Free Essay

Bakit Kailangan Ko Pang Mag Log in : Isang Pananaliksik

In:

Submitted By ohohpenpen
Words 716
Pages 3
Ikaw na nagbabasa ngayon, pustahan tayo, ayaw mo ng math. Maraming estudyante, matalino man o hindi, taga-kolehiyo o mataas na paaralan, Pinoy o Amerikano, pribadong paaralan o publiko, mataba o payat, ang nasisindak sa lagim at panay ang reklamo sa hirap na dulot nito. Bihirang-bihira ang makakita ng taong lantarang sasabihin ang kahiligan sa mga nakababasag ulong mga cosine function o logarithmic expressions. Ngunit, bakit ganito na lamang kanegativo ang reaksyon nating mga estudyante sa asignaturang ito? Inisa-isa ni Wichael (n.d.) sa artikulo niyang “Why some teens dislike math and science” ang mga dahilan kung bakit kinapopootan ang hilig ng mga walang malay na matematisyan. Ang ilan sa kanyang mga punto ay bibigyang linaw sa mga sumusunod na talata: Kawalan ng Pagunawa. Ang isa sa mga pinaka karaniwang katwiran ng mga estudyante ay ang kawalan ng pagunawa sa isa o dalawang mga aralin ng kurso. Madalas, sa matematika, ang pagkakaturo ng mga leksyon ay sa paraang mula sa pinaka madali hanggang sa pinaka mahirap, at kung ang estudyante ay mawawalan ng pagunawa sa bandang gitna ng proseso, mararamdaman niyang siya ay “nawawala”. Mas mapapalala ang sitwasyon kung iba-iba ang bilis ng pagkakatuto ng isang lupon ng mag-aaral: may mga maiiwan, may mga mauuna, at walang magagawa ang guro kundi magpatuloy sa pagtuturo. Maaari ring hindi sanay sa matinding pagaaral sa bahay ang bata, o magulo ang pagkakaturo ng leksiyon. Gayunman, kung hindi naiintindihan kahit ang pinaka konsepto man lang ng mga aralin, talagang mahihirapan ang estudyante na makaunawa ng mas mahihirap at mas matataas ng antas ng leksiyon. At kung hindi naiintindihan ang ginagawa, babagsak, maiinis. Sino bang hindi maiinis sa isang bagay na nagdudulot ng pagkababa ng moralidad? Sa kalaunan, aayawin ang math. Iba't-ibang Sistema ng Pagtuturo at Learning Style. Marami nang nabuhay na guro sa mundo, marami nang nabuhay na guro ng matematika. Malamang mas marami rin ang kanilang pagkakaiba sa sistema ng pagtuturo. May mabilis magturo, may pang-elementarya; may gumagamit ng projector, may chalk-and-mouth; may pinagpapawisan sa sobrang pagkabibo, meron rin saksakan ng katamaran. Ang lahat ng ito ay nakakaafekto sa mabisang pagkaunawa ng estudyante. Iba’t-iba rin ang paraan ng pagkakatuto na angkop sa isang estudyante. May gusto ng hands-on, may gustong kumopya lang ng notes, may gusto ng nakikinig lang nang walang hawak na lapis, at may gusto na ang aklat na lamang ang sanggunian imbis na ang guro mismo. Kung hindi sumasang-ayon ang sistema ng guro sa learning style ng estudyante, maaaring hindi agad makukuha ang punto ng aralin. Magkakaroon ng estado ng “pagkawala”: hindi maiintindihan ang leksiyon, babagsak, samakatwid lilitaw ang malinaw na pag-ayaw sa matematika. Kawalan ng Pagpapahalaga. “Magchechef ako, kaya hindi ko na kailangang pagaralan kung paano makukuha ang value ng x.” “’Pag nanganak ba ako, matutulungan ako ng mga trigonometric identities?” “Hindi mababalik ng cubic function ang cellphone na kinupit nila sa akin, aanhin ko pa yan?” Isang beses sa iyong buong buhay ng pagaaral, malamang naitanong mo na sa sarili mo ang isang tanong halintulad ng mga nasa itaas. Kapag hindi natatagpuan ng isang estudyante ang kahalagahan ng kaniyang pinagaaralan, lumalago naman ang pagkamuhi. Kung sa bagay, bakit mo pa pagaaralan ang isang bagay na walang naidulot na maganda sa iyo? Wala namang mali sa mga katwirang iyan, kaso, may nakaligtaan ka lang na magandang maidudulot sa iyo ng matematika. Kailangan mo nga lang munang maintindihan na hindi lang puro delubyo at pabagsakbagsak na grado ang “biyaya” ng asignaturang ito. Hindi mo namamalayan, tahasang nahahasa na ang iyong critical thinking, at sa tuwing nakukuha mo ang tamang sagot sa mga problemang binibigay sa iyo, nabibigyan mo ng lakas ng loob at kumpiyansa ang sarili mo upang bigyang solusyon ang mga mas mabibigat na dagok sa buhay na mararanasan mo.
Totoong hindi natin mapipilit sa isang tao ang pagkaing ayaw niyang lunukin o nguyain. Gayunpaman, hindi mapagkakaila ang kahalagahan ng matematika kung maglalayong maging isang prufesyonal na manggagawa ng isang mag-aaral. Marahil ay magiging mainam kung gagawing banaag ng pag-asa ang katotohanang laging mas nakalalamang ang karunungan sa katalinuhan.
Sanggunian: Wichael, A.M. (n.d.) Why some teens dislike math and science. Retrieved on January 31, 2011: http://www.helium.com/items/2076811-why-some-teens-dislike-math-and-science.

