Free Essay

Anytime

In:

Submitted By pollenrey
Words 17033
Pages 69
ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO

Renato Constantino

(Malayang salin ni Luis Maria Martinez)

Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagpupunyaging magtamo ng kalayaang pangkabuhayan at pampulitika at nagnanais na muling madalisay ang sariling kultura. Tayong mga Pilipino ay isang gayong bansa. Dahil dito, ang ating edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong may pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat itong lumikha ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na lakas ng loob na kumilos at magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan.

Makabayang Pagkilos sa Edukasyon

Ilang taon na ang nakalipas sapul nang umalingawngaw ang mga makabayang kahilingan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang mga makabayang kahilingang ito ay binigyang-linaw at ipinalaganap ng yumaong Claro M. Recto. Marubdob na isinulong ang mga kahilingang kilalanin ang kapangyarihan ng Pilipinas sa mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Iginiit ang pagtutuwid ng mga tiwaling ugnayang pangkabuhayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Minsa’y nahamig ang suporta ng mga mangangalakal na Pilipino sa patakarang Pilipino Muna, at maraming iskolar at ekonomista ang nagmungkahing gawing kagyat na kahilingan ng bansa ang paglaya ng ating ekonomya. Nakita sa larangan ng sining ang mga palatandaan ng bagong pagpapahalaga sa ating kultura. Anubaga’t niririndi ng sanlaksang makabayang pagkilos ang iba’t ibang larangan ng gawain. Ngunit wala pa tayong naririnig na organisadong pagkilos ng mga pinuno ng pamantasan para maging makabayan ang ating edukasyon.

Bagaman marami sa ating mga lider sa edukasyon ang abala sa pagtatalakay at pagtatalo tungkol sa mas mabuting paraan at mga kasangkapan ng mahusay na pagtuturo, wala ni isa man sa kanila ang nanguna sa pagtataguyod ng tunay na makabayang edukasyon. Totoong may ilang dalubhasa ang sumulat na ng mga akda tungkol sa iba’t ibang aspeto ng nasyonalismo sa edukasyon. Subalit wala pa ring nagagawang isang buong programang pang-edukasyon na maihahambing sa mga programa para sa pagpapalaya ng pulitika at ekonomya ng bansa. Ito’y isang kalagayang lubhang nakalulungkot. Sapagkat nangangahulugan ito na sa simula pa lamang ay lumpo na kaagad ang kilusang makabayan dahil ang mamamayan ay walang muwang sa mga saligang suliranin ng bayan at walang pakialam sa kapakanan ng ating bansa.

Mga Bagong Pag-unawa

Ang pananaw sa ugnayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos ng ilan nating lider pampulitika at pangekonomya ay nagkaroon ng pagbabago bunga ng muling pagsusuri sa ugnayan ng dalawang bansa sapul noong pagpalo ng ika-20 siglo. Ang kanilang pagkilos na naging isang anyo ng nasyonalismong pangkabuhayan at pampulitika ay isang pagtatangkang baguhin ang mga kamaliang nagawa ng mga lider na nauna sa kanila, gayundin upang tapusin ang pagkilos na pinasimulan noong 1896 ng ating mga rebolusyonaryong lider. Subalit patuloy pa ring binabakas ng nakararami sa ating mga lider sa edukasyon ang kanilang ugat sa mga sundalong Amerikanong naging unang mga guro at bahagi ng ������*

The Miseducation of the Filipino—Unang nalathala sa Weekly Graphic, Hunyo 8, 1966. hukbong sumakop sa ating bayan. Waring hindi nila alam na ang namanang sistemang pangedukasyon at pilosopiya sa likod nito ay angkop lamang sa panahon ng kolonyalismong Amerikano. Ang sistemang pang-edukasyong pinairal ng mga Amerikano ay kinailangang umakma at sadyang iniakma sa pangangailangang pampulitika at pang-ekonomya ng kolonyalismong Amerikano.

Ang Pagbihag sa Kaisipan

Ang pinakamabisang paraan ng paglupig sa isang bansa ay ang pagbihag sa kaisipan nito. Ang tagumpay militar ay hindi nangangahulugan ng paggapi sa bansa. Hindi masiseguro ng sinumang konkistador ang pananaig nito sa sinakop na bansa hanggang nananatiling nag-aalab ang diwang mapanghimagsik ng mga mamamayan. Mahusay itong pinamalas nang sakupin ng mga Hapones ang Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi nasindak ang mamamayang Pilipino sa malagim na paghahari ng rehimeng Hapones. Ang mga malupit nitong pamamalakad na lalong tumindi dahil sa matatag na paglaban ng mga Pilipino ay nagtulak lamang sa mga Pilipino na kasuklaman ang mga Hapon. Gayunman, nakita ng mga propagandistang Hapones at ng kanilang mga eksperto sa digmaang sikolohikal ang kahalagahang makuha ang kaisipan ng tao. Kung nagtagal pa sa Pilipinas ang mga Hapones, ang mga batang kanilang pinag-aaral ay malamang na naging matibay na haligi ng kanilang planong ipailalim ang buong Silangang Asya sa kanilang kapangyarihan. Ang isip ng mga batang ito’y maaaring mahubog na sunud-sunuran sa mga patakaran ng imperyalistang Hapones.

Ang pagkahubog ng kaisipan ang pinakamabisang paraan ng pananakop. Kaya, ang edukasyon ay nagsilbing sandata sa mga digmaan para sa pagsakop ng mga bansa. Ang hindi maitatatwang katotohanang ito ay batid ng pinunong Amerikano sa Pilipinas noong panahon ng digmaang Pilipino- Amerikano. Sang-ayon sa Sensus noong 1903: Iginiit at itinaguyod ni Heneral Otis ang muling pagbubukas ng mga paaralan at siya mismo ang pumili at nagpabili ng mga aklat-pampaaralan. Natalagang superintendent ng mga paaralan ang mga opisyal na Amerikanong karamihan ay paring militar at maraming karaniwang sundalo ng hukbong sandatahan ang naging guro.
Ang mga opisyal ng hukbong Amerikano ay naatasang gumanap ng isang espesyal na tungkulin. Kinailangan nilang gumamit ng lahat ng paraan upang payapain ang kalooban ng mga taong ang inaasahang paglaya ay binigo ng pagpasok ng bagong mananakop.

Ang pangunahing dahilan ng malawakang paglulunsad ng Amerikanong sistema ng paaralang publiko sa Pilipinas ay ang paniniwala ng mga pinunong militar na walang ibang hakbang ang gayon kadaling makapagpapalaganap ng kapayapaan sa buong kapuluan gaya ng edukasyon. Sa pagmumungkahi ng malaking pondo para sa edukasyon ay sinabi ni Heneral Arthur MacArthur:

Ang iminumungkahing pondong ito ay bahagi ng operasyong militar na tinatayang magpapakalma sa mamamayan nang sa gayon ay matamo at mapabilis ang panunumbalik ng katahimikan sa buong kapuluan.

Ang mga Ugat ng Edukasyong Kolonyal

Samakatuwid, sa simula pa lamang ay kasangkapan na ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas upang lupigin ang mamamayang ipinagtatanggol ang bagong kamit na kalayaan laban sa mananakop na nagpapanggap na kapanalig. Ang edukasyon ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyalismong Amerikano ay isang kasangkapan ng patakarang kolonyal. Kinailangang turuan ang mga Pilipino na maging sunud-sunuran sa patakarang ito. Kailangang hubugin ang mga murang isipan ayon sa mga kaisipang Amerikano. Unti-unting inalis ang mga likas na mithiin ng mga Pilipino upang mabura ang lahat ng palatandaan ng pagtutol. Ginamit ang edukasyon para maakit ang mamamayan sa mga bagong panginoon, kasabay nito’y ang pagpapalabnaw sa kanilang diwang makabayan na katatapos pa lamang magtagumpay laban sa dayuhang kapangyarihan. Ang pagpapakilala ng Amerikanong sistema ng edukasyon ay isang pailalim na hakbang upang lupigin ang matagumpay na nasyonalismo. Gaya ng sinabi ni Ginoong Charles Burke Elliot sa kanyang librong The Philippines:

Para sa maraming Amerikano, waring kakatuwa ang imungkahi ang paggamit ng alinmang wika maliban sa Ingles sa mga paaralang wumawagayway ang kanilang bandila. Ngunit sa paaralan ng India at sa iba pang bansang nasa ilalim ng pagkakandili ng Kalakhang Britanya at sa lahat halos ng kolonyang bansa ay pinanatili ang paggamit ng wikang katutubo sa paaralang elementarya. Dahil dito’y napulaan ang Estados Unidos na sapilitan nitong ipinagagamit ang kanyang wika sa mamamayang walang kakayahang tumutol.

Siyempre, ang gayong sistema ng edukasyon na mga Amerikano ang nagplano ay magtatagumpay lamang sa ilalim ng pangangasiwa ng mga gurong Amerikano yayamang ang mga gurong Pilipinong sinanay sa mga pamamaraan ng Kastila ay hindi maalam ng wikang Ingles.

Madaling isinaayos sa Estados Unidos ang pagpapatala ng mga gurong sundalo. Sa simula ay kompa-kompanya ang pagpapatala ng mga guro, ngunit nang lumaon ay bata-batalyon na. Ang barkong Thomas ay iniakma para pagkargahan sa kanila at noong Hulyo, 1901 ay naglayag ito mula San Francisco na may lulang anim na raang guro—ang ikalawang hukbong panalakay—na talagang ang pinakapambihirang kargamentong dinala sa isang kolonyang bansa sa Silangan.

Ang Amerikanong Bise-Gobernador

Hindi kailanman minaliit ng mga Amerikano ang kahalagahan ng edukasyon bilang isang kasangkapan ng pananakop. Malinaw itong makikita sa mga pagtatadhana ng Jones Act na nagkaloob ng mas malawak na pangangasiwa ng mga Pilipino sa gobyerno (autonomy). Pero, kahit isinaPilipino ang mga paglilingkod ng gobyerno sa madla, bagaman inihahanda ang mga Pilipino para sa pangangasiwa nila sa kanilang gobyerno, hindi kailanman ipinagkatiwala ang kagawaran ng edukasyon sa kahit sinong Pilipino. Ang bagay na ito’y tiniyak ng Jones Act na nagtatadhana na:

Ang pangulo ng Estados Unidos, alinsunod sa payo at pagsang-ayon ng Senado, ay hihirang ng isang bise-gobernador ng Kapuluan ng Pilipinas na magtataglay ng lahat ng kapangyarihan ng Gobernador-Heneral sakaling maging bakante ang gayong puwesto, pansamantalang matanggal, magbitiw o maimbalido, o sakaling pansamantalang lumiban ang Gobernador-Heneral; at ang naturang bise-gobernador ang siyang magiging tagapangulo ng kagawarang tagapagpaganap na kilala sa taguring Kagawaran ng Pagtuturong Pangmadla, na kabibilangan ng kawanihan ng edukasyon at kawanihang pangkalusugan, at maaari siyang bigyan ng Gobernador- Heneral ng iba pang gawaing pampangasiwaan na gusto nitong ipagkaloob sa kanya.

Anupa’t hanggang noong 1935 ay Amerikano ang nangasiwa sa kagawarang ito. At nang sumakamay ito ng Pilipino sa panahon ng Commonwealth ay nalikha na ang isang bagong henerasyon ng mga “Pilipinong-Amerikano.” Hindi na kailangan ang mga tagamasid na Amerikano sa larangang ito sapagkat nahubog na ang isang bihag na henerasyon na nag-iisip at kumikilos na mandi’y mga Amerikanong kayumanggi ang balat.

Pero hindi naman ito nangangahulugan na walang saysay ang lahat ng turo ng mga Amerikano. Kahit paano’y natuto tayong bumasa at sumulat sa Ingles. Nagkaroon tayo ng mga lalake at babaing marunong bumasa at sumulat. Natuto tayong makipagtalastasan sa ibang bansa, lalo na sa bansang Estados Unidos. Ang isang edukasyong pangmasa gaya ng gustong pairalin ng Amerikano ay talagang mabuti kung hindi lang sana nila ginamit ang kanilang programang pang edukasyon na pangunahing kasangkapan ng kanilang patakarang kolonyal. Sa kasamaang palad, ang tagumpay ng edukasyon bilang kasangkapan ng kolonyalismo ay naging ganap at nadarama ang epekto nito sa habang panahon. Ibinigay natin ang ating kaluluwa kapalit ng kaunting kaalaman sa Ingles. Ang mga kuwento nina George Washington at Abraham Lincoln ay nakapagpalimot sa atin ng ating sariling kabansaan. Dahil sa ating Amerikanong pagtingin sa ating kasaysayan ay naging tulisan ang ating mga bayani sa ating pagtingin, at nalisya ang ating paningin sa hinaharap. Bale-wala ang pagsuko ng mga Katipunero kung ihahambing sa ganap na pagsukong ito na nangahulugan ng pagkagapi ng ating kahulihulihang depensa. Ganito inilarawan ni Dr. Chester Hunt ang pagsukong ito:

Ang programang gawing Kanluranin ang kulturang Pilipino kasabay ng pagpapabilis ng paglilipat sa mga katutubo ng pangangasiwa ng kanilang gobyerno ay nagbunga ng pagtanggap ng masa sa kulturang Amerikano na siyang mithiin ng lipunang Pilipino at hindi maiisawang ibunga nito na maging kapitapitagan ang bawat Amerikano sa tingin ng mga Pilipino.

Sa madaling sabi, ito ang mabubuting bunga ng maagang sistemang pang-edukasyon sapagkat sa loob ng balangkas ng kolonyalismong Amerikano, kailanman magsalungat ang mga layunin at interes ng Amerikano at Pilipino, nagiging gabay ng mga Pilipino ang mga paaralan sa pagkilos at pag-iisip na makapagsusulong sa interes ng Amerikano.

Ang mga Layunin ng Edukasyong Amerikano

Ang sistemang pang-edukasyon ay hindi itinatag ng mga Amerikano para sagipin sa kamangmangan ang mga Pilipino. Iniakma ito sa mga masaklaw na layunin ng kanilang pagsakop sa bansa gaya ng mga layuning pangkabuhayan at pampulitika. Ito’y para sanayin ang mga Pilipino na maging mamamayan ng isang bansang sakop ng Estados Unidos. Lumitaw ang tunay na layunin ng mga mananakop na Amerikano sa Benevolent Assimilation Proclamation ni Pangulong McKinley na ipinalabas niya noong Disyembre 21, 1891, noong ang buong bansa, bukod tangi lamang ang Maynila, ay kontrolado na ng mga puwersang Pilipino. Sa kanyang librong The American Occupation of the Philippines ay tama ang sinabi ni Judge Blount:

Nakikita ng mga Pilipino na talagang determinado ang Estados Unidos na “iligtas sila sa mga panganib ng maagang pagsasarili,” at kung kailangang gumamit ito ng dahas para maisakatuparan ang banal na layuning ito ay handa itong gumamit ng dahas.

Sa kabila ng pagpapahayag ng mga opisyal na Amerikano na sinakop nila ang Pilipinas dahil sa mga dakilang layuning ipagtanggol at gabayan ito, nagdudumilat ang katotohanang ang sambayanang Pilipino ay isang bansang sakop nila na ang kalakarang pambansa ay kailangan nilang iakma sa kalakaran ng kanilang pananakop. Ang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas ay hinubog ng mahigpit na pangangailangang panatilihin at palawakin ang kontrol ng Estados Unidos sa bansa. Para matamo ito ay sinupil ang lahat ng kilusang naglalayon ng kalayaan. Pinalabas na subersibo ang ganitong mga kilusan. Dahil sa pagkakaroon ng edukasyon ng masaklaw na papel sa pagsakop ng isang bansa, hindi nito naiwasang maging kasangkapan sa paglikha ng mga pag-uugaling angkop sa mga layunin ng kolonyalismong Amerikano.

Isang Bayang Inihiwalay sa Kanyang Kahapon

Ang una at marahil pinakatusong hakbang ng planong gamitin ang edukasyon bilang isang kasangkapan at patakarang kolonyal ay ang pasiyang gamitin ang Ingles bilang wikang panturo. Ang wikang Ingles ay nagsilbing isang makapal na pader na naghiwalay sa mga Pilipino sa kanilang nakaraan at nang lumaon ay naghiwalay sa ilustrado at sa masa. Ang mga Pilipino ay dinala ng wikang Ingles sa isang naiiba at bagong daigdig. Sa pamamagitan ng librong Amerikano, hindi lamang natuto ng bagong wika ang mga Pilipino. Natutuhan din nila ang isang bagong sistema ng pamumuhay. Isang sistema ng pamumuhayna ibang-iba sa kanilang nakamihasaan ngunit isa lamang katawa-tawang bersiyon ng kanilang pinagtularan. Ito ang simula ng kanilang pagkatuto. Kasabay nito, naging simula rin ito ng kanilang lisyang edukasyon. Sapagkat ang kanilang pagkatuto’y hindi na bilang mga Pilipino kundi bilang mamamayan ng isang bansang sakop ng dayuhang kapangyarihan. Kinailangan alisin sa kanila ang kanilang mga makabayang mithiin sapagkat dapat silang maging mabuting mamamayan ng isang kolonyang bayan. Ang isang ulirang kolonyal ay tunay na kopya ng kanyang kolonyalista. Siya ay masugid na tagasunod ng bagong kalakaran. Kailangan niyang kalimutan ang kanyang nakaraan at itakwil ang mga makabayang adhikain upang mabuhay nang matiwasay kundi man maginhawa sa ilalim ng kaayusang kolonyal. Natutuhan ng bagong henerasyon ng mga Pilipino ang buhay ng mga bayaning Amerikano, ang pag-awit ng mga awiting Amerikano at naging pangitain nila ang pag-ulan ng yelo at si Santa Claus. Ang mga bayani ng naghihimagsik laban sa kolonyalismong Amerikano tulad ni Macario Sakay ay itinuring nilang tulisan at salarin. Itinuro nga ang buhay ng mga bayaning Pilipino pero hindi naman itinuro ang kanilang mga makabayang akda. Ang Espanya’y pinalabas na kontrabida. Ang Estados Unidos, tagapagligtas. Hanggang ngayon, pinagtatakpan ng ating mga aklat pangkasaysayan ang mga kahayupang ginawa sa atin ng mananalakay na hukbong Amerikano gaya ng water cure at reconcentration camps. Talagang hindi maaaring balakin ang isang tunay na edukasyon para sa mga Pilipino sa loob ng bagong kaayusan. Sapagkat ang pagsangguni sa mga katutubong kaalaman at paghalukay sa ating kaugalian ay mauuwi sa pagkahubog ng isang pambansang pagkakakilanlan na salungat ang mga interes sa interes ng nananaig na kapangyarihan.

