Free Essay

Banghay Aralin Sa Filipino

In:

Submitted By ElgerTwain
Words 1871
Pages 8
Justine Ann D. Gumapac
BSEd 4 – F
Banghay Aralin sa Filipino Grade 3 at 4

I. Kompetensis

a. Pagbasa: Makasusuri sa mga mahahalagang mensaheng nakapaloob sa kwento. b. Pakikinig: Mauunawaang ganap ang kwentong nabasa at ang aral nito sa mga mambabasa. c. Pagsasalita: Maipapaliwanag ang mga pangyayaring naganap sa kwentong binasa.

II. Layunin:

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Kognitibo: Baitang 3: Nakasasagot nang may katalinuhan sa mga tanong hinggil sa kwentong binasa. Nasasabi kung ano ang pangungusap at mga uri nito. Baitang 4: Nasasagot nang may katalinuhan sa mga tanong hinggil sa kwentong binasa. Nasasabi kung ano ang pagkakaiba ng karaniwan at di-karaniwang ayos ng pangungusap. Apektibo: Baitang 3 at 4: Napapahalagahan ang mga aral na nakapaloob sa binasang kwento at maiuugnay sa sariling buhay. Napapansin ang simuno at panaguri sa pangungusap.

Saykomotor: Baitang 3: nakabubuo ng saring pananaw ayon sa mga aral sa binasang kwento. Baitang 4: Nakakabuo ng buod sa kwentong binasa sa pamamagitan ng Story Map. Baitang 3: Nakakabuo ng mga pangungusap na may simuno at panaguri. Baitang 4: Nakabubuo ng mga pangungusap na nasa ayos karaniwan at di-karaniwan.

III. Nilalaman

Paksang-Aralin: “Ang Tatlong Magkaibigang Baka” Wika: Pangungusap at ang mga Ayos nito Kagamitan: Manila Paper, Powerpoint Presentation, Sipi ng Kwento, Marker Pagpapahala: Pagpapahalaga sa Kaibigan

IV. Proseso ng Pagkatuto Unang Araw

I. Introduksyon Panimulang Gawain
Pagganyak:

Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang napapansin ninyo sa larawan? 2. Sinu-sino ang inyong kaibigan? Magkaiba rin ba kayo sa pisikal na kaanyuan? 3. Pinapahalagahan mo ba ang iyong kaibigan sa kabila ng inyong pagkakaiba sa isa’t-isa? Paano?

* Iuugnay ng guro sa klase ang mga konseptong nakuha mula sa larawan, tungo sa pag-uusapang paksa.

II. Interaksyon

A. Paghawan ng mga balakid Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang madiin sa loob ng pangungusap.

1. Nakita na lamang ni Remy ang mga buto ng letsong manok matapos itong lapain ng kanyang kaibigan.
2. Ang tanging solusyon na naisip ni Remy ay bumili ng sardinas bilang pamalit sa naubos na letsong manok.
3. Tuso ang kaibigan ni Remy dahil inutusan niya ito na sagutin ang telepono at ito ang pinili niyang pagkakataon upang ubusin ang letsong manok.
4. Nagsisisi ang kaibigan sa pagkain sa letsong manok dahil sa panunumbat ni Remy sa kanya.
5. “Matodos ka na sana!” pabirong sinabi nang natatawang si Remy sa kanyang kaibigan.

lasapin mapanlait mamatay mapanlinlang kainin pagwiwika kalutasan

* Ipapagamit ng guro sa mga mag-aaral sa sarili nilang pangungusap ang mga natuklasang bagong salita.

B. Pagbabasa * Ipapabasa ang kwentong “Ang Tatlong Magkaibigang Baka” gamit ang siping ibinigay ng guro at tatawag ang guro ng isang mag-aaral para basahin ang kwento sa harap ng klase.

* Talakayan 1. Sinu-sino ang tauhan sa binasang pabula? Anu-ano ang katangian ng bawat isa? 2. Ilarawan ang tagpuan o pinangyarihan ng pabulang binasa. 3. Bakit hindi magawang sugurin ng leon ang tatlong baka gayong mas malakas naman siya sa mga ito? 4. Paano napaghiwalay ng leon ang tatlong magkakaibigang baka? 5. Bakit siya nagtagumpay sa kanyang plano? Ipaliwanag. 6. Kung ikaw ay nasa katayuan ng sinuman sa tatlong baka, paniniwalaan mo ba ang leon? Pangatwiranan. 7. Sa iyong palagay, ano kaya ang maaaring nangyari sa tatlong baka kung hindi sila naniwala sa sinabi ng leon? 8. May mga tao bas a tunay na buhay na maaaring maihalintulad sa leon at tatlong baka? Pangatwiranan. 9. Maaari rin kaya itong mangyari sayo ang nangyaring panlilinlang sa tatlong baka? Ipaliwanag.