Similar Documents

Free Essay

Anytime

...ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO Renato Constantino (Malayang salin ni Luis Maria Martinez) Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagpupunyaging magtamo ng kalayaang pangkabuhayan at pampulitika at nagnanais na muling madalisay ang sariling kultura. Tayong mga Pilipino ay isang gayong bansa. Dahil dito, ang ating edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong may pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat itong lumikha ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na lakas ng loob na kumilos at magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan. Makabayang Pagkilos sa Edukasyon Ilang taon na ang nakalipas sapul nang umalingawngaw ang mga makabayang kahilingan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang mga makabayang kahilingang ito ay binigyang-linaw at ipinalaganap ng yumaong Claro M. Recto. Marubdob na isinulong ang mga kahilingang kilalanin ang kapangyarihan ng Pilipinas sa mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Iginiit ang pagtutuwid ng mga tiwaling ugnayang pangkabuhayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Minsa’y nahamig ang suporta ng mga mangangalakal na Pilipino sa patakarang Pilipino Muna, at maraming iskolar at ekonomista ang nagmungkahing gawing kagyat na kahilingan ng bansa ang paglaya ng ating ekonomya. Nakita sa larangan ng sining ang mga palatandaan ng bagong pagpapahalaga sa ating kultura. Anubaga’t niririndi ng sanlaksang makabayang pagkilos ang iba’t ibang larangan...

Words: 17033 - Pages: 69

Premium Essay

Blar

...Isang Pagaaral Tungkol sa Epekto ng Social Networking Bilang Public Property sa mga Magaaral ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa mga Piling Kolehiyo at Hayskul Isang Pananaliksik Papel ang Ipinasa kay: Gng. Zendel M. Taruc Kagawaran ng mga Wika UST, Kolehiya ng Nursing Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa kurso ng Filipino 2: Pagbabasa at Pagsusulat Tungo sa Pananaliksik Ika-2 Semester, TA: 2007-2008 Ipinasa nina: Banzon, Jose Paulo Luigi A. Bayot, James C. De Chavez, Renz Irvin A. Isidro, Robin Delfin Lopez, Victor Rico P. Paulino, Alberto P. III Surell, Rusell John P. Unas, Janssen Dion T. Versoza, Jonas Ian R. I-1 Marso 7, 2008 TALAAN NG NILALAMAN Pahina I. Ang Suliranin at Kaligirang Pag-aaral a. Abstrak b. Mga Layunin II. III. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Disenyo at Paraan ng Pananaliksik a. Metodolohiya b. Presentasyon, Pagsusuri, at Interpretasyon ng Datos IV. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon a. Lagom b. Kongklusyon c. Rekomendasyon V. Bibliografiya 1-2 1 2 3-15 16-22 16-17 17-22 23-25 23 24 25 27-29 I. Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral 1. Kaligiran ng Pag-aaral(abstrak) Ang pag-aaral ay tungkol sa epekto ng social networking bilang public property. Ang papel ay naglalarawan sa pananaw, kaugalian, at ideya ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Santo Tomas sa mga piling kolehiyo at hayskul. Ang ginamit na instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay isang sarbey na naglalaman ng mga open at close- ended na mga katanungan tungkol sa ideya...

Words: 6878 - Pages: 28