Ito ang dahilan kung kaya ang nakaraan ng mga Pilipino na halos ganap nang natabunan ng tatlong daang taong pagmamalupit ng mga Kastila ay hindi napanariwa sa ilalim ng kolonyalismong Amerikano. Kabaligtaran nito, itinuturing natin ang kasaysayan ng ating mga ninuno na para bang mga banyaga silang napadpad sa ating dalampasigan na wala halos kaugnayan sa atin. Binabasa natin ang kasaysayan ng ating mga ninuno na para tayong mga turista sa isang dayuhang lupa.

Mga Pangkabuhayang Pananaw

Ang kontrol ng sistemang pangkabuhayan ng sakop na bansa ang batayan ng kapangyarihan ng mananakop. Malupit ang mga paraang ginagamit ng ibang imperyalistang bansa sa pagsasagawa nito di tulad ng Estados Unidos na pino at namumukod-tangi ang pamamaraan. Halimbawa, pinairal nito ang malayang kalakalan bilang patunay ng kabutihang-loob at pagkakawanggawa ng mga Amerikano. Sumasaliw naman ang suporta ng sistemang pang edukasyon sa pananaw na ito at napapalambot ang mga epekto ng unti-unting pagsakal sa mga Pilipino. Hindi kailanman inamin ng mga Amerikano sa mga Pilipino ang kanilang mga motibo sa pagtungo sa Pilipinas. Sa katunayan, sapul pa ng panahon ng mga Thomasites ay inilalarawan na ng ating mga aklat-pangkasaysayan ang bansang Amerika bilang isang mapagkawanggawang bansa na pumunta dito para lamang sagipin tayo sa Espanya at bahaginan ng biyaya ng kalayaan at demokrasya. Ang halos kawalan natin ngayon ng pag unawa sa mga motibong pangkabuhayan ng Estados Unidos at sa pananatili ng mga interes nito sa ating bayan ang pinakamalinaw na katibayan ng tagumpay ng kolonyal na edukasyong ipinagkaloob sa atin. Anuanong kaisipang pangkabuhayan ang isinaksak sa ating isipan ng edukasyong Amerikano?

Mahalagang makita na nang magtangka ang mga paaralan na magtanim sa isip ng mga mag aaral ng mga bagay na Pilipino, ang larawan ng Pilipinas na kanilang ipinakita ay isang larawan ng buhay sa kabukiran. Isang Pilipinas na kasing ganda ng kathang isip na larawang iginuhit ni Amorsolo na may isang nakangiting magsasakang matipuno ang katawan at isang magandang dalagang nayon na lalong nagiging kaakit-akit sa suot niyang patadyong. Kasama sa larawan ang isang kalabaw at magandang bahay kubo. Ito ang larawan ng Pilipino na itinatanim ng ating edukasyon sa isip ng ating kabataan na pumipinsala sa ating bayan sa dalawang paraan.

Una, pinatitibay nito ang paniniwalang ang Pilipinas ay para talaga sa agrikultura na hindi natin mababago at hindi dapat baguhin. (Makikita natin ang mahigpit na pagkapit sa paniniwalang ito ng ating mga lola at lolo pati ng mga nanay at tatay ng ilan sa atin.) nagbubunga ang paniniwalang ito ng pagwawalang-bahala sa industriyalisasyon. Hindi kasi ito itinuturo sa paaralan. Higit pa rito, nagbubunga ito ng takot na baka hindi mabuti sa atin ang industriyalisasyon, na baka hindi angkop ang katangian ng ating bansa sa isang ekonomiyang industriyal, at baka magdulot lamang ito ng mga katiwaliang panlipunan na sisira sa katiwasayan ng kabukiran.

Pangalawa, hindi ipinapakita ng ulirang larawang ito ng buhay sa kabukiran ang kahirapan, ang mga karamdaman, ang kahungkagan ng kultura, ang nakababagot na buhay nayon, ang mapamahiin at mangmang na buhay sa mga atrasadong pamayanan. Para sa mga edukado, ang kabukiran ay isang lugar na maganda lamang bakasyunan. Lumaki sila sa malalaking kabisera at lunsod at wala silang interes na paunlarin ang kabukiran dahil sila’y walang muwang sa mga suliraning pangkabuhayan nito. Para sa kanila’y sapat nang pag-unlad ng nayon ang pagkakaroon ng mga poso artisyano at ilang maliit na negosyong gawang-kamay. Ang mga kasalukuyang pagsisikap na mapaunlad ang mga kalagayan sa buhay ng mga mamamayan sa lalawigan ay nakatuon sa maliliit na problema at hindi sinasaklaw ng mga pagpupunyaging ito ang mahigpit na pangangailangang magkaroon ng reporma sa lupa.

Sa pamamagitan ng edukasyong Amerikano, ang mga Pilipino ay hindi lamang natuto ng bagong wika; hindi lamang nila nakalimutan ang sarili nilang wika; sila’y naging mga bagong klaseng Amerikano. Unti-unting lumukob sa kanila ang buhay-Amerikano. Ang ating pagpili ng mga bagay na binibili ay hinubog ng mga kalakal na gawa ng Amerikano na malayang pumapasok sa ating bayan nang walang buwis. Dinakila ang ekonomiyang agrikultural sapagkat umaayon ito sa kolonyal na ekonomiyang kanilang pinatatatag. Ang mga bansang Kanluranin ay inilalarawan sa ating mga aklat bilang mga bansang pinaninirahan ng mga taong higit ang kakayahan kaysa atin sapagkat nakagagawa sila ng mga bagay na hindi man lamang sumagi sa ating isipan na kaya nating gawin. Kontento na tayo na ang mga hilaw na sangkap na ating iniluluwas ay naipambabayad natin sa mga produktong ating inaangkat. Ngayon ay hirati na tayo sa mga produktong ito. At ang pagkahirati nating ito ay hindi basta mababago. Nakapipinsala sa ating ekonomya ang pagkahirati natin sa mga produktong Amerikano. Hindi natin naisip kailanman na puwede rin tayong maging industriyalisado sapagkat itinuro sa atin sa paaralan na pang-agrikultural lamang ang ating bansa dahil ganito ang lupalop ng mundo na ating kinalalagyan, at dahil ganito lamang ang likas na kakayahan ng ating mamamayan. Tulad din tayo ng mga kapwa natin Asyano sa paniniwalang hindi natin kayang patakbuhin ang isang industriyalisadong ekonomya. Ito ang dahilan kaya noong bago magkadigma ay hinahamak natin ang mga produktong Hapones kahit na kasing husay namang talaga ng mga produkto ng Kanluran ang mga produktong ginagawa nito. Hindi tayo makapaniwala na ang isang bansang Asyano gaya ng Bansang Hapon ay magiging kasing-unlad ng Estados Unidos, Alemanya at Inglatera. Pero mga eroplano, barko at mga sandatang gawa ng bansang Hapon ang nagpatalsik sa mga Amerikano at Ingles sa kapangyarihan noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ang paniniwalang naglalayo sa atin sa mga kalapit na bansang Asyano na napagtanto na ngayon ang pangangailangang durugin ang kolonyalismo kung gustong mabuhay ng malaya, masagana at maligaya.

Pagtatanim ng mga Amerikanong Institusyong Pampulitika

Ang edukasyong Amerikano ay naghasik ng mga Amerikanong kaisipang pampulitika at nagbunga ng pagtayo ng mga Amerikanong institusyong pampulitika sa Pilipinas. Sa huling talumpati ni Claro M. Recto sa Pamantasan ng Pilipinas ay ipinaliwanag niya ang mga dahilan nito. Tungkol sa mga partidong pampulitika ay sinabi niya:

Nakalulungkot ang pangyayaring ang ating mga pangunahing partidong pampulitika ay isinilang at yumabong bago natin nakamtan ang kalayaang pampulitika. Dahil dito’y naging katawa-tawang kopya ang mga partidong pampulitika natin na taglay ang matingkad na katangian ng banyagang modelo tulad ng paggamit ng impluwensiya, pangungurakot, palakasan, pagtanaw sa mga mahalagang usaping pambansa batay sa interes ng kinabibilangang partido. Sinabi kong katawa-tawa dahil hindi nila taglay ang tunay na simulaing mahalaga sa pagtatamo ng tunay na panghabang panahong kalayaan. Sa buong panahon ng kolonyalismong Amerikano, lalo at lalo silang naging kasangkapan ng kolonyalismo sa halip maging tagapagpaliwanag ng mga kagustuhan at mithiin ng mamamayan. Dahil sa kanilang pagwawalang-bahala, nagawa ng kolonyalistang Amerikano na mapatatag ang rehimeng kolonyal at maisulong ang mga pansariling hangarin at interes. Ang tanging naging kapalit nito ay ang konsuwelo-debobong pagdinig ng mga makabagbag damdaming talumpati nila na nagsusumamo ng kalayaan at pagbibigay sa kanila ng puwesto de gobyerno.

Hindi naging madali sa mga Amerikano ang pagtatanim ng kanilang mga institusyong pampulitika sa bansa. Sapagkat samantalang gusto nila itong gawin ay gusto naman nilang mapanatili ang pagkakasakal sa mga Pilipino. Hindi nakapagtataka kung ang mga pinuno ng gobyernong Amerikano ay walang ibang pakahulugan sa demokrasya maliban sa kanilang sistema ng demokrasya. Dahil dito, iginiit nila sa mga Pilipino ang mga institusyong pampulitikang nakabuti sa mamamayang Amerikano. Ang mga katutubong institusyon na sana’y sinibulan ng mga katutubong demokratikong kaisipan at balangkas panlipunan ay nasupil. Kaya naman nasusuklam tuloy tayo sa mga bansang nagpupunyaging mapaunlad ang sarili nilang mga institusyong pampulitika ayon sa mga pangangailangan ng kanilang mamamayan na hindi sumusunod sa mga pamamaraang pampulitika ng Kanluran. Pinapaniwala tayo na may ilang pandaigdigang doktrinang pampulitika na dapat pairalin sa lahat ng bansa. Isang halimbawa nito ang paniniwala sa kalayaan ng pamamahayag. Maraming naniniwala na hindi maaaring mapasa-Pilipino lamang ang pamamahayag sapagkat ipagkakait natin sa mga dayuhan ang kalayaan sa pamamahayag. Maaaring ito ay mabuti sa mga malakas na bansang walang panganib na masakop ng mga dayuhan, tulad ng Estados Unidos, pero, mapanganib ito sa mga bansang kalalaya pa lamang, tulad ng Pilipinas, kung saan malakas pa ang kapangyarihan ng dayuhang mananakop.

Pangangailangan ng Muling Pagsusuri

Ang mga bagong paghiling ng kalayaang pangkabuhayan at ang paggiit ng karapatan nating magpasiya sa sarili ay nagtutulak sa ating mga pinuno sa edukasyon na muling suriin ang kanilang pilosopiya, ang kanilang kaisipan at ang kanilang pangkalahatang oryentasyon sa paghubog ng mga Pilipinong magtatatag, magtataguyod at mangangalaga ng makabayang layunin. Ang patuloy na pagpapanatili ng sistema ng edukasyong kinasangkapan ng kolonyalista, ang pagkakimi sa tradisyunal na oposisyon ay magbubunga lamang sa patuloy na pag-iral ng sistemang ito ng edukasyong hindi angkop sa nagaganap na malalaking pagbabagong pangkabuhayan at pampulitika ng bansa. Maitatanong natin hinggil sa usaping ito kung ano ang mga tungkulin ng isang makabayang edukasyong Pilipino.

Ang edukasyon ay hindi dapat tingnan na isa lamang pangangalap ng impormasyon kundi bilang paraan ng paghubog sa tao para mahusay niyang magampanan ang papel niya sa lipunan at maging kapakipakinabang sa lipunang yaon na kanyang kinabibilangan. Samakatuwid, ang edukasyon ay hindi maaaring ihiwalay sa lipunan. At hindi ito maaaring ihiwalay sa tiyak na kalagayan ng isang bansa sa isang tiyak na panahon. Kalokohan ang palagay na dapat maging pare-pareho ang tunguhin ng edukasyon sa lahat ng panig ng daigdig na nangangahulugang kung ano ang mga katangian ng isang Amerikanong edukado ay gayundin dapat ang maging katangian ng Pilipinong nakatapos ng pagaaral. Puwede lamang itong mangyari kung ang antas ng pag-unlad ng ekonomya, pulitika at kultura ng dalawang bansa ay pareho at kung magkapareho ang kanilang mga mithiing pampulitika, pangkultura at pang-ekonomya.

Ganito tuloy ang nangyayari sa ating bansa. Hindi lamang natin ginagaya ang Kanluraning edukasyon kundi ginawa nating huwaran ang edukasyon ng Kanluraning bansang ito na may pinakamaunlad na teknolohiya. Napakalaki ng agwat ng lipunang Amerikano at lipunang Pilipino. Sa katunayan, ganap na magkaiba ang kanilang mga adhikain.

Pagtataglay ng Kanluraning Pananaw

Ang Estados Unidos ay isang bansang ang ekonomya ay nakabatay sa industriya. Ito ay isang bansang ganap nang maunlad. Kolonyal ang ekonomya ng ating bansa. Sa madaling sabi, atrasado ang ating ekonomya at hindi pa maunlad. Ang pulitika ng Estados Unidos ay hindi lamang sa sariling bansa nito nakapangyayari kundi nakapangibabaw sa maraming bansa sa buong daigdig. Kamakailan lamang nakaalpas sa kolonyalismo ang Pilipinas at kailangan pa nitong patuloy na makibaka para sa ganap na kalayaang pampulitika at pang-ekonomya.

May masigla at matingkad na kultura ang Estados Unidos. Ito’y isang bansa na ang mga institusyong pangkultura ay malayang umunlad nang walang balakid mula sa ibang bansa. At ang bigkis nito sa kanyang katutubong kultura ay malinaw at ipinagmamalaki sapagkat walang dayuhang lakas na sumapaw dito na sumira at nagpalabo sa kanilang nakaraan at naglayo sa mamamayan sa kanilang minanang kalinangan. Anu-ano ang mga katangian ng kasalukuyang edukasyong Amerikano sang-ayon sa kalagayang pangkabuhayan, pampulitika at pangkultura ng bansang ito. Anu-ano naman ang dapat maging mga katangian ng ating edukasyon sang-ayon sa mga kalagayang pangkabuhayan, pampulitika at pangkultura ng ating bansa? Kapag nakita natin ang pagkakaiba ng dalawang bansang ito makikita natin kung gaano kasalungat sa ating mga interes at sa pag unlad ng ating bayan ang pagtataglay natin ng ilan sa mga saligang katangian at pananaw ng edukasyong Amerikano.

Dahil sa pagiging pinakamakapangyarihang bansa at dahil sa pagkakaroon ng mga pangkabuhayang interes sa maraming panig ng daigdig ay pandaigdigan ang oryentasyon ng Estados Unidos na nakabatay sa isang matatag na makabansang pananaw na malaon nang kinaugalian. Hindi kailangan ng edukasyon ng Estados Unidos na paunlarin ang pangmakabayan ng kabataang Amerikano. Ang Estados Unidos ay panginoon sa kanyang bansa sa lahat ng larangan: pangkabuhayan, pampulitika, at pangkultura. Dahil dito, natural lang na hindi bigyang diin ng edukasyong Amerikano ang uri ng nasyonalismong kailangan nating mga Pilipino. Sa halip, ang internasyonalismo ang higit nitong pinagtuunan ng pansin. Walang masama sa internasyonalismo. Ito ay isang wasto at dakilang kaisipan. Subali’t kapag itinanim ang kaisipang ito sa mga mamamayang walang damdaming makabayan o nakalimutan na ang sariling kabansaan, ito’y magbubunga ng hindi masusukat na mga pinsala. Ang pagbibigay-diin sa pandaigdigang pagkakapatiran ng tao, sa pagiging magkaibigan ng mga bansa, na walang matatag na pundasyon ng nasyonalismo na nagbibigay sa ating mamamayan ng pagmamalaki sa ating sariling mga produkto at pangangalaga sa ating mga likas na kayamanan, ay hindi maganda ang mga idinulot sa atin. Isang matingkad na halimbawa ang ating pambansang katangiang tayo’y bukas-palad sa mga dayuhan na nagagamit nilang kasangkapan upang tayo’y linlangin at pagsamantalahan.

Mga Pilipinong Maka-dayuhan

Ito ang dahilan kaya hinayaan nating makontrol ng dayuhan ang ating ekonomya. Ipinagmamalaki pa natin ang mga dayuhang nagkamal ng kayamanan sa ating bansa at ipinagkakapuri ang kanilang tagumpay. Ikinalulugod nating marinig sa mga dayuhan na ang ating bayan ay isang paraiso ngunit hindi man lamang sumagi sa ating isip na ito’y paraiso para lamang sa kanila at hindi para sa nakararami sa ating mamamayan. Nang pamunuan ng ilan nating kababayang may malayang pag-iisip ang mga pagkilos para sa nasyonalismo, marami ba sa mga kababayan natin ang sumuporta sa mga pagkilos na ito? Hindi. Walang pakialam ang marami sapagkat wala silang damdaming makabayang mag-uudyok sa kanilang tulungan at ipagtanggol ang ating mga kababayan. Masakit pa nito, may ilang Pilipinong mas inalala ang dayuhan na baka masaling ang damdamin at mag-isip na sila’y ating inaaglahi. Ngunit ang pinakamasakit sa lahat ay ang pagtutol ng maraming Pilipino sa mga makabayang batas na sa isang banda ay dahil sa pagiging kasangkapan nila ng mga dayuhang interes at sa kabilang banda, dahil sa kanilang maling paniniwala na tayong mga Pilipino ay hindi uunlad nang walang tulong ng dayuhang puhunan at ng dayuhang mangangalakal.

Ang ating bansa ay bukod-tangi sa lupalop na ito ng mundo na walang makabayang pananaw. Ano ang pinagmulan ng nakakahiyang katangian nating ito? Isang hindi mapasusubaliang ugat nito ang mga paaralan. Halos hindi itinuturo sa mga paaralan ang pagkamakabansa. Oo nga’t itinuturo ang pagkamakabayan subali’t humahangga lamang ito sa makitid at mababaw na pagmamahal sa bayan tulad ng paggalang sa watawat, pagpuri sa kagandahan ng kabukiran at iba pang mga walang saysay na pagpapakita ng kabansaan.

