Free Essay

Grupong Etnolinggwistiko Sa Asya

In:

Submitted By kimidors
Words 848
Pages 4
MGA PANGKAT ETNOLINGGWISTIKO SA ASYA

Kilala ang lahat ng taong naninirahan sa kontinente ng Asya bilang mga Asyano. Bukod dito, may pagkakakilanlan din ang mga Asyano batay sa kinabibilangang bansa. Bukod sa dalawang nabanggit na pagkakakilanlan, maaari ding ikategorya ang mga tao sa Asya ayon sa grupong etnoliggwistikong kinabibilangan nito. Kung ang kontinente ng Asya ay nahahati sa mga rehiyon at ang bawat rehiyon ay nahahati sa mga bansa, ang bawat bansa naman ay kinapapalooban ng iba’t-ibang grupo na may kanya-kanya ring pagkakakilanlan. Ang bawat grupong ito ay tinatawag na grupong etnolinggwistiko.
-------------------------------------------------

Mga Tamil sa India (Timog Asya)

Ang mga Tamil ay isang grupong etnolinggwistiko na ang pangunahing wika ay Dravidian. Pinaunlad ng Tamil ang intinuturing na klasikal na kultura ng India. Sa kanilang lugar matatagpuan ang magagarbong mga templo gayundin ang mananayaw na babaeng tinatawag na Bharata Natyamv, at ang mga lalaking mananayaw na tinatawag namang Kathakali. Karaniwan sa mga Tamil ang pagkain ng kanin at maanghang na curry. Kilala din sa pag-inom ng palm wine ang kanilang mga kalalakihan. Bukod sa paninisid ng perlas at pangingisda, mahusay ding mangangalakal ang mga Tamil.

Mga Javanese sa Indonesia (Timog Silangang-Asya)

Tinatayang sa Indonesia, ang pangunahing wika ay Javanese kung saan 45% ng populasyon ang nagsasalita nito. Karamihan sa mga Javanese ay naninirahan sa isla ng Java, Sumatra, Kalimantan, Sulawesi, at iba pang kapuluan ng Indonesia. Malaki ang ambag ng Javanese sa sining at kultura. Kadalasan, ang pinuno ng Javanese ay lalaki at ang pagpili sa kanila ay pinaniniwalaang bunga ng kagustuhan ng karamihan. Ang sistema ng consensus o ang pagpayag ng lahat ay nagiging batayan din sa paggawa ng mga desisyon. Magalang din ang wikang Bahasa Indonesia kung kaya’t mas pinili ng mga nakapag-aral na Javanese ang paggamit nito. Ang Bahasa Indonesi ay may pagapahalaga sa nakakatanda at sa makapangyarihan sa lipunan. Halimbawa: Ang bapak ay ginagamit upang tukuyin ang ama o nakatatandang lalaki, ibu naman para sa ina o nakatatandang babae. Iniiwasan din ang paggamit ng panghalip sa pangalawang panauhan gaya ng anda o saudara (nangangahulugang ikaw). Maliban na lamang kung pamilyar sa kausap, kasing-edad o mas bata sa kanya.

Mga Ainu sa Japan (Silangang Asya)
Ayon sa mitolohiya, ang mga Ainu ang orihinal at pinakamatandang naninirahan sa Japan. Ang mga Ainu ay balbon, may balbas, at makapal at kulot ang buhok. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang Ainu upang tukuyin ang mga katutubo sa Hokkaido, Sakhalin, at Kuril Islands. Ang Ainu ay nabubuhay sa pangangaso, pangingisda, pagsasaka, at pagbebenta ng mga produkto sa mga turista. Ang kanilang relihiyon ay nakabatay sa Animism. Ang pangaraw-araw na pamumuhay nila ay nakasentro sa mga ritwal para sa mga diyos at ang paggabay ng mga diyos sa tao. Sa kasalukuyan, ang ginagamit na wika ng mga Ainu ay ang Hapones.
Arab ng Kanlurang Asya

Matatagpuan ang mga Arab sa Kanlurang Asya at Arabic ang kanilang wikang ginagamit. Sila ay mga taong lagalag o nomadic na nagmula sa Arabian Peninsula na mas kilala bilang Bedouins. Ang malaking bahagi ng Arabian Peninsula ay binubuo ng disyerto kaya’t salat sa tubig ang lugar na ito. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit pagpapastol ng tupa, kambing at kamelyo ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao sa lugar na ito. Salat man sa tubig ang kanilang lugar, ito naman ay biniyayaan ng masaganang suplay ng langis na kanilang nililinang upang maipangtustos sa kanilang mga pangangailangan. Sa pananampalataya, Islam ang pangunahing relihiyon ng mga Arabs. Dahil dito, nagkakaisa ang mga Bedouins at ang mga taong naninirahan sa mga oasis. Ang kultura at tradisyon ng mga Arabs ay nakabatay sa mga aral ng relihiyong Islam.