III. Integrasyon Pagbuo ng sintesis gamit ang cue cards.

“Mahalaga ang pagtitiwala sa matatag na pagsasama”

* Pagbabahagian sa klase ang mga nabuong kasagutan ng mga bata at pagbibigay feedback ng mga mag-aaral tungkol sa kwentong binasa. * Magbibigay ang guro ng karagdagang input.

V. Kasunduan Basahin muli ang kwento at maghanda para sa isang aktibiti bukas.

Ikalawang Araw

I. Introduksyon Panimulang Gawain

Pagganyak: Pagbabalik-aral sa araling tinalakay kahapon sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong.

Panuto: Sabihin kung Tama ang ipinapahayag ng pangungusap. Kung Mali, sabihin ang salitang nagpamali at itama ito.

1. Ang tatlong magkakaibigang baka ay masaganang naninirahan sa isang malawak na damuhan. 2. Gustong-gustong maging kaibigan ng leon ang tatlong magkaibigang baka. 3. Nag-aaway-away ang mga baka dahil sa mga katotohanang sinabi ni Leon sa kanilang tatlo. 4. Nagtagumpay ang leon sa kanyang hangaring mapaghiwalay ang tatlong magkaibigang baka. 5. Huli na nang mapagtanto ng puting baka ang kahalagahan ng pagtitiwala sa kaibigan upang maging matibay ang samahan.

II. Interaksyon Pangkatang Gawain

* Bumuo ng (4) apat na pangkat.

Pangkat 1 Isulat sa loob ng mga bundok ang sagot sa mga tanong na ito: Paano nagamit ng leon ang hindi pagkakaunawaan ng tatlong magkaibigan? Bakit nararapat na magkaisa at magtulungan sa halip na mag-away-away ang magkaibigan?

Pangkat 2 Isalaysay muli ang kwento sa pamamagitan ng Story Map.

Tagpuan Tauhan Panahon Pook
Tagpuan Tauhan Panahon Pook

Panimula
Panimula

Suliranin
Suliranin

Layunin/ Mithiin
Layunin/ Mithiin

Mga Ginawa
Mga Ginawa

Kinalabasab/Wakas
Kinalabasab/Wakas

Pangkat 3 Suriin ang aral sa pabulang “Ang Magkaibigang Baka” sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa kung paano ito nagagamit sa iyong buhay.
Sa anumang samahan, mas malakas at mahusay
Kung sama-sama at magtutulungan.
Sa anumang samahan, mas malakas at mahusay
Kung sama-sama at magtutulungan.

Pangkat 4 Suriin ang aral sa pabulang “Ang Magkaibigang Baka” sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa kung paano ito nagagamit sa iyong buhay.

Hindi dapat magtiwala kaagad sa sabi-sabi
Hangga’t hindi ito nasusuring mabuti.
Hindi dapat magtiwala kaagad sa sabi-sabi
Hangga’t hindi ito nasusuring mabuti.

Pangkat 5 Gumawa ng slogan base sa aral na iyong nakuha sa kwentong binasa.

III. Integrasyon Pagbibigay katanungan at feedback mula sa mga mag-aaral. Pagpapahalaga at feedback ng guro.

Kasunduan: Magsaliksik at alamin ang kahulugan ng pangungusap at ang mga ayos nito.

