Lakas ng Loob: Kahalagahan at Kalagayan
Nito ayon sa Barakong Manliligaw
Tesis na Iniharap
Sa mga Kaguruan ng Kolehiyo ng
Edukasyon, Sining at Agham
Lyceum of the Philippines University
Lungsod ng Batangas
Inihanda Bilang Bahagi
Ng mga Gawaing Kailangan sa
Pagtatamo ng Titulong
Batsilyer sa Agham ng Sikolohiya
Dr. Lida C. Landicho
De Sagun, Al Ryane B.
Du, Myricar R.
Magsino, Jasmin G.
2012
Dahon ng Pagpapatibay Ang tesis na ito ay pinamagatang “Lakas ng Loob: Kahalagahan at Kalagayan nito ayon sa Barakong Manliligaw”, na inihanda at iniharap nina De Sagun, Al Ryane B., Du, Myricar R., Magsino, Jasmin G. bilang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng titulong Batsilyer sa Agham ng Sikolohiya. _____________________ Dr. Lida C. Landicho Thesis Adviser
Sinuri para sa pagsusulit at binigyan ng markang ___________________
____________________________
Prof. Cipriano Magnaye Jr., MA
Tagapangulo
________________________ _______________________ Prof. Elna R. Lopez,MA Prof. Emily Linatoc Member Member __________________________
Prof. Queencita M. Realingo Gramaryan
Sinang-ayunan at tinanggap bilang bahagi ng gawaing kailangan para sa pagtatamo ng titulong Batsilyer sa Agham ng Sikolohiya.
_________________________ Dr. Amada Banaag Dekana, Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Agham
TALAAN NG NILALAMAN
Abstrak
Panimula
Layunin ng Pag – aaral
Kaugnay na Literatura
Isinusulong na Teorya
Metodo Disenyo ng Pananaliksik Kalahok Panukat Pamamaraan Pag – aanalisa ng Datos
Resulta at Diskusyon
Konklusyon
Rekomendasyon
Talasanggunian
Apendiks
Ang mga May Akda
TALAAN NG TALAHANAYAN
Talaan 1.1
Talaan 1.2
Talaan 1.3
Talaan 1.4
Talaan 2
Talaan 3
Talaan 4.1
Talaan 4.2
Talaan 4.3
TALAAN NG APENDIKS
Appendiks A
Appendiks B
Appendiks C
Appendiks D
Appendiks E
Lakas ng Loob: Kahalagahan at Kalagayan nito Ayon sa Barakong Manliligaw
De Sagun, Al Ryane B.
Du, Myricar R.
Magsino, Jasmin G.
Dr. Lida Landicho
Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy at lubos na maunawaan ang pakahulugan ng mga Batangueno sa konsepto ng barako at sa barakong panliligaw. Gumamit ang mga mananaliksik ng dalawang metodo ang sarbey at pakikipanayam upang makakalap ng sapat na datos sa labinlimang barakong kalalakihan. Batay sa nakalap na datos, ang barakong pamamaraan ng panliligaw ay may taglay na lakas ng loob na harapin ang kahit anumang pagsubok na dumating. Napatunayan ng mga mananaliksik na may positibong epekto ang pagiging barako ng isang lalaki sa aspeto ng panliligaw. Napatunayan din na ang barakong pamamaraan ng panliligaw ay may positibong kahulugan sa ating kultura na maaaring makaambag sa pag – aaral sa Sikolohiyang Pilipino.
Keywords: Lakas ng Loob, Barako, Panliligaw
Ang ligaw, panliligaw o pagligaw ay isang gawain ng taong nangingibig o nanunuyo sa isang taong napupusuan niya. Tinatawag din itong pangingibig. Isang tradisyunal o nakagawiang kultura ng mga Pilipino ang panliligaw. Ito ay ang panahon ng panunuyo bago humantong sa kasunduan ng pag-iisang dibdib (engagement) at kasal (marriage). Ang pagliligawan ay ang una at isang mahalagang instrumento upang magkaroon ng kulay ang buhay pag- aasawa. Ito ang nagsisilbing pangunahing daan ng pagkakaroon ng asawa at isang maayos at magandang pamilya ngunit, makakamit lamang ang mga bagay na ito kung ang isang lalaki o mangingibig ay nagtataglay ng tinatawag na lakas ng loob para maipagtapat ang kanyang tunay na nararamdaman sa babaeng kanyang napupusuan. “Lakas ng loob, marami ang matapang sa bilang, ngunit ang may lakas ng loob ay iilan.” Isa lamang iyan sa mga kasabihan ng mga Pilipino. Ang mga Pilipino ay likas na malakas ang loob at walang laban na inuurungan. Kapag may mga bagay tayong gustong itama, diyan nakikita ang pagiging matapang at matibay ng ating mga kalooban. Ang lakas ng loob ay isa sa mga natatangi at naiibang katangiang mayroon ang mga Pilipino. Lakas na mamamasid sa ibat-ibang aspeto ng buhay ng bawat Pilipino, sa pag-aaral, trabaho, palakasan at maging sa pag-iibigan.
Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging buo at matapang ang loob. Sa lungsod ng Batangas, ito ay tinatawag na pagiging “barako”. Ang salitang ito ay may kahulugang patungkol sa mga katangian at hindi sa kasarian ng isang tao. Kaya tinawag na barako ang isang kape sapagkat amoy pa lamang ay matapang na at kung ito’y titikman, lubos na masasarapan sa taglay nitong katapangan. Inihambing ito sa mga magigiting at matatapang na mga Batangueno na kung tawagin ay “barako” (Roces, 1998)
Ang pag-aaral na ito ay isinusulong ng mga mananaliksik upang lubos na maunawaan ang pakahulugan ng mga Batangueno sa konsepto ng barako at sa barakong panliligaw. Nais ding bigyang pansin kung ang lakas ng loob ay bahagi at aspetong mahalaga sa barakong panliligaw.
Ang pangunahing kalahok sa naturang pag-aaral ay mga kalalakihan na magmumula sa ibat-ibang bayan ng lungsod ng Batangas. Ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos at impormasyon gamit ang sarbey at pakikipanayam sa mga kalalakihan.
Layunin ng Pag-aaral Layunin ng pag-aaral na ito na (a) mailarawan ang mga katangian ng isang barako. (b) mailarawan ang pamamaraan ng barakong manliligaw. (c) mailahad ang kahalagahan at kalagayan ng lakas ng loob sa pamamaraan ng barakong manliligaw at (d) makabuo ng teorya tungkol sa lakas ng loob at kaugnayan nito sa barakong manliligaw.
Kaugnay na Literatura
Upang mas lalong mapagyabong at kapakipakinabang ang kalalabasan ng pag-aaral, ang mananaliksik ay nagsuri ng iba’t-ibang kaugnay na literatura patungkol sa konsepto ng lakas ng loob, panliligaw at barako.
Lakas ng Loob
Deskripsyon
Sa librong “Society and Culture” nina Isabel Panopio at Realidad Rolda, inilahad dito na ang lakas ng loob ay mahalaga sa pagsasakatuparan ng mga pagbabago, kung saan determinado ang isang tao na harapin ang kahit anong hamon ng buhay(de Mesa, 1987). Ang lakas ng loob ay isang damdamin kung saan nakikita ang pagiging mabuti hindi lamang sa sarili kundi sa kapwa. At pagbabahagi ng “social good” sa kapwa. Ang loob o kalooban ay tumutukoy sa panloob na katangian ng isang tao, o ang sukatan ng pagkakakilanlan ng isang tao. Ang kabaliktaran nito ay ang salitang “labas” – ang panlabas na katangian ng isang tao. (Mercado, 1994)
Ang lakas ng loob ay abilidad na malampasan ang takot, sakit, pagdadalawang isip o pagkahiya. May dalawang uri ng lakas ng loob: ang pisikal na lakas ng loob at ang moral na lakas ng loob. Ang “pisikal na lakas ng loob” ay ang lakas ng loob na harapin ang pisikal na sakit, kahirapan, kamatayan samantalang ang “moral na lakas ng loob” ay abilidad na harapin ang kasikatan ng katunggali, kahihiyan at iskandalo. Ito rin ang dahilan kung kaya’t naipahahayag ng isang tao ang kanyang saloobin ukol sa ibang tao.
Inihayag ni Kale Fajardo ang depinisyon ni Virgilio Enriquez ng lakas ng loob. Ang lakas ng loob o “guts” sa ingles ay ang “inner source of changes”. Di tulad ng utang na loob na isang kolonyal, ang lakas ng loob ay isang importanteng aspeto sa pagsasakatuparan ng pagbabago ng dangal o proseso ng pagbabago ng dignidad ng isang tao kung saan determinado na harapin ang kahit anong hirap, pati na rin ang kamatayan, at upang mapanindigan ang dignidad ng isang tao.
Sa kabilang dako, isa sa pitong tinitingalang ugali ng mga Pilipino ang lakas ng loob ayon sa isang pambansang Psychometric na pag-aaral ng pagkataong Pilipino na ginagamitan ng Panukat ng Ugali at Pagkatao (Enriquez at Guanzon, 1983). Ang mga kalahok sa pag-aaral na mula sa labindalawang etnolingguwistikong grupo sa bansa’y nakakuha ng mataas na iskor sa katangiang lakas ng loob, pagkamatulungin, pagkamapakumbaba at pagkamatiyaga. Sa tingin ni Enriquez (1992) ang lakas ng loob ang dahilan kung bakit nakakayanan ng mga Pilipino na humarap sa anumang kahirapan at ipagtanggol ang dangal kahit ang kalaban ay mas “malakas” kaysa kaniya. Hanggang ngayon, maraming mga pagkakataong napapatunayan na tayo ay lahing malakas ang loob.
Sa sariling depinisyon ni Ibn Taymiyya, inilahad niya na ang lakas ng loob ay kapangyarihan ng puso at katatagan. Ang tanging tapang o lakas-loob na kapuri-puri ay tapang o lakas-loob na nababatay sa karunungan at kaalaman, hindi lamang sugod ng sugod, na walang pag-iisip o pagkakaiba sa pagitan ng kapuri-puri at kinasusuklamang mga gawain.
