Free Essay

Isang Pag-Aaral Tunkol Sa Mga Kabataang Sangkot Sa Maagang Pagbubuntis

In:

Submitted By coleen002
Words 4379
Pages 18
TALAAN NG NILALAMAN
PAMAGAT NG PAHINA
TALAAN NG NILALAMAN
TSAPTER

I. INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pagaaral 1

Paglalahad ng Layunin 2

Metodolohiya 2

Kahalagahan ng Pag-aaral 3

Saklaw at Limitasyon 3

Depinisyon ng Termino 4

II. DISKUSYON
Layunin Blg 01. Mabatid ang dami ng kabataang 5 nasasangkot sa maagang pagbubuntis sa kasalukuyan at sa nakalipas na mga taon sa Pilipinas.

Layunin Blg 02. Alamin ang dahilan o sanhi ng 6 maagang pagbubuntis.

Layunin Blg 03. 8

Layunin Blg 04. 11
III. BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Buod

Konklusyon

Rekomendasyon

TALAAN NG NILALAMAN
PAMAGAT NG PAHINA
TALAAN NG NILALAMAN
TSAPTER

I. INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pagaaral 1

Paglalahad ng Layunin 2

Metodolohiya 2

Kahalagahan ng Pag-aaral 3

Saklaw at Limitasyon 3

Depinisyon ng Termino 4

II. DISKUSYON
Layunin Blg 01. Mabatid ang dami ng kabataang 5 nasasangkot sa maagang pagbubuntis sa kasalukuyan at sa nakalipas na mga taon sa Pilipinas.

Layunin Blg 02. Alamin ang dahilan o sanhi ng 6 maagang pagbubuntis.

Layunin Blg 03. 8

Layunin Blg 04. 11
III. BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Buod

Konklusyon

Rekomendasyon

TALAAN NG NILALAMAN
PAMAGAT NG PAHINA
TALAAN NG NILALAMAN
TSAPTER

I. INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pagaaral 1

Paglalahad ng Layunin 2

Metodolohiya 2

Kahalagahan ng Pag-aaral 3

Saklaw at Limitasyon 3

Depinisyon ng Termino 4

II. DISKUSYON
Layunin Blg 01. Mabatid ang dami ng kabataang 5 nasasangkot sa maagang pagbubuntis sa kasalukuyan at sa nakalipas na mga taon sa Pilipinas.

Layunin Blg 02. Alamin ang dahilan o sanhi ng 6 maagang pagbubuntis.

Layunin Blg 03. 8

Layunin Blg 04. 11
III. BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Buod

Konklusyon

Rekomendasyon

TSAPTER I
Intoduksyon
Kaligiran ng Pag-aaral

Ayon sa Wikipedia ang pagbubuntis ng mga babaeng wala pa sa tamang gulang ay tinatawag na “maagang pagbubuntis”. Karaniwang nangyayari ito sa may mga edad mula 13 hanggang 19 na taong gulang
Kaliwa’t kanang mga balita ang naririnig sa radyo, nababasa sa mga pahayagan at napapanood sa telebisyon tungkol sa mga kabataang maagang nabuntis. Ayon sa 1995 census sa Pilipinas, mga 1.8 milyong kalalakihan at 67000 kababaihan na may edad 15 hanggang 24 ang aktibo sa sex o pagtatalik. Ayon naman sa World Health Organization, 21% ng mga Pilipinong kababaihan ang nabubuntis ng wala pang 19 anyos. Hindi ba kabahabahala ang mga balitang ito? Sa lumalaking populasyon ng bansang Pilipinas dahil sa minu-minutong pagsilang ng mga bata sa mundong ibabaw, kagulat-gulat na may malaking parteng ginagampanan dito ang mga kabataan.
Ang buhay sa kasalukuyan ay nagbabago, lalo na para sa mga kabataan, masyado na silang nagiging liberal sa pag-iisip lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa sex. Kung dati ay susuyuin o liligawan ng mga lalaki ang babaeng kanilang natitipuhan upang mapasagot ito, ngayon kahit sa isang text lamang na punung-puno ng pambobola ay nabibighani na at napapasagot na ang ilan sa kanila. At sa kasamaang palad, mayroong mga lalaking yayayain silang lumabas at pagkatapos ay dadalhin ang mga ito sa isang liblib na lugar at pipiiting gawin ang isang bagay na dapat lamang ginagawa ng isang mag-asawa, ang pagtatalik. Ito rin ang nagiging dahilan ng maagang pagbubuntis ng maraming kabataang babae ngayon.
Ang isyung ”maagang pagbubuntis” ay napakatagal nang problema ng ating lipunan at sa kasalukuyan, palala at palala pa ang isyung ito. Napaka sakit tanggapin ang katotohanan na sa murang edad, karamihan sa kabataan ngayon ay may sarili ng mga anak at naghihirap itaguyod ang mga ito dahil na rin sila ay musmos pa sa pagiging mga magulang.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong ipamulat sa mga kabataan ang masasamang epekto ng sobrang kapusukan.Makakatulong din ang pag-aaral na ito na makabuo ng mga nararapat na aksyon upang ito ay masugpo at maiwasan.

