Free Essay

Fili102

In:

Submitted By mgsanti
Words 649
Pages 3
Apendiks A

Balangkas ng Pananaliksik ng Ikatlong pangkat
( LANGUAGE GROUP )

I. Pamagat

Salik na Nakakaapekto sa Saloobin ng mga Mag-aaral sa Pag-aaral ng Filipino

II. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy at masuri ang mga salik na nakakaapekto sa saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan :

1. Ano ang profayl ng mga respondent ? 1.1 Kasarian 1.2 Katayuan sa buhay 1.3 Dayalekto / Unang wika

2. Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino ?

3. Anu-ano ang posibleng solusyon sa mga naitalang suliranin hinggil sa saloobin ng mga mag-aaral ?

4. Anu-ano ang mga tiyak na paraan na maaring gawin ng mga guro upang mabago ang saloobin ng mag-aaral hinggil sa Filipino?

5. Ano ang posibleng magiging bunga ng pag-aaral para sa mga gurong nagtuturo ng Filipino ?

III. Kalahok

Tinatarget ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral ng Filipino sa level sekondari.
Ang mga kalahok ay bubuuin ng apatnapung ( 40 ) mag-aaral sa ikatlong antas ng sekondari. Ang pagpili ng mga kalahok sa pag-aaral ay isasagawa ng pa-random

Kakailanganin din ang partisipasyon ng mga guro sa Filipino sa pag-aaral na ito upang matiyak ang mga istratehiyang makatutulong sa paglutas sa mga naitalang suliranin .

IV. Instrumentong Gagamitin

Gagamitin sa pag-aaral na ito ang paraang pakikipanayam.

V. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Saklaw ng pag-aaral na ito na matukoy at masuri ang mga salik na nakakaapekto sa saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino.

Ang pag-aaral ay bubuuin ng apatnapung ( 40 ) mag-aaral sa ikatlong antas ng Imus Institute, Hayskul Department

VI. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro at administrador sa paglikha ng mga makabagong istratehiya at mga programa na magpapanumbalik at magpapasigla sa interes at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Wikang Filipino.

VII. Mga Pamamaraan

1. Paghahanda ng liham para sa kinauukulan 2. Pagtiyak sa instrumentong gagamitin 3. Pag-valideyt sa instrumentong gagamitin 4. Pagsasagawa ng aktwal na pag-aaral 5. Pagtitipon ng mga kasagutan ng mga respandent 6. Pagtatali ng mga kasagutan 7. Pag-iinterpret ng mga kasagutan 8. Pagatatala ng kinalabasan ng pag-aaral 9. Paglalahad ng konklusyon ng isinagawang pag-aaral 10. Pagbuo ng rekomendasyon ng pag-aaral

Pamagat

Salik na Nakakaapekto sa Saloobin ng mga Mag-aaral sa Pag-aaral ng Filipino

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy at masuri ang mga salik na nakakaapekto sa saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino

Talatanungan :

Pangalan ( opsyonal ) : ______________________________
Kasarian : ___________________
Katayuan sa Buhay : ___________________
Dayalekto / Unang Wika : ____________________

Mga Tanong :

1. Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino ?

A. Personal

Kamalayang makadayuhan ( colonial mentality ) Hangaring magtungo at magtrabaho sa ibang bansa Miskonsepsyon sa gamit ng wika

B. Pamilya

Negatibong saloobin ng pamilya hinggil sa gamit at kahalagahan ng wika

C. Paaralan

Administrasyon

Pagbibigay ng higit na pansin at halaga sa Wikang Ingles ( oras , gawain , mga proyekto )

Guro

Pananaw ng guro sa pagtuturo ng Filipino Pamamaraan , istratehiya at istilo na ginagamit sa pagtuturo

D. Pamahalaan

Obsesyon ng kasalukuyang pamahalaan na makamit ang bentahe sa kahusayan sa wikang Ingles bilang tanging instrumento ng pandaigdigang kompetisyon.

Miskonsepsyon ng pamahalaan hinggil sa pandaigdigang kompetisyon at instrumento nito.

2 . Magbigay ng posibleng solusyon ukol sa mga naitalang salik na nakaaapekto sa pag-aaral ng Filipino

A. Personal : ____________________________________________________________

__ ____________________________________________________________

__

B. Pamilya : ____________________________________________________________

__ ____________________________________________________________

__

C. Paaralan : ____________________________________________________________

_______________ ____________________________________________________________

_______________

D. Pamahalaan : ____________________________________________________________

_______________ ____________________________________________________________

_______________

( Ang mga guro sa Filipino ay magiging katuwang ng mga mananaliksik sa pagsusuri ng mga datos at sa paglalapat ng angkop na solusyon hinggil sa mga naitalang suliranin sa pag-aaral.)

Similar Documents

Free Essay

Konseptong Papel

...ANG BENTAHE AT DISBENTAHE NG PAGSALI SA ORGANISASYON NG MGA ESTUDYANTE Isang Konseptong Papel na Ihaharap kay Gng. Mary Grace Gonzales ng Kagawaran ng Filipino at Panitikan Dalubhasaan ng Malalayang Sining at Komunikasyon Pamantasang De La Salle University- Dasmariñas Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga Pangangailangan para sa FILI102 Pananaliksik Tungo sa Pagkatutong Pangkaalamanan Ado, Ma. Alyssa Lorraine A. Bughao, Krezia Charis T. Palermo, Kevin Troi B. Ramos, Paula Mae Disyembre 4, 2014 Rasyunal Sa loob ng tahanan unang nabubuo ang katauhan ng isang tao. Bilang pangalawang tahanan, ang paaralan ay isa din sa gumaganap ng paghubog ng isang magaaral. Ito ang lugar kung saan tayo nagaaral at natututo ng mga bagay na hindi natin malalaman sa loob ng tahanan. Mga impormasyon na tungkol sa siyensa, matematika, literatura at mga wika na dapat natin malaman. Pagtungtong ng mga estudyante sa kolehiyo, madaming mas malalalim na kaalaman at karanasan ang kanilang matututunan sa unibersidad. Bilang isang estudyante, hindi lamang pang akademikong kaalaman ang nagiging pokus ng mga ito dahil sa loob ng mga unibersidad ay may mga tinatawag na extracurricural activities na nakakatulong sa paghubog ng mga talento at pagkakaroon ng estudyante ng good sociaizing skills. Hindi mawawala sa buhay ng estudyante pagsali sa iba’t-ibang organisasyon lalo na kung ang mga ito ay parte ng kanilang gawaing pampaaralan. Mayroong iba’t-ibang...

Words: 1631 - Pages: 7