Ayon kay Nadal (2011), ang lakas ng loob ay tumutukoy sa pagiging matapang ng isang tao sa pagharap ng problema at sa mga hindi inaasahang pangyayari. Sa mga sitwasyon na kagaya nito, mataas ang pokus ng kontrol ng isang tao. Ang nasabing kaugalian ay maaaring magbigay sa isang tao ng kapangyarihan sa kanilang sarili at gumawa ng pagbabago sa kanilang buhay.
Panliligaw
Sa mga kanayunan sa Pilipinas, bukod sa panghaharana at paninilbihan, isa pang kaugalian ang pag-akyat ng ligaw o pagtungo ng binata sa tahanan ng isang iniirog na babae. Sa pagdalaw na ito, maaaring manghiram ang kabataang lalaki ng aklat o anumang babasahin bilang pagsubok sa babae: isang pag-alam kung may gusto rin at pauunlakan ito ng sinisintang dalaga. Kapag nagpahiram ang babae ng babasahin, mataimtim na makapag-iipit ang dalawa ng mga lihim na liham para maipaalam nila ang kanilang mga damdamin para sa isa't isa. Lihim ito sapagkat kapag dumadalaw ang isang lalaki sa tahanan ng babae, naroroon ang mga kasama sa bahay ng babae, na pinakikiharapan din ng binatang nanliligaw. Hindi lamang pag-ibig ang napag-uusapan kapag kaharap ang mga kasambahay ng dalaga, kabilang dito ang taya ng panahon, pulitika, at iba pang mga bagay na mapag-uusapan. Isang tanda na may pag-asa ang lalaki na maging kasintahan ang babae kung magpahiram ang dalaga ng babasahin, ang aklat ang nagsisilbing simula at "tulay" ng kanilang sarilinang pag-uugnayan.
Bingyang diin na sa kulturang Pilipino, ang panliligaw ay hindi tuwiran kumpara sa kanluranin na lipunan. Ang lalaking interesado sa panliligaw sa isang babae ay maingat at palakaibigan o magiliw sa una upang hindi makita ang pagiging presko o mayabang o masyadong malakas ang loob. Nagsisimula muna ito sa “friendly date”, madalas kasama ang mga kaibigan at di maglalaon ay ang manliligaw at nililigawan nito ay lalabas ng silang dalawa lang. Kung ang magkasintahan ay nagpasya na ipaalam ang kanilang pagmamahalan, sasabihin ito sa pamilya pati na rin sa kaibigan nito. (http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/love.htm).
May mga piling uri ng panliligaw: Ligaw-tingin ang tawag sa panunuyong ginagamitan ng mga galaw ng mata at mga bahagi nito, katulad ng sulyap at kindat. Ligaw-ligawan ang panliligaw na sa una'y pabiro ngunit maaaring magiging totohanan. Ligaw-biro ang panliligaw na may halong pagpapadamang pisikal at ligaw-manok ang pangingibig na may halong pagmamagaling at panggigilalas [sa mabuting paraan, hindi hambog. (De Guzman, 2005)
Ayon kay Alegre (2002), ang tradisyonal na panliligaw sa Pilipinas ay inilarawan bilang malayo ang sakop at hindi direktang paraan kumpara sa banyagang kultura. Ito ay kinapapalooban ng iba’t ibang bahagi o paraan na natatangi sa kulturang Pilipino. Ang ilan sa mga halimbawa ng panliligaw sa Pilipinas ay pagkanta ng mga romantikong kanta sa pamamaraan ng harana, paggawa ng mga mga tula at love letter para sa minamahal at pagbibigay ng regalo sa nililigawan pati na rin sa magulang nito. Ang mga nasabing bahagi o pamamaraan ay nagbibigay sa pamilya ng nililigawan ng respeto. Ang tamang patakaran at pamantayan sa tradisyonal na panliligaw ng mga Pilipino ay itinakda sa pamamagitan ng sambayanang Pilipino.
Ang salitang ligaw, panliligaw o pagligaw ay isang gawain ng taong nangingibig o nanunuyo sa isang taong napupusuan niya. Tinatawag din itong pangingibig. Ayon sa literatura ito ay isang tradisyunal o nakagawiang pangkultura. Isa itong panahon ng panunuyo bago humantong sa kasunduan ng pag-iisang dibdib (engagement) at kasal (marriage). Sa panahon ng ritwal ng ligawan, karaniwang lumalabas o nagde-deyt (dating) ang mga magkasintahan o magiging magkasintahan upang magkakilala sila at lumaon ay makapagdesisyon kung maaari silang magkaroon ng kasunduang magpakasal sa hinaharap. Sa paglabas ng mga nag-iibigan, maaari silang kumain sa labas, manood ng sine, pumunta sa mga handaan at sayawan (pasayaw), mamili ng mga gamit o kaya "tumambay" lamang at gumawa ng iba pang mga katulad na mga gawaing pangmagnobyo at nobya. (De Guzman, 2005)
Ang tradisyonal na panliligaw sa Pilipinas ay inilarawan bilang isang "konserbatibong" diskarte na inihambing sa Western o Kanluraning kultura. Ito ay makukuha sa iba’t ibang "yugto" na likas sa lipunan at kultura. Ang iba’t ibang pamamaraan ng panliligaw sa Pilipinas ay ang pagkanta ng mga romantikong awitin, pagbigkas ng tula, pagsulat ng liham pag-ibig, at pagbibigay ng regalo. Ito ay paraan ng paggalang sa miyembro ng pamilya ng babae. Ang tamang patakaran at pamantayan sa tradisyonal na Filipino panliligaw ay itinakda ng lipunan. Kadalasan, ang isang lalaking manliligaw ay nagpapahiwatig ng kanyang interes sa isang babae sa isang matalino at palakaibigan na paraan upang maiwasan ang pagiging "malakas ang loob o agresibo" o mayabang sa mata ng babae. Bagaman sa pagkakaroon ng isang serye ng mga pakikipag-date ay ang normal na panimulang punto sa mga Filipino na paraan ng panliligaw, ito ay maaari ring magsimula sa pamamagitan ng ang proseso ng "panunukso", isang proseso ng "pagpapapares pares" ng babae at lalaki. Ang panunukso ay ginagawa ng mga kaibigan ng lalaki at babae. Isa ang panunukso sa mga paraan upang makita o maipahiwatig ang tunay na damdamin ng mga lalaki at sa babae. Ang ibang lalaki ay takot na mapahiya sa harap ng babae kaya naman nilalaksan ng mga ito ang loob nila. Merong pagkakataon na humihingi ito ng tulong sa mga kaibigan nito. Bago manligaw sa babae, isang “testing phase” ang ginagawa. Sa paraang ito, tuturuan o bibigyan ng advices ng mga kaibigan ang lalaki at kasama na din dito ay ang pag-arte na kunwari ay actual na nanliligaw ang lalaki sa babae. Ang “testing phase” ay nakakatulong sa mga taong torpe,isang salitang Pilipino na ibig sabihin ay nakakaramdam ng pagkaduwag sa pagsasabi sa babae ng nararamdaman. (http://tl.wikipedia.org/wiki/Panliligaw_sa_pilipinas)
Dahil sa liberalismo ng makabagong Pilipino, nagkaroon ng mga pagbabago sa pamamaraan ng panliligaw, gayumpaman, iba na ito sa Kanluraning kultura. Sa modernong panliligaw,katulad ng tradisyunal na panliligaw, nagsisimula ito sa teasing o tuksuhan sa babae at lalaki na ginagawa ng kanilang mga kaibigan. Ang pakikipagkilala sa lalaki at babae ay nangyayari sa isang pagdiriwang ng isang kaibigan kung saan parehas din nilang kaibigan. Ang panliligaw din ay isinasagawa sa pamamagitan ng cellular phones o texting at internet. Gayunpaman, ang mga magulang ng nililigawan ay mas gusto pa rin ang pormal na panliligaw na nagaganap sa bahay kung saan isa itong paraan ng paggalang ng nanliligaw sa mga magulang ng nililigawan. (http://sarahgats.wordpress.com)
Ang panliligaw ay pinaglalaanan ng oras at isang matagumpay na paraan ng pagkilala sa isang tao upang malaman kung silang dalawa ay nararapat na maging mag – asawa. (www.scribd.com/doc/92976505/1-to-5)
Sa isang ginawang pananaliksik, masasabing malaki na ang pagbabagong naganap sa pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon. Ilan sa mga ito ay dahil sa impluwensya ng mga kultura ng ibang bansa; at ang ilan ay dahil na rin sa pagbabago sa teknolohiya. Merong pamamaraan ng panliligaw noon na nananatili pa ring epektibo hanggang ngayon. Isa na rito ay ang pagdalaw ng manliligaw sa tahanan ng nililigawan. Magpapakilala ang isang manliligaw sa pamilya ng kanyang nililigawan lalo na sa magulang ng kanyang nililigawan. Sa ganitong pamamaraan kasi ay malaki ang pag – asa ng isang manliligaw na mapasagot ang kanyang manliligaw sapagkat maipapamalas ng manliligaw ang kanyang katapatan at malinis na hangarin. (http://www.scribd.com/doc/92976505/1-to-5)
Panliligaw o ligawan sa tagalog ay mahahalintulad sa salitang pandidiga or o digahan na nanggaling sa salitang Espanol na diga na ang ibig sabihin ay “to say”, or “to express”). Ayon sa ating kultura, ang pamamaraan ng panliligaw ay ibang-iba sa kanluraning pamamaraan ng panliligaw. Ayon sa ating kultura, ang mga lalaki na nais manligaw ay dapat mahinahon at palakaibigan, para hindi akalain ng babaeng kanilang nililigawan na sila ay mga mayayabang o presko. Isa sa pwedeng pagsimulan ng isang mabuting pagtitinginan sa pagitan ng isang babae at isang lalaki ay ang paglabas kasama ang mga kaibigan o yung tinatawag na “friendly date”. Habang nagtatagal,unti-unti nilang makikilala ang isa’t-isa hanggang sa magdesisyon silang lumabas o “mag-date” ng silang dalawa lamang. (http://www.phrasebase.com/archive/tagalog/82-courtship-in-philippine-culture.html)
Barako
Deskripsyon Ayon kay Roces (1998), kilala ang mga batangueno hindi lamang sa natatangi nilang produkto na kung tawagin ay kapeng barako, kundi pati na rin sa pagiging matapang at walang inuurungan. Hindi makakailang ikaw ay barako kung ikaw ay Batangueno at mahilig kang uminom ng kapeng barako. Ang salitang barako ay hindi lamang isang salita na nangangahulugan ng pagiging isang lalaki. Ito ay salita na kung ipakahuhulugan ay ang ibig sabihin ay tapang o katapangan. (ILustre, 1991) Ang pagiging barako ay nailalarawan ng isang lalaki kapag nagagawa niyang tumayo para sa kung ano ang nararapat sa isang mahirap na sitwasyon. Karamihan sa ating mga bayani ay mula sa bayan ng Batangas sila ay nakilala dahil sa angkin nilang giting at dangal para ipaglaban ang gating bayan laban sa mga dayuhan. Peterson (2004), Isinusulong na Teorya
Pigura 1. Kahalagahan at kalagayan ng Lakas ng Loob sa Barakong Perspektibo ng Panliligaw
Lakas ng Loob
-Katangian
-Pamamaraan
-Kahalagahan at Kalagayan
Barakong Manliligaw
Ang pigyur na nasa itaas ay nagpapakita ng kaugnayan ng Lakas ng Loob sa Barakong Manliligaw. Ang naturang dayagram ay isang paglalarawan ng magkaugnay at iisang direksyon buhat sa pagkakaroon ng lakas ng Loob.