Paglalahad ng Layunin

1. Mabatid ang dami ng kabataang nasasangkot sa maagang pagbubuntis sa kasalukuyan at sa nakalipas na mga taon sa Pilipinas.
2. Maisa-isa ang dahilan o sanhi ng maagang pagbubuntis.
3. Maisa-isa ang epekto ng maagang pagbubuntis sa emosyonal, sosyal, pag-aaral at kalusugan ng mga kabataang nakaranas nito.
4. Tukuyin ang mga paraan upang maiwasan at mapigilan ang maagang pagbubuntis.

Metodolohiya

Ang mga sumusunod ay ginawa ng mga risertser upang mabuo ang riserts na ito.

1. Nangalap ang mga risertser ng mga datos at impormasyon ukol sa maagang pagbubuntis sa mga artikulo sa mga internet websites.
2. Kumuha rin ang mga risertser ng mga impormasyon mula sa mga magazine at artikulo na makikita sa aklatang Emilio Aguinaldo ng De La Salle University- Dasmariñas,
3. Bumuo ng talatanungan na gagamitin sa sarbey at interbyu. Matapos pahintulutan ng guro ay nagsagawa na nang sarbey sa pamamagitan ng text at papasagutang papel sa limampung kabataan mula sa De La Salle University – Dasmariñas at sa labas ng Unibersidad.
4. Nag-interbyu ng kabataang mismong nakaranas ng maagang pagbubuntis.

5. Mula sa mga datos na nakakalap sinuri ang lawak ng problema, sinagot ang mga layunin at sinikap makapagbigay ng mga rekomendasyon ukol sa mga solusyong inilahad dito.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

Sa mga kabataan. Sa panahon ngayon, kasabay na ng pagbabago nito ang pagbabago ng mga kabataan Ang pananaliksik na ito ay naglalayong ipamulat sa mga kabataan ang hindi magagandang resulta ng sobrang kapusukan at pakikipagtalik ng walang basbas.

Sa mga magulang. Ang pananaliksik na ito ang magbibigay daan upang mas disiplinahin at gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak.

Sa mga guro. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, madadagdagan ang kaalaman ng mga guro sa dapat nilang ituro sa mga estudyante ukol sa usaping maagang pagbubuntis.

Sa pamahalaan at sa Kagawaran ng Kalusugan. Makatutulong ang pananaliksik na ito sa pangangampanya at pagbuo ng ideya upang masugpo ang patuloy na paglaki ng populasyon ng bansang Pilipinas dahil sa pagdami ng kabataang nasasangkot sa maagang pagbubuntis.
Sa simbahan. Ang pananaliksik na ito ay makatutlong sa pagdedesisyon ng simbahan kung nararapat bang ipatupad ang Reproductive Health Bill.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa mga kaalaman ng mga kabataan sa paksang “Maagang Pagbubuntis”. Sa pagtalakay nito, inalam ng mga mananaliksik kung bakit nga ba patuloy ang pagdami ng kabataang nasasangkot dito. Binigyan pansin din ng mga mananaliksik kung anu-ano nga ba ang epekto ng maagang pagbubuntis, hindi lamang sa kabataang sangkot kundi pati na rin sa lipunang kanilang ginagalawan. Pinag-aralan din ng mga mananaliksik kung paano ba maiiwasan ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan. Hindi saklaw ng pananaliksik na ito ang pagtatalo o pananaw ng simbahan o pamahalaan ukol sa usaping ito. Ito’y lumilimita lamang sa mga pananaw ng mga kabataan.

