Free Essay

School Papers

In:

Submitted By jhunlynastejada
Words 4058
Pages 17
III.
Pamagat:
Ang pamagat na “Sa Mga Kuko Ng Liwanag” ay isang palaisipan sa kritiko kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pamagat na ito. Kung ito nga ba ay literal na mga kuko na nagsisilbing may liwanag o batay sa karanasan at pangyayari nito.
Batay sa obserbasyon ng taga pagsuri ang sa mga kuko o ang kuko ay nangangahulugang karahasan. Karahasan na nararanasan ng isang probinsyano sa lugsod o syudad at ang liwanag naman ay nangangahulugang pag-asa o kalayaan ng isang tao. Pag-asa na may magandang buhay o may bagong buhay na maihahatid ang syudad, Kalayaan na mabuhay ng mapayapa saan manglugar.
Maraming iba’t- ibang maiisip sa tuwing maririnig ang kakaibang pamapagat ng may akda. Hindi masasabi kung ano nga ba talaga ang tunay na pahiwatig nitong pamagat na ito ngunit ayon sa taga pagsuri ito ay hango sa karanasan ng isang tao at may hatid na mensahe na ang bawat tao ay may mga sariling karanasan, may maganda at hindi mabuting karanasan ngunit kahit anong pagsubok o karanasan man ang dumating ay may liwanag paring mararating.

Tagpuan:
Ang tagpuan ay sa Maynila na kung saan dito umiikot ang kwento. Dito nagsimula ang kwento at lahat ng mga mahahalagang pangyayari sa nobelang “Sa mga Kuko ng Liwang.”
Batay sa pagsusuri ng kritiko dito ginanap ang buong kwento sapagkat dito maaring maranasan ng isang tao o ng isang probinsyano ang anumang mga pagsubok sa buhay sapagkat ang Maynila ay isang syudad na may iba’t-ibang klase ng taong maaring makasalamuha at may ibang klase ng lipunang kinagagalawan ito.

IV
Pananalig Pampanitikan/ Mga Teorya
Ayon sa pagsusuri ng kritiko ay ang mga teoryang pampanitikan ay hinihinalaang pinagmulan ng ideya ng mga manunulat para sila ay makagawa ng mga akda.
Katulad na lamang sa nobelang “Sa mga Kuko ng Liwang” ay mayroong mga teoryang ginamit dito na mas nakatulong upang mas mapaganda ang bawat daloy ng kwento.
Isa narito ang teoryang realismo, Ang realismo ay karaniwang tumatalakay sa katotohan ng lipunan katulad ng korapsyon,katiwalian at lalong lalo na ang kahirapan. Katulad na lamang sa pangyayaring naganap sa nobelang “Sa mga Kuko ng Liwanag” na ang pangunahing tauhan ay si Julio na kung saan ay nakaranas ng matinding paghihirap sa syudad, isa ito sa nagpapakita na ang nobelang ito ay mayroong teoryang realismo dahil ang pangunahing tauhan ay nakaranas ng makamundong lipunan at matinding kahirapan sa lipunang kanyang kinagagalawan. Mayroon ding teoryang humanismo sapagkat sa nobela ay may makikitang kakayahan ng mga tao at ang kalakasan nito kung ating babalikan sa nobela na si Julio o ang mga kasamahan niya na isa sa mga iba pang mahahalagang tauhan ay mga construction worker na kung saan ay nagpapakita ng kakayahan ng tao at kalakasan nito. Ang pagbibigay diin sa mga kababaihan tulad ni Ligaya ay nagpapakitang ang nobela ay mayroon ding teoryang feminismo na kung saan ang paglaban ng mga kababaihan ay nagaganap sa isang kwento.Katulad ni Ligaya ay nakaranas ng isang pang-aabuso tulad nalamang ng pagiging “prostitute” ngunit makikitang pilit na lumalaban si Ligaya upang makalayo sa karahasang ito kaya’t ayon sa kritiko ay mayroong teoryang feminismo ang nobelang ito. Ang pagpili ng mga taga probinsya na manirahan sa syudad ay hindi maiiwasan dahil sa maraming mga opurtinidad na makukuha sa lungsod katulad na lamang nila Julio at Liwanag na nag babakasaling mahanap o magkaroon ng tagaumpay sa buhay syudad at ito ay nagpapakita ng teoryang eksistensyalismo na kung saan ay ang pagpapakita ng sariling pumili. Ang teoryang romantisismo naman ay makikita sa nobelang ito tulad ng pagmamahalan nila Julio at Ligaya, ang tunay na pagmamahal ni Julio kay Ligaya na nagbigay dahilan upang pumunta sa syudad at hanapin si Ligaya na kanyang minamahal at ito ay isang halimbawa kung bakit ang nobelang ito ay mayroong teoryang romantisismo. Ayon sa pagsusuri ng kritiko ay nalaman niyang naging isang construction worker si Edgardo Reyes at naiisip ng taga pagsuri kung ang kanyang akda na “Sa mga Kuko ng Liwanag” ay may koneksyon sa kanyang nararamdaman bilang isang dating construction worker. Dahil sa dating pagiging construction worker ni Reyes ay mapapatunayang ito ay may personal na nararamdaman sa kanyang akda na kung saan ay nagpapakitang ang nobela ay mayroong teoryang biograpikal. Maraming hindi maaring mabasa ng ibang mga kabataan na nasusulat sa nobela sapagkat ang ibang bahagi nito ay mayroong teoryang saykoanalitiko na kung saan ito ay nagpapakitang may pagnanasa ang isang tao o pagiging agresibo sa gawaing sekswal at isa narito ang halimbawa na sa mga pangyayaring naganap sa mga kababaihang biktima ng pagiging bayarang babae.
Ang mga teoryang pampanitikan ay lubos na nakakatulong sapagkat ayon sa kritiko ay mas lumawak ang kanyang imahinasyon at realisasyon.

