ANG LOHIKAL NA PANGANGATWIRAN AY ISANG URI NG PANGANGATWIRAN NA GINAGAMITAN NG MAPANURING PAG-IISIP. ANG BAWAT PROPOSISYON O ISYUNG PINAG-UUSAPAN AY KAILANGANG MAYROONG TIYAK NA EBIDENSYA O PATUNAY AT BATAY SA KATOTOHANAN.
pangangatwirang pasaklaw -nagsisimula sa malaki patungo sa maliit na kaisipan o katotohanan!!!!!!!! halimbawa:ang lahat ng hayop ay nilikha ng diyos .Ang manok ay isang uri ng hayop kung gayon ang manok ay nilkha ng diyos!!!!!!!!!!!
Pangangatwiran
Hakbangin sa pangangatwiran:
1. malaman ang paksang kailangan ng katwiran.
2.malaman ang tamang pagsusuri ng proposisyon.
3.malaman ang tamang paraan ng pangangatwiran.
4.pag-aralan at suriin ang argumento at ebidensya.
*proposisyon- ideya
*argumento- diskusyon
*katibayan- ebidensya para sumuporta sa argumento.
Tatlong Paraan ng Pangangatwiran
1. Paraang lohikal- ginagamit na batayan ang pagkakatulad ng dalawang bagay.
2. Paraang patiyak o induktibo- nangangatwiran na nagsisimula sa maliit na kaisipan hanggang sa malaking kaisipan.
3. Paraang pasaklaw o deduktibo- nangangatwiran na nagsisimula sa malaking kaisipan mula sa maliit na kaisipan.
Proposisyon- ay tinatanggap bilang isang uri ng paninindigang nilalaman ng isang buong pangungusap na ang layunin ay patunayan ito sa pamamagitan ng mga ipinahahayag na argumento.
- nagsasaad ng ideya na posibleng tutulan at pagtalunan.
Mga Uri ng Proposisyon:
1. Pangyayari- sa mga ulat(magsusulat man o hindi), pag-iinterbyu sa mga taong may kinalaman o tuwirang nakasaksi, at sariling pagtuklas at paghatid sa tunay na pangyayari.
2. Kahalagahan- pinaninindigan nito ang kahalagahan o kabuluhan ng isang bagay. paglulunsad ng mga gawaing pambayan.
3. Patakaran- Nagmumugkahi ng kalutasan sa isyung hinaharap. Ginagamit ang "dapat" at pampublikong pagtatalo.
Mga Katangian ng Mahusay na Proposisyon
1. Piliin ang paksang nalalaman ng maraming tao.
2. Ang proposisyon ay dapat walang kinikilingan.
3. Iwasang maging sabog ang argumento.
Pagsusuri ng Proposisyon
1. Itala ang gagamiting argumento.
2. Malinaw ang pinagtatalunan.
Ang Ebidensya
Ang mga ideyang ginagamit sa mga proposisyon.
Mga Uri ng Ebidensya
1. Pangyayari- konkretong ebidensya tulad ng media.
2. Obserbasyon- nasaksihan, napakinggan, naamoy, naramdaman
3. Saksi- mapagkakatiwalaang tao sa nangyari
4. Dalubhasa- nanggaling sa masusing pag-aaral ng mga pangyayari.