Free Essay

The Heart of a Friens

In:

Submitted By kazumiakiraxiu
Words 2381
Pages 10
Proyekto
Sa
Filipino III

Ipinasa ni: Kimberly F. Caacbay Ipinasa kay: Gng. Maria Aurora Dizon Yr & Section: 3- Apo Petsa: Agosto 1,2011

Isang Umaga............. “Bilisan mo diyan, Akane ! Mahuhuli na tayo sa klase !”sigaw ni Keiko “Teka lang, magsasapatos na lang ako!”aniya ni Akane
Si Akane at Keiko ay matalik na magkaibigan. Sila’y nagkakilala noong apat na taon pa lang sila. Ngayon, sila’y nasa Ikatlong antas ng Sekondarya. Masigla,masayahin,matulungin,masipag at maaasahan si Akane.Samantala, mahinhin,masayahin,masipag,matapang si Keiko pero sa kabila niyan meron siyang sakit sa puso at hindi ito alam ni Akane. “Ang tagal mo naman magsapatos,isang oras na ako naghihintay dito”,pabirong sabi ni Keiko. “Ang aga-aga natin kasi lagi eh”,katwiran ni Akane. “Pumasok na nga tayo, huli na tayo sa klase.Ikaw kasi” aniya ni Keiko.
Pagkadating nila sa paaralan, parehas silang napagalitan. At pagkaupo nila ay tumawa sila. Oras ng klase, napapahanga lagi ang mga guro sa kanilang dalawa dahil sila’y magagaling sumagot, nakakakuha lagi ng matataas na marka. At tuwing may okasyon sa paaralan nila ay sumasali sila lagi sa sayawan.Kapwa silang mahuhusay sumayaw.
“Krrrriiiiiiiiiingggggggggg !” tumunog na ang bell at naghanda na sila para umuwi.Naglakad sina Akane at Keiko papauwi at nang may sumalubong sa kanila.
“Akane!Keiko! Sandali lang”,sabi ng sumalaubong sa kanila.
“Ay!Ikaw pala yan, Yui.Ano iyon?”,Tanong ni Keiko.
“Gusto ko sanang anyayaan kayo sa aking kaarawan bukas,gusto niyo bang sumama”,ani ni Yui.
“Sige,sige sasama kami! Mukhang masaya doon.Saan ba gaganapin ang iyong kaarawan?”,tanong ni Akane.
“Sa isang resort idadaos ang aking kaarawan. Ibig sabihin niyan magsi-swimming tayo!”, tuwang-tuwang wika niya.
“Sige, sasama kami makakaasa ka. Hindi ba Keiko?”
“Huh? Ah, o-oo”, nag-aalangang sgot niya.
“Sige salamat,ingat kayo ah.”,paalam ni Yui
Pagkatapos mag-usap ng tatlo ay umuwi na sina Keiko at Akane.Nagtataka si Akane kung bakit nag-aalangang sumagot si Keiko.”May problema ba siya”, tanong niya sa kanyang sarili. At natulog na siya.
Kinabukasan, pinuntahan na ni Akane si Keiko sa bahay nila.At pagdating niya doon ay nakabihis na si Keiko at handa nang umalis.Habang naglalakad silang dalawa ay nagtanong si Akane,”May problema ka ba?” “A-ako? Wala”,tugon naman ni Keiko.Tahimik silang naglalakad noon habang nakarating na sila sa resort.At doon nakaabang si Yui sa entrance. At pumasok na sila sa loob.Pagpasok nila ay nandoon lahat ng mga kaklase nila na tuwang-tuwa sa paglalaro.At nagbihis na rin sila. Si Keiko ay nasa mababaw lamang nakaupo habang si Akane ay nasa leeg na ang taas ng tubig at nakikipaglaro sa mga kaklase niya.
“Halika dito, Keiko!Gumalaw ka naman diyan”,sigaw ni Akane
“A-eh..kasi....”,ani ni Keiko.
Pero bago pa man makasagot si Keiko,ay hinila siya agad nito ni Akane at naglaro na silang lahat doon.Habang naglalaro at naghaharutan sa swimming pool, ay hinahanap ni Akane si Keiko.Hinahanap niya ito ng hinanap hanggang sa makita niya ito sa mababaw na pool,parang naghahabol ng hininga.Agad niya itong nilapitan niya ito. Pero pagkalapit niya ay bigla itong nawalan ng ulirat at mabuti na lang ay bigla niya itong nasalo ni Akane si Keiko.
“Keiko, anong nangyari sa iyo? Gumising ka!”,sigaw nito.
Lahat ng mga kaklase nila ay nagsikuha ng tubig,pinapaypayan siya,hinilot-hilot sa kamay at samantala si Akane ay tumawag kaagad ng ambulansya.Lahat ay alalang-alala sa kanya.
Dumating na ang ambulansya at isinakay na doon si Keiko, sumama si Akane.Pagkadating sa ospital ay itinungo si Keiko sa Emergency Room.Tinawagan ni Akane ang magulang ni Keiko.
Ilang oras ang makalipas, ay pinuntahan na ni Akane si Keiko at kinausap niya ito.
“Kamusta na ang lagay mo? Bakit hindi mo sinasabi sa akin na may sakit ka pala sa puso?”, pag-aalalang tanong ni Akane.
“K-kasi ayaw kong mag-alala ka sa akin, di ba matapang ako?”,nakangiting sagot ni Keiko.
“Kahit na, ‘di ba magkaibigan tayo? Dapat sinasabi mo sa akin ang mga problema mo.”,ani niya.