Ang masaklaw na bunga ng pagkabigo ng edukasyon ng Pilipinas ay ang pagkakaroon natin ng mamamayang larawan ng kawalang malay at nakasandig sa mga pakikitungo sa mga dayuhan, isang mamamayang manhid sa pag-aalipusta ng ibang bansa, bukas-palad sa mga dayuhan at tumutulong pa sa kanila sa pagdambong sa ating likas na kayamanan. Bakit hindi man lang nababahala ang karamihan ng ating mamamayan sa pagkontrol ng dayuhan sa ating ekonomya? Karamihan ng sisi ay maibabagsak natin sa kolonyal na edukasyon. Hindi sa atin itinuturo ng kolonyal na edukasyon ang wastong pakikitungo sa ibang bansa lalo na sa Espanya at Estados Unidos. Ang binibigyang diin sa pag-aaral ng ating kasaysayan ay ang mga nagawang tulong sa atin ng mga kolonyalista. Ang mga kalupitan at katiwaliang nagawa ng mga Amerikano sa mga unang araw ng kanilang pananakop ay ikinubli ng paimbabaw na kabaitan. Binigyang-diin ang mga magagandang pananalita ni McKinley sa halip na ang tunay na motibo ng kolonyalismong Amerikano. Hanggang ngayon ay ipinalalaganap ang alamat ng pagkakaibigan at natatanging pag-uugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos para maikubli ang mga di-makatarungang ugnayan ng dalawang bansa. Sa pagkahubog sa ganitong klase ng edukasyon itinuring ng Pilipino na isang biyaya ng maykapal ang pagiging kolonya ng ating bayan sa loob ng maraming daang taon. Kaya, hindi na dapat ipagtaka na matapos nating makamit ang kalayaan ay nakalimutan itong ipagtanggol. Hindi na dapat ipagtaka kung noong ituro ng ating mga lider tulad ni Claro M. Recto ang paraan ng ating paglaya ay marami sa ating mamamayan ang nahirapang unawain ang mga makabayang alituntuning malalim na nakatanim sa ibang bansang Asyano. Ang mga pasimuno ng edukasyong Amerikano ay talagang ganap na nagtagumpay.

Ang Suliranin ng Wika

Ang pinakamalaking problemang rumirindi sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas ay ang usapin ng wika. Hanggang ngayon, patuloy ang mga eksperimento para matiyak kung higit na mahusay ang paggamit ng wikang katutubo. Talagang masyado itong katawa-tawa dahil walang ibang wikang higit na gamay ng isang tao maliban sa kanyang sariling wika. Sa alinmang malayang bansa, likas ang paggamit ng katutubong wika sa edukasyon. Pero dito sa atin, masyadong malalim ang pagkagumon natin sa kolonyal na edukasyon na hindi mapagkasunduan ang paggamit ng ating sariling wika na mas maraming Pilipino ang tutol kaysa pabor na gamitin ito. Tulad ng pangkabuhayang pananaw na hindi mabubuhay ang mga Pilipino kung wala ang Estados Unidos, gayundin ang pananaw sa edukasyon na hindi ito maaaring maging tunay na edukasyon kung hindi ito nakabatay sa kahusayan sa paggamit ng Ingles.

Matagal nang nakikinikinita ni Rizal ang nakalulunos na bunga ng kolonyal na edukasyon at sa pamamagitan ni Simon, sinabi niyang:

Hinihingi ninyo ang pantay na karapatang mapa-Kastila, ang inyong mga kaugalian, at hindi ninyo nakikita na ang inyong ipinaninikluhod ay isang pagpapatiwakal, isang pagdurog sa inyong kabansaan, ang pagpuksa sa inyong Inang Bayan, ang pagdakila sa paniniil! Ano ang kahihinatnan ninyo sa araw ng bukas? Isang bansang walang kakanyahan, isang bayang walang kalayaan—lahat ng taglay ninyo’y pawang hiram lamang, pati na ang inyong mga kapintasan!...Anong paggagamitan ninyo sa wikang Kastila, kayong iilan na nakapagsasalita nito? Maglalaho ang sarili ninyong pagkatao, paaalipin kayo sa utak ng iba, at sa halip na palayain ang inyong sarili ay masasadlak kayo sa ganap na pagkaalipin! Siyam sa bawat sampu sa inyo na nagkukunwaring mulat ay mga taksil sa inyong bayan! Siya na nagsasalita sa wikang iyon ay malilimutan ang kanyang sariling wika hanggang sa hindi na niya alam kung paano ito gagamitin sa pagsulat at hindi na niya ito nauunawaan, at ilan na ang nakikita kong nagkukunwaring hindi nila alam kahit isang kataga man lamang nito!

Talagang nakalulungkot na ang katutubong wika ay itinuturo hanggang sa ikalawang baytang lamang. At hanggang ngayon ay hindi pa nalulutas ang usapin kung ito ay gagamitin sa mas mataas na mga baytang ng pag-aaral. Marami na rin tayong eksperto sa edukasyon ang sumulat hinggil sa suliranin ng wika. Ngunit parang nakikimi ang mga ekspertong ito na hayagang igiit ang pagsasaisang-tabi ng dayuhang wika sa kabila ng mga ipinakikitang bentahe ng paggamit ng sariling wika. Malawak at malubha na ngayon ang mga masamang epekto ng paggamit ng wikang Ingles. Napatunayang totoo rin sa wikang Ingles ang sinabi ni Rizal tungkol sa wikang Kastila.

Hadlang sa Demokrasya

Napakakitid ng pagkakataong mag-aral sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. Dahil dito, kakaunti lamang sa mga Pilipino ang nakapag-aral. Ang mga nakapag-aral na ito ay tinaguriang ilustrado. Sila ang bumubuo ng piling uri. Karamihan sa kanila ay galing sa uring nakaririwasa dahil ito lamang ang uring may kakayahang itaguyod ang pag-aaral sa kolehiyo ng kanilang mga anak sa ibang bansa. Kaya, ang edukasyon ay naging isang pribilehiyo. Nagkaroon ng malaking agwat ang ilustrado at ang masa. Bagaman maraming ilustrado ang namuno sa kilusang propaganda, karamihan sa kanila’y mga repormista na ang layunin ay magkaroon ng reporma ang kolonyal na pamamalakad ng Kastila. Sa isang banda ay masasabing alipin sila ng edukasyong Kastila. Marami sa mga ilustradong ito ang mga unang sumuko at nakipagsabwatan sa mga Amerikano na naging mga unang lider ng mga Pilipino sa maagang bahagi ng kolonyalismong Amerikano. Sa paglaon, hinalilihan sila ng mga produkto ng edukasyong Amerikano.

Isa sa pinalalabas na dahilan ng paggigiit ng wikang Ingles bilang wikang panturo ay ang pagiging wika ng demokrasya nito umano. Sa pamamagitan umano ng wikang ito ay matutuntunan ng mga Pilipino ang kalakaran ng buhay-Amerikano na pareho ang pagtrato sa mahirap at mayaman at pantay ang karapatan ng bawat tao. Sinasabi ng pilosopiyang ito na kusang malulusaw ang uring ilustrado sapagkat sa paglaon ay mamumulat at makapag-aaral ang lahat ng Pilipino. Ang uring may-pribilehiwo ay maglalaho. Ngunit kabaligtaran nito ang nangyari. Patuloy na umiral ang uring ilustrado. Kaya lang, mga maka-Amerikanong ilustrado na sila ngayon. Subalit, tulad ng mga maka-Kastilang ilustrado, sila’y naging matibay na tagapagtaguyod ng bagong kalakaran sa bansa.

Ngayon may mangilan-ilang sa wikang Ingles bihirang mag-isip, marami-rami ang medyo nakakabasa at nakapagsasalita ng wikang ito at nakararaming masang hirap na hirap mangusap sa Ingles. Pero lahat sila ay hirap mangusap sa sarili nilang wika sapagkat kung hindi man napabayaan ang katutubong wika ay tuwirang hinadlangan ang pag-unlad nito.

Ang kalagayang ito ay nagbunga ng isang liderato at masang hindi magkaunawaan na ang mga lider ay nangungusap sa malalawak at hindi mawawaang pananalita. Ito ay isang dahilan kung bakit nananatiling hungkag ang lideratong pampulitika. Ito ang dahilan kung bakit hindi puspusang natatalakay ang mga usaping pambansa. Ito ang dahilan kung bakit ang napipiling lider ay yaong mga batikang orador na nanggagalaiti ang talumpati, pasuntok-suntok sa hangin o pahampas-hampas sa lamesa. Ang wikang Ingles ay lumikha ng agwat sa pagitan ng mga nasa poder at ng masa. Naging simbolo ito ng mataas na katayuang panlipunan at ang katutubong wika ay itinuring na mababang klaseng wika. Nagbunga ang wikang Ingles sa pagkabahagdan ng lipunan sa dalawa; sa itaas ay ang mga nakapag-aral at sa ilalim ay ang masa na umiindak sa kanilang kumpas. Isang malinaw na katibayan ng kahungkagan ng edukasyong Ingles ang wikang panturo ay ang pangyayaring ang wikang katutubo ang gamit ng mga pulitika sa pakikipag-usap sa masa. Dahil sa kamangmangan sa katutubong wika hirap magpaliwanag sa masa ang mga pulitiko.

Dahil sa kakulangan ng masa ng pag-unawa sa wikang Ingles ay bahagya na nila itong maunawaan. Nadadala sila sa mga magagandang salita ngunit hindi alam ang kahulugan ng mga iyon. Ito ay isang hadlang sa demokrasya. Hindi man lamang sumasagi sa isip ng masa na tungkulin nilang unawain ang mga suliraning pambansa sapagkat wala sa kanilang hinagap na kaya nilang unawain ang mga suliraning kinakaharap ng bayan. Dahil sa problema ng wika, kontento na ang masa na ipaubaya sa mga lider ang pangangasiwa sa lahat ng bagay. Ito ay isa sa mga ugat ng pagwawalang bahala, rehiyonalismo at parokyalismo ng masa. Kaya, ang Ingles na tinitingnang wika ng demokrasya ay siya mismong hadlang sa pag-unlad ng demokrasya sa ating bayan.

Noong 1924, ang kilalang iskolar na si Najib Saleeby ay sumulat tungkol sa wika ng edukasyon sa Pilipinas. Ikinalungkot niya ang paggigiit ng paggamit ng Ingles bilang wikang panturo. Si Saleeby na isang eksperto sa wikang Malayo-Polynesia ang nagsabing ang Tagalog, Bisaya, Ilokano at iba pang wika sa Pilipinas ay kabilang sa isang pamilya ng wika. Aniya:

Ang relasyon ng Tagalog sa Bisaya o sa Sulu ay katulad o mas malapit ka kaysa relasyon ng wikang Kastila sa wikang Italyano. Sa maigsing panahon ang isang Batangueño at ang isang Bisaya na kapwa nakapag-aral ay magkakaintindihan agad. Maiintindihan at makapagsasalita ng Tagalog ang isang Bisayang estudyante sa loob lamang ng wala pang tatlong buwang paninirahan sa Maynila. Ang relasyon ng wikang Tagalog at wikang Malay ay tulad halos ng relasyon ng wikang Kastila at wikang Pranses.

Ito ay sinabi ni Saleeby apatnapu’t dalawang taon na ang nakaraan noong hindi pa malaganap sa bansa ang pelikula, pahayagan at programang pangradyo sa wikang Tagalog.

Dagdag pa ni Saleeby:

Kung ibabatay sa gamit, hindi angkop na wikang panturo sa Pilipinas ang Ingles man o Kastila. Alinman sa mga wikang ito ay tila hindi pupuwedeng maging wika ng buong kapuluan. Sa kabila ng tatlong daang taong paghahari at paghahasik ng edukasyong Kastila ay hindi napigil ang paggamit ng katutubong wika. Noong 1898 ilang Pilipino lamang ang nakapagsasalita ng Kastila at ang nakararami ay hindi maalam magsalita sa wikang ito ni naiintindihan kaya ang wikang ito. Wala ring gaanong nagawa ang dalawampu’t limang taong pagsisikhay ng edukasyong Amerikano. Bagaman mas marami ngayon ang nakapagsasalita ng Ingles kaysa Kastila, mas marami pa rin ang nangungusap sa katutubong wika. Kahit paano’y masasabing gayon ang sistema ng edukasyong Kastila tulak ng mga kolonyal at pinansyal na pangangailangan nito, ngunit hindi madaling maikakatwiran ang mga dahilang ito sa Amerikanong sistema ng edukasyon. Dapat kusang ipinatanggap sa masa ang edukasyong ito, o kaya naman ay dapat ipinakita ng mga tunay na pangyayari at magagandang resulta ang kabuluhan nito. Hanggang ngayon ay hindi magkaroon ang masa ng pagkakataong magpahayag ng kanilang pasiya, kaya dapat husgahan ang kasalukuyang sistema ng edukasyon batay sa mga katangian nito at mga talagang nagawa nito…Ngunit isang usapin ang pagtuturo ng wikang Ingles sa pamamagitan ng radyo at ang pagpapatupad nito bilang opisyal na wika. Lalo nang naiibang usapin ang paggamit nito bilang batayan ng edukasyon at bilang tanging wikang panturo. Ang usaping ito ay hindi ganap na mauunawaan nang walang malalim na pag-unawa at karanasan sa kolonyal na edukasyon at palakad. Masyadong matayog at ambisyoso ang patakarang ito. May isang bagay na gusto itong patunayan na kailanman ay hindi pa nangyayari sa kasaysayan ng sangkatauhan. Gusto nitong maisakatuparan ang mga hindi nagawa ng lumang Persia at Roma, ni Alexander the Great at ni Napoleon. Hangad nitong pawiin ang pagkakaiba-iba ng mga tribo ng mga Pilipino, ihalili ang Ingles sa wikang katutubo at palaganapin sa buong kapuluan bilang wikang pambansa.

Ang bagay na ito ay hindi na mapapansin ngayon. Ilan lamang sa mga nagsisipag-aral sa kolehiyo an matatas sa Ingles. Karamihan ay garil at gumagamit ng katutubong wika. Lalo pang nadagdagan an pagkalito ng mga mag-aaral nang iutos ng Kongreso na isama sa asignatura ang pag-aaral ng wikang Kastila na may 24 na yunits.

Mga Balakid sa Pag-iisip

Ang paggamit ng dayuhang wika ay sagabal sa pagtuturo. Sa halip na tuwirang matuto ang bata sa pamamagitan ng katutubong wika, kailangan muna niyang matutuhan ang wikang banyaga, isaulo ang talasalitaan, mabihasa sa tunog, indayog at banghay ng mga salita na pagkatapos ay isinasaisantabi lamang paglabas ng paaralan. Hindi naman ibig sabihin na hindi dapat pag aralan ang dayuhang wika. Pero, dapat itong ituro matapos mabihasa sa sariling wika. Bibilis pa ang pagkatuto ng ibang wika.

Sabihin mang ang nagtulak sa mga Amerikano na ipagamit ang Ingles bilang wikang panturo ay ang dalisay na hangaring bigkisin ang bansaa sa pamamagitan ng isang wika, ang anim na dekada ng edukasyong Amerikano ay sapat na para mapagtanto ng mga guro ang mga masamang epekto ng dayuhang wika na talaga namang nakasasagabal sa pagkatuto. Kahit na noong matatag ang Surian ng Wikang Pambansa noong 1935 ay wala rin halos mga pagtatangkang iwaksi ang Ingles bilang wikang panturo. Mandi’y iniiwasan ng mga guro ang usapin ng wika sa kabila ng katotohanang karamihan sa produkto ng kasalukuyang sistema ng edukasyon ay wala halos natutuhan. Ito’y nangahulugan ng pagkakait ng edukasyon sa napakaraming bata na humihinto ng pag-aaral pagkatapos ng mababang paaralan. Sa kabila ng katotohanang ang wikang pambansa ay nauunawaan na ngayon sa buong kapuluan walang nagkalakas ng loob na igiit ang paggamit nito bilang wikang panturo. Palagi na lang ikinakatuwiran na ang pagpapatupad nito ay mangangahulugan ng mga bagong gastos at ng paggawa ng mga bagong aklat-aralin. May mga nagsasabi pang kapos at mabuway ang pambansang wika. Ngunit mababaw ang mga argumentong ito ng ating mga pinuno sa edukasyon para mapagtakpan ang talagang pagtutol nila sa katutubong wika. Kaya, maliban lamang sa iilan, ang mga produkto ng sistema ng edukasyon ng Pilipinas ay mga Pilipinong bantilawan kapwa sa Ingles sapagka’t ito’y banyagang wika at sa katutubong wika dahil sa sadyang pagsupil dito ng mga nangangasiwa ng pag-aaral ng mga mamamayan.

Ang wikang banyaga bilang wikang panturo ay sagabal sa pagkatuto at sa pag-iisip dahil dapat munang masanay ang mag-aaral sa bagong mga tunog, tono, at mga bagong balangkas ng pangungusap. Nahihirapan siyang ipahayag ang kanyang mga saloobin at ito’y bumabaog sa kanyang pag-iisip. Kaya, makikita natin na marami sa ating mga kababayan ang hindi sanay mag-isip ng malalim. Hindi natin ganap na nauunawaan ang mga aklat at peryodikong nakasulat sa Ingles. Hirap na hirap tayong mag-usap sa wikang Ingles pero hindi rin tayo makapag-usap nang mahusay sa sarili nating wika dahil ganap natin itong napabayaan.

Ang wika ay kasangkapan ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang kaisipan. Sa pagunlad naman ng kaisipan ay umuunlad ang wika. Ngunit kapag ang wika ay naging sagabal sa pagiisip ang pag-iisip ay nabubunsol o nababaog na magbunga naman ng pagkabunsol na kultura. Ang malikhain, mapanuri at mapagbuod na kaisipan ay hindi uunlad sapagkat ang mga mag-aaral ay nahihirati sa pagsasaulo ng dayuhang wika. Dahil sa mekanikal na paraan ng pag-aaral, pangkalahatang ideya lamang ang natututuhan ng mga mag-aaral at hindi nagkakaroon ng malalim na pag-unawa. Kaya naging ugali ng mga mag-aaral ang mag-aral lamang para makasagot ng tama at pumasa sa pagsusulit para makatapos ng kurso. Nabubunsol ang malayang pag-iisip sapagkat ang wikang panturo ay iba sa wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan sa labas ng silid-aralan. Ang isang mag-aaral ay nagkakasya na lamang sa pangangalap ng impormasyon. Ngunit bihira niyang magamit ang mga impormasyong ito para mapalalim ang kanyang pag-unawa sa mga suliranin ng kanyang lipunan.