Metodo
May ilang stratehiya at pamamaraan na isinagawa ang mga mananaliksik upang malaman at mapatunayan ang mga suliranin sa pag-aaral.Ito ay kinapapalooban ng disenyo ng pananaliksik, mga kalahok at mga instrumentong gagamitin sa pananaliksik. Ang mga nabanggit na bahagi ng pamaraan ay ginamit ng mananaliksik upang magbigay impormasyon sa pag-aanalisa ng pag-aaral.
Disenyo ng Pananaliksik Ang pag – aaral na ito ay gumamit ng kwali-kwantitatibong disenyo. Gumamit ang mga mananaliksik ng kwantitatibong pamamaraan ng pag-aaral gamit ang sarbey bilang pangunahing metodo para sukatin ang mga umiiral na pangyayari ng hindi nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari. Ilalapat din ang metodong ito upang mailarawan ang pakahulugan ng mga Batangueno sa salitang barako maging ang mga katangian nito. Ang magkakaugnay na kategorya at deskripsyon ukol dito ay bubuuin bilang mga katanungan na gagamitin sa kwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik gamit ang pakikipanyam. Kung saan ang pagkuha ng impormasyong ito ay nangyayari ng harap- harapan (Pe-Pua, 1989). Ang mga mananaliksik na gumagamit ng ganitong uri ng pag – aaral ay naglalayon ng malalim na pag iintindi sa ugali ng tao at kung ano ang mga nagiging dahilan ng mga kaugaliang ito. Panliligaw 9
Ang nasabing metodo ay naglalarawan at nagpapaliwanag ng mga komplikadong penomena. Ito ay nagsusuri sa relasyon at modelo ng mga sanhi ng aktibidad na nangyayari (Smith, 2003). Ang kwalitatibong paraan ng pananaliksik ay lubhang nakatulong hindi lamang sa pagbibigay ng mahahalagang detalye gayundin ito ay nagpayabong ng teorya at nagbigay liwanag sa mga haka- hakang batayan. Ang metodong ito ay ginamit upang lubos na maunawaan ang pakahulugan sa konsepto ng barakong panliligaw. Ang mga nasabing metodo ay pawang mula sa katutubong perspektibo sa metodolohiya ng Pilipinas.
Mga Kalahok Upang makakalap ng sapat na datos para sa pag-aaral ang mananaliksik ay nagpasagot gamit ang sarbey sa 100 bilang ng mga kalalakihan mula sa ibat-ibang bayan ng Batangas. Samantala ang mga mananaliksik ay nakipanayam ng labinlimang (15) bilang ng mga kalalakihan.
Pigyur 2.1 Edad ng mga kalahok sa pag – aaral.
Sa isandaang kalahok, tatlumpu’t siyam na porsyento (39%) ang nasa edad na 20-29. Samantalang dalawampu’t isang porsyento (21%) ang nasa edad 40-49, dalawampung prosyento (20%) sa edad 30-39, sampung porsyento (10%) sa edad 50-59, pitong porsyento (7%) sa edad 19 pataas at tatlong porsyento (3%) sa edad 60 pataas.
Pigyur 2.2 Socioekonomikong Kalagayan ng mga Kalahok
Ang pigyur na ito ay nagpapakita ng socioekonomikong kalagayan ng mga kalahok. Sa isandaang bilang na kalahok na kasama sa pag - aaral, apatnapu’t anim ang walang asawa samantalang limampu’t apat ang may asawa.
Pigyur 2.3 Pagiging Barako ayon sa resulta sa Talaan ng Kabarakuhan
Batay sa ipinakuhang paunang panukat na patungkol sa kabarakuhan, pitumpu’t siyam sa isandaang kalalakihan ang napag-alamang barako. Mula sa pitumpu’t siyam na barako, labimlima ang nakakuha ng pinakamataas na iskor sa pre-test (Tala ng Kabarakuhan) ang dumaan sa proseso ng pakikipanayam.
Panukat
Panliligaw 12 Para sa kwantitatibong disenyo ng pag-aaral ang metodong ginamit ay nagbigay kasagutan sa mga layunin na inilahad ng mananaliksik. Una ay ang nabanggit na sarbey (Talaan ng Kabarakuhan), sa ganitong paraan nalaman ng mga mananaliksik ang pakahulugan ng mga Batangueno sa salitang barako, deskripsyon at katangian nito. Gayun din ang demograpikong balangkas ng mga taga tugon. Pangalawa ay pakikipanayam ng mananaliksik sa mga kalahok na nagtala ng mataas na antas sa kategorya ng pagiging barako. Sa ganitong paraan, mas nauunawaan at nalaman ng mananaliksik ang kani-kanilang kaayunan sa barakong panliligaw at lakas ng loob sa panliligaw.
Pamamaraan ng Pananaliksik
Pamamaraan
1. Pre-test (Tala ng Kabarakuhan) – Ito ang unang pamamaraan ng pananaliksikna ginamit upang mangalap ng impormasyon, ginamit ito upang lubusang masuri kung sino-sino sa isandaang kalalakihan ang maituturing na isang barako. Ang naturang tala ay naglalaman ng iba‟t ibang nakalap na datos tungkol sa katangian ng isang barako.
2. Pakikipanayam – Ang pamamaraang ito ay ginamit sa mga kalalakihang nagtala ng pinakamataas na lebel ng kabarakuhan, upang sumagot sa ilang katanungan na inihanda ng mananaliksik. Kasama ng pamamaraang ito ay ang pagsagot sa ilang katanungang nakasaad sa demograpikong balangkas.
Pag-aanalisa ng Datos
Ang mga impormasyong nakalap ay sinuri at paulit – ulit na binasa ng mga mananaliksik upang makalap ang mga importanteng datos na gagamitin sa pag – aanalisa. Una, inalisa lahat ng datos na nakalap sa pamamagitan ng pagsusuma ng lahat ng puntos na inilaan ng mga kalahok sa bawat katangian ng pagiging barako na kanilang tinataglay. Ang resulta ay binigyan ng interpretasyon at kinuha ang labimlimang may pinakamataas na iskor na dadaan sa prosesong pakikipagkwentuhan at pakikipanayam.
Sa pakikipagkwentuhan o pakikipanayam, may mga tanong na inihanda ang mga mananaliksik na nagsilbing gabay upang malaman ang iba’t – ibang opinyon ng mga kalahok at mga temang tinutukoy nito ayon sa konsepto ng kabarakuhan at kahalagahan ng lakas ng loob sa panliligaw.
Sa pagkalap ng impormasyon sa paraan ng pakikipanayam gumamit ang mananaliksik ng papaksang pag-aanalisa o thematic analysis kung saan inalisa ang mga datos sa pamamagitan ng pagsasalin nito at paglalagay ng mga kodigo sa bawat linya ng datos. Matapos nito ay isinaayos ang mga kodigo upang mapagsama-sama ang mga pananaw ng isang barakong ama upang malimitahan ang mga datos na pare-pareho sa nakalap. Ang panghuli ay naglaan ng tema sa bawat kategorya na naging resulta ng pakikipanayam at pinagkumpara ang bawat isa.
Resulta at Diskusyon
Ang seksyong ito ay naglalaman ng mga pag-aanalisa at interpretasyon ng mga datos na nakalap ng mananaliksik.
Talaan 1.1
Pagkakaunawa sa Barakong Manliligaw
Kategorya | Tema | Lakas ng loob at tapang (4) | Positibong Katangian | Tapang at bilis sa babae(2) | | Nirerespeto ang babaeng nililigawan | | Bolero | | Responsible at totoo sa nararamdaman (2) | | May yabang (2) | Negatibong Katangian | Barako sa panlabas pero may mabuting kalooban | Presentasyon ng sarili | Pwersahang panliligaw | | Mapusok | |
Ang unang talaan ay naglalaman ng iba’t-ibang katangian ng isang barako batay sa pakikipanayam na isinagawa ng mananaliksik sa labinlimang kalahok. Makikita sa talaan 1. 1 ang mga katangiang nangingibabaw sa isang barako. Isa na nga sa mga katangiang ito ay pagkakaroon ng lakas ng loob at tapang. Bilang isang barako ito ay nangangailangan ng sapat na pisikal at emosyonal na lakas upang harapin ang anumang pagsubok o hamon ng buhay. (Illustre, 1991)
Bukod sa lakas ng loob at tapang, isa pa sa pangunahing katangian ng isang barako ay ang pagiging responsable at totoo sa nararamdaman. Ang pagiging barako ay hindi lamang nangangahulugan ng pisikal na katapangan kundi ng moral at sikolohikal na katapangan (Deci at Ryan, 2000,). Ang isang responsableng lalaki at totoo sa pagmamahal na kanyang nararamdaman ay mas nakikita bilang isang tunay at buo ang pagkalalaki o barako.
Nakapaloob din sa talaan ang iba‟t-ibang pag-uugali ng isang barako. Ang pagrespeto sa mga kababaihan at ang taglay na bilis pag dating sa panliligaw at makuha ang babaeng napupusuan.
