...(3rd Quarter) Pananakop ng mga Dayuhan sa Asya Minsan ba’y sumagi sa isipan niyo kung ano nga ba ang mga pangyayaring naganap nung sinaunang panahon, bakit nga ba naging ganito tayo at sino ang nakaimpluwensya sa atin? Maraming katanungan ang di pa nasasagot. Kaya’t talakayin natin ang UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA (16-17 SIGLO) Bago ang pagtuklas at pananakop may ugnayan ng nagaganap sa mga Europeo at mga Asyano. Nagsimula ang ugnayang ito sa pamamagitan ng palitan ng kalakal sa mga Asyano at Europeong mangangalakal. Ang pinakatagpuan nila ay nagaganap sa tatlong pangunahing ruta ng kalakan sa Asya. Una, ang Hilagang ruta, na nagpapasimula sa China at tatawid sa lungsod ng Samarkand at Bokhara. Pangalawa, ang Gitnang Ruta, na papunta sa baybayin ng Syria at dadaan sa Golpo ng Persia at ang huli ay ang Timog Ruta na maglalayag mula sa India babagtasin ang Karagatang Indian hanggang sa makarating ng Egypt sa pamamagitan ng Red Sea. Dumating ang panahon na ang ruta ng kalakalan na nag-uugnay sa mga mangangalakal na Asyano at Europeo ay sinakop ng naghaharing Turkong Ottoman. Nang sinakop ito ng mga Turkong Ottoman tanging ang mga Italyanong mangangalakal ang pinayagan na makadaan at makipag-ugnayan sa mga mangangalakal na Asyano. Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya : Krusada: (insert Pic) Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo laban sa mga Turkong Muslim upang...
Words: 1845 - Pages: 8