Depinisyon ng Termino

Sex. Ang pagtatalik, pagsisiping, o pag-uulayaw, ay ang pag-iisa ng isang babae at lalaki. Ito’y isang pamamaraan ng isang babae at ng isang lalaki upang makabuo ng kanilang magiging supling

Sexuality. Ekspresyon o pagkakaroong ng interes sa mga bagay na may kinalaman sa sex.

Contraceptives. Mga gamot o paraan upang maiwasan ang maagang pagbubuntis.

Sex Education. ipinapanukalang pagtuturo sa mga kabataan ng tunay na kahulugan ng sex at naglalayong maiwasan ang maagang pagbubuntis ng kabataan.

Social Stigma. Matinding kapintasan mula sa iba.

Peer Pressure. Pag- uudyok ng mga kaibigan na magdesisyon at gawin ang isang bagay.

Media. Isang paraan ng komunikasyon sa radyo , telebisyon, dyaryo, o magasin, na maabot o makaiimpluwensiya ng tao.

TSAPTER II
Diskusyon

Layunin Blg 01. Mabatid ang dami ng kabataang nasasangkot sa maagang pagbubuntis sa kasalukuyan at sa nakalipas na mga taon sa Pilipinas.

Ayon sa Wikipedia Encyclopedia, ang maagang pagbubuntis sa Estados Unidos ay nangangahulugan na ang isang batang babaeng ay nagdadalang tao. Samantala, sa Britanya naman, may legal na depinasyon kung saan ang isang babae ay sinasabing “maagang nagbubuntis” kung siya ay nagbuntis bago sumapit ang kanyang ika-labinwalong kaarawan. Ang terminolohiyang ito, sa araw-araw na pananalita ay nagpapatungkol sa isang babae na wala pa sa legal na edad na nagbubuntis.
Isa ang Pilipinas sa mga bansang may malaking populasyon at sa pagdaan ng panahon ay patuloy ang paglobo nito. Ayon sa census, ang populasyon ng Pilipinas nuong taong 2000 ay nasa 76.50 milyon at umabot sa 88.57 milyon nuong 2007 na nangangahulugan ng 2.04 porsyento ng pagtaas ng populasyon mula 2000-2007.
Isang salik dito ay ang pagsabak ng mga kabataan sa premarital sex nang hindi gumagamit ng natural at artipisyal na family planning na nagiging sanhi ng maagang pagbubuntis nga mga kabataang babae na may edad na 13 hanggang 18. Ayon sa pag- aaral na isinagawa ni Dr. C. Sanchez ng Polytechnic University of the Philippines, sinasabi na mula sa 250 na mga babaeng may anak na, 125 o 50 porsyento nito ay may edad 15 hanggang 23, samantalng 32 porsyento ay may edad 24 hanggang 31 at 18 porsyento lamang ang nag eedad 32 hanggang 39. Makikita sa pag-aaral na ito na sa bawat taon parami ng parami ang kabataang nasasangkot sa maagang pagbubuntis.
Ayon sa Young Adult Fertility Survey III na isinagawa ng University of the Philippines’ Population Institute, ang lebel ng maagang pagtatalik na nagreresulta sa maagang pagbubuntis ng mga kabataan ay tumaas mula 18 porsyento noong 1994 hanggang sa 23 porsyento noong 2002. Halos mahigit sa 3 milyong kabataan o 20 porsyento mula sa 15.1 milyong kabataan sa bansa na may edad 15 hanggang 24 ang sangkot sa pakikipagtalik.
Sa datos naman noong 2009, halos 3.6 milyon ang naitalang batang ina sa bansa. Sa katunayan, pito sa sampung buntis na babae ay mga kabataan, 19 at pababa ang edad. Pinatunayan ito ng World Bank at sinabing ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng mga batang ina. At kamakailan lang, sa datos noong Abril 2010, sinasabing sa 16.5 milyong kabataang Pilipinong may edad
15-24 , 30 porsyento ng nanganganak ay nanggagaling sa grupong ito. Ang Pilipinas ngayon ay nahaharap sa napakasakit na katotohanan na sa murang edad ng mga kabataan, marami sa kanila ay mayroon ng sariling anak.