May ilan ring negatibong katangian ang kabarakuhan ang lumabas sa pag-aaral. Ang isang pangunahing negatibong katangian ay ang pagpupuwersa o pagpilit sa kanyang gusto at labag sa loob ng babaeng nililigawan.
Ang tunay na kabarakuhan ay hindi lamang masusukat sa pagigin matapang, malakas at walang inuurungan ngunit ito rin ay nakabase sa pagtayo at paninindigan sa kung ano ang nararapat sa isang mahirap na sitwasyon. (Peterson,2004)
Talaan 1.2
Perspektibo sa Isang Barakong Manliligaw
Kategorya | Tema | Listo pagdating sa panliligaw/ straight to the point at malakas ang loob (5) | Lakas ng Loob | Mabilis sa babae (2) | Bilis sa babae | Chickboy/Badboy (2) | Babaero | Maginoo | Maginoo | Mas barako mas magugustuhan ng babae | Presentasyon ng sarili | Maangas/mayabang | | Walang pilitan sa panliligaw | Nirerespeto ang babaeng nililigawan | Bolero | Bolero | Totoo at buo ang loob sa panliligaw | Totoo ang nararamdaman |
Ang mga nakalap na datos sa talaan 1.2. ay nagpapakita ng perspektibo sa isang barakong manliligaw sa pakikipanayam na isinagawa ng mga mananaliksik. Batay sa datos na nakalap, lakas ng loob ang pangunahing katangiang tinataglay ng isang barakong manliligaw. Ang isang barakong manlligaw ay kinakikitaan ng ibang uri ng lakas ng loob, lakas ng loob na gawin, harapin at pagtagumpayan ang mga bagay na maaaring makasagabal sa kanyang panliligaw. Ang lakas ng loob na ito ay tinatawag na kapangyarihan ng puso at katatagan (Ibn Taymiyya). Ang ilan sa mga negatibong katangiang naitala ay ang pagiging mabilis sa babae at pagiging babaero o ang pagkakaroon ng higit sa isa ang babaeng nililigawan. Binigyang pansin din ang ilang katangian ng isang barakong manliligaw ayon sa pisikal na katapangan. Ito ay pagiging barako sa dating pa lang, maangas at mayabang. Natural na katangian ng isang barakong lalaki ang pagiging maangas at mayabang. Para sa karamihan, ito ay nangangahulugan ng pagiging lalaki.
Talaan 1.3
Katangian ng Barakong Manliligaw
Kategorya | Tema | Malakas ang loob (3) | Lakas ng loob | Astig at matapang (2) | Presentasyon ng sarili | Astig at malakas ang loob (2) | | Agresibo at malakas ang loob gwapo, matulis at mabilis | Agresibo | Mayabang pero mabait, mabait pero may pagkabastos, maangas | Pisikal na Katapangan | Marunong rumespeto, malakas ang loob, tapat at kayang dalhin ang sarili | Maginoo at Lakas ng Loob | Mayabang,barumbado at malakas ang loob | Pisikal na Katapangan at Lakas ng Loob | Matapang, mapagmataas,at malakas ang loob | | Mabait at mayabang barako sa panlabas | Malambot sa panloob | Swabe, pasensyoso, matiyaga at masigasig | Positibong Panloob na Katangian | Babaero | Babaero |
Ayon sa talaan 1.3, ang lakas ng loob ang pangunahing katangiang tinataglay ng isang barakong manliligaw. Ang loob ay tumutukoy sa panloob na katangian ng isang tao (Mercdo, 1994). Ang lakas naman ay tumutukoy sa antas o lebel ng isang bagay. Samakatuwid, kinakailangan magkaroon ng lakas ng loob ang isang lalaki upang maipahayag ang kanilang saloobin sa iba o moral na lakas ng loob. May ilan ding pisikal na katangian ang lumabas sa pakikipanayam. Ilan sa positibong katangian ay ang maginoo at iba pa. sa kabilang banda, may ilan ding negatibong pisikal na katangian ang nabanggit sa pakikipanayam. Ito ay ang pagiging mayabang, maangas, barumbado, matapang at iba pa. Base sa nakalap na impormasyon, ang isang barakong manliligaw ay nagtataglay ng positibo at negatibong pisikal na katangian. Batay din sa nakalap na datos, may isang negatibong katangiang tinataglay ang isang barakong manliligaw, ito ay ang pagiging babaero o higit sa isa ang babaeng nililigawan o kinakasama. Ang barakong pamamaraan ng panliigaw ay nagtataglay ng parehong positibo at negatibog katangian, pisikal man o emosyonal na kalagayan.
Talaan 1.4
Mailarawan ang mga katangian ng isang barako
(Layunin 1)
| KATANGIAN | KABUUAN | Ayon sa kultura, kilala ang mga Batangueno sa pagiging barako. Sa inyong pananaw, naniniwala po ba kayo na may barakong manliligaw? Ano po ang iyong pagkakaunawa kapag sinabing barakong manliligaw? | Lakas ngloob at tapangResponsible at totoo sa nararamdamanMay yabangTapang at mabilis sa babae | LAKAS NG LOOB | Maituturing nyo po ba ang sarili nyo na isang barakong manliligaw? Paano mo po nasabi? | Listo pagdating sa panliligaw/ straight to the point at malakas ang loobMabilis sa babaeChickboy/ badboy | MABILIS SA BABAE | Anu – ano po ba ang mga katangian meron ang isang barakong manliligaw? | Malakas ang loobAstig at matapangAstig at malakas angLoob | ASTIG |
Ang talaan 1.4 ay nagpapakita ng kabuuang datos na magbibigay kasagutan sa unang layunin ng pag-aaral na mailahad at mailarawan ang mga katangiang tinataglay ng isang barakong manliligaw na nakalap sa labinlimang (15) kalahok gamit ang tatlong katanungan.
Batay sa lahat ng nakalap na pangunahing datos, lakas ng loob ang katangian na tinataglay ng isang barako. Para sa mga kalahok, ang pagkakaroon ng sapat na lakas ng loob ay bahagi at konseptong mahalaga sa barakong pamamaraan ng panliligaw. Ang lakas ng loob na ito ay mababatid sa iba’t-ibang anyo at pagkakataon.Una, lakas ng loob na ipagtapat ang nararamdaman ng isang lalaking nangingibig sa babaeng kanyang napupusuan (Moral na lakas ng loob). Pangalawa, lakas ng loob na harapin ang problemang maaring makasagabal sa paraan ng kanyang panliligaw (Nadal, 2011). Ikatlo ay ang pisikal na lakas ng loob na harapin ang pisikal na sakit na maaaring danasin sa proseso ng panliligaw. Ang pang-huli ay ang lakas ng loob na tumutukoy sa tapang ng puso at katatagan (Ibn Tamiya). Katatagan na panindigan ang bawat aksyon at salitang binitawan.
Bukod sa lakas ng loob, masasabing barakong manliligaw ang isang lalaki kung ito ay mabilis sa babae. Mabilis sa panliligaw at bilis na makuha o mapasagot ang babaeng nililigawan. Ang ikatlong katangian ng isang barakong manliligaw ay ang pagkakaroon ng imaheng astig. Astig na nangangahulugan ng walang kinatatakutan at lakas (Magsino, 2007).
Ang katangiang ito rin ay naglalarawan ng tapang (Ilustre, 1991). Ang katapangang ito ay mababatid sa pisikal na katangian ng isang barakong manliligaw.
Bilang pangkalahatan, ang mga pangunahing katangiang tinataglay ng isang barako ay ang lakas ng loob, pagiging astig, at bilis sa babae. Ang tatlong katangiang ito ay naglalarawan ng pagkakaroon ng ugnayan at interaksyon sa bawat isa. Lakas ng loob bilang panlabas na katangian o kalooban. Pagiging astig o pisikal na katangian at “bilis sa babae” bilang aplikasyon ng panloob at pisikal na katangian.
Talaan 2
Pamamaraan ng Panliligaw ng isang Barako
Kategorya | Tema | Di natatakot humarap sa magulang (3) | Moral na katapangan | Malakas ang loob na humarap sa nililigawan at matapang (2) | | Mabilis manligaw/mabilis mapasagot ang babae (2) | Mabilis na panliligaw | Mapagmalaki sa babaeng nililigawan (2) | May yabang na panliligaw | Namumwersa | Sapilitang panliligaw | Hindi patorpe-torpe | Malakas ang loob | Matapang sa iba at mabait sa manliligaw | | Paggamit ng mga mabulaklak na salita | Bolerong panliligaw | Tinutupad lahat ng sinasabi sa nililigawan,may isang salita | Totoo ang nararamdaman | Handang gawin ang lahat para sa babae at malakas ang loob | |
Ang talaan 2.1 ay nagpapakita ng iba’t ibang pamamaraan ng panliligaw ng isang barako. Batay sa nakalap na datos, may iba’t bang pamamaraan ng panliligaw ayon sa labinlimang kalahok na nakapanayam.
Isa sa pamamaraan ng panliligaw ng isang barako ay ang moral na katapangan sa panliligaw. Bahagi ng kultura ng lipunan ng mga Pilipino ang pagpunta o pagharap ng lalaking nangingibig sa magulang at pamilya ng babaeng nliligawan. Isa ito sa paraan ng panliligaw kung saan dumadalaw ang manliligaw sa tahanan ng nililigawan. Magpapakilala ang isang manliligaw sa pamilya ng kanyang nililigawan lalo na sa magulang ng kanyang nililigawan. Sa ganitong pamamaraan kasi ay malaki ang pag – asa ng isang manliligaw na mapasagot ang kanyang manliligaw sapagkat maipapamalas ng manliligaw ang kanyang katapatan at malinis na hangarin. (http://www.scribd.com/doc/92976505/1-to-5). Ang pamamaraang ito ay naglalarawan ng katapangan na tumayo kung ano man ang nararapat sa isang mahirap na sitwasyon (Perterson, 2004).
Bukod dito, may ilan ding negatibong pamamaraan ang naitala. Ito ay ang pagiging mayabang o mapagmalaki sa babaeng nililigawan. Gayundn ang sapilitang uri ng panliligaw kung saan nawawalan ng pagkakataong mailahad ng babaeng nililigawan ang kanyang tunay a nararamdaman.