Totoong napabayaan ang ating Surian ng Wikang Pambansa na dapat sanang maging isang pangunahing haligi ng isang malayang bansa. Nagdadalawang-isip ang ating mga guro na ipanukala ang kagyat na paggamit ng pambansang wika bilang wikang panturo dahil ipinangangamba nila ang pagsalungat sa panukalang ito ng mga nangungusap sa ibang katutubong wika. Ito ay malinaw na halimbawa ng pagkakaroon natin ng kolonyal na kaisipan. Hindi nakikita ng ating mga guro ang mga pagsalungat sa dayuhang wika ngunit kinatatakutan nila ang pagsalungat sa pambansang wika dahil anila’y isa lamang sa mga pangunahing wika sa bansa ang batayang ito. Ngunit ang katotohanang sinumang nangungusap sa pambansang wika ay mauunawaan saanmang panig ng Pilipinas, ang katunayang ang mga babasahin at pelikulang Pilipino ay tinatangkilik ng masa sa lahat ng panig ng kapuluan, ay nagpapakita na, kung sapat lamang na itataguyod, magagampanan ng pambansang wika ang dapat nitong maging papel.

Samakatuwid ay wika ang pangunahing suliranin. Ipinakikita ng karanasan na mas madaling matuto ang mga bata sa pamamagitan ng katutubong wika kaysa Ingles. Mapatutunayan ito ng tala ng Kawanihan ng Paaralang Pampubliko. Gayunman, hindi sapat na maging wikang panturo lamang ang pambansang wika. Maraming iba pang usapin na dapat nating pagtuunan ng pansin.

Ang kasaysayan ng Pilipinas ay kailangang isulat muli batay sa pananaw ng isang Pilipino. Ang ating pagpapakita ng mga suliraning pangkabuhayan ay dapat ikawing sa adhikaing makabayan at sa paglaya ng bayan. Ang mga ito’y ilan lamang sa mga suliraning kinakaharap ng paglikha ng makabayang edukasyon. Mahalaga rin ang pamumuno at pangangasiwa ng gobyerno sa layuning ito. Kailangan ng ating mga tagapagturo ang suporta ng mga mambabatas. Kaugnay nito, kailangan ding mahigpit na pangasiwaan ang mga pribadong paaralan.

Ang Pribadong Sektor

Bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mababa ang tingin ng mga nagsipagtapos sa paaralang publiko sa mga nagtapos sa mga pribadong paaralan. Itinuturing ng marami na mas mahusay ang mga nagsipagtapos sa paaralang publiko kaysa pribado. Bagaman may mga exclusive private institutions, para lamang ito sa mga nakaririwasa. Ang mga paaralang ito ay hindi salamin ng mas mahusay na pagtuturo kundi sumasalamin ito ng mas mataas ng katayuang panlipunan.

Kahit paano’y kinakikitaan pa rin ang mga mag-aaral sa mga paaralang publiko ng pagsangkot sa mga usaping pambansa. Ang mga bakas ng makabayang tradisyon ay nananatili sa kamalayan ng mga magulang na naging kalahok ng rebolusyon na kanilang naipamana sa kabataan. Sa kabilang banda, matingkad sa mga mag-aaral sa mga pribadong paaralan ang pagwawalang bahala sa mga suliranin ng bansa na ang mga magulang ay bukas-palad na kumalinga sa kolonyalismong Amerikano.

Nangyari na naging hamak ang mga paaralang publiko. Naging paaralan na lamang ito ng mahihirap na estudyante. Iyong mga may-kaya, o iyong mga nagkukunwaring may-kaya, ay sa mga paaralang pribado pinag-aaral ang kanilang mga anak. Nagbunga ito ng paglakas ng priban=dong edukasyon na dahil sa pagiging malakas na negosyo ay sinibulan ng diploma mill. May dalawang pangyayaring agad na ibinunga ang paglakas ng pribadong edukasyon: Una ay ang komersiyalisasyon o pagiging negosyo na lamang ng edukasyon. Nauwi ito sa pagbagsak ng kalidad ng edukasyon dahil sa kakulangan ng pasilidad ng mga paaralang publiko at komersiyalisasyon naman ng mga paaralang pribado. Isang katotohanang hindi maikukubli ang pagkakaroon ng saksakan ng daming mag-aaral sa bawat silidaralan ng mga paaralang pribado at sobra-sobra ang trabaho ng mga guro para magkamal ng malaking tubo ang naturang mga pribadong paaralan. Pangalawa, lumaki ang ilang paaralang pribado na pagaari at pinatatakbo ng mga dayuhan na ang mga kursong agham panlipunan ay hawak ng mga dayuhan. Bagaman maaaring hindi kontra-Pilipino ang mga dayuhan, talagang hindi naman sila maaaring magkaroon ng makabayang pagtingin. Nag-iisip sila bilang mga dayuhan na may pansariling mga interes. Kaya ang pagdami ng mga paaralang pribado at kasabay nitong pagbagsak ng kalidad ng pagtuturo sa mga paaralang publiko ay hindi lamang nagbunga ng mababang klaseng edukasyon kundi ng isang edukasyon tiyak na hindi para sa Pilipino.

Nitong nakalipas na ilang taon, nagkaroon ng hakbang na pagkalooban ng kalayaan sa paggawa ng kurikulum at gayundin nang malaking luwag sa pangangasiwa ang ilang pribadong paaralang papasa sa pamantayan ng gobyerno. Iyon ay isang paurong na hakbang. Totoong ang hakbang na ito ng gobyerno ay sagot sa mga paratang dito na nagbubunga ang mga pakikialam ng estado sa pagiging de-kahon ng edukasyon. Pero, sa bansang namumulat pa lamang sa mga makabayang adhikain, tungkulin ng isang makabayang administrasyon na tiyakin ang pagkahubog ng kamalayan ng kanyang mamamayan patungo sa makabayang landasin. Ang awtonomya ng mga pribadong institusyon ay maaaring gamitin para wasakin ang mga makabayang adhikain lalo na kapag ang pag-aari ng paaralan at ng mga kursong agham panlipunan ay hawak ng dayuhan. Palalabuin lamang ng awtonomya ng mga pribadong paaralan ang mga makabayang adhikain sa pamamagitan ng paninira ng dayuhan o sa komersiyalisasyon ng edukasyon.

Iba pang mga Daluyan ng Edukasyon

Samantalang ang mga kahinaan ng sistemang pang-edukasyon ang naging dahilan ng pagkawala ng mga makabayang adhikain, winawasak naman ng mass media at ng mga instrumentong pangkultura ang anumang natatamo ng ibang larangang pang-edukasyon. Ang pananaw ng mga Pilipino ay sinisira ng mga balita, pelikula at iba pang mga kagamitang pangkultura na halos galing lahat sa Estados Unidos. Ang mga Amerikanong pelikula at komiks, mga pahayagang Amerikano, ang pag-aaral ng libre (fellowship) sa Estados Unidos, ay nakatulong sa pagiging halos Amerikano ng ating pananaw. Hindi makapangingibabaw ang kulturang Pilipino kapag hinayaan ang pagbaba ng mga pangkulturang babasahin at panooring galing Kanluran na tumatabon sa mga maliit nating pagsisikhay na maisagawa ito.

Kailangan: Mga Pilipino

Ang edukasyon ng Pilipino ay dapat maging isang Pilipinong edukasyon. Dapat itong ibatay sa mga pangangailangan at adhikain ng bansa. Ang layunin ng edukasyon ay hindi lamang ang makalikha ng mga lalake at babaeng marunong bumasa at sumulat at marunong magkuwenta. Pangunahing layunin nito ang mahubog ang isang mamamayang may malasakit sa bayan at nauunawaan ang kanilang pagiging bansa. Isang mamamayang binibigkis ng layuning paunlarin ang buong lipunan hindi lamang ang kani-kanilang mga sarili. Oo nga’t itinuturo sa mga mag-aaral ang buhay nina Rizal at Bonifacio. Ngunit hindi iniaakma ang kanilang mga aral sa kasalukuyang suliranin ng ating bayan at itinuturo ang kanilang buhay bilang mga maikling kuwento tungkol sa mga nakalipas na pangyayari na ikinasisiyang pakinggan ng mga bata.

Natutuhan nating gamitin ang mga pamantayang Amerikano sa ating mga suliranin at tinitingnan natin ang maagang bahagi ng ating kasaysayan mula sa pananaw ng mga dayuhan. Marami tayong natutuhang bagay ngunit hindi umunlad ang ating mga pananaw. Hindi halos tumanim sa kamalayan ng mga mag-aaral ang wastong pagmamalasakit sa mga bagay na likas sa Pilipinas at ang pagmamalasakit sa kinabukasan ng ating bayan. Nag-aaral ang mga bata upang makakuha lamang ng diploma. Maraming bagay silang natututuhan ngunit hindi nila nasasapol ang makabayang pananaw dahil mababaw lamang ang kanilang pagkatuto na kadalasan ay mga anyo at hugis lamang ng mga bagay at hindi ang mga diwa at katuturan ng mga iyon.

Ano ang dapat maging pangunahing layunin ng edukasyon sa Pilipinas? Para lamang ba tayo matutong sumulat at bumasa? Kung ito lamang ang layunin, walang patutunguhan ang edukasyon. Una sa lahat, kailangang tiyakin ng edukasyon ang kaligtasan ng bansa. Walang anumang patakarang pangkabuhayan at pampulitika ang magtatagumpay kapag hindi itinanim ng edukasyon sa kabataan ang tamang pananaw na magtitiyak ng pagsasakatuparan ng mga layunin at patakarang ito. Dapat ituon ang mga patakarang pang-edukasyon ng Pilipinas sa paghubog ng mga Pilipino. Dapat tiyakin ng mga patakarang ito na ang mga paaralan ay humuhubog ng mga lalake at babaeng ang pananaw ay ayon sa mga pangangailangan ng bayan.

Sa nakalipas na mga rehimeng kolonyal, naging kasangkapan ang edukasyon sa paghubog ng mga Pilipinong naninikluhod sa mga mananakop. Dinakila nila ang mga dayuhang mananakop na ito. Hindi sa atin itinuro ang obhetibong pagtingin sa kanila para sana nakita natin ang kanilang mga mabuting katangian at kapintasan. Ito ang dahilan ng pagkahubog ng maling pananaw ng mga Pilipino sa mga dayuhang mananakop at sa kanilang sarili. Ang tungkulin ngayon ng edukasyon ay iwasto ang maling pananaw na ito. Dapat na natin ngayong isipin ang ating mga sarili, ang ating kaligtasan, at ang ating kinabukasan. At hanggang hindi natin inihahanda ang kaisipan ng mga kabataan sa pagpupunyaging ito, mananatili tayong mamamayang walang pakialam sa ating bayan na walang tiyak na patutunguhan at hindi tiyak kung ano ang kasasapitan sa araw ng bukas.
PANITIKAN PARA SA KAISAHAN NG BAYAN*
Rolando S. Tinio

KUNG TUTUUSIN, iisa nga ang dakilang layunin ng Panitikan – ang maging tanda ng pagkakaisa ng kalooban ng isang bayan. Higit sa ibang sining, panitikan ang pinakamalinaw at pinakabuhay na salamin ng kaloobang ito, sapagkat binubuo ng wika, at sa wika nalalaman ang tunay na talam-buhay ng isang lahi. Sa wika “nagkakatanawan” ang mga walanang-ngalang ninuno na nabaon na sa pinakamalayongnakaraan at ang mga isisilang pa sa mga panahong walang-katiyakan.

Anumang mga lakas ang humubog sa magkakaibang salinlahi – magkaroon man sila ng magkahidwang katangian dala ng mga dakilang pangyayari sa kasaysayan ng bayan – at lumitaw man na sarisari ang uri ng pagkatao sa iba’t ibang panahon ng isang bansa, hindi nalalayo ang mga pagkakaibang iyan sa pagkakaiba ng kalamansi sa kalamunding, ng kalamunding sa dalanghita, ng dalanghita sa lado, ng lado sa dalandan. Pigain mong lahat, at magkakaisa sa mangkok ang kani kaniyang katas. Sapagkat katas tulad ng ganyang limonada ang wika ng isang lahi, walang nakaraang panahon na tahasang lumilipas, at walang kinabukasang mmakapaghahatid ng talagang bagung-bagong daigdig.

Nagbabago ang lahat nang walang pagbabago. Napapako sa nakaraan, bagaman lagi at lagi itong tinatalikuran. At ano ang Kasalukuyan na wari’y pinakamatingkad at pinakamakabuluhan sa lahat? Isang kisap-mata lamang, isang iglap, isang butaskarayom na sinusuutan ng lahat upang maging nakaraang naganap-na ang kinabukasang maaaripang-maganap. Bagaman malimit nating isalarawan ang takbo ng panahon na parang sumusugod lahat tungo sa hinaharap, mapakikinabangan ding isipin ang kabaligtaran – na umuuwi ang lahat sa Nakaraan, na hindi sementeryong tambakan ng puntod at patay, ni hindi museong tanghalan ng mga rebulto ng mga inuod nang kadakilaan, kundi ipuipung tumatangay at bumabalisungsong sa anumang may bigat at timbang, o kaya’y piling at kandunganinang pinaghahapunan ng mga anak tuwing bababa ang araw.

At ano pa nga ba ang Panitikan kundi ang mga laging-sariwang alaala ng isang lahi? Napakahalaga ng pagkakaroon ng mga alaala. Para sa isang tao, alaala ang tanging nagdudulot ng kamalayan-sa-sarili, ang wari’y sinulid na tumutuhog, at gayon ay nagbibigay-anyo at kabuluhan. Hindi tanikalang gumagapos sa isip at kamay ang Tradisyon, kundi antigong kuwintas na pinagpapasapasahan ng magkakaangkan, itinatanghal sa leeg at dibdib, at nagbibigay-dilag, ngalan, at – dangal.

KUNG PINAG-UUKULAN ko ngayon ng pansin ang ganitong bagay, sa kabila ng napakalulubhang kapahamakan sa buong daigdig, hindi sapagkat nakakalingatan o kinatatakutan kong lingain ang iba’t ibang hugis ng dalamhati sa lahat ng dako ng Aprika at Asya. Ngunit, sa aking bayan, at sa tantiya ko’y sa marami pang bayang nilalagom sa palayaw na Ikatlong Daigdig, kasinghalaga ng paghahagilap sa kaning isusubo o kamoteng-kahoy na papangusin ang lagi at laging paggunita na may sarili tayong karangyaan ng diwa, mabakbak man sa galis ang ating balat at anit, matunaw ang kasu-kasuan, at magkawindang-windang ang ating mga dibdib, parang sinigang na labis na napakuluan.

Marami ang mayamang bansa na mahilig magsabog ng tulong – nag-aabot ng puting-kamay na humuhugot sa atin sa kumunoy ng karalitaan – nagsusubo ng kanin sa ating mga bibig, lumalanggas sa ating mga bakokang, nagsasabit ng manggas at putot sa ating mga biyas, nagtitirik ng bubong sa ibabaw ng ating mga bumbunan, at nagtatatag ng mga paaralan at aklatan upang lumawak ang ating mga tanaw, sumubo ang ating mga isip, mamulaklak ang ating mga pangarap.

Hindi ko ibig ingusan ang ganyang pagkakawanggawa. Purihin ang langit sa ngalan ng sinumang marunong makiramay. Kaya lamang, iba ang maykaramdamang kinakalinga nang buong lambing, sa patabaing-baboy na inaalagaan upang may makatay at magawang-pulutan ang mga nag-aalaga pagdating ng Happy Hour.

Sa aking bayan, halimbawa, sa palagay ko’y suliraning kasinlubha ng pagdarahop ang aming pagkawalay sa tunay naming sarili, na parang baging na gumagapang nang buhay hanggang sa pinakahulo ng aming nakaraan.

Bakit magiging suliranin ang gayon?

Sapagkat nang mapinid ang dantaong ika-labinsiyam, at mapinid ang panahon ng Kastila, nagnining sa aming mga bintana ang apat-na-pu’t walong bituin ng Kaunlaran. Sa lahat ng dako ng kapuluan, nagtanghal ng mga tableau vivant – ang pinakamarikit na dalagita ng nayon o paaralan sa papel ni Inang Pilipinas na tinatagpas ang tanikala sa galang-galangan, kinakalag ang piring sa mata, at inaakay tungo sa sangkaliwanagan.

Hanggang ngayon tuloy, ipinapalagay ng maraming pantas na apat na raang nasiit ang isipang Pilipino, nakulong sa kamangmangan at superstisyon, nagumon sa mga bisyong pang-alipin, at dahil doon, upang tunay na makasungawa sa liwanag ng Kaunlaran, kailangang bumalikwas at maghilamos – at limuting lubusan ang bangungot ng nakaraan. Hindi naiisip na sa mga daan-daang taon na iyon, wala mang tugot ang mga sable at latigo ng prayle at guardia civil, panayan mang alipustain at yurakan ang indio, may iwi itong tigas at kadakilaan ng loob, lumago nang lumago ang sarili niyang kalinangan, at hindi siya nabahiran ng pagiging kanluranin, Kastila, o Kristiyano liban sa bukod-tanging paraang inaayunan ng kanyang kusang-loob. Naging alipin lamang siya sa malas; nanatiling hari at emperador sa pinakalihim na silid ng kanyang kaluluwa.

Ngunit dahil sa maling pagtimbang sa mga pangyayari, pagkakamaling paano itutuwid ng mga may-katangahan din namang Amerikano, niyakap namin ang wikang Ingles upang maging numero uno sa pambansang karera ng buntis. Siyempre, maraming naging makata, kuwentista, dramaturgo, peryodista, at iba pa, na lalo pang nagsunog ng kilay, nagahit ng kilay, nagpinta ng kilay, o kung ano pa man ang dapat gawin sa kilay upang huwag mapagtaasan ng kilay ng mga katutubo sa daigdig ng pagiinglesan.

Sa gayon, lumaganap ang kaisipan na sa wikang Ingles lamang tunay na umunlad ang aming Panitikan. Bagaman mga pitumpung taon pa lamang kaming sumusulat sa Ingles, inakala namin na higit na matimbang ang aming mga nalikha kaysa sa tonetoneladang nalikha na sa mga katutubong wika sa kung ilan nang mga dantaon.

Bakit nagkagayon? Sa aming sitwasyon, inaakala kong nahihiwatigan ang balag ng alanganin na kinatatayuan ng mga bansa sa Ikatlong Daigdig.