Ikatlong Araw

I. Introduksyon Panimulang Gawain

A. Pagganyak

II. Interaksyon

A. Pagpapabasa ng isang talata at tatawag ang guro ng isang mag-aaral para basahin ito sa harap ng klase.

Ang Baka Ayon sa mga Indian

Sa bansang India kung saan marami sa mga mamamayan ay Hinduismo ang relihiyon, itinuturing na banal ang isang baka. Ito ang kanilang sinasamba kagaya ng isang diyos kaya’t sa kabila ng kapakinabangang makukuha mula rito’y hindi nila ito magawang patayin. Para sa kanila, higit pa sa karne at mga produktong dairy ang maaaring maging pakinabang mula sab aka lalo na kung ang mga ito’y igagalang at aalagaang tila isang diyos. Sa pamamagitan nga ng pananaliksik at pag-aaral na isinagawa sa laboratoryo ng Western Indian City sa Ahmedabab ay napag-alaman nilang marami raw kapakinabangan sa mismong dumi at ihi ng baka. Ayon sa kanilang pag-aaral, ang dumi raw nito ay maaaring maging gamot sa mga sakit gaya ng mabahong hininga, sakit sa atay, at maging ng kanser. Ito rin ay maaaring maging mabisang sangkap sa mga produktong gaya ng sabon, shampoo at toothpaste. Sinasabi rin sa kanilang pag-aaral na ang ihi raw nito kapag natining ay maaaring inuming higit na mainam kaysa sa mga carbonated na inumin tulad ng softdrinks sapagkat mabuti raw itong panunaw at pampagana sa pagkain.

Mga Gabay na Tanong: 1. Tungkol saan ang talatang binasa? 2. Bakit hindi magawag patayin ng mga Indian ang mga baka? 3. Anu-ano ang mga kapakinabangang makukuha sa dumi at ihi ng baka?

B. Pagtatalakay sa mga pangungusap at mga ayos nito.

* Talakayan 1. Anu-ano ang bumubuo sa mga talatang iyong nabasa? 2. Tukuyin ang mga pangungusap na may paksa at panaguri. 3. Saang banda sa pangungusap ang simuno? Ang panaguri? 4. Nasa anong ayos ang pangungusap kapag nauuna ang panaguri kaysa simuno? 5. Nasa anong ayos ang pangungusap kapag nauuna ang simuno kaysa panag-uri?

Pangungusap Ito ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo. Ang patapos na himig na ito ay nagsasaad na naipahayag nan g nagsasalita ang isang diwa o kaisipang nais niyang ipaabot sa kausap. May pangungusap nabinubuo lamang ng iisang salita tulad na lamang ng “Umuulan.” o “Takbo!” Subalit mayroon ding binubuo ng dalawang panlahat na sangkap: ang paksa at panaguri. 1. Paksa – Tinatawag ding simuno ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa looob ng pangungusap. Nasa paksa ang pokus na sinasabi sa loob ng pangungusap. Ang simuno ay payak kung ito ay basal samantalang buo kung isinasama ang lahat ng mga salitang tumutulong sa simuno. 2. Panaguri – ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Sinasabing ang panaguri ay nagsasabi tungkol sa paksa o simuno. Maaari rin itong payak o buong panaguri. Halimbawa: Ang malulusog na baka ay maraming pakinabang. Buong simuno: Ang malusog nab aka Payak na simuno: baka Buong panaguri: ay maraming pakinabang Payak na panaguri: pakinabang

Ang pangungusap ay makikilala sa dalawang ayos nito. Ito ay ang sumusunod: * Karaniwan – Sa pangunusap na karaniwan ang panaguri ay nauuna kaysa sa paksa. Panaguri Paksa

Halimbawa: * Kapaki-pakinabang na hayop / ang baka. Panaguri Paksa

* Di-karaniwan – Sa pangungusap na di-karaniwan, nauuna naman ang paksa kaysa sa panaguri. Paksa Panaguri

Halimbawa: * Ang baka / ay kapaki-pakinabang na hayop. Paksa Panaguri

III. Integrasyon Sa loob ng sampung minuto, sasagutan ng mga mag-aaral ang limang pangungusap. Sasalunggulitan ang buong paksa at bibilugan naman nila ang buong panaguri sa pangungusap at isulat sa patlang kung anong uri ng ayos ito. K kung karaniwan at DK kung di-karaniwan.

______1. Ang pagtutulungan ay mahalaga. ______2. Ang matibay na samahan ay hindi basta-basta mabubuwag. ______3. Pananagutan natin ang ating mga kaibigan. ______4. Sila ay bigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag. ______5. Ang mga sabi-sabi ay hindi dapat kaagad pinaniniwalaan.

IV. Kasunduan Pag-aralan ang bagong aralin at maghanda para sa isang aktibiti bukas.

Ikaapat na Araw

I. Introduksyon Pagbabalik-aral sa tinalakay kahapon. Mga Tanong: 1. Ano ang pangungusap? 2. Anu-ano ang sangkap na bumubuo sa pangungusap? Ipaliwanag. 3. Ano ang dalawang ayos ng pangungusap? Ipaliwanag ang bawat isa.

