulot nito sa kanilang sarili pati na rin sa kultura at ekonomiya ng Pilipinas.

SAKLAW AT LIMITASYON Sumasaklaw sa pag-aaral na ito na may paksang may “EPEKTO NG LABIS NA PAGKAHUMALING SA KPOP NG MGA PILING MAG-AARAL NG MARKETING MANAGEMENT NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS” ang mga nagging pagtugon ng respondente at metodolohiyang ginamit ng bawat mananaliksik at binigyang pansin ayon sa resulatang kanilang nakalap. Kaalinsabay nito, pinag-aralan ng mananaliksik ang mga instrumentong gagamitin sa pagsagap ng datos sa mga respondente at kumuha ng mga impormasyong may kaugnayan sa KPOP at mga estudyante na mula sa dyaryo, journal, magasin o internet. Ang mga nakuhang datos at binigyang-interpretasyon ay pag-aaralan ng mga mananaliksik ang pagkakahumaling ng mga estudyante sa KPOP. Binigyang tuon din ng mga mananaliksik ang mga dahilan o sanhi kung bakit naapektuhan ng ang pag-uugali at personalidad ng mga estudyante. Ang lahat ng hindi nabanggit sa pag-aaral na ito ay hindi sasaklawin ng mananaliksik.

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT Upang magging mas maliwanag at malinaw ang pag-aaral na ito ay inilahad ng mga mananaliksik ang mga kahulugan ng mga talakay na ginamit na may kaugnayan sa paksa.
Adik- sobrang pagkahumaling sa isang bagay.
Contemporary music- Pangkasalukuyang musika.
Electropop- kategorya ng musika na ang tunog ay gawa ng kompyuter o synthesizer
Facebook fan page- ito ay isang “public profile” na ginawa upang maipahatid ng mga fans sa kanilang inidolo at kapwa fans ang kanilang nais ipahatid.
Fan(s) - mga taong sumusubaybay o nahuhumaling sa KPOP.
Genre- uri o kategorya ng musika.
Globalisasyon- proseso ng maigting na pagkakaugnay ng bansa sa daigdig.
Hiphop- kilala din sa tawag na rap music iTunes- ito ay isang “media player o media library application”.
Koreanovelas- mga drama/palabas na gawa at ginanapan ng mga Koreano.
Korean Wave- tumutukoy sa pagtaas ng popularidad ng South Korean Culture.
Music Video- isa itong “recorded videotaped performance” ng isang tao o higit pa na karaniwan ay pag interpret sa sayaw o pagkanta .
Pop- mga awiting pumatok sa pandinig ng mga tao.
R&B- (rhythm and blues) binubuo ito ng Rock at Ballad na musika.
Twitter- isa itong “social networking and microblogging service” kung saan pwede kang magpahayag ng iyong nais sabihin na hindi lalagpas sa 140 characters.

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
BANYAGANG LITERATURA Nagging matunog sa publiko ang KPOP sa ngayon ,dahil ndin sa bagong music video ng bandang Super Juniors na nakakuha ng pangatlong posisyon sa Youtube’s Global Chart. Ang nasabing music video ay pumangatlo sa Most Viewd Webcast matapos nina Lady Gaga at Kanye West , na nagpatunay na unti-unting pagunlad at pagsikat ng KPOP Dance Group.(2011) Noong taong 2009, ang Kpop Dance Group na Wonder Girls naman ang pumukaw sa atensyon ng Publiko matpos nilang makuha ang Rank no.1 sa Year End Charts Hot Single Sales Section dahil ditto napagdesisyunan na i-released ang kauna-unahang Billboard Kpop Chart at Youtube Kpop Channel na ikinatuwa hindi lamang ng mga Fans kundi maging nang Korean Music Industry. Ito din ang nagudyok sa iba pang koreano na bumuo ng Kpop Dance Group. http://KPOP-articles/news.com BANYAGANG PAG-AARAL Ang “KPOP” ay isang kategorya ng musika na nagsimula sa Timog Korea. Ang “KPOP” ay naging sikat sa kultura ng mga kabataan sa buong mundo, na nagbunga ng laganap na panggagaya sa pananamit at estilo ng mga iniidolong grupo ng Koreano at mga mang-aawit. Sa pamamagitan ng iba’t ibang “website” sa “internet,” gaya ng mga “facebook fan pages,” “itunes,” “twitter,” at mga “music videos” sa “youtube,” ang abilidad ng “KPOP” na maiparating sa lahat