Free Essay

Modenisasyon

In:

Submitted By xelaramz28
Words 1274
Pages 6
A. Banyagang Literatura Nauuso sa kasalukuyang panahon ang mga dayuhang palabas, ilan rito ang anime, cartoons, mga asianobela, mga american sitcom at mabibilang rin dito ang mga nauusong girl groups at boy bands ng mga bansang Japan, Korea at USA. Ilan sa mga grupong ito ay ang SUPER JUNIOR ng Korea na kinahuhumalingan ng mga kababaihan dahil puro lalaki ang miyembro nito, “nobody, nobody but you!” ang sikat na linya sa kanta ng Wonder Girls at 2NE1 ng Korea, na puro kababaihang talentado ang miyembro. Hindi maitatanggi ang pagkahumaling ng mga kabataan sa anime at manga ng Japan. Patunay rito ang panggagaya sa pananamit at maging sa pananalita ng mga paboritong karakter o “Cosplay” kung tawagin. Gayundin ang mga asianobela na inaabangan gabi-gabi sa primetime, patunay nito ang mga remake na Pinoy version ng mga asianobelang ito. Ang mga Pilipino ay experto na sa panggagaya sa mga dayuhan nauso rin sa atin ang korean cut, hindi nga naman magpapahuli ang mga pinoy pag usapang fashion. Saksi tayo sa malawakang epekto nito sa ating komunidad, sa mga kabataan maging sa mga nakakatanda, ngunit hindi lamang ito mararamdaman sa loob ng ating bansa, ito’y ramdam din sa karatig bansa maging sa boung mundo. Kaugnay ng pag-aaral na ito, ang pag-aaral na isinagawa ng ibang bansa patungkol sa suliraning ito. Ayon sa Foreign-Chinese Split, sa arikulong ito inilahad ang hindi opisyal na paglayo ng Chinese Community sa dayuhang medya. Isa sa biniyang pansin sa artikulong ito ay ang sikat na American sitcom na “FRIENDS” at ang epekto nito sa Chinese Community. “I had thought the play focused on friendship, but after a careful preview I found each episode had something to do with sex. Also, the attitudes of the six close-knit young friends in the play cannot be generally accepted by Chinese audiences yet,” wika ni Mingxin, deputy director ng international department ng CCTV’s Entertainment. Ayon pa rito, kabataan ang higit na naaapektuhan ng hindi mabuting epekto nito, dahil ang mga kabataan ang higit na naaakit ng ganitong genre dahil sa “sexual content” ng palabas na ito. Sa madaling salita sumasalungat ito sa kulturang Instik. Batay sa People’s Republic of China, sa artikulong ito inilahad ang pagbabawal ng Shenyang, isang paaralan sa kapital ng probinsya ng Liaoning ( People’s Republic of China ), ang panunuod at pagdadala ng Death Note, isang sikat na Japanese horror anime na kung saan napulot ng isang high school boy ang isang kwaderno at isinusulat niya rito ang mga pangalan ng kanyang biktima at pagkaraa’y namamatay ito. Ang agarang naging sanhi nito ang pagdadala at pagamit ng Death Note ng mga estudyante ng nasabing paaralan, kung saan isinusulat nila rito ang mga pangalan ng gusto na nilang mamamatay. Ang pagbabawal na ito’y upang proteksyunan ang kalusugang mental at pisikal ng mga estudyante sa palabas na ito. Ngunit hindi lamang ito ang naging epekto ng Death Note sa kabataan. Notes near Body Parts in Belgium Linked to Death Note, ipinakita rito ay higit na nakakatakot na impluwensiya ng palabas na ito. Ayon sa La Dernière Heure, isang Pranses na pahayagan, Setyembre 28, 2007, dalawang magkatulad na mensahe na nakasulat sa Latin sinasabing “Watashi wa Kira desu," o "I am Kira (Killer)", ito’y isang catchphrase sa Death Note, na natagpuan sa tabi ng bangkay, na hindi nakilalang lalaking Caucasian sa gubat ng Belgium’s Duden Park. Ang karahasang ito’y maaaring sanhi ng ibang kadahilanan o di kaya’y bunga ng impluwensiya ng sikat na Death Note. Anu pa man ang dahilan, tunay na nakakakilabot at nakakaalarma ang epekto ng ganitong palabas sa mentalidad ng mga kabataang sumusubaybay sa ganitong uri ng palabas.