II. Interaksyon Pangkatang Gawain

Pangkat 1 Bumuo ng limang pangungusap na may simuno at panaguri at nasa karaniwang ayos.

Pangkat 2 Bumuo ng limang pangungusap na may simuno at panaguri at nasa di-karaniwang ayos.

Pangkat 3 Bumuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang nakatalang payak na paksa at panaguri. Sundin ang hinihinging ayos ng pangungusap sa bawat bilang. Maaaring magdagdag ng iba pang salita ayon sa pangangailangan. Paksa Panaguri 1. Kaibigan -------- nagsalita 2. Samahan -------- magkagulo 3. Pag-ibig -------- ipadama 4. Inggit -------- huwag pairalin 5. Kaaway -------- patawarin

1. Karaniwan - ____________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 2. Di-Karaniwan - __________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 3. Karaniwan - ____________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 4. Di-Karaniwan - __________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 5. Karaniwan - __________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Pangkat 4 Isulat sa kahon ang ayos ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat muli ang pangungusap sa patlang sa kabaligtarang ayos nito. Pagkatapos ay bilugan ang payak na simuno at ikahon ang payak na panaguri.

1. Mainam na pag-sapan muna ang mga isyung naglalabasan. 2. Ang pagtitiwala ay kailangang ibigay sa kaibigan. 3. Huwag hayaang masira ang isang magandang samahan. 4. Mahirap maibalik ang nasirang tiwala. 5. Ang matatag na relasyon ay tunay ngang kapuri-puri.

1.

2.

3.

4.

5.

III. Integrasyon Pag-uusapan sa klase ang ginawang aktibiti.

IV. Kasunduan Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa iyong iniidolo sa buhay na ginagamitan ng mga pangungusap na may simuno at panaguri. Dapat ay kakikitaan ito ng karaniwan at di-karaniwang ayos.

Similar Documents

Free Essay

Hello

...Kakayahan sa Filipino (Baitang 1-3) |Pamantayan | |Aralin |Ikatlong Baitang | |Pangnilalaman | | | | |Wikang Binibigkas | | |nagtatanong, nakikinig, nagbibigay-kahulugan at naglalahad| | | | |ng impormasyon | | | | |nakikinig at nakikilahok sa diskusyon sa isang grupo o | | | | |klase | | | | |nakikinig at tumutugon sa teksto,...

Words: 1100 - Pages: 5

Free Essay

Aaaaaaaaa

...Banghay-Gawain sa Florante at Laura 2-Xavier: Pangkat 3: Capulong, Bernadette Labagala, Lea Leyson, Michael Ochoa, Jomar Aralin 7: Ang Pagluha Niya Kung Ako’y May Hapis Nagiging Ligaya Yaring Madlang Sakit I. Layunin: A. Nagagamit ng mga mag-aaral sa sariling pangungusap ang mga talasalitaan na inilalahad ng pangkat. B. Nailalahad ang mga daloy ng pangyayari sa pamamagitan ng estratehiyang Pakikipanayam o Interbyu. C. Naiuugnay ang isyung panlipunan at pagpapahalagang Pilipino sa mga isyu na napapaloob sa Aralin. II. Talasalitaan: Gagamitin ng mga pangkat ang isa sa mga salitang ibinigay at gagamitin ito sa isang pangungusap. Isang kasapi lamang mula sa isang pangkat ang maaaring sumali rito. Mga Salita: 1. gunamgunam - alaala 2. apuhapin - nagilap;hanapin 3. bumalisbis - biglang umagos 4. panibugho - pagseselos 5. hahapisin - pahihirapan (hapos-hirap) III. Buod ng Nakaraang Aralin: Sa loob ng mapanganib na gubat matutunghayan ang pagtangis ni Florante. Kinausap at itinanong niya ang Diyos kung bakit namamayani ang kasamaan sa Albania. Lahat ng ito ay resulta ng paghahangad ni Adolfo sa trono ni Haring Linseo at kayamanan ni Duke Briseo. IV. Trivia: Ito’y ilalahad kasama sa pagtatanghal ng pangyayari gamit ang istratehiyang Talk Show. Mga Trivia: ➢ Nahihimatay ang mga tao dahil sa sobrang pagod na nararamdaman nila o sa Ingles ay tinatawag...