F.
Istilo ng May- akda
1. Punto de vista
Ayon sa pagsusuri ng kritiko ang ginamit ni Edgardo M. Reyes ay “third person” o ikatlong panauhan.Patunay sa unang kabanata na may mga ginamit na ikatlong panauhan, “Sa simula, siya’y isang kalansay na nakatalalan sa hangin.” At sa iba pang kabanata tulad ng ika anim na kabanata, “Naaanod sila sa aspaltong dagat,” Sa ika labing tatlong kabanata “Di nila alumana ang lamig ng gabi. “
Ang mga ito ang nagpapatunay na ang ginamit ng manunulat ay ikatlong panauhan na kung saan ikaw ang sumasangguni sa iyong tinutukoy o sa mas pinasimpleng kahulugan na ikaw na manunulat ang nagkukwento sa mga tauhan ngunit hindi ikaw kasama mismo sa kwento.
2. Istilo ng paglalahad

3. Tono
Ang tono ang nagsisilbing gabay kung ano na nga ba ang emosyon ng tauhan sa kwento. Halimbawa sa ika limang kabanata, “Walang sweldo!! Walang k’wartang kompanya!!” mapapansing ang sasabi nito ay maysama ng loob o galit sa kung sinumang kausap nito. Sa ika limang kabanata ang pag uusap nila Julio at Atong. “E, sinong napangasawaa?” “Instik.” “Asawa talaga?” “Sabi.” Baka kabit lang?” “Ewan.” Mapapansing ang nag uusap ay hindi naniniwala sa nalamang impormasyon.
Batay sa pagbabasa ng nagsusuri nakatulong ang paggamit ng mga tandang pananong, tandang padamdam, tuoldok at iba pa dahil sa mas nadadala ang emosyon ng nagbabasa at mas naiintindihan nito ang pangyayari sa kwento.
4. Tayutay