Tajik ng Hilagang Asya

Isa ang mga Tajik sa sinaunang tao sa daigdig. Sa matagal na panahon, napanatili nila ang sinaunang kultura at tradisyon ng kanilang mga ninuno. Matibay ang samahan ng kani-kanilang pamilya kung saan ang mga kasapi mula sa pinakaninuno hanggang sa pinakabata ay sama-samang naninirahan sa iisang tahanan. Masasalamin din ang matibay na samahan ng pamilya sa pagpapatakbo at pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan. Ang pagiging maasikaso nila sa kanilang mga panauhin ay isa ding katangian na nag-ugat sa kanilang mga ninuno. Sa kanilang kasuotan, ang mga babae ay karaniwang gumagamit ng mga makukulay at mahahabang kasuotan. Nagsusot din sila ng balabal na nilalagay sa ulo o kaya ay sa leeg. Samantala ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng makakapal na sumbrero at scarf na nakatali sa kanilang beywang na tinatawag na rumol. Makikita ang yaman ng kulturang Tajikistan sa mga makukulay na tela na karaniwang hinahabi at nilalagyan ng iba’t-ibang mga disenyo. May mga carpet na nakasabit sa mga dingding na nagpapakita ng kahusayan sa pagbuburda. Ang mga inukit na bato at kahoy ay makikita sa mga tahanan at maging sa mga monumento at mosque sa kanilang lugar.
-------------------------------------------------

Malinaw na ang pagkakaiba-iba ay isa sa pangunahing katangian ng Asya. Dito ay matatagpuan hindi lamang ang samu’t-saring klima kundi maging ang wika, tao at kultura. Ang pag-aaral sa mga taong bumubuo sa Asya ay pag-unawa rin sa kanilang kultura at pagkakaiba-iba ng mga tao.

Similar Documents

Free Essay

Juhyjugytfy

...Kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay maraming tanong sa ating kaisipan tungkol dito at sa mga pangyayaring naganap nang sumibol ang kabihasnan sa Asya.Paano nga ba nabuo ang sinaunang kabihasnan sa Asya? Naniniwala ka ba na ang pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano ay may kinalaman sa pag-usbong at pagunlad ng kabihasnang Asyano? Sa modyul na ito, ikaw ay inaaasahan na kritikal na makapagsusuri sa mga pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano na nagbibigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.Gayundin ay mapapahalagahan mo at mauunawaan ang mga ambag ng kabihasnan sa kasaysayan Asyano at ang pagbabago at pag-unlad nito sa kasalukuyang panahon.Dapat mong maunawaan sa modyul na ito ang mga sagot sa mga sumusunod na katanungan: Paano nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya? Paano nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya? Paano nakatulong ang kabihasnan sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng kabihasnan tungo sa pagkakakilanlang Asyano? Mga Araling Sakop ng Modyul Aralin 1 - Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Aralin 2 - Sinaunang Pamumuhay sa Asya 96 Sa araling ito, inaasahang matututunan mo ang mga sumusunod: Aralin 1 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya 1. Konsepto at Kahulugan ng Kabihasnan 2. Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Kabihasnang Sumer Kabihasnang Indus Kabihasnang Shang 3. Mga Ambag ng Kabihasnan sa Asya 4. Mga Kaisipang Pinagbatayan sa Pagbuo ng Imperyo...

Words: 20598 - Pages: 83

Free Essay

Abcd

... Sa maraming Pilipino, ang wikang pambansa lamang ang maituturing na wika, at lahat ng iba pang salita ay mga diyalekto. Hindi tama ito. May mga paraan ang mga pantas-wika o linguists para malaman kung ano ang wika at kung ano ang wikain o diyalekto. Ang batayan ay kung nagkakaunawaan ang dalawang nagsasalita. Kapag hindi sila nagkakaunawaan, nagsasalita sila ng magkaibang wika. Kapag nagkaunawaan, nagsasalita sila ng parehong wika o diyalekto ng isang wika. Walang bale kung ang pananalita ay may lima o isang milyong tagapagsalita; kung mayroon itong panitikan o wala; o kung sinasalita ito sa isang baranggay o sa buong probinsya. Hindi mapagpasya ang alinman sa mga ito sa pagkilala sa kung ano ang wika at ano ang diyalekto. Sa batayang ito, ang Ilokano, Sebwano, Kapampangan, Pangasinan, Hiligaynon, Bikol, Butuanon at Meranao, kung magbabanggit ng ilan, ay hindi mga diyalekto kundi ganap na mga wika. Diyalekto o wikain ang tawag sa baryasyon ng isang wika, gaya ng Dumaguete-Cebuano, Davao-Cebuano at Iligan-Cebuano. Ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ay nakapagtala ng may 170ng wika sa bansa. Maaaring umabot sa 500 ang mga diyalekto. Pangsampu tayo sa may pinakamaraming wika sa daigdig. Nangunguna ang Papua New Guinea. Ang “Tagalog.” “Pilipino,” at “Filipino” ba ay magkakaibang wika? Hindi. Ang mga ito ay mga baryasyon na “mutually intelligible” at samakatwid, ay kabilang sa iisang wika. Ayon sa KWF, ang Filipino ay ang uri ng wika na sinasalita sa Metro Manila...

Words: 44725 - Pages: 179