Words: 1068 - Pages: 5

Free Essay

Filipino

...PY 10 Filipino EP E D C O Modyul para sa Mag-aaral D Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran ng Edukasyon sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Republika ng Pilipinas kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. EP E D C O PY Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing...

Words: 47092 - Pages: 189

Free Essay

Term Papers

...Mga Salik sa Epektibong Pamamaraan ng Pagtuturo sa Asignaturang Filipino sa Mataas na Paaralan ng Palompon Institute of Technology Palompon, Leyte Isang Pananaliksik na Iniharap kay Gng. Jennifer Gorumba sa Assignaturang Filipino II sa Palompon Institute of Technology Palompon, Leyte Ikalimang Grupo Jenelyn Fernandez Jeraldyn Abellano Ronilyn Ruiz Jaysa Aragon Ruth Almada Careen Khie Ardiente Lourise Archie Subang March 12, 2010 i Kabanata I INTRODUKSYON “Dekalidad na Edukasyon”.Ito ang sigaw ng bawat isa sa atin. Nagnanais tayo na ito’y matugunan ng institusyon kong saan tayo nag-aaral. Ang dekalidad na edukasyon ay makakamtan lamang kung malalaman ang mga salik na siyang makatutulong upang paunlarin ang performans ng mga mag-aaral. Ang gawain na ito ay ang responsibilad ng guro. Dapat niyang malaman kung anu-ano ito sa ganoon ay makapagplano siya ng mga estratihiya na makapagbibigay daan tungo sa mas maunlad at produktib na resulta sa performans ng mga magaaral. Isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa bawat na programa sa pag-aaral na inilatag ng DEPEd ay ang Filipino. Ang Filipino ay isang asignatura na tumatalakay sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa ating Wikang Pambansa. Dapat lamang na pagtuunan ng pansin ang asignaturang ito dahilan din na dito nakasalalay kung tunay nga bang isa ka o ako na Pilipino. Sa kasalukuyan, ang asignaturang ito ay isa na may mababa na grado lalo na sa resulta ng NAT Examination. Masakit mang isipin ...

Words: 4985 - Pages: 20

Free Essay

Salik Na Nakakaapekto Sa Pag-Aaral Ng Algebra

...of Content Kabanata 1 Panimula…………………………………………………………………….1 Modelong Konseptwal……………………………………………………..2 Kaligiran sa pananaliksik…………………………………………………..3 Paglalahad ng suliranin Hinuha Kahalagahan ng pag-aaral Katuturan ng mga katawagang ginagamit Kabanata 2 Kaugnay na literature Pangmagaa Kabanata 1 Panimula Ayon sa mga departamento sa edukasyon tulad ng Commission on Higher Education o CHED at Department of Education o DepEdang Algebra daw ay dapat isali sa kurrikula ng mga magaaral na pumapasok sa mga unibersidad, colegio o mga institute. Sa kadahilanan na ito raw ay makakatulong sa mga magaaral. Ngunit ano nga ba ang asignaturang ito? Algebra ay ang pag-aaral ng mga numero, dami, mga relasyon at istrakturasangay ng matematika. Ang Algebra pangkalahatan ay itinuro sa mga colegio,na nagpapakilala sa Algebra pangunahing ideya: Kapag aming pag-aralan figure para sa karagdagan o pagpaparami kung ano ang mangyayari kapag, at upang maunawaan ang mga konsepto at kung paano lumikha ng isang variable polynomials at makita ang kanilang mga Roots. Algebra bagay ng pag-aaral ay hindi lamang isang numero, ngunit ng iba't-ibang mga istraktura abstraction. Bilang halimbawa, ang hanay ng mga integer na may karagdagan, pag paparami ng order at kaugnayan ay isang hanay ng mga algebraic istraktura. Sa ang lamang namin ay interesado sa isang iba't ibang mga relasyon at mga katangian, at parasa "ang bilang mismo ay kung ano" ang problemang ito ay hindi...