Layunin Blg 02. Maisa-isa ang dahilan o sanhi ng maagang pagbubuntis.

Marami ang nagtataka ukol sa dahilan kung bakit nga ba ang kabataan ngayon ay nasasangkot sa “maagang pagbubuntis”. Ayon sa pregnancy center organization Ang isang kabataang babae ay maaring mabuntis, resulta ng iba’t ibang klase ng sitwasyon. Ang ilan ay nabubuntis dahil sa paggiging magkasintahan ng dalawang nagbibinatang lalaki at babae, ang mapusok na pakikipag relasyon ay nagbubunga ng isang suliranin, ito ay ang kalakasan ng tawag ng damdaming magtalik na hindi pinaplano ng mga kabataan. Ang pagiging mausyoso at mausisa ng mga kabataan sa tawag ng damdaming ito, bagaman mayroon din silang pangamba at takot, ay nagbubunga ng maagang pagbubuntis. Ayon sa isang personal na panayam kay Julie Albert M. Bravo, isang kabataan na maagang nagbuntis, ang labis na pag-ibig ang siyang naging dahilan kung bakit siya pumasok sa sitwasyong ito.
Sa paghahanap ng mga risertser napag alaman na ang ilan pang mga dahilan o sanhi ng maagang pagbubuntis ng mga kabataan ay ang mga sumusunod:
Una, kapabayaan ng magulang. Dahil likas na konserbatibo ang pamilyang Pilipino, karamihan sa mga magulang ngayon ay iniiwas ang kanilang mga anak sa usapin ukol sa sex. Dahil dito, hindi nagagabayan ng mga magulang ang mga anak lalo na sa panahon ng kanilang pagdadalaga at pagbibinata, kung kailan ang mga kabataan ay likas na interesado sa mga bagay na patungkol sa sex. Sa pag-aaral na isinagawa ni Mary E. Rall, ipinakita ang ilang pagsisiwalat ng mga batang ina, at karamihan sa kanila ay nagsasabing, “Nais kong makipag-usap kay mama tungkol sa mga problema at ibang bagay kaso lagi siyang hindi pwede” Dahil sa kawalan ng oras at kapabayaan ng mga magulang, nagreresulta ito upang maghanap ang mga kabataan ng makakausap, atensyon at pagmamahal sa mga kaibigan o dili kaya’y sa kanilang mga kasintahan na minsan ay nagreresulta sa pagtatalik at maagang pagbubuntis.
Ikalawa, peer pressure, ayon sa WikiFilipino ang mga kaibigan ang kadalasan nguudyok sa mga kabataan na gumawa ng maling desisyon at kasama na din dito ang premarital sex, na nagsasanhi upang mabuntis ang isang batang babae. Sa ngayon, ang mga kabataan ay laging sumusunod sa uso, at sa paningin ng ibang lalaking kabataan napapatunayan nila ang kanilang pagkalalaki kung sila ay nakipagtalik, na nagbubunga sa pagbubuntis ng isang dalaga.
