...Ordonez (Kolum) NAKATUTUWANG makakita ng mga Pilipino — bagaman matagal nang mga mamamayan ng ibang mga bansa saanmang panig ng mundo — na hindi pa rin nakalilimot sa ugat ng kanilang lahi, sabik na sabik na makakita at makipag-usap sa sariling wika sa sinumang kalahi at, higit sa lahat, nangungulila sa bansang napilitang layasan dahil sa napakasamang kalagayang pangkabuhayan at panlipunan bunga ng tiwaling gobyernong lumilitaw na instrumento lamang ng pagsasamantala at inhustisya ng mga kapitalista’t asendero, ng bastardong mga pulitiko, at ng ilang mga taong naglulublob sa impluwensiya, kapangyarihan at pribilehiyo. Nakasusuka naman, sa kabilang banda, ang ilang Pilipinong mamamayang Amerikano na ngayon na nagpipilit na maging mas Amerikano kaysa tunay na mga Amerikano. Kung totoo man o pagbibiro lamang ang lumabas sa Internet, may titulong “Filipino Names = U.S. Citizens” na pinagbatayan ng artikulo ng isang Matthew Sutherland sa London Observer, nagpalit ng pangalan ang naturang mga Pilipino nang maging mga mamamayan na ng Estados Unidos bago naganap ang Setyembre 11 pagkadurog ng Twin Towers sa New York. Malinaw na tandisan na nilang ikinahihiya ang pagiging Pilipino na kahit palitan pa ang kanilang mga pangalan, hindi naman maikakaila ng kanilang mga mukha na sila’y Pilipino. Higit sa lahat, pinutol na nila ang anumang ugat na mag-uugnay sa dati nilang bansa — wika man, kultura o kaugalian. Nagbibiro man o hindi si Sutherland, sinalaula ng naturang mga Pinoy-Amerikano hindi...
Words: 1590 - Pages: 7
...mga Pilipinong Muslim. Ipinakikita ng may akda kung ano ang papel nila sa lipunang Pilipino noon at kung paano sila nakipaglaban sa pang-aapi ng mga dayuhang mananakop sa loob raw ng halos apat na dekada. Inilahad dito ang apat na dekada ng pagpapahirap ng dayuhan sa kanila at ang hindi nila natinag na damdamin sa paglaya. Sila ang mga mukha na hindi nabigyang pansin sa kasaysayan na layunin marahil na mapansin sa pagsulat ng akda o kabuuang libro ng The Moro Readers. Noong pre-kolonyal na panahon pa lamang raw sa bansa, malaki na ang impluwensyang pulitikal ng mga Pilipinong Islam. Marami sa mga grupong islam ang namumuno sa mga sultanato sa maraming lugar, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Brunei, na nagpahirap sa pananakop ng español. Ilan sa mga sultanato ay ang sultanato sa sulu sa pinamunan ni Raja Baginda at ang naging unang sultanato ay sharif abubakar. Sa Central Mindanao naman si Raja Kabunsuan at si Sultan Kudarat sa Maguindana. Malaki ang kinalaman ngpagpapakasal sa iba't ibang pangkat o grupong etniko sa pagpapalawak ng impluwensyang pulitikal at teritoryo na ginawa ng mga nabanggit. Maging sa ekonomiya, sinabing noon pa man ay aktibo ng kabilang sa East Asian maritime trade o ang Sulu Zone. Bagamat magkakaiba ng pinamamahalaan ang mga sultanato, nagkakaisa sila sa pakikipaglaban sa kanilang kaaway. Ang pakikipaglaban ng mga Moro sa Kolonyalismo ay hinati ng mga kolonyalista at mga elite bilang tatlong proseso ng kolonyalismo sa mga Moro ayon kay Teopisto...
Words: 1205 - Pages: 5
...“Ang Katamaran ng mga Pilipino” 1. Anyo ng Panitikan Sanaysay - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maayon rin ito kung turingan sapagkat ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro 2. Layunin ng may akda Maipaalam ang mga dahilan kung bakit tinatawag na tamad ng mga dayuhan o ng mga Kastila ang mga Pilipino na tamad sa kabila ng mga bagay na ginawa nng ating mga ninuno sa kanila.Mga dahilang siyantipiko at mga katotohanang tayo tayo lamang ang nakakaintindi sa panahong iyon. 3. Kaugnayan ng akda sa buhay ng manunulat Isinulat ito ni Rizal sa pangalawang pagkakataong pagpatong nya ng Europa. Hinggil sa mga sinasabi ng mga Kastila na paninira nila sa ating mga Pilipino mga pang-iinsulto na mayroong mga maling batayan. Ang pagsasabi nila ng tamad sa ating mga ninun ang pinakarason ni Rizal patungkol dito. Mga pasubali na binigyan ni Rizal ng mga katanggap-tanggap na mga kasagutan. 4. Ipaliwanag ang Sosyo-Pulitika na na ugnayan ng akda sa panahon ng pagkakasulat nito. ...