Ang barakong pamamaraan ng panliligaw ay parehong may positibo at negatibong pamamaran, to ay nakabase sa totoong layunin ng lalaking nanliligaw.
Talaan 3
Kahalagahan at Kalagayan ng Lakas ng Loob sa Pamamaraan ng Barakong Manliligaw
Kategorya | Tema | Mahalaga ang lakas ng loob (15) | Pangunahing Pangangailangan |
Batay sa talaan 3.1, masasabing natural o pangunahing pangangailangan ang lakas ng loob sa panliligaw. Ayon sa datos na nakalap, lahat ng kalahok ay sumang – ayon na bahagi at koseptong mahalaga ang pagkakaroon ng lakas ng loob sa barakong estilo ng panliligaw.
Ayon kay De Mesa (1987), ang lakas ng loob ay isang katangiang mahalaga upang harapin ang kahit anong hamon ng buhay kabilang na ang panliligaw. Ang lakas ng loob rin ay isang uri ng katapangan na ipahayag ang kanyang tunay na saloobin sa ibang tao o tinatawag na moral na katapangan. Bilang isang manliligaw ang pagpapahayag ng tunay na nararamdaman sa isang babae ay ang una at pinakaimportanteng hakbang sa panliligaw.
Sa tingin ni Enriquez (1992) ang lakas ng loob ang dahilan kung bakit nakakayanan ng mga Pilipino na humarap sa anumang kahirapan at ipagtanggol ang dangal kahit ang kalaban ay mas “malakas” kaysa kaniya. Hanggang ngayon, maraming mga pagkakataong napapatunayan na tayo ay lahing malakas ang loob.
Ang tunay na lakas ng loob ay hindi lamang masusukat sa pagtatapat o pagpapahayag ng nararamdaman, bagkus ito ay may kalakip na responsibilidad; ang “social good” o hindi pagiging mabuti sa sarili kundi sa kapwa.
Talaan 4.1
Bagay o Katangian na Makapagdudulot sa Isang Lalaki para Magkaroon ng Lakas ng Loob
Kategorya | Tema | Gusto ang babae/tunay ang nararamdaman sa babae.(9) | Totoo ang nararamdaman | Estado sa buhay, pinag-aralan, at itsura. (4) | Kalagayan sa buhay at Pisikal na Katangian | Disenteng pamilya, pisikal na kaanyuan at pagiging seryoso | Pamilya, Pisikal na katangian at totoong nararamdaman | Itsura at edad | Pisikal na Katangian |
Ang talaan sa itaas ay naglalaman ng ibat-ibang katangian o bagay na makapagdudulot sa Isang lalaki para magkaroon ng lakas ng loob sa panliligaw. Ayon sa nakalap na datos, ang isang barakong manliligaw ay kumukuha ng lakas ng loob sa kanyang nararamdaman sa babaeng nais ligawan. Ito ay nangangahulugan na kapag totoo, tunay at wagas ang nararamdaman ng isang barakong manliligaw, ito ang pangunahing nagbibigay dahilan at nagtutulak sa kanya upang ligawan ang babaeng kanyang napupusuan.
Ayon sa pakikipanayam ng mga mananaliksik, may ilang pisikal na katangian ang isang lalaki na maaaring makapagdudulot sa isang lalaki ng sapat na lakas ng loob sa panliligaw. Ito ay ang pagiging gwapo, matipuno at malakas ang dating sa mga kababaihan. Ayon sa mga kalahok, ang mga bagay na ito ay unang binibigyang pansin ng babae sa unang pagkikita pa lamang.
Lumabas din sa pag-aaral na ang iba’t ibang kalagayan sa buhay gaya ng estado at edukasyon ay mahalagang bagay din upang magkaroon ng lakas ng loob. Dito sa Pilipinas, mahalaga ang estado mo sa buhay para makahanap ng magiging kapareha sa buhay.
Gayunpaman, ang lahat ng ito ay dumidepende pa rin sa babaeng nililigawan. Maaaring ikonsidera ang mga bagay na ito at maaari din na totoong pagmamahal lang ang maging sukatan.
Talaan 4.2
Implikasyon ng Pagiging Barako sa Antas ng Panliligaw
Kategorya | Tema | Kilala ang pagiging barako/ iba ang dating kapag barako (2) | Iba ang dating | Mas malakas ang loob (2) | Lakas ng Loob | Mas madaling masasabi ang nararamdaman | | Kailangang buo ang loob | | Hindi takutan ang panliligaw | Mas malaki ang pag-asa | Mas madaling mapasagot ang babae | | Pakiramdam na nasa ligtas na kamay | Kaligtasan | Totoo at tapat | Totoo ang nararamdaman | Kailangang matapang | Tapang | Kinatatakutan | | Mayabang ang dating | May yabang | Bolero | Bolero | Maginoo, romantiko, mabait at may respeto sa babae | Maginoo |
Batay sa talaan 4.2, nakasaad dito ang implikasyon ng pagiging barako sa antas ng panliligaw. Isa sa mga implikasyon ay ang pagkakilala ng iba sa lalaki bilang isang barako o iba ang tingin kapag barako. Ito ay sa kadahilanan na nag – iiba ang tingin ng iba sa barako dahil sa taglay nitong katangian na hindi nakikita sa isang ordinaryong tao. Ang barako ay naglalarawan sa pagiging lalaki, walang kinatatakutan at lakas – na inihambing sa kapeng barako na sa lasa pa lang ay malakas na ang tama (Magsino, 2007)
Ang mga barako ay nagtataglay ng lakas ng loob kung saan ang lakas ng loob ay importante sa pagbabagong dangal. Ang lakas ng loob din ay tumutukoy sa panloob na katangian ng isang tao (Mercado, 1994). Tumutukoy din ito sa pagiging matapang ng isang tao sa pagharap ng problema at sa mga hindi inaasahang pangyayari. Sa mga sitwasyon na kagaya nito, mataas ang pokus ng kontrol ng isang tao. Ang nasabing kaugalian ay maaaring magbigay sa isang tao ng kapangyarihan sa kanilang sarili at gumawa ng pagbabago sa kanilang buhay. (Nadal, 2011)
Talaan 4.3
Lamang at Hindi lamang ng isang Barakong Manliligaw
Kategorya | Tema | Mabilis manligaw/ makakapag-tapat agad (4) | Agresibo | Mas malakas ang loob (2) | Malakas ang Loob | May mas respeto sa babae | Nirerespeto ang babae | Mas may pag-asa na mapasagot ang babae | | Sugod agad | Agresibo | Mas paniniwalaan | Kredebilidad | Maangas | Presentasyon ng sarili | Hindi magmumukhang mayabang | | Mas mabulaklak ang dila | Bolero | Pakiramdam na nasa ligtas na kamay | Kaligtasan | Badboy | Personal na Disposisyon |
Ang datos sa talaan 4.3 ay nagpapakita ng kalamangan ng isang barakong manliligaw sa hindi barakong manliligaw ayon sa sagot ng labinlimang kalahok.
Pagiging mabilis o agresibo ang pangunahing katangian ang lamang ng isang barakong manliligaw kesa sa hindi barakong manliligaw. Pumangalawa ang pagkakaroon ng mas malakas na loob. Samantala nagtala din ng negatibong kalamangan ang isang barakong manliligaw gaya ng pagiging maangas at badboy. Sinasabing ang lakas ng loob ay mahalaga sa pagsasakatuparan ng mga pagbabago, kung saan determinado ang isang tao na harapin ang kahit anong hamon ng buhay (de Mesa, 1987).
Mas pinaniniwalaan ang mga barakong manliligaw kaysa sa ordinaryong manliligaw lamang dahil gumagamit ito ng mga mabubulaklak na salita na magugustuhan ng babaeng nililigawan. Ang pagiging maangas at badboy ay isang negatibong kalamangan sapagkat nagpapakita ito ng kasamaan at masamang impresyon ng babae sa lalaki.
Konklusyon 1.) Batay sa nakalap na datos, nahati sa dalawang kategorya ang mga katangian ng isang barakong manliligaw, ito ay ang positibong katangian at negatibong katangian. Ang mga katangiang positibo ay inuri sa dalawa: panloob at pisikal na katangian. Ang positibong panloob na katangian ay ang pagiging malakas ang loob, responsable, matapang, totoo sa nararamdaman sa babae, mabilis sa babae, bolero, may respeto sa babaeng nililigawan, maginoo at listo pagdating sa panliligaw. Ang mga pisikal na positibong katangian ay binubuo ng pagiging astig, swabe, gwapo, macho o malaki ang katawan at malakas ang appeal. Samantala, ang negatibong katangian ay hinati sa panloob at pisikal. Ang negatibong katangian ay tumutukoy sa pagiging mapusok, pwersahang panliligaw, pagiging babaero, mayabang at mapag mataas. Ang katangian na nasa negatibong pisikal na katangian ay yaong may mga tattoo.
2.) Mula sa mga nakalap na datos, ang barakong pamamaraan ng panliligaw ay may dalawang mukha, positibo at negatibo. Ito ay positibo kung ito ay naglalayong gawin ang nararapat o nagagawang humarap sa pamilya ng babaeng nililigawan at maging sa katunggali. Ang barakong panliligaw ay masasabing negatibo kung ito ay nakatuon lamang sa personal o pansariling kapakanan at labag sa kalooban ng damdamin.
3.) Napag-alaman sa pag – aaral na ang paraan ng panliligaw ng isang barako ay bataysa taglay na lakas na loob na harapin ang babaeng niligawan at maging mga magulang nito.
4.) Matapos analisahin ang mga nakalap na datos, napatunayan ng mga mananaliksik na may mahalagang tungkulin at kaugnayan ang lakas ng loob sa barakong pamamaraan ng panliligaw. Ang lakas ng loob na ito ay makukuha sa totoong nararamdaman ng isang barakong manliligaw.
5.) Ang barakong pamamaraan ng panliligaw ay nakapagdudulot ng positibong epekto sa pananaw at presentasyon ng isang lalaki.
6.) Sa pag – aaral na ito, napatunayan na ang barakong pamamaraan ng panliligaw ay may positibong kahulugan sa ating kultura na maaaring makaambag sa pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino.