5. Idioma
Malalalim na mga salita o pangungusap ito ay isang paraan upang mas napapagana ang isip ng bawat mambabasa mas nakakaenganyo, nakakaaliw at mas interasado na para bang mayroong mga hiwaga sa kwento.
Ito ang isa sa napansing paraan ni Reyes na kung saan ito ay tinatawag na idioma ito ay malalalim o matatalinghagang salita. Halimbawa sa ikalawang kabanata na may pamagat “ Mga Hiwaga ng Gabi” mayroon itong introduksyong “Sa lunsod, ang gabi’y mga sandali ng kahiwagaan. Mga kordero sa liwanag na sa puyo ng dilim ay nagiging mga halimaw na may mga pangil at mga sungay. Mga matang nakasilip sa mga hubad na pangitain. Makakamandag na labing pusugan ng makakamandag ding tuwa. Mga ligaw na pasuyong nagbubulid ng mga aping uha sa basurahan. Makakating kamay ng mga lintik sa dugo ng iba. Mga kaluluwang tumatakas sa anino ng sariling punla ng lagim. Mga utak ng gumigiling ng mga pakana.” Mahabang intrduksyon ngunit puno ng kahiwagaan kung anu-ano nga ba ang ibig sabihin nito. Sa panunuri sa kabanatang ito ay mayroong ibig sabihin na sa gabi ng lungsod ay mayroong mga taong masasama na handang pumatay o manakit, may mga taong pilit din naming nagtatago sa kasamaang ito, mga taong nais tumakbo parin papalayo sa karahasang maaring mangyari sa lungsod na puno ng kahiwagaan.
Ang mga matalinghagang pangungusap na ito ay nagbigay ng malalim na pag iisip sa kritiko na kung anu-ano nga ba ang katotohanang nais iparating ng mga salitang ito ngunit sa kabila nito ay nagkaroon ng mas lalong pagkakaroon ng interes sa kwento. Patunay na ang paraan ni Reyes ay naging mabisa sa mga mambabasa.

5. Idioma
Ang isa sa pamamaraan ni Reyes sa kanyang pagsulat sa akdang “Sa mga Kuko ng Liwanag” ay ang pagkakaroon ng mga matatalinghagang salita na kung saan ay nakakapag pagana sa pag iisip ng sinumang bumasa nito.
Makikita sa ika-labing isang kabanata na may pamagat na “Laging Luksa ang Estero” makikitang sa mismong pamagat pa lamang ay matalinghagang salita na ang ginamit. Kung ito ay pag-iisipan kung ano nga ba ang ibig sabihin nito ay talagang tatawagin ang isipan para basahin itong kabanatang ito. Para sa kritiko ang ibig sabihin nito ay si Atong na nakatira malapit sa estero ay patuloy ang pagluluksa nito katulad na lamang ng mga nangyari sa buhay ni Atong na ang kanyang ama ay nagkaroon ng kapansanan dahil sa pinaglaban ang kanilang lupa at si Atong na nawalan ng trabaho,nakulong at duon pinatay para sa kritiko dito niya masasabi kung bakit ganoon ang pamagat sa ika labing isang kabanata na si Atong ang tinutukoy na laging nagluluksa.
Napakalalim na ginagamit ni Reyes sa kanyang akda ngunit labis na nakaka-akit ito sa mga mambabasa.