Sapagkat huling-huli tayo sa industriyalisasyon, at salat tayo sa mga ginhawang dulot ng mga makina at produkto ng mga makina; sapagkat kailangan tayong turuan kung paano gumamit ng traktora, magtirik ng gusaling bakal, sumakay sa helikopter, manood ng telebisyon, at magsiksik ng maraming pamaypay sa loob ng isang kahon – madali nating malimutan na, higit sa mga traktora, gusaling bakal, helikopter, telebisyon, at air-conditioner, higit sa bagong mukha ng daigdig na gumigitaw sa ating kalawakan, lalong makabuluhan ang dati nating mga damdamin at pagpapahalaga na siyang tunay na bumubuo sa ating pagkatao. At nalilimot natin na kailangan man tayong turuan ng mga kadiwaraang teknolohiko, hindi natin kailangang turuang dumama, mangarap, o magpahalaga. Tayo ang dalubhasa at pantas sa larangang iyan, sapagkat habang ginugugol ng malalaking bansa ang kanilang yaman at oras sa pagtatayo ng mga laboratoryo at pabrika, wala tayong napagabalahan kundi ang iba’t ibang monumento ng ating mga puso at kaluluwa.

Hindi ba maaaring maging makabago ang ating mga agham at teknolohiya, samantalang nananatiling makaluma – ang ibig sabihin, atin – ang ating mga sining at pilosopiya?

Pag-aralan man nating makitungo sa lahat ng uri ng tao sa daigdig, hindi ba lalong mahalaga na pagaralan nating mapagtibay ang lihim at bukod-tangi nating pagkatao – ang ating pagka-tayo – na kailangang pakitunguhan, pagpitaganan, at kamanghaan ng lahat ng ibang tao sa daigdig?

Sa kabilang dako, mahirap mangyari ang kadalisayan ng diwang makalahi sa panahong makabago. Napakadaling maglimayon ang sinuman sa buong daigdig, hindi lamang sa pamamagitan ng pagsakaysakay sa jet na hindi naman laging kaya ng mabababaw ang bulsa, kundi sa pamamagitan ng mga babasahing galing sa mga makapangyarihang bansa, na kung hindi murang-mura at abot-kaya ng marami ay ipinamumudmod nang walang bayad, kasama ng mga libreng pagkain, gamot, at damit. Napakadaling ipalagay na walang kailangang gawin ang mga bansang urong kundi ang magbasa nang magbasa, magaral tungo sa madaling pagsulong. Edukasyon nga ang lihim ng pag-unlad. Walang lahing umuunlad nang hindi muna nagpapalabo ng mata sa kababasa. At kung salat nga sa kalinangan ang iyong bayan, tiyak na salat din sa kakayahang makapagbigay ng sapat na karunungan. Kaya, kalimitan, wala kang magagawa kundi mag-aral na ibang wika, mangibangbayan, makisalamuha sa mga pantas sa kanluran, malulong sa paniwalang pantas ang sinumang tagakanluran, na dapat tularan sa bawat kaisipan at lunggati.

Panitikan, siyempre, ang pinakamarilag na guro – at sadyang kaakit-akit ang panitikan ng mapuputing bansa, ng malalagong lipunan, ng sa biglang malas ay daigdig ng maririwasang kaluluwa.

Sa pamamagitan ng panitikan, napakadali mong mapasangkot sa kaloobang-dayuhan, sa mga kalutasang nag-uugat sa tradisyong dayuhan. Kaya, kung taong-bundok kang biglang pinakawalan sa mga lunsod ng bakal at kristal, bato at plastik, mekanisasyon at komputerisasyon, napakahirap pigilin ang sarili sa pagwiwika – Kailangang mapatulad ako sa kanila upang makaahon sa aking daigdig ng kawayan at putik. At sa iyong pagdidili-dili, nagkakaisa na ang kahulugan ng pagiging maunlad at ang kahulugan ng pagiging dayuhan. Biglang-bigla, nagmumukhang hadlang ang iyong dating pagkain, pananamit, putol ng buhok, kutis, bisyo.

Laganap sa panitikang kanluranin ang pagsusuri sa takbo ng buhay. At kung taong-bundok kang bigla nang nakasulpot sa kalawakan ng panitikang iyan, paanong maiwawaksi sa isip na nasunggaban mo na ngayon ang kung anu-anong katuklasan – Aba, demontes, ganito pala ang tunay kong suliranin, ganito pala ang dapat tunguhin ng aking mga pangarap!

Kaya, upang matalikdan ang iyong nakaraan bilang makatang bundok at maharap ang daigdig ng kinabukasan, kinakailangan mong magsuot ng mga bagong mata at pandama. At totoo, biglang nagbabago ang lasa at hipo ng iyong mga tula. At kung hindi ka masakyan ng iyong mga kalahi, napapabuntonghininga ka sa tindi ng pagmamalasakit – Mga Kaawaawang nilalang! Paano nga ba nila masisino ang katotohanan sa aking mga taludtod?

Ganyan ang panlalabo ng matang tinutukoy ko kanina. Iminumungkahi ko tuloy ang kahalagahan ng pag-atras, ng pagiging urong, ng palaging pagpihit at pag-uwi sa sariling pugad, bukbukin man ito at amoy manusya. Para sa akin, higit sa pag-unlad at pagsulong, lalong mahalaga ang pagtining at pagtiim ng diwa.

Tungkulin nga ng mga manunulat ang humila sa kanilang mga kalahi tungo sa mga bagong bintana at pintuan. Ngunit huwag na huwag lalabas ng bahay! Sapagkat atas ding banal na magpahila sila sa nakararaming mangmang na tunay na ingat-yaman ng pambansang kalooban. Sa paghihilahang iyan masasaksihan ang nararapat na pagsulong, pagsulong na pag-atras din tulad ng sa ahas. Sapagkat, higit sa lahat, at sa kabila ng mga pagtitipong pandaigdigan tulad nito, at sa kabila ng mahahalagang karunungang napupulot natin sa ating mga kapatid sa iba’t ibang dako ng daigdig, nananatili nating tungkulin ang maging manunulat, hindi ng sandaigdigan, kundi ng sari-sarili nating bayan at bundok. Makapagpatabang-puso man ang paghangang galing sa mga kapitbayan, sa akala ko’y higit na makabuluhan na masaklaw natin ang kalooban ng pinakamangmang sa ating sariling gubat.

ITO, sa tingin ko, ang atas sa mga manunulat ng bagong salinlahi – ang pagdiriwang sa likas na kalooban ng lahi, ang pagkatas sa pagiging sarili, ang pagkalinga at pagpapayaman sa sariling wika na tanging salamin ng sariling-pambansa, ang pagbubuklod sa lahat ng mga kalahi sapagkat sa anumang anyo ng panitikan, anuman ang paksain, at sa paano mang pamamaraan, iisa ang ipinaghihiyawan – Mga kababayan, ito ang ating pananaw sa buong sandaigdigan! At sa salitang atin, nakakaisa ng lahat ng buhay ang lahat ng yumao, at ng lahat ng buhay at yumao ang lahat ng hindi pa nabibigyang buhay.

Maipipintas na pag-iisip-bata ang ganitong mungkahi. Maaari. Ngunit habang dumarami ang mga taong ginugugol ko sa pagsusulat, pagdidirehe sa entablado, at pagpopropesor sa pamantasan, lalo kong nakikilala na may kagila-gilalas na birtud ang tumatanda nang paurong.

PAMBANSANG WIKA AT ANG ISYU NG INTELEKTWALISASYON
Dr. Jose V. Abueva

May mga naniniwala na nais man nilang gamitin ang pambansang wika sa gobyerno, midya, pagturo at reserts, kapos sa bokabularyo ang Filipino. Di raw nito kayang ipahayag ang matatayog na kaisipan. Sa madaling salita, hindi pa raw “intelektwalisado” ang pambansang wika. Sa kanilang pananaw, kelangan ng dalawampung taon o higit pa bago ganap na magagamit ang wikang Filipino sa mga gawaing intelektwal.

Para sa akin, hindi isyu ang intelektwalisasyon ng wika. Malakas ang aking paniniwala na walang wikang nananatiling salat kung gagamitin ito hindi lamang sa pangaraw- araw na buhay kundi sa diskurso at iba pang larangang pang-intelektwal. Dinamiko ang wika. binibigyang buhay ito ng mga taong nagsasalita, nag-iisip at nagsusulat dito. Lumalawak at yumayaman ito ayon lamang sa paggamit ng mga tao. Kung walang intelektwal na nangangahas na gumamit ng pambansang wika, iiral nga ang alamat na ang pambansang wika ay para lamang sa tahanan, sa palengke, sa mga babasahing pangmasa, sa pangsuyo sa mga botante tuwing eleksyon.

May kaakibat ding problema ang sinasabing kasalatan ng pambansang wika sa gawaing intelektwal. Sa aking palagay, bunga ito ng kanluraning kaisipang itinanim dito ng dati nating mananakop. Ang ating sistema ng edukasyon ay nakapalupot sa dayuhang wika at kulturang dinadala nito. Sa humanidades man o agham panlipunan, sa syensya o inhinyeriya, sa pilosopiya o ekonomiya, ang pinag-aaralan ay mga teoryang dinibelop sa kanluran.

Hindi naman natin ito minamasama. Sa isang banda, ang mga kaalamang natutunan natin sa kanluran ang nagpabilis ng ating pagpasok sa modernong panahon at ng paglahok natin sa pandaigdigang sibilisasyon. Ngunit sa kabilang banda naman, hiniwalay tayo ng dayuhang wika sa sarili nating kultura. Binansot nito ang pagyabong ng katutubong kaisipan sa ibaʼt ibang larangan. Sinupil nito ang ating pagkamalikhain. Inukit nito sa ating kaisipan ang alamat na hindi maipapahayag ng ating sariling wika ang mga komplikado at abstraktong ideya. Ang kaalaman ay nagmistulang misteryo na maari lamang maunawaan ng iilang may pribilehiyong makapasok sa unibersidad. Dahil sa dayuhang wika, nahiwalay ang Unibersidad sa taong bayan.

Ang isyu ng intelektwalisasyon, kung gayon, ay higit dapat tingnan bilang proseso ng pagpalawak ng kaalamang bayang tunay na sumasaklaw sa buong bayan. Dapat ding tingnan ito sa aspeto ng kung paano lilinangin ang mga ideyaʼt kaisipang higit na aakma sa ating realidad at pagkatao, bubuhayin ang ating pagkamalikhain, babahaginan ng biyaya ng gawaing pang-intelektwal ang higit na nakararaming mamamayan upang mabigyan sila ng sandata sa kritikal na pagsuri ng kanilang kalagayan at makalahok sila sa diskurso o usaping bayan. Kasaysayan ang nagsasabi sa atin na hindi mangyayari ito kung ipipilit ang banyagang wika.

Bilang paglinaw sa papel ng intelektwal sa paggamit ng pambansang wika para sa gawaing intelektwal, nais kong ibahagi ang karanasan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Sa panahon ng dekada sisenta sinimulan sa UP ang reeksaminasyon ng kabuluhan ng umiiral na edukasyon sa pangangailangan ng bansa. Bagamat hindi tinatalikuran ang kaalamang nakuha sa kanluran, nakita ang kahalagahan ng pagkaroon ng matibay na pundasyon sa sariling kultura upang maging mas maselan sa pagsala ng mga banyagang ideyaʼt konsepto. Hindi prinoblema ng mga propesor ng UP ang sinasabing kasalatan ng wikang pambansa sa bokabularyong intelektwal. Hindi rin prinoblema ang kakulangan ng teksbuk. Kasabay sa pagsaliksik sa kultura at kaisipang Pilipino, sinimulan agad ang pagturo ng ibaʼt ibang disiplina tulad ng pisika, matematika, sosyolohiya, sikolohiya, agham pulitika, literatura, kasaysayan, kemistri at iba pa sa wikang Filipino. At gayon din, sinimulan ang pagsulat sa Filipino ng bunga ng reserts.

Sa kalagitnaan ng dekada sitenta, nakapagdebelop na ang UP Departamento ng Sikolohiya ng tinawag nilang “Sikolohiyang Pilipino.” Ang mga masteral na tesis at disertasyong naisulat sa Filipino mula 1974 hanggang sa kasalukuyan ay matitibay na testigo sa pagkamabisa ng ating pambansang wika bilang behikulo ng abstrakto o teoretikal na pag-iisip. Mula 1974, higit na tatlong masteral na tesis ang naisusulat sa wikang Filipiino bawat taon. Mula 1978 naman, may isa o dalawang disertasyong naisusulat sa Filipino bawat taon. Ang pinakamayamang ani ay noong 1990 kung kelan pitong disertasyon ang naisulat sa wikang Filipino. Bumabagtas ang mga ito sa ibaʼt ibang disiplina. At ayon na rin sa mga nagtapos ng kanilang M.A. at Ph.D. sa UP, sa pamagitan ng pagsulat sa Filipino, nakalaya sila sa pagkatali sa mga dayuhang teorya. Nakapagdebelop ng mga orihinal at mas angkop na mga kategorya para sa pagsuri ng pinag-aralang aspeto ng kultura at lipunang Pilipino. Pero para sa ilan sa kanila, ang higit na mahalaga ay nababasa na ang kanilang saliksik ng karaniwang taong bayan. Masasabi rin nating ang ganitong mga pagaaral ay nagsisilbing pagbukas ng pinto ng Unibersidad at pagpalaya ng kaalamang nakakulong lang sana sa Unibersidad.

Ipinapakita ng karanasan ng UP na ang pagpalaganap at pagpayaman ng wikang pambansa ay pagsulong din ng kulturang Pilipino. Itoʼy pagpalalim ng ating pag-unawa sa sarili at pagbigay oportunidad sa masang Pilipinong makalahok sa mas mataas na antas ng diskurso. Idinidiin din nito na hindi mangyayari ang inaasahang “intelektwalisasyon” ng wikang pambansa kung walang intelektwal na gagamit, magpapayaman, at mag-aangat nito.

Nais kong linawin na hindi sinasarhan ng UP ang pinto nito sa Ingles man o ibang dayuhang wika, ni sa ibang rehyunal na wika sa Pilipinas. Nabubuhay tayo sa panahong ang mundo ay isa na lamang komunidad. Maaring malaking bentahe ang pagkabihasa sa Ingles o ibang kanluraning wika pagkat napapadali nito ang daloy ng pagpalitan ng kaalaman ng ibaʼt ibang bansa. Pero dahil din sa penomenon ng pagiging isang “global village” ng mundo, higit nating kelangan patatagin at protektahan ang ating kultura upang mapanatili natin ang ating pagkatangi bilang mga Pilipino. Kelangan nating maangat ang buong sambayanan, mabalik ang tiwala nila sa sariling kakayahan, mapalaya ang kanilang pagkamalikhain upang makapag-ambag ng sariling atin sa sandaigdig.

Malaki ang tungkuling panlipunan ng mga tulad nating nasa akademya. Matingkad itong ipinamalas sa akin ng pitong Rice Research Centers na aming binisita sa Thailang noong 1990. Lahat ng reserts ay nakasulat sa Thai. Ano mang bunga ng kanilang pananaliksik ay mabilis na naibabahagi sa mga magsasaka. Napapalawak ang kaalaman ng mga magsasaka at naisasapraktika nila ang kanilang nababasa.

Sa matagal kong pamamalagi sa labas ng bansa, nasaksihan ko ang mabilis na pagunlad ng mga bansang dati nating minamaliit at pinagtatawanan dahil di marunong ng Ingles. Sa Nepal, Indonesia, Timog Korea at lalung-lalo na sa Japan, nakita ko ang paggamit ng yamang intelektwal na galing sa Unibersidad sa pagpatatag at pagpaunlad ng kanilang mga bansa. Mabilis ang daloy ng kaalaman sapagkat walang dayuhang wikang naghihiwalay ng pamunuan ng bansa sa mamamayan, ng Unibersidad sa karaniwang taong bayan.

Ang isyu ng intelektwalisasyon, kung gayon, ay hindi limitado sa intelektwal kundi sumasakop sa magsasaka, manggagawa at karaniwang tao. Gayunpaman, tungkulin ng intelektwal ang pagwasak ng alyenasyon ng Unibersidad sa nakararaming taong bayan. Pasanin ng intelektwal ang pagpamahagi ng kaalaman sa labas ng unibersidad at pagtulong sa paghasa ng isip ng karaniwang mamamayan tungo sa pagiging mapanuri at malikhain.

At ang tulay ng intelktwal sa sambayanan ay walang iba kundi ang ating pambansang wika – ang Filipino.
Enjoy, be Pinoy; Bahala na si Batman
Gilda Cordero-Fernando, Philippine Sunday Inquirer, 08 April 2007
Salin ni Teresita G. Maceda

PINOY ANG TAWAG ng mga Pilipino sa isa’t isa, termino ng pagmamahal. Ika’y Pinoy na galing sa Pilipino, tulad ng ika’y tisoy na galing sa mestizo o chinoy na galing sa chino.
Palayaw ito, tulad ng Minoy mula sa Maximo, Ninoy mula sa Benigno, Tinay mula sa Florentina, at Kikay mula sa Francisca. Pero ngayon sila ay Maxi at Ben at Tintin at Cheska.
Natawag ka nang indio, goo-goo, Negro, flip, noypits. O Filipino, ang biskwit na brown sa labas at puti sa loob, o isang salitang tinanggal sa diksyunaryo na ibig sabihin ay domestic. Ay lintik!
Ika’y Juan de la Cruz o Mang Pandoy. Ika’y common tao, masa, urban poor pero Cecile Licad din at Don Jaime, Jose Rizal at Tony Meloto, Shawie at Pacquiao at Nick Joaquin, galing galing.
Sinilang noong Hunyo 12, 1896, ang Republika ng RP ay isang Gemini, mahusay sa pagkonek, mabait at loving-loving, magaling sa texting at pakikisama.
Gustong-gusto ng mga Pilipino ang yakap, akbay, hawak, kalong, kalabit. Tabi-tabi tayo kung matulog, siping-siping, at lumalabas tayo kabitkabit.
Marami tayo saanman. Laging merongnakikinig sa isang sob story, kahit sa jeepney, mag share-aload or mag share ng TV.