ng dati’y hindi maabot ng mga tagapakinig, sa pamamagitan ng “internet” ay naging mas madali. Ang mga ito ang naging daan “KPOP” upang makilala at sumikat sa kategorya ng musika. Ang paglabas ng “Seo Tai-ji & Boys” sa taong 1992 ang nagsimula ng pagsikat ng musika ng Timog Korea, na may pinagsamang “rap rock at techno.” Kilala rin noong 1990s ang mga “hiphop duos” kagaya ng “Deux.” Ang pagkabuo ng pinakamalaking industriya ng talento ng Timog Korea, ang “S.M. Entertainment,” noong 1995 ng isang Koreyanong negosyante na si Lee Soo Man, ay naging daan upang mabuo ang kauna-unahang grupo ng mga kababaihang mang-aawit at pati na rin ng mga lalaking mang-aawit. Sa mga huling taon ng 1990s, ang “YG Entertainment,” “DSP Entertainment,” at “JYP Entertainment” ay biglang umusbong sa industriya at naglabas sa publiko ng madaming mga bagong talento. Ang mga grupo tulad ng “S.E.S.,” “Fin K.L,” “H.O.T,” “Sechs Kies,” “G.o.d.,” “Fly to the Sky” at “Shinhwa” ay mga naging matagumpay noong 1990s. Sa dekada ring ito sumikat ang “hip hop” at “R&B” sa Korea, na nagdulot ng Kasikatan ng mga mang-aawit katulad ng “Drunken Tiger.” Ang paghubog ng mga talento ang pinaka-unang ginagawang estratehiya para sumikat ang mga solong mang-aawit at grupo ng mga kababaihan at kalalakihan sa industriya ng “KPOP.” Upang masigurado ang mataas na posibilidad ng pagsikat ng isang “talent,” may iba’t ibang ahensiyang tumutulong sa kanila na masusing nagbabantay at nag-aalaga ng kanilang ‘career,” na halos gumagastos ng napakalaking pera para lamang makapag-hubog at makapaglabas ng bagong “talent” sa industriya. Sa pamamagitan nito na umaabot ng dalawang taon o mahigit, nahuhubog ang boses ng mga talentong ito at gumaganda, natututo sila ng iba’t ibang sayaw, napapaganda ang hubog ng kanilang katawan, at nakakapag-aral din sila ng iba-ibang wika na parang nag-aaral lamang sa paaralan.
Madami na sa mga pinakasikat na mga grupo ng K-pop katulad ng BoA, TVXQ, SS501, BIGBANG, KARA, Girls' Generation, BEAST, MBLAQ, 2PM, Super Junior, SHINee, 2NE1, at EXO, ang nagsismulang pasukin ang industriya ng musika sa Japan. Ang mga kasapi ng mga grupong ito ay nakikipag-usap at kumakanta na din ng Hapones. Ito marahil ang kanilang estilo upang makuha ang atensyon ng mga tao sa bansang Japan.
Ang impluwensiya ng K-pop ay laganap na rin sa Asya, katulad ng Amerika, Canada, at Australia. Noong 2001, si Kum Bum Soo ang naging kauna-unahang Koreanong mang-aawit na nasali sa “U.S Billboard Hot 100 Chart” sa kanyang kantang “Hello Goodbye Hello”. Noong 2009, ang grupo ng mga kababaihan na “Wonder Girls,” isa sa mga pinakamatagumpay sa industriya ng musika sa Asya, ay napasama din sa “Billboard Hot 100 Singles Chart” sa kanilang mga kantang “Tell Me”, “So Hot” at “Nobody”. May mangilan-ngilan na nakikipagtrabaho na ang iba sa kanila sa iba’t ibang artista upang maipakilala ang “KPOP” sa lahat. Bukod pa rito ay mayroon ding mga nakikipag-usap at nakikipag-kontrata sa mga producers na tulad nina Kanye West, Teddy Rilet, Diplo, Rodney Jerkins, Ludacris, at Will.i.am.
Sa taong 2011, ang K-Pop ay naging popular na sa Japan, Malaysia, Poland, Mexico, Philippines, Indonesia, Thailand, Taiwan, Singapore, France, Ireland, China, Canada, Brazil, Chile, Colombia, Argentina, Russia, Spain, Germany, Sweden, Romania, Croatia, Australia, Vietnam, United Kingdom at United States.
Sa ngayon, ang Timog Korea ay isa sa mga pinakamalaking tagabuo ng mga pangkasalukuyang musika sa Pasipiko. Ang kanilang popular na kultura ay nagdulot ng malaking impluwensiya sa iba’t ibang musika sa Pasipiko, lalong lalo na sa China, Hong Kong, Japan, Taiwan, at Vietnam. http://tl.wikipedia.org/wiki/K-pop LOKAL NA LITERATURA
KULTURANG KOREANO: TINANGGAP NG PINOY?