Rekomendasyon
1.) Iminumungkahi ng mga mananaliksik na magkaroon ng hiwalay na pag-aaral na nakatuon lamang sa konsepto ng pagiging barako at pagbibigay linaw sa pagkakaiba ng barakong manliligaw sa hindi barakong manliligaw.
2.) Pagsasagawa ng isang seminar o komperensya na maglalayong talakayin ang pakahulugan sa isang barakong lalaki sa gawi, kilos at pamamaraan ng buhay nito.
3.) Magsagawa ng parehong pag-aaral kung saan maaring manipulahin ang edad, sibil na katayuan at relihiyon ng mga kalahok. Maari ding dagdagan ang metodong ginamit ng mga mananaliksik gaya ng anekdota na maglalayong tukuyin ang direktang ugnayan ng lakas ng loob sa resulta ng panliligaw.
4.) Para sa mga barakong manliligaw, mahalaga ang pagkakaroon ng lakas ng loob sa panliligaw ngunit ito ay hindi direktang nangangahulugan ng positibong resulta ng panliligaw.Para sa mga hindi barakong manliligaw, ang barakong pamamaraan ng panliligaw ay makakatulong sa proseso ng panliligaw.
Talasanggunian
Cruz, Alyssa June Q. Pakikisangkot ng Barako Bilang Ama sa Pagpapalaki ng Anak. 2011. Lyceum of the Philippines University- Batangas
Deci, E. L., & Ryan, R. M. (2000).The “what” and “why” of gal pursuits: Human needs and the self-determination of behavior. Psychological Inquiry
Enriquez, V. (2004) Indigenous Psychology and National Consciousness, Chapters 1, 2, 3 & 6 in From Colonial To Liberation Psychology: The Philippine Experience. De La Salle University Books, Dasmariñas, Cavite. ISBN 971-542-002-8
Enriquez, Virgilio & Santiago, Carmen.Sikolohiyang Pilipino: Teorya, metodo at gamit. Rogelia Pe-Pua (Ed.) (1989) University of the Philippines Press: Quezon City.
Estrella, Vea Mariz R. Lakas ng Loob sa Panliligaw. 2011. Lyceum of the Philippines University-Batangas
Flavier, Juan M. (2007) Courtship patterns, isang pagtalakay sa gawi ng panliligaw sa nayon.
Illustre, Aurea G. Maikling Kasaysayan ng lungsod at Probinsya ng Batangas. Quezon City: Vibal Publishing Inc. 1991
Nadal, Kevin L., Filipino American Psychology: A Handbook of Theory, Research, and Clinical Practice, New Jersey: John Wiley & Sons, Inc., 2011
Panopio, Isabel & Rolda, Realidad, “Society and Culture: Introduction to Sociology and Culture”, Revised Edition, 2007, p.86
Roces, Alfredo. When Coffee Bloomed in Lipa. Filipino Heritage: The Making of a Nation. (Ed). Philippines: Lahing Pilipino Publishing Inc., 1998. http://www.angelfire.com/weird/fotu/ligawan.htmhttp://www.icsfp.com/de/Contents.aspx?AID=3005http://www.phrasebase.com/archive/tagalog/82-courtship-in-philippine-culture.html, Date retrieved: April 13, 2005http://www.scribd.com/doc/65905329/23/Utang-Ko-Sa-Iyo-ang-Aking-Lakas-ng-Loobhttp://www.scribd.com/doc/92976505/1-to-5http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/love.htm, Date retrieved: February 14, 2002http://www.language.berkeley.edu/ucfcp/unit15/babasahin1.php(Kaugalian, Halagahin, at Pagkatao (Customs, Values & Character) | http://books.google.com.ph/books?id=AFfpH6rJYEIC&printsec=frontco ver#v=onepage&q&f=fals, Date retrieved: 2011 http://Courtship_in_the_Philippines, by Alegre, Edilberto,Date retrieved: March 8, 2012 http://hubpages.com/hub/Courtship-Secrets-of-a-Filipina,Date retrieved: 2012 http://pcij.org/stories/the-barako-bared/, “Barako Bared” by: Magsino, Mei, from: Philippine Center for Investigative Journalism, Date retrieved: February 21, 2007 http://sarahgats.wordpress.com/2009/03/29/courtship-in-the-philippines-today/, Date retrieved: March 29, 2009 http://tl Ligaw_(mangingibig), Date retrieved: March 2012 http://tl.wikipedia.org/wiki/Panliligaw_sa_pilipinas, Date retrieved: April 26, 2011 http://www.phrasebase.com/archive/tagalog/82-courtship-in-philippine-culture.html http://www.oppapers.com/essays/Panliligaw-Ng-Pilipino-courtiNg-Of-Filipinos/627658. Panliligaw Ng Pilipino. March 18, 2011
Appendix A
SARBEY:TALA NG KABARAKUHAN
3 Lubos na tinataglay 2 –bahagyang tinataglay
1- Hindi tinataglay 0 – Hindi lubos na tinataglay
A. Pagdating sa sarili:
___1. Matatag ang loob kahit sa gitna ng panganib.
___2. May hangarin na irespeto at igalang ng mga tao.
___3. Mataas ang tingin sa sarili, naghihintay na laging makilala.
___4. Handang itaya ang buhay para sa panganib o paghihirap upang maprotektahan ang sariling paniniwala.
___5. May dangal na pinoprotektahan, tulad halimbawa ng pagkalalaki na hindi maapakan ng kahit sino man.
___6. Matibay ang loob kahit sa gitna ng panganib.
B. Pagdating sa kapwa:
___1. Laging nagtataglay ng kagitingan na handang magtanggol.
___2. Handang itaya ang buhay upang maprotektahan ang sariling pamilya. ___3. Handang itaya ang buhay para sa panganib o paghihirap upang maprotektahan ang ibang tao.
___4. Nagsasabi ng katotohanan sa kapwa.
C. Pagdating sa laban:
____1. May pagkakataon na napapaaway.
____2. Buo ang loob sa isang laban.
____3. Hindi nagpapalamang o nagpapatalo sa isang laban.
____4. Hindi nagpapatalo sa isang diskusyon.
____5. Handa kayong makapatay o mamatay sa isang laban.
D. Pagdating sa Bisyo:
___1. Nagsusugal a. Majong b. Baraha c. Sabong
___2. Nag-iinom a. Hindi nagpapahuli sa inuman kapag may okasyon. b. Umiinom kahit magisa. c. Hindi napapatalo sa inuman.
___3. Nakikipagrelasyon sa ibang babae bukod sa asawa.
___4. May baril
___5. May balisong
Appendix B
GABAY SA PAKIKIPANAYAM (LAYUNIN A, B, C AT D) 1. Naranasan nyo na po bang manligaw? Ilan na ang naligawan nyo? 2. Ayon sa kultura, kilala ang mga Batangueno sa pagiging barako. Sa inyong pananaw, naniniwala po ba kayo na may barakong manliligaw? * Ano po ang iyong pagkakaunawa sa barakong pamamaraan ng panliligaw? 3. Maituturing nyo po ba ang sarili nyo na isang barakong manliligaw? 4. Paano nyo po mailalarawan ang pamamaraan ng barakong manliligaw. 5. Anu – ano po ba ang mga katangian meron ang isang barakong manliligaw? 6. Naniniwala po ba kayo na bahagi at konseptong mahalaga ang pagkakaroon ng lakas ng loob sa panliligaw? 7. Base po sa inyong sariling karanasan sa panliligaw, anu – ano po ang mga bagay o katangian ang makapagdudulot sa isang lalaki para magkaroon siya ng lakas ng loob para manligaw? 8. Mahalaga po ba ang pagkakaroon ng lakas ng loob? 9. Sa inyong palagay, may implikasyon po ba ang pagiging barako sa antas ng panliligaw? 10. Sa tingin nyo po, meron po bang lamang ang isang barakong manliligaw? * Kung meron anu-ano po ito?
Appendix C
Appendix D
Talaan 1
Pagiging Barako Ayon sa Edad
N=100, p= 0.05
Barako Edad | Mean (Sig.) | F | P value | Eta2 | Interpretation | Barako 19 pababa 20-29 30-39 40-49 50-59 60 pataas | 36.4343.2343.6542.6745.8043.33 | 2.505 | 0.36 | .118 | Significant |
Talaan 2
Pagiging Barako Ayon sa Socioekonomikong Kalagayan
N=100, p= 0.05 Barako Socio- ekonomikong Kalagayan | Mean (Sig.) | F | P value | Eta2 | Interpretation | Barako Walang asawa May asawa | 42.30 | 1.151 | 0.286 | .012 | Significant |
Appendix E
1. Ayon sa kultura, kilala ang mga Batangueno sa pagiging barako. Sa inyong pananaw, naniniwala po ba kayo na may barakong manliligaw? Ano po ang iyong pagkakaunawa kapag sinabing barakong manliligaw?