Ikatlo, kawalan ng kaalaman sa “safe sex”, marami sa mga kabataan ngayon ay kulang sa kaalaman sa mga paraan upang maiwasan ang pagbubuntis. Napag-alaman sa isang sarbey na 80 porsyento ng kabataang nabuntis ang hindi mulat sa sinasabing safe sex. Kulang sila sa kaalaman tungkol sa kontrasepsyon at reproductive health, na siyang dapat tinatalakay sa sex education at counseling. Isa pa sa dahilan nito ay ang pagkahiya o pagkatakot ng kabataan na mangalap ng impormasyon ukol dito.
Ikaapat, media, Ayon kay Brown, 1996, malaking parte ang ginagampanan ng mass media kung bakit maraming kabataan ngayon ang natutukso sa pakikipagtalik. Sinasabi na ang media raw, mula sa mga patalastas, teleserye, magasin, pelikula at pati na rin sa mga music videos na kinahihiligan ng mga kabataan ngayon ay naglalaman ng maraming bagay na may kinalaman sa tinatawag na sexuality. Idagdag pa natin ang internet na hitik na hitik sa mga pornographic materials na madaling ma-access ng mga kabataan. Ang mga bagay na ito ang sadyang naguudyok sa kanila upang makipagtalik na nagreresulta naman sa maagang pagbubuntis.
Ikalima, problema, sa kawalang kaalaman ng mga kabataan sa maaaring epekto ng pakikipagtalik, ang ilan sa kanila ay ginagawa ito upang makalimutan ang mga problema at dahil na rin sa paghahangad ng panandaliang aliw. Ayon naman sa pananaliksik na isinagawa ni J. Buenafe, isa sa mga problemang dahilan ng maagang pagbubuntis ng kabataan ay ang kahirapan na siya namang nagdudulot ng pagrerebelde at paglihis nila sa tamang landas. Ang mga problema ang siyang dahilan kung kaya't naghahanap ang mga kabataan ng maaaring kapitan at mapagsabihan nito.
Ikaanim, emotional blackmail at pang-aabuso ng mga lalaki, Ginagamit ito ng mga kalalakihan sa kababaihan kung saan napapatunayan ang pagmamahal sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Samantalang, makikita naman sa mga pahayagan ang mga balitang pagsasagawa ng mga lalaki ng isang karumaldumal na krimen, ang rape, na nagbubunga rin ng maagang pagbubuntis ng ilang kabataan.
Upang magkaroon ng isang kongkreto at patunay sa mga kasagutan sa suliraning ito ang mananaliksik ay nagsagawa ng isang sarbey. Ang nasa ibabang tsart ay nagpapakita ng porsyento ng mga dahilan kung bakit sa tingin ng mga kabataan ay marami ang nasasangkot sa maagang pagbubuntis.