Ang kulturang pinoy batay sa aking pagkakaalam ay maganda at kilala sa bawat pulo o s1lugar sa Pilipinas. May kanya-kanyang pamamaraan tayo upang maipakita ang kagandahan ng kulturang Pilipino. Kagandahang walang katulad at walang bahid ng kultura ng ibang bansa. Nariyan ang pagmamano, ang paggamit ng “po at opo” at paggalang sa nakatatanda. Hindi rin maitatanggi ang nakagawian ng pilipino na pagkain ng sabay-sabay, sama-samang magsimba at pagrorosaryo ng ika-anim ng gabi. Ngunit ano na nga ba ang kalagayan ng pilipino sa ngayon, ang modernong panahon?
Sa paglipas ng panahon unti-unting nawawala ang kulturang pilipino. Isang sanhi nito ay impluwensyang nanggagaling sa ibat-ibang bansa. Saang mga halimbawa ito ay kulturang galing sa mga koreano. Ano ang nais kong ipahiwatig? Nais ko lamang sana na malaman nyo na huwag nyo ng pag-aksayahan ng panahon ang mga bagay katulad nito. Hindi masama ang pagtanggap ng kultura ng ibang lahi, pero sana hindi makalimutan ang nakagawiang kulturang pilipino. Marahil ay napapansin nyo rin na nawawala ang kulturang kinagisnan ng ating mga magulang. Ang nabanggit ko lamang na pagdarasal ng rosaryo ay tila wala na rin. http://group6sayk1c.wordpress.com/kulturang-koreano-tinanggap-ng-pinoy/ LOKAL NA PAG-AARAL
Bakit tinatangkilik ng mga Kabataang Pilipino ang KPOP o Korean Pop Music
Konklusyon
Sa kabila ng pagsikat at pagtangkilik natin sa KPOP, wag natin dapat isang tabi at isawalang bahala ang ating sariling musika. Hindi naman masama ang pagtangkilik sa musikang banyaga, matuto rin dapat tayong pangalagaan ang yaman ng ating bansa at wag kalimutan ang apgiging makabayan.
Impluwensya ng mga Banyaga
Noon naman hindi ganoon kalakas ang impluwneysa sa atin ng mga Banyaga. Ngunit ngayon kung ating pag-aaralan at bibigyang pansin, ang mga banyagang awitin ay mas sikat pa sa ating bansa kaysa sa sarili nating awitin, na madalas na nating napapakinggan kahit saan man tayo pumunta. Tulad na lamang ng kanta ni Psy na gentlemen at gangnam style na kinahiligan ng lahat.
Paano nga ba ito nagsimula?
Maraming nagsasabi na ang pagsikat ng Korean Pop Music ay nagsimula noong si Sandara Park o mas kilalang "krung-krung" ay sumali at sumikat sa ating bansa na ngayon ay sikat na sikat na sa bansang Korea at isa ng KPOP idol. Dahil raw dito mas naging kilala at lumaganap ang musikang Koreano. May nagsasabi rin na dahil ito sa mga Korean Drama Shows na pinapalabas na sa ating bansa, dahil dito mas naging malawak ang ating kaalaman tungkol sa kanilang kultura at nagbigay daan para sa atin na makilala ang kanilang musika.
Dahilan kung bakit mas tinatangkilik ito ng mga Kabataang Pilipino
Nagsagawa ng sarbey at ito ang mga resulta at sagot ng mga kabataan sa tanong na "Bakit kinahuhumalingan ngayon ang KPOP?" Dahil ito ay nakakaindak at magandang pakinggan kahit na hindi gaanong naiintindihan ng lahat ang mga lyrics nito, Pangalawa, dahil ito ay inaawit ng mga kilala at mga gwapo at magaganda nilang idolo. Pangatlo, dahil sa impluwensya ng mga Kaibigan at ayaw mapag-iwanan sa usapan at chikahan o ito ang uso. At panghuli, dahil nakakasawa na ang mga tugtuging Pinoy.
Mga Epekto
Mas marami ang negatibong epekto nito kaysa sa positibong epekto.
Negatibong Epekto: Nakakalimutan na at hindi na nabibigyang pansin ang OPM, mas napapamahal tayo sa mga banyaga at mas tinatangkilik sila at hindi ito nakakatulong sa industriya ng ating bansa. Ilan lang ito sa mga negatibong epekto na ating napapansin.
Sa kabila nito, may positibong epekto pa rin naman ito sa ating bansa, isa na rito ay nagiging daan ito upang maging mas malawak ang ating impormasyon sa ating karatig bansang Korea at mas nagiging malapit ang tayo isa't isa
Bakit tinatangkilik ng mga Kabataang Pilipino ang KPOP o Korean Pop Music?
Sa henerasyon ngayon, totoo na mas marami na ang tumatangkilik sa KPOP o
Korean Pop Music. http://prezi.com/ezn4hzqi-p2r/bakit-tinatangkilik-ng-mga-kabataang-pilipino-ang-kpop-o-kor/ KABANATA III
PAMAMARAANG GINAMIT Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay masusi at tiyak na isinagawa ang mga hakbangin upang mauri ito ayon sa mga teorya na inuugnay sa pag-aaral. Bawat bahagi ay binigyan ng mga paliwanag upang ang mga mambabasa at sa mga darating na mananaliksik na mag-aaral hinggil dito.