6. Simbolismo
Ang manunulat na si Edgardo M. Reyes ay gumagamit ng isang masining na pamamaraan sa pagsulat ng nobela tulad na lamang ng tayutay,idioma,simbolismo at iba pa.Sa pagsusuri ng kritiko ang pagkakaroon ng simbolismo sa nobelang ito. Ang simbolismo ay isang uri ng teoryang pampanitikan na kung saan ay pagbibigay ng simbolo sa mga bagay,hayop,lugar at sa tao. Halimbawa si Julio na isa sa pangunahing tauhan ay sumisimbolo sa pag-asa. Pag-asa sa mga taong mahihirap, pag-asa sa mga manggagawa at higit sa lahat ay pag-asa sa mga taong totoong magmahal.Para sa taga pagsuri si Julio ay sumisimbolo ng pag-asa sa mga mahihirap dahil simula ng siya ay mapadpad sa Maynila ay naranasan niya ang matinding paghihirap ngunit pilit parin siyang bumabangon at hindi sumuko sa buhay. Pag-asa rin siya sa mga manggagawa sapagkat si Julio naging isag construction worker at kinaya niya ang lahat ng paghihirap, lahat ng pasakit ng isang construction para siya ay mabuhay at higit sa lahat ay nagbibigay pag-asa si Julio sa mga taong totoong magmahal, sa mga taong may lakas ng loob na magmahal, sa mga taong kayang gawin lahat para sa minamahal. Katulad ni Julio ang isa sa dahilan niya kung bakit siya nagpunta sa syudad at ito ay dahil kay Ligaya na kanyang tunay na minamahal. Lahat ginawa niya para mahanap ito at ng mahanap na niya si Ligaya ay nalaman niya ang mga nangyri kay Ligaya ngunit kahit ano pa man ang nalaman niya tungkol kay Ligaya ay hindi nagbago ang pagmamahal na ito bagkus ay tinulungan niya ito para makatakas sa kaniyang tinitirhan at nang malamang si Ligaya ay namatay dahil sa kinakasama ni Ligaya ay nagalit ito at ipinaghiganti ito ni Julio at napatay rin niya ang kinakasama ni Ligayang si Ah Tek kahit alam nitong maari rin siyang mamatay.

6. Simbolismo
Pagiging makasarili,mapagmataas,gahaman,mapanglamang at abusado ang sumisimbolo kay Mr. Balajadia na amo nila Julio. Sa mga pangyayari sa nobelang ito ay makikita at malalamang ito ay tunay na sumisimbolo kay Mr. Balajadia,halimbawa noong nais bumale ni Julio sa kanya ay hindi niya ito binigyan at halos takot ang lahat dahil sa alam nilang walang pakialam si Mr. Balajadia sa kanyang mga trabahador at ito ay nagpapakitang siya ay makasariling tao at mapagmataas. Si Mr. Balajadia ay sumusimbolo rin sa pagiging gahaman,mapanglamang dahil nang makita niyang may isang bagay na nabasag at si Atong ang nakitang naroon, Ang ginawa niya ay si Atong ang kanyang pinanagutan at hindi alam ni Atong ang ginawa ni Mr. Balajadia na ikinaltas pala lahat sa sweldo nito. Dahil sa pangyayaring ito nagalit si Atong at sinuntok niya si Mr. Balajadia at ito ay nahulog sa hagdan dahil dito ay agad namang pinakulong ni Mr. Balajadia at duon niya pinapatay. Ito ay matinding pangyayaring halos walang awing ginawa ni Mr. Balajadia na nagpapatunay na gahaman siya sap era dahil kinuha agad niya ang sweldo ni Atong at nalamangan niya ito sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
Ang pangyayaring ito ay nagdala ng galit at nagbukas ng isipan sa kritiko tungkol sa mga taong katulad ni Mr. Balajadia na tanging iniisip ay sariling kapakanan lamang. Ang lahat ng ito ay isang malikhaing imahinasyon ni Reyes nakakapagpabukas ng isipan na mga mambabasa at ito ay halimbawa ng simbolismo na nagbibigay ng simbolo sa anumang bagay,lugar,hayop at sa tao.

Tema
Ayon sa taga pagsuri ang tema ng nobelang ito ay ibabatay niya sa mismong pamagat ng nobela. “Sa mga Kuko ng Liwanag” kung inyong babalikan ang pamagat na ito ay nangangahulugan na ang Kuko ay karahasan at ang Liwanag ay pag-asa. Dahil naniniwala ang taga pagsuri na ang tema ay makukuha sa pamagat dahil ang kwento ay nakabatay o umiikot sa kung anong pamagat nito.
Mapapatunayang ang tema ay “Pag-asa sa kabila ng karahasan sa lipunan.” Sapagkat ang kwento ay umiikot sa kung anong lipunan ang ginagalawan nila Julio at ito ay isang lipunang puno ng karahasan ngunit katulad ni Julio na patuloy na lumalaban at hindi nawawalan ng pag-asa hanggang sa huli ng kanyang buhay.