Words: 1617 - Pages: 7
...At dahil din sa kanya ay nalaman ng mga manunuod ang halaga ng Wikang Filipino sa ating buhay at kasaysayan. Tagalungsod, tagalalawigan,ang iba’y nagbalikbayan Isang lahing kinamulatan, sa isang bansa isinilang, May sariling wika na sa puso at isipa’y nakapunla Liping hindi ikahihiya dahil sa Pilipinas tayo nagmula. Wikang Filipino,hatid sa madla’y karunungan Sumasalamin sa kalinangan at damdaming makabayan, Tulay na nag-uugnay sa pagpapahayag ng kaisipan Nagsisilbing kawing tugon sa pag-uunawaan. Wika’y pundasyon sa karunungang pantao Tagapaghatid ng kaalaman at katangian ng Pilipino, Mahalaga sa usapan at pangangatwirang totoo Marapat na pahalagahan para sa kaunlaran at pagbabago Matagal ng usapin pagpapaunlad sa wika ng bayan Dahil lubos na niyakap,wikang nagmula sa dayuhan, Dayuhang dumusta, ginulo ang isipan Kaya ng tayo’y lumaya, nawala sariling pagkakakilanlan. Sa ganitong kalagayan, dalubwika may mithiin Masusing pinag-aaralan pag-unlad ng wika natin Para matutunton ang kaganapan ng lahat ng naisin Ang mapayabong pa ang lahat ng mga wikain. Upang matugunan ang suliranin ng sambayanan Wikang magbibigkis, siya nating kailangan Kung wikang Filipino ang gagamitin sa araw-araw Tiyak itong epektibo , mga gawa’y makabuluhan. Wika nati’y yayabong kung tatanggapin ang pagbabago Na gamitin ang diyalekto at salitang hiram sa kausap mo, May batas na nagpapahintulot na pag-aralan ang mga ito Huwag lang kalilimutan...
Words: 378 - Pages: 2
...ito. Maaaring alam ko nga ang mga usapin tungkol sa pananakop ng mga dayuhan o sa pamumuno ni Marcos ngunit hindi pa ganoon kalawak ang aking isipan noong mga panahong iyon. Sa maikling panahon ng pag-aaral at pagtatalakay tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas ay marami akong napagtanto at natutunan. Marahil ang iba sa atin ay sobrang nagsasawa na sa mga usapin tungkol sa kasaysayan pero kung tutuusin ay hindi dapat iyon mangyari. Napag-isip-isip kong napakahalaga pala talagang pag-aralan natin ang mga bagay na ito upang mas lalo pang mapalawak ang bawat isipan natin at maaari rin itong makatulong upang malaman natin kung ano nga ba ang dapat nating sabihin, gawin, o kung ano nga ba ang dapat nating maging reaksyon sa lahat ng nangyayari sa bansa natin. Edukasyon. Isang salita lamang ito ngunit napakadami mo ng mapapagtanto o matututunan. Sobrang makabuluhan ng salitang ito, lalo na ditto sa Pilipinas. Para sa akin, isa ang edukasyon sa mga nagpapatunay ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino. Mukha ngang ito pa ang nangunguna sa listahan ng mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tila wala pa rin sa bokabularyo ng mga tao ang pagkakapantay-pantay. Sa mga eskwelahan o unibersidad pa lamang ay kitang-kita mo na talaga ang napakalaking agwat nila sa isa’t-isa. Lalo lamang naging mas makabuluhan ang salitang Edukasyon nang ito ay maging Misedukasyon. Masyado tayong naniwalang natulungan tayo ng mga Amerikano sa pamamagitan ng Edukasyon pero ang totoo ay hindi naman pala. “Education...