Kung mapapansin maraming kabataan ang nagsasabing ang kawalan ng kaalaman na humahantong sa Curiosity ng mga kabataan ang sadyang nagiging pangunahing dahilan kung bakit maraming kabataan ngayon ang nasasangkot sa maagang pagbubuntis.

Layunin Blg 03. Maisa-isa ang epekto ng maagang pagbubuntis sa emosyonal, sosyal, pag-aaral at kalusugan ng mga kabataang nakaranas nito.

Ayon sa American Academy of Family Physicians and Obstetricians, ang maternal at prenatal na kalusugan ay nararapat na pagtuunan ng pansin lalo na sa mga dalagang nagdadalang-tao sa kadahilanang ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan ay sadyang napakahirap, dahil nahaharap sila sa isang matinding stress at problema sa pagdedesisyon kung kailangan bang iluwal at alagaan ang bata at kung paano gagampanan ang tungkulin at responsibilidad ng isang ina. Ayon naman sa pregnancy center organization isa sa mga suliranin nito ay kung paano maaapektuhan ng paglaki ng bata sa sinapupunan ang musmos na katawan ng batang ina pati na rin ang pamumuhay nito, dahil sa paglipas ng panahon mapipilitan ang katawan ng ina na maging handa sa paglaki ng bata.
Ang hindi sapat na nutrisyon habang nagdadalang tao ay isa pang mas malaking problema sa mga nagbubuntis na kabataan sa mga hindi gaanong masaganang mga bansa. Ang mga komplikasyon sa pagbubuntis ay nagreresulta sa pagkamatay ng estimadong 70,000 mga dalaga sa mga hindi gaanong masaganang mga bansa kada taon. Ang World Health Organization (WHO) ay nagsasabing tinatayang doble ang tsansa ng pagkamatay dahil sa pagbubuntis sa mga babeng 15 hanggang 19 kumpara sa mga babaeng edad 20 hanggang 24.
Ayon pa rin sa WHO, ang mga dalagang ina sa isang industriliyasadong bansa ay hindi nakabubuti dahil ito ay maaaring makaapekto sa pag-aaral. Ang mga dalagang ina ay may mas malaking tsansa ng paghinto sa pag-aaral, lalo na sa hayskul. Gayon paman, napagalaman sa ilang mga pag-aaral na itong mga batang ina ay tumigil na sa pag-aaral bago pa man sila mabuntis, at ang mga nag-aaral at nabuntis ay hindi rin malayo ang tsansa na makapagtapos tulad ng kanilang mga kaibigan. Isang pag-aaral noong 2001 ang nagsabing ang kababaihan na nagsilang ng sanggol sa kanilang kabataan ay nakapagtapos ng pag-aaral sa sekondarya 10-12% ay kadalasang nagpupursige ng post-secondary na edukasyon 14-29% mas kadalasang sa mga babaeng naghintay magbuntis hanggang sa edad na 30.
Ang mga batang ina ay maaari ring makaranas ng paglayo sa sarili (alienation) mula sa kanilang mga kaibigan at pamilya. Sa karagdagan, ang pagbubuntis ay maaaring magdulot ng mga problema sa isang batang relasyon. Sa katunayan, 60% ng mga batang ina ay wala nang lalakeng kapares sa oras na isilang nila ang kanilang anak. Ang katungkulan at problemang pinansyal ay maaaring magdulot sa isang batang ina na masangkot sa hindi kaaya-ayang mga relasyon. Sa kasamaang-palad, ang maagang pagbubuntis ay may kaakibat na “social stigma”. Ang kahihiyang ito ay maaaring makaapekto sa pakiramdam o tingin ng isang batang ina tungkol sa kanyang kakayanan sa pagiging ina, at pati na rin sa pagkatao. Ang mga negatibong pananaw na ito tungkol sa pagiging batang ina ay nagdudulot ng pagbaba ng tingin ng isang babae sa kanyang sarili.
Sa Pilipinas, ang teenage pregnancy ay patuloy na tumataas at patuloy na nangangailangang pagtuunan ng pansin. Sa kasalukuyan, lalo pa ring tumataas ang bilang ng mga batang babae na nagiging ina at karamihan sa kanila ay hindi pa kasal. Ang mga nagbubuntis ng maaga ay mas maselan sa mga kundisyon tulad ng pagkamatay dahil sa pagbubuntis, at karamihan sa kanila ay sadyang hindi pa handa na harapin ang mga hamon ng pagiging isang ina.
Ang tsart sa ibaba ay nagpapakita ng porsyento na ayon sa mga kabataan ay naaapektuhan ng maagang pagbubuntis. Makikitang ang pangunahing naaapektuhan sa maagang pagbubuntis ng kabataan ay ang kanilang pag-aaral. Sumunod ang aspetong emosyonal, sapagkat dumadaan sa matinding stress ang biktima, sosyal, sapagkat nawawalan na ng tiwala sa sarili ang sangkot dahilan upang hindi na ito makisalamuha sa iba, sunod ang bansa/lipunan, dahil ang maagang pagbubuntis ay nakaaapekto sa paglaki ng populasyon at ang huli sa kalusugan hindi lamang ng babae kundi pati na rin ang kalusugan ng sanggol sa kaniyang sinapupunan.
Layunin Blg 04. Tukuyin ang mga paraan upang maiwasan at mapigilan ang maagang pagbubuntis.