Nagkaroon ng katahimikan sa pag-uusap ng dalawa. Sa pangyayaring iyon, ay bigla na lang dumating ang mga magulang ni Keiko na alalang-alala sa kanya. Pinasalamatan nang magulang ni Keiko si Akane dahil sa pagdala dito sa ospital at pag-aalaga dito.
Ilang araw ang lumipas ay nakalabas na si Keiko sa ospital at nagpahinga sa bahay nila at pinuntahan agad ito ni Akane at dumiretso agad sa kanyang kwarto at biglang niyakap dahil ilang araw na niyang hindi nakikita ito.
Tinuturuan ni Akane si Keiko tungkol sa pinag-aralan nila noong siya’y lumiban sa klase. Pagkatapos mag-aral ay umuwi na si Akane ng kinahapunan.At sinabihan si Keiko na pumasok siya bukas at mabilis naman itong tumugon.Masaya silang nagpaalam sa isa’t-isa.
Umaga na at sabay na pumasok ang dalawa papunta sa paaralan. Masayang sinalubong si Keiko ng kanyang mga kaklase. At nagsimula na ang kanilang klase.
“Oh! Keiko ,ayos ka na ba?”,tanong ng kanilang guro.
“Ay,opo Ma’am Moka! Tingnan niyo po ako,ang sigla-sigla ko ngayon.”,nakangiting tugon ni Keiko.
“Mabuti naman kung ganoon.Pero sabihin mo sa amin kapag masama ang iyong pakiramdam”,paalalang sagot niya.
“Opo,ma’am”,tugon naman ni Keiko.
Pagkatapos ng klase nila ay umuwi na sila Keiko at Akane pero, bago sila umuwi ay pumunta muna sila sa lugar na paborito nilang puntahan. Ito ay ang isang lugar na parang isang paraiso na may mga puno,magagandang bulaklak, mga damo at ang haplos ng mahinhing simoy ng hangin. Sila’y nag-uusap habang nakahigang nakatanaw sa asul at malawak na langit..
“Akane, ‘di ba matalik na magkaibigan tayo?”.tanong ni Keiko.
“Anong klaseng tanong yan? Siyempre naman”,tugon niya
“Hindi tayo mag-iiwanan kahit na dumating ang mga mabibigat na pagsubok ang darating sa atin?”,tanong ulit Keiko.
“Oo naman, magkaibigan tayo hindi ba? Ano ba naman iyang pinagtatanong mo?”,sagot niya.
“Dapat sabay tayong mamatay ah”,hikayat ni Keiko.
“Nasisiraan ka na talaga.Oo naman sabay talaga tayong mamamatay.Gusto mo ngayon na?”,biro nito.
Pagkatapos mag-usap ng dalawa ay nagpahinga muna sila at umuwi. At kinaumagahan, humahangos na umalis si Akane sa bahay nila,laging sinasambit ang katagang”Huwag kang mag-alala, hinding-hindi kita iiwan”..At nakarating na siya sa ospital kung saan nandoon si Keiko.
Habang nasa ospital ay sinabi ng doktor na..
“Pasensya na po pero kailangan siyang mapa-heart transplant sa lalong madaling panahon.”,sabi ng doktor.
“Ano! Hindi pwede.Hindi pan niya kakayanin ang ganyang operasyon!”,tugon ng ina ni Keiko.
“Pero ito na lang ang tanging paraan upang mabuhay siya.Ang nasa itaas na lang ang magdedesisyon kung mabubuhay pa ba siya o hindi.”,tugon ng doktor.
“Paano na yan,dok?”,tanong nang ama ni Keiko.
“Basta gagawin namin ang lahat at huwag kayong mawalan ng pag-asa.Pero wala pang available na puso para sa kanya.”,ani ng doktor.
“Ano?! Paano ako papayag niyan kung wala pa lang puso na para sa kanya!”,himutok ng ina ni Keiko.
“Gagawin po namin ang aming makakaya”,tugon ng doktor.
At bigla na lamang dumating si Akane na hingal na hingal sa ospital.
“Magandang Umaga po! Kamusta na po si Akane?”,hinihingal na tanong niya.
“Huwag ka sana mabibigla Akane. Kailangan niya nang maoperahan sa lalong madaling panahon at kaya namin siya sinugod sa ospital dahil nagkaroon siya ng matinding atake sa puso at sabi ng kanyang doktor ay may butas ang kanyang puso at kailangan siyang mapa-heart transplant.”,tugon ng ina ni Keiko.
“Mayroon na po bang available na puso para sa kanya?”,tanong ni Akane.
“Yun nga ang pinag-aalala ko.Sabi kasi ng kanyang doktor ay wala pang puso ang pwedeng ipangpapalit sa kanya.”,umiiyak na tugon ng ina ni Keiko.
Pagkatapos ng pag-uusap ng dalawa ay tumungo agad si Akane kay Keiko.At sinabing...
“Pangako ko sa iyo, hinding-hindi kita iiwanan. Di ba magkaibigan tayo?Kaya sasamahan kita kahit saan.Pero mas matutuwa ako kung mabubuhay ka ng matagal.”,umiiyak na wika ni Akane.
Umalis siya kaagad at pumunta naman sa simbahan.Pagkatapos ay lumabas muna siya sa ospital ng umiiyak.
“Bakit kailangan mo pang maghirap nang ganito? Bakit? Lumaban ka para sa amin,alam kong matapang ka at kailangan mo pang mabuhay ng matagal”.