Words: 515 - Pages: 3
...tahanan ng manananggol na si Ginoong Pasta at siya’y hindi muna pinansin habang ito’y nagtatrabaho – binigyang halaga lamang siya nang nalaman na ang kanyang amain ay si Padre Florentino. Sila’y nagtalo ukol sa pagpapatayo ng paaralan ng kastila, at si Isagani ay nagbibigay ng mga katwiran na hindi masagot nang mahusay ng Ginoo. Sa bandang huli ay hindi nila maaasahan ang pagtulong ng manananggol sapagkat tutol siya rito at walang nais na makialam sa panukala. Ayon kay G. Pasta ay kung marami lang sana silang mga kabataan na gayon mag-isip, hindi sana siya tumanggi. Kaugaliang Pilipino: Mayroong mga Pilipino na ninanais ang pananatili sa ilalim ng pananakop ng mga Kastila subalit mayroon din namang iba na nais ang sariling kalayaan at karunungan. Sakit ng Lipunan: Ang pagtatanggi ng ibang mga Pilipino na makiisa sa pagpapaunlad ng ating bansa; sila’y walang pakialam at hindi rin nais makialam. Ipinapakita nito ang kakulangan ng nasyonalismo at pagpapa-impluensya sa mga dayuhan. rito ang usapan nina Isagani at G. Pasta. Nagkaroon ng palitan ng Kuru-kuro ang dalawa. Kinukumbisi ni Isagani si G. Pasta na umayon sa kanilang nais at tulungan sila. Ngunit sa huli ay nabigo pa rin si Isagani. Tumanggi si G. Pasta na tulungan sila. Si Senyor Pasta - Ikinuwento ni Isagani kay Senyor Pasta ang kanilang sitwasyon at ang naging reaksyon nito ay mapanganib daw ang ganyang uri ng mga petisyon, mas mabuting hayaan daw na gobyerno ang kumilos. Nagtungo si Isagani sa bahay ng abogadong...
Words: 488 - Pages: 2
...na ang pagtingin ng isang pamahalaang pilit na itinutulak ang wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan. Sa panahon daw kasi ng globalisasyon, magiging susi raw ito ng pag-unlad ng Pilipinas. Kung marunong ka raw mag-Ingles, lahat ng oportunidad ay mapapasaiyo. Anong klaseng oportunidad naman ang naghihintay sa iyo? Basta’t kaya mong gayahin ang accent ng mga Amerikano, puwedeng-puwede kang makapasok sa call center na mataas ang suweldo. Kung mangingibang-bansa ka naman, mas madali kang makukuha sa anumang trabahong kaya mong gawin dahil alam mo ang wika ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong daigdig. Hindi bale nang magkaroon ng reputasyon ang Pilipino bilang dakilang domestic helper o caregiver. Ang mahalaga sa gobyerno’y siguraduhing matuto tayong mag-Ingles para makalabas ng bansa at makapagpadala ng dolyar. Lubhang kailangan ang huli para maisalba ang ating ekonomiya. Kaya huwag ka nang magulat kung umabot na sa 8,726,520 ang bilang ng mga Pilipinong nasa ibang bansa, ayon sa datos ng Commission on Filipinos Overseas noong Disyembre 2007. At kung interesado kang malaman kung saan may pinakamaraming Pilipino, ito ay walang iba kundi sa Estados Unidos (EU). Alam mo bang may 2,802,586 na Pilipinong nasa EU, at 90 porsiyento sa kanila ay permanente nang naninirahan doon? May mahalagang papel ang wikang Ingles sa ekonomiyang outward-looking, export-oriented at foreign investment-led tulad ng Pilipinas. Ang anumang pangkaunlarang plano ng gobyerno’y depende...