Tema
Sa pagsusuri ng kritiko ay natuklasan niya ang lahat ng mga tunay na pangyayaring nagaganap sa lipunan at ito ay puro karahasan at katiwalian. Dahil sa mga pangyayari sa buhay ng mga manggagawa tulad ni Julio ay nakita rito ang katiwaliang nagaganap na kung saan ang hindi pantay ng karapatang pantao ng isang mayaman at mahirap at ang pangyayari kay Ligaya na puno ng pang-aabuso at karahasan na nakuha niya sa mga taong matataas at walang awang apak-apakan ang dignidad nito bilang isang tao ngunit sa kabila nito ang dalawang tauhan na ito ay patuloy na lumalaban at hindi nawawalan ng pag-asa.
Dahil dito ang tema o paksa ng nobelang “Sa mga Kuko ng Liwanag” ay ang Patuloy na paglaban at pag-asa sa kabila ng katiwalian at karahasang nagaganap sa lipunan.
e) Masama ba o mabuti ang aklat?
Ang lahat ng babasahin ay may dalawang maaring makuhang epekto at ito ay masama o mabuti.
Ito ay nakadipende sa mga mambabasa, halimbawa isa sa aral na makukuha rito ay mabuti tulad ng pagkakaroon ng pag-asa sa lahat ng pagsubok. Mabuti ang maidudulot nito sapagkat nabubuksan ang isipan ng mga mambabasa tungkol sa pangyayaring nagaganap sa lipunan. Pangalawa may negatibong epekto ito sa mga mambabasa dahil ang ibang kabanata ay mayroong pangyayaring hindi dapat mabasa ng mga menorde edad sapagkat maaring iba ang mensahe nito sa kanila o makuha nila ang mga karahasang gingawa ng ibang tauhan sa nobelang ito.

Talasagunian:
Aklat:
 PLUMA
 Sa Mga Kuko ng Liwanag
 www.google.com.ph

Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginamiy upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang diin ang kaniyang saloobin.

1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Halimbawa:
1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
3. Personipikasyon o Pagsasatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.
Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.
5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihis.
6. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
1. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
2. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.
3. BUmabaha ng dugo sa lansangan.
4. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman.
7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles
Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.
9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.
Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
3. Walang bibig ang umasa kay Romeo.
4. Hingin mo ang kaniyang kamay.
10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa:
1. Patay tayo dun.
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.

Ilang Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad (simile) - isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita't pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki'y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp.
Hal. Para ng halamang lumaki sa tubig,
Dahon ay nalalanta munting di madilig
-Francisco Baltazar, Florante at Laura

2. Paghahalintulad (Analohiya) - isang uring tambalan ng pagtutulad. Ipinahahayag ng paghahalintulad ang pagkamagkatulad ng isang kaugnayan sa ibang kaugnayan.
Hal. Ang tingin ng bubuyog sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng binata sa dalaga.

3. Pagwawangis (Metapora) - isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.
Hal. Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay.

4. Pagtatao (Personipikasyon) - tinatawag din itong pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan.
Hal. Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino.

5. Pamamalabis (Eksaherasyon) - isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.
Hal. Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka.

6. Pagpapalit-tawag (Metonymy) - isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay.
Hal. Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.

7. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) - pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi.
Hal. Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak.

8. Panawagan (Apostrophe) - ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.
Hal. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.

9. Tanong Retorikal - hindi ito naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Hal. May magulang bang nagtakwil sa kanyang anak?

10. Pag-uyam - mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.
Hal. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay.