Ito ay nasa ilalim ng mga teoryang kultural na proximity, teoryang uses at gratification at teoryang media dependency. Ipinaliwanag ng mga naunang nag-aral tungkol dito na ang kultura ng isang lugar ay maaring magbago sa paglipas ng panahon ngunit kung bibigyan ng katuunan ng pansin ay mapangagalagaan ito at maaari pang pagyamanin.
Ito’y may kinalaman sa mga uri ng mga ugnayang nagaganap sa pangkasalukuyan, sa mga pagbabago ng panahon at maaring gusto ng mga manonood na sumubok ng iba ayon sa kanilang kagustuhan.
Naka-ayon din ang mga mananaliksik sa sanhi at bunga (cause and effect) na umuuri sa pilosopikal na konsepto ng pananahilan na maaaring makasubok sa palagay ng isang tao. Gumamit din ang mga taong ito ng pagsisiyasat sa mga taong gustong-gusto ang talakaying ito. Kumuha ang bawat mananaliksik sa mga taong napagsiyasatan ng mga palagay nila at masasabi nila sa pag-aaral na isinagawa.
Idinadagdag din dito ang mga iba’t-iba pang salik ng pagsisiyasat tulad ng pagtatanong, pag-oobserba at pananaliksik sa mga iba’t-ibang reperensiya ukol dito.
POPULASYON AT BILANG NITO Ang mga napiling respondente sa pananaliksik ay ang mga mag-aaral sa kursong marketing management ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Sila ya napiling populasyon dahil nais ng mga mananaliksik na makuha ang kanilang pananaw hinggil sa KPOP at maging sa mga labis na nahuhumaling dito. Sarbey ang gagamitin upang makuha ang bilang ng mga nahuhumaling sa KPOP. Ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ng marketing management ay 2,131 at ang inaasahang sasagot sa mga sarbey ay 50 hanggang 100.
PARAAN NG PAGPILI NG KALAHOK Sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa, Maynila ay isasagawa ang pagtugon sa mga katanungan na inihanda para sa mga mag-aaral ng kursong Marketing Management. Pinili sila dahil magiging mabisa silang tagtugon sa mga inihaing katatnungan hinggil sa labis na pagkakahumaling ng mga nasabing mag-aaral sa KPOP.
DESKRIPSYON NG KALAHOK Ang mga kalahok na respondente sa isinagawang pananaliksik ay mga mag-aaral na mahilig sa Kpop mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na matatagpuan sa Teresa, Lungsod ng Maynila.
Sa pananaliksik na ito, ibubukod ng mga mananaliksik sa tulong ng mga mahilig sa Kpop at ang mga Anti-Kpop upang magkaroon ng komparatibong analisis sa kalagayang pansintaktika at pansemantika. Sa pagpili ng mga kalahok, isinaalang-alang ng mga mananaliksik na (a) ang mga taong ito ay nagtataglay ng matinding pagkahumaling sa mga Kpop; (b) ang mga respondente ay mga taong ayaw sa Kpop at ang mga "DIEHARD" Fans ng Kpop na karaniwang nasa edad ng 15-19 at kasalukuyan ng isinasabuhay ang kultura ng kanilang mga iniidolo.
INSTRUMENTONG GINAMIT Ang talatanungan ang nagging pangunahing instrument na ginamit sa pananaliksik. Ito ay naglalaman ng mga reaksyon ng mga respondente sa pagkakahumaling nila sa KPOP. Nagtungo rin ang mga mananaliksik sa silid-aklatan upang maghanap ng mga impormasyong may kinalaman sa paksa.
PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS Ang mga mananalikisk ay nagmasid o inobserbahan ang mga kabataang nahuhumaling sa KPOP. Nangalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga awtoridad na may kinalaman o may malaking maitutulong sa pananaliksik. At sa pamamagitan din ng tulong ng internet upang magkaroon ng lipon ng mga datos ukol sa inihandang paksa.
URI NG GAGAMITING ESTADISTIKA Upang higit na maunawaan ang mga nalikom na datos ang mga sumusunod ay gagamitin: (frequency) bilang ng mga mag-aaral, (respondent) kabuuang bilang ng kasali sa pag-aaral at iminutiplika sa 100 (constant value). Na ang ibig sabihin ay: P = (percentage) bahagdan F = (frequency) kadalasan, kalimitan N = bilang ng mga nagsitugon 100 = constant value Susuriing mabuti ng mga mananaliksik at bibigyang kahulugan ang mga nalikom na datos. Ayon sa pormulang ito: B=F/N x 100 B = Bahagdan F = frequency N = bilang ng tumugon

Similar Documents