Sa panahon ngayon maraming mga kabataan ang maagang nabubuntis. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng isang pananaliksik upang makakalap ng mga impormasyon na makakatulong sa paglutas ng problemang ito.
Ayon sa www.parentingteens.com malaki ang parting gagampanan ng mga magulang upang maiwasan ang pagdami ng mga kabataang maagang nagbubuntis.
Una, ang mga magulang ay hindi dapat payagan na makipag-date ang kanilang mga anak ng maaga, sa halip sila ay hayaang gumawa ng mga aktibidad na kasama ang kanilang mga kaibigan o dili kaya’y sila mismo ang sumama sa mga anak sa mga aktibidad na gusto nila. Kadalasan ang mga kabataan ay nagkakaroon lamang ng boyfriend/ girlfriend dahil sila ay naiinip sa buhay nila. Sa paraang ito maiiwasan ang pagiging malapit ng mga anak sa isang tao babae man o lalake.
Pangalawa, paglalaan ng oras sa mga anak upang makapag usap tungkol sa iba’t ibang bagay tulad ng pagtatalik, mga kontrasepsyon at mga moral na kaugalian. Karamihan sa mga kabataang maagang nabubuntis ay walang sapat na kaalaman ukol sa pagtatalik at kontrasepsyon, hindi din nila alam kung tama pa ba o mali ang kanilang mga desisyon na ginagawa. Makakatulong ito upang maging bukas ang kanilang isip sa mga mangyayari kung ito ay kanilang gagawin. Sa pagbibigay ng oras sa mga anak, maiiwas ang mga ito sa pakikipagrelasyon habang sila ay mga bata pa. Dahil mas magiging pokus sila sa pag-aaral ng mabuti at pagtupad sa kanilang mga pangarap.
Sa pamamagitan ng mga nasabing paraan madidisiplina at maipapakita sa kabataan ang kanilang mga limitasyon. Makakatulong ito sa pag-iwas sa kanila sa pagbubuntis ng maaga.
Ayon din kay Nathalie Grace isa sa mga manunulat ng eHow marami sa kabataan ang hindi pa kayang alagaan ang kanilang sarili at dahil sa pagbubuntis ng maaga sila ay humaharap sa isang malaking problema nang pagaalaga pa sa isa pang bata. Maiiwasan ang maagang pagbubuntis sa pamamagitan ng:
Magulang, makakatulong sila na maiwasan ito sa pamamagitan ng pagiging bukas sa kanilang mga anak at pagbuo ng bonding sa isa’t isa. Makakatulong ito upang maging kumportable ang mga anak na magsabi ng kanilang mga problema lalo na ang tungkol sa mga nangyayari sa kanilang araw-araw na buhay.
Ayon naman sa librong U.S. Teenage Pregnancy Statistics: Overall Trends, Trends by Race and Ethnicity and State-by-State Information. New York, NY: The Alan Guttmacher Institute; 2004. Maraming pang paraan at mga programa ang makakatulong upang maiwasan ang maaagang pagbubuntis.
Abstinence education programs, layunin nitong hikayatin ang mga kabataan na umiwas sa pakikipagtalik hanggat sila ay hindi pa kasal, o hanggang sila ay nasa tamang edad na at responsable sa gagawin. Makakatulong ito para sa mga kabataan upang sila ay maging responsable sa bawat bagay o desisyon na kanilang gagawin.
Knowledge-based programs, ang programang ito ay pokus sa pagtuturo sa kabataan tungkol sa kanilang mga responsibilidad pati na rin mga impormasyon tungkol sa mga kontrasepsyon. Makakatulong ito upang malaman nila ang mga responsibilidad nila at ang kanilang pakinabang sa lipunan, sarili at pamilya. Isa pa, makakatulong din ang programang ito upang malaman nila ang mga kontraseptibo at kung paano ito nakakatulong sa maagang pagbubuntis.
Peer counseling programs, kadalasan ay matatandang kabataan ang sangkot dito na tumutulong at humihikayat sa mga kabataan na pigilan ang pressure na mula sa mga kaibigan at mga taong nakapaligid sa kanila para maging sangkot sa pakikipagtalik. Makakatulong ito upang mapigilan na habang maaga pa ang mga kabataan bago pa masangkot sa pakikipagtalik.
Sex Education, Sinabi ni ACT Chairman Antonio Tinio, na sa pama¬magitan nito ay mabu¬buksan ng tama ang kur¬yosidad ng mga ka¬bataan hinggil sa sex at mabatid na ito ay may kaakibat na res¬ponsi¬bilidad.
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey upang alamin ang pinakamagandan paraan upang maiwasan ang maagang pagbubuntis ng kabataan, Makikita sa tsart na maraming kabataan ang naniniwalang sex education ang sagot upang mapigilan na ang isyung maagang pagbubuntis. At bukod sa contraceptives at gabay ng magulang may ilan ring nagsasabing ang disiplina sa sarili ang siyang susi upang hindi masangkot ang mga kabataan sa isyung ito.