11. Talinghaga (Allegory) - isa itong salaysay ng mga kinathang pangyayari na ang hangarin ay magbigay-kahulugan sa nga mahahalagang katunayan. Ang talinghaga ay "salaysay" at kauri nito ang tinatawag na parabula (na ang karamihan ay galling kay Kristo). Isa ittong kinathang salaysay na may mga pangyayaring maaaring nangyari sa katutubong buhay ng tao, ngunit kinatha upang maglarawan ng isang aral hinggil sa kalinisan ng pamumuhay at mabuting pakikipagkapwa.
Hal. "Ang Mabuting Samaritano"
"Ang Alibughang Anak"
TAYUTAY - ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.Sinasadya ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin...",

MGA URI NG TAYUTAY
1. SIMILI o Pagtutulad - Di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.Ginagamitan ito ng mga salitang:tulad,paris ng,kawangis ng,sing-,sim-,magkasing- at iba pa.
=halimbawa=
1.sasakyang parang ipu-ipo sa bilis
2.babaeng parang pagong sa bagal
3.lalakeng tila hari kung mag-utos
4.batang mukhang higante sa laki
5.aleng parang reyna kung mag-kumpas
2. METAPORA o pagwawangis - tiyak na paghahambing hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahabing na nakalapat sa mga pangalan,gawain,tawag o katangian ng bagay na inihahambing.
=halimbawa=
1.ipu-ipong sasakyan
2.babaeng pagong
3.batang higante
4.perlas na ngipin
5.ting-ting n balerina
6.palasyong bahay
7.kutis porselana
8.paraisong lugar
3. PERSONIPIKASYON o pagtatao - Ginagamit i2 upang bigyang-buhay,pagtaglayin ng mga katangiang pantaong-tilino,gawi,kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa at pangngalang-diwa.
=halimbawa=
1.tik-tak ng orasan ay nag hahabulan
2.masayang umihip ang hanging amihan
3.hayu't nagagalit ang araw sa silanga
4.ang nagtatampong aso,tingnan mo't malungkot
5.batong nagkalat sa mga lansangan ay mgasasaktan kung tinatapakan
Mga Uri ng Tayutay
Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.
Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Pag-uulit
** Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.
Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.
Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.
Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.
Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.
Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.
Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.
Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.
Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.
Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.
Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.
Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.

Similar Documents

Free Essay

Paper for School

...paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for schoolpaper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for schoolpaper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for schoolpaper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for schoolpaper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for schoolpaper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for schoolpaper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for schoolpaper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for schoolpaper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for schoolpaper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for school paper for schoolpaper for school...

Words: 922 - Pages: 4

Premium Essay

School Lunches Research Paper

...Some of our school lunches are good, others are not. Some people like the lunches and others never eat school lunch. Last year I ate a lot of the school lunches. This year I have not because they don't sound like the best thing to eat. There are some good lunches. Taco in a bag, nachos, chicken drummies, chicken nuggets, mandarin orange chicken and some more are good lunches. A lot of them are not so good like fishwitch, turkey burger, spaghetti, chicken parmesan, they only give use a little amount of. Most of the good lunches we don't get a lot. I think Another thing is that the lunches don't fill us up. Most of the time when we get done with lunch we are still hungry and that's not good. When we are still hungry that's what we are...

Words: 252 - Pages: 2

Premium Essay

School Lunch Research Paper

...Most students are complaining about healthy lunch at school. It is a fact, nine out of ten students surveyed don't like the school lunch, when in fact they should. This year is a mush healthier lunch in cafeteria. There are vegetables and you have fat free milk also. I have some ideas how students can live a healthy life by eating healthy, avoiding fast food, and try to make a limit. First, healthy means having or indicating good health in your body, and being healthy is better way to live your life. If students will eat healty they would be able to do or achieve anything in his/her own way. In body person could be strong and healthy. They will have positive thoughts and not negative thoughts. Second, students should eat healthy and...

Words: 274 - Pages: 2

Premium Essay

School Lunches Research Paper

...to get their hand in on school lunch programs across America. As a highschool student who has had her fair share of school lunches, a question that most likely poses on many minds is, “Is it really working?” Due to poor funding, outrageously strict requirements, and the want for convenience, many should ponder if all of this is really helping. It can very difficult to serve and satisfy a group of students when there is very little wiggle room. Since the year 2010, many schools nationwide have been under the reign of Michelle Obama’s Hunger-Free Kids Act. This act called for more whole grains, fruits and vegetables with less fat and sodium in student’s...

