...I. Instant Baby Kahit ano pa sigurong pagtatalo ng isip ko, nandito na yun eh. Ang sakit man tanggapin na hindi ko sila makikita ng matagal, ayos na rin siguro yun. Isa pa, para sa amin din naman ito ‘di ba? Alangan naman mag-stay na lang ako doon habang-buhay at maghintay sa wala? Ano ba itong iniiyak-iyak ko? Sus, para yun lang! Ako pa! Wala naman akong hindi kinakaya. Kahit ano pang lakas ng bagyo at ulan, walang-wala naman yan sa akin. Basta ‘wag lang sobrang lakas, eh iba naman usapan na iyon. Pagsakay na pagsakay ko sa bus at unti-unti na ring umaandar, parang gustung-gusto ko nang bumaba at yakapin sila uli. Tinignan ko na lang yung huling pabaon sa akin ni Papa, at nung tinignan ko uli yung direksiyon nila eh unti-unti na ring lumiliit yung itsura nila sa kinakatayuan nila. Sabay-sabay silang kumakaway sa akin. Mahigit dalawang oras yung biyahe simula sa bahay namin. Medyo may kalayuan yung bahay namin sa bus station, at simula doon eh isang napakahabang biyahe papunta sa Villejas City. Isang napakahabang istorya rin kung bakit paalis na naman ako, pero sa ngayon, itutulog ko na lang muna yung sama ng loob ko. Nananaginip pa ako noon. Kasama pa sa panaginip ko si Richard Gutierrez at si Patrick Garcia. Sa panaginip ko, nagsho-shooting daw kami ni Richard ng isang scene sa drama na kami yung magka-partner. Bigla na lang pumasok si Patrick at naglabas ng baril. Niyakap na lang ako ni Richard sa panaginip ko at si Patrick naman eh nagsisigaw ng...
Words: 32485 - Pages: 130