...TAGPO Gabi. Sa isang kwarto ng isang beach resort. Naglalatag ng kumot si Jigs sa sahig habang inaayos ni Yumi ang kanyang higaan. Yumi: Sige na, Jigs. Huwag ka nang magpaka-gentleman. Naawa ako sa’yo e. Tabi na tayo sa kama. Jigs: Hindi, okay lang ako dito. Yumi: Huwag ka nang maarte. As if naman re-rapin kita no. Malaki naman itong kama e. Hatiin na lang natin sa gitna Jigs: Sure ka? Yumi: Hindi mo naman siguro ako mamanyakin no? Jigs: (Matatawa) Okay ka lang? Yumi: Kung gusto mo, gamitin na lang natin iyang kumot na divider. Jigs: Good Idea. Isasampay nila ang kumot mula sa kisame para mahati ang kama sa gitna. Magse-settle down ang dalawa. Ilalabas ni Jigs ang libro niya: “Puppy Love and other Stories” ni F. Sionil Jose. Si Yumi naman ay magpapatugtog ng Japanese Zen Music habang nagsa-zazen. Yumi: Do you mind? Jigs: No, go ahead. I’m just reading. Magsa-zazen si Yumi. Magbabasa si Jigs. Pareho silang dim aka-concentrate. Papatayin ni Yumi ang CD player niya. Yumi: I can’t believe our friends. Jigs: Oo nga e… Yumi: Dapat ginagawa nila ‘to sa mga bagong pasok sa barkada o kaya sa bagong… ay oo nga pala. Bagong graduate ka. Congrats. Jigs: Thanks. Yumi: So what’re your plans? Jigs: Kinukuha akong researcher sa ADB. Kinukuha rin ako ng BPI sa OTP nila. Yumi: Wow naman. In demand. Jigs: Di naman masyado. Who the hell invented this tradition anyway? Yumi: (Matatawa) You won’t believe it. Jigs: Ikaw...
Words: 6093 - Pages: 25