Words: 2098 - Pages: 9
...ANG SPRATLYS AY PARA SA PILIPINAS. SANA MAISIP ITO NG TSINA. by: Aurora Metropolis Ito ay isang pananaw na nagpaparating ng aking bugso ng damdamin bilang isang Pilipinong lumalaban para sa diplomatikong karapatan ng aking bansa. Humihingi na agad ako ng paumanhin sa mga kaibigan kong Tsino at Tsinoy na makakabasa’t makakaintindi ng lathalaing ito kung makakapagbanggit man ako ng mga sitwasyong sangkot kayo at lahing pinagmulan ninyo. Ito ay isang simpleng sanaysay ng mga masasakit na katotohanang kailangang pag-isipan at mapagtanto ng pamahalaan ng Republika ng mga Mamamayan ng Tsina. Ito sana’y lubos ninyong maunawaan dahil alam kong kahit singkit ang inyong mga mata, maputi ang inyong balat at ganap ang pagka-Tsino sa inyong buong panlabas ng katauhan, may dugong Pilipino na rin ang dumadaloy sa inyong sistema. Umaasa ako ng inyong simpatiya ukol dito. Maraming taon na’ng pinagdidiskusyunan ang pagmamay-ari sa isang maliit na grupo ng mga isla sa West Philippine Sea na diumano’y may malaking deposito ng langis at enerhiya. Ang Spratly Group of Islands o ang Kalayaan Group of Islands – isang pulutong ng mga pirasong lupa na bahagyang makikita kapag low tide at nawawala sa paningin kapag high tide – pero magkagayunman ay pinag-aagawan ng mga bansang nakapaligid sa karagatang dati’y tinatawag na South China Sea. Sa lahat ng nakikiagaw na bansa, ang hindi ko maintindihan ay ang pakikisali ng bansang Tsina sa pang-aangkin ng Spratlys. Paano? Bakit? Ano ang gusto nilang ipamukha...
Words: 1074 - Pages: 5
...Ang Pananakop ng mga Espanyol Kolonisasyon at Kristiyanisasyon Sa pagdating ng mga dayuhang Espanyol sa ating bansa, naging magulo na ang pamumuhay ng mga Pilipino. Layunin ng mga Espanyol na sakupin at pamunuan ang Pilipinas. Mayroong dalawang estratehiya sa pananakop ang mga Espanyol, ang Ebanghelisasyon; na sinasagisag ng krus. Ito ay isinasagawa sa mapayapang paraan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa ating bansa sa paraang Kristiyanisasyon. Ikalawa ay ang Kolonisasyon; ito ay isinasagisag ng espada. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng lakas-militar. Subalit naging mas epektibo ang paggamit ng ebanghelisasyon na pinamunuan ng mga prayleng Espanyol na ginamitan nila ng sandatang krus, rosaryo at dasal. Nabihag naman nila ang puso ng mga pilipino dahil sa pamamaraang ito. Nagpatupad sila ng mga patakaran katulad na lamang ng Entrada, Reduccion at Doctrina, na nagdulot ng matinding transpormasyon sa mga sinaunang pamayanang Pilipino. Entrada; ito ang unang pagsakop na isinagawa ng mga Espanyol na ginamitan nila ng puwersang militar. Matapos nito sumunod naman ang mga paring misyonero at mga pinunong sibilyan naman ang pumasok sa bagong sakop na katutubong komunidad. Sila ang nangasiwa sa organisasyong politikal sa pamamagitan ng reduccion. Samantala, ang mga paring misyonero naman ang nangasiwa sa pagpapatupad ng doctrina. Sila ang nangangasiwa sa pabibinyag ng mga katutubong itinurin nilang pagano. Maliban dito nagpatupad din sila ng "sistemang...
Words: 2453 - Pages: 10
...WIKANG PAMBANSA INTRODUKSYON Ayon kay Barker at Barker, ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan nito ang ating kultura ar mgfa tradisyon. Maari raw mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika ay naibabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan at maging ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumunod at sumusunod pang henerasyon ay natututo o maaring matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali. Masasabi kung gayon na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayto sa mga aspektong intelektual, sikolohikal at kultura. Ganito rin kaya ang mangyayari sa inyo kung babalikan natin at susuriin ang kasaysayan n gating wikang pambanasang Filipino? KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO Mahigit sa 7 000 mga isla ang bumubuo sa Pilipinas na may ibat-ibang wika na ayon kay McFarland ay may bilang na 109. Samantala, ayon naman kay Constantino, may higit sa 500 mga wika at dayalekto ang bansa batay na rin sa pagkakaroon ng ibat-ibang etnikong grupong nakatira sa bawat rehiyon na abg Pilipinas ay isang bansang may komplikadong sitwasyon linggwistikal. Binubuo ito ng ibat-ibang grupong etnolinggwistiko na pinapangunahan ng Cebuano, Tagalog, Ilokano, Hiligaynon, Bicolano, Samar-Leyte, Waray, Kapampangan at Pangasinense na ayon kay McFarland ay samasakop sa 90% ng kabuuang populasyon ng bansa kasama na ang Maranao. Ayon naman kay Quakenbush, pansampu ang...