Words: 1228 - Pages: 5

Premium Essay

School Lunches Research Paper

...Most or everybody has ate a school lunch in one part of your life’s. But do you really know how healthy lunch food is? Why it’s healthy. How it’s healthy. Or even proof that it’s healthy. Well, Based on my research. I know that School lunches do not meet the federal standards. First. If I told you that fast foods healthier, would you believe me? I would know that you wouldn’t believe it. Don’t worry, I would not believe it myself. But would you be surprised if I had the accurate proof? Because I surprisingly do. Now. Normal fast foods like McDonalds or Burger king. Or even Kentucky Fried chicken (KFC) Inspect their food very well. So Fast foods are usually cleaner than lunch foods. In fact, most schools failed to meet the requirements for...

Words: 432 - Pages: 2

Premium Essay

School Lunch Research Paper

...One school rule that the principal should change is allowing students to leave campus for lunch because the school food can have a lot of of grease and sugar and could get a student sick. Students can get sick from school food because the lunch ladies does not know what the food came from or have inside. Many students in the world get sick of the food because the food might not be cook right and raw. Or the lunch ladies could still cook the food even though it could be bad. For example when i was in 6 grade this grade beside me was eating an hamburger from the lunch school and i was eating a sandwich that my mom made for me suddenly the girl started feeling bad after 3 hours she throw up at the class. The next thing she went to the nurse...

Words: 421 - Pages: 2

Premium Essay

Online School Research Paper

...How did you go to school? Did you attend a traditional brick and mortar school? Were you homeschooled? Did you go to a charter school? A magnet school? Maybe a private school? Or did you perhaps attend an online school? If you spent your school days with the luxury of being online schooled, then you were a very lucky student. In this day and age of technology, many colleges now offer a wide variety of online classes in addition to the large number of online schools. This relatively recent, widespread development opens countless windows of opportunity for dual enrollment, college and university students. Among many other features, choosing to take your classes online gives you an incredible amount of flexibility. If you have a job or kids, being able to do your assignments whenever you can, or whenever you, want can be invaluable. Unlike traditional classes, online you don’t have to worry about getting to school on time and missing your math teacher’s Wednesday pop-quizzes, or failing your literature class because you couldn’t finish that research paper by the due date. Online classes give you the flexibility to work at your own pace and on your own time. The boss says that you can’t afford to miss your 6am to 5pm shift today, even though your essay on global warming (Which you haven’t even started) is due at 1pm the...

Words: 842 - Pages: 4

Premium Essay

School Lunches Research Paper

...Yummmmmm, school lunches, it includes a variety of rotten pizza, undercooked chicken, and the everyday cold lunch. The lunch ladies should pay us to eat lunch from their cafeteria. The lunch is horrible, disgusting, as well as awful. The school might as well make the meat a mystery, because I bet you, they’re lying. Just bring 100 snacks from home and you would still be eating healthier. Also, school lunches can easily make a young adolescent fall sick. I mean I only fell sick for two weeks, because of school lunches! Pursuing this further, I believe students should take lunch from home. Although you may think buying lunch from cafeteria is more convenient, think about your health. You may save room in your book bag, but its just one lunchbox. Being...

Words: 819 - Pages: 4

Premium Essay

School Lunches Research Paper

...Have you ever been at school, so hungry, then reach in your pockets and only have a dollar? I, personally have done this many times and thought in my head “I wish we had a food vending machine.” School lunches can be so expensive and they continue to rise about $0.30, or 12 percent, every year ( School Nutrition Association 2017 ). Elementary school lunches are, on average, $0.26 cheaper than high school lunches, but each are being fed the same amount of food. Even though 18 percent of 12 to 19 year olds are considered obese, schools should have a junk food vending machine in the halls because kids get hungry during the day, some lunches are too expensive, and more expensive for the schools to provide. Often times in middle school or junior...