TSAPTER III
Buod, Konklusyon at Rekomendasyon

Buod

Ang pag-aaral na ito ay tumalakay sa hindi matapos tapos na isyung maagang pagbubuntis ng mga kabataan. Ipinakita sa pag-aaral na ito ang patuloy na pagdami ng kabataang nasasangkot sa maagang pagbubuntis sa nakalipas na mga taon sa Pilipinas. Naipaliwanag ng pag-aaral na ito kung ano ang maagang pagbubuntis at ang mga dahilan kung bakit nga ba madami ang nasasangkot rito. Naipakita rin ng pag-aaral na ito ang hindi magagandang naidudulot ng maagang pagbubuntis sa emosyonal, sosyal, kalusugan at pag-aaral ng kabataang nakaranas nito. Bukod dito nabatid din na ang pagbubuntis ng mga kabataan ay nakaaapekto sa bansa at sa lipunang kaniyang ginagalawan. Sa pag-aaral na ito, napag-alaman din na maraming paraan upang maiwasan o mapigilan ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan. Makapagbibigay linaw sa mga kabataan ang pag-aaral na ito tungkol sa katotohanan na maaring maidulot ng isang pagdedesisyon ng hindi man lamang nag-iisip.

Konklusyon

Ayon sa pag-aaral na ito naipalawanag ng mabuti ang mga sumusunod:
1. Ang populasyon sa Pilipinas ay malaki ang itinataas na porsyento kada taon at malaki ang parte na ginagampanan ng mga kabataan dito dahil sa maaga nilang pagiging sangkot sa pakikipagtalik na nagiging sanhi ng maagang pagbubuntis.
2. Ang media, emotional blackmail, pangaabuso ng mga kalalakihan pakikipag relasyon ng maaga o labis na pag-ibig ng wala pa sa tamang edad, kapabayaan ng magulang at kawalan ng kaalaman ng mga kabataan sa mga bagay bagay na humahantong sa kuryosidad ang mga nagiging sanhi ng maagang pagbubuntis.
3. Ang maagang pagbubuntis ay maaaring magresulta sa maraming bagay na nakaaapekto sa buhay ng kabataang nakaranas nito.
4. Maaaring masugpo ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan sa pagtutulungan mismo ng mga kabataan at kanilang mga magulang, at sa mga programang ipinapanukala ng gobyerno at Kagawaran ng Kalusugan
Rekomendasyon
Sa pag-aaral na ito, ang mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik ay makatutulong ngunit may ilan pa ding inirerekumenda sa mga sumusunod:
1. Sa mga magulang, mas gabayan, disiplinahin at sana ay maitatak nila sa isip ng kanilang mga anak ang pagmamahal at takot sa Diyos ng sa gayon ang pagmamahal na ito ang maging daan upang hindi sila makagawa ng mga bagay na ikasasama nila tulad na lamang ng pakikipagtalik kahit walang basbas ng kasal na siyang sanhi ng maagang pagbubuntis.
2. Sa pamahalaan, sana ay maipaliwanag nila sa mga kabataan ang maaaring maging epekto ng pagkakaroon ng anak sa napakabatang edad sa kanilang buhay, kalusugan, at katayuan sa lipunan. Maigi na ring magkaroon ng sariling website ang NSO upang maipakita ng maayos ang dami ng nasasangkot sa maagang pagbubuntis.
3. Sa Simbahan, sana ay maimulat ng simbahan ang mga mata at diwa ng mga kabataan na ang pagtatalik ay isang sagradong bagay na para lamang sa mga legal na mag-asawa at ito ay may mga kaakibat na responsibilidad at konsekwensya na maaaring hindi pa nila kayang pasanin.
4. Sa mga guro, bilang pangalawang magulang ng mga bata sana ay matulungan ang mga kabataan na malaman na ang pagiging batang ina ay lubos na mahirap lao na’t wala pa sila sa tamang edad at nag-aaral pa at ito ay may malaking epekto pagdating sa kanilang pag-aaral at kinabukasan.
5. Sa kabataan, tunay nga na iba na ang panahon ngayon kung ikukumpara sa panahon noon, kung kaya’t sana kasabay ng pagbabagong nagaganap sa ating mundo huwag sana nilang kalimutan ang pagkakaroon ng takot sa Diyos, ang pagsunod sa mga magulang, at huwag masyadong maging liberal pagdating sa usaping seks.

Similar Documents