Words: 3854 - Pages: 16
...inalagaan, hanggang kami'y iyong ipinanganak. Sanggol pa lang kami halos ayaw mo kami makagat ng kahit anong insekto, mula ng Nagkaisip, nag-aral nandiyan ka sa tabi namin. Ginawa mo ang lahat ng bagay para kami'y mabuhay ng maayos at lumaki ng may takot sa diyos. Inaruga mo kami ng higit pa sa buhay mo, ayaw mo kami masasaktan o magugutom man lang. kinakaya mo lahat ng bagay para sa amin at para sa iyong kabiyak, tinalikuran mo ang lahat ng marangyang bagay para sa amin, hindi ka sumuko sa lahat ng pagsubok na dumating sayo, kapag nahihirapan ka ay umiiyak kana lamang at nagdarasal ka. kahit kailan hindi ka naging maramot sa amin at sa iyong kabiyak, kahit wala ka na basta maibigay mo lahat para sa amin, iniisip mo lagi ay mga bagay na makakapag pasaya sa amin, wala akong narinig sayo na kahit anong hinaing na kahit alam ko at nararamdaman ko ang hirap na iyong nararanasan. Para sa akin ikaw ay isang ulirang ina, matatag, may paninindigan at may takot sa diyos. Na kahit hanggang ngayun na alam kong ikaw nahihirapan ay nandiyan ka pa rin, nananatiling nagpapa-alipin at nag-aalaga sa kanya, pasenya kana ina kung minsan ay masyado siyang perpekto, kung puro sakit ang binibigay niya sayo. Kung kaya ko lang akuin ang mga bagay na nagpapahirap sayo, ang mga masasakit na salita na naririnig mo, ay aakuin ko. O aking ina sana ay maging mas matatag ka ngayun, alam ko na kaya mo ang lahat ng pag subok na dumarating sayo, alam ko na minsan ay napapagod kana sa yong buhay pero kinakaya...
Words: 1169 - Pages: 5
...Tradisyonal na Kasaysayan: Epekto sa Nasyonalismo at Pambansang Identidad ng mga Mag-aaral Charina B. Agcaoili Introduksyon Ang nasyonalismo ay pag-ibig sa bayan. Bahagi nito ang paggigiit sa soberanya ng bansa, kalayaan, at pag-asa sa sariling kakayahan (Lichauco, 1968). Isa rin itong malinaw na konsepto ng mga elementong bumubuo sa pagiging nasyon ng isang bansa, at bagay na nagtatangi at nagpapakita ng kaibahan nito sa iba pang nasyon (Alfonso, 1967; De La Costa, 1965; Osorio, 1963; Tañada, 1955). Sa pananaw ni Rizal, ang nasyonalismo ay pagsasakripisyo para sa bayan. Handang kalimutan ng isang taong makabayan ang kanyang sarili para maisulong ang kabutihan ng kanyang mga kababayan. Higit sa lahat, gagawin niya ito nang walang pag-aalinlangan o “sin dudas, sin pesar” (Quibuyen, 1999; Marquez-Marcelo, 1984). Kaugnay din ng nasyonalismo ang katapatan sa mga institusyon, tradisyon, at pagpapahalaga sa kasaysayan (Abueva, 1999). Mahalaga ang pagkakaroon ng mga mamamayang makabayan sa pagsulong ng isang bansa (Loong, 2007; de Quiros, 2002, Lumbera, 2000). Sa ika-19 na dantaon ng Meiji, ang nasyonalismo ang nagbigay-sigla sa mga Hapones na hangaring mapantayan ang kalagayan ng mga bansang nasa Kanluran. Ito rin ang dahilan ng pagsusumikap ng mga Tsinong paunlarin at gawing moderno ang kanilang ekonomiya (Loong, 2007). Umunlad naman ang mga bansang tulad ng Timog Korea, Rusya, Britanya at Pransya bunga ng mga mamamayang makabayan. Maliban dito, mayroon silang malalim na pag-unawa...