Habang patawid na si Akane sa kabilang daanan ay may biglang rumaragasang sasakyan na tila nawalan ng preno. Pero bago pa man makaiwas si Akane ay nasagasaan na ito. Sa kasawiang palad, hindi siya tinulungan ng driver ng sasakyan.Sa halip, ay agad itong tumakas papalayo.Mabuti na lang ay may isang babae ang tumulong sa kanya at bago isugod ng babae sa ospital si Akane, ay bigla na lamang siyang nagsalita at sinabing.
“Ate,maraming salamat at tinulungan niyo ako pero hindi na yata ako aabot.Pakisabi na lang sa magulang ko na i-donate na lang itong puso ko kay Keiko at pakisabi sa kanilang lahat na paalam na at kay Keiko,pakisabi sa kanya na dadalawin ko siya at huwag niya sana akong kalimutan.”,at biglang nawalan ng ulirat si Akane. Pero hindi pa rin ito inalinta ng babae.Sa halip,sinugod niya sa ospital. Bago pa man ito dalhin sa emergency room, ay binawian na siya ng buhay. Agad na pumunta ang mga magulang ni Akane.Malakas na nag-iyakan ang mga ito.At pinasalamatan ng marami ang babae at sinabi ng babae ang huling habilin ni Akane sa kanya.Pumayag naman ang ina ni Akane at tinawagan agad ang ospital kung saan naroroon si Keiko. Tinawagan din nito ang mga magulang ni Keiko at sinabi rin ang habilin ni Akane sa kanya.
Samantala,sa kalagayan naman ng mga magulang ni Keiko ay bigla silang nabuhayan dahil mayroon ng puso ang ipapalit kay Keiko. Lubos na nagpasalamat ang mga magulang ni Keiko pero malungkot sila para kay Akane dahil ito’y pumanaw na.
Dumating na ang puso na ipapalit kay Keiko at sinimulan na ang operasyon.Makalipas ang ilang oras ay natapos na ang operasyon.Masayang inihatid ng doktor ni Keiko ang resulta ng kanyang operasyon.
“Kami po ay lubos na nagagalak dahil matagumpay po naming natapos ang operasyon at hinggil pa diyan ay magaling na at buhay po ang iyong anak”,masayang tugon ng doktor.
“Maraming salamat naman po kung ganoon”,masaya ring tugon ng ama ni Keiko.
Pagkatapos ng masayang usapan,ay tumungo agad ang mga magulang nito sa kinaroroonan ni Keiko.
Kinabukasan,ay nagising na si Keiko at labis na ikinatuwa ng magulang niya na nabuhay siya.
“Kamusta ka na,anak?”,tanong ng ama ni Keiko.
“Ayos lang po ako.Salamat po”,tugon niya.
“Wala yun anak basta ang mahalaga ay buhay at magaling ka.”,masayang wika ng ina niya.
“Nasaan nga po pala si Akane?”,tanong ni Keiko.
Natahimik ang mga magulang niya at..
“Ah anak,magpahinga ka muna para maaga tayong makalabas sa ospital.”,wika ng ina niya.
Nagpahinga na si Keiko at ilang araw ay nakalabas na sila sa ospital.Masayang pumasok si Keiko sa kanilang tahanan at agad na kumain ng kumain.Napatigil siya at tinanong...
“Nasaan na si Akane,ina?”tanong ni Keiko.
“Ah-eh...Huwag ka mabibigla anak ah.”,paalala ng nanay niya.
“Bakit po? Anong nangyari sa kanya?”,tugon niya.
“N-namatay na siya noong ikaw’y inooperahan.Yung puso na ipinalit sa iyo ay kanya. At bago siya pumanaw ay sinabi niyang ibigay sa iyo ang puso niya at sinabi rin niyang dadalawin ka niya at sana’y huwag mo siyang kakalimutan.Sadya talagang napakabait ng iyong kaibigan ngunit ako’y nalulungkot sa kanya dahil sa dinami-dami ng pwedeng pumanaw ay bakit siya pa.Napakabata pa niya para mamatay.”,sagot ng kanyang ina.
“Ano po! Namatay na siya at nasa akin din ang puso niya?!”,gulat niya.
“Oo, anak. Kaya magpasalamat ka sa kanya dahil tunay talaga siyang kaibigan.”,aniya niya.
“Opo,pupunta po ako ngayon sa kanyang hantungan”,tugon ni Keiko.
Pagkatapos pumunta niyang pumunta sa libingan ni Akane,ay agad na pumunta si Keiko sa lugar na paborito nilang puntahan na sadyang paraiso sa kanila.At doon niya inaalala ang mga masasayang araw nila ni Akane.
“Diyos ko!Bakit si Akane pa ang kinuha niyo?Dapat ako na lang.....Hindi ba Akane,sabay tayong mamamatay?Bakit ka nauna?Bakit ka pa kasi namatay?”,sisi ni Keiko.
Umiyak siya ng umiyak at tila wala ng bukas ang kanyang pagtatangis kay Akane.
“Pero Akane,salamat dahil isa ka talagang tunay na kaibigan.Tandaan mo magkikita rin tayo sa langit..Ipinapangako ko na aalagaan ko itong puso mo hanggang sa dumating na ang oras na ako’y papanaw na.Mahal kita,kaibigan”.