Lahat ay tito, tita
Sino ang may hipag, bayaw, bilas, balae, kinakapatid? Sino ang may ate, dete, diche, kuya, diko? Ang tawag ng mga katulong sa kanya ay ate, ang tawag ng driver sa kanya ay kuya at lahat ay tito o tita. Sino ang may Lola Baby, Tito Totoy, isang bosing na tinatawag na Sir Peewee, ang kanyang asawa Ma’am Lovely, at ang kanilang mga tsikiting ay Cla Cla at Cring Cring?
Nakatira ang Pinoy sa condo, sa mansyon, sa apartment, sa bahay na bato, sa ilalim ng tulay, sa Luneta, sa Forbes Park, at sa Paris din!
Mamamayan siya ng daigdig, nandun siya sa lahat ng mga bayan at kapital, kinokolonisa ang Kanluran, daladala ang kanyang gitara at bagoong, ang kanyang walis na tingting, tabo, lolo at lola.
Kung saan may ritmo, narun ang Pinoy. Makikita mo siyang kumakanta sa isang nightclub sa Tokyo, musikal sa London, sa Opera House sa Sydney. Oo nga, nasa kanila ang imprastruktura, ang mga teatro at arkitektura. Pero sino ang nagdidirekta ng kanilang mga dula, o nagsasanay ng kanilang mga manager sa kumpanya, o nagiimport ng ating mga titser?

Viagra hanggang Victoria’s Secret
Tingnan ang kanyang bagahe – lahat pasalubong, wala para sa sarili. Mula bedsheet hanggang pangtina ng buhok, Toblerone hanggang karpet, Viagra hanggang paella pan, Victoria’s Secret hanggang microwave.
Hey, Joe, don’t envy me ’cause I’m brown, you’ll get ultra violet from that sun and turn red not brown.
Swerte-swertehan lang. Nilagay tayong lahat ng Diyos sa oven, ang ilan ay nasunog, pero ako, lumabas akong golden brown!
Hey, Kristoff! Hey David at Ann! Ang iyong yayang Pinoy ay ginagawang mas mahinahon, mas masunurin ang inyong mga anak; tinuturuan silang magdasal. Hey Big Brother! Hey Grandma Moses! Sino kundi ang mga Pinoy nars ang nagpapagaan ng inyong mga sakit araw-araw hanggang sa huli.
Ginawa natin ang jeepney, ang karaoke, ang fluorescent bulb, ang moon buggy. Inimbento natin ang People Power at crispy pata; ginawa nating popular ang virgin coconut oil, inakyat ang Everest at nagpabantog sa Cebu furniture kabilang sa pinakamahusay sa mundo. Laging nagtatangkang mapasok sa Guinness World Record: pinakamahabang langoy ng isang bata, pinakamatagal na halik, pinakamahabang longanisa...

Linggwist
Linggwist ang Pinoy. As in. As if. For a while. Open the light. Close the light. Paki ganyan naman ang kuwan sa ano. Tuck in. Tuck out. Don’t be high blood. If you’re ready na, I’ll pass for you.
Hayop; Hanep! Bongga ka ’day, feel na feel kita, kilig to the bones ako. Don’t make wala, don’t make tampo. Taralets na, babes, let’s go, nababato na ang syota mo.
I’m inviting you to my party, please RSVP. Ang oo ay “yes” o “maybe,” o “yes kung pilitin” o “siguro kung di uulan.”
Ang “oo” ay isa ring magandang paraan ng pagsabing “hindi.” “Yes, hindi kita sisiputin. “No,” eto na ako at ang barkada ko. Please, hwag tanungin ang Pinoy ng ganyang tanong! \

Sumasabay lang sa daloy
Di siya eksakto, di masyadong chop-chop, sumasabay lang sa daloy. Filipino time? Naku, huli din naman ang Kano!
Laging may panahon ang Pinoy sa pagiging “nice”, mabait, handang humingi ng patawad, at laging nandyan kung ikaw ay depressed, para tulungan ka sa iyong utang at sa iyong wedding dress.

Ang Pilipino ay tagabigay, di bale kung ano ang mangyari sa atay niya, di bale kung anonghirap ang kailangan. Ang kahirapan ng pagiging Third World ay di tumutuyo ng kanyang dugo. Lalo lang siyang nagiging mas madamayin, mas maramdamin, para sa kalagayan ng kanyang kapwa.
Pansinin na ang katulong ay nagpapadala ng kanyang buong sahod sa amang may sakit. Siya ay OFW na ang kalungkutan sa trabaho ay lumikha ng orihinal na “katas ng Saudi”.

‘Bahala na’
Walang takot ang Pilipino, bahala na si Batman, na ang ibig talagang sabihin ay Bathala na o “nasa kamay ng Diyos ang lahat.” Okay lang kung mamatay ako by bitay, okay lang kung mabuhay, okay lang kung makaligtas ako “by the skin of my teeth”.
Saway ni Inay: Di ka naman Bill Gates, di ka naman French, mahirap nang magbuhat ng sarili mong bench.

Be Pinoy! Enjoy!
PILIPINO PARA SA MGA INTELEKTUWAL
Rolando S. Tinio

Bukod pa sa mga damdaming makapangkat na tutol sa Pilipino bilang wika ng bansa, may dalawang bagay na nananatiling sagwil. Ang mga ito ay umiiral sa palagay ng kahit mga taal na Tagalog: (1) ang kakulangang-tiwala sa kakayahan ng Pilipino bilang wikang intelektuwal, at (2) ang pangambang maiwan sa kaunlaran ng pag-iisip kung tumiwalag nang tuluyan sa wikang Ingles.

Magkaugnay ang dalawang bagay na ito; nag-uugat sa mga sirkulong akademiko, namamayani sa intelligentsia at culturatti ng bansa, at nagagagad kahit ng mga manunulat ng mass media. Hindi tuloy kataka-taka na siya ring ikinababagabag ng mga nanunungkulan sa pamahalaan.

Kung marami man ang mga pagkakataong nagpupugay sa halaga at bisa ng wikang Pilipino, sa pangkalahatan, ganito pa rin ang nangyayaring palagay – mabisang gamitin ang Pilipino sa mga karaniwang sitwasyon, ngunit sa mga sitwasyong espesyal, Ingles pa rin ang kinakailangan.

Masalimuot ang suliraning ito. Sapagkat sa Ingles nahasa ang mga intelektuwal ng bansa, natiwalag sila nang maaga sa wikang Pilipino, pati na ang mga taal na Tagalog sa kanila. Ang mga di-nakapag-aral lamang ang nananatiling gumagamit sa Pilipino sa lahat ng larangan ng pamumuhay. Madalas nga, ang kakayahan sa Ingles at ang kakayahan sa Pilipino ay hindi natatagpuan sa iisang tao.

Dahil dito, maraming-marami man ang nasusulat sa Pilipino, hindi nalalaman ng mga ito ang kataasan at kasalimuutan ng pag-iisip ng mga pantas at siyentipiko. Hindi ito bunga ng kakulangan ng wika, kundi ng kakulangan sa kaalaman ng mga “Tagalista”.

Samakatwid, upang tunay na umunlad ang wika, kinakailangan ang tulong ng mga intelektuwal at pantas, yamang sila ang tanging makapagbubuhos doon ng mga kaisipan at karunungang hango sa kanilang pagdadalubhasa sa Ingles at iba pang wikang dayuhan. Tungo sa pagbubuklod ng kaisipang bago, isang konkretong pamamaraan ang pagsasalin.

Dalawang mahalagang bagay ang ibinubunga ng pagsasalin: (1) nasisiyasat at nasusubukan ang mga hanggahan ng wikang pagsasalinan, at sa gayon ay natutuklasan ang kakayahan ng wikang maglaman ng mga konseptong dayuhan, at –

*SAGISAG (Agosto 1975). Pahina 6.

lalong mahalaga – (2) natutuklasan nang madali kung alin sa mga konseptong bago at dayuhan ang akma sa diwang Pilipino, at alin ang asiwa o tahasang walang-wala.

Dapat isaalang-alang na wika ang pinakalarawan o krokis ng diwa ng isang lahi. Inihihimatong nito kung alin ang tunay (sa kahulugang pilosopiko) para sa atin, at kung alin ang di-tunay, sapagkat walang-katuturan. Walang suliranin sa larangan ng mga pangalan. Maaaring itawag ang anumang salita (katutubo o dayuhan) para sa mga bagay. Tulad ng mga ngalan ng tao, hindi kailangan ng makabuluhang pag-uugnay ng pangalan at ng pinapangalan. Kaya hindi dapat gawing suliranin ang pagpili ng mga termino sa larangan ng mga agham at teknolohiya.

Ngunit sa mga kaisipang pantao, mahalagang pag-aralan ang mga ipinahihiwatig ng estruktura at idyoma ng wikang Pilipino. Sa pangungusap ng katutubo matutuklasan ang mga pagpapahalagang katutubo. Kung maluwag na naisalin sa Pilipino ang mga pangungusap na banyaga, makikilala rito ang pagkakawangis ng ating lahi at kalinangan sa ibang mga lahi at kalinangan. Kung may mga pangungusap na hindi maisalin sa Pilipino kahit ng dalubhasa, mahihiwatigan dito, hindi ang kakulangan ng ating wika, kundi ang ating pagkakaiba sa mga dayuhan.

Sa kasamaang palad, nasasangkot tayo sa isang kabalintunaan. Sapagkat hindi pa pinagbubuhusan ng pansin ng mga intelektuwal ang paggamit sa Pilipino, hindi pa nito natatamo ang maunlad na kalagayan ng mga pangunahing wika sa daigdig. At dahil hindi pa nga gayon ang kalagayan ng wikang Pilipino, patuloy itong binabale-wala ng mga pantas at dalubhasa.

Sa kabilang dako, iginigiit kong sa anumang larangang pantao, hindi natin malilinang nang lubusan ang isipang Pilipino sa pamamagitan ng anumang wikang dayuhan. Ang ating wika ang tanging paraan ng pagsusuri at pananaliksik na makapagsisilbi sa atin, sapagkat ito ang makatutuklas ng mga katotohanang nauukol sa atin. Tayo ang dapat na maging hulo at dulo ng ating mga pag-aaral. Walang silbi ang dalubhasang napakagaling sa pag-unawa sa buhay at kalooban ng mga estranghero, ngunit ngangapa-ngapa kapag napaharap sa mga katalagahang Pilipino.
TAYO SA MGA MATA NG BANYAGANG TAYO
Edilberto N. Alegre

1.

Noong nakaraang buwan napadako ako sa isang colloquim sa Ateneo tungkol sa aklat ni Vince Rafael, Contracting Colonialism (Cornell University Press, 1988), na kanyang dissertation sa pagkadoktorado niya sa pilosopiya sa pamantasan ng Cornell. Ang ilan sa mga naatasang magbigay ng maiikling puna sa aklat ay masugid na binigyang pansin ang libro mula sa pananaw ng mga “post-structuralist” at mga bagong Marxista. Sa diskusyon ay nagbalibagan sila ng mga pangalang uso ngayon sa mga ganitong pagpupulong – Foucault, Derrida, Jameson, atbp. Palagi na lang tayong naghahabol sa kung anong uso sa Amerika at Europa sa masidhing pagnanais nating hindi tayo maiwan sa moda. Walang pagkakaiba sa pagkakahilig ng di kakaunti sa atin kay Bruce Sprinsteen o kay Madonna.

Ang masakit dito’y ang pagkakaiba ng ating sitwasyon. Sila Foucault ay nakaugat sa isang napakahabang tradisyong intelektwal sa kanluran; kahit nga si Madonna’y nakaugat din sa tradisyong “pop” sa tugtuging Amerikano. Ang mga tradisyong ito ay wala sa atin, kasi wala naman tayo sa kanluran. Ang kultura’y space-bound. Masakit kasi nakakatuwa – nagpupumilit pa rin tayong unawain ang ating sarili mula sa banyagang pananaw. Nakakulong pa rin tayo sa loob ng “quote…unquote” ng mga sinulat nila – ang mga nagbasa ng puna nila sa colloquim ay abalang-abala sa pagtataas ng dalawang kamay at dalawang daliri sa bawat kamay nila sa paggaya sa dalawang tuldok ng quotation marks. May ritwal na ang panghihiram natin kapag tuwiran ito.

Kahit na mayroon nang laganap na paggamit ng pagsusulat na natibo (indigenous script) sa ating mga pulo bago dumaong sila Magellan at Legaspi dito, ito’y halos nawalang parang nakasulat lamang na mga titik sa dahon ng niyog. Sa pag-aaral kung ano tayo, o paano dito sa atin noong naghahari dito ang mga Kastila’t Amerikano at iba pang puti, ang batayan natin ay ang mga sinulat nilang libro: mga diksyunaryo, gramatika, talata, obserbasyon, atbp. Ang mga ito kasi ay hindi inanay at nilamon ng panahon.

Sa isang panig, sang-ayon ako sa paggamit ng mga dokumentong pangkasaysayan. Ang pagbasa ay nasa nagbabasa din naman. Ang makasaysayang disertasyon ni Dr. Bienvenido Lumbera (Tagalog Poetry 1570-1898) ay batay sa mga ganitong aklat. Bakit nga ba di natin halughugin at pigain ang mga ito kung makatutulong sa ating pananaliksik tungkol sa kung ano nga ba tayo at ang kultura natin? Mga ganitong libro rin ang ginamit nina Dr. Reynaldo Ileto at Dr. Vince Rafael sa kanilang makabagong pag-unawa sa ating nakaraan.

2.

Yon lang, kapag ang ginamit ay isang paraan na nakaugat at lumago sa kulturang kanluranin, siyempre may mga hindi ito masasaklaw sa ibang kultura. Maaari pa ngang palihis ito.

Mayroon akong ganitong karanasan sa U.P. Ang kaunaunahang pinasulat noon sa amin sa English 1 ay isang diagnostic theme na may pamagat na “I, Myself and Me”. Bagong salta lang ako noon, hindi lang sa Pamantasan kundi sa Maynila na rin. Na-culture shock talaga ako. Papaanong magiging iba-iba yong “Ako, sarili ko, ako o akin”? Sa “me” nga ako gulong-gulo kasi maaaring ito’y ako sa Tagalog (“kinausap niya ako” = “He talked with me”) o “akin” (“Sa akin niya ibinigay yan” =

“He gave that to me”). Ang gulo, kako. Samantalang ang tatlong panghalip na pamagat ay may iba-ibang tinutukoy, sa aki’y iisa silang tatlo – ako, at ako, at ako pa rin.

Naawa sa akin ang titser kasi ang lahat ng kaklase ko’y sulat na nang sulat, samantalang ako’y nakatunganga lang. “Follow the grammatical cases,” ang payo niya. A, ganon, kako, at mabilisan ko nang inilahad ang iba’t ibang aspeto ng sarili ko – bilang nominative (o subject), bilang reflexive at bilang objective. Nagustuhan niya ang aking sinulat, at mataas ang markang ibinigay niya. Ako nama’y kampante nna sa napakahusay nang pagkakahimay ko sa “I”–persona. Sa Ingles, masinop ang categories na subject, object, reflexive (self).

Ngunit pagkaraan ng ilang dekada, dahan-dahan na akong nahirapan sa pagpapaliwanag ng kung ano tayo bilang indibidwal. Doon kasi sa “I, Myself and Me” hiwalay na hiwalay ka mula sa ibang tao. Self-defined ka; self-contained ka. May mga maiikling kwento nga sa Ingles na ang mga tema ay “self-discovery,” “growth,” “self-awareness,” “epiphany.” At may mga krisis sila sa kanluran na talagang pampersonal – nakatuon o nakasentro sa sarili: “identity crisis,” “crisis of faith. Parang palagi silang nawawala sa sarili at hinahanaphanap nila nawawalang sarili. Ang pakiramdam ko nama’y samantalang ako nga si “I, Myself and Me,” hindi ito ang kabuuan ko. Parang may kulang; masinop man ang grammatical categories of the self, hindi sapat.

Sa madaling salita, sa kalaunan, hindi ko na maipaliwanag ang sarili ko sa balangkas na ito. Hindi lang sa may puwang, ang pakiramdam ko’y nalilihis ang ganitong pananaw, hindi ko masapul kung ano ako talaga.

Mabuti na lang at hindi naigupo ng mga Kastila’t Amerikano ang ating mga wika. Pumasok lang sa iba’t ibang wika natin ang Español at ang American English bilang mga kataga, mga banyaga o hiram na salita. Hanggang sa antas lang sila ng vocabulary. Hindi nila nawasak ang istraktura ng ating mga wika. Buong-buo pa rin ang mga ito. Kaya naman kung gagamitin ang wika bilang isang susi sa pananaliksik at pag-unawa sa ating kultura, marami pa tayong matatagpuan sapagkat tayo’y buo na sa antas ng wika.

At kung buo tayo, ano ang masasabi ng wika tungkol sa kung ano tayo? Yong “I”–persona, ano ba iyon? Ganito ang ginawa ko: pinag-aralan ko ang mga panghalip na may kinalaman sa “ako”.

Sa nominative case, ito’y apat: ako, kita, kami, tayo. Ang “ako” ay kahawig ng “I” sa Ingles. Ang “kita” ay wala sa mga kanluraning wika. Ito’y tinataguriang “exclusive dual”, yong one-on-one, o di kaya’y one-and-only-one-other. Kaya kapag sinabi mong “Mahal kita,” yong “I” at saka “you” (singular) ay nakapaloob na sa panlaping “kita” [I-you(singular)] kaya hindi natin sinasabing Ako mahal (ko) ikaw”. Dalawa kasi ang nilalaman ng “kita”: “ako” at “ikaw” sa isang ugnayang pansarili lang nila. Sa “kami” ay hindi kasali ang kausap. Pag sinabi nating “Aalis na po kami,” tayong mga bisita lang ang aalis, hindi kasama ang maybahay. Ngunit pagkasinabi nating “Umalis na tayo” kasali siya. Sa “tayo” kasali ang kausap. Kaya kung tatanungin natin kung ano yong “ako”, ang sagot dito’y hindi “I, Myself and Me”, at hindi rin yong apat na panghalip (ako, kita, kami, tayo) lang. Kung nais mo akong makilala, hanapin mo yong mga ugnay ko. Ako ang mga ugnay ko.

3.

Kung ganoon, ang kabuuan nati’y wala lang sa “ako”. Ang “ako” ay ang sariling hiwalay sa iba; malapit nga ito sa “I, Myself and Me.” Ito yong “individual self” – pinanganak sa ganitong petsa, nag-aral ng kung ano sa ganitong pamantasan, ngayo’y ganito ang ginagawa, atbp. ngunit ito’y isang bahagi lang ng ating kabuuan.