KATEGORYA | TEMA | Frequency | *mayroong mga barakong manliligaw. Siga kung manligaw. Walang inuurungan. | Lakas ng loob at tapang | Typical | *mayroong mga barakong manliligaw. Yan yung mga lalaking walang takot at sinasabi agad ang nilalaman ng kanyang damdamin. | Lakas ng loob at tapang | Typical | *oo , syempre naman. Kinatatakutan ng ibang manliligaw ng babaeng kanilang gusto. *Talagang merong ganun. Mga barako na siga pa. | Lakas ng loob at tapang | Typical | *oo ,responsible at tapat sa nililigawan. | Responsible at tooo sa nararamdaman | Variant | *May mga barakong manliligaw talaga. Sila eh responsable at totoo sa nililigawan. | Responsible at tooo sa nararamdaman | Variant | *mayroong barakong manliligaw. Maangas tsaka malaki ang tiwala sa sarili. | May yabang | Variant | *Mayroong ganun. Sila yung mayabang… maangas din yun… | May Yabang | Variant | *ay oo mayroong mga barakong manliligaw na tinatawag. Ang mga yan yung yung mga siga at mayabang pero romantiko. | Barako sa panlabas pero may mabuting kalooban | Variant | *oo mayroong barakong manliligaw,lalo na dito sa atin sa Batangas. Sila yung mga namumuwersa, sapilitankumbaga. | Pwersahang panliligaw | Variant | *oo naman ..ako eh naniniwala na mayroong barakong manliligaw, mga malakas ang loob tsaka mabilis sa babae. | Tapang at bilis sa babae | Variant | *mayroong barakong manliligaw syempre lalo na sa atin dito sa batangas na tahanan ng mga barako. Ay syempre yan yung mga lalaking magagaling sa babae. | Tapang at bilis sa babae | Variant | *Syempre merong ganun. Sila yung mga swabe at maginoo. | Nirerespeto ang babaeng nililigawan | Variant | *oo .merong barakong manliligaw. Malakas ang loob. | Lakas ng Loob | Variant | *Meron din naman. Bolero, madaling masasagot ng babae. | Bolero | Variant | *Meron ganung style ng panliligaw. Mapusok. | Mapusok | Variant |
2. Maituturing nyo po ba ang sarili nyo na isang barakong manliligaw? Paano mo po nasabi? *Oo, yun kasi gusto ng ma babae nuon. Straight to the pointdapat. Malakas ang loob. | Listo pagdating sa panliligaw/straight to the point at malakas ng Loob | Typical | *Ah. oo naman, pag may natipuhan ako sinasabi ko agad, lakasan lang yan ng loob. | | Typical | *Oo, kasi pag tatame-tameme ka walang mangyayari. | | Typical | *Hindi, torpekasi ako. (h) | | Typical | *Ay hindi, good boy ako noon eh. Isa-isa lang ako manligaw, di sabay-sabay. | Chickboy/Bad boy | Variant | *Aba syempre. Chick boy ako nuong araw. Badboy parang si Robin Padilla lang. | | Variant | *Hindi, pag nanligaw ako at umayaw ayaw ko na din, aba eh di walang pilitan ganun ako. | Walang pilitan sa panliligaw | Variant | *Oo, noon kasi pag sinabing barako, totoo at buo ang loob sa panliligaw. | Totoo at buo ang loob sa nililigawan | Variant | *Oo, mas mabilis sa babae pag barako ka. (h) | Mabilis sa babae | Variant | *Oo, kasi daig ng bolero ang gwapo kumbaga mas gusto ng mga babae yung masarap kasama kesa sa gwapong wala namang imik. | Bolero | Variant | *Nako hindi, ang mga barako kasi basta na, may pagka angas ang dating, mayabang. | Maangas/ mayabang | Variant | *Oo, kasi hinay hinay lang ako sa panliligaw. | Mabilis sa babae | Variant | *Hindi, kasi mahiyain ako noong araw. Bilang lang niligawan ko. | Lakas ng Loob | Variant | *Ay oo, gawa ng pag mas barako mas magugustuhan ka ng babae. | Mas barako mas magugustuhan ka ng babae. | Variant | *Hindi. Kasi maginoo ako. Di na uso pilitan ngayon. | Maginoo | Variant |
3. Anu – ano po ba ang mga katangian meron ang isang barakong manliligaw? *Sa tawag pa lang sa kanila na “barako”… kilala sa katapangan, handang tumulong at…. Hmmm… malakas ang loob. | lakas ng loob | Typical | * Ang alam ko malalakas ang mga loob ng barako…… yun lang..(h). | lakas ng loob | Typical | * Kapag barako, syempre barako kung manligaw… sobrang lakas ng loob. | lakas ng loob | Typical | * Naku, galante ang mga barako… macho, may dating at pogi(h) kapag ganun ang katangian, ibig sabihin malakas ang appeal… kapag may sex appeal, may ipagmamalaki ang isang barako… matulis at mabilis ang mga yun para hindi maunahan. | Gwapo, agresibo at mabilis | Typical | * Astig!.... at malaki ang katawan o macho | Astig | Typical | * Pogi! (h)… matipuno… at may lakas ng loob. | Barako sa itsura pa lang | Typical | *Sila yung mga tipo ng tao na aggressive tsaka malakas ang loob. | Agresibo at lakas ng loob | Variant | * Para sa akin, ang mga barako ay marunong rumespeto sa iba, malakas ang loob…tapat at kayang dalhin ang sarili. | Marunong rumespeto, malakas ang loob, tapat at kayang dalhin ang sarili | Variant | * Matapang, mapagmataas… matapang ang loob, anon gang isa pang tawag dun?.....ah! Malakas ang loob. | Matapang, mapagmataas at malakas ang loob | Variant | * Sila yungmatatapang, astig, may isang salita… tapat din sila… at kapag nagkagusto sila sa isang babae, sigurado sya sa nararamdaman. | Astig at matapang | Variant | * Swabe sila… sobrang swabe… pasensyoso…… matiyaga…. At ano pa ba… at… masigasig. | Swabe, pasensyoso, matiyaga at masigasig | Variant | * Sa pagkakaalam ko, mga babaero ang mga yun…haha | Babaero | Variant | * Mayabang sila pero mabait… mabait sila pero may pagkabastos…haha… magulo ga???..(h)…at tsaka maangas din | Mayabang sila pero mabait, mabait sila pero may pagkabastos, maangas | Variant | *Mabait din sila… meron din namang mayayabang. | Mabait at mayabang | Variant | * Barako?...mayabang at barumbado… lahat ng barako ay malakas ang loob. | Mayabang, barumbado at malakas ang loob | Variant |
4. Paano nyo po mailalarawan ang pamamaraan ng barakong manliligaw. *Yang mga yan kung manligaw eh diretsuhan, walang paligoy-ligoy, tinatanan agadang babaeng mapusuan. | Sinasabi agad ang nararamdaman | Variant | *Ay pag may na tipuhan nagpaparamdam agad. Hindi patorpe torpe. Hinaharap agad. | Hindi patorpe – torpe | Variant | *Aba, sila yung mga lalaking kahit harangan ng sibat di matatakot. Handang humarap sa magulangng babae. | Malakas ang loob na humarap sa nililigawan at matapang | Variant | *Kung manligaw sila napunta sa bahay ng babae,di natatakot humarap sa magulang. | Malakas ang loob na humarap sa nililigawan at matapang | Variant | *Sila eh yung tipong pag may pinangako tutuparin. May isang salita, ganun. | May paninindigan | Variant | *Ah eh un nga, pag may sinabi o pinangako sa babae gagawin, tutuparin may isang salita. Tsaka di papasindak, naharap din sa magulang ng babae. | May paninindigan | Variant | *Eh di malakas ang loob, barako eh. Matapang tas seryoso kung manligaw. | Tapang at lakas ng loob | Variant | *Ligaw kung ligaw. Mabilis mapasagot ang babae. | Mabilis manligaw/ mabilis mapasagot ang babae | Variant | *Magaling sa babae, mabilis manligaw, matapang at malakas ang loob. | Mabilis manligaw/ mabilis mapasagot ang babae | Variant | *Malakas ang loob, matapang may pagka siga, bad boy. | Tapang at lakas ng loob | Variant | *Ay sila yung mga siga, malalakas ang dating, matatapang. May armas, armado. | Tapang at lakas ng loob | Variant | *Eh di simpleng swabe. Tahimik pero malalim. | Maginoo | Variant | *Yang mga yan yung pag gusto nakukuha agad. Namumuwersa kahit ayaw na ng babae sa kanya. | Namumwersa | Variant | *Mayabang ang dating kung manligaw tsaka yung tipong nagmamalaki sa babae at kala mo kung sinong gwapo puro lang naman salita. | May yabang | Variant |
5. Naniniwala po ba kayo na bahagi at konseptong mahalaga ang pagkakaroon ng lakas ng loob sa panliligaw? *Oo… mahalaga ang lakas ng loob sa panliligaw. | Lakas ng loob | General | * Oo… oo naman. | Lakas ng loob | General | * Kailangan kasi ng lakas ng loob kapag nanligaw… kaya, oo. | Lakas ng loob | General | * Hindi lang mahalaga… mahalagang-mahalaga. | Lakas ng loob | General | * Oo kasi… kapag wala kang lakas ng loob at patorpe-torpe ka, ay mauunahan ka. | Lakas ng loob | General | * Aba’y oo naman…kapag wala kang lakas ng loob ay hindi mo makukuha ang babaeng gusto mo. | Lakas ng loob | General | * Oo… kasi, kung hindi malakas ang loob mo … torpe ang tawag dun. | Lakas ng loob | General | * Ay oo naman… kapag wala kang lakas ng loob ay mauunahan ka. | Lakas ng loob | General | * Syempre, oo… napakahalaga ng bagay na yun pagdating sa aspeto ng panliligaw. | Lakas ng loob | General | * Oo…kailangan yun… kailangan yun… | Lakas ng loob | General | * Oo…oo… importante kaya yun at mahalaga din. | Lakas ng loob | General | * Kapag nanliligaw, ay kailangan talaga nun… | Lakas ng loob | General | * Oo… importante yun. | Lakas ng loob | General | * Syempre, mahalaga yun… paano ka makakapanligaw kung walang lakas ng loob di ba… | Lakas ng loob | General | * Oo naman. Napakahalaga. | Lakas ng loob | General |