Mga Bahagi ng Maikling kwento
1.Panimula o Exposition
-Pangunahing Tauhan sa maikling kwento:
*Keiko- dalagang may sakit sa puso, mahinhin,masayahin,masipag,matulungin,matapang,mabait at mapagbiro.
*Akane- Masigla,masayahin,mabait,matulungin,masipag at maaasahan.
-Mga Sumuporta sa mga Pangunahing tauhan
*Yui- kaklase nina Akane at Keiko, isang mabait,palakaibigan at masayahin.
*Bb.Moka-guro nina Keiko,Akane at Yui. Isang maalahanin at mahusay na guro sa Filipino.
Ina’t ama ni Keiko- mabait,maalahanin,masipag at masayahin.
-Tagpuan ng kwento-
Ospital-lugar kung saan doon dinadala si Keiko.
Malaparaisong lugar-Paboritong puntahan ng pangunahing tauhan.
2.Tunggalian
-Noong sinabi ng doktor na kailangan nang magpa-heart transplant ni Keiko.Subalit wala pang puso ang ipagpapalit sa kanya.
3.Kasukdulan
-Nung naaksidente si Akane at tumakas pa ang nakabunggo dito,pero may isang babaeng tumulong sa kanya at dinala siya sa ospital.Pero,sa kasawiang palad ay namatay si Akane bago pa man itinakbo sa emergency room.
At nung inoperahan si Keiko at sa kabutihang palad, ay naging matagumpay ang operasyon at naging magaling na si Keiko.
4.Wakas
-Nung nalaman ni Keiko na nasa kanya pala ang puso ni Akane at pumunta ito sa paborito nilang puntahan sa malaparaisong lugar at pinasalamatan ito.
ARAL
* Ang naging aral sa maikling kwento na ito ay ang pagpapakita ng tunay na kaibigan.Sa pamilya, pinapakita dito ang pagmamahal sa anak at pagiging responsable. At sa pagkakaibigan, maliban sa pagpapakita ng tunay na kaibigan ay ipinakita din dito ang pagiging malapit sa isa’t-isa at pagiging tapat sa mga pangako at pagiging tapat sa isa’t-isa.