Ang isa pa’y yong bahagi nating nasa “kita” – yong sariling nakikipag-ugnayan lamang sa isa pa, yong nabubuo lamang sa pakikipag-ugnay sa isa pa, yong nagmamahal kay “ikaw” sa pagsabi niyang “Mahal kita”. Ito yong palagi na lamang naghahanap ng katuwang, kabiyak, kahati, kaisa. Ito yong pinaka “romantikong” bahagi natin, yong hindi talaga mapakali kung nag-iisa lang. Ito yong si Gabby o si Sharon sa Gabby-Sharon loveteam o ang magkatuwang doon sa Nora Pip o kay Ramon-Lotlot, kaya patay na patay tayo sa love teams. At kiliting-kiliti tayo sa love stories. Tayo ang mga love stories na ito. Kaya culturally valid ang dagsa dagsang sine at programang pantelebisyon na ang tema’y napakaraming tula sa wikang Ingles tungkol sa pag-ibig. Hindi lang ito hilig; ito’y tunay na bahagi ng ating pagkatao.

Sa “kami” at “ako” ay nakapaloob sa isang grupo na pangkanila lang – ang pamilya, ang barkada, ang fraternity o sorority, ang religious group niya, ang political party affiliation niya, ang ethno-linguistic grouping niya, o di kaya’y ang pagkapinoy niya (na naiiba sa ibang nasyon) – hindi nakapaloob dito ang kausap. Ang distinction ay I/we-BUT-NOT-you. Ang sa “tayo” ay grupo din ang kinapapalooban ni “ako”, ngunit kaisa niya ang kausap, parang sinasabi niyang “ikaw din” (you too), kaya I/we-AND-you.

Matingkad talaga ang ating sense of grouping, of belonging to a group, of group membership. Nasa ugnay natin sa isang grupo (“in-group”) ang isang bahagi ng sarili nating nabubuo lang sa pakikisalamuha’t pakikiisang loob sa iba.

Sa antas ng sosyo-politikal, makikita ang madiin at matingkad na pagkakaiba ng “kami” at “tayo”: ang mga Muslim bersus mga Kristiyano, ang mga RAM laban sa mga hindi nila kasanib, ang mga O-X-O laban sa Sigue-Sigue gang. Malakas pa rin ang kaisipang “kanya-kanya”. Nasa antas pa tayo ng kami-kami; malakas pa rin ang hila ng kinasasapiang grupo. Ito pa nga ang dahilan kung bakit hindi natin naiisip na Pilipino tayong lahat. Hindi pa tayo umaabot sa kaisipan o kamalayang pampulitika na pangbuong sambayanan. Hindi pa tayo nakakaangat mula sa “kami” patungong “tayo”.
ANG PILIPINONG KONSEPTO NG KATARUNGAN*

Jose W. Diokno

Sinalin sa Filipino ni
Teresita Gimenez-Maceda

Ano ang katarungan?

Tinangka nang sagutin ang katanungang ito ng mga dakilang pantas sa iba't ibang yugto ng kasysayan – at salu-salungat ang mga naging kasagutan. Ang ilan ay nagsasabing ang katarungan ay kung ano ang iginigiit ng malalakas at tinatanggap naman ng mahihirap. Taliwas dito, ang iba'y nagsasabing ang katarungan ay kung ano ang nagtatakda ng limitasyon na maaaring iatas ng malalakas. Ngunit may iba amang ang tingin ay di magkatunggali ang dalawang pananaw; sapagkat ang una'y naglalarawan ng realidad at ang pangalawa'y naglalarawan ng ideal na nagsisilbing huwaran sa kolektibong kamalayan ng sangkatauhan sa dahan-dahang pagbabago nito ng realidad. At nagpapatuloy ang tunggalian. Halimbawa, isinulat ni John Rawls na:

Ang katarungan ay ang pangunahig birtud ng mga institusyong panlipunan tulad ng pagiging pangunahin ng katotohanan sa mga sistemang kaisipan. Ang isan teorya, gaano man kaelegante at ekonomikal, ay dapat itatwa o baguhin kung ito'y makatotohanan; gayundin ang mga batas at institusyon, gaano man kabisa at kahusay ang pag-ayos ay dapat baguhin o buwagin kung ang mga ito'y di makatarungan.

Biglang sagot, tinukoy ni Edgar Z. Freidenberg ang kasabihan ng mga abogado na “ang batas ay nakapatong sa katarungan,” at pagkatapos na mapansin na may kalaswaan ang pananalitang ito, ay nagdagdag:

Hindi nakaugalian ng Batas na sumuko sa Katarungan, kung ang batas ay tutupad sa tungkulin nitong panlipunan, kailangang sumuko ang Katarungan sa Batas. Ang relasyon ng Batas sa katarungan ay wala mang pagka-alanganin; ang diwa nito'y negatibo.

Di rin nagkaksundo sa kung paano ipamamahagi ang mga pasanin at biyaya ng buhay panlipunan; at doon sa aspekto ng katarungan na sa kasalukuyan ay madalas tawaging katarungang panlipunan. Sa sinauna, ipinamahagi ang mga gastusing panlipunan at benepisyo ayon sa ranggo. Sa kasalukuyan, wala nang seryosong nagtataguyod sa paraang iyon. Gayunpaman, sinusunod pa rin ito sa maraming bansang pinaghaharian ng mga diktador at sa iba pang bansa. Ang mga bakas nito’y nananatili, halimbawa, sa pagbibigay-dalang sa ranggo (mas malaking silid, de karpet na sahig, mas magandang kotse, atbp.). At may ilang nagigiit pa rin sa pamamahagi ayon sa “merito” na sa maraming kaso ay pantakip lamang sa uri ng pamamahaging ayon sa ranggo. Ngunit sa kasalukuyan, nakatuon ang debate sa kung ang pamamahagi ay ibabatay sa nagawa na o sa pangangailangan. Mula kay Marx, ang pormulang “mula sa bawa’t isa ayon sa pangangailangan” ay palagiang dinidiin hanggang ito’y halos wala nang saysay. Ngunit sino ang magpapasya kung ano ang maituturing na talino, ano ang pangangailangan at anong mga gawain ang may halaga? Ginagamot tayo ng mga doktor kung tayo’y may karamdaman. Mas karapatdapat ba sila sa higit na biyaya kaysa mga magsasakang nagtatanim ng ating mga makakain upang tayo’y manatiling malusog? Naggugol tayong mga abogado ng mas maraming taon sa pag-aaral kaysa mga basurero. Higit bang kailangan ng lipunan ang ating mga serbisyo kaysa sa kanila? Maaari tayong makipagtunggalian sa mga tanong na ito hanggang sa hangganan at di pa rin tayo magkakasundo.

Gayunpaman, kahit paano’y dapat na maisagawa ang katarungan o pagsikapang mapatupad ito upang di mabuwag ang lipunan. Ang alternatibo’y anarkiya o diktadura. At dahil naranasan na natin ang dalawa, tayong mga Pilipinoay din a nagnanais ng alinman sa dalawang ito. Ang katanungan sa kahulugan ng katarungan ay higit pa sa panteorya. Ito ay lubhang pampraktikal. Kahit paano, dapat nating hanapan ito ng sagot, gaano man kakulang sa pagkawasto ang ating magiging sagot.

Sa kabutihang palad, ang inyong paanyaya ay nagpagaan sa ating gawain. Inimbita n’yo ako upang “talakayin ang isang modelo ng katarungan na pagbabatayan ng pagsusuri natin ng umiiral na mga batas, patakaran at institusyon na nagsisikap para matamo ang katarungang panlipunan sa Pilipinas.” Sa pagsulat ng ganito ng inyong imbitasyon, malinaw na tinuturing n;yo ang katarungan bilang isang sukatan ng batas; na ang inyong pinahahalagahan ay hindi ang katarungan sa pangkalahatan kundi ang katarungang panlipunan; na ang inyong inaasahan ay hindi detalyadong programa ng pagkilos kundi isang lupon ng mga pamantayan o prinsipyo na pagbabatayag ng mga ebalwasyon; at dahil ang nais n’yonh suriin ay ang “umiiral na mga batas, patakaran at institusyon… sa Pilipinas,” ang inyong inaasahang mga pamantayan o prinsipyo ay magiging makabuluhan para dito at sa kasalukuyan ay magasasalamin, o hindi sasalungat sa mga komon na adhikain ng ating sambayanan.

Sa madaling salita ang tungkulin natin ay ang pagpapaliwanag ng isang Pilipinog konsepto ng katarungang panlipunan para sa kasalukuyan at, ating inaasahan, para sa hinaharap.

Ngunit, bago ang lahat, kailangan natng pahinahunin ang isang umuukilkil na alinlangan. Napakatagal nang dominado tayo ng Kanluran. Ang ating mga institusyong pampulitika, ang ating mga batas, ang ating sistemang pang-edukasyon – lahat na ito’y kopya mula sa mga kanluraning modelo. At ang mga patalastas, programang pantelebisyon, aklat, magasin at pahayagang nanggaling sa Kanluran ay nagkaroon na nag malalim na epekto sa ating pagpapahalaga. Sa sitwasyong ito, may pag-asa ba tayong makahanap ng isang konsepto ng katarungan na katutubo sa ating mga Pilipino?

Palagay ko’y oo, kung titingnan natin ang ating satiling wika at kasaysayan.

Iisa ang kahulugan ng salitang katarungan para sa mga Tagalog, Ilongo, Sebwano at Kapampangan. Ang katarungan ay nauugat sa Bisayang salitang tarong na nangangahulugan ng tuwid, tapat, wasto, nararapat at akma. Kung gayon, para sa ating mga Pilipino, ang katarungan ay ang kawastuhan, ang matapat na pagkilos; at dahil ito’y nagpapahiwatig din ng kung ano ang nararapat, sinaklaw nito ang konsepto ng ekidad, isang hiran na salitang Kastila na wala tayong katumbas sa katutubo.

Ang ugat naman ng salitang Tagalog na karapatan ay ang salitang dapat na nagpapahiwatig ng kung ano ang angkop, nararapat, at tama. Ang pagkahawig ng kahulugan ng ugat ng mga salitang karapatan at katarungan ay nagpapakita na para sa atin, mahigpit ang kaugnayan ng katarungan at karapatan. Kung gayon, iniiba ng ating sariling wika ang batas sa katarungan; kinikilala nito na ang baas ay hindi palaging makatarungan. Kahawig ng ating wika ang ingles sa bagay na ito. Iniuugnay ng Ingles ang mga salitang “justice” at “right” dahil hinilaw nito ang “justice” mula sa salitang Latin na “ius” na nangangahulugan ng karapatan; at hinihiwalay din nito ang “justice” sa “law” dhail hinalaw naman ang “law” mula sa lumang salitang Norse na “log” na ang ibig sabihin ay isang bagay na ibinaba o inaayos. Ngunit kaiba ang Ingles sa ating wika sa dalawang bagay: ang terminong katarungan ay katutubo sa atin, ang terminong Ingles ay hiniram nila sa ibang wika; ang ating salitang katarungan ay sumasaklaw sa konsepto ng pagkapantay-pantay samantalang ang Ingles ay hindi.

Kaiba rin ang ating wika sa Kastila at iba pang mga wikang pangkontinente sa isa pang bagay. Sa panghuli, ang salitang karapatan – ang Kastilang “derecho,” ang Italyanong “diritto,” ang Pranses na “droit” at ang Aleman na “recht” – ay nangangahulugan ng kapwa karapatan at batas sa pangkalahatan; at maaaring magpahiwatig ito ng tatlong bagay: na dapat igalang ng batas ang karapatan, o kung ano ang batas ay siyang dapat, o hindi dapat ihiwalay ang batas at karapatan. Ang kalabuang ito ay wala sa ating sariling wika.

Sa kabilang banda naman, ginagamit natin ang salitang kapangyarihan upang magpahiwatig ng lakas at awtoridad, at ito’y lumikha ng ganoon ding kalabuan, sapagkat maaaring mangahulugan ito na ang kapangyarihan ang nagtakda ng awtoridad o na ang awtoridad ay nagtatakda ng kapangyarihan. Ang kalabuang ito ay wala sa Ingles, Kastila, at iba pang wikang pangkontinente. Ngunit kamakailan lamang, lumakas ang ating tendensiyang pag-ibahin ang hubad na kapangyarihan at ang may hawak ng kapangyarihan. Ginagamit nating ang Kastilang “poder” o ang Tagalog na “lakas” upang magpahiwatig ng hubad na kapangyarihan at ang kapangyarihan upang magpahiwatig ng awtoridad.

Dalawa pang bagay ang dapat tukuyin. Ang isa ay ang paggamit sa ating wika ng salitang katarungan para mangahulugan ng hustisya at pagkawalang-kinikilingan tulad din ng pangahulugan nito ng hustisya at pagkapantay-pantay. At gayon din, kahit may salita tayo para sa karapatan, wala tayong katutubong salita para sa hiram na salitang Kastila na “pribilehiyo.” Kaya makatwiran lamang ang ating pagpalagay na ang pangunahing element sa Pilipinong konsepto ng katarungan ay pantay-pantay na pagturing; at ang pribilehiyo at hubad na kapangyarihan – dalawa sa pinakamasamang kaaway ng pagkapantay-pantay – ay di katutubo sa kaisipang Pilipino.

Ang ikalawa ay ang puntong ang mga Tagalog ay may ugat na salitang tuwid na halos kasingkahulugan ng salitang Bisaya na tarong. Gayunpaman, pinili ng mga Tagalong ang tarong bilang salitang-ugat ng hustisya – ang katarungan; at ginamit ang tuwid para buuin ang salitang katwiran na nangangahulugan ng pagkadiretso (ngunit hindi pagkatapat). Ang ibig sabihin ng katuwiran o katwiran ay pagrason o pag-argumento at nagpapahiwatig din ng pagdahilan para sa sarili tulad ng salitang mangatwiran o magmatwid. Kaya batid nating mga Pilipino na hindi lahat ng pangangatwiran ay makatarungan.

Sa kabuuan, ang ating sariling wika ay nagpapatibay na may Pilipinong konsepto ng katarungan; na ito ay isang matayog na konseptong moral at malapit ang kaugnayan sa konseptong karapatan; na ito’y may pagkahawig sa kanluraning konsepto ng hustisya sapagkat sinasaklaw nito ang konsepto ng pagkapantay-pantay; na ito ay isang mapagtanging konsepto na sa isang banda’y nakapagbubukod ng katarungan at karapatan, at sa kabila naman, ng batas na pagturing; na ito’y nagpapawakng-halaga sa pribilehiyo at hubad na kapangyarihan.

Maaaring ireklamo n’yo na ang mga ideyang ito ay masyadong masaklawin para magkaroon ng silbi. At maaaring tama kayo.

Tulad ng dinidiin ni Chaim Perelman, nagkakaiba ang mga konsepto ng katarungan, ngunit ang pinagbabatayan ng lahat na ito ay ang prinsipyo ng katarungan bilang “prinsipyo ng pagkilo ayon sa pantay na pagturing sa mga indibidwal na glaing sa iisa at parehong kategorya.” Ang prinsipyong katarungan ni Perelman ay kahawig din sa prinsipyo Aristotle ng “pantay na pagturing sa mga magkatulad at di pantay na pagturing sa mga di magkatulad ngunit ayon sa proporsyon ng kanilang relatibong pagkakaiba.”

Ang dalawa’y umaayon sa Pilipinong konsepto ng katarungan sa aspekto ng pantay na pagturing. Ngunit pinapakita din ni Perelman na ang dalawa’y mga pormula ng pormal at hindi kongkretong katarungan dahil wala sa kanila ang nagsasabi kung ano ang maituturing na pangunahin o relatibong pagkapantay-pantay sa isang kategorya. O kung paano bubuuin ang mga kategorya, o kung anong paraan titingnan ang bawat kategorya. Katunayan, lumilitaw na ang mga ito’y prinsipyong pangkatwiran na hinalaw sa prinsipyo ng identidad sa halip na mga prinsipyo ng katarungan. Kaya naman, sa mga salita ni Perelman, sa huli, “bawat sistema ng katarungan ay nakasalalay sa huli sa iba pang pagpahalaga bukod sa pagpahalaga ng katarungan,” at “ang batas ay hahatulan hindi sa pamagitan ng pormal na katarungan kundi sa pamagitan ng kongkretong katarungan,’ sa madaling salita, ng isang particular na pag-unawa ng katarungan na nagpapalagay na meon nang isang napagkasunduang timbangan ng mga pagpahalaga. Kung gayon, di tayo magkokondena o magbabago sa ngalan ng katarungan, kundi sa ngalan ng isang bisyon ng sanlibutan.

Upang mawari ang Pilipionong bisyon ng sanlibutan na nagbibigay laman sa balangkas ng konsepto ng katarungan na pinapahayag ng ating sariling wikam kailangan nating balikan ang kasaysayan ng sambayan. Maaaring ilarawan ang kasaysayang ito bilang nagpapatuloy na pakikibaka para sa paglikha ng isang makatarungang lipunan:

• Isang lipunan na una’y hindi lamang independent kundi lipunan kung saan ang sambayanan ay may kasarinlan:

Ipagwagi muna ang independensya ng iyong Inang Bayan … sapagkat ang independensyang ito ang bumubo ng iyong kalayaan, ang pagsulong nito’y iyong kaganapan, ang kadakilaan nito’y iyong kaluwalhatian at kawalang-maliw. Sa iyong Inang Bayan, huwag kilalanin ang awtoridad ng sinumang taong hingi inihalal ng iyong mga kasamang mamamayan sapagkat lahat ng kapangyarihan ay nagmumula sa Diyos, at tulad ng pagasasalita ng Diyos sa pamamaitan ng konsensya ng sambayanan sa kabuuan ang maaaring humawak ng tunay na kapangyarihan. Pagsikapang kamtin ang republika para sa iyong bayan, at huwag kailanman isang monarkiya: ang huli’y nagtatampok lamang ng isa o ilang pamilya at nagtatayo ng dinastiya; ang una’y lumikha ng sambayanang marangal at may dignidad sa pamamagitan ng katarungan, dakila sa pamamagitan ng kalayaan, at maunlad at maningning sa pamamagitan ng paggawa.

• Pangalawa’y isang lipunang gumagalang sa kalayaan at pantay na dignidad ng lahat:

Maitim man at maputi ang balat, lahat ng tao’y magkakapantay-pantay, mangyayaring ang isa’y sa dunong, sa yaman, sa ganda … ngunit di mahihigitan sa pagkatao. XXX Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong, at puti ng mukha, wala sa pagka-paring kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat n lupa; wagas at tunay na mahal ang tao, kahit laking-gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang-asal, may isang pangingisap, may dangal at puri; yaong di napapaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa baying tinubuan. Pagpapa;aganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat ang araw ng mahal na Kalayaan dito sa kaabang-abang Sangkapuluan at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkaka-lahi’t magkakapatid ng ligayang walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at ang mga tiniis na kahirapa’y labis nang matumbasan.