Sa ating modernong panahon, makikita ang iba’t-ibang mukha ng pananakop at impluwensiya ng makadayuhang kaisipan o ang “colonial mentality”. Hindi man lingid sa iba na tayong mga Pilipino, sa bawat galaw, hilig, ugali, pananamit at pananaw ay napailalim na sa kulturang banyaga at ang halos lahat sa atin ay pilit na tinatalikuran. Mas lumalaki pa ang impluewensiya nito sa tulong ng media tulad ng mga patalastas, palabas at drama seryeng pinapalabas.

Sa taong (1996) sino ba ang di nakaka-alam sa seryeng “Marimar” ni Thalia mula sa RPN 9 na naging dahilan kung bakit ang mga programang telenovela ay napunta sa primetime. Sa seryeng ito nagsimula na gumawa ayon sa konsepto ng mga Mehikano ang mga Pilipino at unti-unti na nag-evolve. Mula nga sa nabanggit na serye ay marami ring isyu ang naganap tulad ng pagpapatayan dahil sa paglilipat ng ibang programa, inaatake dahil sa tindi ng mga pangyayari at ang pagkakaroon ng matibaty na koneksiyon mula sa bansang Pilipinas at Mehiko. Kasunod nun ay ang Rosalinda, Betty la Fea, Maria de Jesus, atpb. Mula doon ay sunud-sunod na ang “versionalized” ng mga nasabing palabas

Sa taong (2000) lumaganap sa Pilipinas, Taiwanese Drama, ang “F4” fever o “flower 4” na hango sa Japanese komiks na “Hanayori Dango”. Mula sa palabas na Meteor Garden na tungkol sa apat na magkakaibigan at ang pagmamahalan ni San Shai at Dao Ming Zu ay unti-unti nitong binago ang pananaw ng kabataang Pinoy. Sa pananamit at buhok na karaniwang mala-Jose Rizal ay napunta sa mahaba na hawig-buhok ng mga karakter sa nasabing grupo . Nagpakabaliw ang mga kabataan noon mula sa pagbili ng mga poster, accessories, damit at collectable items.

Kasunod ng mga Mexican at Taiwanese drama ay ang mga Koreanovela na sa kasalukuya’y ginagaya at tinatangkilik ng masang Pinoy. Mula sa unang Koreanovelang “The Truth” ng ABS-CBN ay sinabayan ng mga mas naging patok na palabas ng GMA na Full House, My Lovely Samsoon, Stairway To Heaven, Dae Jang Geum, Coffee Prince, Shining Inheritance, atpb. Ang ABS-CBN ay naglabas rin ng My Girl, Only You, Princess Hours, Boys Over Flowers, Lovers in Paris, atpb.

Malaki rin ang impluwesiya sa mga kabataang Pilipino ng mga ANIME at CARTOON. Mas napupusuan ng mga kabataan panoorin at pag-aralan ang mga palabas na ito: mula sa porma, salita at asal ng karakter. Mas tinatangkilik nila ang mga ito lalo na ang pagdating nang mga unang anime na pinalabas sa Pilipinas tulad ng Voltes 5, Machinenger Z at Daimus magingang mga mula pa noong 90’s tulad ng Dragon Ball Z at Sailor Moon hanggang sa kasalukuyan tulad ng Naruto, Bleach, atpb.

Mas nahihilig rin tayo sa palabas na banyaga. Mula sa record ng www.wikipedia.com, ang pinaka malaking kumitang palabas sa kasaysayang talaan ay ang palabas na “Spider-Man 3” (423.46 million pesos), “The Transformer: the revenge of the Fallen (357.89 million pesos), at “Transformer” (272.65 million pesos). Noong 1998, hindi rin malilimutan ng mga Pilipino ang palabas na “Titanic” na nagpaluha sa ating at nagbigay romansa sa mga manonood. Makikita rin na karamihan sa mga palabas na Pilipino ay ginaya o pinatern sa mga sikat na palabas tulad ng “Sana’y Maulit Muli” na hinango sa isang banyagang palabas.

Sa mga kagamitan tulad ng pananamit, bag at aksesorya, ay mas gusto natin ang mga “branded” na produkto lalo na kung ito ay mula sa ibang bansa. Mas ninanais natin ang may mga pangalan na produkto dahil sa pananaw ng mga Pilipino ay mas maganda at kanais-nais ito at sumasabay tayo sa estilo ng ibang bansa. Tulad na lamang sa mga sapatos na mas gusto natin kung ito ay Adidas, Nike o Luis Vinton. Sa bag naman ay Gucci at sa pananamit ay mas kilalang brand dapat ang isuot. Kaya nga karaniwan sa mga produktong branded ay pilit na ginagaya o ginagawan ng “imitasyon” para makasabay lang sa kasalukuyang porma. Mas hilig rin tayo sa tsokolate na ang unang nagpakilala sa atin ay ang mga Amerikano.

Similar Documents