Similar Documents

Free Essay

Black Music and the Civil Rights Movement

...Anna Munoz Dr. Jones DISC 1313 December 4, 2015 Music and The Civil Rights Movement of the 1960’s All forms of Black music, from jazz to rock and roll, played an important part in the Civil Rights Movement. The songs were sung for multiple purposes and played a critical role in inspiring, activating, and giving voice to the people involved. The evolution of music during the early 1950’s and 1960’s in the Black freedom struggle reflects the evolution of the Civil Rights Movement itself. The progressive thought of the 1950s nurtured new ideas and cultures including the Civil Rights Movement and the fast spread of rock and roll. One such cultural revival occurred after the end of World War II during a time of change, prosperity and restoration.  The “Puritan dicta” outlined by Baldwin represents the American ideology before the Second World War. As the first settlers of this nation, the Puritans set the mold for many common American ideologies.  In the Puritan view white represented good and black represented evil, including Africans and their culture.  After the war, Baldwin states that the former puritanical views of whites will be challenged.  Musicians such as Elvis Presley were the first to issue this challenge to white society.  Early rockers like Elvis would pave the way for social commentary in music that would add much fire to the Civil Rights Movement. To fully understand the explosion of popularity of Black music in the years following World War II, one must understand...

Words: 4492 - Pages: 18

Free Essay

Dgsvh

...How to Start a Successful Tourism Business Page 1 How to Start a Successful Tourism Business Introduction Starting your own business in tourism is undoubtedl y a challenge and should never be entered into lightly or without due consideration. That said, with a feasible idea, effective planning and strong determination on your behalf yo u can and will succeed. To help you as you take the first steps on this exciting journe y, Fáilte Ireland has developed a range of guides and tools to support you. This particular document should be seen as a ‘gateway guide’ and is designed to be considered at the early planning stage; it will help you to reflect upon important initial questions whi ch will impact on the journey that lies ahead of you. This guide is therefore more concerned with questio ns than answers at this stage. It is not intended to provide you with detailed guidance on what needs to be done, that will be available elsewhere in the Business Tools site; instead, it is focused on helping you to think about key planning considerations which are f requently overlooked by those starting new businesses. The questions are shown: When you have reviewed these questions and taken a more holistic view of what is required to launch a successful tourism business, y ou can then find comprehensive guidance on the remaining sections of the Business Tools site. Starting your own business 1. Are you ready for this? 2. How ...