Words: 6875 - Pages: 28
...EDUKASYON NG PILIPINO Renato Constantino (Malayang salin ni Luis Maria Martinez) Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagpupunyaging magtamo ng kalayaang pangkabuhayan at pampulitika at nagnanais na muling madalisay ang sariling kultura. Tayong mga Pilipino ay isang gayong bansa. Dahil dito, ang ating edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong may pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat itong lumikha ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na lakas ng loob na kumilos at magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan. Makabayang Pagkilos sa Edukasyon Ilang taon na ang nakalipas sapul nang umalingawngaw ang mga makabayang kahilingan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang mga makabayang kahilingang ito ay binigyang-linaw at ipinalaganap ng yumaong Claro M. Recto. Marubdob na isinulong ang mga kahilingang kilalanin ang kapangyarihan ng Pilipinas sa mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Iginiit ang pagtutuwid ng mga tiwaling ugnayang pangkabuhayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Minsa’y nahamig ang suporta ng mga mangangalakal na Pilipino sa patakarang Pilipino Muna, at maraming iskolar at ekonomista ang nagmungkahing gawing kagyat na kahilingan ng bansa ang paglaya ng ating ekonomya. Nakita sa larangan ng sining ang mga palatandaan ng bagong pagpapahalaga sa ating kultura. Anubaga’t niririndi ng sanlaksang makabayang pagkilos ang iba’t ibang larangan ng gawain. Ngunit...
Words: 17033 - Pages: 69
...dayuhang palabas, ilan rito ang anime, cartoons, mga asianobela, mga american sitcom at mabibilang rin dito ang mga nauusong girl groups at boy bands ng mga bansang Japan, Korea at USA. Ilan sa mga grupong ito ay ang SUPER JUNIOR ng Korea na kinahuhumalingan ng mga kababaihan dahil puro lalaki ang miyembro nito, “nobody, nobody but you!” ang sikat na linya sa kanta ng Wonder Girls at 2NE1 ng Korea, na puro kababaihang talentado ang miyembro. Hindi maitatanggi ang pagkahumaling ng mga kabataan sa anime at manga ng Japan. Patunay rito ang panggagaya sa pananamit at maging sa pananalita ng mga paboritong karakter o “Cosplay” kung tawagin. Gayundin ang mga asianobela na inaabangan gabi-gabi sa primetime, patunay nito ang mga remake na Pinoy version ng mga asianobelang ito. Ang mga Pilipino ay experto na sa panggagaya sa mga dayuhan nauso rin sa atin ang korean cut, hindi nga naman magpapahuli ang mga pinoy pag usapang fashion. Saksi tayo sa malawakang epekto nito sa ating komunidad, sa mga kabataan maging sa mga nakakatanda, ngunit hindi lamang ito mararamdaman sa loob ng ating bansa, ito’y ramdam din sa karatig bansa maging sa boung mundo. Kaugnay ng pag-aaral na ito, ang pag-aaral na isinagawa ng ibang bansa patungkol sa suliraning ito. Ayon sa Foreign-Chinese Split, sa arikulong ito inilahad ang hindi opisyal na paglayo ng Chinese Community sa dayuhang medya. Isa sa biniyang pansin sa artikulong ito ay ang sikat na American sitcom na “FRIENDS” at ang epekto nito sa Chinese...
Words: 1274 - Pages: 6
...Kilala natin siya na senior author ng isa sa pinakapopular na teksbuk sa nakalipas na limang dekada, ang History of the Filipino People na malamang sa malamang nagamit natin noong tayo ay nag-aaral pa. Nagtapos siya ng BA at MA sa Kasaysayan sa Unibersidad ng Pilipinas. Ngunit marahil, kaya naging popular na historyador ay dahil sa galing ng kanyang panulat. Bago kasi siya nagturo sa UP ay nagtrabaho muna siya sa Surian ng Wikang Pambansa, kilala sa kanyang mga tula at kwento. Isa sa kanyang mga tula ay ang “Republikang Basahan” na isinulat noong panahon ng mga Hapones: “Republika baga itong busabos ka ng dayuhan, ang tingin sa tanikala’y busilak na kalayaan? Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi, ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari?” Nagwagi siya ng unang gantimpala sa Paligsahan ng Republika ukol kay Andres Bonifacio noong 1948 para sa kanyang obra maestrang The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan. Dahil sa kanyang mga aklat ukol sa Rebolusyong Pilipino at panahon ng mga Hapones sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, walang nais na magturo ng mga subject na ito sa Unibersidad ng Pilipinas kahit wala siyang doktorado. Sabi niya kay Ambeth Ocampo, “Sinong magtuturo sa akin?” Sa mga akda raw naaalala ang mga tao, hindi sa mga titik na sinusundan ng kanyang pangalan. Tomoh! Isa sa tagapagtatag ng Philippine Historical Association noong 1955 at naging tagapangulo ng UP Departamento ng Kasaysayan mula 1963 hanggang 1969...
Words: 2151 - Pages: 9