Words: 4029 - Pages: 17

Free Essay

Asdzxcasdasdasdzzxc

...at di-mawaglit sa isipan. Ikaw, anong pangyayari sa iyong buhay ang di-mo malilimutan? Bakit? Kaya mo ba itong isalaysay nang tuluy-tuloy? Madalas tayong magbahagi ng mga pangyayaring ating napanood o di kaya’y nabasa. Subalit higit na kasiya-siya kung ito’y naging bahagi ng ating karanasang nakakatuwa… nakakatakot… nakahihiya… Ito ang paksa ng araling pag-aaralan mo ngayon; ang pagsulat ng isang pagsasalaysay. Tungkol din ito sa mga tiyak na pamantayan sa pasulat na komunikasyon, pagbuo ng magkakaugnay na kaisipan at impormasyon, pagpapahayag ng sariling opinyon, damdamin o saloobin sa isang halimbawang salaysay at pagbuo ng isang maayos na talatang nagsasalaysay. Tiyak na magiging kawili-wili ang bawat gawaing iyong pag-aaralan sapagkat kuwento ito ng bahagi ng buhay na maaaring mangyari rin sa iyo o kaya’y nangyari na. Handa ka na ba para sa pagsisimula ng iyong aralin? Ano ang matutunan mo? Inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng modyul na ito: A. Nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pasulat na komunikasyon. 1. wastong baybay 2. wastong bantas 3. kawastuang gramatikal B. Naipahahayag ang pansariling opinyon, damdamin, saloobin batay sa isang halimbawang modelo C. Nasusuri ang sangkap at katangian ng mabuting pagsasalaysay 1. format 2. nilalaman D. Maipamamalas ang kahusayan sa pagbubuo ng isang sulating nagsasalaysay na may magkaugnay na kaisipan Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Gabay sa sariling pagkatuto...

Words: 9571 - Pages: 39

Free Essay

Panimula

...Kasaysayan: Epekto sa Nasyonalismo at Pambansang Identidad ng mga Mag-aaral Charina B. Agcaoili Introduksyon Ang nasyonalismo ay pag-ibig sa bayan. Bahagi nito ang paggigiit sa soberanya ng bansa, kalayaan, at pag-asa sa sariling kakayahan (Lichauco, 1968). Isa rin itong malinaw na konsepto ng mga elementong bumubuo sa pagiging nasyon ng isang bansa, at bagay na nagtatangi at nagpapakita ng kaibahan nito sa iba pang nasyon (Alfonso, 1967; De La Costa, 1965; Osorio, 1963; Tañada, 1955). Sa pananaw ni Rizal, ang nasyonalismo ay pagsasakripisyo para sa bayan. Handang kalimutan ng isang taong makabayan ang kanyang sarili para maisulong ang kabutihan ng kanyang mga kababayan. Higit sa lahat, gagawin niya ito nang walang pag-aalinlangan o “sin dudas, sin pesar” (Quibuyen, 1999; Marquez-Marcelo, 1984). Kaugnay din ng nasyonalismo ang katapatan sa mga institusyon, tradisyon, at pagpapahalaga sa kasaysayan (Abueva, 1999). Mahalaga ang pagkakaroon ng mga mamamayang makabayan sa pagsulong ng isang bansa (Loong, 2007; de Quiros, 2002, Lumbera, 2000). Sa ika-19 na dantaon ng Meiji, ang nasyonalismo ang nagbigay-sigla sa mga Hapones na hangaring mapantayan ang kalagayan ng mga bansang nasa Kanluran. Ito rin ang dahilan ng pagsusumikap ng mga Tsinong paunlarin at gawing moderno ang kanilang ekonomiya (Loong, 2007). Umunlad naman ang mga bansang tulad ng Timog Korea, Rusya, Britanya at Pransya bunga ng mga mamamayang makabayan. Maliban dito, mayroon silang malalim na pag-unawa sa kanilang pagiging...

Words: 6875 - Pages: 28

Free Essay

Field Study

... LUPANG HINIRANG Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan Alab ng puso, sa dibdib moy buhay Lupang hinirang, duyan ka ng magiting Sa manlulupig, Di ka pasisiil Sa dagat at bundok Sa simoy at sa langit mong bughaw, May dilag ang tula At awit sa paglayang minamahal, Ang kislap ng watawat mo’y Tagumpay na nagniningning Ang bituin at araw niya Kailan pa ma’y di magdidilim Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta Buhay ay langit sa piling mo Amimg ligaya na pag may mang-aapi Ang mamatay nang dahil Sa’yo. Panatang Makabayan Iniibig ko ang Pilipinas, Aking lupang sinilangan, Tahanan ng aking lahi, Kinukupkop ako at tinutulungan  Maging malakas, masipag at marangal.  Dahil mahal ko ang Pilipinas,  Diringgin ko ang payo Ng aking magulang, Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,  Tutuparin ko ang tungkulin Ng mamamayang makabayan:  Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal  Ng buong katapatan Iaalay ko ang aking buhay, Pangarap, pagsisikap Sa bansang Pilipinas Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas Ako ay Pilipino. Buong katapatang nanunumpa Sa watawat ng Pilipinas At sa bansang kanyang isinasagisag Na may dangal, katarungan at kalayaan Na ipinakikilos ng sambayanang makadiyos, makakalikasan...