Words: 657 - Pages: 3

Premium Essay

School Lunches Research Paper

...Since the 1900s, lunches were served in schools. Over the decades, there were dramatic changes in school lunches and to make it clear, it recently changed. The latest political battle in DC- your lunch. They have been changed constantly health-wise from the 1900s to now. In the 1990s, school lunches hit its peak of unhealthy foods and most recently, people take a stand on changing, keeping or altogether getting rid of them. Two people currently taking a lead, first lady Michelle Obama who decides to keep school lunch standards but, on the other hand, Aderholt thinks these standards need to be changed greatly because it is too strict. Well, what do I, a 6th grader currently attending Miller Middle school think? Two main things, that need to change, is the schools lunch standards and who controls them. They are a...

Words: 520 - Pages: 3

Premium Essay

School Lunches Research Paper

...School lunches need to change for the better because everyday kids have complaints about them and even more kids around the world. So it's not just Zimmerman. The school lunches used to be decent until in 2012 when Barack Obama made a law called “The Healthy Hunger free kids act” which prevented unhealthy foods at schools. This helped reduce kids obesity, but the lunches are still gross and bad tasting. Even though they did get more fruits and vegetables the fruits are not fresh at all. For example the apples are hard as rocks and the vegetables taste like they’ve been out for weeks. I think it would be better if the school ordered subway or dominos once a week at least or a better provider because ours is very gross. Not only Zimmerman...

Words: 288 - Pages: 2

Premium Essay

School Lunches Research Paper

...almost 20 percent of kids were overweight. Many schools today are not giving kids enough fruits and vegetables in their lunches which is where a lot of them get their nutrition from. On top of that these schools are offering the kids to buy junk food which is causing many of them to become obese. The U.S. government should change lunches in schools so that they have a more variety of fruits and vegetables and their lunches contain more nutrition. Schools today are allowing kids to buy junk food and many of them choose that instead of eating fruits and vegetables which gives them the...

Words: 944 - Pages: 4

Premium Essay

School Lunch Research Paper

...Is School Lunch Really That Bad? During my early school years, the school lunch was very tasty, but not always healthy. In my younger years there was no act for nutrients at school, then later our present president made it a law to where all schools have to make the food healthier. I noticed the food was not as tasty as it used to be. School lunch will never be the same, but I still like the school’s food anyway. School lunch can be good for certain things; it is good for our health. Pizza, before the act our president made, was full of grease and fat, now there is less grease and little fat. Yet the trash cans are overflowing with untouched food now because people do not like that there is not fat or grease. Unlike me, who tends not...

Words: 339 - Pages: 2

Premium Essay

Catholic School Research Paper

...Catholic schools have been around for a while. Have you wondered how they originated or how they started? this year kids and parents have been making huge sacrifices to get their kids into a private catholic school. They know that sending their children to a catholic school is a huge advantage in life. Being a student at St.Pancratius has made me realize how much of an advantage is really is. Catholic schools have been around since the colonial era. They first began to appear in Maryland and Louisiana. In both states, there was a small amount of families that were catholic. Rich and wealthy families sent their kids to private school. These private catholic schools were operated by nuns. They would later become more and more popular and rich and wealthy families started to send their children to...

Words: 446 - Pages: 2

Premium Essay

School Lunches Research Paper

...Should schools be forced to serve healthier lunches? From vaccinations to doctor’s checkups, Americans do their best to promote health, especially among children. An increase in obesity cases can be observed in the last three decades; obese individuals are at higher risks for many heart and blood related illnesses. Malnourishment meaning lacking adequate nutrition is very prevalent among obese and underfed individuals. Nutrients are believed to provide many learning and cognitive benefits by stimulating receptors in the brain and releasing chemicals that help with learning. Research supporting good nutrition has been conducted, which has led to the government’s push in nutritious lunches. This push has led to a public debate on whether there...

Words: 934 - Pages: 4