•Pangatlo, ang isang lipunan na nagtatanggol sa mga manggagawa’t kasama ay tumututol sa pang-aapi, pagsasamantala at pang-aabuso, at nagsisikap puksain ang kahirapan:

Ipagtanggol mo ang inaapi at kabakahin ang umaapi. Bahaginan mo ng iyong makakayanan ang sino mang mahirap at kapuspalad. Kailan ka nagsimulang ituring ang gobyerno na di makatarungan sa taumbayan? – 1930. Bakit? – Dahil sa pang-aabuso nito sa taumbayan. Pinagwalang-bahala nito ang mga pangangailanan ng mga manggagawa. Di pinansin ng mga pinuno ang mga tao.

-----------------------
Page6

Similar Documents

Premium Essay

Anytime Fitness

...Anytime Fitness continues to “maintain robust growth rates as the world’s largest and fastest growing 24-hour co-ed fitness franchise since their founding in 2002” (Anytime Fitness, 2012). Whenever looking to enter a franchise agreement, startup costs become a vital point. Anytime Fitness’s website provides numerical figures for average startup costs for both a complete fitness center and a fitness express center which doesn’t have as much square feet or perks as a regular center; fitness center is between “$59,999 and $321,899 and an express center is between $46,299 to $210,999” (2012). Not only does Anytime Fitness offer affordable startup costs but an “online operations manual” is available once the agreement is entered. Having access to an online manual allows for a franchisee to take the lead and put in the effort necessary to create a successful franchise. In addition to online manual, Anytime Fitness also holds conference calls and webinars throughout the month to make sure everyone is up to par for their region and all franchises are operating properly. Perhaps the most intense feature and reason Anytime Fitness flourishes is the security and surveillance system in place. Because the security is so extensive it allows for members to come and go at their leisure. Having access 24 hours a day allows members to work with their schedule instead of plan the gym workout around their schedule. Another plus to having cameras and exclusive access by card only is the low...

Words: 413 - Pages: 2

Premium Essay

Eating Healthy Produce Anytime

...Eating healthy produce anytime Everybody likes to eat but not everyone likes the time it takes to cook. It is much easier to buy fast food or “open a can”, thus compromising our health and nutrition. With all the preparation time even eating becomes a chore. Chopping vegetables and fruit can be a discouraging tedious first step in the cooking process. The time it takes to cook them just as discouraging. While it is true fresh produce contains more nutrition than canned produce; frozen produce is very similar in nutritional value and is a convenient alternative. There are daily amounts of nutrients recommended for intake to help maintain our bodies. Produce provides us with some of these and fresh produce provides it in higher amounts than that provided when eating it from a can. Unfortunately, not all fresh produce is available year round and eating the same varieties that are available (these are called seasonal items) can become boring. The produce that you discover not in season is usually much higher in price and often lacks the proper nutrients because of early picking and shipping from miles away, including overseas. When buying fresh produce it is best to buy locally. Again this is because of the time it takes to transport most produce plays a significant role in how many nutrients are lost. According to Preston Andrews, PhD, a plant researcher and associate professor of horticulture at Washington State University, "The nutrients in most fruits and vegetables start to...

Words: 1247 - Pages: 5

Premium Essay

John

...organization will eliminate any room for error. In this day and age, most companies and organizations do not have any room to make any unnecessary mistakes. By making these unnecessary mistakes, the company and their business could be damaged for the long term. For example, Workout Anytime is a fitness facility who allows their business to dictate what is necessary to continue and expand business. The clients and members are the business of Workout Anytime and they are the ones whose feedback matters most for the business. The health and fitness industry is ever changing and would need constant feedback from their existing members, the general public and the targeted markets to continue being relevant to the consumers. This is exactly what Workout Anytime wants to accomplish with their targeted markets and will continue to do so to reach higher revenue for years to come. If Workout Anytime did not have a marketing research department, the business would not be working as efficiently as it possibly could. Workout Anytime would constantly be guessing what exactly would make their business stand out aside from all the other competition and appeal towards their targeted markets. The way Workout Anytime allows their customers to give feedback to better the fitness facility is through various surveys and suggestion boxes. This gives the clients and members of the gym facility a way to feel important to the business and allow them to...

Words: 415 - Pages: 2

Premium Essay

Week 2 Discussion

...customer base, how will come the (pricing) were I believe should have been done before the business got started, in order to see what the market is doing in that particular area, and finally comes the (promotion’s) I would say this is important from the beginning of the business to the end of it. When opening the new business it is done to attract customers and keep get them interested in your store over the duration of the business. * Choose a service you use. What is the service? I will have to use a gym in the area and I think all over the U.S. and around the word as noted in the search section of anytime fitness. “The founders of Anytime Fitness have grown their brand to become the world's fastest-growing fitness clubs.” August 21, 2012. Lauri Klaus, CEO of KeyedIn * What is the name of the business that delivers the service? The name of the business is Anytime Fitness. * Describe the role of the four (p’s) in the company’s marketing for that...

Words: 563 - Pages: 3

Premium Essay

Criteria to Pass Acs

...included as “Skilled Employment” and is NOT eligible for points under the skilled migration points test for the following application types. For further information please refer to Section 5 of the Skill Assessment Guidelines for Applicants Bachelor Degree or higher ICT Major Closely related to the nominated occupation 2 years relevant work experience completed in the last 10 years or 4 years relevant work experience completed anytime in past work history Skills Bachelor Degree or higher ICT Major NOT closely related to the nominated occupation 4 years relevant work experience completed anytime in past work history Skills Bachelor Degree or higher ICT Minor Closely related to the nominated occupation 5 years relevant work experience completed in the last 10 years or 6 years relevant work experience completed anytime in past work history Skills Bachelor Degree or higher ICT Minor NOT closely related to the nominated occupation 6 years relevant work experience completed anytime in past work history Skills...

Words: 452 - Pages: 2

Premium Essay

How to Do It the Right Way

...of outlets, a “clean and fresh bed” guarantee and a no-questions-asked money-back policy.  The real coup for Hampton has been learning that its culture can translate internationally. In the past year, the brand has opened properties in London, Poland and Russia, raising its unit count to almost 2,000 hotels in 16 countries. On the horizon: China, where Hampton plans to open 400 hotels in the next several years. 2. Anytime Fitness Image credit: Anytime Fitness | Video Screenshot Just because Anytime Fitness slipped from first to second place in this year’s Franchise 500® doesn’t mean the 24-hour club chain has lost any of its mojo. In fact, 2014 was one of its most stellar years yet: Anytime signed up its 2 millionth member in January, before going on to open nearly 350 new gyms—the seventh year in a row it has topped the 300-unit mark.  The expansion brings the company to almost 3,000 locations in all 50 states and in 20 countries, including, for the first time, Singapore, Malaysia, Hong Kong and the Philippines. The boom will continue this year: Anytime estimates it will open another 350 units, pushing the fitness franchise—which had record revenue in 2014 of $900 million—into the  billion-dollar club. 3....

Words: 304 - Pages: 2

Premium Essay

Lol Haha

...圣经▪真理▪人生意义Bible ▪ Truth ▪ Meaning of Human Life日期Date : 每周三 Every Thursday时间Time : Anytime between 6:30pm-8:30pm地点Venue : 2059/2060,Section2/3,Harvard.联络 Contact : Mr Chua 0143070985 / Mr Chong 0165231199Other Meeting:大专聚会 Campus Meeting: 周六 Saturday 6pm提供晚餐和交通工具 (Dinner and transportation provided )…the truth shall set you free! (John 8:32)…真理必叫你们得以自由!(约八32) | 圣经▪真理▪人生意义Bible ▪ Truth ▪ Meaning of Human Life日期Date : 每周三 Every Thursday时间Time : Anytime between 6:30pm-8:30pm地点Venue 2059/2060,Section2/3,Harvard.联络 Contact : Mr Chua 0143070985 / Mr Chong 0165231199Other Meeting:大专聚会 Campus Meeting: 周六 Saturday 6pm提供晚餐和交通工具 (Dinner and transportation provided )…the truth shall set you free! (John 8:32)…真理必叫你们得以自由!(约八32) | 圣经▪真理▪人生意义Bible ▪ Truth ▪ Meaning of Human Life日期Date : 每周三 Every Thursday时间Time : Anytime between 6:30pm-8:30pm地点Venue 2059/2060,Section2/3,Harvard.联络 Contact : Mr Chua 0143070985 / Mr Chong 0165231199Other Meeting:大专聚会 Campus Meeting: 周六 Saturday 6pm提供晚餐和交通工具 (Dinner and transportation provided )…the truth shall set you free! (John 8:32)…真理必叫你们得以自由!(约八32) | 圣经▪真理▪人生意义Bible ▪ Truth ▪ Meaning of Human Life日期Date : 每周三 Every Thursday时间Time : Anytime between 6:30pm-8:30pm地点Venue : 2059/2060,Section2/3,Harvard.联络 Contact : Mr Chua 0143070985 / Mr Chong 0165231199Other Meeting:大专聚会 Campus Meeting: 周六 Saturday 6pm提供晚餐和交通工具 (Dinner and transportation...

Words: 417 - Pages: 2

Premium Essay

Lioness

...How the story's been told; Call me anytime, never cop out, Lioness is on the rise Don't you ever have doubt. Never say never, willingness forever to fight, and be strong Once it's for better i'll every letter and moving right along And i'll roll with the punches, accept the changes; Work with the formula, do what I have to do. Chorus And call be by my name I am ready to roll; Once the rules remain the same How the story's been told; Call me anytime, never cop out, Lioness is on the rise Don't you ever have doubt. When you are willing to serve, we have room to observe To see if you can walk the walk you talk. Let me give you my word, my voice must be heard. Bravery is the beast of my heart. Chorus Call be by my name I am ready to roll; Once the rules remain the same How the story's been told; Call me anytime, never cop out, Lioness is on the rise Don't you ever have doubt. Repeat vs 1 When the roll is called out, I'll be standing tall up To face the darkest and the hardest of times. We'll be taking care of, all the children thereof, But if it's required we'll be on the frontline. Chorus You can call me by my name I am ready to roll; Once the rules remain the same How the story's been told; Call me anytime, never cop out, Lioness is on the rise Don't you ever have doubt. Call be by my name I am ready to roll; Once the rules remain the same How the story's been told; Call me anytime, never cop out, Lioness is on the...

Words: 365 - Pages: 2

Premium Essay

Cvp and Break-Even Analysis Paper

...CVP And Break-Even Analysis Paper CVP And Break-Even Analysis Paper Looking into opening a small business can be a daunting task but, with various opportunities for buying into a franchise, becoming a small business owner seems to be a reality for some. Each franchise provides various information pieces about their franchise to attract new owners. When someone is looking to invest in a franchise, doing your own analysis to validate the information provided by the franchise is critical in understanding whether or not the franchise is going to be as profitable as you would like. One such franchise is Snap fitness out of Minnesota and knowing the fixed cost of operating the franchise we can determine how many members are needed to break even. Also included is an analysis of achieving a $10,000 net income for a month of operations. To be a valid analysis we have included five examples of variable cost associated with a fitness center. Variable Cost As the owners of a new business, our ultimate goal is to make a profit. Profit can be measured in many ways and there are many complex techniques that can be used to calculate how much of a product or service must be sold to produce a profit. Cost Volume Profit analysis or CVP is one of the most useful ways for managers to understand the relationship between cost, volume, and profits and make competent management decisions. CVP analysis focuses on five areas: • Unit selling prices • Variable cost per unit ...

Words: 1720 - Pages: 7

Premium Essay

Franchise Project

...Franchise Project In this paper I will go in depth about franchising opportunities from several franchisors, talking about service or products the companies they offer/sell, the different fees that are required, what kind of support system the franchisors offer, their competition, and where they are located in the Upstate if they are at all. The companies that I’m going to elaborate on are Cinnabon, Dominos, Maaco, and Anytime Fitness. Franchise Description and Background Cinnabon Inc. is a wholly-owned subsidiary of Cinnabon International, Inc. which is a wholly-owned subsidiary company Focus Brands Inc. The Cinnabon franchises operate as a Cinnabon retail bakery. They sell cinnamon rolls, cinnamon related products, and beverages. Their target market is EVERYONE (that is what my source says it). The company headquarters is located in Sandy Springs, GA. It was founded in 1985 by Rich and Greg Komen, the CEO is Janet Mitchell, and they opened their first franchise in 2004. Cinnabon offers two different styles franchises: Full Bakery (with a Carvel Express Shoppe option) and Express Bakery (in a New Schlotzsky’s Restaurant option). Maaco Collision Repair and Auto Painting is a subsidiary to Driven Brands is the largest USA based auto body franchise used by the general public for auto body damage repairs, and auto repainting on their personal automobiles. It was founded by Anthony A. Martino in 1972 located in Wilmington, Delaware. They have nearly 500 franchises open across...

Words: 2630 - Pages: 11

Free Essay

Fin571

... | | | | | |Availability during the Week | | | | | |xxx-xxx-xxxx | |(e.g., AZ “Mtn Time”, Mon-Sat 9-11pm) | | | |Dana Cannon | |202-327-4911 | |Text anytime | |danacannon2003@yahoo.com | |Kirkland Browne | |516-996-3792 | |Text anytime | |Elqsverse9@gmail.com | |Philippe Biboum | |704-287-7416 | |Text anytime | |biboum2002@hotmail.com | |Kevin Mobley | |704-564-0122 | |Text anytime | |mobleykd@yahoo.com | |Tameika McLean | |910-316-4432 | |12:30 – 1:30 p / 5 – 9 p / anytime weekends | |Tameikamclean02@gmail.com | | | | | | | |...

Words: 767 - Pages: 4

Free Essay

Company Introduction, Market Segmentation, and Product Positioning

...My company Change Your Life Fitness is a non-typical gym. Our goal at Change Your Life Fitness is to put fun back into fitness. Change Your Life Fitness has been formed to meet a specific need in an ever increasing competitive market. How is Change Your Life Fitness different? We offer a plethora of services, but you only pay a small fee for the services that you want to take advantage of. Our fitness center has no sign up fee(s) and only a ten dollar a month membership fee, which can be cancelled at any time. We offer nutritional assistance for the people that want to lose weight, we offer professional trainers for people that wish to increase muscle mass, we offer yogi for people that want to learn proper stretching and relaxation techniques, we offer different types of Jazzercise as well as Zumba. We offer child care services for single and working parents. Regardless of your fitness level you can find something at Change Your Life Fitness that will appeal to you. Our mission statement at Change Your Life Fitness is- “Change Your Life Fitness- We will help you achieve results that will change your life”. I want to make our fitness center someplace that has something for everyone. Fitness is such an important part in all of our lives, and I want Change Your Life Fitness to be part of that. I am aware that a mere ten dollar a month fee is not enough to get rich with. I plan on selling nutritional supplements, sports drinks, snacks as well as calorie correct prepared meals...

Words: 1796 - Pages: 8

Premium Essay

Unit 1 Assignment 1

...information and this is what I found. I already have Windows 7 Enterprise. It has a Dual-core Pentium 2.60 GHZ E5300. With 8GB of installed RAM. It also has a 64-bit Operating System. But the system rating is unavailable. The computer is already running windows 7 Enterprise and having a 64-bit Operating system it is able for a clean installation to upgrade. And this is the reasons why. Being there is only one level above the enterprise it could only go to Ultimate. It also has the provided RAM for Ultimate and should have no problems upgrading through a clean installation. It can do this through a Anytime-upgrade this would be more simple because there is no disc required. Reason is because doing a Anytime upgrade is just activating the features that are already there. The way to do this would be to go thru the Start menu. Then you would proceed to all programs then select Windows Anytime Upgrade. You will also need to go to the Internet and purchase a higher edition and or go to the store and purchase it because you will need the upgrade to proceed. After getting the upgrade key continue with selecting Enter Upgrade Key then Follow the step by step instructions for doing the upgrade. With this PC I expect the upgrade to take about 10-15mins because it meets or exceeds all requirements for doing a clean...

Words: 272 - Pages: 2

Free Essay

Djehd

...Welcome to ASUS WebStorage, your personal cloud space Our function panel will help you better understand ASUS WebStorage services. The panel and a series of function instructions will guide you to explore the unprecedented cloud experiences.. All ASUS WebStorage functions at one glance Entering the world of ASUS You are going to find how the thoughtfully designed function panel of ASUS WebStorage provides a range of WebStorage functions that completely do without the complexity of application software, and you cannot wait to try these intuitive functions. Help wizard Search: Rapidly find the data stored in cloud. Upgrade: Package upgrade or space enlarging Referral: Invite your friends and get extra space Support: FAQ helps find the answers you need. Forum: Understand the issues facing others and their solutions. Setup: Rapidly set up your language, upload speed, and proxy. Frequently used functions You are able to drag your frequently used functions to the upper area of the control panel, and drag various applications to the right or left in the lower area. When you log into the control panel for the first time, we will step by step walk you through every function for you to easily hover on cloud. You are going to be familiar with it in just three minutes. Cloud is not far away thanks to easy and intuitive function setup ASUS WebStorage provides data backup, file sharing, and synchronization across multiple devices, such as cell phones, desktops...

Words: 944 - Pages: 4

Free Essay

Halo

...Welcome to ASUS WebStorage, your personal cloud space Our function panel will help you better understand ASUS WebStorage services. The panel and a series of function instructions will guide you to explore the unprecedented cloud experiences.. All ASUS WebStorage functions at one glance Entering the world of ASUS You are going to find how the thoughtfully designed function panel of ASUS WebStorage provides a range of WebStorage functions that completely do without the complexity of application software, and you cannot wait to try these intuitive functions. Help wizard Search: Rapidly find the data stored in cloud. Upgrade: Package upgrade or space enlarging Referral: Invite your friends and get extra space Support: FAQ helps find the answers you need. Forum: Understand the issues facing others and their solutions. Setup: Rapidly set up your language, upload speed, and proxy. Frequently used functions You are able to drag your frequently used functions to the upper area of the control panel, and drag various applications to the right or left in the lower area. When you log into the control panel for the first time, we will step by step walk you through every function for you to easily hover on cloud. You are going to be familiar with it in just three minutes. Cloud is not far away thanks to easy and intuitive function setup ASUS WebStorage provides data backup, file sharing, and synchronization across multiple devices, such as cell phones, desktops, and laptops...

Words: 944 - Pages: 4