6. Base po sa inyong sariling karanasan sa panliligaw, anu – ano po ang mga bagay o katangian ang makapagdudulot sa isang lalaki para magkaroon siya ng lakas ng loob? *Kapag gusto mo ang babae, magiging determinado ang isang lalaki… at syempre kapag may tiwala sa sarili, lalakas din ang loob…(h) | Gusto ang babae/tunay ang nararamdaman sa babae | Typical | *Kapag mahal mo ang babae ay kahit gaano kadami ang karibal ay sige lang…lakasan lang ng loob kumbaga. | Gusto ang babae/tunay ang nararamdaman sa babae | Typical | * Kung totoo ang nararamdaman sa babaeng nililigawan, kahit anong itsura nito ay hindi importante. | Gusto ang babae/tunay ang nararamdaman sa babae | Typical | * Katangian para magkaroon ng lakas ng loob? Kapagmay paghanga sa babae… batayan din ang itsura, importante din yung estado sa buhay…pero basta’t mahal. | Gusto ang babae/tunay ang nararamdaman sa babae | Typical | * Kapag gusto ang babae, lalakasan lang yun ng loob…mahirap na kapag mauunahan na di ba… | Gusto ang babae/tunay ang nararamdaman sa babae | Typical | * Kapag gusto ang babae… syempre kapag gusto na, hindi na titingnan yung edad, itsura, yung pinag-aralan at relihiyon baka kasi hindi “compatible” | Gusto ang babae/tunay ang nararamdaman sa babae | Typical | * Syempre kung mahal mo…gusto mo… hindi din naman maiiwasan na tingnan mo ang background ng babae kung mahirap, may kaya o mayaman sya… minsan din kailangang tingnan ang relihiyon kasi malaki ang epekto nun at syempre kapag gusto ko ang babae… wala namang masamang manligaw di ba… | Gusto ang babae/tunay ang nararamdaman sa babae | Typical | * Kapag mayaman…may pinag-aralan o edukado… tsaka kapagmay gusto din yung babae…may itsura din… | Estado sa buhay, may pinag-aralan at itsura | Typical | * Yung estado sa buhay, tsaka kapag may pinag-aralan…may itsuradin. | Estado sa buhay, Estado sa buhay, may pinag-aralan at itsura | Typical | * Aba… ay nariyan yung kung may pinag-aralan… kapag pogi… at kapag gusto mo talaga. | Estado sa buhay, Estado sa buhay, may pinag-aralan at itsura | Typical | * Kapagmay pinag-aralan, may advantage… tinitingnan din ang itsuraat pera..pero… minsan, hindi naman basehan ang edad at estado sa buhay at para sa akin, kahit hindi ako gusto nung babae…okay lang basta gusto ko sya. | Estado sa buhay, Estado sa buhay, may pinag-aralan at itsura | Typical | *Siguro kapag tapat sa layunin at seryosong manligaw…tapang din. | Gusto ang babae/tunay ang nararamdaman sa babae | Variant | * Ahmmm… ano ba… yung katayuan sa buhay, may pera dapat…nakakahiya kasi kapag walang pera… ang lakas nga ng loob mo, wala namang pera..(h)…kapag tapat ang layunin sa panliligaw at pati nga pala ang may pinag-aralan… may advantage din ang pagiging friendly lalo na kapag kasundo mo na yung magulang, kapatid ng babae, pati yung kaibigan at lahat ng taong kasundo nng babae… kapag ganun… eh ano pa ba ang magiging problema di ba… | Estado sa buhay, pinag-aralan at itsura | Variant | * Kapag may lakas ng loob, malaki ang tiwala nito sa sarili na kaya niyang pasagutin ang babaeng nililigawan niya… at tsaka yung itsura, seryoso, tapat, kapag gusto ang babae… ano din… kapag ayos ang pamilya…disente…dapat maganda ang physical appearance pero hindi ang estado sa buhay… at relihiyon… | Disente, pisikal na kaanyuan at pagiging seryoso | Variant | * Alam mo, kapag gusto ang babae… kailangan din yung itsura, edad…pero hindi ang relihiyon… | Itsura at edad | Variant |
7. Sa inyong palagay, may implikasyon po ba ang pagiging barako sa antas ng panliligaw? * meron, dahil alam nilang ligtas sila sa akin. | Pakiramdam na nasa ligtas na kamay | Typical | *meron , kasi ang mga barako kilalang matatapang yan , ibig sabihin kaya nilang ipagtanggol ang kanilang minamahal. | Pakiramdam na nasa ligtas na kamay | Typical | *opo mayroon kasi ang kapag ang isang lalaki ay barako pakiramdam nila safe sila at walang sinumang pwedeng manakit sa kanila | Pakiramdam na nasa ligtas na kamay | Typical | *syempre naman kasi yang mga lalaking barako , yan yung mga malalakas ang loob ,kayang kaya kapag may nambastos sa kanilang kasintahan o nililigawan hindi sila nangingimi na makipag-away para lang maipagtanggol ang kanilang minamahal | Kayang ipagtanggol ang babae | Typical | * ay oo meron yan. Hindi naman nawawalan ng implikasyon yung pagiging barako sa panliligaw lalo na kung ang manliligaw ay kilala sa pagiging barako. | Pagiging isang barako | Variant | * oo, kasi may ibang dating ang pagiging isang barako. | Pagiging isang barako | Variant | * wala, dahil hindi takutan ang panliligaw. | Hindi takutan ang panliligaw | Typical | * para sa akin, wala kasi hindi naman kinakailangan idaan sa pagiging barako ang lahat eh, lalo na sa panliligaw | Hindi mahalaga ang pagiging barako | Typical | * wala ,hindi naman kais kailangan maging barakoat hindi lahat nadadaan sa pagiging barako. depende sa pagkakataon. | Hindi mahalaga ang pagiging barako | Typical | *oo naman , kasi ang mga barako kahit mayabang tsaka palainum, mababait naman sila at romantiko naman sila | Barako pero mabuti ang kalooban | Variant | * oo kasi ang mga barako mas maginoo, mas romantiko, mas mabait tsaka mas may respeto sa babae | Barako pero mabuti ang kalooban | Variant | * oo kasi yang mga barako , kinatatakutan yan, ibig sabihin walang sinuman ang pwedeng humarang sa kahit na anumang gustuhin nya , lalong lalo na sa panliligaw. | Kinatatakutan | Variant | *meron talaga, kapag barako ka mas malakasang loob tapos mas may pag-asa sa babae. | Mas madaling mapasagot ang babae | Variant | * Opo meron .kasi ang mga barako sinasabi or ipinapakita agad ang tunay nilang hangarin sa babaeng kanilang napupusuan. | Totoo sa nararamdaman | Variant | *ay oo syempre kasi yang mga barako malakas ang loob tsaka may pagka mayabang kaya alam ng kanilang nililigawan na walang sinumang makakabastos sa kanila | Mayabang ang dating | Variant |
8. Sa tingin nyo po, meron po bang lamang ang isang barakong manliligaw? Kung meron po anu po ito? * mayroon , ang mga barako kasi mabilis manligaw tsakamatinik sa chix ika nga ng iba. | Mabilis manligaw/ makakapagtapat agad | Typical | * mayroon , kasi yang mga barakong manliligaw eh mas mabilis yan manligaw | Mabilis manligaw/ makakapagtapat agad | Typical | *may lamang po ang mga barakong lalaki pagdating sa panliligaw kasi yung mga barako straight to the pointmagsalita .kapag gusto , sasabihin agad sa babaeng kanyang nagugustuhan. | Mabilis manligaw/ makakapagtapat agad | Typical | *sa tingin ko mas may lamang ang barako kasi ang mga barako mabibilis pagdating sa panliligaw, ayaw na ayaw nila ng nauunahan o nalalamangan. | Mabilis manligaw/ makakapagtapat agad | Typical | * syempre mas may lamang ang mga barako kasi ang mga barako mabibilis yan pagdating sa panliligaw kasi ang mga barako mas malakas ang loob nila kaya kapag may nagugustuhan sila sinasabi agad nila.. hindi sila nauunahan. | Bilis sa panliligaw sa babae | Typical | * ay oo may lamang di hamak ang barako . kasi ang barako mabiliis. | Bilis sa panliligaw sa babae | Typical | * ay oo kasi ang barako mas malakas ang loob. | Mas malakas ang loob | Typical | * may lamang, mas malakas ang loob. | Mas malakas ang loob | Typical | *mas lamang ang mga barako , kasi ang mga barako mas malakas ang loob | Mas malakas ang loob | Typical | * para sa akin , mas may lamang ang mga barako , kasi ang mga barakomas malakas ang loob nyan ,eh di paniguradong hindi sila mauunahan masasabi. agad nila ang nararamdaman nila eh. | Mas malakas ang loob | Typical | * mas may lamang ang barako , kasi ang mga barako mas malakas ang loob tsaka mas nagugustuhan ng magulang ng babae. | Mas malakas ang loob | Typical | *May lamang… sincere kasi, magaling sa decision making… at gagawa ng tama ayon sa culture. | Totoo ang nararamdaman | Variant | * may lamang ang mga barako kasi masmagaling sila mambola. | Bolero | Variant | * wala , kasi sa tingin ko mas may lamang yung hindi barako. Mas may respeto sa babae tsaka hindi katatakutan. | May respeto sa babae | Variant | * oo mayroong lamang kasi ang barakong manliligaw mas mabulaklak ang dila nyan kumbaga mas magaling . | Mas maabulaklak ang dila | Variant |
May Akda:
Si Al Ryane B. De Sagun ay dalawampung taong gulang na mula sa bayan ng San Nicolas. Siya ay mag-aaral ng Bachelor of Science in Psychology sa pribadong paaralan ng Lyceum of the Philippines University-Batangas. Siya ang kasalukuyang Tagapangulo ng Asosasyon ng Sikolohiya sa nasabing Paaralan. Ang mananaliksik ay mahilig magbasa ng mga aklat na may kaugnayan sa Sikolohiya at Siyensya. Kung kaya’t nais ipagpatuloy ng mananaliksik ang pag-aaral sa nasabing larangan.
Address: #61 Hipit, San Nicolas Batangas
Contact Number: 09051418691
Email Address: alryanedesagun@yahoo.com
Si Myricar R. Du ay dalawampung taong gulang at lumaki sa Batangas City. Siya ay isang mag – aaral sa Sikolohiya sa Lyceum of the Philippines University – Batangas. Siya ay interesado sa Sikolohiyang Pilipino, Developmental Psychology, Experimental Psychology at Industrial Psychology. Hangad nyang maging isang Sikolohista kaya naman balak niyang kumuha ng Masteral’s Degree (MA) pagkatapos niyang mag – aral upang mas mapalawak ang kanyang kaalaman sa nasabing larangan.
Address: Kumintang Ibaba, Batangas City
Contact Number: 09064317543
Email Address: myricardu@yahoo.com
Si Jasmin Magsino na tubong Nasugbu, Batangas ay isang mag-aaral ng Sikolohiya sa Lyceum of the Philippines University – Batangas. Siya ay kasalukuyang nasa ikaapat na taon sa kolehiyo. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Chito Magsino at Gng. Lunie Magsino. Siya ay labing siyam na taong gulang. Ang mananaliksik ay mahilig sa panunuod ng pelikula at paglilibot kung saan saan. Sa mundo ng sikolohiya, ang kanyang interes ay nasa larangan ng Sikolohiyang Pilipino at Sikolohiyang Industriyal