Words: 5204 - Pages: 21

Free Essay

Joyce Carol Oates

...jg1DX

Words: 10421 - Pages: 42

Free Essay

Short Stories

...Chinua Achebe A Man of the People First published in 1966 For Chris CHAPTER ONE No one can deny that Chief the Honourable M.A. Nanga, M.P., was the most approachable politician in the country. Whether you asked in the city or in his home village, Anata, they would tell you he was a man of the people. I have to admit this from the onset or else the story I'm going to tell will make no sense. That afternoon he was due to address the staff and students of the Anata Grammar School where I was teaching at the time. But as usual in those highly political times the villagers moved in and virtually took over. The Assembly Hall must have carried well over thrice its capacity. Many villagers sat on the floor, right up to the foot of the dais. I took one look and decided it was just as well we had to stay outside---at least for the moment. Five or six dancing groups were performing at different points in the compound. The popular 'Ego Women's Party' wore a new uniform of expensive accra cloth. In spite of the din you could still hear as clear as a bird the high- powered voice of their soloist, whom they admiringly nicknamed 'Grammarphone'. Personally I don't care too much for our women's dancing but you just had to listen whenever Grammar-phone sang. She was now praising Micah's handsomeness, which she likened to the perfect, sculpted beauty of a carved eagle, and his popularity which would be the envy of the proverbial traveller-to-distant-places who must not...

Words: 51295 - Pages: 206

Free Essay

Spanish Grammar

...BASIC SPANISH: A GRAMMAR AND WORKBOOK Basic Spanish: A Grammar and Workbook comprises an accessible reference grammar and related exercises in a single volume. This workbook presents 20 individual grammar points in realistic contexts, providing a grammatical approach that will allow students not already familiar with these terms to become accustomed to their use. Each unit is included on a graded basis beginning with the simpler aspects of Spanish grammar and proceeding to the more complex points. Grammar points are followed by examples and exercises selected to reinforce mastery of the topic. Basic Spanish provides an ideal introduction to the language, with insights into the Spanish-speaking peoples and their related cultures. For use in the classroom, or for the independent learner, this workbook enables readers to express themselves in a wide variety of situations. Features include: • authentic reading texts to encourage an understanding of Spain and Spanish-speaking countries • reference to Latin American usage where appropriate • full exercise answer key • glossary of grammatical terms Basic Spanish is the ideal reference and practice book for beginners and also for students with some knowledge of the language. Carmen Arnaiz and Irene Wilkie are both Senior Lecturers in Spanish and Linguistics at the University of the West of England, Bristol. Titles of related interest published by Routledge: Modern Spanish Grammar: A Practical Guide Juan Kattán-Ibarra...

Words: 38366 - Pages: 154

Free Essay

Introduction to Sociolinguistic

...An Introduction to Sociolinguistics AITA01 1 5/9/05, 4:36 PM Blackwell Textbooks in Linguistics The books included in this series provide comprehensive accounts of some of the most central and most rapidly developing areas of research in linguistics. Intended primarily for introductory and post-introductory students, they include exercises, discussion points, and suggestions for further reading. 1. Liliane Haegeman 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. Andrew Spencer Helen Goodluck Ronald Wardhaugh Martin Atkinson Diane Blakemore Michael Kenstowicz Deborah Schiffrin John Clark and Colin Yallop 10. 11. 12. 13. Natsuko Tsujimura Robert D. Borsley Nigel Fabb Irene Heim and Angelika Kratzer 14. Liliane Haegeman and Jacqueline Guéron 15. Stephen Crain and Diane Lillo-Martin 16. Joan Bresnan 17. Barbara A. Fennell 18. Henry Rogers 19. Benjamin W. Fortson IV 20. AITA01 Liliane Haegeman 2 Introduction to Government and Binding Theory (Second Edition) Morphological Theory Language Acquisition Introduction to Sociolinguistics (Fifth Edition) Children’s Syntax Understanding Utterances Phonology in Generative Grammar Approaches to Discourse An Introduction to Phonetics and Phonology (Second Edition) An Introduction to Japanese Linguistics Modern Phrase Structure Grammar Linguistics and Literature Semantics in Generative Grammar English Grammar: A Generative Perspective An Introduction to Linguistic Theory and Language...

Words: 213157 - Pages: 853