Words: 15721 - Pages: 63

Premium Essay

Narrative

...Chapter 1 Introduction Education is “an act of taking someone out of ignorance by means of teaching”, as defined by the World Book Encyclopedia. It is considered as social institution. It includes not only the effects of schooling, but also the more pervasive effects of child rearing practices gained from family training, social exposure and other means of media that a learner experienced and accumulated as part of his maturity. It is one of the purposes of education to prepare the youth for their future places in the society and prepare them to combat the real world. Schooling is only part of education. It is the place where a person gains proper training that his family cannot provide. Thus, in a school setting, education will not be considered a full one if there is no teacher. To teach is to make an assumption about what and how the students learn. Here in the Philippines, teachers are important factor in molding the society because of their tasks in guiding the learners out in the world of ignorance. Being a teacher demands basic competencies necessary in carrying out effectively his noble mission of promoting progressive human development and study social amelioration which involves hardwork, limitless dedication, and all around knowledge and skills. As part of the education curriculum, student teaching is one of the most important elements in the training of prospective teachers. According to Lugos (1985), student teaching is “designed to...

Words: 14104 - Pages: 57

Premium Essay

Narrative Report

...A Narrative Report In Student Teaching Experiences In Don Enrique Navarro Memorial School Presented to: MRS. GEMNA GEMPARO-POBE Supervising Instructor Siargao Island Institute of Technology College of Education Dapa, Surigao del Norte In Partial Fulfillment of the Requirements for the Course Education 402 By: ARTHUR SUAN JUANITE Student Teacher 2005-2006 Siargao Island Institute of Technology College of Education Dapa, Surigao del Norte Approval Sheet This Narrative Report of ARTHUR SUAN JUANITE entitled “Student Teaching Experiences” is submitted as partial fulfillment of the requirements in Education 402 (Student Teaching) for the degree of Bachelor in Elementary Education has been approved. Approved by: GEMNA G. POBE Supervising Instructor Preface This narrative report is an endeavor of the author to express that teaching is the noblest and a very good profession even it is not an easy task. It is a complex and many-sided task demanding the variety traits and abilities of an individual. This book was made by the author to have a guide of the student teachers when they serve, when they have an actual teaching in their field. It is also made in order that they have a souvenir of the student teachers for academic year 2005-2006. This book contains the observation and participations, overview on actual teaching, detailed lesson...

Words: 6169 - Pages: 25

Free Essay

Anytime

...mga Pilipinong may pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat itong lumikha ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na lakas ng loob na kumilos at magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan. Makabayang Pagkilos sa Edukasyon Ilang taon na ang nakalipas sapul nang umalingawngaw ang mga makabayang kahilingan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang mga makabayang kahilingang ito ay binigyang-linaw at ipinalaganap ng yumaong Claro M. Recto. Marubdob na isinulong ang mga kahilingang kilalanin ang kapangyarihan ng Pilipinas sa mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Iginiit ang pagtutuwid ng mga tiwaling ugnayang pangkabuhayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Minsa’y nahamig ang suporta ng mga mangangalakal na Pilipino sa patakarang Pilipino Muna, at maraming iskolar at ekonomista ang nagmungkahing gawing kagyat na kahilingan ng bansa ang paglaya ng ating ekonomya. Nakita sa larangan ng sining ang mga palatandaan ng bagong pagpapahalaga sa ating kultura. Anubaga’t niririndi ng sanlaksang makabayang pagkilos ang iba’t ibang larangan ng gawain. Ngunit wala pa tayong naririnig na organisadong pagkilos ng mga pinuno ng pamantasan para maging makabayan ang ating edukasyon. Bagaman marami sa ating mga lider sa edukasyon ang abala sa pagtatalakay at pagtatalo tungkol sa mas mabuting paraan at mga kasangkapan ng mahusay na pagtuturo, wala ni isa man sa kanila ang nanguna sa pagtataguyod ng tunay na makabayang...

Words: 17033 - Pages: 69